Chapter 21
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#WTG21 Chapter 21
Narinig ko iyong pagtawa ni Nikolai nang maghubad siya ng polo-shirt niya. Tumambay kami sa harap ng dagat hanggang sumikat ang araw. Nag-usap lang kami tungkol sa school, tungkol sa exams—pero hindi tungkol sa graduation niya kasi nga baka biglang grumaduate din siya bigla sa akin.
Grabe talaga?! Totoo ang trauma!
"Why so shy now?" tanong niya nung pantalon naman ang hinu-hubad niya.
"Ewan ko sa 'yo," sabi ko tapos nahiga na ulit ako sa kama. Ako lang naman talaga ang prepared sa trip na 'to kaya may baon ako na extra na damit. Itong si Nikolai ay literal na wala pang tulog kaya ngayon pa lang siya matutulog. Kaso dirty daw kung matutulog siya na iyon pa rin iyong suot, kaya hinubad niya na lang.
"Come on, you've seen this all," tatawa-tawang sabi niya.
"Alam ko—natikman ko na lahat 'yan."
Humalakhak siya. "There's only one bed. I'll sleep beside you?"
"Oo."
"Sure?"
"Duh? Boyfriend na kita, 'di ba?"
"Yeah, but you're still free to say no," sabi niya. Naka-tayo pa rin siya doon sa tabi nung upuan kung saan naka-lagay iyong pantalon niya at polo-shirt. Naka-boxers na lang si Mayor ngayon. Ang hot niya lalo kasi medyo mahaba na iyong buhok niya at medyo may stubbles na siya. Grabe... sobrang na-busy siguro sa pag-aaral. Tapos ni 'di ko man lang nakamusta kasi busy ako mag-emote.
"Jersey," pagtawag niya sa pangalan ko. "In this relationship, we're equals, okay? You can always say no to me."
"Paano kung gusto ko yes palagi?"
Tumawa siya saglit. "Then it's a yes," sabi niya. "But know that you can always say no—it's well within your rights."
Hindi ako nagsalita.
Una at huling boyfriend ko ay nung high school pa ako... Ginawa ko talaga lahat noon... Binigay ko... Kasi parang may kasalanan ka sa kanya kapag humindi ka... Para bang magtatampo... Syempre ayoko naman nun... Ano ba'ng alam ko e literal na bata pa ako nun?
Pero ganito pala dapat?
Pwedeng magsabi na ayaw mo kahit jowa mo?
"You're my girlfriend, but you're not required to do anything," sabi niya. "No sex if you don't feel like it—no kiss, no nothing." Naupo siya sa tabi ko. Hinawakan niya lang iyong kamay ko. Medyo na-guilty ako kasi feeling ko masyadong nag-a-adjust si Nikolai para sa akin.
"Pero kung gusto mo naman—"
"Doesn't matter what I want if you don't want it," sabi niya. "The thin line that separates sex from rape is consent."
Kinilig ako nung hinawakan niya iyong kamay ko.
"Okay?"
"Okay..."
"Can I sleep na? I'm so tired."
Natawa ako. "Okay."
"Can I sleep with you beside me?"
"Request ba 'yan?"
"Yes."
Umirap ako. "Arte," sabi ko pero nahiga na ako. Tumabi siya sa akin. Naka-talikod ako tapos ay naka-yakap siya. Ramdam ko iyong paghinga niya.
Grabe...
Dati, akala ko papatayin lang talaga niya ako nung sinagasaan niya ako—ngayon ay papatayin niya yata talaga ako dahil sa lahat ng pinaparamdam sa akin ng hinayupak na 'to.
"Jersey," pagtawag niya.
"Mayor."
"Stop calling me Mayor," sabi niya. "The next thing we'll know, people will assume that you're literally dating the Mayor."
"Sobrang ganda ko lang na pangpolitiko ako, ganon?"
"Call me something else."
"Epal?"
"Try again."
"Ayoko nung mga kaartehan na baby, honeybunch, sugarplum," sabi ko sa kanya. Baka naka-simangot lang talaga ako niyan. "Gago na lang, gusto mo 'yun?"
"So, I'll call you gago, too? You like that?" parang nang-aasar na tanong niya.
Nagkibit balikat ako. "Kaysa naman baby. Batukan kita subukan mo akong tawagin ng ganon," sabi ko sa kanya. Ramdam ko iyong pagtawa niya.
"So, you really want me to call you gago? I think people will be weirded out," sabi niya habang sinisiksik iyong mukha niya sa pagitan ng leeg at balikat ko. "They'll probably think that I'm verbally abusing you."
"Ang assumera naman nila agad."
"Well, people are always quick to assume as if they know better."
"Ga na lang," sabi ko.
Parang palangga.
Kaso 'di ko na sasabihin kay Nikolai at baka kiligin siya.
"Ga?" pag-ulit niya.
"Oo. Ga as in short for gago," sabi ko sa kanya pero syempre kapag sinasabi niya iyon ay ang iisipin ko ay palangga. Basta para sa kanya, gago 'yun.
"You're weird."
"Okay lang. Ako pa rin unang pinagconfess-an mo. Jersey Leigh lang malakas," sabi ko tapos natawa na naman siya. "Tsk. Matulog ka na nga! Daldal mo talaga!"
"You keep on talking to me."
"Malamang. Ang bastos ko naman kung 'di kita sasagutin."
"Let me sleep."
"Baby ka ba? Gusto mo ipaghele pa kita?"
"Breastfeed me."
"Tangina ka talaga," sabi ko pero tumawa lang siya. Hinigpitan niya lang iyong yakap sa akin tapos mayamaya, ramdam ko na naka-tulog na siya.
* * *
Sobrang pagod ata ni Nikolai kaya nagising siya ay papa-lubog na iyong araw. Nag-extend kami ng stay kasi dapat daw kaninang 12noon pa kami nagcheckout. Kaya naman ngayong alas-cinco ay nandito pa rin kami. Si Nikolai na lang ang bumili ng pagkain doon sa resto. Ayoko na sumama dahil baka may epal na naman at uminit na naman ulo ni Nikolai. Ayoko talaga umiinit ulo nun—buti sana kung ibang ulo.
Ayoko lang isipin ng mga tao na bad influence ako sa kanya.
"First girlfriend mo ko?" tanong ko habang kumakain kami ng pizza at fries saka may beer na naman. Kapag nagka-puson ako sa kaka-pa-beer niya!
"Yup."
"Ganda ko talaga?"
"Yup."
Umirap ako. "Naging jowa lang, naging sobrang bolero."
Tumawa siya. "But you're really beautiful," tatawa-tawang sabi niya.
"Hoy, sabi mo kaya dati 'I've seen better!' May mga ganoong hanash ka pa dati!"
"If we're going to be literal and technical about this, Jerusha Leigh, yes, I've seen better looking women but I don't like them the way I like you," sabi niya tapos ay tumungga sa beer niya. Ang epal!
"So, hindi ako masyadong maganda?"
"Do you want the bola or the truth?"
"Truth syempre."
"There will always be someone who's prettier, smarter, kinder, sexier, but it won't matter because I only want you."
Tinungga ko rin iyong beer para 'di masyadong obvious na kinikilig ako sa kanya. Kasi isipin mo... itong katabi ko? May gusto sa akin? As in? Niligtas ko ba ang Pilipinas nung past life ko?!
"I know you'll always have doubts, and it's okay because I'm certain that they'll remain as mere doubts."
Hindi ako nagsalita.
Basta sana... gawin niya talaga.
"Bakit ako una mong girlfriend?" tanong ko na lang sa kanya. "Wala kang ibang nagustuhan talaga?"
"I did like some girls, some women, but never to the point that I wanted them enough to actually do something about it," sabi niya. "I'm always about the fun, but with you, I promise it's ride or die."
Kumunot ang noo ko. "Ano 'yun?"
"It means that I promise I'll be here whether things are good or bad," sagot niya. "I'm actually glad that we met just now, Jersey. I'm glad that we met now that I'm older and I think a bit wiser. I'd hate to think that had we met earlier, we'd both be in different dispositions in life and things would work differently."
"Sa tingin mo?"
"I don't know. But I'd like to believe in perfect timings."
"Naniniwala ka sa ganon?"
"Yeah. Because everything that happened in my life led me to this moment."
"Ang korni mo."
Tumawa siya. "Hey, I'm just being honest here."
"Bolero."
"No!" pagdepensa niya. "I just really feel comfortable around you to discuss things like this. I'd literally choose to die first rather than to discuss things like this with other people."
"Kahit sa mga bff mo?"
Umirap siya. "Bff my ass."
"Napaka-arte mo talaga."
"Whatever."
"Tsk."
"Tsk."
Ang epal nito talaga! Sana mapagtyagaan ko!
Tumambay lang kami ni Nikolai hanggang sa lumubog iyong araw. Tapos nagdinner kami tapos bumalik ulit sa room namin para kunin na iyong mga gamit kasi babalik na kami sa Maynila dahil may pasok pa kami bukas. Tapos nagtoothbrush pa 'to. As in literal na nag-ikot kami kanina naghanap ng mga sabon, shampoo, toothbrush dahil hindi mapa-kali itong isang 'to.
"May pasok ka ba bukas?" tanong ko sa kanya.
"Yup."
"Ay akala ko no class kapag after exams?"
"Not for fourth years."
"Aww sad naman."
"Why? Miss me already?"
"Di naman."
"Tsk."
"Gusto mo sabihin ko miss kita? Pilitin mo muna ako."
"Don't want to."
"Ano'ng oras class mo?"
"1pm."
"Sunduin mo ko bukas ng 7am tapos sabay tayong aral sa bar, gusto mo?"
"Really?"
"Grabe, syempre naman!" sabi ko sa kanya. "Sabi mo may say ako sa relasyon na 'to, pero may say ka rin, okay? If gusto mo ng sex tapos feel mo pagod ako, sabihin mo pa rin sa akin kasi desisyon ko pa rin naman."
"You know, we were just talking about studying."
"Syempre doon ako sa importante na bagay."
"You're insane."
"Okay lang, like mo pa rin."
Tumawa siya habang naiiling. Nung maka-rating kami sa NLEX ay kumain kami sandali—mabuti na lang hindi na sa Jollibee dahil baka tubuan na ako ng pakpak! Nakaramdam ata si Nikolai na malapit na akong maumay. Tapos diretso na ulit kami ng byahe.
Huminto siya sa tapat ng building ko.
"Alis na ko," sabi ko habang tina-tanggal iyong seatbelt ko.
"Ga," bigla niyang sabi kaya natigilan ako. Tumingin ako sa kanya pero nagulat ako nang bigla niya akong halikan. Agad akong napa-pikit nang maramdaman ko iyong paggalaw ng labi niya.
Grabe...
Bakit parang iba 'to sa mga naunang halik niya sa akin?
Ganito ba talaga kapag may label?
Sobrang bagal nung halik ni Nikolai na para bang sinasadya niya... kaso hindi talaga ako sanay sa ganoon... Kaya maka-lipas ang ilang segundo ay hinalikan ko na talaga siya. Mabuti na lang at doon siya nagpark sa may gilid para walang istorbo.
"Jersey, we're in a car," sabi niya nang bigla kong i-recline iyong upuan ng sasakyan niya tapos ay kumandong sa kanya.
"Okay lang 'yan basta i-sure mo na 'di aandar 'to bigla."
"Are we just making out or—"
Bigla akong umalis sa kandungan niya. Huminga ako nang malalim. "Ano oras tapos ng class mo bukas?"
"6pm, why?"
"Wag na pala tayo mag-aral ng 7am," sabi ko sa kanya. "Basta kita tayo ng 9:30, okay? Sunduin mo ako sa school?"
"Why? I thought we're studying," parang nanghihinayang na sabi niya. Nagkibit-balikat na lang ako.
"Bye! See you bukas!" sabi ko na lang tapos mabilis na lumabas sa sasakyan niya. Pupunta pa akong hospital bukas. Magpapa-inject ako o kung anuman. Basta ayoko na ng condom ngayon na boyfriend ko na siya.
***
This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top