Chapter 14
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#WTG14 Chapter 14
"Ano 'yan?" tanong ko kay Clark nang pumasok siya sa office ko. May dala siyang tray. Naka-upo ako kanina pa rito at nagbabasa. Sa totoo lang, 'di ko naiintindihan iyong mga binabasa ko. Maiintindihan ko kaya 'to? O baka magaya lang ako kay Nikolai na nagpapanggap lang.
"Meryenda," sabi niya.
"Naks naman siya. Mamamatay ka na ba bukas? Bakit ang bait natin ngayon?" tukso ko kay Clark nang ilapag niya iyong tray at nakita ko na mayroong kape roon at saka pasta—iyong lecheng overpriced pasta nitong bar na 'to.
"Gago," sagot niya. "May kapatid akong abogado kaya alam ko kung gaano kahirap. Kumain ka na nga lang d'yan," dugtong pa niya tapos ay iniwan ako. Pikon masyado!
Kinain ko nang dahan-dahan iyong pasta dahil ayokong madumihan iyong libro ko. Napaka-ginto pa naman nito! Akala mo gold iyong ink na pinantatak sa sobrang mahal, e! Kaloka!
6:30pm iyong unang klase ko. Medyo malapit lang naman iyong SCA dito, pero syempre ayokong ma-late, no! Sa sobrang ginto ng tuition doon, siguro kahit free cut na e nandoon pa rin ako sa classroom at eenjoyin ko iyong aircon. Aba, kasama sa tuition 'yan! Doon na nga rin ako magcharge ng gamit ko. Kung pwede lang siguro na doon na rin ako maligo, e.
Tsk. Apaka-ginto ng tuition! Nakaka-loka talaga! Kapag ako hindi tumalino talaga!
Bandang alas-cinco ay nag-ayos na ako. Kinuha ko iyong baon kong damit. Wala namang strict na dress code sa SCA—kumpara doon sa Brent na business attire o smart casual daw dapat palagi. Buti pa sa SCA pwede akong magpantalon at blouse. Dagdag stress lang kung iisipin ko pa ang susuotin ko. Grabe pa naman sa Brent nung napunta ako—akala mo nasa fashion show ang mga tao. Paano pa kaya sila nag-aaral kapag ganon?
Kaka-labas ko lang sa CR at kaka-palit lang nung black fitted pants at saka white na blouse nang makita ko si Nikolai na naka-upo sa sofa. Naka-suot siya nung polo-shirt na mayroong logo ng Brent.
"Wala ka bang pasok?" tanong ko sa kanya.
"What time's your class?"
"6:30," sagot ko tapos ay naglakad ako papunta sa lamesa para kunin iyong backpack ko. 'Di na ako bumili ng bag. Ayos na 'to. Wala akong balak makipagsosyalan sa SCA dahil unang-una, hindi pa man ako graduate ay lubog na ako sa utang kay Nikolai.
"It's still early. Let's eat first," sabi niya.
"Kumain na ako."
"Dinner?"
Tumango ako. 'Di ko na sinabi na binigyan ako ni Clark ng pasta. Mamaya e ibawas pa sa sweldo ni Clark. Malay ko sa topak nitong si Nikolai.
Tumayo na siya sa sofa. Mayroon din siyang backpack na kulay itim. Sure ako na sobrang bigat nun kasi nung binuhat ko iyon dati nung gago siyang pina-hanap sa akin iyong sasakyan niya, akala ko e mababali iyong balikat ko sa sobrang bigat. Sabay kaming naglakad palabas ng office.
"What's your first subject?"
"Crim."
"Did you review?"
"Ako pa ba?" Inirapan niya ako. Tumawa ako. "Nag-aral ako, don't worry po, Mayor," tukso ko sa kanya. Naiiyak pa rin ako katatawa tuwing naaalala ko iyong pagtawag niya sa sarili niya ng Mayor. Minsan... 'di mo talaga maintindihan mga trip nitong si Nikolai sa buhay niya, e.
"San mga friends mo?" usisa ko. 'Di ko pa nakaka-usap nang maayos si Sancho, e. May jowa kaya 'yun? Kasi wala talaga akong balak jowain si Nikolai dahil friends kami. Pwedeng iyong friend niya na lang ang jowain ko.
Umirap na naman si gago. "They're busy."
"E bakit ka nandito?" Nagkibit-balikat siya at hindi na ako sinagot. Pumasok na lang siya sa Jeep niya at sumunod ako. "Paano ba iyong klase sa law school?" tanong ko kay Nikolai.
Kinakabahan ako kanina... pero ngayon na papunta na talaga kami sa SCA ay parang malapit ng maglayas iyong puso ko mula sa dibdib ko. Jusko. Paano kung ako ang pinaka-tanga roon? Kiber naman... kaso sayang naman iyong pa-tuition ni Mayor!
"Socratic," sabi niya. Sobrang confused lang ng mukha ko. 'Wag nga niya akong gamitan ng terms. Lumingon siya sandali sa akin tapos ay mabilis na natawa dahil mukhang litung-lito ako sa sagot niya. "It's basically a question and answer."
"Walang lecture?"
"Normally, none," sabi niya.
"Grabe?! Paano kung mali iyong sagot ko o sagot ng classmates ko? E 'di mali lang lahat ng maririnig ko?!"
"That's why you have to study."
"Ang daya naman! Ganyan din ba sa Brent?"
Tumawa siya. "Why? You wanna transfer?"
Umirap ako. "Alam mo, sabihin mo na lang kung gusto mo akong magtransfer sa Brent. Maliit na bagay lang naman kung may crush ka sa 'kin—'di mo naitatanong ay lagi akong muse sa school namin dati," sabi ko. Aba, kahit ayaw nila sa akin, 'di nila maitatanggi na iyong ganda ko e gandang pangmuse.
"You wish," sabi niya.
"I mean, nagsex na tayo at lahat, ano ba naman kung aminin mo na crush mo ako, 'di ba?"
"I don't do crushes."
Sinungaling... crush na crush nga niya si Assia, e. 'Di niya man aminin sa akin, halata naman na may crush siya roon. Gets ko naman dahil maganda naman si Ate girl. Ang haba ng buhok niya dahil crush din siya ni Vito. Siya na talaga ang pinagpala sa lahat.
"We're here," sabi ni Nikolai nang huminto siya sa harap ng gate ng SCA. Shet... ito na. Mapapatunayan na kung matalino ba ako o mayabang lang talaga...
"Are you okay?" tanong ni Nikolai nang lumipas na ang ilang segundo ay hindi pa rin ako lumalabas sa sasakyan niya. Kanina ko pa sinusubukang buksan iyong pinto, pero hindi ko mabuksan. Pinaandar ni Nikolai iyong sasakyan niya at saka huminto sa isang gilid.
"Wait lang..." sabi ko dahil totoong kinakabahan ako. Nag-aral naman ako... nagbasa ako... kaso pakiramdam ko pa rin ay magkakalat ako mamaya.
"Hey..."
Agad akong napa-tingin dahil sa tono ng boses niya. Naka-tingin sa akin si Nikolai at agad niyang ipinatong iyong dalawang kamay niya sa magkabilang-balikat ko.
"First day is scary," sabi niya sa nakaka-kalmang boses. "It's okay to be scared—trust me, you're all scared."
Huminga ako nang malalim. "Matatawag kaya agad ako?"
"Maybe," sabi niya. "Maybe not. The thing is, you have to study everyday as if you're always on deck," dugtong niya. "Every day from hereon is a review for the BAR—because that's the ultimate goal—to pass the BAR."
"Grabe... nakaka-pressure naman 'yan."
Ngumiti siya at saka ginulo iyong buhok ko. "You'll be fine."
"Fourth year ka na kasi."
"Well, I was a freshman before, too, you know?"
"Paano mo na-survive?"
"My friends." Napa-kunot ang noo ko. "When you go to your classroom, aside from learning, make friends. Law school is hell... but having friends will make everything a whole lot easier."
Tipid akong ngumiti.
Gusto ko rin naman talaga ng friends... sino ba ang ayaw? Kaya lang ang hirap sa amin kasi alam nilang lahat kung sino ako at sino ang pamilya ko...
Dito kaya? Pwede na?
"Just go to your class, Jersey. You studied, right?" Tumango ako. "Then you'll be able to answer."
"Paano kapag hindi?"
"Then after your class, I'll come pick you up and we'll have dinner."
"Kasama friends mo?" tanong ko pero inirapan niya lang ako. Tinawanan ko siya. "Sige na, alis na ako," sabi ko tapos ay kinuha iyong bag ko. Bumaba ako sa sasakyan niya, pero bago ko pa man isara iyong pinto ay muli ko siyang nginitian. "Salamat sa paghatid saka sa words of wisdom, Mayor," sabi ko bago ko sinara iyong pinto, huminga nang malalim, at naglakad papunta sa SCA.
* * *
Medyo naligaw ako dahil hindi ko maintindihan iyong naka-sulat sa registration form ko. May mga hanash pa 'tong school na 'to. Iyong unang number pala ay building number tapos may floor tapos room number. Tsk. Kung bigyan na lang nila ng pangalan per building, 'di ba? Goal ba nilang lituhin ang mga tao?
Dahil nagkanda-ligaw-ligaw ako ay medyo pinagpawisan ako. Dumiretso ako sa CR at nag-ayos muna. Syempre ayoko naman na mukha akong basura sa unang pagkikita namin ng mga classmates ko, noh. Bagong-buhay na kaya ako!
Paglabas ko ng CR ay nakita ko na mayroong babae roon na naka-tayo sa isang gilid. May binabasa niya na codal ng RPC kaya sure ako na first year din siya kagaya ko. Naghugas ako ng kamay. Rinig na rinig ko na nirerecite niya iyong mga articles paulit-ulit. Tama nga si Nikolai... medyo unfair nga na isang basa ko lang ay memoryado ko na lahat... 'Di ko nga lang maintindihan, pero at least kabisado ko.
Patingin-tingin ako sa babae.
Kausapin ko kaya? Sabi ni Nikolai maghanap daw ako ng kaibigan, e... Kaso nakaka-hiya. 'Di ako marunong magfirst move.
"Sorry, maingay ba?" sabi nung babae bigla.
Agad akong umiling. "Hindi, ayos lang," agad kong sagot kasi baka isipin niya ay umattitude ako rito sa CR.
"Sorry, kinakabahan kasi ako," sabi niya. "First year ka ba o upper year?"
"First year, 1L," sagot ko at nanlaki ang mga mata niya. "1L ka rin?" masayang tanong ko kasi may kakilala na ako! Kanina pa ako kinakabahan! Ayokong pumasok mag-isa sa classroom.
Tsk.
Akalain mo 'yun?
Kapag pumapasok ako sa suite para sumayaw, kebs lang... pero iba naman kasi 'yun. Trabaho lang 'yun. Ito? Buhay ko talaga 'to.
"1L din!" masayang sagot niya. "Working ka?"
Tumango ako kahit 'di ko sure kung working ba talaga ako o kung jino-joke lang ako ni Nikolai. Pero ang mahalaga ay sumu-sweldo ako.
"Sa tingin mo ba papasok na si Atty. Mercado?"
"Kilala mo na prof natin?" nagulat na tanong ko.
"Chismis," sagot niya.
"Grabe, saan nanggaling iyong chismis?"
Ang daldal pala nitong bagong kakilala ko! Independence daw ang pangalan niya, 'di daw niya alam trip ng magulang niya, pero Indie for short na lang daw. Nagta-trabaho pala siya sa isang firm tapos ngayon lang siya naka-ipon para makapag-aral sa law school.
"Bakit dito?" tanong ko kasi ang mahal kaya ng tuition dito.
"Maraming firm na namimili lang ng kukunin," sagot niya. "Gaya nung sa pinapasukan ko—mga tinatanggap lang nila ay graduate ng Brent o SCA."
"Grabe naman!"
"Sa totoo lang. Kaya no choice din ako kaya kahit ang mahal dito, dito ko pa rin gusto. Pwede naman sa iba... kaso kung gusto ko makapasok sa G&Z, dito dapat ako graduate," paliwanag niya habang naglalakad kami papunta sa classroom. Ni hindi ko napansin iyong nilakad namin sa dami ng kwento sa buhay nitong si Indie.
Pagpasok namin sa classroom ay medyo natigilan ako.
"Okay ka lang?" tanong niya. Tumango ako at naglakad kami papunta roon sa bakanteng upuan sa unahan. No choice kami dahil halos puno na sa likuran.
Tumingin ako sa paligid. Mga naka-office attire sila. Mukha tuloy akong naliligaw sa suot kong itim na pants at puting blouse.
"Bakit ganyan itsura mo?" tanong ni Indie.
"Required ba naka-office attire?" mahinang tanong ko. Nung nagtanong ako sa registrar, hindi naman daw! Baka nabiktima ako ng fake news!
"Hindi," mahinang natawa niyang sabi. "Nasa working section ka, 'di mo ba alam?" tanong niya at medyo kumunot ang noo ko. "Dito sa SCA, merong regular class at working class. Kapag working, by the name itself, mga working student ang mga estudyante."
"Kailangan naka-hiwalay?"
Nagkibit-balikat siya. "Siguro. Kasi kumpara mo naman sa mga fulltime student na buong araw nag-aaral—tayo tuwing lunch lang o kapag malas ka pa sa trabaho mo, 'di ka pa makakapag-aral."
Ano ba 'yan. Medyo na-guilty ako na literal na nasa office lang ako kanina at nag-aaral. Ang kapal pa ng mukha ko dahil dinalhan ako ni Clark ng pagkain.
Lahat ng mga tao sa classroom ay busy sa pag-aaral. Parang naghahabol sila na ngayon lang siya nakapagbasa. Nanahimik na lang ako dahil ayokong maka-abala sa kanila.
Lumabas ako nung 30 minutes na ang naka-lipas ay wala pang prof na dumadating. Naka-tayo ako sa harap ng classroom at nagbabasa nung biglang may kumausap sa akin na lalaki.
"Hi," biglang sabi niya.
"Hi," sagot ko na bahagyang kunot ang noo. Sino ba 'to? Nakita nang nag-aaral ako, e.
"Freshman?" Tumango ako. "I'm Bentley."
"Jersey," sagot ko at saka ngumiti sa kanya. Kailangan ko ng friends kahit medyo istorbo siya kasi nag-aaral ako.
"Sino'ng prof mo?" tanong niya sa 'kin.
"Atty. Mercado raw."
"Good luck," medyo natawa niyang tanong. "He's known to fail half his class."
"Wow, grabe, salamat," sabi ko na naka-simangot.
"Nah, you'll be fine," sabi niya. "He gets all his question from Amurao notes, so you have to memorize that by heart," dugtong niya.
"Saan makaka-kuha nun?"
"What's your name? I'll send it via messenger," sabi niya. Binigay niya sa akin iyong cellphone niya at saka sinearch ko iyong pangalan ko. Gumawa ako ng bagong Facebook para sa school—para lubayan na ako nung mga epal kong ka-barangay.
"Jersey. Cool," sabi niya habang pini-pindot iyong add button. "Send it to you later—" dugtong niya kaya lang ay may tumawag sa kanya at sinabi na nandoon na raw iyong prof niya. "Good luck," naka-ngising sabi niya. "See you around."
Ngumiti lang ako. Pag-alis na pag-alis niya ay lumabas agad si Indie at tumayo sa tabi ko.
"Unang araw, may lalaki ka agad?" sabi niya sa akin. Tinawanan ko na lang siya. Obvious naman kung ano ang habol nung lalaking 'yun. Wala akong time lumandi dito. Kailangan kong mag-aral nang mabuti. Kung ito ngang mga ka-section ko e kahit pagod na sa trabaho maghapon e nagagawa pang pumasok sa law school sa gabi? Sino ako para mag-inarte? E libre pa nga iyong tuition ko.
* * *
Bandang mga alas-otso ay nag-alisan na iyong mga classmate kong iba. Si Indie din ay umalis na nung mga mag-aalas nueve na. Nagstay ako sa classroom hanggang matapos iyong oras. Okay lang naman kasi nag-aral lang din ako habang nandoon.
Nung mag 9:30pm na ay pinatay ko na iyong aircon at saka ilaw. Naglalakad ako sa hallway nang sakto na lumabas iyong class ni Bentley. Nang makita niya ako ay agad niya akong nilapitan.
"Absent si Atty. Mercs?"
"Ganon ba talaga?"
Tumango siya. "First day lang 'yan. After niyan, sobrang sipag pumasok nun," sabi niya. Sinabayan niya ako sa paglalakad. Kinwentuhan niya lang ako nung mga ganap dito sa law school. In fairness, ang dami niyang intel.
Paglabas namin, halos mapa-talon ako sa gulat nung biglang may bumusina nang pagkalakas-lakas. Halos mapa-mura ako. Tangina ni Nikolai! Balak niya bang bingihin mga tao sa harapan niya?!
"Your ride?" tanong ni Bentley. Alangan na ngumiti lang ako saka lumapit sa Jeep ni Nikolai.
Pagpasok ko roon ay sisigawan ko pa lang dapat siya kasi bumilis talaga iyong tibok ng puso ko sa lakas nung busina niya. Dami ko na ngang nainom na kape tapos bubusinahan pa ako nang ganon!
"Who was that?" tanong niya.
"Bentley," sagot ko.
"Classmate?"
"Hindi."
"Why—" sabi niya tapos ay natigilan. Imbes na magsalita ay iniatras na lang niya iyong sasakyan. "How was class?" tanong niya at sinabi ko na lang sa kanya kung ano iyong nangyari today.
***
This story is chapters ahead on Patreon x
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top