Chapter 27
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#WTG27 Chapter 27
Huminga ako nang malalim. Unang araw ng BAR exam ni Nikolai bukas. Kung maayos lang kami... kung kagaya lang sana kami ng dati, malamang sa malamang ay dito siya sa condo matutulog tapos ako iyong gigising sa kanya. Ihahanda ko rin iyong mga gamit niya tapos sisiguraduhin ko na kumpleto lahat. Kasi nakita ko iyong effort nung tao sa pag-aaral. Sabi nga niya, hindi man siya kasing talino ng mga kaibigan niya, pero pinaghihirapan niya lahat.
Sana talaga pumasa siya.
Hindi ako madasalin na tao... pero nagsimba ako sa St. Judge para ipagdasal iyong pagpasa niya.
Mabuti na lang at sinabi sa akin ni Vito kung alin iyong hotel room ni Nikolai. Hindi naman kasi siya nagsabi sa akin tungkol doon. Sinabi niya lang na sa hotel siya magse-stay para sa BAR month, pero wala siyang sinabi na kahit ano pang detalye.
'Di naman na rin ako nagulat kasi 'di na rin naman kami masyadong nag-uusap nitong mga nakaraang linggo. Nagtetext siya. Nagrereply ako. Minsan hindi ako maka-tiis kaya tinatawagan ko rin siya. Sumasagot naman siya.
Pero... ang lungkot pa rin.
Nasa same floor lang si Nikolai at Vito kaya naman nakarating ako sa floor nila. Mahigpit kasi sa hotel kaya 'di ka makaka-pasok hanggang hindi itinatawag sa mismong kwarto na aakyat ka sa floor.
Dala-dala ko iyong isang paperbag ng Jollibee. Sabi kasi nila kapag ganitong BAR month daw, ang tradisyon daw ay dinadalhan ng pagkain at kung anu-ano iyong mga nag-e-exam... Goodluck kumbaga. Sure naman ako na maraming pagkain kay Nikolai, pero 'di ko alam kung may magbibigay ba sa kanya ng Jollibee. Iyon kasi talaga iyong paborito niya.
Huminga ako nang malalim bago kumatok.
"Jersey," sabi niya pagka-bukas niya ng pinto. Halata iyong gulat sa mukha niya. Akala ba niya 'di ko siya pupuntahan?
"Hi," sagot ko habang naka-ngiti. "Matutulog ka na ba?" tanong ko. Alas-siete pa lang naman. Ang normal na tulog ni Nikolai ay mga ala-una ng madaling araw kaya lang ay exam niya bukas. 'Di ko alam kung maaga ba siyang matutulog kaya para sigurado ay inagahan ko iyong punta.
"No, it's still early."
"May dala akong pagkain," sabi ko sabay pakita nung hawak kong paper bag. "Para sa goodluck."
"You didn't have to," sagot niya habang tinatanggap iyong abot ko.
"Syempre dadalhan kita."
Ngumiti siya. "You wanna come in?"
"Nagrereview ka ba?"
"Kinda," sagot niya. Naglakad siya papasok kaya naman sumunod ako. Nandoon sa table iyong mga reviewer at libro ni Nikolai. 'Di nga ako nagkamali dahil maraming pagkain doon. May chocolates pa. Gusto ko sanang tanungin kung sino ang nagbigay kaya lang ay pakiramdam ko wala akong karapatan. Sobrang walang kwenta kong girlfriend.
"Pwede naman akong umalis—"
"No. Stay."
Agad akong napa-tingin sa kanya. Malungkot siyang ngumiti.
"I... wanted to ask you to come, but I didn't want to impose."
"Pupunta naman talaga ako."
"I didn't know that."
Parang... may masakit sa dibdib ko. Pilit akong ngumiti sa kanya habang humu-hugot ng malalim na hininga. Naka-tingin lang ako habang isa-isa niyang nilalabas iyong pagkain mula sa paperbag.
"Syempre naman pupunta ako." Tumango lang siya. "Basta magfocus ka lang sa exam mo, ha?"
"That's all I've been doing."
"Magiging abogado ka rin."
Hindi siya sumagot. Hinatak niya iyong iyong upuan at saka naupo doon. Tumingin siya sa akin kaya naman naupo ako roon sa kaharap niya. Tahimik kaming kuma-kain. Napa-tingin ako roon sa chocolate. May naka-lagay pa palang note.
Good luck! -Anne
Kapag naghiwalay kami ni Nikolai, sigurado ako na madali niya lang akong makaka-limutan. Ang daming may gusto sa kanya. Ang daming pwedeng pumalit sa akin. Iniisip ko pa lang na makaka-limutan niya ako, gusto ko nang maiyak.
Bakit ba kasi kailangan niya pang dumating sa buhay ko kung hanggang dito lang pala kami? Ano 'yan? Free taste?
Maayos naman ako nung wala siya.
'Di ko alam na pwede palang sumaya nang ganon.
Kaso ngayon alam ko na.
Paano ako babalik sa dati?
"Poli iyong unang exam niyo bukas, noh?"
"Yeah."
"Nareview mo naman nang maayos 'yun."
"Yeah."
"Sigurado ako papasa ka roon."
Ngumiti ako sa kanya kaya lang ay natanggal iyon sa mukha ko nang mapansin ko kung gaano ka-seryoso iyong tingin niya sa akin.
"Jersey," seryosong sabi niya. Nagsimulang lumakas iyong kabog ng dibdib ko. Ayoko kapag ganito iyong tono ng boses niya. Hindi kasi siya ganito. Kaya pala sinasabi nila na nakaka-takot si Nikolai... Kasi alam mo na hindi siya ganito... Masayahin siya. Maraming kaibigan. Laging laman ng party. Kaya kapag ganito na seryoso siya, parang masusuka na lang ako sa kaba.
Tumingin ako sa kanya. Hindi ako maka-sagot dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko.
"If... if you're going to break up with me—"
"Niko—"
"Can you do it now?"
Napa-awang iyong labi ko.
Mabilis na sumikip iyong dibdib ko nang makita ko iyong pagpula ng paligid ng mga mata niya. Gusto kong abutin iyong mukha niya at punasan iyong luha niya pero naunahan niya ako. Mabilis niyang pinahid iyong bawat luhang papakawala pa lang.
"If you don't love me—" Agad siyang napa-hinto at napa-hugot nang malalim na hininga. Mabilis niyang tinakpan iyong mukha niya na para bang ayaw niyang makita ko siya nang ganito. "If you don't love me... if you don't want to be with me... it's not like I can force you to stay, right? It'd be unfair of me to force you to stay..."
"Mahal—"
Mabilis siyang umiling habang pinupunasan iyong luha niya. "Don't lie for my sake," mahina niyang sabi. "I know I promised that I'll stay thru thick or thin... but you didn't promise that. You can leave. Don't stay on my behalf. It sucks to think that you're only staying because I told you I love you."
Nag-iwas siya ng tingin.
"You can just leave."
"Nikolai—"
"I really don't wanna force you to stay when you're this unhappy. It's unfair for you and for me. Just please leave. I'll probably call you once in a while when I'm drunk... but you can just reject my calls... I'll probably text you that I love you sometimes... You can just erase my texts..."
Mabilis na tumulo iyong luha ko sa mga salitang binibitiwan niya. Sana pala 'di na ako pumunta dito ngayon. Sana pina-abot ko na lang iyong pagkain. May exam siya bukas tapos ganito iyong mga sinasabi niya.
"It'll take a while for me to be okay... but I'll be okay. Don't stay out of pity. I don't want that."
Mabilis kong pinunasan iyong luha ko. Ayoko na makita niya akong umiiyak. Kasi mahal niya ako. Alam ko na kung nasasaktan ako, mas mahihirapan lang siya.
"Nikolai, hindi naman ako aalis..."
"You're unhappy. If you're unhappy and miserable, you should leave," seryosong sabi niya. "Jersey, you've been unhappy all your life. I don't want you to be unhappy for another second. And if I'm making you unhappy, you should leave me, too. Don't worry about me—"
Mabilis akong umiling. "Hindi nga ako aalis."
"Jersey—"
"Hindi ako aalis. May sasabihin lang ako sa 'yo... pero kasalanan ko rin siguro kasi hinintay ko pa na matapos iyong exam mo kasi ayoko na distracted ka habang nagrereview ka. Pero siguro mali iyong naisip ko. Mas lalo ka lang nahirapan. Mas lalo mo lang inisip iyong dahilan kung bakit nagkaka-ganito ako."
Ang pula ng mga mata niya... tapos may exam pa siya bukas... Dapat hindi na ako pumunta talaga dito.
"Just tell me. Please. Whatever it is, I can take it. I promise."
Kinagat ko iyong ibaba ng labi ko. Huminga ako nang malalim. "Pagkatapos ng—"
"God! Do you seriously think I can focus on studying when half the time, I keep on wondering on what part did I seriously screw up that lead us both to this situation?"
Kalmado lang iyong boses niya... pero ramdam na ramdam ko iyong pagpipigil niya. Siguro kaya sinabi niya na rin kanina na umalis na ako. Pagod na siya sa akin. Pero kagaya ko, hindi niya kayang unang umalis.
Pareho lang kami.
Parang tanga.
Tumingin ako sa kanya.
Ganito na iyong reaksyon niya... paano pa kapag nalaman niya iyong sa amin ng tatay niya? Paano kapag nalaman niya na isa ako sa dahilan kung bakit nasasaktan iyong Mama niya? Paano kung malaman niya na dahil sa tatay niya kaya kami nagkita nung gabi na 'yon?
Kaya ba niyang tanggapin?
Kaya ba niyang mag-exam kahit na alam niya na 'yon?
Kaya bang dalhin ng konsensya ko kapag bumagsak siya dahil sa sasabihin ko?
Marahan akong umiling habang kinu-kuha iyong bag ko. Mahigpit ang hawak ko roon. "Hindi ako aalis," saad ko habang naka-tingin sa mga mata niya. "Hindi ako makikipaghiwalay. Wala kang ginawang kasalanan. 'Wag mong isipin 'yon."
"Then tell me," gigil na sabi niya.
"Pagkatapos—"
"What the fuck, Jersey!"
"Pagkatapos nga!"
"You're torturing me!"
Umiling ako. "Pagkatapos ng exam." Mabilis akong naglakad palabas, pero bago pa man ako maka-dalawang hakbang ay naramdaman ko iyong hawak niya sa kamay ko. Agad akong napa-hinto. Tangina. Ang tagal na nung huli niya akong hawakan. Na sa simpleng ganito lang, napapa-tigil agad ako.
"If it's not something I did, then it's something you did," mahinang sabi niya habang naka-hawak sa akin. "Whatever that is, if you feel so guilty about it that you've been ignoring me for months, you're forgiven, okay? I don't give a shit about what you did. I'm not a fucking saint, Jersey. I've done a lot of questionable shits. I'm not one to judge. Just... trust me. I won't judge. God, I love you," sabi niya habang pahina nang pahina iyong boses niya. Na para bang hirap na hirap na siya. "Jersey, I love you... I meant it when I said it... Whatever it is that you did, I'll still love you despite and in spite... You just have to put a little faith in me..."
"Niko—"
Bigla siyang bumitaw.
Gusto kong lumingon at tignan siya... pero bigla akong nakaramdam ng takot.
"Lock the door when you leave," mahina niyang sabi at pagkatapos ay narinig ko iyong yabag niya papalayo.
***
This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top