Chapter 51
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#WTG51 Chapter 51
"Please tell me that you know that Assia's in your condo."
Tumingin ako kay Shanelle. Kung ako lang ang masusunod, bibigyan ko ng lecture sa 'self-worth' 'tong babae na 'to. Pero wala rin namang sense. Matalino si Shanelle—choice niya talaga na sila ni Vito kahit... ayan.
Ewan ko ba.
Ayoko rin magjudge kasi mahirap naman talaga ma-inlove—di mo alam kung hanggang saan aabot ang katangahan mo, sa totoo lang.
"Alam ko," sabi ko.
"And?"
"Ano'ng and?"
"You're okay with that?"
Tumango ako. Nasa isa ako sa mga bahay ni Nikolai. Totoo naman sinabi ni gago na hindi naman siya naghirap. May pera pa rin siya. Marami pala siyang investment sa business pati mga stocks sa kung anu-anong kumpanya. Dividends pa lang 'dun, mabubuhay na kami. Kaya 'di ko talaga gets pag-e-emote nung isang 'yun nung sinabi niya sa akin na igigive-up niya iyong trust fund niya... na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung magkaano. At parang ayoko na ring alamin dahil baka bangungutin ako. Ayokong manghinayang nang sobra kapag nalaman ko kasi tao pa rin naman ako!
"Oofferan kita ng pagkain, pero walang pagkain dito," sabi ko sa kanya. Leche din talaga 'yang si Nikolai, e! Sasabihin sa akin na 'wag akong lumabas dito kung hindi importante. Bawal din ako magpa-deliver. Gusto ata niya mamatay ako sa gutom.
"How are you so okay?"
"Kasi... si Assia 'yon?" sabi ko kay Shanelle na medyo naguguluhan. Kasi sa mga kwento sa akin ni Nikolai, sobrang ka-close nilang tatlong bugok si Assia. So, hindi na rin ako nagulat nung gusto ni Nikolai na tumulong.
Besides, wala na nga siyang magawa sa kaso nung nanay niya...
Kung wala rin siyang gagawin dito, sure ako na last straw na 'yon.
"I know but—"
"Kain na lang tayo," sabi ko kasi ayoko na 'tong pag-usapan. Kahit na 'pumayag' naman ako sa gagawin ni Nikolai, syempre nag-aalala pa rin ako. Mga Villamontes iyong kalaban nila sa kaso...
Minsan akala mo alam mo na 'yung hangganan ng kasamaan ng mga tao... pero minsan, mabibigla ka pa rin, e. Sa hangganan ng gagawin ng mga mayayaman para mapanatili ang yaman sa kanila.
Totoo talaga iyong eat the rich.
Kaya lang feel ko iba ang pagkaka-intindi ko.
"Shanelle," sabi ko dahil kanina ko pa pinipigilan, pero iyong ekspresyon talaga sa mukha niya... Tsk.
"Yes?" sagot niya habang parang tanga na hina-halu-halo iyong kape niya. Kaninan pa niya ginagawa 'yon. Hindi na ako magugulat kung maging dalgona iyong iniinom niya.
"Wag kang magalit sa akin, okay? Or magalit ka. Bahala ka; malaki ka na," sabi ko sa kanya. "Bakit kayo ni Vito?"
Nakikita ko naman silang magkasama. Minsan sabay pa kaming kumakain na apat. Okay naman sila. Masaya naman. Pero alam mo 'yon? May mali talaga, e.
Ayoko naman tanungin si Vito kasi nakaka-banas din talaga kausap minsan iyong isang 'yon. Silang tatlong magkakaibigan, actually. Minsan hindi mo na lang maintindihan kung paano gumagana iyong utak nila. Kung ano ba iyong deciding factor sa mga desisyon nila.
"Why?"
"Obviously mahal niya si Assia."
"I know," mabilis na sagot niya.
"So... tanga ka lang talaga?"
"Vito loves me."
"Alam ko," sabi ko kasi nakikita ko naman na mahal siya ni Vito... pero parang more of as a friend. "Pero alam naman nating pareho na iba si Assia," dugtong ko. Sa mga kwento pa lang ni Nikolai, ramdam ko na iyong neverending na pagmamahal ni Vito kay Assia. Ang cute kaya nung pinagse-save niya ng upuan si Assia sa library! Sayang wala kaming ganoong moment ni Nikolai kasi mas nauna siyang pumasok sa law school. Tsk. E 'di sana marami kaming kalandian moment sa library!
"I know."
"So... bakit nga 'to nangyayari?"
"Because... had all this not happened, Vito and I will be good."
"So, ayon na? Settle ka lang?"
"Vito's good for me."
"Baka good sa family mo?" tanong ko kasi alam ko naman iyong kalagayan ni Shanelle sa pamilya niya. Sobrang lala ng expectation sa kanya. Siguro kaya ganito na lang din iyong kapit niya kay Vito... Kasi si Vito iyong tipo na ang sarap ipakilala sa pamilya mo. Gago lang talaga desisyon nun sa buhay, pero sobrang bait din talaga.
"Yeah."
Hindi na ako sumagot.
Alam niya naman din pala.
Matatauhan din 'yan—naniniwala ako na may hangganan ang katangahan ng bawat tao.
* * *
Tahimik akong nagta-trabaho at nagbabasa ng related cases nang bumukas ang pinto. Sumimangot si Nikolai nang makita niyang may pagkain sa lamesa.
"I brought food," sabi niya habang may hawak na paperbag.
"Bumili ako," sagot ko. "Gusto mo bang mamatay ako sa gutom?"
Umirap siya. "You're so OA, ga. There's food here."
"Hoy, check mo nga 'yung ref! Tubig lang ang laman."
"You know, based on studies, you can survive for 2 months on just water."
"Nagta-trabaho ako, noh. Kailangan ko ng pagkain."
"There's food here! I think I saw a cupnoodles—"
"Nagcheck ako! Last year pa iyong expiration! Kailan ka pa ba kasi huling pumunta rito!" sabi ko habang sinusundan siya papunta sa kusina. Aba, ayaw pang maniwala sa akin na expired na iyong pinagmamalaki niyang cup noodles!
Naka-pamewang ako habang tinitignan niya iyong cupnoodles at na-realize niya na tama nga ako. Naka-arko pa ang kilay ko.
"We'll go to the groceries, I promise."
"Kailan?"
"I don't know..." sabi niya na nag-iba na naman iyong tono. Pumunta kami doon sa may counter. Binuksan ko iyong paperbag habang nagkwento siya sa akin ng mga pinaggagawa nila ngayong araw.
"Those two make my head ache, Ga."
"Bakit?"
"Vito wants to stay in jail—Assia wants to go to jail. It's like... am I the only one trying to get both of them out of jail?"
Tahimik lang ako na kumain. Kung ako ang tatanungin—actually, ewan ko na lang din talaga. Kung pagiging abogado ko ang paiiralin ko, sasabihin ko na sabihin na lang nila iyong totoo at paaminin si Assia. But then again... ang talino nilang magkakaibigan, e. Paano lulusutan 'to e lahat sila accessory to the crime na rin?
Pero.
Isa pang pero.
Ano ba'ng point ng batas? 'Di ba para protektahan iyong mga inosente? E inosente naman si Assia. So, kung susumahin, tama lang din ang ginagawa nila.
Ay, ewan.
Nakaka-stress! Mabuti na lang hindi ako criminal lawyer! Sakit sa ulo ng pinasok nila!
"Kamusta si Assia?" tanong ko.
"She's fine... I think."
"Si Vito?"
"Going out of his mind," sabi ni Nikolai tapos ay nagsimula siyang magkwento kung paano bukod sa stress sa pagiging suspect sa krime, stressed na rin si Vito dahil napaka-arte nung tao na 'yun. Natatawa ako naiimagine ko pa lang na nasa detention cell siya.
After naming kumain, nagtry kaming manood ng Grey's Anatomy, pero sobrang distracted pa rin si Nikolai. Kinuha ko iyong remote at pinatay iyong TV.
"Okay," sabi ko. "Gusto mo idiscuss natin iyong sa kaso?"
"No..." pagod na sabi niya. "You're already tired from your work."
"Okay lang," sagot ko. "Nakaka-umay din magbasa ng labor cases," dugtong ko.
"Thank you."
Ngumiti ako habang pinisil iyong kamay niya.
"So... walang CCTV, right?"
"Yes," problemadong sabi niya. "So, for the life of me, I can't understand how the police learned that he was there."
"Baka may naka-kita."
"Most probably... but then again, where is that person? Did he or she just call the police and went his way?"
Nagkibit-balikat ako. "Siguro. Baka ayaw niyang madamay sa kaso," paliwanag ko sa kanya. Ang hirap naman kasi talagang madamay sa kaso... Ako nga na wala naman talagang kinalaman sa problema ng pamilya niya, nadadamay kahit wala naman akong ginagawa. Iyong tao pa kaya na witness ng krimen? Wala pa namang witness protection na matino dito sa Pilipinas. Paano ka naman magkakaroon ng tiwala kung makikita mo sa balita na iyong mga mismo ngang nagsusumbong sa pulis, bigla na lang nababaril habang pauwi sila?
Lecheng 'yan.
Habang mas dumadami alam ko, mas lalo akong nawawalan ng tiwala sa batas at proseso, e.
"Maybe... but I need them to—"
"To what? To get out and say what? Na hindi si Vito iyong bumaril? E 'di si Assia naman ang lagot?"
"I know. This is so stressful, Ga. And Shanelle's not helping."
"Tigilan mo nga si Shanelle," sabi ko sa kanya.
Napaawang ang labi niya. "What—"
"Bugok naman kasi talaga kayong tatlo."
"Ga!" gulat na sabi niya.
"Kung ako si Vito, e 'di nagsabi na agad ako na hindi ako iyong pumatay."
"He didn't plead guilt, you know that, right?"
"I know, but this is ridiculous."
"We can't just throw Assia under the bus."
"Wala akong sinabing ganyan," mabilis na sagot ko sa kanya. "Ang akin lang—"
"Jersey, it's not like Vito stayed there and waited for the police to arrive and catch him on act. Someone called the police on him."
"Alam ko rin 'yan, okay? But in the first place, sana hindi niya nilinis iyong crime scene—"
"And leave Assia's fingerprints on the scene? I don't think so."
"You know what? This case would be a whole different game kung nagstay lang sana si Assia doon. You could argue sexual harassment, possibly rape, and self-defense. Sabi niyo naman na sa law school pa lang ay creepy na iyong professor, right? And if creepy nga talaga siyang tao, for sure maraming mahahanap na ibang biktima niya. Kung movie lang 'to, for sure multiverse 'to at doon kayo napunta sa pinaka-complicated na sitwasyon."
"Really?" tanong niya na parang amused sa akin.
Inirapan ko siya. "Excuse me, kahit labor law ang specialization ko, nag-aral pa rin ako ng criminal law, leche ka."
Natawa siya tapos ay lumapit sa akin at niyakap ako. Hinalikan niya iyong tuktok ng ulo ko. "Thanks for being so smart, ga."
"Maliit na bagay," sagot ko tapos hinigpitan niya lang iyong yakap sa akin. "Ga..."
"Yes?"
"When this is all done... can we really go to a beach?"
"Oo naman."
"How about your work?"
"LOA?"
"Maybe next year."
"Bakit naman?"
"Because you're still starting. I don't think going on a long vacation will help your career," tahimik na sabi niya. Mas hinigpitan ko iyong yakap niya. Grabe... naisip niya pa 'yon? May pakielam siya sa career ko?
"Kahit weekend beach na lang?"
"Definitely," sabi niya.
"Wala ka bang alam na private beach para topless na lang ako?" tanong ko tapos ramdam na ramdam ko iyong pagtawa niya sa sinabi ko. Grabe! Seryoso kaya ako!
"Why are you so funny?"
"Syempre, kulang iyong ganda lang."
"But you're sexy, too."
"Gago, bakit ka ganyan?!"
Inalis niya iyong yakap at tumingin sa akin. Naka-kunot ang noo niya at mukhang concerned na concerned siya. "What? Why? What did I do?"
Umirap ako. "Kini-kilig ako."
Napaawang ang labi niya bago siya natawa. "God, Jersey! You had me worried for a second!"
Tumawa ako sa kanya. "Masyado ka na kasing serious," sabi ko tapos pinu-lupot ko iyong mga braso ko sa leeg niya. Tumingkayad ako at hinalikan siya. "Nikolai Quentin," pagtawag ko sa pangalan niya.
Naramdaman ko iyong mga kamay niya sa bewang ko. Hinila niya ako palapit. "Yes, Jerusha Leigh?"
"Gusto mo ng blowjob?"
Napa-kurap siya. "What?"
"Bilis na bago ako magtrabaho ulit."
Kumurap siya. "Are you... serious?"
Inalis ko iyong mga kamay ko sa leeg niya at saka kinuha iyong panali ng buhok ko na nasa wrist ko. Tinali ko iyong buhok ko sa harap niya. Kitang-kita ko iyong pagtaas-baba ng Adam's apple niya.
"Alam mo kung ano ang favorite saying ko?"
"I don't know... You mentioned before Swallow, not spit?"
Halos mabulunan ako. "Gago, ano ba!"
Tumawa siya. "I mean, at least you live by your motto?"
Tangina.
Paano mabuhay ng wala 'tong leche na 'to?
Baka mamatay talaga ako sa boredom.
"Fine, fine," sabi niya. Akala mo aayaw-ayaw pa, pero iyong dalawang kamay niya ay nasa balikat ko na at pinapa-luhod na ako. Ewan ko talaga sa taong 'to. "What's your favorite saying?"
"Wag na. Secret na."
"Oh, come on."
"Next time na."
"Fine... but I'll still get my—" sabi niya, pero agad siyang natigilan nang magsimula akong tanggalin iyong belt niya.
* * *
"Ano na naman ang problema mo?" tanong ko nang dumating siya at halos mabingi ako sa lakas ng pagsara niya sa pinto.
"Assia surrendered!" Agad na napa-tingin ako sa kanya. Shit. "I mean, I trust that Tali knows what she's doing but still—"
Agad akong lumapit sa kanya. Kumunot ang noo ko nang makita ko na may sugat sa gilid ng labi niya.
"Ano'ng nangyari dito?" tanong ko sa kanya habang hawak ko iyong mukha niya. Nag-iwas lang siya ng tingin. Diniinan ko iyong hawak kaya napa-aray siya. "Sino'ng may gawa nito?"
"It's nothing."
"Nikolai Quentin—"
"Vito punched me, okay?"
"What? Bakit? Siraulo talaga—"
"I know, but let's not talk about what an ungrateful asshole he sometimes is," sabi niya tapos naupo sa couch. Huminga ako nang malalim bago naupo sa tabi niya. "Jersey, I think it's my fault."
"Paano mo naging kasalanan? Ikaw ba iyong nangrape?"
"What? No."
"Oh, e paano mo naging kasalanan?"
Napa-buntung-hininga siya at saka parang baby na sumandal sa akin. Niyakap ko siya. Kahit ganito lang, ramdam na ramdam ko iyong pagod niya...
Sana matapos na talaga 'to.
Sana nasa beach na kami.
"Because... I agreed to Sancho's stupid suggestion to frame someone for the murder."
Agad na nanlaki ang mga mata ko. "Siraulo na ba kayo?"
"I know... but I also know that this shit is rigged. Vito would've gone to jail had the trial continued. And now, Assia's in jail. I just want them out."
Hindi ako nagsalita.
"Are you disappointed?" tanong niya habang naka-tingin na sa akin. "Because it was really Sancho's suggestion, you know?"
Umirap ako sa kanya. Nanisi pa si gago. "Kaya ba talaga ng konsensya mo na gawin 'yon?"
Hindi siya naka-sagot agad. Nanatili kaming naka-upo roon. Ang lalim ng iniisip niya. Inabot ko lang iyong kamay niya at hinawakan para at least kahit doon, ramdam niya na nandito lang talaga ako.
"No... but I'm tired of not being able to do anything..."
Napa-buntung-hininga ako.
Kasi ako rin.
Nakaka-pagod ma-trap sa gitna—na alam mo iyong totoo, but at the same time, alam mo na wala ka namang laban kasi hawak nila iyong batas.
Nakaka-walang gana minsan.
Pero kung susuko, mas lalong walang mangyayari.
"I can't not do anything anymore, Jersey..."
"May ginagawa ka naman..."
"But it's still not enough..."
Niyakap ko na lang siya. "Swerte ni Vito at Assia sa 'yo," bulong ko sa kanya. Hindi siya nagsalita at niyakap lang ako.
* * *
"Wish us luck, Ga," sabi ni Nikolai sabay halik sa tuktok ng ulo ko.
"Good luck," naka-ngiting sabi ko habang nasa laptop screen pa rin iyong mga mata ko. "Pero 'di niyo na kailangan. Sure ako mananalo kayo."
Bigla siyang kumatok sa mesa. "Don't jinx it!"
Natawa ako. "Kailan ka pa naging ma-pamahiin?"
"I don't know. I just really need this win."
Lumingon ako at saka tumingin sa kanya. "Mananalo kayo, promise. Feel na feel ko," sabi ko. Sana kahit papaano mabawasan iyong kaba niya. Pero pakiramdam ko talaga ay mananalo sila... Sobrang pinaghirapan ni Nikolai na mahanap iyong witness nila. Sobrang invested siya sa kaso na 'to na akala mo buhay niya iyong nakasalalay. Alam ko naman na hindi lang 'to dahil kay Assia... Dito niya rin binu-buhos iyong frustration niya na wala siyang magawa sa kaso ng pamilya niya.
Pero ayon kina Kuya Jerry, meron naman daw na nangyayari... kaso kailangan dahan-dahan lang. Kasi ganyan kapag makakapangyarihan iyong involved. Kailangan sobrang sigurado kasi isang mali lang, kayang-kaya ipa-dismiss ng army ng mga abogado nila dahil lang sa technicality.
Reality sucks.
"Thank you."
Ngumiti ako. "Good luck! Text mo ko agad kapag tapos na 'yung hearing, okay?" sabi ko bago hinalikan niya ako sa labi at lumabas na siya.
***
This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top