Chapter 19
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#WTG19 Chapter 19
Tawang-tawa ako sa reaksyon ni Nikolai dahil parang gulung-gulo siya sa akin habang kuma-kanta ako ng mga Pinoy rap songs habang nagjojoyride kami. E kasi parang pagud na pagod siya sa exam niya. Baka maka-tulog. E sabi ko naman sa kanya kanina na 'wag na lang kami tumuloy kung pagod siya, e sabihin niya naman okay lang daw.
E sabi niya honest daw dapat kami.
E 'di maniniwala ako sa sinabi niya.
"What's that song?"
"Kabet 'yan! Grabe ka! Fake Filipino ka talaga!" sabi ko nang hindi siya maka-sabay sa pagrarap ko. "Sobrang foreigner mo na nga tignan—mano ba naman na Filipino at heart ka?"
"Hey, my favorite food is Jollibee!" pagdedepensa niya sa sarili niya.
"Di sapat. Dapat alam mo 'yung theme song kapag may karaoke."
"I don't sing."
"Ano 'yan? Puro gwapo? Walang talent?"
"So, you admit that I'm gwapo?"
Umirap ako. Fishing pa sa complement iyong isang 'to. Malamang alam niya na gwapo siya. I mean, 'di ba obvious?! Parang ang sarap kaya tumingin sa salamin kapag ganyan ang itsura mo—syempre alam ko kasi ang ganda ko rin kaya ang sarap tignan ng mukha ko sa salamin.
"Bilis na kasi—kabisaduhin mo na."
"Don't wanna."
"Kill joy."
"I'll try to memorize the other song."
"Ano'ng other song?"
"The one with the piano instrumental in the beginning? Sounds kinda like River Flows in You?"
"Alin ba dito?" tanong ko tapos hinanap namin iyong sinasabi niya na kanta. Ang pinapa-tugtog ko lang naman ay iyong mga usual na kantahan ko kapag bored ako sa buhay—Kabet, Stupid love, Alaala—
"Ah! Ito ba?" tanong ko sa kanya habang pina-tugtog ulit iyong alalaala. Tumango si Nikolai. Tawang-tawa ako habang sinusubukan niya na magrap. "Boo! Walang talent!"
"Hey, you try rapping!"
"Kanina pa kaya?! 'Di ka ba nakikinig?!"
"I'm busy driving?"
"Di ka rin multi-tasker! My gosh!"
"I can multi-task," sabi niya. "Remember when I was fucking you from behind and I was recalling the things I memorized for class?"
Biglang nanlaki iyong mga mata ko.
Grabe... It's been so long. Nakaka-loka pala ang law school—wala na akong dilig-dilig. Ramdam na ramdam ko ang tagtuyot.
"Nikolai."
"Yeah?"
"Wala kang jowa talaga?"
"Where is this coming from?"
"May narinig ako kanina sa school mo may babae ka raw."
"What?" tanong niya bigla. Napa-tingin siya sa akin saglit. Kita ko iyong pagka-gulo sa mukha niya. "Who?"
"Jersey daw," sabi ko tapos natawa siya. Sasabihin ko sana iyong babae kanina kaya lang naalala ko na siya nga lang pala ang may crush. Mamaya hindi pa alam ni Nikolai tapos binuko ko pa si Ate girl!
"Pero may nakita ako kanina na babae. Blockmate mo ata. Sino 'yun? Ang ganda, e."
"Describe?"
"Matangkad tapos morena tapos black na black iyong buhok. Basta ang ganda niya talaga," sabi ko. Gusto ko lang istalk! Baka may something sila ni Nikolai. Nakaka-paranoid naman kasi 'yang si Nick! Feeling ko kailangan ko mag-imbestiga palagi dahil mamaya, 'di ko na naman alam na kabit na pala ako! Kaka-trauma!
"I think you're referring to Sob."
"Blockmate mo?"
"Yup. Also, she's Sancho's crush since like forever—so if you have a crush on Sancho, think again."
"Grabe! Maganda rin naman ako!" pagdedepensa ko sa sarili ko. Maganda iyong Sob, pero maganda rin naman ako! Flexible pa!
"I didn't say that you're ugly."
"Wala akong sinabi na panget ako—sabi ko, maganda ako."
Nagtalo lang kami ni Nikolai hanggang sa maka-rating kami sa La Union. Medyo na-guilty ako paghinto namin sa parking kasi parang pagod na talaga si Nikolai. Ni-stretch niya iyong leeg niya. Napagod na sa pagda-drive si Mayor.
Dumiretso kami papasok doon sa loob. Huminto kami sa parang reception.
"Room share or—"
"Sir, isa na lang po available," sabi nung lalaki.
Tumingin sa akin si Niko. "You wanna share? Or we can go to another place."
"Hindi, okay lang," sabi ko. Kawawa naman 'to kung magda-drive pa ulit siya. Saka... okay lang siguro magsleepover kami. Ang dalang na rin naming magkita ngayong may pasok na ako. Kung busy ako, mas busy talaga siya. Graduating na siya, e.
Magkikita pa kaya kami kapag may trabaho na siya? Malamang mas magiging busy na siya nun.
Kinuha na ni Nikolai iyong natitirang kwarto. Dumiretso kami doon. Agad akong nahiga sa kama. In fairness, malaki naman siya.
"Ayaw mong mahiga?" tanong ko dahil alam ko na pagod na siya. Naka-upo lang siya doon sa may upuan malapit sa pinto. Naka-cross pa iyong legs niya. Arte talaga nito.
"You don't like sleepovers, right?"
"Okay lang ngayon—no choice naman."
"We should just find another place."
"Arte naman nito. Ayaw mo ba akong katabi? Malinis kaya ako!" sabi ko kasi ang arte rin kaya nito. 'Di ko talaga malilimutan iyong sinabi niya dati na wala akong hygiene! "Mas madumi ka kaya kasi galing ka sa school? Fresh pa ako—kaka-ligo ko lang nung pinuntahan kita."
Kita ko na natawa siya sa akin. Sinuklay niya pa iyong buhok niya.
"Let's go to the beach," sabi niya.
"Tulog ka muna. Pagod ka na, e."
"No, I'm fine," sabi niya. "Let's buy some beer and sit by the shore."
Dahil parang magandang idea iyon, agad na akong tumayo. Ready naman ako dahil alam ko na magbi-beach kami kaya naka-itim one piece bikini tapos pina-tungan ko ng white maong shorts. Si Nikolai lang naman iyong mukhang naliligaw dito dahil naka-Brent polo-shirt pa siya.
"Mukha kang ambassador ng Brent," sabi ko.
"You dragged me here."
"Naka-boxers ka ba? 'Yun na lang isuot mo."
"You want me to walk around in my underwear?"
Natigilan ako. Sobrang lala pa naman ng itsura nito kapag naka-boxers lang! Kita lahat ng tattoo niya pati iyong v-line.
"Tsk. 'Wag na. Okay na 'yang suot mo," sabi ko tapos dumiretso kami doon sa parang bar na may mabibilhan ata ng mga beer at pagkain.
"Ang dami namang tao..." kumento ko. Maraming nag-iinuman. Maraming mga nagku-kwentuhan.
"Jersey."
"Hmm?"
"They're from SCA."
Napa-awang ang labi ko. "Kilala mo sila?"
"Not really... but the faces are familiar," sabi niya. Tumingin ako sa kanya. Parang nag-aalala iyong itsura niya. "We can just go somewhere else?"
Hindi ako nagsalita.
Kumalat din kaya sa SCA?
Tumingin ako sa kanya at umiling. At saka ngumiti. "Dito na lang tayo," sabi ko.
"Are you sure?"
Tumango ako. "Practice na rin 'to. Malay mo... nalimutan na nila?" umaasang tanong ko. Iyong trabaho ko... kung gusto ko mang ikwento, iku-kwento ko. Kapag gusto ko. Kapag handa na ako. Bakit ba kasi may epal na nangunguna?
Mukhang hindi convinced si Nikolai. Nauna na ako. Pero papasok pa lang ako ay naka-rinig na agad ako ng sipol mula sa table ng mga lalaki. Gusto ko sanang isipin na hindi para sa akin, pero kita ko na sa akin sila naka-tingin. Huminga ako nang malalim. Dumiretso. Bakit ako iyong mahihiya e sila 'tong mga gago na walang respeto? Bakit ako iyong mag-a-adjust?
Mga naturingang nag-aaral ng batas... tapos mga asal future-rapist.
Agad akong dumiretso doon sa bar. Umorder ng isang anim na beer para pampatulog dahil kahit ayoko, na-badtrip talaga ako. Medyo na-shock ako sa presyo nung beer?! Tumalikod ako para manghingi ng pera kay Nikolai nang manlaki iyong mga mata ko nang makita ko na nandoon na siya sa table nung mga lalaki na nambastos sa akin kanina. Agad akong nagpunta doon. Suma-sakit agad iyong ulo ko kapag naiisip ko na mapapa-away si Nikolai.
"Uy..." sabi ko habang naka-hawak sa braso niya. "Kunin na natin 'yung beer..."
Pero hindi siya nakinig sa akin. Hindi ko rin alam kung ano iyong pinag-uusapan nila dahil huminto sila nang dumating ako. Ang alam ko lang, seryoso na naka-tingin si Nikolai sa kanila at mukhang seryoso din iyong mga lalaki.
"Think about what I said," sabi ni Nikolai sa kanila bago tumalikod at tumingin sa akin. Kita ko na sobrang seryoso ng mukha niya. Bigla akong na-guilty. Pagod na nga siya sa exam... pinagdrive ko... tapos biglang napa-away na naman siya...
"Did you order food?" biglang tanong niya. Hindi ako naka-sagot. Naka-tingin lang ako sa kanya. Bigla siyang ngumiti. "Don't worry about them—they won't bother you anymore."
Tumango lang ako.
Tahimik lang ako nang kinuha niya iyong beer tapos nagbigay ng order para sa pagkain namin. Dumiretso muna kami sa beach habang hini-hintay iyong pagkain. Tahimik lang ako na naka-upo roon habang nakikinig sa bawat paghampas ng alon.
Kanina ko pa nararamdaman na naka-tingin sa akin si Nikolai. Gusto niya siguro akong tanungin, pero hindi niya alam kung saan magsisimula. Basta tahimik lang akong tumu-tungga nung beer.
Nang maubos ko iyong isang bote ng San Mig, at saka siya nagsalita. "Are you mad?"
"Hindi."
"Why are you so silent?"
"Ano ba'ng sinabi mo doon sa mga lalaki?"
"Nothing."
"Asaan na ngayon 'yung honesty kineme mo?"
Inubos niya rin iyong beer niya. "I just told them to fuck off."
"Ano pa?"
"And introduced myself..." sabi niya na para bang may ibig sabihin iyon. Sino ba talaga 'tong lalaking 'to? Wala talaga akong masyadong alam sa kanya bukod sa mayaman siya, gwapo, mabait, at galit sa tatay niya.
"Are you mad with what I did?"
"Hindi. Pero 'di mo na sana ginawa."
"Why not? They're being assholes."
Alam ko na sobrang ipokrito ko na sinabi ko sa kanya na proud ako sa trabaho ko tapos nagkaka-ganito ako dahil lang nalaman sa school iyong trabaho ko.
Pero ang punto ko talaga... kwento ko 'yun. Ako ang magsasabi kapag gusto ko. Tangina ni Zach na feeling niya pwede niyang ipagkalat iyon.
"First year pa lang ako. Ilang taon pa ako sa school."
"I know. I'm sorry."
"Pwede bang 'wag kang magsorry kapag 'di mo naman kasalanan?" medyo naiinis na sabi ko. 'Di ko alam kung bakit sa kanya ako nagagalit e wala naman siyang kasalanan. Baka kasi naipon na rin iyong inis ko. Isang linggo akong nagkulong sa condo habang iniimagine na tinu-tuhuran ko si Zach sa sobrang pagka-bwiset sa kanya.
Natigilan si Nikolai.
Gusto kong magsorry—pero hindi naman talaga ako sorry.
Ayoko lang na nagsosorry siya kung wala naman siyang kasalanan. Hindi naman ako nagvevent sa kanya para maka-rinig ng apology. Gusto ko lang na may nakikinig kapag nagrereklamo ako. Hindi ibig sabihin nung gusto ko na ihingi niya iyong mundo ng tawad sa akin.
"What do you want me to do?"
"Wala."
"So just... let them harass you like that?"
"Nabuhay ako ng ilang taon na wala ka, okay? Kaya ko iyong sarili ko." Nakita ko na napa-awang iyong labi niya. Tumingin ako sa kanya. "Hindi mo ako kailangang ipagtanggol, okay? Kaya ko iyong sarili ko."
Nakita ko na umigting iyong panga niya. Pagalit na kinuha niya iyong bote ng beer at ininom iyon. Naka-tingin lang ako sa kanya.
"Hindi sa payag ako na gina-ganon lang ako... Syempre masakit kasi sino ba sila? Ano ba'ng alam nila? Pero alam mo? Mas mahalaga na alam ko sa sarili ko na wala akong ginagawang masama."
Hindi pa rin siya nagsalita.
"Saka 'wag mo na akong alalahanin. Baka masanay ako," pabirong sabi ko para mabawasan iyong bigat nung paligid. Ramdam na ramdma ko kasi iyong pagiging seryoso niya bigla.
"So what?"
"Ha?"
"So what if you'll get used to it? It's not like I'll be gone."
"Ga-graduate ka na."
"I'll graduate—I won't die."
"Magiging busy ka sa review."
"The review center's just minutes away from school."
"E 'di kapag working ka na as lawyer."
"I'm still gonna be in Manila."
"Ano ba'ng point nitong usapan na 'to?"
"The point is that I'm not going anywhere."
Parang tanga.
Bakit bumi-bilis iyong tibok ng puso ko?
Tangina talaga nitong si Nikolai.
"Napaka-hina mo talaga. Nalasing ka sa beer?" pag-iiba ko ng usapan. Agad akong sumubok na tumayo para sana bumalik na kami sa kwarto kaya lang ay napa-upo ulit ako nang hawakan niya iyong braso ko. "Ano ba—"
"Jersey, I like you."
"Gago, lasing ka."
"It's fucking beer."
"Weakshit ka kasi."
Umirap siya. "I like you," pag-uulit niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Ano ba'ng trip nito! Ti-nry ko ulit tumayo, pero si gago ay hina-hatak ako paupo palagi.
"Gago, sex lang 'yan—"
"I had plenty of sex before you—they never made me feel this way."
"Duh? Kasi magaling ako—"
"Can you please stop that?"
"Stop what?"
"Making light of the situation. I'm serious here."
"Di bagay," sabi ko pero seryoso lang siya na naka-tingin sa akin. Nag-iwas ako ng tingin. Doon ako tumingin sa mga alon sa harapan namin. Bakit bilog iyong buwan?! Kaya ba nagkaka-ganito 'tong isang 'to?!
"I like you, okay? And it pisses me to no end whenever they'd talk about you like that. Because they don't know you and even if they know you, it still doesn't give them the license to talk about you that way. It's your life and you're free to live it the way you want."
Diretso akong naka-tingin sa harap.
Ramdam ko iyong pagtutubig ng mata ko.
Tangina nito, bakit biglang may pa-peptalk?!
"The sex is great, Jersey—but it's not about the sex, I swear. I really like you... Please believe that."
Tahimik lang ako at hindi nagsasalita. Ramdam ko na naka-tingin lang siya sa akin... baka naghihintay na may sabihin ako. Pero ano ang sasabihin ko? Kasi alam ko naman sa sarili ko na gusto ko siya—matagal ko nang alam. Kaya lang ayoko talaga sumugal.
Kasi paano kapag nagsawa na siya sa akin?
Wala na akong kaibigan?
Mabilis akong tumayo, patagong pinunasan iyong luha ko, at saka tumingin sa kanya at ngumiti. "Okay," sagot ko bago naglakad diretso pabalik sa kwarto namin.
***
This story is chapters ahead on Patreon x
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top