Chapter 52
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#WTG52 Chapter 52
"Jersey?"
"Yes?" sagot ko nang tumawag si Shanelle sa akin. Normally, ayoko talaga sumasagot ng personal na tawag kapag nasa trabaho ako kasi gusto ko na naka-focus lang ako roon. Kaso, si Shanelle ay hindi naman tumatawag talaga. So, naisip ko na baka importante.
"Do you know where Niko is?"
"Sa hearing, 'di ba?" sagot ko habang naghahanap ng makakain. Kaka-tapos lang kasi nung meeting ko and kailangan kong kumain para gumana iyong utak ko. Ang hirap naman kasi rito sa Labor na malalaking kumpanya ang kalaban mo. Isa lang ako tapos kalaban ko team of lawyers? Nasaan ang hustisya?!
"Jersey," pagbanggit niyang muli sa pangalan ko.
"Shanelle?" paggaya ko dahil natawa ako sa tono niya.
"You haven't heard yet."
Mabilis na kumunot ang noo ko. Napa-tuwid ako ng tayo. Bahagyang humigpit ang pagkaka-hawak ko sa cellphone ko. "Ang alin?" tanong ko. Ramdam na ramdam ko iyong unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko, iyong pagsikip ng dibdib ko.
Para akong masusuka.
Akala ko okay na.
Parang bumalik ulit ako sa dati.
Nung mga panahon na hindi ako maka-labas dahil sa takot sa kung ano ang kayang gawin ng pamilya ni Nikolai... Iyong nangyari sa BAR exam...
"Shanelle—"
"Where are you? Puntahan kita."
"Nasa office ako. Ano ba kasing meron?" tanong ko. "Sabihin mo na. Kinakabahan ako. Ano'ng nangyari kay Nikolai?" Kinuha ko iyong work phone ko at sinubukang tawagan si Nikolai roon, pero hindi ko siya ma-contact. Agad akong tumayo at kinuha iyong susi ng sasakyan. Ni hindi ko nagawang magpaalam dahil ang kailangan kong malaman kung nasaan si Nikolai. I swear to god! Kung hindi niya ako papayagang mamatay, 'wag din siyang mamamatay! Tangina siya! Iiwanan niya ako sa pakshet na mundong 'to?!
"Hindi ko ma-contact si Nikolai. Nasaan ba siya?" tanong ko habang halos takbuhin ko iyong sasakyan.
"Where are you?"
"Tangina naman, Shanelle. Paki-sagot muna 'yung tanong ko!" naiinis na sagot ko dahil kung saan-saan na napupunta iyong imagination ko!
"Just calm down—"
"Paano ako kakalma sa tono ng boses mo?!"
"I just don't want to get you into an accident. If you're driving, please just pull over," kalmadong sabi niya. Isinandal ko iyong ulo ko sa steering wheel at huminga nang malalim. Ilang segundo akong tahimik. Hindi patay si Nikolai. Hindi siya pwedeng mamatay. Tangina niya.
"Okay," mahinang sabi ko bago nagsimulang ipaliwanag ni Shanelle kung ano iyong nangyari.
Sinubukan kong magdrive.
Sinubukan kong gumalaw.
Nanginginig iyong buong sistema ko.
Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko iyong kaninang umaga... Ang saya-saya niya pa dahil may nagagawa siya para sa kaso ni Assia... Hindi siya pwedeng mawala. Hindi ngayon. Hindi niya ako pwedeng iwan. Pupunta pa kami sa beach. Aalis pa kami. Iiwan pa namin lahat sila.
Pinuntahan ako ni Shanelle. Hinatid niya ako pauwi. Kanina ko pa tinatawagan si Nikolai pero biglang hindi na siya ma-contact. Nanginginig iyong mga kamay ko habang tinatawagan ko iyong tatay niya... Hindi ko na alam kung kanino ako lalapit.
"Si Nikolai—"
"We're already on it, Jersey."
"Hindi naman—" sabi ko habang napa-hinto. Wala naman na kaming ginagawa. Simula nung gawin nila iyong sa BAR exam, lumayo na kami ni Nikolai. Kahit na para kaming kinakain ng konsensya namin, nanahimik kami... siya. Kitang-kita ko iyong pagka-guilty niya, pero mas pinili niyang 'wag ng sumali para matahimik kaming dalawa.
Bakit ba ayaw nila kaming tigilan?
"We don't know anything yet, Jersey. I'll inform you once we get any news." Hindi ako nagsalita. "Just stay safe, Jersey. Nikolai will kill me if anything happens to you."
Paikut-ikot lang ako sa condo.
Hindi ako mapakali.
Hindi na siya ma-contact.
Hindi ako madasalin na tao... pero ilang beses akong nakiusap na 'wag si Nikolai... Lagi niyang sinasabi sa akin na hindi niya kaya kapag nawala ako... Pero mas hindi ko kaya kapag wala siya.
Agad akong tumakbo papunta sa pinto nang marinig kong may sumusubok bumukas nun. Laging sinasabi ni Nikolai na 'wag akong basta-bastang magbubukas ng pinto hanggang hindi ko tini-tignan kung sino iyong nasa kabilang banda, pero wala na akong pakielam. Kailangan ko lang makita kung—
Gusto ko siyang sampalin.
Buhay pa siya pero hindi niya man lang nagawang magtext sa akin?! Kahit isang salita lang?!
Gusto ko siyang sigawan. Gusto ko siyang sampalin. Gusto ko siyang saktan, pero hindi ako maka-galaw nang bigla na lang tumulo iyong luha sa mga mata niya.
"I'm tired," mahinang sabi niya habang dire-diretso iyong pagbuhos ng luha sa mga mata niya. Hindi pa rin ako maka-galaw. Hindi ko alam ang gagawin.
Para siyang... ubos na.
Parang narating niya na iyong dulo.
"Let's just leave... I don't think I can take any more..."
Gusto kong lumapit para hawakan siya, para yakapin siya, pero hindi ako maka-galaw dahil sa itsura niya... parang wala ng lakas na natira sa kanya...
"Jersey, I give up. I can't keep on trying to do the right thing just to watch them kill people... just like that. I don't have any fight left in me anymore..."
Huminga ako nang malalim... at niyakap siya. Hindi ko alam iyong sasabihin ko sa kanya. Ramdam na ramdam ko iyong pagod niya... kasi napapagod na rin ako.
* * *
Buong gabi ko lang yakap si Nikolai hanggang sa maka-tulog siya. Tahimik lang siya. Ni hindi niya magawang sabihin sa akin iyong nangyari. Ang sabi niya lang, na-late daw si Tali kaya nagpa-huli sila. Kung nandun din daw sila—
Fuck.
Ayokong isipin.
"What time is it?" tanong niya nang magising siya. Nag-email na ako sa trabaho na hindi ako makaka-pasok ngayon. Hindi ko pa alam kung ano ang plano ni Nikolai. Kung gusto niyang umalis, aails kami. Magpapaalam ako sa trabaho. Gagawin namin kahit ano ang kailangan niya.
"8am pa lang," sabi ko pero naupo siya sa kama. Inihilamos niya iyong dalawang kamay niya sa mukha niya. Inilagay ko lang iyong kamay ko sa likod niya at hinagod iyon. "Ano'ng gusto mong kainin? Magluluto ako..."
Pero umiling siya.
"I need to go."
"Saan ka pupunta?" kinakabahan na sabi ko. Parang... ayoko na lang siyang palabasin dito sa condo. Dito na lang kami. O umalis na talaga kami. Iyong kaba ang talagang papatay sa akin.
"I need to talk to the family."
Natigilan ako.
"Fuck," mahinang sabi niya. "What the fuck do I say to them, Jersey?"
Napaawang ang labi ko.
"I'm sorry your husband's dead? I'm sorry you don't have a father anymore. I'm sorry you lost your son. What the fuck do I say to the families of those people, Jersey?"
Hindi ako nagsalita kasi hindi ko rin naman alam kung ano ang dapat niyang sabihin. May tamang salita ba para sa ganoon? Kasi ako nung nalaman ko na wala na si Mama... kahit ano'ng salita ang gamitin, ganon pa rin iyong naramdaman ko.
Masakit pa rin.
Wala nga sigurong tamang salita.
"Hindi ko alam... pero sa tabi mo lang ako..." mahinang sagot ko sa kanya.
Halatang-halata iyong pamamaga ng mga mata ni Nikolai dahil sa nangyari kahapon. Kung ako lang ang masusunod, sa loob na lang siya ng condo at hindi na kami lalabas. Mageempake na kami at pupunta na kami sa beach. Bahala na silang lahat d'yan. Tangina lagi na lang kaming nadadamay sa problema ng ibang tao!
Sobrang bigat ng paligid nang magkita-kita kami. Tahimik lang si Vito at halata rin na wala pang tulog. Si Sancho na hindi nagsasalita at parang lasing pa. Si Tali... nakaka-takot. Hindi siya nagsasalita, pero nakaka-takot iyong mga mata niya.
At si Nikolai sa tabi ko na parang kandilang upos.
Isa-isa naming pinuntahan iyong pamilya ng mga namatayan. Tahimik lang ako habang pinapanood sila na kausapin iyong mga pamilya. Tahimik lang ako habang humi-hingi sila ng patawad. Ilang beses nasampal sila Vito, pero panay lang ang paghingi nila ng patawad.
"Kumain naman kayo, please," sabi ko sa kanila dahil walang gumagalaw sa pagkain sa harap nila. Walang nagsalita. "Kahit tubig na lang..."
Tumayo ako at iniwan sila sandali. Lumabas ako at huminga nang malalim. Nakaka-pagod. Wala pa kami sa kalahati ng mga kailangan naming puntahan... Hindi nila alam kung ano ang isasagot sa mga tanong na baka naman buhay pa... Kasi wala pa namang nakikitang katawan...
Pero alam namin lahat na wala na.
Pero ang hirap sabihin.
"Tali..." sabi ko nang makita ko siya sa tabi ko. Naka-hawak din siya sa railings at naka-tingin sa langit. "Kumain ka, please..."
Tumingin siya sa akin. "I'm okay."
Umiling ako. "Hindi ka okay."
Mapait siyang napa-ngiti. "I'll be okay," sagot niya. "Don't worry about me... Worry about Niko." Napaawang ang labi ko. "He's the one who found Patricia. He's the one who promised her that everything will be fine... He has to talk to her son... her 3-year-old son... paano niya sasabihin na wala na iyong mommy niya?"
Humigpit ang hawak ko.
"So, don't worry about me, Jersey, I'll be fine... once I'm done suing their fucking asses," sabi niya at ngumiti sa akin bago naglakad pabalik.
* * *
Halos lubog na iyong araw nang maghiwalay kami. Hindi namin napuntahan lahat ng pamilya. Aalis ulit kami bukas. Tuloy pa rin iyong kaso ni Assia. May nakuhang verified testimony si Tali bago nawala si Patricia, iyong star witness sa kaso ni Assia. Just in case lang daw... Hindi naman namin akalain na hayop iyong mga Villamontes na iyon na kaya nilang gawin iyong ginawa nila.
Ang daming nangyayari.
"You don't have to come with me," sabi ni Nikolai.
"You insult me." Agad siyang napa-tingin sa akin. Hinawakan ko iyong mukha niya gamit ang magkabila kong mga kamay. "Hindi ako aalis sa tabi mo, okay? Deal with it. Dito lang ako."
Lumambot iyong ekspresyon sa mukha niya.
"I love you..." mahinang sabi niya.
Ngumiti ako at niyakap siya. "I love you..." sagot ko. "Dito lang ako palagi..."
Panay ang paghinga ni Nikolai nang huminto kami sa lugar kung nasaan iyong batang naiwan ni Patricia. Tumingin sa akin si Nikolai.
"What do I say to the kid?"
"Hindi ko alam... sabihin mo na lang iyong totoo..."
"That what? Her mom's dead?"
Tumango ako. "Ipaliwanag na lang natin nang maayos..."
Napa-sandal muli iyong ulo niya sa steering wheel. Parang anumang oras ay bibigay na iyong katinuan ni Nikolai. Pinipilit niya na lang bumangon araw-araw dahil may mga kailangan pa siyang gawin at tapusin.
"Ano'ng... mangyayari sa bata?" tanong ko.
"I don't know..." sagot niya. "But Patricia made me promise that her son will have a good life."
Naka-tayo lang ako sa isang gilid habang pinapanood si Nikolai na ipaliwanag sa bata na wala na iyong nanay niya. Ilang beses nagpaliwanag si Nikolai dahil hindi niya alam kung paano sasabihin na patay na iyong nanay niya kaya kung anu-ano ang sinasabi niya... na umalis lang... pero tinanong kung kailan babalik... na nasa heaven na raw... pero tinanong kung pwede rin ba pumunta roon.
Hanggang sa sinabi niya na.
Na patay na.
Doon nagsimulang umiyak iyong bata.
Na para bang naintindihan niya.
Nag-iwas ako ng tingin dahil parang binibiyak iyong puso ko habang nakikita ko iyong bata na umiyak dahil patay na iyong Mama niya... Patay na rin iyong tatay niya... Sino na lang ang maiiwan para sa kanya? Wala na siyang magulang...
Hinawakan ko lang iyong kamay ni Nikolai habang naglalakad kami pabalik sa sasakyan. Tahimik kaming nasa loob ng sasakyan. Walang nagsasalita. Ang bigat-bigat.
"Nikolai..." pagtawag ko sa kanya. Kanina pa tumu-tunog iyong cellphone niya dahil sa pagtawag ng nanay niya sa kanya, pero hindi sinasagot ni Nikolai iyon. Alam ko na walang kaluluwa iyong nanay niya... pero alam ko rin na mahal niya iyong anak niya... Hindi ko alam kung saan ako lulugar.
Pagod siyang tumingin sa akin. "I know hindi 'to kasama sa priority ngayon pero..." Huminga ako nang malalim. "Pero pwede mo bang sabihin sa akin kung sino iyong tatay ko?"
Alam ko dapat galit ako sa tatay ko.
Gusto niyang ipalaglag ako ng nanay ko.
Kung ayaw niya talaga sa akin, okay lang... pero gusto ko lang siyang makilala. Kasi buhay pa siya... Ayoko lang na dumating iyong araw na wala na rin siya... Kaya habang nandito pa siya sana...
"Kahit iyong pangalan lang—"
"Yael Gomez de Liaño," mabilis niyang sagot. "I don't know where he is... but do you want to meet your brother?"
***
This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top