Chapter 18
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#WTG18 Chapter 18
"Are you okay?" tanong ni Bentley sa akin. Hindi ako maka-galaw. Naka-tingin lang ako kay Zach na masama ang tingin sa akin. Tangina nito?! Bakit ba trip na trip ako nito?! Nananahimik ako rito tapos bigla—
"What?" tanong nung kasama ni Zach sa kanya. Hindi na siguro nila ako tanda. Ang tagal na rin nun. 'Di ko alam kung ano'ng problema nitong hayop na 'to at ayaw akong tantanan. Hari ba siya ng Pilipinas?! Kailangan laging mapapagbigyan? Kapag inayawan, ganito na hindi ka tatantanan?!
"She's the stripper—"
Kitang-kita ko iyong panlalaki ng mga mata ni Bentley sa tabi ko. Iyong pagpunta ng atensyon ng mga tao sa party sa akin.
Puta.
Sana hindi na lang ako pumunta rito.
Sana dumiretso na lang ako sa condo at natulog.
"Dude, she's the one with Niko—"
"Hey," biglang sabi ni Bentley sa tabi ko. "I'm sure you're mistaken," dugtong niya kina Zach.
Huminga ako nang malalim.
Hindi ko kinakahiya iyong dati kong trabaho dahil ginawa ko lang naman 'yun para mabuhay. Ang problema ko ay bakit pakiramdam ni Zach na may karapatan siya sa buhay ko? Na pwede niyang ipagkalat iyon? Tangina, sino ba siya sa tingin niya?! Kitang iba na ginagawa ko, e!
"So, ikaw 'yung bago niya? Dude, friendly advice—"
"Don't call me dude," agad na sabi ni Bentley. "We're not fucking friends."
May mga lalaki ng nagpunta sa amin. Parang nagkaka-initan na iyong mga member ng frat. Mabilis akong lumayo dahil ayokong sumali sa gulo nila. Pumunta ako rito kasi gusto ko ng kaibigan. Gusto kong magkaroon ng kaibigan. Pero hindi yata talaga para sa akin. Kasi kahit saan ako pumunta, para akong sinu-sundan ng mga ginawa ko sa nakaraan.
Hindi naman sila kagaya ni Nikolai.
Hindi nila ako matitignan na parang... ako pa rin 'to.
Sigurado ako na kapag tumingin sila sa akin ngayon, ito na lang ang matatatak sa usapan nila—na stripper ako. O baka sa susunod, kapag kumalat ang balita, na pokpok na rin ako.
Iyon na lang ang makikita nila kapag tumingin sila sa akin.
Sana hindi na lang ako pumunta.
* * *
Umuwi na lang ako.
Natulog.
Pesteng buhay 'to.
Pilit akong tumayo nung may magulo sa labas na katuk nang katok. Sobrang sakit ng ulo ko dahil buong araw ako natulog. Naka-suot lang ako ng maluwag na t-shirt. Ni hindi na ako nakapagtanggal ng makeup kagabi sa sobrang pikon ko kay Zach. Gusto ko na lang matulog at isipin na hindi na nangyari 'yon.
Punyeta talaga siya.
Mabaog sana siya.
'Wag niya na dagdagan iyong lahi niya.
"Ano?" naka-simungot na sagot ko nang pagbuksan ko ng pinto si Nikolai. Alam ko naman na siya iyong nandito dahil wala naman akong inaasahan na bisita.
"Are you okay?" tanong niya.
Napa-irap ako.
Ang bilis talagang kumalat ng chismis.
Iniwan kong naka-bukas iyong pinto. Pumasok si Nikolai. Alam ko naman na may posibilidad na maka-rating sa kanya iyong nangyari dahil maliit lang naman ang mundo ng mga law students... pati magka-tabi lang iyong school namin.
Pero ako si gaga, umasa na baka lasing na iyong mga tao kagabi at hindi na nila maaalala pa iyong nangyari.
"Jersey—"
"Ayokong pag-usapan," sagot ko as kanya.
Kasi baka sabihan niya ako na isa 'to sa mga posibilidad dahil pinasok ko iyong trabaho na 'yon. Alam ko naman. Pero tangina... kahit pagbali-baliktarin ko iyong mundo, wala pa ring karapatan si Zach na ipagkalat 'yon.
Sino ba kasi siya talaga sa tingin niya?! Kung may time machine lang talaga, bubulungan ko iyong tatay niya na iputok na lang siya sa kumot!
"Okay," sabi niya. "Can I stay?"
Tumingin ako. "Bakit?"
"So that you'll know that I'm here," sagot niya habang naka-tingin sa mga mata ko. Bakit nga ba kasi talaga ako pumunta pa roon? Kailangan ko ba talaga ng maraming kaibigan? Nandito naman si Nikolai na kahit hindi ako kaanu-ano ay mas tinuring pa ako na tao.
"But if you wanna be alone, I'll respect that," sabi niya. "So... should I leave or should I stay?"
"Tsk. Oo na," sabi ko tapos ay kinuha ko iyong cellphone ko at saka naupo sa sofa. Umorder ako ng pagkain. Ayoko sana sa Jollibee dahil hindi ko feel ngayon kaya lang ay naisip ko si Nikolai kaya doon na lang ako umorder.
"Baka naman matunaw ako niyan?" tanong ko nang ramdam ko na naka-titig siya sa akin. Kinuha ko iyong unan at saka pinatong sa mga hita ko dahil bigla akong na-conscious na isang manipis na t-shirt at panty lang ang suot ko sa harap niya. Bigla-bigla naman kasi siyang nagpapa-kita!
"How was the exam?"
"Okay naman."
"Good."
Napa-irap ako. 'Di ako sanay na ganito kami. Ang awkward. Ayoko ng ganito. Kaya naman pumihit ako paharap sa kanya.
"So, alam mo iyong nangyari kagabi?" tanong ko sa kanya.
"Just an hour ago," parang guilty na sabi niya. Ramdam ko na mayroon pa siyang gustong idagdag kaya lang ay nagpipigil siya.
"Dito ka dumiretso?"
"Of course," sagot niya.
"Mabuti naman." Naalala ko lang kasi nung huling nagkita kami ni Zach... Kinabahan talaga ako nun... Akala ko ay kung ano ang gagawin ni Nikolai sa kanya...
Kung si Zach lang ay wala akong pakielam—kung mamatay iyong hinayupak na iyon ay hindi titigil ang pag-ikot ng mundo ko—pero si Nikolai? Sayang naman kung makukulong siya dahil lang sa asungot na 'yon.
Kumunot ang noo niya. "Why?"
Nagkibit-balikat ako tapos ay sumandal sa sofa. Niyakap ko iyong unan palapit sa dibdib ko. Niyukyok iyong mukha doon.
"Had I known earlier, I would've come sooner..."
"May exam ka, 'di ba?"
"I'm taking a break."
Sumimangot ako. "Tapos kapag bumagsak ka—"
"Hey," parang na-offend na sabi niya.
Natawa ako. "Joke lang."
"So, you're in the mood to joke now?"
"Umorder ako ng Jollibee," sabi ko sa kanya. "Pagkatapos kumain, alis ka na."
"You wanna be alone?"
"May exam ka."
"I can study here so that you'll have company?"
Umiling ako. "Okay lang talaga ako." Hindi siya nagsalita at imbes ay tumingin lang sa akin. Pilit akong ngumiti sa kanya. "Ayos lang ako."
Hindi naman sa iniisip ko na madidistract siya sa ganap sa buhay ko... pero may exam kasi siya. Saka graduating na siya. Alam ko kung gaano ka-importante iyon.
"Tell me again that you're fine."
"Bakit?"
"Because I'd like to believe that we're honest with each other, so if you tell me that you're fine, I'll believe you and leave you alone."
Napa-awang iyong labi ko sa mga sinabi niya. Grabe naman 'to! Bigla tuloy ako na-pressure!
"Kainis naman 'to!" sabi ko tapos napa-halukipkip ako. "Hindi ko alam kung ano talaga, okay? I mean, sanay naman ako sa mga lalaki na gaya ni Zach. Kung siya lang, wala talaga akong pakielam. Pero kasi—"
Natigilan na naman ako.
Parang biglang bumalik iyong nangyari dati.
Kung naka-rating kay Nikolai—
"Puta naman," bulong ko sa sarili ko habang humihigpit iyong hawak ko sa unan. Tumingin ako kay Nikolai. Kita ko iyong pag-aalala sa mukha niya.
"God, I'm sorry, Jersey. I should've dealt with—"
"Wag ka ngang magsorry. 'Di mo kasalanan na fragile man ego 'yung epal na 'yun," sabi ko tapos nanggigil na naman ako.
"Still—" Sinamaan ko siya ng tingin. "Fine. But what's bothering you?"
Niyakap ko iyong unan at saka yumuko. Paano ako papasok nito bukas? Sigurado na kumalat na iyong balita...
Hindi ako nagsalita.
Hindi ko alam kung paano sasabihin.
Si Nikolai na nga iyong nagbayad ng tuition ko... tapos aarte pa ako? Ang kapal naman ng mukha ko kung hindi ako papasok dahil sa ganito...
"Iniisip ko lang na kung naka-rating sa 'yo, malamang kalat na sa school." Huminga ako nang malalim. "Pero... ayos lang. Keri na 'to. Itutulog ko lang."
Wala naman akong choice. Saka hindi naman siguro ganoon kalala? I mean nung sa lugar namin dati, grabe na nga ako pagchismisan nung mga matatanda doon kahit wala naman akong ginagawa talaga... Ngayon pa kaya?
Pero mga law students sila.
Pero... law student din si Zach.
Tangina, saan ako lulugar?
"If I don't have an exam tomorrow, I would've ask you if you wanna go to the beach to unwind," sabi niya.
"Tsk. Iyong exam mo! Nasaan na ba kasi iyong Jollibee—"
"Where do you wanna go tomorrow?"
"May pasok ako."
"Professors don't usually go to class right after the exam. It's kind of like a mini-break."
"Sure ba 'yan?" tanong ko kasi feeling ko si Nikolai iyong tipo na pariwara na estudyante na tipong nagpapa-kalat ng fake news na walang pasok.
Tumawa siya. "Why would I lie?"
"Aba malay ko sa 'yo."
"Do you know how to drive?"
"Hindi. Pero kung oo, papahiramin mo ako ng sasakyan?"
"Sure, but not my Jeep."
"Tsk. Damot."
"I have lots of cars."
"E 'yung Jeep ang gusto ko."
Napa-irap siya sa akin. "What about... staycation?"
Napa-kunot ang noo ko. "Ano 'yun?"
"You'll stay in a hotel and do fine dining and massage—things like that."
"Tsk. Matutulog na lang ako rito," sabi ko. Ang mahal kaya maghotel! Palibasa naka-tira sa hotel 'tong tao na 'to.
Tumayo ako nang magtext iyong driver na nasa lobby na raw siya nung building. Dumiretso ako sa kwarto para magsuot ng damit. Baka palayasin ako rito kapag bumaba ako na ganito ang itsura. Kebs lang naman sa harap ni Nikolai dahil ano pa ba ang itatago ko? Saka sa mukha ko lang naman siya naka-tingin palagi.
"Jersey," pagtawag niya.
"Oh?" sagot ko habang nagsusuot ng bra.
"Whatever they might say, we don't care about their wrong opinion, okay?"
Natigilan ako.
Napa-iling.
At napa-tawa.
"Okay, Mayor," mahinang sagot ko bago dumiretso sa baba.
* * *
Sobrang... hindi ko kinaya si Nikolai! Dahil ayokong pumunta sa hotel keme niya para sa staycation, nagulat na lang ako kinabukasan na may pumunta na babae na magmamassage daw sa akin. At dahil mapagduda akong tao ay hindi ko pina-akyat si Ate sa unit ko. Talagang tinawagan ko si Nikolai. Malay ko ba! Mamaya akyat bahay 'yun, e!
At si gago, kung ayaw ko raw umalis sa unit ko, doon na lang daw ako magstaycation.
So, may pa-massage si Mayor, tapos nagpa-deliver din siya nung sosyal na pagkain na may cheese at kung anu-anong ham at crackers. Okay naman siya kaya lang 'di ako nabusog. Kung kilala niya talaga ako, sana steak pina-dala niya. Mahina talaga 'yun.
'Di ako pumasok ng isang linggo. Tama naman pala siya na walang puma-pasok na professor. Pero nung Sabado, lumabas na ako sa unit ko at saka dumiretso sa Brent. Huling araw ng exam nila ngayon.
Nandoon ako sa labas ng Brent. Naka-shades ako na malaki kahit gabi na. Pakielam ba nila. Mamaya kasi may makita akong epal dito.
Tahimik lang ako na naka-tayo doon.
"Let's invite them na kasi."
"You invite them."
"Ugh. Ikaw na lang, Isobel. You invite them."
"Bakit ako?" sagot nung isa. Grabe. Ang ganda nito?!
"Basta," sabi nung isang babae. "You invite them. Make sure that Niko will come, please?"
"Anne, for the love of god, move on! First year pa lang tayo, crush mo na—"
Aba?!
Medyo torn ako kung magpapaka-chismosa ako o ano dahil mukhang mga ka-bloc ata ni Nikolai ang nandito. Pero mas nanalo ang pagiging chismosa ko. In fairness naman daw... hindi siya pina-tulan ni Nikolai at hindi siya pina-asa. Kung iba daw 'yan, malamang sinex na siya tapos goodbye na lang.
At least ako, sinex tapos sinex ulit.
Wala, e. Ganda lang talaga.
Napa-tigil ako sa pagpapaka-chismosa nang makita ko na palabas na ng gate iyong Jeep ni Nikolai. Agad na nanlaki iyong mga mata ko at saka pumunta ako roon. Ramdam ko iyong tingin sa akin nung mga babae. Malamang alam siguro nila na Jeep 'to ni Nikolai dahil bihira naman ang Jeep na nakikita ko.
At baka nagtataka rin sila kung bakit may magandang babae na lumapit doon.
"What—" nagtatakang tanong niya nang kumatok ako sa bintana. Bumagal kasi iyong takbo niya habang naghihintay na maka-labas sa kalsada.
"Pa-bukas nung pinto."
Kahit takang-taka ay binuksan niya iyong pinto. Agad na sumakay ako roon at sinuot iyong seatbelt.
"What... is happening?"
"Tapos na exam mo, 'di ba?"
"Yeah."
"Wala akong pasok."
"Okay?"
"Tara na sa beach!" sabi ko habang naka-ngisi. "Deserve natin 'to, Mayor!"
***
This story is chapters ahead on Patreon x
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top