Chapter 43
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#WTG43 Chapter 43
Sobrang... weird.
Halos madaling araw na kami naka-tulog ni Nikolai. Nag-usap lang kami na akala mo e hindi kami nag-usap buong araw. Pero iba siguro talaga kapag gabi... Iba iyong usapan. Mas seryoso. Mas malalim. Pinag-usapan namin kung ano sa tingin namin iyong mangyayari sa future—iyong mga gusto pa naming magawa.
"Gusto kong maging abogado. Gusto kong maging magaling sa labor law. Gusto kong idemanda lahat ng kapitalista—kasama ka 'dun," sabi ko at natawa siya.
"I mean... you kinda did that already," sagot niya habang naka-higa kaming dalawa sa kama at naka-tingin lang sa dingding ko na kailangan na sigurong piturahan dahil naninilaw na iyong kulay niya. "So, I guess, one thing off your bucket list?"
Agad akong umiling. "Hindi. Iba 'yun. Iyong sa kay Atty. Marroquin, negotiation lang sa CBA 'yun, e."
"So, what's the plan? Really sue the entire company?"
"I mean, hindi naman specifically kayo. Ano ba'ng business ng mga kaibigan mo?"
Natawa siya. "So, you wanna sue Sancho and Vito, too?"
"Depende... hindi ba sila nagpapa-sweldo nang maayos sa mga empleyado nila?"
"You know what? I think you should start with Sancho's family—that ought to challenge you," sabi niya tapos ay nagkwento siya sa akin tungkol sa pamilya ni Sancho sa Isabela. Napaka-chismoso talaga ng tao na 'to! Kung anu-ano ang sinabi sa akin!
Ang naalala ko ay naka-tulog ako habang nagku-kwento si Nikolai tungkol sa kapatid ni Sancho na si Rome—na sa totoo lang ay hindi ko rin gets kung paano kami naka-rating doon.
"Gutom na ako," sabi ko nang subukan kong tumayo pero hindi ako maka-tayo dahil para siyang octopus na naka-palibot ang mga kamay at binti sa katawan ko.
"I can be your food," sagot niya habang naka-pikit pa rin.
"Baka mamatay ka na sa sarap kapag may take 3," sabi ko tapos ay kahit naka-pikit siya ay natawa siya. Tinulak ko siya palayo sa akin at saka tumayo na ako.
Naglibot ako sa maliit kong kusina, pero wala talaga akong maiproduce maliban sa tubig! Jusko! Ang lakas ng loob kong mag-aya kay Nikolai kagabi tapos wala namang pagkain dito sa apartment!
"Wala pala talagang pagkain," sabi ko nang sumuko na ako dahil wala talaga akong makita. Tumingin ako sa kanya at bahagyang kumunot ang noo ko nang mapansin ko na may bago siyang tatoo sa may bandang dibdib niya.
Napa-tingin din siya doon tapos ay nag-iwas ng tingin.
"We can order," patay-malisya niyang sabi habang nauupo sa sofa ko na sakup na sakop niya dahil sa laking lalaki niya.
Naupo ako sa tabi niya. Naka-boxers pa rin siya na suot niya kagabi. Dapat kasi ay matutulog kaming dalawa na naka-hubad kaya lang... 'di kami ganoon ka-strong.
"What do you want?" tanong niya habang hawak ang cellphone niya.
"May bago kang tattoo?"
"Yeah," simpleng sagot niya.
Lumapit ako tapos tinitigan ko iyong tattoo pero parang naiilang si Nikolai kaya naman umatras na lang ulit ako. Hindi na ako nagsalita.
"That was your name," sabi niya.
Agad na kumunot ang noo ko kasi wala namang pangalan ko roon. Ano 'yun? Iiscratch ko muna na parang lotto ticket bago ko makita iyong pangalan ko?
"I was drunk... and I was missing you so much... and you know I do dumb shits when I'm drunk so I got your name inked on my skin."
Napa-awang ang labi ko.
"It stayed there for a couple of months, but then it was torture seeing your name on my skin every time I'd look at the mirror, so I had that covered."
Ilang segundo ako na hindi nakapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Akala ko nag-emote lang siya dati at naglasing at nagrant sa mga kaibigan niya tungkol sa akin, pero hindi ko alam na nagpa-tattoo pala siya ng pangalan ko!
"Vito actually said that I should've had it removed instead of having it covered, but I don't know... I kinda liked knowing that your name's still there even if I can't see it anymore."
Tumingin siya sa akin.
"You see how badly I got it for you, Ms. Lorenzo?"
Hindi ko na alam kung ano ang reaksyon ng mukha ko. Jusko. Kung si Nikolai man ang pampa-lubag loob ni Lord sa lahat ng pang-aapi na naranasan ko dati... sige na, okay na.
"Tss... Kailangan ba magpa-tattoo din ako?"
Na-ngiti siya. "Nah... I don't need to see my name on your skin to know that you love me, too."
Umirap ako. "Kapal, ah."
"I mean, I got a blowjob just for having good grades. Imagine what more I'd get in the future. I'm thinking we do that anal thing you were talking about before," sabi niya habang naka-ngisi sa akin.
Kinuha ko iyong throw pillow at hinampas sa mukha niya. "Saka na kapag sinagip mo na iyong Pilipinas—maybe then I'd consider," sagot ko sa kanya at humalakhak siya.
Dahil mayroon din akong pasok sa firm ay hindi na kami umorder ng pagkain. Hindi na rin talaga kami nagkaroon ng chance kumain dahil ang kulit ni Nikolai at sumabay maligo sa akin! Ayan tuloy! Imbes na mabilis lang ako e napa-tagal iyong pagligo ko! Feeling ko imbes na luminis ang katawan ko ay mas lalo lang akong dumumi sa mga pinagagagawa niya sa akin doon!
Dumaan kami sa Starbucks at binilhan niya ako ng sandwich at kape kahit sinabi ko naman na okay lang dahil 'di naman ako nagbbreakfast talaga.
"See you next Sunday?" tanong niya nang huminto kami sa harap ng firm.
Tumango ako. "Kapag hindi ako busy ng Saturday, pwede naman na Saturday ng hapon hanggang Sunday tayo magkasama?"
Agad siyang tumango. "Beach?"
Umiling ako. "Nood na lang tayo ng movie tapos kain ng popcorn," sagot ko sa kanya. Kahit naman nasaan kami e nag-e-enjoy ako basta magkasama kami at nagchichismisan.
"Noted," sagot niya.
Naka-tingin kami sa isa't-isa.
Tangina.
Parang high school!
Mabuti na lang din siguro at matanda na ako nang nakilala ko si Nikolai! Imagine kung nakilala ko 'tong tao na 'to nung high school ako at wala akong masyadong control sa sarili ko? Malamang sampu na siguro anak ko sa kanya!
"Nikolai."
"Yeah?"
"Sendan mo ako ng pictures mo nung high school ka."
Kumunot ang noo niya. "What?"
"Basta," sagot ko. "Pati childhood pictures mo."
"Okay?"
Tinanggal ko na iyong seatbelt ko. Naka-hawak na iyong kamay ko sa pinto. Bubuksan ko na. Pero huminga ako nang malalim bago lumapit sa kanya at hinalikan siya. Nakita ko na natigilan siya. Lumayo ako. Kumurap siya sa pagtataka.
"Ay ayaten ka unay," mabilis na mabilis na sabi ko sa kanya.
"What?"
Umiling ako at binuksan na iyong pintuan at lumabas. "Drive safely! Text mo ko kapag nasa work ka na!" sabi ko bago nagmamadaling tumakbo papasok ng firm. Leche! Ang bilis ng tibok ng puso ko!
Para akong hinabol ng sampung toro nang maka-pasok ako sa firm. Naka-kunot ang noo ni Atty. Marasigan habang naka-tingin sa akin.
"Okay ka lang?"
"Oo naman, Sir," sagot ko habang pilit na naka-ngiti dahil ramdam na ramdam ko pa rin iyong pagkakarerahan ng tibok ng puso ko.
Mukhang hindi talaga ako convincing, pero hindi na nagtanong pa ulit si Atty. Marasigan dahil nagsabi na siya sa akin ng agenda for today. Wala kasi iyong ibang kasama namin dahil may mga appointment silang kailangan puntahan. Nag-uusap lang kami nang maka-rinig kami ng katok mula sa pinto.
"Hi," sabi ni Nikolai nang pagbuksan ko siya.
"Hi?" sagot ko. Shet. Itatanong niya ba kung ano iyong sinabi ko?! Naintindihan niya ba?!
"You forgot this."
"Ha?"
"This," sabi niya sabay abot sa akin nung paper bag ng Starbucks.
Napa-kurap ako. "Ah... Thank you," sagot ko habang kinu-kuha iyong paper bag mula sa kanya. Nakita ko na naka-tingin siya sa katabi ko. "Atty. Marasigan, si Nikolai. Nikolai, Atty. Marasigan," pagpapa-kilala ko sa kanilang dalawa.
Tipid na tumango lang si Nikolai at binati si Atty. Marasigan. Tapos nagsabi na agad siya na aalis na siya dahil may trabaho din naman siya.
Nang maka-alis si Nikolai ay tumingin ako kay Atty. Marasigan. Hindi naman siguro awkward... Never naman ako nagparamdam sa kanya na magkaka-something kami! Tanging peer pressure lang lahat iyon! Saka mentor lang talaga ang tingin ko sa kanya!
"Ferreira?" tanong niya bigla.
"Uh... opo?" sagot ko kasi bakit apelyido ni Nikolai ang sinabi niya agad. "Bakit, Sir?" tanong ko kasi parang merong laman iyong pagtatanong niya sa akin.
"Wala," sabi niya.
Naka-kunot ang noo ko. Naka-tingin lang ako sa kanya. Tipid na ngumiti siya sa akin.
"Good luck," dugtong niya.
Bumalik siya sa lamesa niya. Naiwanan ako roon na naka-kunot ang noo. Leche. Bakit ba lahat sila e ganyan ang sinabi sa akin pagdating kay Nikolai?! Una e si Kuya Jerry tapos ngayon naman ay si Darius. I mean, alam ko na mayaman talaga si Nikolai, pero bakit naman kung umarte sila e akala mo anak ng drug lord iyong tao! Pati si Zac dati e emote na emote kay Nikolai!
"Sir," sabi ko nung sumunod ako sa kanya. "Ano 'yung kanina?" tanong ko. Alam ko unprofessional na magtanong ako sa kanya, pero unprofessional din naman iyong ginawa niya!
Tumingin siya sa akin na para bang wine-weigh niya muna kung ano ang sasabihin niya sa akin.
"Kung tungkol 'to sa hotel nila—"
"Iyong sa inaayos niyo ni Achi?" tanong niya. "That's just the front, Jersey," dugtong niya kaya naman mas lalong kumunot ang noo ko. "Some people are rich... but some people are really rich. Sa tingin mo saan iyong boyfriend mo?"
Hindi ako nagsalita kasi hindi ko gusto kung saan papunta iyong usapan naming dalawa ni Atty. Marasigan.
"You don't have to know this, you know? Hindi mo naman hawak 'yung kaso."
Mas lalo lang kumunot ang noo ko. "Ano ba 'yan?"
"Wag na—"
"Ano nga kasi?" tanong ko na medyo natigilan siya. Alam ko boss ko siya, pero mag-iinsinuate siya ng ganito tungkol kay Nikolai tapos hindi niya itutuloy. Syempre ang iisipin ko e iyong worst case scenario! "Sorry," mabilis na kabig ko dahil boss ko pa rin naman siya.
Huminga nang malalim si Atty. Marasigan.
"Hypothetically speaking," sabi niya.
"Okay," sagot ko dahil alam ko na hindi niya dapat sinasabi sa akin 'to.
"Iyong mga hotel nila ay front lang sa talagang business ng pamilya nila," dugtong niya. Rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko. "In every hotel, there's a certain floor reserved for the 'transactions.'"
"Transactions?"
Tumango siya. "Human trafficking, black market for organs, mga ganoong bagay."
Nanlaki ang mga mata ko.
Napaawang ang labi.
"But of course that's all 'hypothetical.' Sabi nga nila, innocent until proven guilty."
Hindi ako naka-galaw.
Tumingin sa akin si Atty. Marasigan.
"I didn't have to tell you this, Jersey, but since you're interested in this field of law, malalaman mo rin naman 'yan. Maliit lang ang mundo natin," tanging sabi niya bago bumalik sa trabaho niya.
Nanatili akong naka-upo roon—hindi alam kung papaano ipo-proseso iyong mga sinabi niya sa akin nang biglang magvibrate iyong cellphone ko.
'Here are my hs pics plus vacation pics. For your perusal. Enjoy, Ms. Lorenzo,' sabi sa text niya habang naka-tingin ako sa mga litrato niya nung kabataan pa niya. Ang ganda ng ngiti niya, ang inosente. Sigurado ako na hindi alam ni Nikolai na ganoon ang business ng pamilya niya... Hindi siya ganoong tao.
***
This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top