Chapter 47

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG47 Chapter 47

Tahimik kong binibilang ang bawat segundo habang hinihintay ko si Nikolai na magsalita. Hindi ko alam kung gaano katagal... pero naghintay ako. Gusto ko lang malaman kung ano ang nasa isip niya. Ayoko siyang madaliin kagaya nung ginawa ko dati. Alam ko na mali ako doon. Hindi ko na uulitin. Mahirap sa kanya 'to kaya kailangan kong maghintay.

Ano ba naman iyong maghintay ako?

Masyadong mabigat iyong hinihingi ko sa kanya.

"What... exactly do you want me to do?" dahan-dahan na tanong niya sa akin.

"Hindi ko rin alam..." Lumapit ako sa kanya. Hinawakan ang kamay niya. Gusto ko lang talaga na alam niya na kahit anuman ang mangyari, nandito lang ako. Hindi ako aalis. Hindi ako lalayo. Hindi ako tatakbo. "Ayoko lang na magbulag-bulagan ka... ako... tayo... na walang nangyayari kung meron nga talaga."

"I know that. I just don't know how I'd turn in my family."

"Hindi pa naman natin sigurado," pampalubag-loob ko sa kanya.

"And when we're already certain?"

Napa-buntung-hininga ako. "Saka na natin isipin," sagot ko na lang dahil sa totoo lang, parang sasabog na talaga iyong utak ko sa dami ng posibilidad.

Nagka-sundo kaming dalawa ni Nikolai na 'wag na munang pag-usapan iyon. Kumain kami ng dinner dalawa tapos ay nasa sofa kami. Nanonood kami ng kung anumang palabas sa Netflix pero wala naman kaming naiintindihan pareho. Basta naka-yakap lang siya sa akin at panay ang buntung-hininga.

Hanggang sa pagtulog niya ay ramdam ko iyong pagka-lito niya sa kung ano ang gagawin niya—na alam niya iyong dapat niyang gawin... pero at the end of the day, pamilya niya pa rin iyon.

Ano ba'ng mahirap intindihin doon?

Kinabukasan ay nagsabi si Nikolai sa akin na pupunta siya para kausapin ang nanay niya. Hindi ako mapa-kali. Sinubukan ko muling magreview pero parang sumasayaw ang bawat letra sa mga mata ko.

Gusto kong lumabas.

Gusto kong tumulong.

Pero mas mag-aalala lang si Nikolai kung aalis ako.

"Salamat," sabi ko nang abutan ako ng kape ni Vito. Tipid na tumango lang siya sa akin. Naka-tingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano sasabihin... kung saan magsisimula... Ayoko rin naman na magkwento talaga kasi pamilya ni Nikolai iyon at siya lang ang may karapatang magkwento nun—kahit pa sabihin na kaibigan niya 'tong kaharap ko.

"Tagal niyo ng magkakilala ni Nikolai, noh?"

Tumango siya. "More than 2 decades."

"Paano siya nung bata?"

"Spoiled rotten," sagot ni Vito. "He's an only child, so his mom gives him literally everything. You know his mom donated buildings just to get him to graduate?"

Natawa ako. "Nasabi nga niya. In his defense daw, ilang beses siyang nagkasakit nun," sabi ko. Pati ilang beses din daw siyang muntik ma-kidnap so marami talaga siyang na-miss na araw sa eskwela. Natatawa ako tuwing naisip ko kasi todo defend pa talaga siya.

"Right," sabi ni Vito. "He used to always play under the rain."

Napa-ngiti ako. Cute niya siguro tignan! Nung nakita ko pa naman mga pictures nila nung bata pa sila, ang cucute nilang magkakaibigan! Pwedeng model ng catalogue, e!

"Paano kayo naging friends?"

"Same school."

"Iyon lang?"

"We were required to join a club back in high school and the cool thing back then was to join the basketball team, so we tried out."

Napaawang ang labi ko. "Nagbabasketball si Nikolai?!"

Tumango si Vito. "Yeah... He didn't tell you?"

Umiling ako. "Hindi! Grabe. Kinakahiya ba niya? 'Di ba siya magaling? Bano ba siya?"

Tumawa si Vito. "No, he's actually pretty good. Sancho and I got in, but we weren't that good, so we were always in Team B. Yago got in Team A, but lost interest half-way. Only Niko really stayed, but he stopped playing when he tore his ACL."

Grabe... ang dami ko pa ring hindi alam kay Nikolai! Akala ko marami na akong alam, pero marami pa rin palang hindi.

Nagkwento pa si Vito tungkol sa mga kalokohan nila nung high school. Tawang-tawa ako kasi mga siraulo pala talaga sila. Siguro maraming suhulan na naganap dahil sa totoo lang, bakit hindi sila na-kickout sa mga kagaguhan nilang apat?

Hindi namin namalayan iyong oras kung hindi pa tumawag sa akin si Nikolai.

"Where are you?" agad na tanong niya nang sumagot ako.

"Vito," sagot ko.

Rinig na rinig ko iyong buntung-hininga niya. "Thank god," mahinang sabi niya. "I'm going there."

Pinatay ko iyong tawag. Nakita ko na naka-tingin sa akin si Vito.

"If he gets mad at me, you better defend me," sabi niya.

"Di naman magagalit 'yun!"

"Wanna bet?" tanong ni Vito pero bago pa man ako maka-sagot ay naka-rinig na kami ng sunud-sunod na katok sa pintuan. Umirap pa si Vito bago parang masama pa ang loob na bubuksan ang pintuan niya.

"Why yes, you're welcome inside," sarcastic na sabi ni Vito pero si Nikolai ay dumiretso lang sa akin. Bigla agad akong niyakap. 'Di na nahiya! Nandito pa naman si Vito!

"Okay ka lang ba?" bulong ko habang yakap ko siya.

"Not really," sagot niya.

"Nagdinner ka na ba?"

"Not yet."

"Walang pagkain sa condo... kuha na lang tayo dito," sabi ko kasi may pagkain si Vito. Naka-simangot lang si Vito habang kinuha namin iyong pagkain sa ref niya. Dami-daming pagkain, e! Damot!

Pagbalik namin sa condo ay ininit ko iyong pagkain. Ramdam ko iyong tingin ni Nikolai sa likod ko. Hinintay ko na makakain siya. Alam ko naman na magku-kwento 'yan dahil sinasabi niya naman sa akin mga pwede niyang sabihin.

"Vito really has the worst taste in food," sabi niya habang parang labag sa loob na kinakain. Tinikman ko. Okay naman! Feeling food critique talaga 'to!

"Order ba ko ng Jollibee?"

"No, it's okay, Ga."

"Reklamo ka, e."

"Sorry."

"Okay ka lang ba?"

"No."

"Yakap, gusto mo?"

"Yes, please."

Tumayo ako at pumunta sa likod niya tapos niyakap siya. Hinalikan ko rin iyong pisngi niya tapos ay bumalik ako sa pwesto ko.

"Jersey..." pagtawag niya sa pangalan ko. "I talked to my mom."

Inabot ko iyong kamay niya at hinawakan nang mahigpit.

"Tell me what to do."

"Sinabi ba niya?"

"Not at first..." mahinang sabi niya. "But I showed her all the documents and evidence I gathered from the CCTV. It was all there. There was nowhere left to hide."

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya.

"What do I do, Jersey?" mahinang tanong niya. "I have evidence... but I'm pretty certain they won't hold up in court. I tried to look for witness, but no one was willing to speak... And it's not like I could blame them. Look at what happened to Darius. They take life like it's a fucking game."

Nanatili kaming dalawang tahimik. Walang nagsasalita. Hindi alam kung ano ang gagawin. Ang hirap lumaban sa mga may kapangyarihan... Kasi sino ba naman kami? Kahit na mayaman si Nikolai... mas makapangyarihan iyong mga kalaban...

"Sa tingin ko kailangan nating kausapin si Kuya Jerry."

"Kuya Jerry?"

Tumango ako. "Iyong guard ng tatay mo."

"What? Why?"

"Kinausap niya ako dati, 'di ba? Binalaan niya ako tungkol sa pamilya mo. Sinabi niya sa akin na kung mahal ko ang buhay ko, dumikit lang ako palagi sa 'yo."

"How sure are we that he's not in on that? He's always by my dad's side."

Tumango ako. "Precisely—alam niya lahat."

"And who's to say that he won't screw us up?"

Nagkibit-balikat ako. "Kasi si Nikolai Ferreira ka. Kahit magka-baliktad man ang mundo, anak ka pa rin nila. Walang mangyayari sa 'yo," sabi ko habang hinigpitan ang hawak sa kamay niya. Alam ko na natatakot na rin siya sa mga nangyayari. Kasi sino ba naman ang hindi matatakot?

"How about you?" tanong niya.

Pilit akong ngumiti. "Basta sa tabi mo lang ako?"

Umiling siya. "Let's get married. Please. Be my wife. If you're right, they should think twice before screwing with my wife."

Napaawang ang labi ko. "Seryoso ka ba?"

Tumango siya. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang may ilabas na singsing mula sa bulsa niya—na para bang ready na siya anumang oras para magpropose!

"This is not the proposal I planned for us, Jersey... I planned to propose on the beach, with the sun setting before us... I'd get on my knee and ask you to be my wife..." sabi niya at bahagyang ngumiti. "But life's unpredictable and I'm afraid of what's about to come. So... if you will... let's get married for now... and I promise you that I'll propose properly soon and give you the wedding you want—"

"Okay."

Napa-kurap siya. "Okay?"

Tumango ako. "Dun din naman tayo babagsak, 'di ba?"

Napaawang ang labi niya. "Are you serious?"

Umirap ako. "Ayaw mo ba?"

Mabilis siyang umiling. "No, of course not!" sabi niya at saka mabilis na inabot ang kamay ko. Kita ko iyong kaba sa mukha niya. "Are you sure?" muling tanong niya.

"Bakit? Ikaw ba 'di sure sa akin?"

"Jersey, I won't get your name tattooed on my skin if I'm not sure," mayabang na sabi niya.

Muli akong umirap. "E pinatakpan mo nga!"

"Fine," naka-irap din na sagot niya. "When it's all over, I'm gonna have your name tattooed again."

"Weh? Seryoso?"

"Yeah. You choose where."

"Kahit sa ano mo?"

Nagpanic iyong mukha niya. "Are you fucking insane?"

Tumawa ako nang malakas. Kanina lang ang serious namin tapos biglang ganito! Hindi ko talaga kami maintindihang dalawa! Tama nga si Nikolai—ako na ang sagot sa dasal niya dahil pareho kami ng trip dalawa!

"Fine, if you're gonna have me have your name tattooed on my dick, you better let me have my full name tattooed on both sides of your boobs."

"Fine. Basta full name ko itatattoo d'yan!"

Nagsmirk siya. "You have a lengthy name, but I trust my dick."

Umirap ako. "Napaka-yabang talaga!"

"I remember you choking—"

"Nagpo-propose ka ba talaga o mag-uusap lang tayo ng kabastusan dito, ha, Nikolai Quentin Ferreira?"

Umirap siya. "Please don't use my full name."

"What? Ang ganda nga, e!"

Ang tagal naming nagdebate tungkol sa pangalan niya. Hanggang sa napagod kaming dalawa. Kinuha niya iyong kamay ko, tumingin sa mga mata ko, at saka ngumiti.

"So... we'll do this?"

Tumango ako. "Sure na sure na 'to, ha? Walang divorce sa Pilipinas."

Tumango siya. "No divorce, Jerusha Leigh. No anullmnet, either," sabi niya. "You and me. Always."

"Nikolai," pagtawag ko.

"Yeah?"

"Mahal kita. Pakasal na tayo," sabi ko bago lumaki ang ngiti sa mukha niya at isuot niya iyong singsing sa daliri ko.

* * *

Kinabukasan ay maaga kaming umalis para mag-ayos ng mga papeles para sa kasal namin. Gusto namin pareho ng church wedding pero medyo magulo pa talaga lahat, so keri na muna sa civil wedding. Saka mas bet ko magpakasal kapag pareho na kaming lawyer para Atty. and Atty. Ferreira. Pero agad kaming natigilan nang makita namin sa labas ng pintuan ng condo si Nick kasama si Kuya Jerry.

"Dad—"

"We have to talk," sabi ni Nick. Napa-tingin siya sa akin. Tumingin ako nang diretso sa kanya. Gusto ko pa rin siyang sapakin dahil sa akin niya sinisi dati lahat nung nangyari! Tanda-tanda na, walang spine! Daig pa siya ng anak niya!

"About what?" tanong ni Nikolai habang hinihigpitan ang hawak sa kamay ko.

"About what you're planning to do," sagot niya. "Whatever it is, don't."

Humigpit lalo ang hawak niya sa akin. "It's none of your business, Dad."

Lumambot ang ekspresyon sa mukha ni Nick. Saglit akong naguluhan. "I know we have our differences, Nikolai, but you have to trust me on this."

"Why even, Dad? You didn't even bother telling me that there was nothing between you and Jersey and you knew that that drove me insane!" sigaw ni Nikolai. Ramdam na ramdam ko iyong galit niya sa higpit ng paghawak niya sa kamay ko. "So, why should I trust you now?"

"Because whatever you're planning on doing... I already did that before. And I failed. You can't beat your mother on her own game, Nikolai. I already tried."

***

This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top