Chapter 24
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#WTG24 Chapter 24
"When will your grades be released?" naka-busangot na tanong na naman ni Nikolai. Aba, malay ko! Ang tagal nga ring ilabas ng grades namin. Excited na akong ibigay kay Nikolai iyong premyo niya, e. I mean, kahit naman sino ang mas mataas sa amin, iyon pa rin naman ang mangyayari.
"Di ko alam. Crim pa lang nilalabas," sabi ko sa kanya. "Wag kang masyadong atat. 'Di naman tatakbo 'tong bibig ko."
Umirap siya sa akin. Busy kasi kaming dalawa para mag-aral dahil final exams na namin. Mas mauuna siya dahil ewan ko, weird dahil mas nauuna talaga ang senior kapag ganitong mga exam.
Tahimik kami ni Nikolai na nag-aral. Ang bilis ng panahon, grabe. Parang kaka-enroll ko lang tapos ngayon patapos na iyong sem. Ang daming nangyari. 'Di ko pa naman na-try na masigawan ng prof, pero nakita ko na iyong mga blockmates ko na masigawan. Na-try ko na rin na ma-sermunan kami ng isang buong oras. Mostly about lang sa disappointment nung prof dahil marami akong classmates na hindi maka-sagot sa recit ng cases kahit unang kaso pa lang sa listahan.
Ang lungkot lang.
Hirap talaga maging working student—kitang-kita ko iyong pagod at frustration sa mukha nila... kasi hindi naman sa tamad sila, pero more on wala silang time mag-aral.
"San ka pupunta?" tanong ko nang tumayo bigla si Nikolai. 'Di naman siya dito talaga naka-tira... pero parang ganon na rin kasi literal na magkasama kami palagi. Naghihiwalay lang kami kapag papasok na sa school, pero right after, magkikita kami kasi sinu-sundo niya ako. Good influence pa nga raw ako kasi dati after class, suma-sama lang siya kila Vito. Pero ngayon, dahil hinihintay niya matapos ang class ko, sa library lang daw siya and dahil no choice siya, nagrereview na lang din.
Ganda ko lang talaga.
"I'm gonna get us food," sagot niya.
"Sama ako."
"Okay," sagot niya tapos tinulungan akong tumayo. "I just didn't ask because you were so serious studying."
"I know. Thank you," sabi ko sa kanya habang naka-ngiti. Nagsuot lang ako ng jacket bago kami lumabas. Naka-black na Nike jogger pants lang si Nikolai at saka white shirt... White shirt lang 'yan pero na-stress ako sa presyo. Naka-black nylon shorts ako saka white shirt—isa sa mga white shirts ni Nikolai na dineclare ko na na sa akin.
"Takeout or grocery?" tanong niya habang naghihintay kami ng elevator.
"Kain na lang tayo tapos grocery," sagot ko. Bored na bored na ako dahil ilang araw na kaming nagrereview. Wala na kasing pasok sa school dahil finals na. Kumbaga, binigay na ng mga prof iyong oras na 'to para mag-aral kami.
"Ano'ng gusto mong kainin bukas?"
"Why?"
"Exam mo na, e," sabi ko. Mauuna kasi siya sa 'kin.
"You're gonna cook?"
Nagkibit-balikat ako. "Di ako magaling, pero 'di naman ako bobo. Keri ko naman sumunod sa instructions," sabi ko. Feeling ko sobrang unhealthy na rin namin kasi lagi kaming takeout o kaya delivery.
"Well... can you cook sinigang?"
"Di ba ihahagis lang naman sa kaldero."
"Ihahagis?"
"Oo, iyong ganito—"
"No, I know what ihahagis means."
"Bakit ba ang dami mong alam na Tagalog pero baluktot 'yang dila mo?"
Umirap na naman siya sa akin bago kami pumasok sa elevator. "My nanny when I was young is a Filipina, okay? She talks to me in Tagalog."
"Rich kid talaga—may yaya. Ako pinabayaan lang gumapang sa sahig," sabi ko sa kanya. Am nga lang dede ko nung bata ako. Sobrang saya ko na nung naka-bili ako ng chuckie! Iyon kaya greatest achievement ko nung elementary ako!
"Really?"
"Oo kaya. Dami kong peklat dati. Alam mo iyong sebo de macho?" tanong ko sa kanya tapos sobrang confused lang ng itsura niya. Kaya habang naglalakad kami papunta sa sasakyan niya ay inorient ko lang 'tong si Nikolai Ferreira tungkol sa buhay ng mga normal na bata. Mukha namang interesadong-interesado siya.
Mabilis lang kami na kumain. Umorder kami ng dalawang ulam for sharing tapos nagshare lang kami bago kami lumabas sa resto at saka dumiretso sa supermarket.
"Ikaw magbayad nitong grocery," sabi ko sa kanya.
"Okay?" sagot niya.
"Mahiya ka naman. Ako kaya nagbabayad ng kuryente, tubig, rent—"
"Well, I offered!"
"Syempre nahiya ako umoo!"
"And now, you're not shy?"
"Hindi na! Ang lakas mo kaya kumain!" sabi ko sa kanya. Bago si Nikolai, wala naman halos laman iyong condo ko! Tubig lang okay na ako. Pero itong lalaking 'to, akala mo mamamatay kapag nagutom. Kaya laging may stocks ako ng pagkain—meron din akong stick-o para kapag naubos na iyong totoong pagkain, mayroon akong ipapa-kain sa kanya habang hinihintay namin iyong order.
Minsan, feeling ko may anak na din ako, e.
"Fine," sabi niya. "Fill this cart. Don't stop until this cart is full."
"Deal!" sagot ko bago kumuha ako nang kumuha ng pagkain. Pero napaka-kapal niya talaga kasi naglalagay din naman siya ng pagkain niya! "Hoy, kumuha ka ng sarili mong cart."
"Nah, this is fine."
"Puro para sa 'yo kinu-kuha mo, e."
"What? This is for you!" sabi niya habang kinu-kuha iyong box ng hibiscus tea. Pina-try kasi sa akin ni Nikolai nung nagcoffee shop kami sa labas. Sabi ko sa kanya na masarap... 'di ko naman inexpect na matatandaan niya kasi once ko lang sinabi. Saka 'di ko na nga rin tanda.
Umirap na lang ako kahit touched ako na natandaan niya pa pala iyong ganon.
Parang naglolokohan lang kami dito kasi iyong mga kinu-kuha ko ay iyong mga gusto niya. Tapos napansin ko na iyong mga nilalagay niya naman sa cart ay iyong mga usual na kinakain ko.
Leche.
Cute talaga nito, e.
Pagdating namin sa counter, kita ko na napa-tingin si Ate girl sa boyfriend ko. 'Di ko na lang pinansin. Tanggap ko na na gwapo talaga ang jowa ko kaya marami talagang titingin. Ayos lang naman basta walang hahawak.
"Are we done?" tanong ni Nikolai nang nasa cart na ulit iyong mga pina-mili namin.
"May exam ka bukas, e. Balik na tayo?"
"I'm done reviewing. I'll just re-read again tonight," sabi niya. "Do you need to do something else?"
Tumingin ako sa paligid. Ang daming tao sa mall. Kakatamad mag-ikot. Bakit dumating na yata ako sa point na mas gusto kong magkulong kaming dalawa ni Nikolai sa condo ko? Nakaka-gala nga lang ako kapag inaaya kaming kumain nila Vito, e. In fairness, ang ganda ni Shanelle saka maayos kausap. At least may kakampi na ako kapag nagtatalo 'yung tatlong bugok.
"Okay, pero sandali lang," sabi ko habang naglakad kami papunta sa department store. Naka-sunod lang si Nikolai sa akin. Huminto ako doon sa may mga t-shirt na puti.
"I have shirts, Ga," sabi niya habang kinukuha ko iyong shirt size niya.
"Para kay Sancho 'to."
Sumama na naman iyong tingin niya sa akin. Tinawanan ko siya. 'Di ko naman na crush si Sancho! Masyado siyang seryoso para sa akin. Gusto ko iyong kami ni Nikolai na 'di mo minsan alam kung nagagaguhan na lang ba kami o ano.
"Joke lang naman!" sabi ko tapos tinapat ko sa katawan niya iyong shirt. "Sa 'yo 'to, malamang."
"I have shirts."
"Alam ko, pero tanggapin mo na," sagot ko pa. Pangarap ko kasi talaga na bilhan siya ng damit. Ito muna sa ngayon kasi 'di ko talaga afford iyong mga t-shirt ni Nikolai. Na-stress kaya ako nung tiniklop ko iyong mga damit niya! Lahat luxury brand! Kahit simpleng boxers lang!
Kinuha ni Nikolai. "Thank you," sabi niya. Napa-tingin ako sa mukha niya. Umirap ako. "Thanks, Ga."
"Oo na."
"But what's this for?"
"Wala lang."
"Will you buy me boxers, too?"
"Wag ka na magboxers."
Tumawa siya. "I mean, it'd be weird to walk around the unit with my dick just hanging."
Nakita ko na namula iyong matanda na naka-salubong namin dahil sa sinabi nitong kasama ko. Kakaloka talaga siya!
'Di ko alam kung ano ang trip namin dahil after ko siyang bilhan ng white shirt ay binilhan niya naman ako ng panty. 'Di na rin ako tumanggi kasi ilang panty ko na rin iyong nasira ni Nikolai!
"What's this for?" tanong niya habang hawak iyong nipple tape. Napa-irap ako. Feeling ko biglang may sex education na nangyayari sa gitna ng department store. Nag-aaral lang naman kami kanina.
Tapos ay napadpad kami sa salon.
"What style, Ma'am?" tanong sa akin nung stylist.
"Kahit—"
"Just not too short," biglang sabi ni Nikolai. Tumingin siya sa akin at ngumiti at nagpa-cute. "Please?" paawa niya.
Umirap ako at saka tumango na lang. Iyon naman talaga ang sasabihin ko. Ayoko ng masyadong maigsi kasi nga nag-e-enjoy talaga ako kapag sinasabunutan ako ni Nikolai. Okay lang 'yan—nag-e-enjoy din naman siya kapag sinasakal ko siya gamit ang legs ko.
"Clean cut for me," sabi niya bigla.
"Wag," reklamo ko. Medyo mahaba na kasi iyong buhok niya. Minsan nga kapag bored ako bine-braid ko iyong buhok ni Nikolai, e. Tapos nung mas bored ako, minakeupan ko na rin siya. Kaya kung sinuman ang magtatangkang mangielam ng gallery sa cellphone ko, makikita nila si Nikita.
Natawa si Nikolai. Feel na feel ko rin kasi sabunutan siya kapag nagmamakeout kami.
"It'll be long in week," sabi niya.
"Bakit bigla kang clean cut?"
Medyo humarap siya sa akin. "Mom's birthday on Friday," sabi niya. "Do you wanna come?"
Umiling ako. "Nakaka-hiya."
"You sure? My mom's nice," sabi niya. Feeling ko nga... kasi base sa mga kwento ni Nikolai, mabait iyong nanay niya. Saka mahal na mahal niya nga, e. Mama's boy talaga 'to. 'Di nga lang siya nagku-kwento tungkol sa tatay niya. 'Di ko alam kung tanda niya pa ba na nagkwento siya sa akin before.
"Saka may exam ako, 'di ba?"
"Right..." sabi niya. "But on my graduation party, you're coming, right?"
"Grabe naman, malamang!"
Ngumisi siya. "Great. My parents are going to be there, too. I'm gonna introduce you, okay?" Nanlaki ang mga mata ko. "Unless... you don't want to?"
"Hindi naman sa ayaw," sabi ko.
"What is it?"
"Magugustuhan kaya nila ako?"
Naging seryoso iyong mukha ni Nikolai. Alam niya naman na isa 'yan sa mga... sore topics. Ayoko lang na may sabihin sila kay Nikolai dahil lang sa akin. Kung ako lang, okay sige bahala kayo d'yan. Pero kapag damay na si Nikolai dahil lang mahal niya ako? Aba, ang kapal naman ng mukha niyo.
"Doesn't matter," sagot niya matapos abutin iyong kamay ko at hawakan. "I'm in love with you, remember? It's all that matters."
Ngumiti ako sa kanya. "Kapag 'di ako gusto ng nanay mo?"
"She'll like you—she makes her favorite son happy."
"Gago ka ba? Ikaw lang naman anak niya."
Tumawa siya. "Precisely—as her only son, she should be happy that I'm happy," sabi niya tapos ay nginitian ako. "But in all seriousness, Jersey, I think you'll love my mom. She's kind and understanding and she's the best."
Ngumiti na lang ako at saka tumango.
Sana nga.
Para naman maramdaman ko iyong pakiramdam ng kung paano magkaroon ng nanay.
***
This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top