Chapter 07

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG07 Chapter 07

Natigang na ako kaka-hintay nung next time na sinasabi niya pero dalawang linggo na ang lumipas ay wala akong narinig mula sa kanya. Pero in fairness naman talaga sa kanya kasi binigyan niya ako ng trabaho. 'Di ko nga lang alam kung kanino iyong business pero para 'tong bar—pero hindi kagaya nung mga pinagtrabahuhan ko noon dahil parang mas chill 'to. Saka naka-tunganga lang naman ako rito. 'Di ko nga alam ano ambag ko rito. Sa sobrang bored ko baka ako na lang maghugas ng mga baso, e.

"Paturo nga," sabi ko kay Clark, iyong bartender dito. Wala pa kasing masyadong tao rito sa bar dahil maaga pa. Nandito na si Clark para ayusin iyong mga kagamitan niya. Nandito agad ako kasi ewan ko manager ata ako rito. 'Di ko rin alam! Sabi lang ni Nikolai dito ako nagta-trabaho. Feel ko tuloy salingketket lang ako.

"Magmix?"

Tumango ako. Gin bulag lang alam kong inumin, e. Mukhang masarap iyong mga inumin sa bar na 'to kaso na-stress ako sa presyo nung makita ko iyong menu. Isang litrong red horse na 'yan, e.

"Tequila sunrise," sabi ko. "Paano 'yun?" tanong ko dahil madalas na naririnig ko na inoorder iyon nung mga babae.

"Babayaran mo ba 'tong mga iinumin mo?" naka-tawa niyang tanong habang naglalagay ng mga baso sa harapan ko. Naka-upo kasi ako roon sa may stool sa harap ng bar.

"Feeling ko boss mo ako, so dapat libre na 'to."

"Sila Sir Niko ang boss ko," sagot niya.

Medyo kumunot ang noo ko. "Si Nikolai?"

Tumango siya habang naglalagay ng kung anuman sa baso. "Silang tatlo nila Sir Vito may-ari na 'to. 'Di mo ba alam?" tanong niya at umiling ako. Akala ko friend niya may-ari nito—'di ko naman akalain na siya rin.

Bakit ba napaka-raming pera ng isang 'yun? Medyo dumadating na ako sa point na nakakapagduda, ha!

"Tequila sunrise," sabi ni Clark sabay lapit sa akin ng isang baso.

"Thank you," sagot ko sabay tikim. Pwede na rin. Kaso baka 'di kasing lakas ng gin bulag tama nito. Iyong gin bulag kasi 'di mo sure tapos biglang naghahamon ka na ng away sa mga aso sa kalye niyo. "So... matagal ka na ba rito?" interview ko sa kanya.

Sabi ni Clark na siya na iyong bartender simula nung buksan nila Nikolai itong bar nila years ago. Apparently ay maraming iba-ibang business si Nikolai at iyong si Vito at Sancho raw na mukhang best friend ata ni Nikolai.

"May girlfriend ba si Nikolai?" tanong ko nung ang tinitikman ko naman ay iyong Screwdriver after nung Cosmopolitan at Daquiri.

"Di ko alam," sagot niya. "Dati akala ko 'yung Assia kasi lagi kong naririnig sa kanya kaya lang 'dun ata 'yun kay Sir Vito."

Assia pala...

Tsk.

Inistraight ko nga iyong Screwdriver.

Pagkatapos nung Moscow mule ay sinabi ni Clark na last ko na raw iyon kasi kailangan niya ng mag-ayos dahil mag-oopen na daw kami. At bakit daw ba ako umiinom e ako raw manager dito. Hindi ko rin alam!

Nagpasalamat ako kay Clark bago ako dumiretso sa office kuno ko. Dumiretso ako roon sa upuan at saka umiglip dahil inantok ako bigla sa mga ininom ko. Nang magising ako ay nakita kong 11pm na pala. Tumayo ako at saka dumiretso sa labas para magcheck para kunwari ay may silbi naman ako rito at may silbi naman iyong sweldo ko.

Maraming tao ngayong gabi dahil Sabado. Nakita ko na busy si Clark doon sa bar. Mukhang okay naman. 'Di ko talaga alam kung ano ang role ko rito dahil parang kahit naman wala ako ay gagana naman sila. Role ko yata rito talaga ay maging maganda. Display ata ako rito.

Tsk. Maghuhugas na nga lang talaga ako ng baso!

Lumibot ako sa bar para i-check kung okay lang ba ang mga kaganapan. Pero may tama pa rin ata iyong pina-inom sa akin ni Clark kaya may nabunggo akong lalaki.

"Sorry—"

"You're the stripper."

Bigla kong naramdaman iyong tingin ng mga tao sa akin. Hindi malakas ang tugtog sa bar kaya naman rinig na rinig iyong sinabi niya.

"Sino ka ba?" tanong ko sa epal na 'to. Paki-elam niya ba sa ginagawa ko sa buhay? Kita na ngang manager na ako ngayon. Bawal magchange ng career?

"Zach," sabi niya.

"Wala akong kilalang Zach," sagot ko sabay nilagpasan siya kahit naaalala ko naman siya doon sa birthday nung kaibigan ni Nikolai. Wala lang talaga akong panahon makipag-usap sa mga lalaking gaya niya. Mayroon kasi talagang mga gago at sayang effort at energy ko sa kanila kasi sila iyong mga feeling porke lalaki e lagi silang tama.

Dire-diretso akong naglakad palayo sa kanya at saka dumiretso sa labas para lumanghap ng sariwang hangin dahil amuy na amoy ko iyong yosi sa bar. Paglabas ko ay naka-tayo lang ako roon sa labas sa may gilid nang biglang kumunot ang noo ko nang may humawak sa braso ko.

"Problema mo?" naka-kunot noong tanong ko roon sa Zach na naka-hawak sa braso ko. Pilit kong tina-tanggal iyong hawak niya, pero ang higpit.

"Bakit ang sungit mo? You're a prostitute, right? How much is your rate per night?" tanong niya sa akin.

Tanginang lalaking 'to. Bakit may mga ganitong lalaki sa earth?! Sana pinutok na lang 'to ng tatay niya sa kumot!

Pilit kong hinatak iyong braso ko sa pagkaka-hawak niya pero pahigpit lang nang pahigpit iyong hawak niya. Napipikon na ako kaya naman ginamit ko iyong isang kamay ko para suntukin siya.

"What the fuck!" sigaw niya sabay bitiw sa akin dahil dumugo iyong ilong niya sa ginawa ko.

"Hindi ako pokpok, pota ka! At kung pokpok man ako, 'di pa rin ako papatol sa gaya mo!" sigaw ko pabalik sa kanya kasi ang kapal ng mukha niyang magalit e siya 'tong nagsimula ng ganito!

Nanlaki iyong mga mata ko nang bigla niya akong isandal sa pader. Hindi ako maka-galaw kahit ano'ng tulak ko sa kanya. Pilit ko siyang tinutulak pero dinidikit niya lang ang sarili niya sa akin.

Sisigaw na sana ako ng rape nang biglang may humatak sa kanya at bago ko pa man masabi ang pangalan niya ay bigla niyang sinuntok nang malakas si Zach kaya napa-diretso iyon sa kalsada.

"Niko, what the fuck!" sigaw ni Zach habang napa-upo sa kalsada at napa-hawak sa gilid ng labi niya na putok na ngayon dahil sa lakas ng pagkaka-suntok ni Nikolai.

Pero imbes na sumagot ay sinipa niya iyong lalaki sa mukha. Nanlaki ang mga mata ko habang napa-tingin kay Nikolai dahil seryosong-seryoso ang mukha niya. Alam ko sinabi ko na gusto ko siyang magalit pero parang 'wag naman ganito! Gusto ko na lang hatakin iyong Zach palayo dahil mukhang masama ang mangyayari.

"Niko—"

"I'm gonna count to 3," sabi niya habang kay Zach pa rin naka-tingin. "Get the fuck out of here or I'm gonna break your face."

"All for that whore?!"

"One," sabi ni Nikolai.

"We've been friends for years!"

"Two."

Mukhang na-realize nung lalaki na seryoso si Nikolai kaya tumayo siya. Tumingin siya sa akin nang masama bago tumingin kay Nikolai. "Hope that pussy's worth it," sabi niya bago tumalikod at naglakad palayo.

"Niko—"

"Are you okay?" tanong niya sa mas kalmadong boses.

Tumango ako. Hinawakan niya iyong mukha ko para tignan kung may sugat ba ako. Nang mapa-tingin siya sa braso ko ay sumama na naman ang tingin niya dahil namumula iyon dahil sa higpit ng hawak sa akin nung Zach kanina.

"I'm sorry," sabi niya.

"Di mo naman kasalanan," sagot ko.

"Yeah but he was my friend. I didn't know he's capable of this," sabi niya tapos ay tinitignan pa rin iyong braso ko. "Does it hurt? You wanna go to the hospital?"

Umiling ako. "Okay lang," sabi ko. 'Di naman matter of life and death 'to. Never pa naman ako nakapa-nood sa Grey's Anatomy na dinala sa ospital dahil napa-higpit ang hawak sa braso.

"Sure?"

"Yup," sagot ko. "Pero bakit ka napunta dito?"

Muling napa-suklay siya sa buhok niya. "Clark texted."

"Si Clark?"

"Yeah. He said some guy's bothering you. Didn't know it was Zach," sagot niya sa akin.

"So, kung wala pang manggugulo, 'di ka pa magpapa-kita?"

Kumunot ang noo niya. "Why? Missed me?"

"Malay mo," sagot ko. "Sabi mo roon sa card may next time. Saan na iyong next time?"

Natawa siya sandali. "I said that I'm graduating, right? I wasn't kidding when I said that I'm really busy," sabi niya. "Plus I have personal business I'm taking care of."

Tumango lang ako. "Busy ka ngayon?"

Hindi naman ako pwedeng mag-inarte sa kanya kasi parang tanga lang. Saka busy naman nga talaga siya. Saka wala naman siyang responsibilidad na magpa-kita sa akin. Saka 'di naman ako nagdedemand. Tahimik lang naman akong naghihintay na magpa-ramdam siya ulit.

"Class just ended," sabi niya.

"So... free ka?"

"Yeah, but are you okay?" muling tanong niya.

Tumango ako. "Di naman first time nangyari sa 'kin, don't worry. Sanay na ko." Tumingin ako sa kanya at naka-kunot ang noo niya. Nagkibit-balikat ako. "Di ko sinasabi na okay lang kasi 'di naman talaga okay. Kaso alam mo 'yun? Madalas nangyayari kaya minsan pakiramdam mo normal na."

Dati akala ko dahil sa pekpek shorts ko kaya ako nababastos. E minsan nga naka-pantalon naman ako at maayos na t-shirt tapos nababastos pa rin ako. Kaya ang realization ko ay wala sa akin ang problema. Kapag manyak, manyak talaga.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ni Nikolai pero nabigla ako nang kaunti nang ipatong niya iyong kamay niya sa tuktok ng ulo ko at i-pat iyon.

"Do you want to press charges?"

Umiling ako. "Wag na."

"Are you sure?"

Tumango ako. "Basta siguraduhin niya lang na 'wag na 'wag siyang magpapa-kita sa akin dahil ako babasag sa mukha niya," sabi ko. Pasalamat siya medyo hilo pa ako kanina kaya 'di ako nakapalag nang maayos! Kairita! For sure dami namang babae sa loob na willing na sasama sa kanya kaya bakit ba naghahanap siya ng hindi willing?

"Okay," sabi niya. "Have you eaten dinner?"

"Hindi pa."

"What do you want?"

"Sausage."

Natawa siya. "Later," sabi niya. "Real food first."

"Okay, sabi mo 'yan."

Sabay kaming naglakad. Napaka-kunsintidor din na boss nitong isang 'to. 'Di ba niya alam na manager ako ng bar niya tapos dadalhin niya ako sa kung saan? Paano tatakbo ang bar kung wala ako na manager?!

"Is it okay if we go to Jollibee?" tanong niya.

"Kumakain ka sa Jollibee?" medyo nagulat na tanong ko.

"Yeah," sagot niya. "Don't you like Jollibee?"

"Duh?"

"Duh?" pag-uulit niya.

"Duh as in duh, let's go?" sabi ko. Minsan 'di ko rin talaga gets si Nikolai, e. Alam mo 'yun? Namimigay ng pera tapos sa hotel naka-tira (medyo sobra talaga 'tong sa hotel siya naka-tira) tapos may mga business pa pala. Medyo parang 'di lang akma sa mga alam ko sa kanya na kumakain siya sa Jollibee.

"What do you want?" tanong niya habang nasa drive thru kami.

"Isang bucket na lang ng chicken para share tayo."

"Okay. What else?"

"Spaghetti tapos burger tapos pa-large na iced tea."

Inorder ni Nikolai iyong mga sinabi ko pero nagdagdag siya ng tuna pie. Nang matapos siyang umorder ay naka-tambay kami roon para hintayin iyong pagkain.

"Sobrang busy mo talaga sa school?" tanong ko.

"Yeah," sagot niya. "I really wanted to call you, but I was literally busy."

"Ah... okay."

"I wasn't kidding when I said I don't want a girlfriend right now because I really don't have the time."

Agad akong napa-tingin sa kanya. "Boyfriend!" sabi ko sa kanya. "Di rin ako naghahanap ng boyfriend! Nalungkot lang ako kasi busy ka kasi sabi mo may round 2—"

"We literally had 5 rounds the last time."

"Gawin nating 6 sa susunod."

Natawa siya. "Fine," sabi niya. "Are you wearing the gift I got for you?"

Umiling ako. "Malay ko bang magpapa-kita ka ngayon?"

"When you talk like that, you make me think that you missed me."

"Na-miss ko 'yan," sabi ko sabay turo sa gitna ng hita niya. "Kung pwede lang i-detach ko 'yan sa katawan mo para 'di na kita kailangang kausapin."

Natawa na naman siya. "If that's the case, I'll just get you a dildo."

"Meron na ko."

"Then you don't need me."

Umirap ako. Gusto lang ata nitong marinig na mas gusto ko 'yung sa kanya, e. Mabuti na lang at binigay na iyong order namin. Nagpark si Nikolai doon sa parking sa likuran ng Jollibee at doon kami kumain. Nagtanong lang ako sa kung ano ba ang pinagkaka-abalahan niya sa school at sinabi niya sa akin kung bakit sobrang busy siya. Sabi niya iyong pinag-aralan niya mula 1st year hanggang 3rd year ay aaralin niya ngayong 4th year. Kaya pala busy talaga siya.

Gusto ko rin sanang isingit sa usapan iyong Assia kaya lang baka mahalata niya masyadong chumi-chismis ako kay Clark tungkol sa kanya. Mamaya mapa-hamak pa iyon, e.

"Fuck. I forgot about the dessert," sabi niya. "Can you stay here alone? I'll just buy peach-mango pie."

"Okay," sagot ko sa kanya. Mabilis na lumabas si Nikolai para bumili. Medyo weird, ha. May attachment ata siya sa Jollibee. Nang maka-alis siya ay tumingin ako sa paligid ng sasakyan niya. Medyo malayo pa 'tong Jollibee na pinuntahan namin sa hotel niya o sa condo ko.

Lumabas ako at saka lumipat sa likuran. In fairness sa Jeep niya, malaki iyong likuran. Naupo ako roon sa sahig.

"Jersey?" pagtawag niya nang buksan niya iyong pinto at hindi niya ako nakita roon sa pwesto ko kanina.

"Dito sa likod," sagot ko.

"Why are you there?" tanong niya sabay ikot at punta sa akin.

"Tara dito," sabi ko. Sinubukan ni Nikolai na pumasok kaya lang ay matangkad na tao talaga siya kaya medyo nahirapan siya.

"What are we doing here?" tanong niya. Hawak pa rin niya iyong isang box ng peach-mango pie niya. Imbes na sumagot ay hinawakan ko iyong magka-bilang pisngi niya at hinalikan siya. "Here?" tanong niya nang pakawalan ko iyong labi niya.

Tumango ako sa kanya. "Madaling araw na saka wala namang tao," sagot ko bago ako kumandong sa mga hita niya at muli siyang hinalikan. Natawa lang ako nang maingat niyang ilagay iyong peach mango pie niya doon sa upuan para siguro hindi namin maupuan.

"Okay," simpleng sagot niya lang tapos ay ramdam ko na naman iyong kamay niya na binubuksan iyong zipper ng pantalon ko. 

***
This story is chapters ahead on Patreon x

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top