Chapter 17

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG17 Chapter 17

Ang bilis lang pala talaga ng panahon kapag busy ka. Parang kaka-simula ko lang nung law school nung isang araw tapos ngayon, midterms ko na?! Ang lala!

"You need help?" tanong ni Nikolai. Nandito na naman siya sa bar. Ewan ko ba d'yan kung bakit laging nandito. Leche kasi si Clark laging sinasabi sa akin na dati naman daw ni hindi nagpapa-kita si Nikolai dito. Pakielam ko ba. Sarap talaga sipain ni Clark minsan, e. Daming alam.

"Kebs na," sagot ko sa kanya habang inaayos iyong mga gamit ko. Kaka-dating niya lang sa bar. May exam ako ng ala-sais. Balak ko sanang pumunta nang maaga sa school para chumismis sa mga classmates ko. Okay naman pala sila. Mga mababait pero 'di kami masyadong close kasi busy talaga sila. Iyong ibang block lagi ko naririnig na nag-iinuman pero sa block namin, hindi talaga kasi busy ang mga tao sa trabaho nila tapos iyong iba pa may pamilya na.

"It's your midterms, right?"

"Crim first exam ko," sagot ko nang matapos ako sa paglalagay ng gamit ko. Maaga akong nandito sa bar kasi tahimik. Nakaka-tulog kasi ako sa condo. Na-realize ko na hindi porke mabilis akong magmemorize ay makaka-lusot na ako sa law school. Hindi naman puro enumeration ang tanong—mas marami sa analyzation. So, wala pa ring kwenta kahit kabisado ko kung hindi ko naman naiintindihan iyong binasa ko.

Tumingin ako sa kanya. "Una na ko, ha? Kukuha pa akong exam permit," sabi ko sa kanya. Last week pa available pero tuwing dumadating kasi ako sa school, sarado na iyong admin's office. Mahigpit pa naman sa SCA. Mamaya hindi ako makapag-exam, e.

Ngumiti ako kay Nikolai bago ako nagmamadaling lumabas. Dahil ayokong ma-haggard ngayon dahil may exam ako ay tumayo ako roon at naghintay ng taxi. Malapit lang naman iyong school kaya okay lang. 'Di naman ako magastos. Ang gastos ko lang ay iyong condo, mga bills, saka mga kailangan sa school. Hindi naman ako matakaw kaya kebs lang gumastos sa ganito minsan.

"Hey."

"Uy," sabi ko nang may humintong sasakyan sa harap ko. Tatakbo na sana ako palayo dahil malay ko ba kung kidnapper siya. Ganito iyong nabasa kong kaso sa crim, e—iyong Mayor na nagpa-kidnap ng babae tapos ni-rape. Alam mo 'yun? Ininterview mo lang naman iyong mayor para sa school paper, nagandahan sa 'yo, tapos pina-kidnap at ni-rape ka pa?

Minsan may mga tao na hayop talaga, e.

"Pa-school ka?" Tumango ako. "Dun din ako, e. Sabay ka na," sabi ni Bentley. Dahil ayokong ma-haggard ay sumabay na ako sa kanya. Maigsi lang naman iyong byahe saka okay naman si Bentley. I mean, 'di naman kami friends talaga so 'di ako iyong tiwala talaga sa kanya.

"Mamaya pa exam mo, ah," sabi niya.

"Oo nga. Exam mo na in 30 mins. Ikaw ang late."

Tumawa siya. "On time naman ako makaka-rating sa school. Bakit ang aga mo?"

"Kukuha pa akong exam permit. Sabi nila hindi raw makakapag-exam kapag wala, e."

"Sus, maniwala ka sa ganon. Kung bayad naman tuition mo, ano'ng karapatan nila na hindi ka pag-examin?"

"Napaka-bad influence mo."

Tumawa siya. "Kabado ka ba? First exam mo, right?"

Nagkibit-balikat ako. "Nag-aral naman ako. Bahala na si Lord."

"Basta alam mo 'yung ALAC?"

"ALAC?"

"Iyong technique—answer if yes or no, give legal basis, apply the law, and then conclusion," paliwanag niya. Napa-awang iyong labi ko. "Usually ganyan. Although pwede naman na i-qualify mo iyong answer, pero lagi mong lagyan ng legal basis kung hindi, wala kang score."

"Hala, salamat!"

Akala ko dati lalandiin lang talaga ako bi Bentley. I mean, mukhang nilalandi pa rin naman niya ako at... yeah, minsan nilalandi ko rin siya. Wala lang. Bored lang ako. Pero in fairness naman sa kanya ay marami siyang nabibigay na tips talaga sa akin.

"No prob," sabi niya habang nagpapark na kami sa harap ng school. "After exams, if wala kang plano, we're throwing a party. You should come."

Ngumiti ako sa kanya. "Try ko."

"Alam ko 'yang 'try ko' e."

Tumawa ako. "Try ko nga," sabi ko sa kanya. Ayoko lang mangako kasi mamaya hindi ko naman magawa. E 'di umasa pa siya. At least dito pumunta man ako o hindi, wala akong atraso.

Nagpasalamat ulit ako kay Bentley bago ako lumabas tapos dumiretso na para kunin iyong exam permit ko. Nagpasalamat ako bago dumiretso doon sa mga upuan sa labas nung chapel. Naka-upo ako roon at tahimik na nagbabasa ng codal nang biglang magtext si Nikolai.

'Can I call?'

'Bakit?'

'Just wanna tell you something but if you're busy I can just text it.'

'Okay.'

Wala pang ilang segundo ay tumawag na si Nikolai. Tumayo ako at iniwan iyong gamit ko roon sa upuan. Medyo marami kasing nagbabasa at ayokong maka-isorbo sa kanila kapag nagsalita ako. Naglakad ako papunta roon sa may fountain.

"Ano'ng meron?" sagot ko sa tawag niya.

"You were in a hurry earlier. I don't know if your professor already discussed this but when answering, there's this technique called—"

"ALAC?"

"Yeah. So, your professor discussed and gave you tips on how to answer?"

Naupo ako roon sa may gilid ng fountain. "Sinabi ni Bentley kanina," sagot ko sa kanya. Naka-bilang ako hanggang limang segundo bago nagsalita si Nikolai mula sa linya niya.

"Did he also tell you that you should be reading the cases again?"

"Ano?"

"He didn't tell you?"

"Ano'ng sa case?"

"Did he tell—"

"Ano nga iyong sa case?" nagmamadaling tanong ko kasi isang oras na lang ay exam ko na. Naglakad ako pabalik doon sa pwesto ko at saka tinignan iyong bag ko kung dala ko ba roon iyong printed copy ko sa mga kaso. Hindi ko pa kasi nababasa lahat. Alam ko may Eidetic memory ako, pero 'di ko naman expected na napaka-rami kong babasahin! Literal na 'di kaya ng oras!

"Oftentimes, the questions on the exams are based on the cases assigned. The profs just tweak some of the facts, but if you read the cases, the jurisprudence included there would be the answer," paliwanag niya. "Did you read the cases assigned?"

"Hindi ko natapos..." Shet. "Wait, punta ako sa library—"

"Send me the copy of your syllabus."

"Ha?"

"I'm taking up CrimRev right now. I'll just tell you the facts and jurisprudence."

"Hoy, sabi ni Sancho pasang-awa ka raw sa crim. Baka ipahamak mo pa ako!" sabi ko kaya napa-tingin sa akin iyong mga tao. Awkward na nginitian ko sila bago ako lumayas doon dahil nagkakalat pa ako roon e literal na nasa likod ko iyong bahay ni Lord.

"What?!" mabilis na sabi niya. "And when did you talk to Sancho?"

"Ewan ko. May kinuha siya sa bar. Chumika lang ako."

"What did you—" sabi niya tapos huminto. "I'll fucking ask about that later. Just please send me the syllabus."

"Bagsa—"

"Yes, I failed the midterms that's why I studied my ass off during finals so that I'd pass," mabilis na paliwanag niya. Medyo natawa pa ako kasi sobrang defensive ni Mayor. "My midterm grade was 42. I literally worked a miracle to pass that subject, okay."

"Oo na."

"I'm not bobo."

"Walang nagsabi na you're bobo."

"Just send the syllabus, Jersey."

"Oo na po," sabi ko bago ko sinend sa kanya iyong syllabus habang naka-tawag pa rin kaming dalawa. Sa natitirang isang oras halos bago mag-exam ako ay kausap ko lang si Nikolai at kinu-kwento niya sa akin kung ano nangyari sa mga kaso. Ang cute niya magkwento kasi parang chismis lang sa gilid iyong mga sinasabi niya.

In fairness... magaling nga sa crim.

Bakit kaya halos bumagsak siya?

"Salamat," sabi ko nang matapos kami. Limang minuto na lang bago magsimula iyong klase.

"No problem," sagot niya. "Whatever happens, don't leave a number unanswered. You'll at least get 2 points for effort."

Natawa ako. "Yes po, Mayor."

"You want me to pick you up later?" tanong niya.

Kinuha ko iyong bag ko at naglakad na ako papunta sa classroom. "Wala ka bang class?"

"My midterms is next week."

"Aral ka na lang."

"It's okay. I'm just here at the bar."

"Baka maka-abala pa—"

"It's okay," sagot niya.

"Good luck," biglang sabi ni Bentley kasi sakto na lumabas siya sa classroom. Second year kasi siya kaya mas nauna iyong exams nila. Kasabay niya iyong fourth years. Ngayon turn na namin na first years and third years.

"Thank you! Good luck din," sabi ko sa kanya bago siya ngumiti at saka naglakad paalis. "Niko—" sabi ko tapos walang sumagot. Badtrip. Bina-baan ako ng tawag!

* * *

"LQ ba kayo?"

"Ha-ha. Funny ka na niyan?" sagot ko kay Clark at tinawanan lang ako nung epal. Kinuha ko iyong iniwan ni Nikolai na gamit. After nung tawagan niya ako nung Lunes ay hindi ko na siya nakita. Busy iyong tao dahil may exam din naman siya sa Lunes. Pero kahit na ganoon ay nag-iiwan siya rito ng mga reviewer. Pati may mga old exams ng SCA! 'Di ko nga alam saan niya nakuha 'to e tiga Brent siya!

Doon sa office ako nag-aral hanggang sa dumiretso na ako sa school. Last exam naman na. Jusko. 'Di ko akalain na mapapagod ako nang ganito! Iyong tipo na naupo ka lang naman at nagsagot pero pakiramdam mo ay nakipagdigma ka sa sobrang pagod mo!

Medyo feel ko kumain sa unli-rice pagkatapos nito. Pagod na pagod na iyong katawang lupa ko!

"Your exam is for 1 hour and 30 minutes," sabi nung proctor bago kami nagsimulang magsagot. Bago ako nagsimula ay tinignan ko muna kung ano iyong mga exam. Inuuna ko kasi iyong mga essay kasi marami iyong points doon. Usually naman ay puro essay lang kaso sa exam ko ngayon ay trip din ng prof magpa-multiple choice kaya inuna ko iyong essay.

"Grabe, ang lala ni Sir!" reklamo ko kay Indie nang matapos kami sa exam.

"Scam talaga. Saang parte iyong madali?" sagot niya sa akin. Sabi kasi ni Sir sa amin ay madali daw iyong exam. Mama niya madali. Ang hirap kaya! Tapos ang dami pa! Nung bandang dulo 'di ko na maintindihan sulat ko sa paghahabol na matapos ko, e.

"Di ko natapos. Basta sinulat ko na lang letter C."

Tumawa ako. "Gaga ka."

"E kaysa walang sagot," sabi ni Indie. "Papunta dito iyong hindi masyadong gwapo," dugtong niya. Kumunot iyong noo ko dahil 'di ko gets iyong sinabi niya.

"Ano—" pero ni hindi ko natapos iyong sasabihin ko dahil biglang nasa harapan ko na si Bentley. "Uy, congrats! Tapos na exams."

Ngumisi siya. "Thank you. You'll come to the party?"

"Di ko sure..." sabi ko kasi sa totoo lang, gusto ko nang umuwi at saka matulog. Ganoong level iyong pagod ko.

"You sure? It'll be fun. Para may makilala ka rin na tao from other blocks and years."

Medyo natigilan ako.

Parang gusto ko na tuloy...

I mean, okay naman block ko pero wala akong maging friend doon kasi busy sila lahat sa buhay nila. Kahit si Indie masyadong busy sa buhay niya rin, e.

"Sige na nga... pero uuwi rin ako agad."

"Ayun!" sabi niya na naka-ngisi. "I'll text you the address. Just look for me when you're there."

Kumain muna kami ni Indie sa Inasal kasi hinatak ko siya. Literal na inubos nung Consti iyong energy ko. Kaka-stress!

"Punta ka talaga sa party?" tanong niya.

"Oo. Gusto mo rin?"

"Ayoko. Party ng frat 'yun, e."

"Totoo?"

"Oo. Frat member kaya 'yung kausap mo," sabi niya. "Wag ka na lang uminom. Saka ingat ka. Medyo maldita iyong ibang member ng soro na counterpart nila."

Nakinig lang ako sa mga chismis ni Indie habang umoorder ako ng extra rice. Baka masuka ako doon sa sobrang busog ko. Sabagay, wala naman akong balak uminom. Basta makiki-friends lang ako tapos uuwi na ako.

After naming kumain ni Indie, umuwi muna ako sa condo para magpalit. Hassle naman kung pupunta ako sa party ng naka-school attire. Usual na suot ko lang sa school ay black pants at saka polo-shirt. Nagaya ko na ata iyong uniform ni Nikolai.

Tsk.

Aayain ko sana kaya lang busy for sure iyon sa midterms niya.

Nagsuot lang ako ng black leather shorts, iyong black Fendi shirt ni Nikolai na kinuha ko nung sinira niya iyong bra ko para fair, tapos black na block heels. Nagpa-bango lang ako tapos red na lipstick at naka-lugay na buhok. Maliit na bag lang iyong dala ko para sa pera at cellphone. Dumiretso na agad ako roon pagka-book ko ng masasakyan.

Pagdating ko sa party ay masama agad ang tingin sa akin nung isang grupo ng babae. 'Di ko na pinansin dahil sanay naman ako sa ganyan. As if naman gaganda sila kapag tinignan nila ako nang masama.

"You came!" agad na sabi sa akin ni Bentley. Hahanapin ko pa lang sana siya kaya lang ay mabilis niya akong nilapitan. Sabagay—literal na naka-tingin sa akin iyong table ng mga lalaki na pinanggalingan niya.

"Grabe ka kaya mangkonsensya."

Tumawa siya. "You want beer?"

Umiling ako. "May tubig ba dito?"

"Yeah, let's get you some water," sabi niya tapos sinamahan niya ako. Kinuha niya ako ng tubig tapos ay pinakilala sa mga tao. May mga mababait naman pala na babae! Akala ko ay masama ang tingin nila sa aking lahat, e. Mababait iyong mga higher years na babae. Nagpa-kwento lang ako tungkol sa mga terror prof at kung anu-ano.

"So, nagsisisi ka ba?" Bentley asked nung mag-excuse ako sa group nung babae na kanina ko pa kausap.

"Gusto mo ba magthank you pa ako sa 'yo?"

Tumawa siya. "I mean, it couldn't hurt?"

"Tss. E 'di thank—"

"I thought this is a party for law students—why is there a whore here?" agad akong napa-tingin sa pinanggalingan ng boses at parang binagsakan ako ng langit at lupa nang makita ko si Zach sa harapan ko. 

***
This story is chapters ahead on Patreon x

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top