Chapter 36
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#WTG36 Chapter 36
Nasa isang parang conference hall kami dahil dito gaganapin iyong unang conference para pag-usapan kung paano ang mangyayari sa negotiation para sa bagong CBA. Kausap nung president ng SEBA si Atty. Marroquin habang nagrerecord ako at nagsusulat ng notes.
"Pwede kang umalis kung kailangan," sabi ni Atty. Marroquin.
"Thank you po," sagot ko. Meron kasi akong exam mamaya. Maaga pa naman, pero at least sinabi ni Atty na pwede akong umalis kung gusto ko. Nakapag-aral na rin naman ako roon. Isang linggo akong todo focus lang sa pag-aaral para walang distraction. Ngayon ay gusto ko namang dito sa actual tumulong. Sa school kasi ay puro concepts lang tungkol sa batas ang inaaral namin—iba pa rin talaga iyong kapag naaapply mo na iyong pinag-aralan mo.
Nagbasa na lang ako nung notes ko habang hinihintay naming dumating iyong kabilang kampo. Kasi kapag hindi sila dumating, walang mangyayari ngayon. Sayang iyong oras. Pero ayos lang din naman kasi in case na hindi ulit sila sumipot sa susunod, at least good thing iyon sa part namin.
Nang tumayo si Atty. Marroquin ay automatic na napa-tayo rin ako. Bahagyang kumunot ang noo ko nang makita ko si Nikolai na kasama nung legal team nung hotel nila. Sabagay, siya nga pala iyong head ng legal department. Ewan. Bahala siya d'yan.
Nagsimula na iyong meeting. Tahimik lang akong nakikinig at nagsusulat habang pinag-uusapan nila kung kailan iyong frequency ng meeting at kung anu-ano iyong provisions na open for negotiation. Ang hiling lang naman talaga nung mga empleyado ay mas mataas na sahod at mas magandang benepisyo—kung sa opinyon ko lang ay ayos naman iyong mga demands nila... Ewan ko lang sa kabilang kampo.
Napagdesisyunan na tuwing dalawang linggo iyong meeting. Puro tungkol sa economic provisions lang iyong na-discuss dahil wala naman atang papalitan sa SEBA. Nang matapos iyong ay tumayo na ako.
"Sa school ka ba didiretso?" biglang tanong ni Atty. Marroquin habang naglalakad kami palabas. Tumango ako. "Doon din ako papunta, kung gusto mo lang na sumabay," seryosong sabi niya. Medyo natawa ako dahil walang ka emo-emosyon iyong pagkakasabi niya. Gusto ko ngang biruin kung genuine ba iyong offer dahil parang keri lang naman sa kanya kahit sumabay ako o hindi.
"Pasabay ako, Attorney," sabi ko sa kanya. Napa-tingin ako nang magka-salubong kami ni Nikolai. Tumingin lang ako sa sandali sa kanya tapos ay nagpa-tuloy sa paglalakad. Hindi ako lumingon—ni hindi ako na-tempt na lumingon. Ewan. Parang natauhan talaga ako sa huling pagkikita namin. Na bakit ko ba pinapa-hirapan iyong sarili ko? Nagbreak kami noon kasi ang toxic na... Ganoon pa rin naman ngayon. Wala namang nagbago. Kaya bakit pa ako manghihinayang?
Pagbalik ko sa school, nagpasalamat lang ako kay Atty. Marroquin. Nakita ko sila Mike na naka-tambay sa labas ng school. Agad nila akong tinukso nang makita nila ako.
"Mukha kayong timang," sabi ko sa kanya.
"Kaya naman pala deadma sa mga classmate! Prof pala ang nais!" sabi ni Jassy sa akin. "Teh, 'di talaga maaabot ng classmates natin 'yang gusto mo—ang yummy kaya ni Sir!"
Inagaw ko na lang iyong reviewer niya. Sinasabi nitong baliw na 'to. 'Di ko type si Sir at mas sure ako na 'di ako type ni Sir. Nakita ko si Sir dati na may kasamang lalaki at mukhang jowa niya—pero 'di ko pinagkakalat kasi 'di ko naman kwento 'yun.
Ganoon lang iyong nangyari sa buong linggo ko. After ng exam ay uuwi muna ako para umidlip tapos ay magkikita kami ni Indie para mag-aral ng sabay. 'Di na namin pinag-uusapan si Nikolai... kasi after ko ikwento sa kanya iyong nangyari, sinabi lang ni Indie sa akin na ang gago raw ni Nikolai at 'wag na raw namin siyang pag-usapan.
Sobrang thankful ako roon.
Kasi ayoko na rin talaga.
'Di ko alam kung hanggang saan ako lulubog sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. Alam ko naman na masakit siyang magsalita... pero iba kapag sa akin niya sinasabi.
"Hirap maging alipin ng salapi," sabi ni Indie habang naka-upo kami sa hood ng sasakyan niya. Kaka-tapos lang ng huling exam namin.
"Di ko na yata bet maging corporate lawyer," bigla kong sabi.
"Ano na ba trip mo?"
"Labor," sagot ko.
"Walang pera d'yan usually," sabi niya.
"Alam ko," sagot ko. Karamihan kapag labor cases puro illegal dismissal, e. Malamang walang pambayad iyong mga naghahabla. Pero mas trip ko talaga iyon. 'Di ko talaga gusto iyong sa civil dahil usually mga magkakapamilya iyong nagdedemandahan. Para akong napapa-throwback sa mga kamag-anak ko sa probinsya na gusto kong ibaon sa limot.
"Good for you," sabi niya. "Mabuti 'yan. Ipaglaban ang mga naaapi."
Natawa ako sa kanya. "San ka ba?"
Nagkibit-balikat siya. "Di ko rin alam. Pero gusto ko doon sa malaking kita," sagot niya sa 'kin. 'Di ko rin naman masisi si Indie dahil siya iyong breadwinner sa pamilya niya. Saka iba-iba naman kami ng dahilan kung bakit gusto naming maging abogado—sure ako na gusto niya ring maka-tulong sa mga naapi kaya nga lang, may iba rin siyang kailangang gawin.
E ako sarili ko lang naman iniisip ko.
Kaya sino ba ako para manghusga?
"Arbitration daw malaki pera," sabi ko sa kanya kasi nung one-time na may kausap si Atty. Marroquin, narinig ko lang, e.
"Oo, pero mahirap maka-pasok doon," sagot naman ni Indie tapos ay kinwentuhan niya ako nung mga ganap sa law firm na pinagta-trabahuhan niya. Natapos iyong buong gabi namin na nag-uusap lang kami tungkol sa magiging trabaho namin... na akala mo naman ay pasado na kami sa BAR exam.
* * *
Linggo at imbes na magrelax ako ay inaaral ko iyong points for discussion sa susunod na meeting namin. Ito kasi iyong una kong kaso na hawak talaga kasi sa legal clinic naman ay assist lang at mga research. Nagtext ako kay Atty. Marroquin tungkol doon sa isang topic for negotiation. 'Di naman ako nag-e-expect ng sagot agad dahil busy iyong tao kaso sumagot agad siya.
'I'm in a meeting.'
'Ay sorry po, Sir. Kahit mamaya na lang po kayo sumagot.'
'If you're interested in pursuing a career in Labor, I can introduce you to some people here.'
Agad na nanlaki ang mga mata ko. Alam ko naman kasi na sa mundo na 'to, 'di lang kailangan na basta magaling ka... kailangan din talaga na may kakilala ka. Minsan nakaka-torn kung magagalit ka ba sa sistema o susunod na lang kasi nakaka-pagod din pumalag.
Mabilis akong gumayak. Habang naka-sakay ako sa taxi ay sinearch ko sa Internet kung ano ang meron sa lugar na 'yun at nakita ko na may parang seminar pala. Sabagay, meron nga palang MCLE para sa mga abogado.
Pagdating ko roon ay dumiretso ako sa conference room. 'Di pa ako nagtetext kay Atty. Marroquin dahil nahihiya ako. Nagtext lang naman ako para magtanong tapos biglang ipapakilala niya na ako! Sobrang ibang-iba 'to sa image niya sa class namin na super strict at parang 'di naturuan ngumiti nung bata pa siya.
Naka-tayo ako roon at nag-iisip ng paraan kung paano ko sasabihin na nasa labas na ako nang parang may maramdaman ako na naka-tingin sa akin. Tumingin ako sa paligid ko at napa-dako ang mga mata ko kay Nikolai na naka-tingin sa akin.
Tumingin ako sa kanya ng ilang segundo bago ko ibinalik iyong tingin ko sa cellphone ko. Shet. Papalitan ko na nga pala iyong cellphone ko! Sa wakas! Ang sarap niya ng ibato sa sobrang bagal, e!
Naramdaman ko siyang maglakad palapit sa akin, pero na-realize ko na naka-harang nga pala ako sa may pinto kaya naman umusod ako para maka-daan siya.
"You're here," sabi niya bigla.
Tumingin ako sa kanya para ma-make sure na ako ba iyong kausap niya kasi ayoko namang maging assuming. "Ako ba?" tanong ko. Tumingin lang siya sa akin. "Ah... may pinuntahan lang ako," simpleng sagot ko. 'Wag sana niyang isipin na pinuntahan ko siya. Akala nga niya raw ay kaya niya pa akong hawakan, pero hindi na pala. Ako naman ay sure na na hindi ko na kayang humabol sa kanya.
Kaya ko naman pala iyong ganto.
Hinihintay ko lang na mapagod ako.
'Sir, I'm outside the hall po.'
Tahimik akong nagbilang sa isip ko. Sure naman ako na lalabas agad si Atty. Marroquin kapag nabasa niya iyong text ko.
"About the other night—"
Tumingin ako sa kanya. "Wag na nating pag-usapan," pagputol ko sa sasabihin niya. "Kung dati medyo naguguluhan pa ako... ngayon sure na sure na ako na break na talaga tayo," dugtong ko na may maliit na ngiti.
Wala siyang tiwala sa akin.
Ayoko ng humabol.
Malinaw naman na wala ng pag-asa.
"I'm sorry," sabi niya.
"Saan? Sa pag-imply ba na pokpok ako?" tanong ko sa kanya.
Napa-awang iyong labi niya sa pagka-bigla. 'Di niya siguro inaasahan na sasabihin ko.
Bahagya akong ngumiti. "Alam mo, sobrang nanghihinayang ako noon sa relasyon natin kasi alam mo 'yun? Parang ang swak natin sa isa't-isa... pero baka sobrang na-miss ko lang kaya parang nilagay ko sa pedestal iyong meron tayo noon. Masyadong na-romanticize ba?" sabi ko habang naka-tingin sa kanya. "Pero marami din palang mali sa atin noon. Iyong mga mali noon na mali pa rin ngayon. Kaya tama lang na naghiwalay tayo... O siguro 'wag na rin muna tayong mag-usap kasi alam mo 'yun? Nasisira iyong mga magandang memories na meron tayo. Sayang naman."
Hindi ko alam kung saan ako kumu-kuha ng lakas ng loob para sabihin sa kanya lahat 'to... pero ayoko na muna talaga siyang maka-usap. Kasi sa tuwing may lumalabas na salita sa bibig niya ay parang sinisira niya lang iyong Nikolai na meron ako sa isipan ko—iyong Nikolai ko na mabait, may respeto, at tao ang tingin sa akin.
Kahit iyon na lang ay itatabi ko.
'Wag niya ng ipagdamot sa 'kin 'yun.
"Sobrang proud ako sa 'yo... pero nabasa mo naman na iyong email ko kaya alam mo na 'yan," sabi ko habang totoong naka-ngiti sa kanya. "Ga-graduate na ako... Tapos magte-take ng BAR... Sigurado ako na one take lang ako doon kaya kung gusto mong magcongratulate sa akin, now is the time," pabirong sabi ko sa kanya, pero seryoso din ako dahil balak ko na magpalit ng number at lahat ng contact info ko, para lang clean slate ba.
"Thank you sa congrats," sabi ko dahil mukhang hindi niya kayang sabihin sa akin iyon. Pero gusto ko lang na gumaan iyong atmosphere sa pagitan namin. Hindi ako sanay na ganito kabigat. Tuwing nakikita ko siya, parang hinahanap ko pa rin iyong naggagaguhan kami—pero hanggang doon na lang 'yun. 'Di naman na ako hibang na aasa pa.
Mabuti na lang at bumukas iyong pinto. Nakita ko si Atty. Marroquin na may kasamang lalaki na mukhang abogado rin.
Tumingin ako kay Nikolai.
Ngumiti.
"Good luck sa lahat. I really wish you the best," sabi ko bago lumapit kay Atty. Marroquin at sa kasama niyang lalaki na kanina pa naka-tingin sa akin.
***
This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top