Chapter 49
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#WTG49 Chapter 49
Sobrang tahimik ni Nikolai... Madalas na nakikita ko siya na parang sobrang lalim ng iniisip. Alam ko na gusto niyang may gawin kami—gusto ko rin naman 'yon... pero tama silang lahat, e. Wala naman kaming pwedeng gawin. Hindi kami pwedeng maging testigo kasi ano ba ang alam namin? Hindi namin pwedeng ibigay iyong mga dokumento kasi alam namin na hindi naman admissible sa korte 'yan dahil kinuha lang ni Nikolai nang walang paalam.
Ang daming kailangang sundin sa batas.
Minsan... tangina lang, 'di ba?
Parang mas pabor pa sa mga puro kagaguhan lang ang ginagawa.
"Jersey." Agad akong napa-tingin nang tawagin niya ang pangalan ko. "I've been thinking..."
Hindi ako nagsalita at naghintay lang sa susunod niyang sasabihin. Sobrang kinakabahan ako kasi kung anuman 'yang sasabihin niya, alam ko na ilang araw niya nang pinag-iisipan 'yan.
"You know that if I could, I'd give you the world, right?"
Agad na kumunot ang noo ko.
"I want to give you the best things in life because you deserve it... but also, to do that, I'd have to use the privilege my parents afforded me..."
Napaawang ang labi ko. Agad kong hinawakan iyong kamay niya. Hinigpitan ko ang hawak ko doon.
"Nikolai, laking hirap ako, okay?"
"I know, and I'd do anything so that you won't experience that ever again."
Tipid akong ngumiti. "Alam ko," sabi ko sa kanya. "Pero hindi ko naman kailangan 'yung sobrang yaman. Basta may matutulugan tayo saka hindi iyong tipo na problema natin kung may kakainin ba tayo bukas... okay lang ako, promise."
Hindi siya nagsalita.
"It's not like we'll be impoverished, Jersey," sabi niya. "I still have some investments and some businesses with my friends," dugtong niya. "We'll be fine... but I won't be able to give you the life that I want to offer you."
Hinawakan ko iyong dalawang kamay niya at ngumiti sa kanya. "It's the thought that counts?" pabiro kong sabi sa kanya, pero mukhang problemado pa rin siya. Isinara ko iyong reviewer ko at huminga nang malalim. "Promise, okay lang ako. Saka kung anuman mangyari, pwede naman tayong magtrabaho. Magkasama naman tayo, so magiging okay lang tayo."
Unless haharangin kami ng nanay niya at ipapa-blacklist sa mga kumpanya—which I doubt gagawin niya kasi at the end of the day, obvious naman na mahal na mahal niya iyong anak niya.
"Are you sure?"
Tumango ako. "Sure na sure," sagot ko. "So... mag-eempake na ba ako ng gamit?"
Kumunot ang noo niya. "Why?"
"Kasi... mahal 'yung condo na 'to?"
Napaawang ang labi niya at parang natawa siya. "Ga... we can still afford to live here. I didn't say that we're flirting with poverty line."
"E kasi kung makapag-emote ka naman akala mo bente na lang laman ng bank account mo, e!"
Napa-iling siya habang natatawa sa akin. "I was talking about my trust fund. And I figured that you, being my future wife, has a say on whether I should give it up or not."
Napaawang ang labi ko. "Alam mo, gusto kong malaman kung magkano... but 'wag na lang kasi baka manghinayang ako."
Natawa siya. "Yeah, it's better if you don't know."
Sumimangot ako. "Mas lalo lang akong na-curious!"
"Nah."
"Clue!"
Umiling siya. "Better if you don't know, Ga."
"Grabe! Nasa hundred millions ba 'yan?" tanong ko sa kanya pero nagkibit-balikat lang siya. Ginulo ko lang siya nang ginulo hanggang sa pareho kaming magutom at kumain na kami ng lunch.
* * *
Naging normal iyong mga sumunod na araw. Magkasama lang kami ni Nikolai sa condo—wala namang nagbago sa 'lifestyle' naming dalawa. May kini-kita pa rin naman nga kasi siya sa mga business niya, although sabi niya sa akin kung magiging teknikal daw kaming dalawa, lahat talaga ng meron siya ay galing sa family niya. Pero saka na raw namin isipin iyon. Ayaw niya talaga na magutom ako. Sanay naman ako sa skyflakes lang!
"Aalis ka?" tanong ko nang makita ko na naka-ayos siya.
"Yes," sagot niya.
"Pwedeng malaman kung saan?"
"I'm going to meet with my dad." Medyo nanlaki ang mga mata ko. "It's just that he already knows who the—" sabi niya at natigilan. Halata naman na medyo in denial pa rin siya. Hindi naman nga kasi ganoong kadali tanggapin na iyong nanay na akala mo e sobrang bait e demonyo pala talaga. "I'll just coordinate with him."
"Para sa?"
"Financial help. I don't know. I just wanna help in whatever way I can," sabi niya. Tumingin siya sa akin. "What do you think?"
Kumunot ang noo ko. "Bakit ako?"
"Because..." Nagbuntung-hininga siya. "Your mom's one of those—" Natigilan muli siya. "I can do nothing about that anymore... but I can help now. Financially. Is there any other way I can help?"
"Nikolai, wala ka namang kasalanan 'dun—"
"I know, but I still feel really guilty. I can't do anything legally because law is fucked up—it's fucking flawed and easy to bend—and I can't do anything about it... but I can do this. At least I can do this."
Napa-buntung-hininga rin ako at tumango. Tama siya. Kung siguro hindi ka nag-aaral ng batas, nakaka-intimidate... pero kapag alam mo iyong batas? Makikita mo lahat ng butas. Kung wala kang matibay na paninindigan, ang dali-dali baliin ng batas.
Kaya siguro ang daming corrupt.
Mga nabulag sa pera.
"Okay," sabi ko. "Pero hindi mo naman din sila kilala lahat, so baka kung saan lang din mapunta iyong pera... Mas maganda siguro kung may anonymous na scholarship na lang? O kung matanda na sila, mga program para maka-tulong sa business nila o kung anuman ang pinagkakaabalahan nila?"
Tumango lang siya. "Thank you, Ga."
Ngumiti ako. "Hintayin ba kita sa dinner?"
"Yes. I'll be back before dinner," sabi niya bago hinalikan iyong pisngi ko bago lumabas.
Grabe din talaga iyong kapangyarihan ng konsensya... Hindi talaga tinigilan si Nikolai, e. Kahit na alam namin pareho na wala siyang magagawa legally, humanap siya ng ibang paraan.
* * *
Nang mga sumunod na araw ay naging busy si Nikolai para ayusin iyong sa pagtulong niya sa mga pamilyang naiwan. Katulong niya iyong tatay niya, pero hindi namin pinag-uusapan. Ayoko rin namang pag-usapan. Kapag kasi naiisip ko si Nick ay naaalala ko iyong ilang taon na nasayang dahil naghiwalay kami ni Nikolai.
Hindi ako dapat ma-badtrip ngayon.
Kailangan kong magfocus sa BAR.
After nun, kahit pa badtrip ako araw-araw, keri lang.
"Nikolai," pagtawag ko habang naka-upo siya sa couch. May laptop sa lap niya—sana naging laptop na lang ako. Lecheng BAR 'to! Wala ng sexy time masyado! Hirap maging adult!
"Yes?" sagot niya habang naka-focus pa rin ang mata doon sa spreadsheet sa harap niya. Ang daming numbers at medyo nahilo ako. Talagang seryoso siya doon sa sinabi niya na tutulong siya—accounted lahat ng pera kung saan mapupunta. Sabi niya ilalagay niya sa irrevocable trust para diretso lang iyong daloy ng pera sa beneficiaries.
"BAR ko na sa linggo."
"I know."
Napa-simangot ako.
Grabe.
Iyon lang 'yon?
Ayoko namang mag-inarte dahil alam ko naman na importante iyong ginagawa niya. Malaking bagay kaya 'yon. Kahit gago si Nick, hindi ko itatanggi na sobrang laking tulong nung mga binigay niya sa aking pera... Kahit pa sabihin na dahil lang iyon sa konsensya niya, nalamnan pa rin iyong tiyan ko sa bigay niya.
Naranasan ko pa rin iyong magandang buhay kahit papaano.
Malay ko ba kung ano magiging buhay ko kung buhay pa si Mama?
O kung tanggap ako ng tatay ko?
Ewan.
Nagfocus na lang ako sa pagrereview ulit. Medyo tinatamad na ako dahil parang kabisado ko na lahat ng salita dahil ilang beses ko nang nabasa iyon. Natatakot ako na baka masobrahan ako sa review at ang mangyari sa akin ay ma-mental block ako sa mismong exam! May ganoon kaya?
Buong Thursday ay nag-aral ako tapos nung Friday ay nanood lang ako ng Grey's Anatomy. Kabisado ko na kasi talaga iyong syllabus na nilabas ng Supreme Court! Mas kinakabahan pa ako na masobrahan sa laman iyong utak ko kaya tumigil na ako sa pag-aaral.
Kasalukuyan akong naglalaway kay Jackson Avery nang mapa-tingin ako sa pinto. Nakita ko si Nikolai na naka-sandal doon.
"Bakit?" tanong ko sa kanya habang binabalik iyong atensyon sa TV.
"Ga."
"Oh?"
Tsk.
Parang gago bakit ba ako nagtatampo na wala man lang pa-dinner bago ako mag BAR exam?! Hindi naman sa nanunumbat pero nung BAR exam niya e todo asikaso ako sa kanya! Kahit milktea man lang sana! Nakaka-loka siya!
Huminga ako nang malalim habang binabalik iyong good vibes sa blue eyes ni Dr. Avery. Kalma ka lang, Jersey. Para kang gago kung magtatampo ka sa ganyan e gumagawa ng mabuting gawa iyong future asawa mo.
"Ga..." sabi niya sa mas malambing na boses.
"Ano nga?"
"I have some food delivered."
"Okay," sabi ko. "Kain ka na."
"Let's eat."
"Busog pa ako," sabi ko sabay pakita sa kanya nung isang malaking bag ng chichirya na kanina ko pa kinakain. Talagang yolo lang ako today. Sana hindi ako karmahin sa mismong exam!
"Dessert, then?"
"Tapusin ko lang 'tong episode na 'to."
Pero imbes na kumain na ay naupo si Nikolai sa tabi ko. "Jersey..." parang tanga na sabi niya habang niyayakap ako at saka sinandal iyong ulo niya sa balikat ko. "Let's eat."
"Mauna ka na. Sunod ako after nito," sabi ko habang titig na titig iyong mga mata ko nung naghubad ng scrubs si Dr. Avery.
"My abs look better than his, Ga."
"Oo na."
"Ga..." parang shunga na sabi niya.
Tumingin ako sa kanya. "Bakit ba?"
"Are you mad?"
"Hindi, ah. Kung gutom ka na, mauna ka na. Susunod ako, promise."
Pero hindi siya sumagot at tumingin lang sa akin. Napa-irap ako habang pino-pause iyong palabas. Tumayo na ako at saka lumabas. May pamilyar na Jollibee chicken joy bucket doon at platter ng spaghetti. Natigilan ako nang makita ko na may cut out letters na naka-dikit sa pader na 'Good luck on your BAR!' Tapos may transparent na bag na may lamang mga kung anu-ano.
Napa-tingin ako sa kanya.
Napa-kurap.
"Paano—"
"It was easy. I've been preparing this the whole afternoon—I wasn't even quiet! I even dropped some utensils to make noise, but I was ignored! You didn't even notice. You were busy watching that Dr. Avery."
Natawa ako. "Nagseselos ka ba sa character sa palabas?"
Umirap siya. "Well, you should see how you drool over him."
Natawa ulit ako saka napa-yakap sa kanya. "Sorry na... Nagtampo ako akala ko nalimutan mo na na BAR ko..."
Yumakap din siya sa akin. "How could I?"
"Busy ka, e... Gets ko naman."
"I know, but I'll never forget about your BAR," sabi niya sa akin. "I already planned what you'll eat for the next 4 Sundays plus I already got the stocks for your BAR kit. Also asked around for last minute BAR tips for you."
Hinigpitan ko iyong yakap ko sa kanya. Ang arte-arte ko e nagpa-plano naman pala siya para sa akin!
"I'll be waiting outside Gate 2 every Sunday after your exam."
"Okay..."
"I'll have dinner waiting for you here in the condo after every exam."
Ngumiti ako. "Thank you. Sa tingin mo ba babagsak ako?"
"No," sabi niya. "I topped the BAR, Jersey. Nothing's impossible."
Tumingin ako sa kanya at sumimangot. "Deserve mong magtop sa BAR, okay? Matalino ka. Nagtop ka kahit sobrang gulo nating dalawa dati. Hindi ka bobo, okay? Tatampalin ko na 'yang si Vito kapag nag-imply ulit siya na hindi ka matalino. Okay?" sabi ko habang seryosong naka-tingin sa kanya.
Unti-unti siyang napa-ngiti at tumango. Hinalikan niya ako sa labi. "Do you need anything else?"
Umiling ako. "Kain na tayo," sabi ko habang napapa-iling na lang kasi bakit ko ba dinoubt si Nikolai Quentin Ferreira?
***
This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top