Chapter 04
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#WTG04 Chapter 04
Naka-kain ba ang pride?
May pride nga ako... kaso sa kalsada ako natutulog? Kaso... 'di talaga kaya ng pagkatao ko na manatili pa sa condo na iyon! Naka-rich girl lifestyle nga ako kaso laging may bumu-bulong sa akin na kabit ako!
Bakit ba kasi siya may asawa?! Sinisira niya ang plano ko sa buhay!
"Nako, Nick..." sabi ko habang masama ang loob na nagiimpake ng gamit. Konti lang naman ang akin talaga rito dahil nang dalhin ako ni Nick dito ay kumpleto na ang gamit.
Ano ba 'yan! Paano ako titira sa maliit na apartment?! Nasanay na ako sa pader ko na gawa sa glass at kita mo iyong Maynila. Nasanay na ako na naka-aircon ako buong araw. Nasanay na ako na sosyal ako!
Paano ako babalik sa pagiging normal na tao?!
Tumigil ako sa pag-e-empake. Kailangan ko lang sigurong maghanap ng trabaho. Baka ma-afford ko na ulit ito.
'May laptop ka ba?'
'Yes?'
'Ano? Di ka na naman sure?'
Para sa isang tao na mag-a-abogado, parang 'di sure sa maraming bagay 'tong si Nikolai, sa totoo lang.
'I meant yes, I do have a laptop. But also, weird that you're asking.'
'Gawa mo naman akong resume.'
'You ask the weirdest favors.'
'Sige na.'
'I don't know how to make a resume.'
Tsk. Palibasa totoong rich kid. Never pa siguro nagtrabaho sa buhay niya ang isang 'to. Ang alam lang sigurado nitong si Nikolai na uri ng pagta-trabaho ay kapag may tina-trabaho siya sa kama.
'Pahiram na lang ng laptop.'
'I'm studying.'
'Sinagasaan mo ako.'
'Brought you to the hospital, if I remember it correctly.'
'Plant.'
Hinagis ko sa puting sofa ko iyong cellphone. Kailangan niyang pumunta rito kasi sabi niya sa akin kapag nagtext ako nang ganoon, pupunta siya ng walang sabi-sabi! At kailangan ko talaga ng laptop niya dahil kailangan ko ng resume. Maghahanap na lang ako ng trabaho. Ayokong umalis dito sa condo. Ayoko na manghingi ng pera kay Nick, pero mahal ko rin 'tong condo. Naka-develop na ako ng feelings sa condo na 'to.
Tinanggal ko isa-isa iyong mga damit ko at binalik sa damitan. Arte-arte ko pa kanina na nag-e-empake habang may emo na soundtrip! Nagsayang lang ako ng oras!
At itong si Nick, napaka talaga! Ni wala man lang text o kung ano sa akin! Alam kaya niya na nasagasaan ako dahil sa kalokohan ni Jerry?! 'Di ba kasi pwedeng tumalikod na lang ako?! Bakit kinailangan niya pa akong ipasok sa pushcart?!
Tumingin ako sa oras nang maka-rinig ako ng katok sa pinto. 20 minutes... in fairness dito kay Mr. Brazil.
"Let's—"
"Saan laptop?" tanong ko habang naka-lahad ang kamay.
"What?" tanong niya pabalik habang naka-kunot ang noo.
"Iyong laptop. Gagawa akong resume."
Iyong mukha ni Nikolai ay parang naguluhan siya bigla. Umirap ako sa kanya at nilakihan iyong bukas ng pinto. "Di tayo magsesex, ah? 'Yung laptop talaga ang kailangan ko kasi mag-a-apply ako at kailangan ko ng resume."
Umawang ang labi niya. "Are you serious?"
Tumango ako. "Laptop?"
"I was studying!"
"Sus, madali lang naman 'yan!"
Napa-suklay siya sa buhok niya. "I literally have CrimRev tomorrow and I'm not even half-way done with the coverage!"
"E kung busy ka, bakit pumunta ka rito?"
"Because you texted the word!"
"So... busy ka pero may time ka sa sex?"
Napa-awang iyong labi niya na para bang may sasahihin siya sa akin, pero natigilan din siya kasi para sigurong pakiramdam niya na ano man ang sabihin niya ay may isasagot ako. Tama 'yang pakiramdam niya—dapat makinig siya d'yan palagi.
"You are..." sabi niya na parang nanggigil siya sa akin. "You are insane."
Ngumiti ako sa kanya. "Pahiram ng laptop."
"It's in my car," sabi niya sabay kuha ng kamay ko at lagay nung susi sa palad ko. "If you need it, go get it."
Umirap ako. "Fine," sabi ko habang tinitignan iyong susi ng Jeep niya. "Ano nga plaka nun?" tanong ko dahil baka may iba pang Jeep doon. "Saka saan ka nagpark?" Nagkibit balikat siya. "Ulol ka ba? Paano ko malalaman kung nasaan?"
"See this button?" sabi niya sabay turo doon sa hawak ko. "When you're in the parking lot, click that and the car that alarms, that's the one."
Sinamaan ko siya ng tingin. Arte! 'Di na lang sabihin kung saan siya nagpark, e!
Dumiretso ako sa parking at mga ilang minuto akong pa-ikut-ikot dahil hindi ko alam kung saan siya nagpark! Mga naka-20 minutes ako bago ko nahanap! Lakas ng trip nung gagong 'yun, ah!
Binuksan ko iyong Jeep niya. Gago... ang bango! Ka-amoy niya! Amoy ang sarap kaso bawal!
Nakita ko iyong laptop niya na nasa backseat ng Jeep niya. Kinuha ko iyon. Hinanap ko iyong charger niya. Binuksan ko iyong parang lalagyan sa harapan at nanlaki ang mga mata ko nang maka-kita ako ng mga condom doon.
Putangina.
Sinusubukan talaga ako ng mundo.
Mabilis kong isinara iyon. Hindi pwede. Iyang si Nikolai iyong hindi pwedeng tikman kasi baka ma-adik ako tapos kawawa naman ako kasi baka hanap-hanapin ko. Okay na ako sa tingin-tingin at amuy-amoy sa ngayon.
Nakita ko iyong bag niya. Pakiramdam ko nandoon iyong charger kaya dinala ko na rin. Ayoko namang buksan. Mukha pa namang maarte iyong taong 'yun.
Pagbalik ko sa unit, nakita ko siya na naka-upo sa sofa ko. Kebs lang kasi mukha naman siyang malinis. Si Yana lang kasi parang ang dumi-dumi kapag nauupo doon kaya napipikon talaga ako, e.
"Bato ba laman nitong bag mo?" reklamo ko matapos ilapag sa tabi niya.
"Why did you bring this?"
"Nandyan ba charger?"
Binuksan niya at saka kinuha iyong charger at inabot sa akin. Sumilip ako at nakita ko na may mga makakapal na libro roon at mga yellow pad at notebook. Tsk. Hot siguro nito makitang nag-aaral. Isipin mo seryoso siya tapos medyo kunot ang noo?
"Thanks," sabi ko.
"Oh, she knows how to say thank you."
'Di ko na lang siya pinansin. Binuksan ko iyong laptop at inabot sa kanya kasi may password doon. Ang username ay simpleng nikolai lang.
"You seriously could've just gone to a computer shop or something," sabi niya habang inaabot sa akin iyong laptop. "Just say that you wanna see me. Don't be shy."
Sumimangot ako sa kanya. "Feeler talaga nito."
Ngumisi siya. "I mean, would you look at this face?" tanong niya sabay turo sa mukha niya. "I wouldn't blame you, really."
Tumingin ako sa kanya. "Tignan mo naman 'tong katawan ko," sagot ko sa kanya sabay turo sa katawan ko. Naka-suot ako ng maluwag na puting damit at pekpek shorts. Noon niya lang ata napansin na ganoon ang suot ko. Seriously! Bakit parang 'di siya tumi-tingin sa katawan ko?! Kapag naman may nakikita akong lalaki, ni hindi tumi-tingin sa mata ko dahil diretso sa boobs ko naka-tingin. Itong si Nikolai parang mukha ko lang nag-e-exist sa paningin niya, e.
"Jerusha," sabi niya. "May I call you that?"
"Jersey na lang."
"Jersey, then," sagot niya. "Jersey... I literally dated supermodels. I had a phase when I was younger when I went after all the cover girls of men's magazine. I'd like to believe that I'd seen it all. You're sexy, I'll give you that, but... nah."
Nanlaki ang mga mata ko.
Sinabi niyang... nah?!
"So, do you resume and I'll just come back to collect my laptop," sabi niya at saka tumayo at kinuha iyong bag niya. Gusto ko pa sanang magsalita pero parang na-shock ang sistema ko nang sabihin niya na nah ang katawan ko.
Buong buhay ko... lagi akong napupuri sa katawan ko... tapos dadating 'tong si Nikolai at sasabihin na nah?!
* * *
"Dito pa rin bagsak ng kipay mo," sabi ni Yana.
"Tigilan mo ako, ha. Wala ako sa mood," sagot ko sa kanya.
Sa dami ng inapplyan ko, walang tumanggap sa akin! Meron ngang isa kaso lang ay parang ako pa ata magbabayad sa kanila sa liit ng sweldo ko. Tapos malayo pa. Parang lugi pa ako. At masama ang tingin sa akin nung matandang lalaking boss. Mukhang manyak, so auto-pass. Mamamalimos na lang ako sa kalsada, noh. 'Di ako pumapatol sa mga matandang hukluban. Si Nick kasi kahit mas matanda sa akin, siya iyong matatawag mo na daddy kasi ang gwapo pa rin talaga.
"9pm call time mo. Bawal ma-late."
Nagmakaawa na ako kay Yana na iwan niya ako dahil kailangan ko ng katahimikan. 'Di ko maimagine na dito ulit ako babagsak. Makaka-kita pa kaya ako ng lalaki na willing akong gawing baby? Parang doon talaga ako nag-e-excel, e.
"Kapag wala pa ko rito ng 11, akyatin mo na ko," bilin ko roon sa kasama kong lalaki. In fairness naman, medyo secured naman talaga kami kahit ganito.
Dumiretso ako sa kwarto na naka-lagay sa papel na inabot sa akin kanina. Dala-dala ko iyong malaking tote bag kung nasaan iyong props ko. Naka-maluwag na pants ako at jacket. Suot ko na iyong attire ko ngayong gabi.
Siguro kung makikita ako ngayon ng mga ka-barangay ko, baka himatayin sila lalo na iyong mga tiga-simbahan na akala mo e ke-lilinis. Minsan talaga kung sino pa mga laging nasa simbahan, iyon pa mga mapanghusga. 'Di mo rin talaga sure.
Pagdating ko sa harap nung kwarto ay kumatok ako ng tatlong beses kagaya nung nasa instruction.
"Hey," bati sa akin nung lalaki na lumabas.
"Hi," sagot ko. Rinig na rinig ko na iyong ingay sa loob nung kwarto. Mukhang maraming lalaki. Sana mga medyo lasing na sila tapos marami silang lilibuhin. Medyo kailangan ko ng cash talaga at wala na akong makain lately.
"The birthday boy, Lui, he's the one wearing a navy blue polo shirt," sabi niya.
"Roger," sagot ko ng naka-ngiti. "CR muna ako para makapagready."
"Sure," sabi niya at pina-pasok ako sa suite. Mukhang busy sa pag-iinuman o kung anuman iyong mga lalaki kaya hindi nila napansin na nandoon na ako. Naamoy ko rin iyong sigarilyo. Jusko naman. Minsan iniisip ko kung mamamatay ba ako sa aksidente, pero parang mas lamang na sa lung cancer ako mamatay dahil lagi akong nakaka-sagap ng secondhand smoke.
Tumitig ako sa salamin.
"Trabaho lang," paalala ko sa sarili ko. "Mas mahirap magutom."
Hinubad ko iyong pantalon ko at tinira iyong maluwag na jacket. Chineck ko ulit iyong suot ko at sexy naman talaga ako—taena talaga 'yan si Nikolai! Naalala ko na naman iyong nah niya!
"Ready?" sabi nung lalaki nang buksan ko iyong pinto.
"Yup," sagot ko. "Paki-play na lang 'to tapos palagay ng upuan sa gitna," dugtong ko sabay abot nung cellphone ko dahil nandoon iyong playlist ko. Mauuna iyong Pony dahil feeling ko talaga ang sexy ko kapag tumu-tugtog iyon.
"Got it," sabi niya sabay kindat sa akin. Ngumiti lang ako kahit sa totoo lang... napaka-weird ng mga lalaking 'to. Sure ako may mga girlfriend 'to tapos ganito.
I mean... 'di ba nga girlfriend nila? So ibig sabihin mahal nila... O at least niligawan nila... Pinaghirapan nila...
Tapos gaganito sila?
Minsan 'di mo talaga gets mga kalalakihan sa mundong ibabaw.
Nang marinig kong nagsisimula na iyong kanta ay huminga ako nang malalim. "It's showtime," bulong ko sa sarili ko bago lumabas sa CR at sinalubong ako ng hiyawan ng mga lalaki na sana naman ay may mga baon na favorite kong kulay—iyong kulay blue in the shade of one thousand.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanila. Halos mabingi ako sa sigawan nilang lahat. Inikot ko ang mga mata ko para hanapin iyong may birthday kasi sa kanya ako magsi-striptease pero agad na nanlaki ang mga mata ko nang magtama ang mga mata namin ni Nikolai.
"What... the fuck?" kita kong sabi niya.
"Take it off!" sigaw nung ibang mga lalaki.
"Strip!"
Medyo naguluhan ako, na-pressure. Kaya naman hinawakan ko iyong zipper ng jacket ko at bago pa man mangalahati ang pagkaka-baba ko noon ay nagulat ako nang hawakan ni Nikolai ang kamay ko at hatakin ako palabas nung suite.
***
This story is chapters ahead on Patreon x
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top