Chapter 05

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG05 Chapter 05

"Hoy! Bitiwan mo nga ako!" sigaw ko sa kanya nang tuluyan kaming maka-labas ng suite ng mga kaibigan niya. Mabuti na lang at huminto siya, pero nang tumingin siya sa akin ay kunut na kunot ang noo niya. "Nagta-trabaho iyong tao, e!"

"You call that work?" igting pangang tanong niya.

Umayos ako ng tayo at diretsong tumingin sa kanya. "Oo. Trabaho. Ano naman? Sumasayaw lang naman ako. Ano'ng masama 'don?"

"Jersey—"

Pero hindi niya itinuloy ang sasabihin niya.

Mabuti na lang din.

Kasi baka kung ano ang marinig ko galing sa kanya at masigawan ko siya na tumigil siya sa double standards niya dahil nakaka-pikon lang.

"How much did they pay you? I'll give you the money and just... just go home," kalmadong sabi niya pagkatapos akong titigan ng ilang segundo.

Hindi ako nagsalita. Muntik na akong mapa-atras nang humakbang siya palapit sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya kaya naman nagulat ako nang hilahin niya pataas iyong zipper ng jacket ko na naibaba ko kanina.

"Hindi ako pulubing manghihingi ng pera mo, okay? Trabaho ko 'to."

Napa-suklay na naman siya sa buhok niya. "When you borrowed my laptop for your resume, that was for this?"

Umirap ako sa kanya. "Feeling mo kailangan ng resume kapag magsasayaw ka sa mga birthday ng lalaki?" seryosong tanong ko kasi 'di ko sure kung seryoso siya. Ano naman mapapala nila kung malalaman man nila ang educational background ko? E pinaghubad lang naman ako ng t-shirt at pantalon nung nag-apply ako para masigurado nila na sexy ako.

"I don't know. That's why I'm asking."

"Hindi—"

Pero natigilan ako nang may lalaking lumabas mula sa suite. Tumingin siya sa aming dalawa ni Nikolai. "Hey... do we have a problem here?"

"Yeah, Zach. She's not going back. Find other ways to entertain yourselves."

"Dude, we paid for her—"

"Shut it and just go," pagputol niya sa sasabihin nung lalaki.

"Fucking prick," sabi nung lalaki bago sinara iyong pinto.

Nagbalik ng tingin sa akin si Nikolai. Bago pa man siya makapagsalita ay inunahan ko na siya. "Trabaho ko 'yun," diretsong sabi ko sa kanya. Mapapagalitan ako nito, e! Unang raket ko pa naman pagbalik ko tapos ganito! Tsk!

"Did you hear how he talked about you?"

"Oo."

"And you're okay with that?"

Nagkibit-balikat ako. "Ano namang paki ko sa sasabihin nila? 'Di naman nila ako kilala. Kung dadamdamin ko lahat ng sasabihin sa 'kin ng mga tao tungkol sa ginagawa ko para mabuhay, e 'di sana nagpakamatay na lang ako."

Ang sakit kaya magsalita ng ibang mga tao. Akala mo kilala ka nila. Akala mo alam nila lahat ng nangyayari sa buhay mo. Kung may alam man sila, maliit na parte lang 'yun. At kahit may alam sila, wala pa rin silang karapatan.

Kasi higit sa lahat, buhay mo naman 'yan.

"Jersey—"

Umiling ako sa kanya. "Alam mo, Nikolai, 'wag mo akong simulan kung sesermunan mo lang ako tungkol sa trabaho ko, ha? Kasi unang-una, nandoon ka rin sa loob kanina. Ibig sabihin kasama ka sa mga lalaking nagbayad para sa trabaho ko. Kaya ka lang naman nandito dahil kilala mo ako. Pero kung ibang babae? Malamang wala ka namang pakielam. So... tumigil ka. 'Di mo ako kailangang iligtas."

Tumalikod ako sa kanya at saka naglakad pabalik sa suite dahil kailangan kong tapusin ang trabaho ko. Ano ba kasing sobrang sama sa ginagawa ko? Ano ba'ng pinagkaiba nito sa ibang trabaho?

Ibang politiko nga bine-benta kaluluwa nila, e. Ano naman kung gamitin ko katawan ko? Pare-pareho lang naman 'yan.

"Happy birthday," sabi ko nang maka-salubong ko iyong may birthday.

"Thank you," sagot sa akin nung lalaki habang naka-ngiti at kita iyong malalim na dimples sa magkabilang pisngi niya.

"Sorry naabala ko iyong birthday mo."

Umiling siya. "No, it's fine."

"Balik na ako—"

"It's okay," sabi niya at saka lumagpas ang tingin sa likuran ko. "If you're worried about your I don't know... boss? We'll just pretend that everything went smoothly."

"Pero—"

"Trust me, you're doing me a favor. Mas masisira ang birthday ko kapag nagalit 'yan," sabi niya sabay turo kay Nikolai na sigurado akong naka-tayo pa rin sa lugar na pinag-iwanan ko sa kanya.

Napa-buntung-hininga ako. "Okay..."

Binati ko ulit siya ng happy birthday bago masama ang loob na lumapit ako ulit kay Nikolai.

"Masaya ka na? Pinaalis na ako."

Hindi nagsalita si gago. Mukhang nainis sa akin. Pero 'di ako nagsisisi sa sinabi ko. Parang tanga lang kasi naman talaga. Nag-e-enjoy sila sa mga ganoon pero kapag kilala na nila iyong gumagawa, biglang masamang gawain na? Aba, mamili ka kung ano ba talaga.

"Do you like what you do?" biglang tanong niya.

Napa-kunot ang noo ko. "Ano?"

"I apologize for how I acted. You're right—double standards. But... do you actually like what you do? Because if you do, I'll leave you alone and I'll even walk you back in and you can strip in front of me and my friends."

Napa-awang ang labi ko.

Hindi ako nakapagsalita.

"Because if you really like stripping for money, what the fuck do I care? It's not as if I've never done questionable things. But our difference is—I always have the choice to do or not to do... but do you have a choice, Jersey? Or are you just doing this to survive? Because if it's the latter, please let me fucking help you."

Diretso lang na naka-tingin sa akin si Nikolai. Para akong malulunod sa tingin niya. Bakit ganito siya? Kaka-kilala lang namin nung isang araw, ah!

"Hindi ako nagpapa-awa."

"I know."

"Di ko kailangan ng tulong."

"I know—that's why it's me who's begging you to let me help."

"Bakit ba masyado kang affected?"

"No idea. But if you need work or whatever, I'm sure I can help."

Humalukipkip ako. "Ano'ng trabaho naman 'yan?"

"What do you want? I can find whatever works best for you."

"Pag-iisipan ko," sagot ko sa kanya. "Pero nasa loob pa iyong gamit ko. Kunin mo naman."

Tumango siya at diretsong naglakad pabalik sa suite. Naka-tingin lang ako sa likuran niya. Ang bait niya sa akin. Kairita. Nakikita ko na kung saan papunta, e. Delikado.

Mabilis lang na naka-labas siya. Dala-dala niya iyong tote bag ko at dumiretso siya pabalik sa akin. Sumabay ako sa paglalakad sa kanya hanggang sa sumakay kami sa elevator. Napa-tingin ako sa salamin. Bagay talaga kami, e. Ang ganda ko tapos ang yabang niya.

"What?" tanong niya nang makitang naka-tingin ako sa repleksyon naming dalawa.

"Wala."

"Falling for me already?"

Natawa at napa-irap ako. "Asa ka pa," sagot ko sa kanya.

Ngumisi siya. "Don't be shy."

Sumimangot ako dahil ang kapal talaga ng mukha niya. Bakit naman ako maiinlove sa kanya? Para lang akong namulot ng bato na ipupukpok sa ulo ko. Mga ganitong lalaki, sure ako laru-laro lang sa kanila lahat 'to hanggang bago sila magpakasal sa babae na ka-level nila.

Pero... baka pwede naman akong makipaglaro. Wala namang mawawala sa akin.

"How much did they pay you?" tanong niya habang nasa Jeep niya na kaming dalawa. Nagda-drive siya papunta sa condo ko para ihatid ako.

"Di ko alam," sagot ko dahil ang kausap naman nila e iyong boss ko. Binibigyan lang naman ako.

"There's some money in the glove compartment."

"Saan?"

"Here," sabi niya sabay bukas nung binuksan ko nung huling nagkita kami. Wala na roon iyong mga condom, pero may isang clip doon ng puro favorite na kulay ko. Pambihira talaga 'tong taong 'to! As in pakalat-kalat lang iyong pera niya?! Sarap basagin nitong bintana niya tapos nakawan na lang siya, e.

"This enough?" tanong niya sabay kuha ng pera doon at abot sa akin. "Please don't take this the wrong way, okay? I just felt bad because you're right—it's work. I was just shocked to see you."

"Paano nga 'yung shock?"

Umirap siya sa akin. "Know what? Take this all—pretty sure had you danced earlier, you would've gotten more from those assholes," sabi niya sabay abot sa akin nung buong bundle ng pera na naka-clip. Nakaka-loka siya?! Siya ba si Kuya Will at namimigay lang siya ng pera?!

"Nikolai," pagtawag ko sa pangalan niya.

"What?" tanong niya nang bahagyang tumingin sa akin dahil nagda-drive pa rin naman siya.

"Gusto kong ibalik 'tong pera sa 'yo kaya lang parang ayoko rin."

"Keep it."

"Pero gusto kong ibalik."

"Why? You earned it... kinda."

"Kasi parang gusto ko na makipagsex sa 'yo kaya lang binigyan mo ako ng pera," sabi ko sa kanya. "E hindi naman ako pokpok—pero kapag nagsex tayo e kakabigay mo lang ng pera e 'di ibig sabihin nun pokpok ako," mahabang litanya ko.

Nagulat ako nang bigla kaming huminto sa isang gilid.

"What?"

"Hindi ako pokpok—"

"No one's calling you that."

"Iyong mga ka-barangay ko."

"I don't know those people," sagot niya. "And they're obviously wrong. And if they're right—so fucking what? C'est la vie, right?"

Umirap ako sa kanya. "Kanina lang iba sinasabi mo... ano? Biglang change of heart ka?"

Sinandal niya iyong ulo niya sa headrest nung upuan. Saglit na ipinikit ang mga mata. "I already apologized for that. It's not nice if you're gonna keep bringing up things I already apologized for. People are allowed to make mistakes, you know?"

Napa-tahimik ako roon. Mukhang tampo talaga siya. Gusto kong magsorry pero 'di ko alam kung saan sisimulan.

Pina-andar niya ulit iyong sasakyan.

"About the sex..." sabi niya. "If you're gonna work for me, I prefer if we do not have sex because I don't mix business with pleasure."

Napa-awang ang labi ko. "Sabi mo walang tanung-tanong!"

Grabe! For a minute, inisip ko na igiveup iyong hawak kong pera kasi gusto ko na talaga siyang tikman at malaman kung ilan ba talaga ang tattoo sa katawan niya! Tapos babackout siya bigla?!

"Yes, I did say that—"

"E 'di tara na!"

Natawa siya. "But if we have sex, you can't work for me. That's my personal rule."

"Seryoso ba 'yan?"

"Yeah. Sex and work do not mix well... at least based on personal experience," sabi niyang seryoso kaya hindi na ako humirit pa. Mukhang may pinaghuhugutan si Nikolai, e.

"Kailangan ba sa 'yo mismo ako magtrabaho?" tanong ko. "Wala ka bang kakilala na may business para doon na lang ako magtrabaho? Para pwede pa rin?"

Huminto siya dahil may stop light. "You really wanna take this for a ride, huh?" tanong niya sa akin na bahagyang naka-angat ang kilay.

"Sige nga, maging honest ka, 'di ka ba curious sa akin?" diretsong tanong ko pabalik sa kanya.

Ngumisi si Nikolai at ibinalik ang tingin sa harapan niya. Naka-hawak iyong dalawang kamay niya sa manibela at kahit na naka-hawak lang siyang simple roon ay kita pa rin iyong mga ugat sa kamay niya...

At iyang punyetang tattoo niya! Gusto kong malaman kung saan nagsisimula at saan nagtatapos!

"Gymnast ako nung high school," sabi ko.

"Nice."

"Ang motto ko ay swallow, don't spit."

"God, you're blunt."

"Ano? 'Di ka pa rin curious?"

Naggreen na iyong ilaw kasabay ng pagka-berde ng utak ko dahil sa usapan naming dalawa.

"If we have sex, I can really only give you sex. I'm graduating and I have BAR and I have—"

"Hindi ako naghahanap ng boyfriend."

"Good because I'm not looking for a girlfriend."

"E 'di okay."

"Fine," sabi niya. "So, your place or mine?"

***

This story is chapters ahead on Patreon x

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top