Chapter 13
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#WTG13 Chapter 13
"Saan ba mas maganda?" tanong ko sa kanya.
"Of course I'll say Brent."
Umirap ako. "Nagresearch ako—sabi SCA daw best law school sa Pilipinas."
"Don't believe everything you read on the Internet," sabi niya. "You know the latest BAR topnotcher? She's from Brent," dugtong pa niya. Natawa ako dahil parang nagse-sales talk siya. Nag-uusap kasi kami ngayon kung saan ako mag-e-enroll. Nang makuha ko iyong transcript, meron pala akong mga kulang na units sa ibang subject kaya habang hindi pa pwedeng mag-enroll ay kinuha ko na iyon sa ibang eskwelahan. Sabi ni Nikolai para raw hindi sayang iyong oras ko. In fairness naman sa kanya e napaka-supportive.
"Parang mas maganda pa rin sa SCA."
"Tsk."
"Bakit ba kailangan sa Brent ako? Gusto mo akong makita lagi, ganon?" panloloko ko sa kanya.
Pagak siyang natawa. "I just thought it'd be easier for you in Brent because if you're there, at least you're not alone because you know someone."
"Makaka-hanap naman ako ng friend doon, for sure," sabi ko.
"But seriously... not Brent?" muling tanong niya.
"SCA na lang," sagot ko. Kapag sa Brent e 'di lagi kong makikita si Nikolai? Mamaya kung ano pa mangyari! Na-stress pa naman ako nung nag-open up siya sa akin. Feel ko nagkaroon kami ng kakaibang bonding bigla, e kaso wala siyang maalala. Kaya hindi ko na rin sinabi sa kanya kasi baka mahiya siya na nagkwento siya sa akin tungkol sa ganoon... e siya na mismo nagsabi na kahit sa kaibigan niya ay hindi niya sinasabi iyon.
"Fine," sabi niya na parang masama ang loob.
Tumawa ako. "Magka-tabi lang naman school natin. Tawid ka na lang pagmiss mo na ko," panunukso ko sa kanya.
"Whatever." Tumayo siya. "Let's go."
Dumiretso kami sa Jeep ni Nikolai. Tinukso ko siya nang madaanan namin iyong Brent bago kami maka-rating sa SCA. Pareho namang maganda! Ewan ko ba bakit kailangan sa Brent ako. E ga-graduate naman na din siya ngayong sem.
"Buti sa Brent ka nag-aral, noh?" sabi ko nung naglalakad kami papasok.
"Why?"
"Mukhang mga matatalino tao dito."
"I'm not dumb."
"Wala akong sinabi. Mukha kasing serious mga tao rito kumpara sa school mo," sabi ko sa kanya. Pumunta kasi ako once doon sa Brent dahil may naiwan na notebook si Nikolai sa bar tapos nakiusap siya sa akin na dalhin ko roon. Isa sa mga dahilan kaya mas gusto ko rito sa SCA—bukod sa top law school daw ay mas... lowkey iyong mga tao. Pakiramdam ko nasa Gossip Girl ako nung nasa Brent ako, e! Iba arrive nung mga tao!
"I can be serious."
"Sige nga, pakita," sabi ko sa kanya at inirapan lang ako ni gago. Hanggang sa maka-rating kami doon sa pag-eenrollan ay pilit pa rin akong kinu-kumbinsi ni Nikolai na sa Brent na lang daw ako. Na hindi pa raw huli ang lahat.
"It's nice to have a friend in law school, you know?"
"Aalis ka na rin naman," sabi ko kasi graduating na siya.
"I'll graduate; I won't leave."
"Wala ka na sa school. Ano'ng sense kung doon ako?"
"At least I know the ropes there so I can maybe help you."
"E 'di aalamin ko iyong ropes dito," sabi ko sa kanya at tuluyan na kaming naka-rating sa registrar. Kitang-kita ko iyong simangot sa mukha niya nang mag-enroll ako. Medyo na-shock lang iyong kaluluwa ko sa tuition! Isang sem lang 'yong isang daang libo?! Seryoso ba sila?!
"What's with the face?" tanong ni Nikolai nang maka-alis kami. Alam ko na mayaman si Nikolai. Alam ko talaga. Pero medyo windang pa rin ako kanina nung isang swipe lang sa credit card niya iyong pambayad kanina sa tuition fee ko. Nakaka-loka!
"Ang mahal ng tuition."
"Well, it's a top school."
"Akala ko pangit sa SCA?"
Nagkibit-balikat siya. "It's okay."
Natawa ako. "Bakit 'di ka na lang dito nag-aral?"
"Long story," sabi niya. "But don't worry about the tuition—just study."
Tumingin ako sa kanya. "Kapag nagka-trabaho ako, babayaran kita," sabi ko. Nung una naman kasi talaga ay niloloko ko lang siya... 'di naman ganoon kakapal mukha ko para hayaan siyang paaralin ako! Pero lagi niyang sinasabi sa akin iyong law school—na para bang kahit ang hirap, may kakaibang fulfillment. Halata naman kasi kahit hirap na si Nikolai ay tuloy pa rin siya.
Gusto ko nun.
Iyong para bang may patutunguhan iyong buhay ko?
Iyong hindi lang ako gumigising para hintaying matapos iyong araw?
Paano ba magka-purpose in life?
"Don't worry about it."
"Basta babayaran kita."
"Okay. But take your time."
"Mga 100 gives, pwede ba?" tanong ko pero mukhang nalito siya sa sinabi ko. Minsan talaga natatawa ako sa mukha niya kapag may sinasabi ako tapos 'di niya maintindihan. Parang confused na confused lang siya sa buhay niya. Tinawanan ko na lang siya. "Basta, babayaran kita in this lifetime, okay?"
Nagkibit-balikat lang siya. Naglakad-lakad kami. Naka-sunod lang ako kay Nikolai kasi hindi naman ako pamilyar sa lugar na 'to. Naka-labas na kami ng school tapos naglalakad pa rin siya.
"Nasa parking sasakyan mo... 'di ba?" nagtataka na tanong ko dahil bakit nasa labas na kami ng SCA?
"Yeah," sagot niya. "We're going to the bookstore."
"Bookstore?"
"Yeah? For your books?"
Tumango ako. Dala ko naman iyong wallet ko. May sweldo naman ako sa bar, noh! Kahit pa display lang ako doon, at least puma-pasok ako palagi! Wala silang masasabi sa attendance ko!
Pagdating namin doon, medyo marami ding tao.
"Mga magkano kaya?" tanong ko sa kanya. Naka-ipon naman na din ako kahit papaano... pero syempre kapag nagsimula sa school sigurado ako maraming gastos 'yan.
"I don't know."
"Di ka talaga tumi-tingin sa presyo, no?" naka-irap na tanong ko sa kanya. Sana all talaga.
"I can afford it."
"Sounds so mayaman."
Nagkibit-balikat siya. "Well, it's not a lie," mayabang na sagot niya. "At the very least, at least I'm using my money well."
"Thanks sa pa-scholar, mayor," sabi ko sa kanya sabay bump ng balikat ko sa braso niya.
Humalakhak siya. "If you're my scholar, then you have grade requirements and shits like that?"
Umirap ako. "Sinasabi ko sa 'yo talaga kapag mataas ang grades ko, baka lumuhod ka sa harapan ko."
"Well... I can kneel and do other things."
Namula bigla iyong mukha ko nang ibulong niya sa akin 'yun. Jusko naman, Nikolai! At least ako kapag sinasabihan ko siya ng ganyan e kaming dalawa lang! Siya makalat in public! Naalala ko na naman iyong hawak niyang panty sa gitna ng mall! Nakaka-urat 'tong taong 'to!
"Gago."
"You like this gago."
"Libre lang mangarap. Geh," sabi ko sa kanya tapos ay lumapit ako sa mga bookshelves para tignan iyong mga libro. Tatawa-tawa si Nikolai na sumunod sa akin. Sinubukan kong basahin iyong mga libro. Alam ko dapat matakot ako... pero bakit na-excite ako? Weird ba ako?! 'Di ba dapat ngayon ay nangangatog na ang tuhod ko sa sobrang takot?!
"This one for Crim," sabi niya sabay kuha ng libro at bigay sa akin. "And this one for Persons," dugtong niya sabay bigay ulit nung hardbound na libro. "This one for Statcon and this one for Legal Ethics."
Halos mabali na iyong mga kamay ko sa bigat nung mga binigay sa akin ni Nikolai. Nang mapa-tingin siya sa akin ay nagulat din ata siya sa itsura ko dahil nanginginig na iyong mga kamay ko sa bigat.
"Konting tulong?!"
Napa-kurap siya sandali tapos ay mabilis na kinuha mula sa akin iyong mga libro. Jusko! Ang bigat! Na-stress iyong mga kamay ko! "Sorry," sabi niya. "Just got lost in remembering my first year in law school," dugtong niya tapos ay mabilis siyang ngumiti... pero mabilis lang.
"Ano'ng meron nung first year?"
"Things were much simpler and easier."
"Hindi na ba ngayon?"
"It's messy and complicated now."
"Wala bang magagawa para bumalik sa maayos?"
"I don't know... and I really don't wanna meddle in their problem," sabi niya at napa-kunot ang noo ko dahil may mga tao na pala kaming pinag-uusapan. Napa-tingin siya sa akin at napa-kunot din ang noo. "What?"
"Okay ka lang ba?"
Nagkibit-balikat siya at tipid na ngumiti. "Sure."
"Di mo sure?"
Tumawa siya. "I'm sure I'll be fine," sabi niya. "Let's pay for your books."
Huminga ako nang malalim bago ko ibigay iyong debit card ko nang makita ko na nasa kinse mil iyong babayaran ko para lang sa libro. Siguraduhin lang ng libro na 'yan na tatalino ako! Sumakit talaga iyong ulo ko!
"Your face," tawang-tawang sabi niya habang naglalakad kami palabas sa bookstore. Siya iyong may hawak nung bag na may laman ng mga libro. Ang bigat kasi talaga!
"Ang mahal!"
"I told you I'll pay."
"Tuition lang babayaran mo, okay? Ako bahala sa ibang bagay. Kaya ko na 'yang diskartehan," sabi ko sa kanya.
"Whatever you want," sagot niya. "Let's eat first?"
Tumango ako. Pababa kami nang mapa-hinto si Nikolai.
"Why are you two here? Did you enroll? I said wait for me!" biglang tanong niya sa lalaki sa harap namin.
Medyo nanlaki iyong mata nung blonde na lalaki dahil sa pagtaas ng boses ni Nikolai. Akala mo naman inaway 'to!
"What? I'm just gonna buy reviewers," sagot nung lalaki. Shet. Kaibigan 'to ni Nikolai?! Ang afam! Parang wrong move ata na sa SCA ako nag-aral, ah! Pwede kaya pa-void?!
"Sancho—"
Napa-tingin ako doon sa lalaki. Nanlaki ang mga mata ko. So, sila si Sancho at Vito! Sila iyong mga friends ni Nikolai! Shet! Dapat nga sa Brent ako nag-enroll! Imagine kung friends ko sila?! Baka ito na ang chance para maging queen bee ako ng school!
"H-hi..." sabi ko habang naka-tingin ako roon sa Sancho. Akala ko mahilig ako sa afam... pero shet... iba siya.
"Hi," sagot ni Sancho.
"Jesery," biglang sabi ni Nikolai.
"Ano?" tanong ko habang naka-tingin pa rin kay Sancho. Bakit ang gwapo naman nito? Mukhang seryoso lang pero ang gwapo pa rin. Bakit 'di siya napupunta sa bar? Bakit si Nikolai lang ang pumupunta sa bar?
"Jersey," pagtawag niya ulit.
"Ano nga?"
"Tsk."
Napa-kurap ako nang tumawa si Sancho at Vito. Napa-iling silang dalawa.
"Di kami nag-enroll. Bibili lang kami ng reviewer," sabi nung Sancho. Nagtatagalog siya! Si Nikolai kasi minsan feel ko manonosebleed na ako!
"You better not lie."
"Niko, we're literally in the same block. And it's our last sem, so chill out," sabi ulit ni Sancho. Potek. Iba accent kapag nag-English?!
Nagtatalo pa silang tatlo—mostly si Nikolai lang na parang offended na hindi siya sinama sa pagbili ng libro. E kasama niya naman ako bumili kanina! Minsan 'di talaga siya sure sa mga ganap sa buhay niya.
"Sorry, I forgot to catch your name?" sabi ni Vito.
"Jersey," sabi ko.
"It's Jerusha," sabi ni Nikolai.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Jersey nga!"
"But her name's really Jerusha," epal na singit niya. Pakielam niya ba sa nickname ko!
"Hi, Jerusha," sabi ni Vito. Tsk! It's Jersey nga! Panira naman 'tong si Nikolai! Buti na lang din pala sa SCA ako! Pati sa Brent sasabutahihin pa niya iyong new life, new identity ko!
"Brent ka rin?" tanong ni Sancho.
"She's from SCA, so you won't probably see her that often," sabi ni Nikolai.
"Grabe, literal na katabi lang ng Brent iyong SCA!"
"But you'll be busy studying," sabi niya.
"May time naman siguro ako gumala sa Brent."
"As your mayor, I'd rather you focus studying," sabi niya at gulung-gulo iyong mukha naming tatlo nila Vito at Sancho sa sinabi niya. Ano'ng mayor?! Kailan pa ako naging bayan?!
"Ano'ng sinasabi mo? Lasing ka ba?" tanong ko sa kanya pero parang napa-hiya na siya kaya hinatak niya na lang ako paalis. Bad trip, 'di pa kami tapos mag-usap ni Sancho, e!
***
This story is chapters ahead on Patreon x
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top