Chapter 45

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG45 Chapter 45

"Jersey?"

Halos hindi ako maka-hinga nang mapa-tingin ako kay Nikolai. Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak iyong cellphone ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na naka-tingin doon... kung umaasa ba ako na mali iyong nabasa ko.

Baka naman ibig sabihin niya lang na wala na sa firm... pero hindi ganoon si Ching. Hindi siya magbibiro sa ganoong bagay.

"Jersey, what's wrong?" tanong niya matapos maupo para magpantay ang mga mata namin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. Ilang beses kong sinubukan na magsalita, pero walang lumalabas na kahit na ano sa bibig ko... hanggang sa kunin niya iyong cellphone sa kamay ko at basahin ang naka-lagay doon. Kitang-kita ko iyong pagka-lito sa mukha niya... hanggang mapagtanto niya iyong nangyayari.

"Nikolai..." pagtawag ko sa pangalan niya dahil parang sobrang lalim ng paghinga niya. Nababahala ako sa itsura ng mukha niya.

"I—" Agad siyang huminto na para bang hindi niya alam kung paano sasabihin... tumingin lang ako sa kanya at tahimik na naghintay kahit na parang sasabog na rin ang isip ko sa dami ng pumapasok dito. "Shit. I... I talked to my mom about—" Muli siyang napa-hinto. "This... this can't be a coincidence."

Napaawang ang labi ko.

"Ano'ng... sinabi mo sa nanay mo?"

Agad siyang tumayo. Naglakad nang pabalik-balik. Problemadong sinuklay ang buhok niya.

"Fuck," muli niyang sabi. "Fuck. Did I kill him, Jersey? It can't be a conincidence... that I just talked to my mom about him and the next day, he turned out dead. No. It can't be. Fuck."

Hindi ako nagsalita.

Hindi ko alam ang sasabihin.

Sinabi niya ba sa nanay niya na si Atty. Marasigan iyong nagsabi? Kasalanan ko ba? Na sinabi ko kay Nikolai? Tangina. Nasa kamay ko ba iyong pagkamatay ni Darius?

"Jersey." Agad akong napa-tingin sa kanya. Ilang minuto ang lumipas na walang nagsasalita sa amin habang naka-upo kami sa loob ng sasakyan niya. Tinawagan namin si Ching kanina para ikumpirma kung tama ba ang intindi namin sa text niya... Mas lalo lang bumigat nag konsensya ko nang sabihin niya na papasok sa trabaho si Darius nang biglang may huminto na riding in tandem at basta na lang siyang barilin habang naka-upo siya sa driver's seat. Ni walang laban. Dead on the spot. Tadtad ng bala ang katawan.

Tangina.

Tangina.

Paano nakaka-tulog sa gabi iyong mga gumagawa ng ganito?

"Jersey, promise me you won't die." Kumunot ang noo ko. "You have to promise me."

Napaawang ang labi ko. "Nikolai—"

Agad siyang umiling. "You can't die on me, Jerusha Leigh. You know how all the villains in the movies have a story on why they turned out that way? Don't be my villain backstory. Please."

Hindi ko alam kung matatawa ako o maiiyak.

Para na talaga akong masisiraan ng bait.

Bakit ba laging may ganito kapag may magbabar exam sa aming dalawa?! Hindi ba pwedeng mag-exam kami nang mapayapa?!

"Susubukan ko," sagot ko sa kanya.

"Not enough."

"Ano'ng gagawin ko, Nikolai? Pinili natin 'to. Bakit ba tayo nandito? Mag-aaral ka ng ilang taon, magpapaka-hirap pumasa sa BAR... tapos papatayin ka lang para patahimikin?"

Tanginang buhay 'to.

Napa-sandal siya.

"I can't believe this. I can't believe I was so naive... I should've known... Or maybe I had known for a long time but I just refused to acknowledge it... Fuck."

Hinawakan ko lang ang kamay niya.

Ano ang sasabihin ko? Na okay lang? Na hindi niya alam? Na lahat ng pera na ineenjoy niya... galing sa buhay ng ibang tao?

"What do I do, Jersey?" tanong niya sa akin na para bang hindi niya talaga alam. "They're family... but—"

Hindi agad ako sumagot... kasi hindi ko rin alam. Nalilito ako. Nasusuka ako. Nandidiri ako sa mga tao na parang laruan lang ang turing sa buhay ng iba.

"Pumunta muna tayo doon... tapos ay kausapin natin si Steve," sagot ko na para bang alam ko ang mga kailangan kong gawin kahit sa totoo lang ay gusto ko na lang magtago sa apartment ko.

"Then what?"

"Hindi ko alam."

At pareho kaming natahimik.

* * *

Halos hindi maipinta ang mukha ni Nikolai dahil naabutan namin na nandoon iyong mga magulang ni Darius. Kitang-kita iyong guilt sa mukha ni Nikolai... na para bang siya mismo iyong kumalabit ng gatilyo.

"May... balita ba kung bakit nangyari 'to?"

"Hindi ko alam," sagot ni Steve habang nanginginig ang kamay na hawak iyong sigarilyo. "Daming hawak na kaso ni Darius. Isa 'don iyong nagpa-tumba."

Tumba.

Akala mo bote lang.

Akala mo hindi buhay ng tao.

"Tangina, Je, ano ba 'tong trabaho natin. Parang anumang oras e kakatok si Kamatayan sa 'yo," sabi niya habang nanginginig pa rin ang kamay at humihithit ng sigarilyo. "Di na siguro talaga ako magpapamilya. Iniisip ko pa lang na may maiiwan akong asawa at anak e mas lalo akong naiistress."

Naupo lang kami doon.

Tahimik.

Natatakot.

Kasi ito talaga iyong katotohanan... na kapag pinaglaban mo iyong tama, malaki ang pagkakataon na buhay mo ang kapalit. Alam mo naman... pero iba pa rin kapag nangyari na talaga... lalo na kapag sa kakilala mo.

Nang bumalik sila Ching ay iniwan ko sila dahil hindi ko rin maatim na makinig sa pinag-uusapan nila kung paano umiiyak nang walang tigil iyong mga magulang ni Darius. Tangina. Kaka-bayad lang sa condo nung tao. Ni hindi pa nga nakakapagbakasyon kagaya nung sinabi niya na plano niya. Ni hindi pa nakaka-move on sa ex niya.

Tapos... wala.

Patay na.

Tangina talaga.

Nakita ko si Nikolai na naka-tayo sa likuran ng punerarya. Naka-sandal siya sa pader doon. Kita ko rin iyong panginginig ng kamay niya habang naninigarilyo. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.

"Gusto mo bang umuwi na?"

Tumingin siya sa akin. "Move in with me—or I move in with you. I don't care where—I just really need to know that you're still alive."

"Nikolai—"

"Jersey, I want to be idealistic and think that there's still a slight chance that my discussion with my mom had nothing to do with this... but I can't take that risk. Not with you. I don't want to know what I'll do if ever something happens to you."

Itinapon niya sa sahig iyong sigarilyo at inapakan iyon.

Tumitig siya sa mga mata ko.

"Until we figure out for sure... please... stay with me."

Huminga ako nang malalim. "Okay..." sagot ko dahil sa totoo lang, natatakot din ako. Kung ganoon lang kadali sa kanila na patayin si Darius, alam ko na kung gusto rin nilang gawin sa akin, wala akong magagawa...

Lagi kong sinasabi na okay lang na mamatay ako.

Pero iba pala kapag nandito na talaga.

* * *

Sinamahan ako ni Nikolai pabalik sa apartment ko para kumuha ng mga gamit. Kinuha ko lang iyong laptop ko at mga kailangan ko para sa review. Tangina. Nagpapakamatay ako sa hirap sa pagrereview tapos ito rin pala ang literal na papatay sa akin.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko dahil iba iyong daan na tinatahak namin.

"My other condo," sagot niya.

"Sa hindi alam ng nanay mo?"

"I have no idea anymore about what my mom knows and what she doesn't," sagot niya. "But I think it's better that we stay there. My friends stay there, too. I feel more at ease there."

Huminto kami sa parking ng condo at dumiretso sa elevator. Pumasok kami sa isang unit. Malinis iyon, pero parang walang naka-tira. Ibinaba ni Nikolai iyong gamit niya sa sofa.

"Jersey," pagtawag niya sa pangalan ko habang tumi-tingin ako sa paligid. "I love you... please don't go to work... just focus on reviewing for your BAR... please?"

"Nikolai—"

"I know it's unfair of me to ask you this. They just lost Darius and I'm asking you to take a step back. But will you please do it? For me? And my peace of mind? Please?"

Napa-buntong-hininga ako.

"Okay," sagot ko. "Gagawan ko ng paraan."

"Thank you," sabi niya na para bang nabunutan ng tinik. "I just need to know everything for sure first..."

"Ano'ng gagawin mo?"

"Not ask my mom," sagot niya. "I have to investigate on my own. I can't risk—" Agad siyang napa-hinto. Kita ko iyong pamilyar na ekspresyon sa mukha niya. Sinisisi niya iyong sarili niya sa nangyari kay Darius.

Hindi ko sinabi sa kanya na hindi niya kasalanan.

Kasi paano kung oo?

Paano kung iyong pagsabi nga niya sa nanay niya iyong dahilan?

Mahal ko siya... pero kailangan niyang matutunan iyong mga ganitong bagay. Na bawat sinasabi niya, mayroong epekto... Hindi man sa kanya pero sa mga tao sa paligid niya.

"Paano... kung tama nga iyong sinabi ni Darius? Tungkol sa pamilya mo?"

"I... honestly don't know, Jersey. It's my family... I don't know."

Naka-tingin kami sa isa't-isa.

"Are you disappointed?"

Umiling ako. "May tiwala ako sa 'yo," sabi ko na may pilit na ngiti. "Gagawin mo kung alin sa tingin mo ang tama."

Pagak na natawa siya. "I hope so, Jersey. I seriously hope so."

* * *

Rinig ko iyong disappointment sa boses nila nang sabihin ko na magli-leave ako sa trabaho. Pero siguro dahil kailangan din nila ako ay hindi nila ako tinanggal sa trabaho at sinabihan na isend na lang iyong mga pleadings na gagawin ko sa email.

Pero ramdam ko na ramdam nila na iniwan ko sila sa ere.

Na ginawa ko naman talaga.

Pinili ko si Nikolai.

Nandoon lang ako sa condo at pinilit ang sarili na magreview. Hindi naman tumigil ang pag-ikot ng mundo... May exam pa rin ako... May trabaho pa rin ako... Nawala si Darius, pero nandoon pa rin iyong naiwan niyang trabaho...

Bakit kaya niya sinabi sa akin iyon?

Ramdam ba niya na mawawala na siya?

Totoo ba iyong mga pangitain? Kaya ba sinabi niya na mag-ingat ako? Kaya ba nagkwento na siya sa kaso kahit na alam ko na alam niya na hindi dapat sinasabi iyong mga ganoong bagay dahil confidential iyon?

Ang dami kong tanong pero wala na siya para sagutin iyon...

"Nikolai," pagtawag ko sa pangalan niya. Nandoon ako sa salas at naka-upo sa sahig habang nag-aaral. Siya ay nandoon sa kusina at kanina pa seryosong naka-tingin sa laptop niya. Hindi ko alam kung ano ang hinahanap niya at kung paano niya mahahanap iyon... pero ayaw niyang ipabasa sa akin. Ayaw niya na madamay pa ako lalo.

"Yeah?"

"Pwede ba akong pumunta sa grocery?" tanong ko. Puro kami delivery... Gusto ko ng ibang pagkain. "Meron namang malapit dito, 'di ba?"

Tumayo siya. "Okay."

"Ako na lang," sabi ko dahil busy siya.

"I'll come with you."

"Nikolai, 'di naman pwede na kung saan man ako pumunta e naka-dikit ka sa 'kin," sabi ko. Naiintindihan ko naman na gusto niya lang na maging safe ako... pero hindi naman possible iyong ganito...

"I just need to know that you're safe."

"Alam ko... pero hindi naman siguro nila alam na ngayon mismo ako lalabas."

"I can't take that risk."

"But you just have to."

"Jersey—"

Pilit akong ngumiti sa kanya. "Hindi ako magiging villain backstory mo, pangako..." Kasi hindi naman siya villain. If ever, ako pa iyong dahilan kung bakit magiging hero siya. Ewan. Tangina. Nababaliw na rin yata ako.

"Okay..." sagot niya na parang napipilitan pa rin. "But you have to learn how to drive first."

"Bakit?"

"You'll use my car," sabi niya. Napaawang ang labi ko. Ni hindi niya ako pinapayagan na gamitin iyon dati dahil mahal na mahal niya iyong Jeep niya. "My parents know that I always use that car... and it's heavily tinted. They won't dare to shoot at that car thinking that I'm inside... maybe. I don't know. This shit is fucked up."

Huminga ako nang malalim. "Okay."

Pumunta kami ni Nikolai sa grocery. Para siyang paranoid na patingin-tingin sa paligid na para bang anumang segundo ay babarilin na lang ako.

"Hindi naman siguro sa loob ng supermarket," sabi ko sa kanya habang tulak-tulak niya iyong cart.

"Yeah, I'm sorry."

"Bumili na lang tayo ng pagkain," sabi ko sa kanya. Kumuha ako nung mga pagkain na gusto niya at siya naman ay panay ang lagay ng pagkain na alam niyang gusto ko.

"Cash?" tanong ko nang magbayad siya. Dati kasi ay card palagi ang gamit niya.

"Yeah... Call me paranoid but I just don't want them tracking where the fuck I am."

Inabot ko iyong kamay niya at hinawakan nang mahigpit.

"Mahal kita," sabi ko. Napaawang ang labi niya. Hinigpitan ko iyong hawak sa kamay niya. Alam ko na nahihirapan na siya... kaya naisip ko lang na kailangan niyang malaman ngayon na mahal ko siya... na kahit ano man ang gawin niya o maging desisyon niya, nandito lang ako... pilit na iintindihin siya...

"Jersey... you're scaring me. Don't die on me."

Natawa ako at niyakap siya habang hawak niya iyong plastic ng mga pinamili namin. Para kaming tanga habang nasa gitna ng parking lot.

"Hindi ako mamamatay, promise."

"That's what people say when they're about to die."

"Ano ba'ng gusto mong sabihin ko? Na mamamatay na ako? Para reverse?"

"I don't know. God, I just wanted to be happy with you and this shit happened. Let's just go elsewhere and let everything be damned."

"Saan?"

"Somewhere tropical... where you can be in bikini all day."

Natawa ako. "Topless ka rin?"

"Sure," sagot niya habang sinasandal ko iyong ulo ko sa katawan niya. "And we can lounge by the beach all day and just be happy..."

Napa-ngiti ako.

Kung sana ganoon lang nga kadali.

"Kapag okay na lahat, pupunta tayo sa beach at gagawin natin lahat 'yan," bulong ko sa kanya habang hinigpitan ang yakap. Hindi nga ako pwedeng mamatay pa. Pakiramdam ko susunod agad sa akin 'tong gagong 'to. 

***

This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top