Chapter 38
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#WTG38 Chapter 38
Dinala ako ni Atty. Marasigan sa office nila at pinakilala sa mga tao roon. Ang babait nila at welcoming! Medyo nalula ako sa sobrang dami nung hawak nilang cases, pero alam mo 'yun? Natakot ako... pero at the same time na-excite? Ramdam na ramdam ko na talaga iyong next part ng buhay ko.
Sobrang nakaka-tuwa.
'Di ko akalain na mararating ko 'tong punto na 'to.
Kaya naman humugot ako ng malalim na hininga bago ko kinuha iyong cellphone ko at nagreply sa email ni Nikolai. Ilang linggo rin na hindi ko agad iyon na-replyan. Nung una ay dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko... tapos ay nawala na lang din sa isip ko. Tapos na-realize ko na mabuti siguro 'yun, no? Na hindi na sa kanya umiikot iyong mundo ko. Na dati e takot na takot akong makipagrelasyon sa kanya kasi alam ko na kapag nawala siya, walang matitira sa akin. Pero iba na kasi ngayon... may buhay na ako na sa akin talaga.
Mas nakaka-hinga na ako nang maluwag.
'Hi. Forgiven but not forgotten. Wag mo ng uulitin yun—hindi lang sa akin kundi kahit kanino. Alam ko matalim tabas ng dila mo, pero kontrolin mo mga sinasabi mo.'
Hindi ko ni-replyan iyong pagtatanong niya sa akin kung pwede bang magkita kami. Busy na rin ako sa buhay ko. Hindi kasama sa priority ko iyong 'love life' ngayon.
Ayoko namang magpaka-hipokrita.
Mahal ko pa rin naman iyong gagong iyon.
Kaso lang... ako muna.
Sarili ko muna.
Titulo ko muna.
Kung mahal niya nga talaga ako, maghintay siya.
Saka magtherapy muna siya d'yan—at saka na kami mag-usap nang maayos kapag maayos na kaming dalawa. Naglolokohan lang kami kung ipipilit namin ngayon kahit ang obvious na may issue pa naman nga.
"Ano ba'ng tips ang kailangan mo?" tanong ni Indie sa akin. As usual ay nag-aaral kami para sa finals—ang lapit na rin agad! Walang hinga-hinga, e!
"Ewan ko..." sagot ko sa kanya. "Paano ba doon? First time ko magwork sa ganoong lugar."
Gusto ko lang maging maayos iyon kasi syempre si Atty. Marroquin iyong nagpakilala sa akin kay Atty. Marasigan. Gusto ko lang na hindi siya mapa-hiya kahit sa tingin ko e kebs naman 'yung taong poker face na 'yon.
Saka bet ko talaga maging mentor si Atty. Marasigan, e. Kailangang umayos talaga ako. At sabi niya kapag maganda daw iyong performance ko, gagawin nila akong part na talaga ng firm. Under probation pa kasi ako... na naiintindihan ko naman. 'Di naman ako galing sa mga sikat na school... Pero hindi rin naman ako totally nanghihinayang. Ang ipokrito nga rin talaga nung SCA na pina-layas ako ng walang explanation sa part ko, kaya bakit ako manghihinayang sa Catholic school na 'yon?
"Usually sa 'yo lahat ng leg work," sabi niya. "Magprepare ka lang sa sobrang dami ng gagawin mo," dugtong niya. "Medyo wrong timing na ngayong graduating ka pa nagtrabaho."
Nagkibit-balikat ako.
No better time than today.
"Mga preparation ng pleadings siguro... Okay ka naman sa remedial, noh?" sabi niya at tumango ako. Iyong remedial kasi sobrang hassle sa sobrang dami nung procedure—swerte talaga ako na mabilis akong maka-memorize. Pero sobrang nightmare nun sa mga hindi magaling sa memorization! Dami kayang periods na kailangan mong tandaan.
"Ano pa?"
Nagkibit-balikat si Indie. "Reviewhin mo rin ulit iyong sa Legforms. And makinig ka lang sa mga utos nila kasi madalas mainitin ulo ng mga abogado sa dami rin ng ginagawa nila, e. Ayun pala—be ready na masigawan lang," paalala niya at tumango lang ako.
Na-e-excite ako lalo! Hindi naman ako excited masigawan, pero excited ako na sumabak talaga sa totoong buhay.
Naghiwalay kami ni Indie sa pagrereview ay halos hating-gabi na. Naglinis lang ako ng katawan at saka nagready na sana sa pagtulog nang makita ko na may email ulit sa cellphone ko.
'I know. I'm really working on it. Can I ask if you have free time?
Umirap ako.
Tumingin sa kisame.
'Busy ako. Graduating.'
'I'll go to you.'
'Okay naman na yung apology mo sa email.'
Hindi siya agad sumagot. Pumi-pikit na iyong mga mata ko sa sobrang antok. Dapat ay matulog na ako dahil maaga pa iyong pasok ko bukas—sabi ni Indie ay kung gusto ko magpa-bibo ay dapat una ako sa office tapos pinaka-huling umuwi. Hindi naman daw required... pero kung gusto ko lang daw.
'Okay. I hear you. I hope you're always well.'
Pipikit na sana ako nang mabasa ko iyong email niya, pero nagvibrate na naman iyong cellphone ko.
'Will I still see you during the negotiation of the CBA?'
'Oo naman pero wag sanang maka-apekto yun sa negotiation.'
'Believe it or not, I'll still approve the raise even if you weren't there.'
'Weh'
'Yes. Seeing you was just a bonus.'
Umiikot iyong mata ko sa mga nababasa ko sa taong 'to. Tinulugan ko na nga. Akala mo hindi galit na galit sa akin dati, e.
Paggising ko, kumain ako ng heavy breakfast kahit hindi ako sanay. Nagdala ako ng extra na damit dahil magcocommute lang ako papasok sa trabaho. Ayoko naman na amoy usok at pawis ako mamaya.
Pagdating namin doon ay nagulat si Atty. Marasigan nang makita ko.
"Aga, ah," sabi niya habang may hawak na tasa ng kape.
Alangan akong ngumiti. "First day, Sir, e."
Tumango siya. "Wala pang tao," sabi niya. "Pero doon iyong table mo. Lapag mo na lang iyong gamit mo."
Maliit lang iyong firm tapos ang dami-dami pang papel. Ngayon pa lang ramdam na ramdam ko na talaga iyong dami ng gagawin. Na-e-excite na kinakabahan talaga ako.
"May klase ka, 'di ba?" tanong niya.
Tumango ako. "Aalis ako ng 4:30 para pumunta sa school," sabi ko. Iniisip ko pa lang ngayon kung saan ko ipapasok iyong tulog ko e napapagod na agad ako. Kasi may school ako, may law firm, may online job, tapos nagreresearch pa rin naman ako para kay Atty. Marroquin.
Pero bahala na.
Kakayanin 'to.
"Sobrang daming ginagawa rito."
Tumango muli ako. "Alam ko po, pero excited na ako."
Natawa siya. "Ganyan din enthusiasm ko dati."
"Hindi na ba ngayon?" naka-tawang tanong ko.
"Ganon pa rin naman kaso lamang iyong pagod na ako," sabi niya. Mukhang stressed na stressed na talaga si Atty. Marasigan dahil magka-batch lang naman sila ni Atty. Marroquin pero may mga white hairs na siya... pero bagay naman sa kanya. Mas lalo siyang nagmukhang smart.
Sinabi lang sa akin ni Atty. Marasigan na usually daw wala talagang official na lunch break dahil diretso ang trabaho, pero lumabas na lang daw ako kapag alas-dose na para makapagreview pa rin ako. Kasi kapag nagstay daw ako sa loob ay mauutusan talaga ako. Nakaka-tuwa na concerned siya sa acads ko.
"Salamat, Sir."
Tipid na ngumiti lang siya. "Wala 'yun," sabi niya. "Alam ko naman na mahirap maging working student."
"Working student ka dati?"
Umiling siya. "Pero marami akong kaibigan na working student kaya alam ko na mahirap."
Nagkwentuhan pa kami sandali tapos ay dumating na iyong ibang tao sa firm. Napa-kilala naman na ako dati kaya dumiretso na kami sa trabaho. Tama nga si Indie na puro pleading ang pinapa-ayos sa akin. Mabuti na lang at memoryado ko iyong rules ng NLRC! Kahit nahirapan ako sa prof ko noon sa LabRel, at least kabisado ko iyong procedure.
Nang maglunch, medyo alangan ako na lumabas kasi busy silang lahat na magtrabaho. Nakaka-guilty pati... pero nakita ko si Atty. Marasigan na sine-senyasan ako na lumabas na. Nang hindi pa rin ako gumalaw, tumayo si Atty. Marasigan at saka lumabas. Wala namang pumansin sa kanya... kaya napa-tayo na rin ako.
"May malapit na fastfood dito na wala masyadong tao. Doon ka na lang maglunch at review kung gusto mo," sabi niya sa akin. "Pero balik ka ng 1pm. Medyo masungit si Eris sa time, e. Baka hanapin ka nun."
"Kaka-hiya."
"Di 'yan," sagot niya. "Alam naman nilang graduating ka. Naging estudyante rin naman kami."
"Okay... Salamat, Atty."
Tumango lang siya at saka bumalik na sa loob.
Grabe... may mga tao na mababait lang pala talaga, no?
* * *
Medyo marami akong bloopers sa first week ko sa law firm. Sorry ako nang sorry sa kanila, pero sabi naman ni Atty. Marasigan na imbes na magsorry ay ayusin ko na lang daw next time. 'Di naman sila galit, pero kita mo sa mukha nila iyong dismayado sila.
Shet. Napapa-hiya ko pa ata si Atty. Marroquin!
"Sir... nagkakalat pa ata ako sa firm nila Atty. Marasigan," kwento ko kay Atty. Marroquin habang naghihintay kami na magstart iyong meeting para sa CBA nung SEBA sa hotel nila Nikolai.
"Everyone's a beginner at some point. Basta ayusin mo na lang sa susunod," sabi niya lang.
Gusto ko pa sanang humingi ng life tips kay Atty. Marroquin kasi ang dami niyang ganap sa buhay kaso ay nakita ko na dumating na iyong team nila Nikolai. Nagpa-gupit si Nikolai—naka-clean cut siya ngayon. Same pa rin naman iyong itsura niya, pero mukha siyang kagalang-galang kapag naka-suit and tie siya. Naninibago lang ako kasi mas sanay ako na makita siyang naka-itim na sando at boxer shorts lang.
Tsk.
Ano na naman 'yan?
"Good morning," bati niya. "Shall we begin?" Dumako ang tingin niya sa akin, pero sandali lang. Nalimutan ko nga pala siyang replyan! Ang dami naman kasing nangyayari sa buhay ko! Nalimutan ko lang talaga! At saka sure ako na marami din naman siyang ganap sa buhay niya.
"Where were we?" tanong ni Nikolai habang nagbubuklat ng mga papel. Bahagyang naka-kunot ang noo niya habang may binabasa roon. Mabilis ang pagbasa ng mga mata niya na para bang sanay na sanay na siya sa ginagawa niya. Iba talaga siya kapag nasa trabaho na—mas seryoso.
"Wage increase," sagot ni Atty. Marroquin sa tabi ko. "Our proposal was from the old wage to 650 per day."
"You know we can't agree to that," sagot nung kasama ni Nikolai.
Iniabot ko kay Atty. Marroquin iyong financial audit ng hotel nila Nikolai at sinabi ni Atty. Marroquin na may steady increase iyong revenue ng hotel for the last 5 years. May report din doon nung wage increase ng ibang hotels.
"I believe the increase we're requesting is very considerate considering this report," mahinahon na sabi ni Atty. Marroquin pero kahit na ganoon, ramdam mo na hindi siya basta-basta magbabackdown. Ganito ang goal kong maging lawyer!
May inilapag na papel si Nikolai. "I'm afraid we can't agree on the proposed increase."
"Then what's the point of this negotiation? We're reach an impasse and then this will escalate to unfair labor practice," sabi ni Atty. Marroquin sa kalmado pero threatening voice niya.
Kalmado lang din si Nikolai... Grabe. Dati parang litung-lito siya sa mga ginagawa niya sa buhay tapos ngayon... ramdam mo na confident na rin siya. Sayang. Hindi ko nakita kung paano naka-rating siya sa punto na 'to. Kasi kahit naman hindi na kami, proud pa rin ako sa kanya. Cheerleader niya pa rin ako. Number 1 fan pa rin.
"As you can see, we have just recently acquired another hotel and is in the business of expansion and we have yet reached the return of investment."
Binabasa ni Atty. Marroquin iyong report. Naka-tingin lang ako kay Nikolai. Napa-tingin siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa namin at nagtititigan lang kaming dalawa. Para kaming gago—sa gitna talaga ng negotiation?
Kinunutan ko siya ng noo.
Tinaasan niya ako ng kilay.
"We'll take this under advisement," sabi ni Atty. Marroquin. Malamang e sa akin na naman niya ito ipapa-research.
Simpleng tumango si Nikolai. "While we can't agree to your proposal, we're very amenable to 600 a day," sabi niya. Kitang-kita ko na parang constipated iyong kasama niyang matanda na ang goal ata e kontrahin lahat ng sasabihin ni Atty. Marroquin.
Hindi agad sumagot si Atty. Marroquin.
"And better benefits," sabi ni Nikolai. Medyo nanlaki ang mga mata ko. Ito kasi iyong gusto din nung mga empleyado pero mas priority iyong sweldo kasi iyon iyong makukuha nila agad.
Tumayo na sila Nikolai. Tapos naman na iyong meeting dahil ang agenda lang naman ngayon ay iyong sa wage increase na okay naman na. Bago kami tumayo ay sinabihan ako ni Atty. Marroquin na magresearch tungkol sa acquisition na sinasabi ni Nikolai.
"Hindi po ba okay na iyong offer nila?" polite na tanong ko... kasi feeling ko generous na si Nikolai sa offer niya.
"Yes," simpleng sagot ni Atty. Marroquin. "But we owe it to our clients to always ask for a better deal."
Napaawang lang ang labi ko.
Goals.
Naunang umalis si Atty. Marroquin dahil may klase pa siya sa SCA. Naglalakad ako palabas nang magka-salubong kami ni Nikolai. Tipid akong ngumiti sa kanya.
"Sobrang laking tulong sa mga empleyado niyo nung increase."
"I know," sagot niya.
"Ano pala... kanino ba ako magrerequest kasi kailangan ko iyong sa financial report tungkol sa acquisition?" tanong ko sa kanya.
Tipid siyang tumango. "I'd have place a request for it," sagot niya.
"Okay... Kailan ko pwedeng makuha?"
"I'll bring it to you."
Natigilan ako.
Medyo kumunot ang noo.
"You said it in your email—you're always busy... So, I'll deliver it to you."
"Nikolai," pagtawag ko sa pangalan niya. Naka-tingin lang siya sa akin na para bang naghihintay siya sa sasabihin ko... at para bang kabang-kaba siya. "Bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin? Parang galit ka lang sa akin dati."
Hindi siya agad naka-sagot.
"Dahil ba nakita mo na may kausap akong lalaki? Threatened ka lang ba?" diretsong tanong ko sa kanya. Hindi na nga rin kasi kami bata gaya ng laging sinasabi ni Indie—na kung kaya namang pag-usapan, e 'di pag-usapan na para tapos na.
Hindi pa rin siya naka-sagot.
Tumango lang ako at tatalikod na nang matigilan ako nang sabihin niyang, "Wait." Tumingin ako sa kanya. "I'm still thinking." Bahagyang kumunot ang noo ko. "I don't want to say the wrong answer and have you walk away."
Kumunot ang noo ko. "Nikolai, hindi ko sinasabi na 'wag kang magsalita—free ka naman na sabihin kung ano ang gusto mong sabihin."
"Yes... but I don't want to disappoint you."
Napa-awang ang labi ko.
"Jersey, I've always been rude and crass and honestly, an asshole to people who are not my friends... but you getting mad at me was my rude awakening. I don't want to be that person anymore. But I'd been like that all my life... I'm still trying to unlearn all the bad things about me. Can you please wait... I'll be better. I promise."
Hindi ko alam kung bakit sumi-sikip iyong dibdib ko.
"We've been through a lot of shit, I know, but I'd loved you then and I still love you... but I understand we can't be together right now. I don't want to ask for anything because you don't owe me anything... just please... don't completely give up on me. I'm going to be better, I swear."
***
This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top