Chapter 41

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG41 Chapter 41

"Thanks," sabi ko kay Nikolai nang iabot niya sa akin iyong paper bag. Nung matapos kasi iyong finals ko e nag-email siya sa akin at nagsabi ng congrats. Nagreply lang ako ng thank you kasi kinailangan ko agad bumalik sa firm dahil mayroon akong mga kailangang tapusin na pleadings. Tapos ay nilibre ako ni Atty. Marasigan...

Sasabihin ko pa ba kay Nikolai? Pero sabi niya kasi sa akin ay 'wag na akong magkwento sa kanya tungkol doon. Pero hindi rin naman kasi date 'yun—literal na nilagay lang sa lamesa ko iyong burger at fries. Kaya lang ay katakut-takot na tukso ang inabot ko sa mga kasama namin.

"Final sem," sabi niya.

"Sana."

"You can do it."

Bahagya akong ngumiti. "Thanks," sagot ko. "Nung BAR mo—" sabi ko kaya lang ay natigilan ako. Gusto ko sanang itanong sa kanya iyong tungkol sa BAR exam niya kaya lang ay naalala ko na pangit na topic nga pala iyon. Iyon iyong point na nagka-sira kami. Grabe. Ang tagal na rin pala talaga... Ang dami ng nangyari.

"What about it?" tanong niya.

Umiling ako. "Wala," sabi ko tapos ay tinignan iyong laman nung binigay niya sa akin na paperbag. Natawa ako nang makita ko na may isang bucket ng Chicken Joy doon. "Seriously?" kunot-noo kong tanong sa kanya nang makita ko na mayroon doong maraming gift certificate. Tumingin ako at nagkibit-balikat lang siya. Tatawa-tawa akong binalik iyong laman sa loob ng paper bag.

Tahimik lang kaming naka-upo sa loob ng sasakyan niya. Sobrang parang throwback sa mga moments namin dati. Naka-park lang kami sa isang gilid. Hindi ko rin naman kasi alam iyong sasabihin.

"Alam ko ayaw mong sabihin ko sa 'yo, pero binigyan ako ng pagkain ni Atty. Marasigan."

Naka-tingin ako sa itsura niya sa rearview mirrror. Pinigilan ko iyong sarili ko na matawa kasi grabe iyong pag-ikot ng mga mata niya. Kahit magpa-therapy... attitude pa rin talaga, e.

"Pero hindi naman yata 'yun 'yung date na sinasabi niya."

"Jersey, why is this the topic of the conversation?" kalmado na sabi niya pero halata na papunta na siya sa pagka-pikon.

"Kasi..." sabi ko at saka sadya na huminto. Naka-tingin kami sa isa't-isa sa rearview mirror. Kita ko iyong antisipasyon sa mga mata niya. Iyong paghihintay niya.

"Kasi?" paggaya niya sa sinabi ko. Pinigilan ko muling matawa dahil sa accent niya. Cute talaga ng epal na 'to, e.

"Hindi naman niya ako inaya na magdate... pero sobrang stressed na stressed ako kaka-isip kung paano ko sasabihin sa kanya, politely, na ayoko at na na-pressure lang ako sa panunukso sa aming dalawa."

Akala ko ay matutuwa si Nikolai sa sinabi ko pero mas lalo lang yatang lumalim iyong kunot ng noo niya. Pumihit ako paharap sa kanya para mas makita ko siya.

"Bakit ganyan ang itsura mo?"

Tumingin siya sa akin. Sampung segundo. Bilang ko dahil ewan ko... kinakabahan ako tuwing ganyan siya. Tuwing tahimik siya. Kasi alam ko na pinag-iisipan niya iyong sasabihin niya kaya naman kung anuman ang lalabas sa bibig niya, sigurado ako na iyon ang totoong nararamdaman niya.

"Uy..." sabi ko kasi tahimik lang siya.

"Nothing. I was just wondering."

"About?"

Sumeryoso ang tingin niya. Bahagyang bumilis ang tibok ng puso ko. "If maybe you feel the same way about me—if you just can't find the right words to tell me to fuck off."

Napa-awang ang labi ko.

"Jersey, I know I royally fucked up before but I—"

"Sorry," sabi ko. Huminga ako nang malalim. "Ilang beses ka ng humingi ng tawad sa nangyari dati," dugtong ko at saka tumitig sa kanya. "Pero hindi mo naman kasalanan lahat. May kasalanan din ako. Choice ko na hindi sabihin sa 'yo agad iyong sa—" Agad akong napa-hinto at napa-buntong hininga.

Tumingin ako sa kanya.

"Nikolai... walang nangyari sa amin ng tatay mo... Naniniwala ka ba sa 'kin?" tanong ko sa kanya. Alam ko na magkaka-balikan kami... pero alam ko rin na bago mangyari iyon, dapat ko munang malaman na naniniwala talaga siya sa akin—na walang kahit na anong nangyari sa aming dalawa ng tatay niya. Kasi kapag hindi, alam ko na mauuwi lang din sa dati...

Iyong hahawakan niya ako.

Tapos mapapa-hinto siya.

Kasi iyon at iyon lang din ang maaalala niya.

Ayoko lang sumubok ulit kami tapos mapapa-tigil dahil sa parehong dahilan.

"Yes," sabi niya. Hindi ako nagsalita. Naghintay ako sa susunod na sasabihin niya. "Yes but... can we not discuss that now?"

Umiling ako. "Kapag hindi natin pinansin... mauulit lang 'yung dati."

"Do we have to discuss that now?" Tumango ako. "Why?"

"Gusto ko lang na maging maayos tayo."

"Aren't we okay now?"

"Hindi ko alam."

"We're fine now."

"Pero hindi kagaya nung dati."

Tumingin siya sa harap niya. Inilagay niya iyong mga kamay niya sa manibela at humigpit ang hawak niya roon. "A lot of things changed, Jersey, of course we're not like before," tahimik na sabi niya. "I'm a lot calmer now—you're more... self-assured in a different kind of way. We're both different, but still the same. I still love you, but it's different now."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"I talked about our break-up."

"Kay Vito?"

Natawa siya. "No," agad na sagot niya. "I love my friends, but they're the last person I'd ask for advice when it comes to you."

Bahagyang napa-awang ang labi ko.

At natawa.

"Grabe ka naman."

Naka-ngiti iyong mga mata niya. "I admit, academically speaking, they're better—"

"Matalino ka rin," mabilis na sabi ko sa kanya dahil ayoko na iniisip niya na bobo siya.

"I'm fine," sagot niya na naka-ngiti. "I don't care if they're smarter—I'd rather be luckier in other aspects," dugtong niya at saka tumingin sa kamay ko. Huminga ako nang malalim at inabot ang kamay niya. Naramdaman ko iyong marahang pagpisil niya roon.

"I'm sorry if I can't talk about that now," mahinang sabi niya. "But when I'm ready, trust me, you're the only person that I'll discuss that with."

Hinigpitan ko iyong hawak sa kamay niya.

"Hindi sa therapist mo?"

"Nah... I don't discuss family matters with other people—even with my therapist."

Umangat ang kilay ko. "E bakit sa 'kin?"

Parang sumikip iyong dibdib ko sa paraan ng pagtingin niya. Ang lalim. Parang kaya niyang basahin iyong pinaka-tatago kong mga sikreto.

"Because you're future Mrs. Ferreira—don't you know that?"

Napaawang ang labi ko.

Tumawa siya.

"I mean... if only you'll say yes."

Sinubukan kong bitawan ang kamay niya, pero mas lalo niya lang hinigpitan. "Gago ka, ni hindi pa nga tayo ulit!"

Tumawa siya nang malakas. "Technically speaking, yes."

Umirap ako. "Sure na sure ka na magiging tayo ulit, no?"

Tumawa na naman siya hanggang sa mawala na iyong mga mata niya. "Tell me about your 'date,' then," sabi niya na may air quotations pa na parang mina-mock niya si Atty. Marasigan. Ulol talaga 'tong kasama ko.

* * *

Dahil huling semester ko na sa law school, mas lalo akong naging busy. Para akong bibitayin tuwing may klase ako sa CommRev. Tapos ay dumami pa iyong client sa firm. Literal na trabaho at aral lang ang buhay ko. Ni hindi na nga kami nakakapagkita ni Indie dahil naging sobrang busy na ako sa trabaho, pero 'di naman nagtatampo iyon dahil busy din naman siya. Lagi rin kaming magkasama ni Atty. Marasigan dahil gusto ko na mas maging hasa ako sa labor.

"Oo na, alam ko mukha akong tanga," sabi ko nang lumabas ako sa gate ng apartment ko. Once a month ay nagkikita kami ni Nikolai. Medyo madalas naman kaming nag-uusap sa text pero mas madalas na nalilimutan ko siyang replyan sa dami ng ganap ko sa buhay. Pero naka-schedule palagi na last Sunday of the month, meron kaming lunch dalawa.

"Didn't say anything."

"Wala pa akong tulog."

"You can nap."

"Saan ba tayo pupunta ngayon?" tanong ko kasi tinanong niya ako nung isang araw kung free daw ba ako ng Saturday ng hapon.

"Beach."

Nanlaki ang mga mata ko. "Ha?!"

"I promise to bring you back to Manila by 6pm tomorrow," sabi niya, pero hindi pa siya nagsisimulang magdrive. Tumingin siya sa akin. "Unless you don't want to?"

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko. Sobrang burned out na rin kasi talaga ako. Ibang klase 'tong last sem—talaga palang save the worst for last! Para akong kandila na paubos, e.

"La Union."

Shet.

Gusto ko.

"May trabaho ako sa Monday."

Tumango siya. "I know," sagot niya. In fairness sa kanya kahit tuwing kausap ko siya lagi kong nakkwento na kasama si Atty. Marasigan, hindi siya nagrereklamo. O baka kasi sa text naman 'yun kaya 'di ko kita iyong facial expression niya. Pero so far, kapag sa trabaho ko, 'di naman siya nakikielam.

"6pm, ha?"

Tumango siya. "So, can I drive now?"

Tumango ako. "Fine... pero bakit mo naman kasi naisip 'tong La Union?"

"You said you're stressed because the graduating list will be released this weekend, so I just wanted to ease your mind a bit."

Napaawang ang labi ko. Grabe. Naaalala niya pa 'yun? Sabagay... bihira lang ako magreply sa kanya, so baka nga maalala niya talaga lahat ng sinasabi ko sa text.

"Wala ka bang gagawin sa work?" tanong ko sa kanya. 'Di rin naman ako masyadong nagtatanong tungkol sa trabaho niya—binitawan ko na rin kasi iyong kay Atty. Marroquin dahil ang haba pa ng negotiation e halos mamatay-matay na ako sa workload ko sa firm at sa school. Nakiki-chismis lang ako minsan kay Nikolai sa nangyayari.

Nagkwento si Nikolai tungkol sa nangyari sa trabaho niya—hindi ko nga alam kung ayos lang na sinasabi niya sa akin lahat dahil minsan ay feeling ko confidential information na iyong kinu-kwento niya ng parang chismis sa akin. Ang ginagawa ko na lang, pilit kong kinakalimutan lahat kasi mamaya bigla pa siyang mapa-hamak dahil napaka-daldal niya.

Ni hindi ko namalayan na nasa La Union na pala kami dahil sa dami nung kwento niya tungkol kay Atty. Riano—iyong lalaki na laging naka-kontra sa lahat ng desisyon niya sa kumpanya.

Mabilis akong tumakbo papunta sa beach. Narinig ko iyong tawa ni Nikolai mula sa likuran ko. Agad akong naghubad ng tsinelas tapos ay nagtampisaw sa tubig. Grabe, nakaka-miss! Ang huling punta ko rito ay nung pumunta kami ni Nikolai dati! Nung naghiwalay kasi kami ay naging sobrang busy ako sa pagta-trabaho. Sobrang na-miss ko iyong ganitong random beach trips.

"Got us 2 rooms," sabi niya.

Tumango ako. "Salamat," naka-ngiting sabi ko habang nag-e-enjoy pa rin sa pagtatampisaw. "Salamat sa pagdala mo sa 'kin dito. Nakaka-relax talaga."

Ngumiti lang si Nikolai habang pinapanood ako. Maka-lipas ang ilang minuto ay pumunta na kami sa kwarto. Wala naman akong dala na kahit ano dahil biglaan lang 'to. Natawa ako nang abutan ako ng isang paper bag ni Nikolai.

"Overnight things," sabi niya.

"Thanks. Pinaghandaan mo talaga 'to, no?"

Nagkibit-balikat siya. "I mean, you didn't reply to my messages for 2 weeks."

Umirap ako. "Nagsabi ako sa 'yo na finals ko nun."

Tumawa siya. "I know. I'll just clean up and let's meet later for dinner?" tanong niya at tumango ako.

Umidlip ako sandali tapos ay tinignan iyong naka-lagay sa paper bag. Mayroong puting sundress doon at mga underwear na may pricetag pa. Naligo ako at sinuot iyong dress. Paglabas ko ay natawa ako dahil terno kami. Naka-brown na cargo shorts siya at saka short-sleeved polo.

"Sinadya mo 'to, no?"

"No," pagdedeny niya pero halata naman na sinadya niya. Mga trip nito, e.

Dahil off season naman ay wala halos tao. Umorder lang kami ng pasta, pizza, at saka beer. Tahimik kaming kumain at nagkwentuhan sa mga kung anu-anong bagay. Nakaka-relax sa pakiramdam iyong bawat paghampas ng alon.

"Lakad tayo?" tanong ko nang matapos kaming kumain. Tumango si Nikolai. Naglakad lang kami sa dalampasigan habang hawak-hawak namin iyong beer.

"Do you already have a review center?" tanong niya. Medyo nagulat ako dahil akala ko off topic iyong BAR sa aming dalawa.

"Di ko pa nga sure kung makaka-graduate ako."

"You'll graduate for sure," sabi niya. "If not now, then next sem."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Wow, thanks sa confidence."

Tumawa si gago. "The review center we went to is really great. You should go there, too."

"Pag-iisipan ko," sagot ko. Syempre kailangan ko munang magresearch kung gaano ba kalayo sa tinutuluyan ko pati kung magkaano iyong bayad 'dun. 'Di naman na kagaya nung dati na kebs lang ako sa mga ganyan kasi alam ko na sasaluhin ako ni Nikolai.

"I'll email you the details."

"Pero 'di pa talaga ako sure kung makaka-graduate ako. Feel ko bagsak ako sa CommRev."

"Yeah... not a big fan of Commercial Law," sagot niya.

"Akala ko Remedial ang kaaway mo?"

Umirap siya. "Yeah, don't remind me. I failed in Remedial."

Napaawang ang labi ko. "Seryoso?!"

Tumango siya at saka kinwento sa akin iyong nangyari nung lumabas na iyong resulta ng BAR. Medyo nakaka-tuwa na nakaka-lungkot kasi hindi kami magkasama nung nalaman niya na abogado na siya. Pero kahit na ganoon, kasabay niya naman akong nagcelebrate—'di nga lang kami magkasama.

"Sus, nagtop ka pa rin naman."

"Yeah... that was a surprise."

"If I know paawa effect ka lang pero halimaw ka talaga sa school."

"Hell, no," sabi niya tapos natigilan. "You know what? I think I'm really smart—I'm just friends with the wrong people," dugtong niya kaya natawa ako.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Ang layo na pala ng narating namin, pero parang wala pa rin kami sa dulo.

"Sayang... Sana magkasama tayo nung nalaman mo na abogado ka na," mahinang sabi ko, pero alam ko na rinig niya. Isa kasi talaga iyon sa mga pinaka-pinanghihinayangan ko. Na sana magkasama kami nung panahon na 'yun. Kahit doon lang.

"I know..." mahinang sagot niya rin. "But I promise I'll be right beside you when you're officially Atty. Lorenzo."

Umirap ako. "Saka na kapag nasa graduating list na ako," sagot ko sa kanya. Kinuha niya iyong cellphone niya at saka may pina-kita sa akin.

Agad na nanlaki ang mga mata ko. "P-paano—"

"Asked someone to message me when the result comes out," sagot niya. Naka-awang pa rin ang labi ko. Sa bulletin sa school iyon unang ipopost! Ni wala pa nga sa mga kaklase ko ang nakaka-alam!

"Congrats. You're officially—" pero hindi natapos ang sasabihin niya dahil mabilis ko siyang sinugod ng yakap. Narinig ko ang pagtawa niya at pagbalik ng yakap ko. "Congrats, Jersey. You did it. You conquered law school."

***

This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top