Chapter 50
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#WTG50 Chapter 50
"Wala ka bang final tips d'yan?"
"You got this," sabi niya habang naka-upo pa rin kami sa loob ng sasakyan niya. Maaga kaming dumating dito kasi sabi niya baka raw ma-traffic kami. Hindi rin kami lumalabas kasi alam ko na ayaw ni Nikolai na nasa open space lang kami kasi malay ba namin sa trip ng mga ka-business ng nanay niya? Kaya dito lang kami sa loob ng bullet-proof niyang sasakyan.
"Wag mo akong tanungin about sa exam mamaya, okay? Unless gusto mong umiyak ako."
"Why would you cry?"
"Baka wala akong masagot kasi."
Natawa siya. "You'll be fine."
"E paano nga kasi kung hindi?"
"You have eidetic memory, Jersey. Just quote the answers directly from the book. You'll be fine."
Umirap ako. "Analyzation kasi 'to. Hindi naman 'to identification o enumeration."
"I know, but the situations are based on cases released by the Supreme Court. You read the assigned cases. You'll be fine."
Huminga ako nang malalim. "Basta 'wag mo pa rin akong tanungin after."
"Okay."
"Gusto ko naka-ready na iyong pagkain pagbalik natin sa condo."
"Noted. Anything else?"
"Sexy time later."
Natawa siya. "What?"
Umirap ako. "Basta. Syempre pagod na ako sa exam pero for sure hindi ako makaka-tulog kaka-isip kung tama ba iyong sagot ko. Pero kailangan kong magpa-hinga."
"So... basically you're asking me to fuck you to sleep?"
Nagkibit-balikat ako. "Kung d'yan ka masaya, sure why not?"
Natawa ulit siya. "Oh, okay. I wasn't informed that I was the one asking."
Umirap ako. "Kinakabahan ako!"
Kinuha niya iyong kamay ko at hinawakan nang mahigpit. "Take a deep breath and try to relax if you can. You've been preparing for this since day 1. It's normal to be nervous. But you did your part. You're ready."
Tumingin ako sa kanya. "Sure ka?"
Ngumiti siya at tumango. "Pretty sure that months from now, I'll be calling you Atty. Lorenzo."
Ngumiti din ako at saka hinalikan siya bago nagpaalam dahil bukas na iyong gate at kailangan ko nang pumasok.
* * *
Para akong robot buong buwan dahil nagrereview lang ako palagi. Ayoko nang umulit ng BAR! Sobrang nakaka-stress! One take lang dapat! Jusko!
"Ready?" tanong ni Nikolai.
Tumango ako. Sobrang consistent ni Gago. Siya gumi-gising sa akin tapos paggising ko, naka-ready na iyong breakfast ko—given na inorder niya lang naman at saka sinalang sa microwave, keri lang kasi nga effort pa rin niya 'yun, noh! Tapos naka-ready na rin iyong bag ko. After exam, naka-abang talaga siya sa akin sa labas ng Gate 2 at may hawak siyang milktea para sa akin. Hindi niya ako tinatanong tungkol sa exam. Uuwi lang kami sa condo, kakain, manonood ng Grey's Anatomy tapos papatulugin niya na ako.
"Last na 'to."
"There will be a lot for people later, Jersey."
"Oo nga, e... Kita na lang tayo sa coffee shop?"
Umiling siya. "No. I'll wait for you outside the gate. I'll be the one holding flowers and smiling at you."
Hindi ko mapigilang mapa-ngiti. "Wag mong masyadong galingan at baka may magka-crush sa 'yo na law student."
Tumawa siya. "Well, there's nothing I can do about that."
Umirap ako. "Hahanap ka pa ng law student, e ako pa nga lang hindi mo na kaya."
Humalakhak siya. "I love the confidence."
"Sino unang nakaka-tulog sa atin?" tanong ko at sasagot sana siya, pero inunahan ko. "Maliban ngayong BAR month kasi unfair! Buong araw akong nag-exam."
Tumawa siya. "Yeah, not me."
"Ikaw unang nakaka-tulog."
"I'm definitely sure that it's not me."
"Hindi rin ako."
"I know it's you because I watch you snore."
"Hindi nga ako humihilik!"
Tinawanan lang ako ni Nikolai hanggang sa kailanganin ko nang pumasok para sa last exam. Remedial at saka Ethics. Kaya ko 'to. Procedure naman iyong remedial. Technical. Keri 'to.
Binasa ko nang isang beses iyong mga sagot ko sa Ethics bago ko pinasa iyon. Hindi ko alam kung kakabahan ba ako na isa ako sa mga naunang magpasa... pero sure naman ako sa mga sagot ko! Nagcite din naman ako ng canons. Maayos naman iyong penmanship ko. Ewan. Bahala na. I did my best! Sana lang mabait iyong examiner na magchecheck ng exam ko!
Paglabas ko pa lang ng room ay rinig na rinig ko na iyong sigaw ng mga tao sa labas. Agad akong napa-sandal. Parang doon lang nagsink in sa akin na shet... tapos na.
Tapos na.
Iyong pinaghandaan ko mula unang araw ko sa law school...
Tapos na.
Shet.
Ang bilis ng panahon.
Parang kahapon e pumunta lang kami ni Nikolai sa probinsya para kuhanin iyong mga school documents ko para makapag-enroll ako... Tapos ngayon, ito na. Tapos na.
Kung siraulo pa rin ako gaya ng dati, talagang pupunta ako sa probinsya at ipapa-tarp ko kapag lawyer na ako. Mamatay sila sa inggit. Pero sa dami ng nangyari sa buhay ko? Gusto ko lang ng matahimik na buhay kasama si Nikolai. Iyon lang talaga. Wala ng iba.
Tangina.
Maturity.
Nakaka-iyak naman.
Pumunta muna ako sa CR at naghilamos at nagsuklay. Huminga nang malalim dahil feeling ko maiiyak ako. Parang nabunutan ako ng malaking tinik sa dibdib ko. Tapos na iyong BAR! Tapos na! Jusko! Ilang buwan kong dinadala 'to! Sa dami ng nangyari sa amin ni Nikolai akala ko e babagsak na lang talaga ako rito.
Pero tapos na.
Kailangan na lang maghintay ng resulta.
Papalakas nang papalakas iyong sigawan ng mga tao at iyong tunog ng drums mula sa labas. Iba-ibang chant ng mga school iyong naririnig ko. Karamihan mga school lang din dito sa Maynila... Iyong mga malalaking school na may budget...
Kahit pa sabihin mo na nasa estudyante 'yan? Iba pa rin talaga iyong may pera ka. Kaya mong mag-aral sa mamahaling eskwela na todo support. Nung nag-aaral pa ako sa SCA, grabe talaga iyong support niya sa mga Barrista—lahat ng materials, reviewer, at kung anu-ano pa. Sa school ko ngayon? Alam ko naman na ginagawa nila iyong best nila, pero iba pa rin iyong sa SCA.
Kaya 'di talaga totoo iyong nadadaan sa sipag lahat.
Iba talaga advantage ng pera.
"Congrats," naka-ngiting sabi ni Nikolai nang makita niya ako. Kahit masikip ay agad akong lumapit sa kanya. Hindi ako nagsalita at basta niyakap ko siya.
Parang... doon lang ako naka-hinga nang maluwag.
Nandito na siya.
Pwede na akong magrelax.
"Tired?"
"Sobra."
"Well, can you walk?"
"Kapag ba sinabi kong hindi, bubuhatin mo ako?"
"In another situation, sure, but not right now," sabi niya dahil ang dami nga talagang tao. Hinalikan ko na lang siya sa pisngi at nagpasalamat ulit. Nakita ko iyong ibang mga estudyante na naka-tingin sa amin. 'Di ko na sila pinansin. Naiintindihan ko naman iyong tingin nila—kaso maghanap sila ng sa kanila. Akin na 'to.
Nagpasalamat ako sa mga nagcongratulate sa akin habang naglalakad kami ni Nikolai. 'Di ko naman sila kilala, pero alam mo 'yun? Feel na feel mo iyong sincerity nila. Na masaya sila para sa akin, para sa amin. Kasi kahit ako rin naman—deserve ng lahat ng law student na gumagapang na maging abogado. 'Di biro lahat ng pinagdaanan namin, noh! Mula sa mga nakaka-stress na recit hanggang sa mga nakaka-tangina na exam. Deserve lahat maging abogado!
"Hulaan ko, Jollibee pagkain sa condo?"
Ang lakas ng tawa ni Nikolai. "Why'd you say that?"
"Umamin ka nga—shareholder ka ba sa Jollibee?"
"What? No," natatawa niyang sagot.
"Sure ka?"
"Yes," sabi niya na natatawa pa rin. "But, no, Ga, tonight's menu is not Jollibee, unfortunately."
Napa-irap ako. "Thank God!"
Tumawa siya. "What's wrong with Jollibee?"
"Wala naman kaso jusko naman! Try naman natin iyong iba! 'Di naman illegal na magtry ng iba."
Nasa kalagitnaan kami ng pagtawid nang biglang maka-rinig kami ng malakas na pagsabog.
Nagka-gulo lahat.
Napa-tingin ako sa paligid.
Hindi ko alam ang gagawin.
Napa-tingin ako kay Nikolai.
"Niko—" pero mabilis niya lang na hinawakan iyong kamay ko at hinatak ako palapit sa kanya. Naka-lagay iyong braso niya sa balikat ko at iyong kamay niya ay naka-patong sa ulo ko na para bang pino-protektahan niya ako sa kung anuman ang pwedeng mangyari.
"Hindi naman siguro dahil 'to sa pamilya mo..." sabi ko sa kanya dahil alam ko na iyon na ang pumasok sa isip niya. Pilit akong humi-hinga nang malalim kahit na nagkaka-gulo na sa paligid namin. Ang daming tao. Ang daming sumi-sigaw. May mga pulis at sundalo. May nag-iwan daw ng box na biglang sumabog. Sabi nila away daw ng frat. Sabi nila random attack lang daw. Hindi ko alam kung saan ako makikinig.
"Nikolai..." pagtawag ko dahil hindi siya nagsasalita. "Niko—"
Natigilan ako nang sundan ko iyong tingin niya.
'We didn't miss.'
Napa-awang ang labi ko nang makita ko iyong papel na naka-patong sa windshield niya. Kahit na nanginginig ang buong sistema ko ay lumapit ako papunta roon at kinuha iyong papel. Bumalik ako sa tabi ni Nikolai. Sobrang lalim ng paghinga niya. Hinawakan ko iyong mukha niya.
"Umuwi na tayo," sabi ko.
"What the fuck do they want? We're not doing anything!"
"Nikolai, umuwi na tayo..."
Pero ramdam na ramdam ko iyong galit niya. Kasi totoo naman—wala na kaming ginagawa... Kasi wala kaming pwedeng gawin... Tumu-tulong na lang siya sa mga naiwan... Bawal din ba 'yon?
Kinuha ko iyong susi mula sa kanya. Huminga ako nang malalim at pinilit na magdrive palayo. Pinili kong magbingi-bingihan sa sigaw ng mga tao.
Kailangan naming umalis.
* * *
Hindi maalis iyong mga mata ni Nikolai sa screen ng TV.
May tatlong law student na natamaan sa pagsabog.
Iyong graduating, naputulan ng dalawang paa.
Iyong second year, naputulan ng kanang paa.
Iyong isa...
"Nikolai—"
Pero agad akong natigilan nang makita kong pasimple siyang nagpunas ng luha mula sa mata niya.
"I'll just get something from Vito," sabi niya bago mabilis na lumabas. Hindi na ako nagsalita. Gusto niyang mapag-isa.
Tahimik akong naghintay.
Hindi siya bumalik.
Niligpit ko iyong hinanda niyang pagkain... iyong cake na may naka-lagay na na 'You made it!'... iyong isang box na regalo niya ata sa akin, pero hindi ko binuksan dahil hini-hintay ko siya.
* * *
Hindi na nagsalita si Nikolai tungkol sa nanay niya, sa tatay niya, sa pamilya niya simula noon. Tinanong ko si Vito kung may sinabi ba sa kanya si Nikolai, pero sabi niya wala raw. Akala ko sa kanya pumunta si Nikolai nung gabi na 'yon, pero hindi naman daw.
Hindi na rin ako nagtanong.
Naging normal iyong buhay namin pagkatapos non.
Hindi agad ako nagtrabaho kasi... syempre natatakot ako. Kung nagawa nilang gawin iyon sa mga tao na wala namang kasalanan sa kanila, paano pa sa amin?
Pero ilang buwan ang lumipas.
Tahimik lang.
Nakaka-takot lalo.
Tinanong ko si Nikolai kung ayos lang ba na mag-apply ako... sabi niya oo daw. Nag-apply ako. Nagtrabaho. Siya naman ay nagtrabaho rin sa isang firm na puro pro-bono lang ang hawak.
Nag-iba si Nikolai.
Masayahin pa rin siya... pero may nagbago talaga.
Para siyang... ticking time bomb.
"Jersey."
"Yes?" tanong ko habang busy ako sa pagbabasa ng pleading.
"They say that the result will come out tomorrow."
"Sure na ba 'yan?" tanong ko kasi ilang beses nang nagkaroon ng ganyan na chismis. Hindi ko na kaya ang anxiety!
"Maybe?"
Sumimangot ako. "Text mo na lang ako kapag pasado ako."
Natawa siya. "Really?"
Tumango ako. "Oo. 'Di ko na keri maghintay online. Nase-stress ako talaga," sabi ko. Kasi nung last time, madaling-araw na kami naka-tulog pero walang lumabas na resulta. Kulang na lang e ihampas ko sa pader iyong laptop sa sobrang pagka-badtrip.
"Okay, then. I will text you."
"Thank you."
"But we will celebrate."
"Yes, please. Pero dito na lang sa condo—ang daming pendings," sabi ko. Dati talaga kung saan-saan kami nakaka-rating, ngayon swerte na kung maka-rating ako sa mall. Tangina naman kasi akala mo mortal sin kapag mauna akong umuwi kaysa sa mga senior sa akin sa firm. Minsan feeling ko doon na ako naka-tira.
Nasa firm ako nang tumawag si Nikolai.
"Sorry, 'di pa ako tapos..."
"It's okay, Atty. Lorenzo."
Natigilan ako.
"Ano'ng... sabi mo?" tanong ko sa kanya habang pabilis nang pabilis iyong tibok ng puso ko. Sabi ko kasi sa kanya 'wag niya akong tawagin ng ganon hanggang hindi pa official.
Naghihintay ako ng sagot nang maka-rinig ako ng katok mula sa glass na pintuan. Agad akong napa-tingin doon. Normally, kakabahan ako dahil sabi nila may multo raw dito!
Agad akong lumapit sa kanya.
"Sure ba 'yan?" tanong ko habang naka-tingin sa kanya. Naka-lock pa rin iyong pinto. May ID kasi na itatap bago bumukas iyon. "Sure na sure ba 'yan? Tatamaan ka talaga sa akin kung joke 'to!"
Tumawa siya. "You know I won't joke about this."
Nangilid iyong luha ko. "Sure ba?"
Tumango siya. "Now, can you go out so that I can hug you, Atty. Jerusha Leigh Lorenzo?" tanong niya.
"Sure talaga, ha? As in nakita mo name ko?"
Tumango siya. "Yes. It's hard to miss considering you're part of the top—"
Nanlaki ang mga mata ko. "Gago, seryoso?!"
Tumawa siya. "Open this door first before I tell you."
"Gago kasi hindi ako nakikipagbiruan. Ano nga?!"
"Hug first."
"Tangina naman—"
"Hug."
Sinamaan ko siya ng tingin bago ko binuksan iyong pintuan. Pero bago ko pa man siya mapagbantaan ay niyakap niya na ako nang mahigpit.
At nalimutan ko na itanong kung totoo bang topnotcher ako dahil... wala. Yakap lang niya, okay na talaga ako.
* * *
Lawyer ako.
Lawyer si Nikolai.
Masaya na kami.
Tahimik lang.
Kaso, totoo nga palang nakaka-takot 'yang katahimikan na 'yan. Kasi isang araw, may ingay talaga na dadating.
Tahimik kaming nanonood ni Nikolai ng Grey's Anatomy—ritual namin tuwing Saturday night. Basta manonood lang kami, magdedebate kung sino ang pinaka-toxic sa mga characters, tapos mawawala sa topic kapag biglang nagugulat ako naka-hubad na kaming dalawa at gumagawa ng milagro.
"What?" sagot niya nang tumawag si Vito sa kanya. "What's new?"
"Wait, we're allowed to talk about her again?" sabi niya. Napa-tingin ako sa kanya. He mouthed Assia. Napa-tango na lang ako. Ewan ko ba d'yan kay Vito—sakit sa ulo. May magandang jowa pero iba ang gusto. 'Di na lang makipagbreak. Pinapasakit ulo ko kaya 'di ko na iniisip.
"She's in trouble?" tanong niya. Agad akong napa-tingin dahil sa biglaang pagseryoso ng boses niya. Hininaan ko iyong volume ng TV. Tumingin sa akin si Nikolai. Tumango lang ako. Parang nag-alangan siya. Muli akong tumango. "Where is she? I'm coming, too."
"Jersey—"
"Basta magtext ka," sabi ko sa kanya. Hindi siya nagsalita. Ilang buwan na siyang tahimik. Pilit na walang ginagawa kahit alam ko na kinakain siya ng konsensya niya. Kailangan niya 'to.
"I don't want to put you in danger..."
Hinawakan ko lang nang mahigpit iyong kamay niya. Sabi niya sa akin, si Assia iyong parang kapatid niya nung nasa law school pa siya... Baka tuluyan nang masiraan ng bait si Nikolai kung pati rito, wala siyang gagawin.
"Basta mag-iingat ka, okay?" paki-usap ko sa kanya dahil baka ako naman ang mabaliw kung may mangyari sa kanya.
***
This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top