Chapter 26
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#WTG26 Chapter 26
Hindi ko alam kung sino ang kakausapin ko. Para na talaga akong masisiraan ng ulo. Sobrang aga kong umaalis palagi sa condo para hindi ako maabutan ni Nikolai doon. Para akong masusuka kapag kaharap ko siya sa sobrang guilt kasi ayoko namang magsinungaling sa kanya...
Hindi niya deserve 'yon.
Kahit kailan.
Hindi galing sa 'kin.
Pero paano ko sasabihin?
Paano ko sisimulan?
Ano'ng unang salita ang sasabihin ko?
Kanina pa tapos iyong klase namin pero nandito pa rin ako sa school. Kanina ko pa nabasa iyong text ni Nikolai. Sinabi niya sa akin na magtext ako kapag pauwi na ako dahil susunduin niya ako. Mayroon siyang review pero susunduin pa rin niya ako.
Napa-buntong-hininga ako.
Kailangan ko talagang sabihin.
"Hey," biglang sabi ni Bentley sa akin nang makita niya akong tahimik na naka-upo sa bench doon. Tipid akong ngumiti sa kanya. 'Di niya naman na ako pinapansin. Siguro naniwala siya sa chismis tungkol sa akin. Siguro ayaw niyang maging malapit sa mga gaya ko. Sanay naman na ako. Ganyan naman talaga ang normal na reaksyon na nakukuha ko.
Si Nikolai lang naman iyong abnormal.
"Magsasara na 'yung school in 15 minutes," sabi niya.
"Ah..."
"Pauwi ka na?"
Nagkibit-balikat ako. Kailangan ko talaga ng advice... Iyong mga parang kaibigan ko, kaibigan talaga sila ni Nikolai... Wala ako nung kaibigan ko talaga... Saka unfair din naman kina Vito kung sasabihin ko sa kanila iyong problema ko. Mag-e-exam din naman sila. Tapos baka ma-konsensya pa sila kapag 'di nila nasabi agad kay Nikolai. Si Indie naman ay may problema ata sa pamilya.
Tangina.
Ang lungkot naman ng buhay ko.
"Bentley," pagtawag ko sa pangalan niya.
"Yeah?" sagot niya habang naka-tingin sa akin. Naka-tayo lang siya sa harapan ko. Minsan 'di ko alam kung sana ba 'di ko na lang nakilala si Nikolai... Sana 'di na lang siya naging mabait sa akin... Sana 'di niya malalaman kung gaano talaga ka-gago iyong tatay niya...
Pero ang saya rin na maging selfish, e.
Akalain mo 'yun? Minsan sa buhay ko, naging sobrang saya ako?
Tae.
Ang drama.
"Kung magbabar ka, gusto mo ba marinig before or after iyong problema?" tanong ko sa kanya.
"Ano'ng klaseng problema?"
"Iyong tipong life changing."
"Do I have an idea that this 'life changing' problem exists?"
Natigilan ako. Pakiramdam ko alam naman ni Nikolai... Nasabi niya na sa akin nung lasing siya iyong tungkol sa tatay niya... Pero hindi niya lang siguro alam na ako iyon.
Taenang buhay 'to.
Nagtagpo lang din naman landas namin dahil din sa tatay niya!
"Maybe," sagot ko.
"Then... I guess I'll prefer knowing about it? Kaysa isipin ko pa nang isipin kung ano 'yun."
"Final answer ba 'yan?"
Tumango siya. "Mas mahirap manghula," sagot niya. "If I know the problem, then the faster I can find a solution for it. There's no point in prolonging the agony."
Prolonging the agony?
Relasyon ata namin mawawala kapag sinabi ko.
Natigilan kami nang lumapit iyong guard sa amin at sinabi na isasara na raw iyong school. Tumingin sa akin si Bentley. "Sunduin ka ba ng boyfriend mo?" tanong niya. Napa-kunot ang noo ko. Bahagya siyang natawa. "Sikat boyfriend mo, e."
"Di naman tiga dito 'yun."
Nagkibit-balikat lang siya. "Sabay ka na sa 'kin, gusto mo?"
Hindi ako agad sumagot. 'Di ko rin kasi sigurado kung nasa labas pa ba si Nikolai. 'Di ko naman kasi siya na-replyan kanina nung nagtext siya sa akin. Kasi kapag lumalabas naman ako sa school ay nandoon na siya.
At tama nga ako.
Wala na halos mga sasakyan sa labas kaya naman agad kong nakita iyong Jeep niya na naka-parada doon. Bukas iyong ilaw sa loob kaya medyo kita ko na nandoon lang siya at tahimik na nagbabasa. Nagrereview pa rin yata. Tapos hinintay pa ako.
Leche.
Pota.
Kaka-konsensya.
"Sige," sabi ni Bentley. "Good night," dugtong pa niya. Tumango at ngumiti lang ako sa kanya. Pagbalik ng tingin ko ay nakita ko na naka-tingin sa amin si Nikolai. Huminga ako nang malalim bago naglakad papunta sa sasakyan niya.
"Hey..." sagot niya.
"Kanina ka pa?" tanong ko.
"Not really," sinungaling na sagot niya kahit 11pm na. "How's first day?"
"Walang pumasok," simpleng sagot ko.
"Dinner?"
"Uwi na."
"Okay..." mahinang sagot niya bago pinaandar iyong sasakyan. Ramdam na ramdam ko iyong pagsulyap niya sa akin. Pero hindi siya nagsasalita. Pigil na pigil siya sa pagtatanong kung ano ang problema ko. Natapos na lang iyong sembreak, hindi pa rin ako nakakapagsalita. Tuwing sinusubukan ko kasi, nananaig iyong pagiging selfish ko. Kasi alam ko na kapag sinabi ko, malaki iyong chance na iwan niya ako.
Mahal niya iyong nanay niya.
Sino ba naman ako para piliin niya?
Nanay ko nga 'di ako pinili, e—ibang tao pa kaya?
"Jersey," pagtawag niya sa akin. Napansin ko 'yun. Simula nung naging tahimik ako, 'di niya na ako tinatawag na Ga. Nung una, medyo masakit. Pero ngayon naisip ko, at least nasasanay na ako. Mas malala iyong sobrang okay tapos biglang wala. Daig ko pa siguro nagka-withdrawal nun.
"How about takeout?" tanong niya habang naka-hinto kami sa stoplight.
"Di ako gutom."
"Okay," sagot niya nang walang pamimilit pa. Dati, namimilit pa siya na kumain ako kahit konti. Ngayon, kapag sinabi ko na ayoko, 'di na ulit siya magtatanong.
Kaso iyon lang.
'Di pa rin siya umaalis.
Para bang naghihintay lang siya talaga na magsabi ako... kaso ako naman 'tong si gaga na takot at 'di alam kung saan magsisimula.
Imbes na sa parking lot at sa harap lang ng condo bumaba si Nikolai. Kinalas ko iyong seatbelt.
"Good night," sabi ko.
"Jersey," muli niyang pagtawag sa pangalan ko. Tumingin lang ako sa kanya. "It's been months... I don't know what's bothering you, but please know that whatever it is, I'm here."
Tipid akong ngumiti.
"I'm serious. You can tell me anything. I won't judge. I'll just listen. And maybe talk if you want me to," sabi niya ng may maliit na ngiti sa labi niya. "I miss us."
Tangina naman.
Bakit naiiyak ako?!
Miss ko na rin kami.
Iyong mga kagaguhan naming dalawa. Iyong kapag bored ako tapos nilalagyan ko siya ng makeup. Iyong minsan na nagpaka-doctor ako sa Grey's Anatomy tapos kunwari siya iyong inooperahan ko. Iyong paggawa namin ng video sa Tiktok. Iyong sabay naming pagscroll ng memes kahit minsan 'di niya gets iyong humor nung mga trip kong joke.
Kaya nakaka-takot maging sobrang masaya, e...
Kasi minsan, ganito.
Sobrang bagsak.
"Di ka ba rito matutulog?" tanong ko. Dati, lagi siyang sa condo natutulog... Simula nung maging malayo ako, minsan na lang. Nagku-kwento siya dati tungkol sa mga nangyari sa kanya nung high school. Dati kasi kung anu-ano lang tapos naubusan na ata siya kaya ang ginawa niya, nagkwento lang siya tungkol sa buhay niya. Sinimulan niya mula pagkabata niya. Naka-rating kami ng high school. Tapos 'di na siya natutulog sa condo. 'Di na kami naka-rating sa college.
Mas lalo lang akong nahirapan.
Sa kwento niya pa lang, mahal na mahal niya na nanay niya, e.
"Nah... I have to review."
"Pwede naman sa condo."
Ngumiti lang siya. "You want me there?
"Kung gusto mo."
"I thought you want space," sabi niya. Space? Kung pwede nga lang itali ko siya sa tagiliran ko, e. Kung pwede nga lang na magtanan na kaming dalawa tapos wapakels na sa lahat, e. Kaso ang gago ko naman kapag ganoon. 'Di ko naman katulad si Nikolai na walang pamilya—meron siyang magulang.
"Tulungan kitang magreview," sabi ko habang naka-ngiti sa kanya. Ngumiti rin siya sa akin.
* * *
Parang gago lang talaga kaming dalawa. Biglang nakaka-ilang kasi ang tahimik namin samantalang dati, kulang na lang siguro ireklamo kami dito sa condo sa lakas ng tawa namin kapag naggagaguhan kami, e.
"Ano'ng nirereview mo ngayon?"
"Poli."
"Yan ba 'yung sa Consti?"
"Yeah."
"Nahihirapan ka ba sa review?"
"Kinda. There are so many things to remember. And it certainly doesn't help that Vito's like a madman who's solely focused on studying and Sancho's being his usual annoying self."
"Papasa ka."
"I know," sabi niya. "Thank you for the confidence, Ga."
Ang sakit naman nun.
Minsan ko na lang marinig.
"I don't know if I told you this already, but you remember Yago?" tanong niya. "You met him already. He forfeited his exam last time."
"Bakit?" tanong ko.
"I think he and Rory broke up."
Ilang taon mong ginapang para maka-graduate.
Ilang taon mong hiniling na matapos ka.
Tapos 'di ka makakapagBAR.
Minsan... pakshet talaga 'yang love, e.
"He won't tell us why, but we also can't guess because he's been silent ever since. He won't reply to any messages," pagpapa-tuloy niya.
"Baka ayaw lang pag-usapan," sagot ko. Kasi sa parte na 'yon, gets ko si Yago.
"Maybe," sabi ni Nikolai. "But it's so sayang, Ga. They're so great together. Never saw that person so... in love. He wouldn't shut up about her when he's with us and he's drunk. He's like Rory this and Rory that."
Tahimik na naman kami.
Binuklat ko iyong libro.
Hindi nakapagBAR si Yago dahil sa kanila ni Rory.
Paano... kapag ganoon din ang nangyari kay Nikolai? Makakaya ba ng konsensya ko? Pagkatapos niyang aminin sa akin dati na isa sa insecurity niya iyong grades niya? Tapos ako pa magiging dahilan kapag 'di siya makakapag-exam?
Ano 'yan? Talagang puro kamalasan lang dala ko sa buhay niya?
"Do you love me?" bigla niyang tanong. Agad akong napa-tingin sa kanya. Napa-awang iyong labi ko. "Because if you're pressured because I told you I love you... If that's the reason why you're so... distant, please don't feel pressured. I didn't tell you that to receive an I love you, too." Seryoso siyang naka-tingin sa mga mata ko. "I just... at that moment... I just felt that... overwhelming feeling that I couldn't help but say the words."
Kinagat ko iyong labi ko.
Sasabihin ko na ba?
"But don't feel obliged, Jersey."
"Okay."
Kita ko iyong pag-awang ng labi niya.
Tipid siyang ngumiti at kinuha iyong libro niya. Nagbasa din siya doon. Hindi ko alam kung nagbabasa nga ba siya o kung may naiintindihan ba talaga siya. Basta ako, panay lang ang paglipat nung pahina. Binibilang ko bawat segundo.
Tapos iniisip...
Paano kaya kung siya na lang iyong makipaghiwalay?
Na desisyon niya na lang?
Kasi duwag ako. Tapos selfish. 'Di ko kayang humiwalay at tumalikod sa kanya. Matatapos lang 'to kapag siya na iyong umayaw.
"I better go home," sabi niya nung ala-una na ng madaling araw. Pinanood ko lang siya na ayusin iyong mga gamit niya.
Tumayo ako at hinatid siya sa may pintuan.
"Nikolai," pagtawag ko.
"Yeah?"
"Sorry kung tahimik ako."
Ngumiti siya sa akin. "You're not obliged to be talkative around me," sabi niya. "If you feel sad or down or whatever, it's fine. I'm here. For both good and bad. I'm not only here for the good time, remember?"
"Di ka napapagod?"
Umiling siya. "Maybe it's a blessing that BAR's keeping me busy," sabi niya. "But seriously... I understand that relationship's not always I don't know... full of sunshine? Rainbow? It's kinda gloomy right now, sure, but I signed up for the full experience."
Natawa ako nang bahagya.
Hinawakan niya iyong pisngi ko at marahang hinalikan. "I love you, okay?" bulong niya sa labi ko. "Always here. Always waiting."
Tumango ako.
"Salamat."
Ngumiti siya. "Always, Ga."
"Wag kang mapagod."
"Never."
"Lumawak sana pang-unawa mo."
"Amen."
Natawa akong muli. "Ingat sa pagdrive. Text mo ako kapag naka-uwi ka na, ha?"
Tumango siya tapos muli akong nginitian. "Sleep already, okay? Will go here later and we'll have breakfast together," sabi niya bago umalis at naglakad palayo.
After BAR.
Kapag tapos na.
Bahala nang kainin ako ng konsensya ko, pero hindi ko sisirain iyong pinaghirapan niya.
***
This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top