Chapter 34
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#WTG34 Chapter 34
Naka-kunot ang noo ni Atty. Marroquin habang naka-tingin sa akin. Nang makita ko kasi na magkaka-salubong kami ni Nikolai ay talagang tumagilid ako para hindi kami magkita. Oo, may feelings pa ako sa kanya na matindi, pero tangina, sobrang wasak ako sa sinabi niya. Ang tanging dahilan na lang kung bakit nakakaya ko pang tumayo rito ay dahil pwede kong idahilan na lasing lang ako.
Pero alam namin pareho na kalokohan lang 'yon.
Alam ko lahat ng sinabi ko—nagkaroon lang ako ng lakas ng loob dahil sa alak.
Alangan na ngumiti lang ako kay Atty. Marroquin tapos ay sumunod na ako sa kanya. Bakit ba kasi nandito si Nikolai?! Dami-dami ng business nila tapos nandito siya naglalaboy sa hotel nila!
"Ms. Lorenzo," pagtawag sa akin ni Atty. Marroquin.
"Y-yes po, Attorney?" kinakabahang tanong ko kasi kapag ganito na bihirang magsalita, talagang kinakabahan ako kapag may sinasabi siya.
"Are you okay?"
Agad akong tumango. "Yes po, Attorney," sabi niya. Tumingin lang siya sa akin at hindi na nagtanong pa after nun. Sumunod lang ako sa kanya. Nung una kasi ay iyong pro-bono case lang nung sa sweldo ni Manong iyong kaso kaya lang ay nagalingan yata sa kanya iyong kausap namin kaya kinuha na rin siya bilang lawyer nung SEBA sa hotel nila Nikolai. Ngayon ay may meeting kami para idiscuss iyong mga existing provisions sa CBA nila. Mag-e-expire na kasi iyon kaya kailangan ng pag-usap kung may bagong demands ba sa economic provisions. Hindi naman ako dapat kasali dito, pero tinanong ako ni Atty. Marroquin kung gusto ko bang mag-assist since ako naman na iyong maghawak nung sa kaso ni Manong.
Nung una ay gusto kong tumanggi kasi konektado 'to kay Nikolai... pero naisip ko rin na bakit ko idedeprive sa sarili ko iyong ganitong opportunity dahil sa kanya?
Kung mahal niya ako pero okay na sa kanya na wala ako sa buhay niya, dapat ako rin.
Nagnotes ako habang nakikipagmeeting si Atty. Marroquin sa head nung bargaining unit. Usually ang hiling lang naman nila ay mas mataas na sweldo pati additional benefits. Alam ko na hindi magiging madali 'to kasi sino ba namang business ang kusang loob na magbibigay ng mas mataas na sweldo? E usually pera-pera lang naman 'yan sa kanila.
"Nagrequest ako ng kopya nung existing CBA," sabi ni Atty. Marroquin. "Na-discuss naman na kanina iyong demands nila, pero basahin mo pa rin at kung may suggestion ka."
Tumango ako. "Okay po, Attorney," sagot ko. Nagbilin pa siya ng mga dapat kong gawin. Nakaka-tuwa lang kasi parang may tiwala siya sa akin kasi parang ako na talaga iyong gagawa, pero syempre siya iyong abogado kaya pangalan niya pa rin iyong naka-taya.
Sobrang nag-e-enjoy akong makinig sa mga sinasabi niya. Medyo marami na rin akong na-assist na kaso sa Legal Clinic—karamihan ng lumalapit talaga e iyong mga may problema sa lupa nila. Ayoko talaga 'dun kasi sobrang hassle... Sakit sa ulo na mga magkaka-pamilya pa iyong nag-aaway. Tapos usually iku-kwento pa sa 'yo iyong mga iringan nila. Kaya kahit ayoko madamay naiistress din ako, e. Sa criminal cases naman, okay lang ako. Iyong ibang mga kasama ko sa legal clinic ay hindi nila bet kasi deliks daw sa buhay namin. Usually sa akin napupunta. Okay naman ako sa criminal cases. Kung patayin ako, e baka hanggang doon lang talaga ang buhay ko.
Pero sa labor cases talaga ako nag-e-excel... feel ko lang. Sarap kasing idemanda nitong mga kapitalista na 'to.
Habang seryoso akong nakikinig sa mga bilin ni Atty. Marroquin ay nahagip ng mga mata ko si Nikolai. Agad akong nag-iwas ng tingin at nagpanggap na wala akong nakita. Punyeta. Ayoko talagang makita siya pagkatapos nung lahat ng kahihiyan na nangyari nung birthday ni Vito!
Napa-mura ako nang iwan ako bigla ni Atty. Marroquin dahil may kailangan pa siyang attendan na hearing. Huminga ako nang malalim bago nagsimulang maglakad. No choice naman ako kasi madadaanan ko talaga si Nikolai.
Moved on na siya sa akin, e. So, dapat keri lang na maglakad ako sa paligid niya. 'Di naman ako magse-stay—literal na dadaan lang ako.
Ayan na.
Ni hindi ako huminga nung malapit na ako kay Nikolai dahil alam ko na mapepeste ako kapag naamoy ko iyong pabango niya. Kaya nga nilabhan ko nang nilabhan iyong mga t-shirt niya na inangkin ko dati hanggang sa mawala iyong amoy. Tanginang torture kasi tuwing sinusuot ko tapos naaamoy ko pa rin iyong pabango niya!
Langyang Nikolai Ferreira 'yan! 'Di naman ako nagka-ganito sa dating ex ko!
"Are you okay?" biglang tanong niya nang saktong magka-tapat kami.
Huminto ako. Ayoko namang magmukhang bitter. Tumingin ako sa kanya, nag-iisip kung magpapanggap ba ako na walang naaalala... but then again, mas lalaliman ko lang iyong hukay ko. Alam ko naman na alam niya na naaalala ko.
"Okay naman," sagot ko.
Tipid siyang tumango. "Good."
"Congrats pala," sabi ko. "Babatiin sana kita nung nagtop ka sa BAR kaya lang naka-block pala ako sa cellphone mo."
Sobrang pota ang clown ko. Ano ba 'tong mga lumalabas sa bibig ko?! Wala na akong pride kahit katiting!
"Read your email, though," sagot niya. Sa sobrang gaga ko, nagtext, tumawag, nagmessage sa FB, pati nag-email na rin ako para lang sure na mababasa niya. Kasi kahit naman break na kami, proud na proud ako sa kanya. Na pagkatapos ng lahat ng paghihirap niya, 'di lang siya bastang pumasa sa BAR kundi nagtop pa...
Natawa ako. "Di ka man lang nagthank you."
"I really didn't want to talk to you at that time."
Napa-tigil ako sa pagtawa. Ngumiti ako. "E ngayon? Okay na sa 'yo makipag-usap sa 'kin?" parang sira na tanong ko. Umayos ako ng tayo. Sinasabi ng utak ko sa akin na umalis na ako... na may klase pa ako... pero heto ako at naka-tayo pa rin sa harapan niya.
"Sure."
"No hard feelings na?"
Natawa siya. Na parang nakaka-tawa iyong sinabi ko. "Really?"
Ngumiti ako. "I mean... maliit lang naman ang mundo. Tignan mo nga kahit iniiwasan kita e nagkita pa rin tayo," sabi ko sa kanya. "So, feeling ko, mas maganda kung magiging civil tayo."
Nagdikit iyong mga labi niya—bahagyang naka-kunot ang noo. "This is surprising considering the tantrums you threw the other night."
Parang clown iyong pilit na pagtawa ko. "Lasing kasi ako nun," paliwanag ko. "Alam mo na, out of practice. 'Di na ako nakaka-inom dahil busy ako lagi sa trabaho pati sa school."
Si gaga... gusto pang iupdate ang ex niya sa ganap niya sa buhay! Sana ayos pa ako.
'Alis na,' bulong ng matinong parte ng isip ko.
'Sulitin mo na,' sabat nung demonyo.
"So... 'wag mo seryosohin iyong mga nasabi ko," saad ko. "Kung anuman 'yun." Humigpit iyong hawak ko sa bag ko. Puta. Gusto ko na umalis bago pa ako magkalat dito. "Mukhang okay ka naman na."
Hindi siya sumagot—tumingin lang siya sa 'kin.
"And you're not?" sagot niya maka-lipas ang ilang sandali.
"Ayos naman ako," pagsisinungaling ko. Ayos na siya, e... Dapat ayos din ako. Kahit sa paningin niya lang. "Busy sa work. Hopefully, BAR ko na sa November."
Biglang nagvibrate iyong cellphone niya. Nakita ko na tumatawag iyong nanay niya. Biglang nanlamig iyong buong katawan ko.
Ngumiti ako sa kanya.
Gusto kong itanong kung okay lang ba sila... Sana okay sila... Kasi ang hirap naman kung umalis na ako tapos hindi pa sila okay ng nanay niya... Alam ko naman na mahal ni Nikolai iyong nanay niya...
"So... can we at least be civil kapag nagkita tayo?"
Bahagyang kumunot ang noo niya... pero may hint ng amusement sa mukha niya. "What makes you think that we'll see each other again?"
"Maliit lang ang mundo."
"I doubt that."
"Magka-harap tayo ngayon."
"Because you're literally standing inside my hotel." Pota. Ang yabang.
"I'm here on official business."
"You know that there's always a possibility that you'll see me here, Jersey," sabi niya. "But you chose to take on this case, still."
Diretso akong tumingin sa kanya. "Masyado namang mataas iyong tingin mo sa sarili mo. Bakit naman ako tatanggi sa kaso dahil lang makikita kita?" sabi ko sa kanya dahil medyo naiinis na ako sa tono ng pananalita niya. "Ilang taon na iyong naka-lipas, Nikolai. Besides, ikaw na rin ang nagsabi na 'di mo ako girlfriend kaya 'wag akong mag-expect ng special treatment galing sa 'yo—kaya bakit ako mag-e-effort na umiwas para sa 'yo? Sino ka ba?"
Huminga ako nang malalim at umayos ng tayo. Ngumiti ako sa kanya. "Anyway, kung 'di mo kaya, okay lang 'din naman na 'wag na lang tayong magpansinan. Kung san ka masaya," sabi ko habang diretsong naka-tingin sa mga mata niya.
'Di ko akalain na aabot kami sa ganitong punto. Kasi sobrang close namin dati. Parang magbest friend na kami. Tapos biglang ganito.
Ngumiti pa ulit ako ng isang beses bago nagsimulang maglakad palayo. Pero ni hindi pa ako nakaka-layo nang marinig kong tawagin niya ang pangalan ko. Agad akong napa-hinto. Pero hindi ako tumingin sa kanya.
"I read the email," bigla niyang sabi. Hindi ako sumagot. "Thank you."
* * *
"Bakit ka naka-ngiti?" tanong ni Indie sa akin.
"Wala."
Nagkibit-balikat lang siya tapos binalik iyong atensyon sa pag-aaral. Dumayo na naman siya rito tapos nasa Mcdo kami at nagca-cram sa dami ng coverage ng Civil Review I.
"Nagthank you si Nikolai."
"Para saan?"
"Naalala mo nung nag-email ako sa kanya dati?"
"Yung sa BAR?"
"Yup."
"As in randomly nagthank you lang siya?"
"Binanggit ko," sabi ko at napa-tingin siya sa akin. Kunot ang noo niya. Kasi naman sobrang nagrant ako sa kanya sa kagagahan na ginawa ko nung birthday ni Vito tapos heto na naman ako at nagkakalat! "Alam ko sobrang gulo ko—"
"Jersey, ang tanda na natin, please lang," pagputol niya sa sasabihin ko. "May feelings ka pa obviously sa ex mo at sabi mo may feelings din siya sa 'yo. Kung ako lang masusunod, itatali ko kayong dalawa."
"Grabe ka naman."
"E totoo naman kasi. Dami ng problema sa mundo, tapos dadagdagan niyo pa. E kung mutual naman, bakit 'di pa kayo mag-ayos para tapos na, 'di ba? Feeling niyo teenagers pa kayo na nagtataguan ng feelings?"
"Di naman ganoon kadali."
"Kasi iyong trust?"
Tumango ako. "Wala nga siyang tiwala sa akin."
"Sa pagkakatanda ko, nanghingi lang iyong tao ng time para magprocess ng feelings niya—ilang taon na iyong meron siya. Malay mo ba kung may trust na siya ulit sa 'yo?"
Hindi ako naka-sagot.
"Ito lang, Jersey, ha, nahihirapan ako na pinapahirapan mo sarili mo. Magsorry ka sa nagawa mo before tapos sabihin mo na may feelings ka pa rin. Kapag ayaw niya, at least 'di ba tapos na 'yang kalbaryo mo?"
"Grabe! Parang ang dali nun, ah!"
"Di naman talaga madali, but better kaysa nagooverthink ka d'yan," sabi niya habang bumalik iyong atensyon sa notes niya sa yellow paper. "Malapit na BAR exam natin, baka limot mo na. 'Di pwede na kalahati ng utak mo e nandoon sa ex mo. Baka bumagsak ka niyan."
Agad akong kumatok sa lamesa. "Leche ka naman!"
Tumawa siya. "Saka ang kapal-kapal kaya ng mukha mo—pero kay Niko nahihiya ka?"
Umirap ako. "Syempre may history."
"Precisely—nagka-tikiman na nga kayo so bakit nahihiya ka sa pag-amin sa kanya? Saka siya naman nagconfess before, sabi mo? Try mo na ikaw naman."
Umirap ulit ako sa kanya. "Kung makapag-advise 'to akala mo nagka-jowa na!"
Tumawa siya nang malakas. "Leche ka, foul!"
Hindi na ulit kami nagpansinan ni Indie at nagfocus na ulit kami sa pagrereview. Nung bandang alas-dos ng umaga, tumayo ako para umorder ng iced coffee ulit. Habang naghihintay ay napa-tingin ako sa cellphone ko.
Iyon pa rin kaya ang number niya?
Blocked pa rin kaya ako?
'Plant,' text ko sa dating number niya. Wala lang. 'Di naman niya marereceive. Sakit pa rin talaga nung binlock niya ako dati kahit deserve ko naman.
Itinago ko iyong cellphone ko habang hini-hintay iyong kape ko. Naka-tingin lang ako sa screen habang hini-hintay na lumitaw iyong order number ko.
Pero agad akong nanigas sa kinatatayuan ko nang maramdaman ko iyong pagvvibrate ng cellphone ko.
***
This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top