Chapter 33
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#WTG33 Chapter 33
Tawa nang tawa si Indie nang sabihin ko sa kanya na inimbita ako ni Vito sa birthday niya. Naka-simangot ako dahil parang ang saya-saya ni gaga! Kulang na lang siguro e maputulan siya ng litid sa sobrang ligaya niya.
"Bakit ba tawa ka nang tawa?"
Nagpahid pa ng luha si gaga. "Obvious naman kasi niyang si Vito!" sabi niya na akala mo e kababata niya si Vito. Simula nung nagfourth year kami e mas lumakas ang topak ni Indie. Minsan iniisip ko na nasobrahan na siya sa dami ng inaaral niya kaya lumuluwag na ang turnilyo sa utak niya.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Obvious saan?"
"Sa balak niya."
"Na?"
"Magkita kayo ni Nikolai."
"Duh? Kaya nga ayokong pumunta."
"Pumunta ka!"
"Ayoko," sagot ko. "Iniiwasan ko nga iyong tao tapos pupunta ako sa birthday ng best friend niya? E 'di para lang akong naghanap ng sarili kong problema."
Sobrang gago talaga ni Vito para imbitahin ako! Alam ko naman na alam niya iyong sa amin ni Nikolai dahil minsan nung tumatawag si Nikolai sa akin ay rinig ko sa background iyong boses ni Vito na sinasabi na ibigay na iyong cellphone niya. Kaya medyo nagulat din ako na inimbita niya ako... Akala ko talaga e galit din siya sa akin. I mean, aminado naman ako na kung sa aming dalawa ni Nikolai, ako iyong unang bumitiw. Siya lang iyong nagsabi na break na kami, pero ako iyong dahilan kung bakit siya naka-rating sa puntong iyon.
"E 'di pa mahal mo pa rin naman?"
Hindi ako naka-sagot. Sa dami ba naman ng naging inuman session namin ni Indie, nasabi ko na rin sa kanya. Syempre mahal ko pa si Nikolai. Kahit ba maigsi lang iyong pinaka-relasyon namin, iba talaga iyong impact sa buhay ko. Doon ko talaga masasabi na wala 'yan sa haba ng pinagsamahan...
"E wala pa rin siyang tiwala sa akin," sagot ko.
"Paano mo nalaman?" Nagkibit-balikat ako. "May additional career ka na? Mindreader ka na rin?"
Umirap ako sa kanya. "Narinig ko kasi sa usapan nila ni Vito—"
"At eavesdropper na rin ang gaga!" pagputol niya sa sasabihin ko.
Umirap ulit ako. "Di ko naman sinasadya!" pagdedepensa ko sa sarili ko. Aba, malay ko ba na doon sila magkakaroon ng heart to heart talk ni Vito! For all I care, public property pa rin naman ang daan! "Napadaan lang ako tapos narinig ko lang."
Naka-tingin lang sa akin si Indie at bahagyang naka-arko ang kilay. Napa-irap ako. Ganyan siya kapag hinihintay na magsalita ako, e. No use din naman na magsinungaling ako sa kanya kasi alam niya kapag 'di ako nagsasabi ng totoo. Saka sobrang okay niya kausap kasi no judgment talaga—tapos sasabihin niya talaga sa akin kapag kagagahan iyong ginagawa ko. Tulad nung nangyari sa amin ni Nikolai—sobrang gaga ko raw para hingan ng timeline iyong tao.
Alam ko naman.
Pero ewan.
Nung panahon na 'yon, kailangan ko talagang malaman kung possible pa ba na mapatawad niya ako... Hindi iyong nagstay lang kami sa relasyon namin kasi mahal namin iyong isa't-isa kahit wala na siyang tiwala sa akin.
"Ayoko talagang pumunta," sabi ko. "Makikita ko siya roon. Tapos... baka maka-usap ko siya."
"And that's bad?"
Nagkibit-balikat ako. "Masakit 'yun magsalita."
"Ikaw din naman."
Bahagya akong natawa. "Mas masakit 'yun magsalita."
"Bakit mo kasi sinu-sukat? Magkaiba naman kayo ng pain tolerance, for sure," sagot niya. "Punta ka na lang sa birthday, kung ako sa 'yo. Batiin mo si Vito tapos kung makita mo ex mo, e 'di batiin mo rin. Kung hindi, e 'di hindi."
"Ano naman sasabihin ko?"
"Aba, malay ko."
Umirap ako. "Walang kwenta ka talagang kausap."
Tumawa siya. "Basta dress to impress ka na lang! Mahal mo pa rin naman tapos sabi mo mahal ka pa rin naman. Ewan ko ba sa inyo—ang tatanda na natin tapos may mga ganyang hanash pa kayo. Bakit masyado niyong ginagawang kumplikado iyong mga ganyang bagay."
Pinag-isipan kong mabuti iyong sinabi ni Indie na pumunta ako sa birthday ni Vito. Gusto ko bang makita si Nikolai? 'Di ko rin talaga alam. Basta ang alam ko, gusto ko sana siyang makita kapag established na ako kahit papaano—para wala siyang maisumbat sa akin.
Pero ano pa nga ba? Epal talaga 'tong tadhana. Pinagkita agad kami kahit 'di pa ako prepared.
* * *
Mabuti na lang din talaga at tadtad kami sa dami ng gagawin kaya medyo nawala sa isip ko iyong birthday ni Vito. Nagfocus ako sa pagto-throwback sa mga topics namin. Alam ko naman kasi na hindi ako makakapagfocus sa review ng BAR kasi hindi naman ako pwedeng magresign. Kailangan ko pa ring magtrabaho kahit nagrereview na ako kaya ngayon na fourth year pa lang ay kailangang magseryoso na agad ako.
Saka isang take lang dapat.
Wala na akong pera at panahon para umulit.
"Sana lang talaga e totoo na gaganda na ulit ako after nitong punyetang law school na 'to," reklamo ni Jassy habang nag-aayos ng gamit. Kaka-tapos lang ng CivRev namin. Pagod na rin talaga ako. Sobrang bilis! Partida mabilis pa akong magmemorize pero minsan feel ko maiiwanan na ako! Paano pa kaya iyong iba? Parang iyong inaral namin ng buong sem, ni-rereview namin ng 2 linggo lang, e!
"Kailan ka ba gumanda?" pang-aalaska ni Mike. Sinimangutan lang siya ni Jassy tapos naglaitan na silang dalawa. Buti na lang din na-master ko na iyong pagtuneout sa mga tao sa paligid ko. Nang maayos ko iyong gamit ko ay dumiretso na ako palabas.
"Bakit... ka nandito?" tanong ko nang makita ko si Indie sa labas ng school ko. Naka-ngisi si gaga kaya alam ko na may masama siyang balak.
"Saturday ngayon!"
"Alam ko."
"Birthday ni Vito." Sinamaan ko siya ng tingin. Tumawa lang siya. "Di naman kita pipilitin pumunta kunga ayaw mo," sabi niya. "Kung 'di mo talaga gusto, diretso na lang tayo Tags?"
"Wala ka bang gagawin ngayon?" tanong ko kasi usually ay busy talaga siyang tao. Tapos crush niya pa si Atty. Marroquin na isa ring sobrang busy. Ano 'yun, if ever? 'Di na sila magpapansinan?
"Meron, duh. Pero syempre need mag-unwind. Kung hindi e baka tuluyan na akong masiraan ng ulo sa dami ng ginagawa ko," paliwanag niya.
Dala ni Indie iyong sasakyan niya. Pagpasok ko roon ay napansin ko agad iyong mga gamit sa likuran.
"Tagaytay ka pa, ha?" naka-simangot na sabi ko sa kanya.
Tumawa siya. "Better be prepared than sorry?"
"Sige nga, kung pupunta man ako roon, ano ang magandang mapapala ko?" tanong ko sa kanya kasi effort pa si gaga na magdala ng make-up kit niya pati may nakita pa akong itim na dress doon at stilettos.
"If all things go well, at the very least, you'll get laid?" sabi niya at agad na nanlaki ang mga mata ko. Tawa siya nang tawa sa akin. Ano ba nangyari sa babaeng 'to?! Naiwan lang mag-isa sa SCA tapos nabaliw na ng tuluyan. "Alam mo, kung ayaw mo naman talaga, 'di talaga kita pipilitin, noh. Sa Tagaytay talaga tayo pupunta."
Napa-butong hininga ako.
"Di na ako hahawakan ni Nikolai, noh," sabi ko.
"Di mo sure."
Hindi ako sumagot, pero sigurado ako na hindi na kasi iniisip pa rin niya na may nangyari sa amin ng tatay niya. Tangina talaga 'yang si Nick, e. Buhay pa kaya 'yun?
Binuksan ni Indie iyong makina ng sasakyan niya at saka tumingin sa akin. "So... saan tayo?"
* * *
Medyo naninibago ako sa suot ko. Nitong mga naka-raang taon kasi ay puro pantalon at t-shirt o blouse lang ang suot ko. Ngayon lang ako nakapagsuot ng dress ulit.
"Sexy mo talaga," sabi niya sa 'kin.
"Wala lang akong makain," sagot ko tapos tinawanan niya lang ako. Totoo kaya! Dami kong gastusin! Sobrang sapat lang iyong kini-kita ko sa bills pati mga bayarin sa school.
Huminto si Indie sa harap nung club na sinasabi ni Vito.
"Di mo talaga ako sasamahan?"
Umiling siya. "Tignan mo naman itsura ko," sabi niya kasi naka-shorts na maong at puting t-shirt siya.
"Okay naman suot mo."
"Ayoko," sabi niya. "Mga rich kids 'yang kaibigan mo."
Umirap ako. "Tara na kasi," sabi ko ulit. Kasi kahit naman mayaman 'yung mga 'yun, never nilang pina-feel sa akin dati na others ako. Never silang nagflaunt nung pera nila—pero 'di rin naman nila kailangan kasi alam mo 'yun? Arrive pa lang nila, ramdam mo na agad iyong pagiging mayaman.
Umiling siya. "Ayoko."
"Type mo mga moreno at saka mysterious, 'di ba? May ipapakilala ako." Nakita ko na napa-isip siya ng ilang segundo, pero sa huli ay sinabi niya na doon lang daw siya sa coffee shop at magrereview. Text na lang daw ako kung magpapa-sundo na ako.
'Di ako pala-thank you, pero thankful talaga ako sa friendship namin ni Indie. 'Di ko alam kung saan ako pupulutin kung wala 'tong lukaret na 'to.
Panay ang hinga ko ng malalim habang naka-tayo sa labas nung club. Hindi ko alam kung paano ba ako papasok, kung ano ang sasabihin ko kapag nakita ko sila.
Ang awkward.
Pota talaga si Vito.
"Bahala na nga," sabi ko pagpasok ko. Medyo kumunot ang noo ko nung pumasok ako dahil hindi siya kagaya nung dating club na nakikita ko na maingay at siksikan. Sobrang chill lang nung tugtog at maraming space. Parang nagku-kwentuhan lang iyong mga tao sa paligid at syempre, merong malakas na tawanan.
Grabe.
Adulting.
'Di na walwalan.
"Jersey," sabi ni Shanelle nang makita niya ako. Agad akong napa-buntong hininga. Finally! A familiar face! "I thought you won't come," sabi niya bigla. 'Di naman ako na-offend kasi ganito lang talaga siyang magsalita. Dati akala ko nakaka-intimidate talaga 'tong si Shanelle... na totoo naman. Pero mabait din naman kasi siya.
Alangang napa-ngiti ako. "Akala ko nga rin."
Tumingin siya sa akin. "Niko's just around."
"Ah..." tanging sabi ko lang.
"Hindi ko alam kung ano ang naisip ni Vito nang imbitahin ka niya."
Agad akong tumango. "Sa totoo lang," sabi ko sa kanya. "May sapak 'yun sa utak."
Natawang saglit si Shanelle. "You ready to face him?" tanong niya. 'Di ko alam kung alam ba ni Shanelle iyong nangyari sa amin ni Nikolai... Alam ko na alam ni Vito, pero hindi ko alam kung alam ba ni Shanelle. Nung nagkwento kasi sa akin si Nikolai dati, ang sinasabi niya lang ay hindi niya gusto si Shanelle. Ewan ko lang ngayon. Alam ko naman kasi na maraming nagbago.
"Di ko alam."
"He's still the same."
Bahagya akong napa-ngiti. "Parang hindi naman," sabi ko lang.
Umangat ang kilay niya. "Why'd you think that?"
Nagkibit-balikat lang ako. Nung nagkita kami ni Nikolai, iba iyong pakiramdam niya... Hindi kagaya nung dati na lagi siyang naka-ngiti o naka-tawa. Ang seryoso niya ngayon. Pati sabi nung mga chismosang empleyado sa hotel, seryoso na raw siya ngayon.
Nakaka-guilty.
Na kung ako nga iyong dahilan para mawala iyong ngiti sa labi niya.
"As far as I'm concern, he's still the same," sabi ni Shanelle. Ngumiti na lang ako. Sana nga. "Anyway, since you're already here, gusto mo bang uminom?"
Hindi agad ako naka-sagot.
"I'll drive you home," sabi niya. "Not me, of course. May driver ako," dugtong niya. "If you wanna drink, samahan kita."
Napa-tingin ako sa kanya.
"I just don't have a lot of girl friends," sagot niya na para bang nabasa iyong nasa isip ko. "I actually missed having you around," dugtong niya ng may maliit na ngiti.
Tuluyan na akong napa-ngiti.
Pota.
Iba talaga dating sa akin kapag ganito.
* * *
Nandoon lang kami ni Shanelle sa may bar at umiinom. Nagkwentuhan lang kami. Nung una sobrang surface level na kwentuhan lang hanggang sa dumami iyong iniinom namin. Medyo nagulat ako nung mag-open up siya sa akin na sobrang nahihirapan na raw siya kasi valedictorian siya nung batch nila tapos bagsak siya nung unang take tapos nung second take niya, kahit pasado siya ay hindi siya naka-pasok sa top.
Sobrang... nakaka-gulat.
'Di mo akalain na may mga ganito pala si Shanelle kasi kapag tini-tignan mo siya parang ang ganda-ganda niya lang tapos ang talino tapos boyfriend pa si Vito.
'Di mo talaga alam kung ano ang pinagdadaanan ng isang tao, noh? Parang ang perfect sa labas, pero ang daming problema sa loob.
"Uy... okay ka lang?" tanong ko kasi parang napapa-dami na iyong inom ni Shanelle.
"Yeah," sabi niya na naka-ngiti pero alam mo na may amats na. Napa-tingin ako sa paligid. Nasaan ba si Vito at bakit hindi niya bina-bantayan iyong jowa niya?
"Sorry, ha," sabi niya sa lasing na boses. "I just feel comfortable talking about things like this to you. You're never the judgmental one."
Natawa ako. Ako pa ba mangja-judge? Kapal naman ng mukha ko, if ever.
"Wait lang, ha," sabi ko habang tuma-tayo. Medyo natumba ako sandali. Pota. Kulang na kulang sa practice! Dati walang-wala lang sa akin 'to! Sign of aging na rin ba?!
Pinagbantaan ko pa iyong bartender na bantayan si Shanelle dahil hahanapin ko lang iyong jowa niya. Mahirap na—mukhang barbie talaga 'yung babae na 'yun at baka may lumapit.
Medyo hilo na ako sa dami ng ininom namin. Sinasabayan ko kasi si Shanelle at mukhang may problema si Ate girl kaya inum ng inom. Dumiretso muna ako sa CR dahil naiihi na ako sa dami nung ininom ko. Paglabas ko ay hinanap ko ulit si Vito. Hindi ko alam kung lasing na ako... o tama lang na nakita ko si Nikolai.
Sabi ng isip ko ay lumayo raw ako.
Pero iyong punyeta kong paa ay naglalakad palapit sa kanilang dalawa.
"You sound like a child. Just go inside, Nikolai."
"Yeah? You're the one who invited my ex."
"She's still my friend, and it's still my party so I'm free to invite whoever I like."
Lasing na ata talaga ako kasi feeling ko ako iyong pinag-aawayan nila. Pilit kong pina-atras iyong sarili ko. Ayoko na makinig sa usapan ng may usapan. Deliks. Pero sobrang lasing ko na yata dahil imbes na umatras ay nasabi ko ata ng malakas iyong nasa isip ko at napa-tingin silang dalawa sa akin.
"Hi," sabi ko habang naka-ngiti. "Happy birthday!" sigaw ko kaya nabigla ata sila sa lakas ng boses ko. "Hindi ako lasing!"
Sinampal-sampal ko iyong sarili ko dahil parang galit iyong itsura ni Nikolai. Bakit naman siya magagalit kung lasing ako? Break na kami. Saka ayaw niya na sa akin. Sabi pa nga niya I don't deserve shit from him.
Sinubukan ko ulit maglakad paatras, pero natumba lang ako.
Natawa ako bigla nang agad akong tulungan ni Nikolai.
"Thank you," natatawa kong sabi. Ang bango niya. Ang gwapo pa rin. Bakit ganito ang itsura ng ex ko? Hindi ba pwedeng pangit na lang siya at saka mabaho?
"And now she's drunk," naka-simangot na sabi niya kay Vito.
"And how is that my fault?"
"Puntahan mo si Shanelle!" sigaw ko nang maalala ko si Shanelle.
"Will you quit shouting," sabi ni Nikolai. Sinampal ko siya bigla. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat.
Ngumiti ako habang tinatapik-tapik iyong mga pisngi niya. "Wag mo ako utusan," sabi ko sa kanya. Rinig ko iyong pagtawa ni Vito. "Puntahan mo ang jowa mo!" sigaw ko ulit sa kanya dahil baka kung ano na ang nangyari sa barbie na 'yon.
Pinanood ko habang naglalakad paalis si Vito. Nang mawala siya sa paningin ko ay binalik ko iyong tingin ko kay Nikolai.
"Patulong tumayo," sabi ko sa kanya. Hindi agad siya gumalaw. Hmp. Sinubukan kong tumayo mag-isa, pero mukhang lasing na talaga ako... Ano ba iyong mga ininom namin ni Shanelle? Sobrang... ramdam ko na lasing ako.
Agad akong umiling.
Kinuha ko iyong cellphone ko sa bag ko.
"Langya naman," sabi ko nang hindi ako maka-pasok dahil palaging mali daw iyong passcode ko! "Tama naman!" sigaw ko sa cellphone ko. Paano ako makakapagtext kay Indie?!
Naka-simangot ako habang naka-tingin sa cellphone ko.
"Hindi ko mabuksan," sabi ko at bigla akong napa-tigil nang maalala ko na ex ko nga pala iyong nasa harapan ko. "Ay... sorry," sabi ko habang ngumiti. "Bakit ko ba sinasabi sa 'yo 'to?" sabi ko at saka tinalikuran siya.
Bakit ganon? Kahit sa kalasingan ko... alam ko pa rin na break na kami. Na ayaw niya na sa akin. Na hindi ko siya deserve.
Tangina.
Kahit doon man lang sana maka-limot ako, pero hindi, e.
Saan kaya si Indie? Nagsimula akong maglakad. Sabi niya naman sa coffee shop lang siya... Meron naman malapit dito... Lalakarin ko na lang... Mali pala siya... Ayoko pala makita si Nikolai... Tama nga iyong hinala ko... Ayoko siyang makita kasi nanghihinayang lang talaga ako...
Nagsimula akong maglakad.
Tapos tumalikod.
"Talagang hahayaan mo lang akong maglakad mag-isa?!" galit na sigaw ko sa kanya nang makita ko na nandoon pa rin siya sa kinatatayuan niya at naka-tingin lang sa akin. "Gago ka!" sigaw ko habang tinatanggal iyong sapatos ko at hinagis sa kanya. Mabilis niyang nasapo iyon. Mas nainis ako at hinagis ko iyong isa pa hanggang sa naka-yapak na ako.
"Are you done?" tanong niya habang hawak-hawak iyong dalawang sapatos ko.
"Tangina ka! Nagbreak lang tapos, tapos hahayaan mo na akong ma-rape sa daan?!"
Naka-tingin lang siya sa akin.
Iyong bag ko iyong hinagis ko sa kanya.
"E kung ma-holdap ako?!"
Naka-tingin lang talaga siya.
"Why are you acting like a child?" tanong niya.
Napaawang ang labi ko. "So, mature ka na ngayon?!"
Nakaka-irita iyong hindi niya pagsasalita! Parang nagflashback lahat sa akin iyong huling buwan namin na hindi siya nagsasalita!
"Why are you acting like this, Jersey?" kalmado niyang tanong. Mas naiinis ako. Bakit ang kalmado niya habang ako ito, hindi alam kung ano ang uunahin na maramdaman?!
"Bakit ka rin ganyan?"
"I don't know what you mean," kalmado niyang sagot.
Gusto kong sabihin kung bakit parang okay lang sa kanya na wala na kami samantalang ako, gabi-gabi atang naiisip kung ano na kaya kami ngayon kung hindi kami naghiwalay.
Fair ba iyong ganon?
"Gago ka talaga," diretso kong sabi sa mukha niya.
Sumeryoso iyong tingin niya sa akin. "I may be a lot of things, Jersey, but I assure you I was never like that to you—you of all people."
Agad akong umiling.
Gusto kong sabihin na gago siya, na tangina niya kasi iniwan niya agad ako kahit sabi niya noon nandito lang siya, na bakit pumayag siyang makipagbreak sa akin, na bakit hindi niya pinagpilitan iyong sarili niya sa akin.
Pero ako lang iyong magmumukhang tanga kasi kasalanan ko naman talaga.
"And you broke up with me, remember?"
Agad akong umiling. "Ikaw iyong nakipagbreak."
"You asked for it."
"Binigay mo naman."
"What was I supposed to do?"
'You were supposed to stay,' gusto kong isagot, pero parang gago lang.
"Where are you staying? I'll tell my driver to drive you home," sabi niya bigla.
Napa-tingin ako sa kanya. "Hindi ko man lang deserve na ihatid mo pauwi?"
Ang desperado.
Pota.
"Jersey, you're not my girlfriend. Stop expecting to be treated like one," sabi niya bago ko siya narinig na iutos iyong paghatid ko sa driver niya.
Tangina.
Wasak ako doon.
***
This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top