Chapter 46

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG46 Chapter 46

Pinigilan ko iyong sarili ko na tanungin si Nikolai kung saan siya pupunta. Ayoko lang na isipin niya na kinakabahan din ako kahit na ganoon talaga. Sobra na nga iyong pag-aalala niya para sa akin kaya ayaw ko na dumagdag pa. Ginagawa ko na lang iyong parte ko... hindi talaga ako lumalabas sa condo. Kung lalabas man ako, magsasabi ako sa kanya. Nakaka-panibago kasi hindi ako sanay na ganoon–na may sinasabihan sa kung saan ako pupunta. Pero alam ko naman na concerned lang siya sa akin.

Ayoko rin na mamatay ako.

Bukod sa kailangan ko pang maging abogado para may mapatunayan ako sa buhay ko... hindi ko talaga kayang iwan si Nikolai. Kung ako lang, keri lang. Pero kasi kapag nawala ako, natatakot ako sa pwedeng kahitnatnan nung isang 'yon.

Masyadong honest.

Tae.

Baka maging villain backstory nga ako bigla talaga! Iba pa naman 'yung tao na 'yon! Mabait sa kung sa mabait... pero iba rin talaga magalit.

Isipin ko na lang na favor ko na rin 'to sa sangkatauhan. At least habang buhay ako, matino 'yang si Nikolai kahit papaano.

"I'll be back around 10," sabi niya.

Tumango ako. "Dito lang ako." Nag-aaral.

Tumango rin siya. "I'm sorry."

"Di mo naman kasalanan," sagot ko. "Saka at least nakaka-focus ako sa pagrereview. Malay mo magtop ako sa BAR nito, 'di ba? Who you talaga sa 'kin 'yang SCA!"

Bahagya siyang natawa. "I have faith in you."

Ngumisi ako. "Alam ko–kaya nga ginawa mo akong scholar dati, remember?"

Napa-ngiti siya na para bang nagreminisce siya bigla sa aming dalawa. In fairness... ang layo na rin talaga ng narating namin. Ito na siguro iyong parte na puro problema. Excited na akong makarating kami sa parte na kalmado na. Na masaya na kami. Na chill na lang kami.

Puta talaga.

Matapos lang 'to... aayain ko na si Nikolai na sa tabing-dagat na lang kami tumira kahit isang taon lang! Quota na ako sa stress ng mundong 'to! Saka na ako magpapaka-abogado at tutulong sa mga tao! Stressed na talaga ako!

"I remember," sabi niya. Naka-tayo lang siya sa may pinto. Parang ayaw niyang umalis.

"Bakit mo pala ako ginawang scholar noon? Bored ka lang talaga? O baka crush mo na ako dati pa? Nagandahan ka sa akin? Love at first sight ba ito?"

Natawa siya. Nakaka-miss talaga iyong tunog ng tawa niya kahit na kanina lang ay narinig ko 'yon.

"We first met on my birthday, right?"

Medyo nanlaki ang mga mata ko. "Tanda mo?!"

"Of course."

"Akala ko hindi!"

"I mean... I didn't remember at first. My memory's not that good."

Umirap ako. "Baka forgettable lang talaga ako."

Humalakhak siya. "Where's the overflowing confidence, Ga? Self-pity doesn't suit you."

Medyo natigilan ako.

Naka-tira na ako sa condo niya.

Nagsabi na rin ako na mahal ko siya.

Hindi ko kailangang marinig na mahal niya ako.

Ramdam na ramdam na ramdam ko.

Pero hindi ko alam kung kami na ba ulit.

O baka hihintayin talaga namin iyong sa BAR ko.

"Why?" tanong niya nang matahimik ako ng ilang segundo.

"Curious lang... Alam ko naman na ako ang nagsabi na title muna bago label... Kaso... Nandito na ako sa condo mo. Ano 'yun? Naka-tira ako rito as a friend?"

Kumunot ang noo niya. "I think we've both established that we can never be just friends."

"Grabe ka! Pwede naman! Bait-bait ko kaya!"

"Nah. We can't be friends if I constantly have erection around you."

Napaawang ang labi ko. "Grabe! Ang bastos ng bibig."

Tumawa siya. "Learned from the best, Ga." Umirap ako. Lumapit siya sa akin. "Why the sudden question?"

Nagkibit-balikat ako. "Curious nga lang. Kasi naka-tira ako rito... tapos tawag ka d'yan ng Ga. Bawal ma-curious, ha, Ferreira?"

Nag-iwas ako ng tingin dahil sa paraan ng pagtingin niya sa akin. Nung huling ganyan siya tumingin e bigla akong napa-luhod sa harapan niya.

"Do you want to be my girlfriend again, Jersey?"

"Saka na kapag lawyer na ako."

"Can't wait," malambing na sabi niya. Napa-tingin ako sa kanya. Ngumiti siya. "You'll pass the BAR. I'm definitely sure."

Umirap ako. "Nakikita mo na ba ang future?"

"No, but I told you–I have faith in you," sagot niya tapos ay binalot ako ng yakap. Naramdaman ko iyong halik niya sa tuktok ng ulo ko. "I know you're bored here."

Umiling ako. "Di naman masyado... At least nakaka-review ako..." sagot ko tapos ay niyakap ko na rin siya at saka sinandal iyong mukha ko sa katawan niya.

"Jersey."

"Hmm?"

"I'm going to talk to my mom this week."

Hindi ako sumagot.

Ayokong makielam sa kanila.

Kasi kahit ganyan iyong nanay ni Nikolai... kung ganoon nga siya... nanay niya pa rin 'yon. At mahal niya iyong nanay niya. Alam ko na mahirap sa kanya 'to kaya ayoko ng dumagdag pa.

"You told me you trust me to do the right thing... but I honestly don't know if I can do the right thing, Jersey..."

Hinigpitan ko lang iyong yakap ko sa kanya.

"Even if she's a monster... at the end of the day, she's still my mom... She made sure that I got everything I need and everything I want... I don't think I have the heart to just throw her under the bus..."

Naramdaman ko iyong pagbuntong-hininga niya.

"Will you hate me if I can't?"

"Disappointed siguro... pero hindi naman hate."

"Why does that sound worse?"

"Kasi kapag disappointed ka, ibig sabihin nag-expect ka? Ewan ko..." sabi ko tapos ay hinigpitan ko lalo ang yakap sa kanya–na para bang possible pa iyon. Tapos ay kumalas ako para makita niya iyong mga mata ko. "Basta nandito ako."

Alam ko mahirap para sa kanya.

Pero hindi naman kailangan na sa kanya magmula.

Kung namatay si Darius, ibig sabihin ay under investigation na ang pamilya ni Nikolai... Alam ko na dadating din ang araw na lalabas lahat ng sikreto nila. Kasi wala namang sikreto na nananatiling sikreto. Isang araw, lalabas din 'yan.

"Eu te amo muito. Amo-te mais que a própria vida."

Tumingkayad ako at hinalikan siya. "Alam ko meaning ng te amo."

Napa-ngiti siya at hinalikan din ako. "Review well, my future lawyer."

Ngumiti din ako at tumango. "Hintayin ko pag-uwi mo."

"Is this how marriage with you will feel like?"

Nagkibit-balikat ako. "Papakasalan mo ba ako?"

"Definitely," siguradong-sigurado na sagot niya. "After you pass the BAR, be on the lookout, Jersey. Proposal's on the fucking way."

Natawa ako. "Ni hindi man lang dadaan sa magjowa stage ulit?"

"Nah, we already did that. Let's go straight to the real thing."

"Sure na sure, ah."

"You bet," sabi niya tapos ay pinalibot ang mga kamay sa bewang ko. "I don't really believe in prayers, but I prayed for someone like you."

Umangat ang kilay ko. "Weh? Nagdasal ka na magka-jowa na sobrang ganda kagaya ko?"

Humalakhak siya. "God, I love you so much," sabi niya matapos akong halikan. "But no... I prayed for someone who'll listen to my whining and I don't know... want to do the same shits that I like."

"Gaya ng?"

"Staying in. Random road trips. Watching movies. Laughing about the most mundane of things."

"Dami naman d'yan."

"I know–but thankfully, it's you."

"Kasi... maganda ako?"

"No," sabi niya habang naka-tingin sa mga mata ko. "Because you're you. And thank you for being you."

Napaawang iyong labi ko sa mga salitang lumabas sa bibig niya.

Kinagat ko iyong pang-ibabang labi ko.

Ngumiti.

"Maliit na bagay..." sabi ko bago ko naramdaman iyong labi niya sa labi ko. Hindi ko alam kung gaano kami katagal na ganoon, basta ang alam ko, naghahabol na ako ng hininga nang matapos kami.

"I really need to leave," sabi niya habang malim ang paghinga.

Tumango ako habang sinu-suklay ang buhok niya. "Hintayin kita."

* * *

Nagbilin pa ulit si Nikolai na 'wag ako magbubukas ng pinto. Bago kasi siya pumasok, tatawag muna sa akin 'yun para sure ako na siya talaga iyong nandoon. Tapos may code pa 'yan! Nasobrahan sa pagiging protective, e!

Bumalik ako sa pagrereview. Tapos na ako sa Poli and sa Crim. Nasa Commercial Law na ako at medyo nase-stress ako dahil admittedly, kahinaan ko ito. Lagi kasing nirerevise! Iyong mga napag-aralan ko e revised na! Anak ng tokwa! Panibagong aral!

Habang busy ako sa pagrereview ay nakita ko na tumawag sa akin si Steve. Medyo nag-alangan ako na sagutin iyon kasi... nakaka-guilty iyong huli naming pag-uusap. Nagsabi ako sa kanila na magli-leave ako. Umalis ako nung kailangang-kailangan nila ako dahil nawala si Darius. Pagkatapos nila akong bigyan ng trabaho...

Biglang ganoon.

Na-disappoint din talaga ako sa sarili ko.

Pero kailangan kong piliin si Nikolai.

"Hello," sagot ko pagkatapos kong mag-ipon ng lakas ng loob.

"Jersey," seryosong sabi niya. "Pwede ka ba maka-usap?"

"Tungkol saan?"

"May naiwan na file si Darius."

Agad akong natigilan.

"Kailan ka pwede?"

Hindi ako naka-sagot.

"Jersey?" pag-uulit niya. "Alam ko nakaka-takot. Takot din ako. Pero, Jersey... Mas nakaka-takot kapag 'di 'to pinansin. Baka 'di na talaga ako maka-tulog sa gabi. Na alam ko 'to pero wala akong ginawa. Uusigin ako ng konsensya ko."

Humigpit ang hawak ko sa cellphone.

"Pakiramdam ko dahil dito kaya nawala si Darius."

Napa-hugot ako ng malalim na hininga.

Hindi siya nagsalita.

Ilang segundong tahimik lang.

"Kung ayaw mo, okay lang. Naiintindihan ko. Takot din ako. Sige, Jersey. Nagbaka sakali lang naman ako. Ingat ka palagi," sabi niya bago pinatay ang tawag.

Hindi naman ako tumakbo... pero habul-habol ko ang hininga ko. Sinubukan kong mag-aral ulit... pero palaging bumabalik iyong isip ko sa pag-uusap namin.

Galing ako sa hirap.

Pero maayos na ako ngayon.

Pwede akong tumahimik na lang.

Pero tangina... kaya ba ng konsensya ko?

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na naka-tingin sa cellphone ko bago ako naka-hanap ng lakas ng loob para kuhanin iyon at tawagan si Steve.

"Hi," sabi ko nang kumatok ako sa condo ni Vito.

"Hey," sagot niya.

Ngumiti ako. "Pwede bang dito muna ako?"

"Sure..." medyo na-weirduhan na sagot niya.

"Pwede ba na dito ko papuntahin iyong kaibigan ko?" tanong ko sa kanya. "Hindi kasi ako pwedeng lumabas pero hindi rin ako pwede mag-invite sa condo ni Nikolai," paliwanag ko.

Sinabi ni Nikolai sa kanila na nandoon ako. Sinabi niya rin kung bakit, pero hindi sobrang detailed. Hindi talaga ma-kwento si Nikolai ng problema niya sa mga kaibigan niya. Medyo nakaka-lungkot lang... na kapag may problema sila, si Nikolai naka-rescue agad. Pero kapag siya ang may problema, wala siyang maka-usap.

Buti talaga nandito na ulit ako.

Baka mabaliw na ng tuluyan 'yon.

"Sure," sagot niya ulit.

Tahimik akong naghintay doon hanggang sa dumating si Steve. Hindi naman chismoso si Vito–marami din siyang sariling issue niya kaya sure ako wala siyang pakielam sa gagawin ko rito. Dumating nga lang si Shanelle bigla kaya pumasok silang dalawa sa kwarto at naiwan ako sa sala.

"Nagbago isip mo?" tanong niya nang dumating siya.

"Gusto ko ring matulog sa gabi," sagot ko. "Ano ba'ng nakita mo?"

Tumingin siya sa akin. Huminga nang malalim. At saka nagsimulang ipaliwanag iyong koneksyon ni Darius sa business ng pamilya ni Nikolai. Na kung paano nagsimula sa pagka-curious niya sa nawawalang pera nung nag-aayos siya ng tax case. Sa pagtatanung-tanong hanggang sa napagtagpi-tagpi niya na iyong kwento.

Tapos na-invest.

Hanggang sa lumalim na ang alam niya.

"Ano'ng gusto mong gawin ko?" direktang tanong ko sa kanya. "Kung ganyan naman pala... bakit hindi kayo magfile diretso ng kaso?"

Pagak na natawa siya. "Seryoso ka ba, Jersey? Tingin mo ganoon lang kadali 'yang sinasabi mo?"

"E ano'ng gagawin ko, Steve? Ni hindi pa nga ako abogado. Ano ba'ng ineexpect mo na gawin ko?"

Hindi ko alam kung bakit ako naiinis.

Kasi naniniwala ako.

Pero ano bang dapat kong gawin?

Sinabi ko na na na kay Nikolai ang tiwala ko.

Na gagawin niya iyong dapat.

Pero paano kung siya na mismo ang nagsabi na baka hindi niya magawa?

"Gusto mo ba magnakaw ako ng documents nila? Kasi maraming nakakalat sa condo—pero alam natin pareho na 'di mo rin magagamit 'yan kasi illegally obtained. Gusto mo ba maging star witness ako? Pero hindi ko naman personal knowledge kaya ano'ng silbi?" diretso kong sabi sa kanya.

Napaawang ang labi niya.

Tumayo siya.

"Di na dapat ako nagpunta," sabi niya.

Kumuyom ang kamao ko. "Ano ba kasi ang gusto mong gawin ko?"

"Sabi mo dati kapag mulat ka, kasalanan na ang pumikit? Ano 'yan? Selective? Kapag kilala mo, feel free na pumikit? Kaka-disappoint naman kung ganyan, Je. Ewan ko sa 'yo," sabi niya at nagsimulang maglakad palabas.

Para akong natulos sa kinatatayuan ko.

Tangina.

E ano'ng gagawin ko?!

Kung pwede lang matunaw iyong pinto sa sobrang pagtitig ko doon, siguro kanina pa iyon tunaw. Pagpasok na pagpasok ni Nikolai, agad akong napatayo.

"Jer—"

"Naka-usap mo na ba 'yung nanay mo, Nikolai?"

Napa-kurap siya. Nabigla. Dahil hanggang sa maaari, hindi ako nagtatanong. Siya lang ang nagkukusa na sabihin. "No... not yet."

"Nikolai..." pagtawag ko sa pangalan niya habang nilalakasan ko ang loob ko. "Mahal kita, alam mo 'yan... Dahil mahal kita, ayoko na makita kang nagsisisi... Alam ko na kung tatahimik ka, magsisisi ka... Kasi mabait kang tao. Hindi ka papatahimikin ng konsensya mo kapag wala kang ginawa. Ayoko lang na mangyari sa 'yo 'yun."

Hindi siya nakapagsalita.

"Hindi ako aalis. Nandito lang ako. Pero hindi na rin ako mananahimik. May opinyon ako. At sa tingin ko... kung tatahimik ka lang... kung tama nga iyong hinala natin..." Huminga ako nang malalim. "Ano'ng pinagkaiba natin sa kanila?"

***

This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top