Chapter 03
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#WTG03 Chapter 03
"Good morning."
Medyo masaya rin pala talagang gumising kapag gwapong mukha ang makikita mo sa umaga. Tumango ako sa kanya at saka naupo sa kama. Tumayo si Nikolai at saka inayos iyong lamesa sa kama at naglagay doon ng tatlong paper bag.
"I don't know what you eat for breakfast, so I ordered some for you to choose."
"Hindi ako nagbe-breakfast," sabi ko sa kanya.
"What?"
"Tingin mo sa katawan na 'to—magic?" naka-irap na sabi ko sa kanya. Tamad pa naman akong mag-exercise kaya kailangan sakto lang ang kinakain ko. Saka 'di naman ako kumakain kapag hindi ako gutom. O baka nasanay lang din ako kasi nung lumaki ako, 'di naman kami mayaman na tipong pagnagutom e may pagkain sa ref—wala nga kaming ref!
"But I got you pancakes..." parang bata na sabi niya.
Arte! Binuksan ko na lang iyong paperbag at baka may kape doon. Iyon na lang ang iinumin ko. 'Di talaga ako sanay kumain sa umaga. Mamaya pang tanghalian ang kain ko.
Kaso pagtingin ko rito kay Nikolai, halatang-halata sa mukha niya iyong disappointment. Akala mo naman siya ang nagluto nito! Umorder lang naman! Napaka-arte naman ng taong 'to.
"Oo na, kakain na," naka-irap na sabi ko. Tumayo muna ako para magtooth brush tapos pagbalik ko, nakita ko na nilalabas niya iyong mga pagkain galing sa paperbag.
Bigla siyang ngumisi. "We have pancakes, and muffins, and sausage—"
"Yung sausage na lang."
"Okay," sabi niya tapos ay hinanap iyong sausage.
"Malaki ba 'yan?"
"I don't know," sagot niya.
"Mabubusog ba ako—"
"Are we still talking about the sausage I got you for breakfast?" tanong niya habang naka-tingin sa akin.
Ngumiti lang ako sa kanya. "Pwede ring lunch o dinner 'yang sausage, 'di ba?"
Natigilan siya sa paghahanap ng sausage doon sa paperbag. "You know, you've been doing this since last night."
"Oh? Sure ka?"
Naupo siya sa kama at saka humarap sa akin. Ipinatong niya iyong kamay niya sa bandang hita ko, pero natatakpan naman iyon ng kumot nitong ospital.
"I'm gonna give you a pass."
"Para saan?"
"For everything," sabi niya. "Because I think that you're all bark and no bite."
Ano daw?!
"So," dugtong niya pa at saka muling tumayo. "I'm gonna get you your sausage and try to eat it without telling me that it's my dick you're eating, alright? Can you do that?"
Tangina...
Seryoso ba siya?
Feel niya ba talaga 'di ako papalag kapag pinatulan niya ako?
Masama lang ang tingin ko sa kanya habang inaayos niya sa lamesa iyong kakainin ko. Hindi ako nagcomment nang makita ko iyong size ng sausage dahil nakita ko na naka-tingin siya sa akin.
"Now, enjoy your breakfast," sabi niya at saka malakas na tinusok ko ng tinidor iyong sausage niya. Napa-iling lang siya.
Nagsimula na akong kumain kahit labag sa loob ko. Naka-upo lang sa sofa si Nikolai habang kumakain ng hashbrown daw 'yun. Ngayon naman ay may kausap na siya.
"No, I haven't started yet," sabi niya sa kausap niya. Napa-tingin siya sa akin na nakikinig sa usapan niya. "Privacy?"
"Lumabas ka kung gusto mo ng privacy," sagot ko sa kanya. Ako 'tong nasa kama at injured tapos ako pa hihingan niya ng privacy. Iba rin trip nitong isang 'to, e.
"Just send me the list of books you'll buy and I'll get them before going home," sagot niya pa. "I'm still somewhere."
Tsk.
Somewhere.
Bakit 'di niya sabihin na nasa ospital siya? Unless may jowa talaga 'to at pinagtataguan niya. 'Di ko talaga gets mga lalaki! Ilang pekpek ba ang kailangan nila para sumaya?!
"Kung may pupuntahan ka, pumunta ka na. Keri ko na umuwi mag-isa."
"You know, eavesdropping isn't nice."
"Sabi ko nga, lumabas ka kung ayaw mong marinig ko. Kaya ko bang pigilan 'yung tenga ko?"
"Well, at least try to pretend that you're not listening."
"Di ako mapagpanggap—what you see is what you get."
Lumaki ako na inaapi ng mga tao sa paligid ko. Simula nung pumunta ako sa Maynila, pinangako ko sa sarili ko na 'di ko na hahayaan na mangyari iyon. Kung gagaguhin nila ako, mas gagaguhin ko sila. Pero kung mabait sila sa akin, mas mabait ako sa kanila.
'Di ako naniniwala sa kasabihan na kapag binato ka ng bato ay batuhin mo ng tinapay—naniniwala ako na kapag binato ako ng bato, pupulutin ko iyon at ipupukpok sa ulo mo.
"I see a very sarcastic person."
"Thank you," sagot ko dahil feeling ko ay compliment iyon.
Natawa siya habang naiiling. Well, at least entertaining naman ako para sa kanya! Gwapo talaga nito, e. Type niya kaya ako? Pero kailangan ko munang masigurado kung may jowa nga kasi ayoko ng maulit iyong kay Nick—
Nako, magka-hawig pa naman pangalan nila! Tunog makalat!
"Wala ka ngang jowa?" tanong ko ulit.
"I told you, I'm single."
"Single online and offline? O baka single ka lang offline?"
"What?" naguguluhan na tanong niya.
Napa-irap ako. "So, kung hahalikan kita ngayon, walang magagalit?"
Naka-tingin siya sa akin na parang gulung-gulo na siya kung saan papunta ang pag-uusap naming dalawa. Sa totoo lang ay hindi ko na rin gets kung ano ba 'tong pinag-uusapan namin. Basta goal ko lang naman ay ayokong madikit sa kanya kung may jowa siya.
Siguro nga tama ang mga ka-barangay ko na malandi ako—pero at least 'di ako lalandi sa may sabit.
"You know what, I'm a pretty generous guy. Just tell me you want me to kiss you and I'll do it."
Tumingin ako sa kanya.
Ito na naman ata iyong sinasabi niya na all bark and no bite.
"So?" parang naghahamon na tanong niya.
'Teh, kalma!' sigaw ng maayos na parte ng utak ko.
Pero mas nangingibabaw iyong katotohanan na gwapo siya at crush ko siya at nawala lang naman ang pagkaka-crush ko sa kanya dahil na-isnab niya ako dati sa resto.
"Thought so," sabi niya tapos ay nagkibit-balikat.
Nikolai- 1; Jersey- 0.
* * *
Tahimik lang ako at masama ang loob hanggang sa ma-discharge ako galing sa ospital. Medyo nahilo din ako nang makita ko kung gaano kalaki ang binayaran ni Nikolai. Gusto kong ma-guilty dahil ako iyong nagdemand na dalhin niya ako sa ospital, pero siya naman ang sumagasa sa akin, so patas lang kami!
"Okay na ko rito," sabi ko nang huminto siya sa harap ng condo ko. "D'yan na lang sa harap."
"I'll walk you to your unit," sagot niya tapos ay dumiretso siya roon sa underground parking. Ayoko sanang nagpapa-punta talaga ng lalaki rito kasi syempre kahit papaano ay si Nick ang nagbabayad nitong condo—pero pakshet siya kaya bahala na siya sa buhay niya.
Habang naka-sakay kami sa elevator ay kita ko iyong malagkit na tingin kay Nikolai nung naka-sabay naming babae. Kilala ko 'tong babaeng 'to, e. Ito iyong laging may kasamang iba-ibang nationalities tuwing nakikita ko. Normally, ang nasasabi ko sa isip ko ay 'Go, girl! Itayo mo ang bandera ng Pilipinas! Make us proud!'
"Hi," sabi niya kay Nikolai.
"Hello," sagot ni Nikolai.
"New here?"
"I'm with—" sabi niya pero ngayon ay walang keme na humarang ako sa pagitan nila ni Nikolai.
Akin 'tong Brazilian.
Tumigil siya sa ilusyon niya.
"Ito na 'yung floor mo," sabi ko roon sa babae nang bumukas iyong elevator. Pinindot ko pa iyong button para makalabas siya nang maayos kasi concerned ako sa kanya.
"That was rude," sabi ni Nikolai nang magsara ulit iyong elevator at naiwan na kaming dalawa.
"Nangongoleksyon 'yun ng mga foreigner. Gusto mong maging representative ng Brazil?"
Umangat ang kilay niya. "How did you know that I'm Brazilian?"
Nagkibit-balikat ako. Alangan namang aminin ko na inistalk ko siya dati dahil sa panghihinayang ko na imbes na gumawa kami ng milagro dati ay pinatulong niya ako sa assignment niya?
Sa lahat ng lalaking nakilala ko, siya lang ang nag-iisa na mas pinili ang utak ko kaysa sa katawan ko! Alam ko dapat matuwa ako, pero na-offend talaga ako!
"Have we met before?" tanong niya.
Muntik na akong mapa-irap, pero mabuti na lang at dumating na kami sa floor ko. Medyo may namumuo na namang sama ng loob dahil ganoon ako ka-forgettable sa kanya. Pagkatapos niyang maging bida sa mga wet dreams ko, siya ni hindi man lang ako tanda!
Napaka-lupit talaga ng buhay!
"Why do I feel like you know a lot about me?"
"Masyado kang feeler," sabi ko habang binubuksan iyong pinto ng condo ko. Pumasok ako roon tapos ay tumingin sa kanya. "Di ako nagpapa-pasok ng lalaki sa condo ko."
"Really."
"I mean, hindi ako nagpapa-pasok ng 'di ko friends," sagot ko. "Kung papasok ka rito, dahil hindi naman tayo friends, mag-e-expect ako ng iba."
Nakita kong natawa siya at napa-iling.
"You know what? I'm really supposed to buy things for school, but just say that you want us to fuck and I'll blow it off," diretsong sabi niya habang naka-tingin sa mga mata ko.
Humigpit ang hawak ko sa pinto.
"Say it," sabi niya. "Say you want us to fuck and we'll fuck."
Ano ba 'yan!
Parang biglang may movie sa isipan ko at naisip ko na agad kung ano ang mangyayari sa condo! Matitikman ko siya ngayon kaso ano? Tapos na? Kasi asa naman ako na papatol siya sa kagaya ko. Alam ko naman na iyong ganito, laro lang sa kanya kasi ang ending nito, magpapakasal pa rin siya sa babae na galing sa kasing level niya at hindi kagaya ko.
Dami ko nang napa-nood na ganito, noh!
Wala akong balak maging api-apihan na bida!
"Thanks... but no, thanks," sabi ko.
Matutuwa ako ngayon tapos kawawa naman iyong pekpek ko kasi baka mag-expect siya sa susunod. E sure naman na one-time lang 'tong kay Nikolai. Ayoko namang mabuhay na disappointed lang ako palagi. Kawawa naman ako.
"Knew it."
"Baka masarapan ka sa 'kin tapos hanap-hanapin mo. Kawawa ka naman," naka-irap na sabi ko sa kanya.
Natawa siya. "Really."
"Oo kaya kung ako sa 'yo, tumalikod ka na at bumili ka na ng gamit mo sa school," sabi ko habang niloloko siya. Law student nga pala 'to. 'Di lang halata kasi mukhang 'di kagalang-galang, e. Mukhang babastusin ka palagi.
Halos mapa-igtad ako ng ipatong niya iyong kamay niya sa may pintuan sa ibabaw ng ulo ko. 'Di hamak na mas matangkad siya sa akin kaya naman napa-angat ako ng tingin nung magbaba siya ng tingin.
"I'll repeat it again—all bark and no bite."
Hindi.
Tumigil ka, girl.
"Kung san ka masaya, Sir."
"You can't handle me," sabi niya.
"Expandable ang vagina, Sir. Kung ano man ang size mo, sure ako na kakayanin."
Bahagyang kumunot ang noo niya bago siya napa-atras at nagsimulang matawa. Nagshake pa iyong balikat niya dahil tawang-tawa siya sa akin.
"Damn, woman. Why are you so fucking funny?"
Umirap ako. "May mga tao talagang blessed—maganda, sexy, at funny pa."
Napa-suklay na naman siya sa buhok niya. Bahagyang tumaas iyong suot niyang itim na t-shirt at nakita ko na may tattoo doon. So, bukod sa tattoo sa balikat niya, may iba pa siyang tattoo.
Nakaka-curious.
Sarap hubaran.
"All jokes aside," sabi niya. "Can I get your number?"
"Booty call?"
"Maybe," sagot niya na naka-ngisi. "But really, I'll call you so you can save my number. If you need anything, just give me a text."
"Kahit ano'ng kailangan ko?"
"Sure."
"Paano kung iba ang kailangan ko?" naka-angat ang kilay na tanong ko sa kanya.
Natatawang napa-iling siya. "Know what? Text me the word—" Tumigil siya at saka tumingin sa paligid niya at napa-hinto siya roon sa halaman na display sa hallway. "Text me the word plant and without any explanation whatsoever, I'll come to you and we'll have sex. Deal?"
Tumingin ako sa kanya.
Ang gwapo.
Ang sarap.
"Deal," sagot ko habang kinu-kuha iyong cellphone niya at nilalagay iyong number ko.
***
This story is chapters ahead on Patreon x
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top