Chapter 00
#WTG00 Chapter 00
"Gaga ka! 'Wag mo akong iwan dito!" sigaw ko kay Yana habang pilit niyang tinatanggal iyong pagkaka-kapit ko sa braso niya. "Walangya ka! Akala ko childhood friends tayo?!"
"Walang friends-friends dito, gaga!" sigaw niya pabalik sa akin bago ako kurutin na naging dahilan kung bakit natanggal iyong pagkaka-hawak ko sa kanya.
"Nagtiwala ako sa 'yo!"
"Boba ka kasi! Malamang hindi legal trabaho ko rito sa Maynila! Sa tingin mo ba makakapagpagawa ako ng bahay sa loob ng isang taon kung namamasukan lang talaga ako? Konting utak naman d'yan, Jerusha!"
Nagdidilim na talaga ang paningin ko sa babaeng 'to!
"Hindi ako boba. 'Di ko lang talaga inakalang—"
"Virgin ka ba, te? Kung makapagreklamo 'to!"
"Ano naman kung hindi virgin? Kapag ba ganon, 'di na babae?! Wala ng choice?!"
Naku! Nag-iinit na ang ulo ko sa taong 'to!
"May choice ka naman. Choice mong ibigay for free o ibibigay mo na may bayad."
"Aba—"
Napa-hinto kaming dalawa sa pag-uusap nang may pumasok na lalaki. Walangyang babae 'to! Bugaw ba siya?! Tumingin ako sa paligid. Makaka-alis kaya ako rito?! Pwede bang tumalon na lang ako?! Pero nasa mataas na palapag kami ng hotel!
Naku talaga! Kapag may pumasok na matandang hukluban dito, tatalon na lang ako! Bahala na kung mabalian ako ng buto!
"Ladies," sabi nung lalaki. "Is there a problem?"
Biglang ngumiti nang matamis si Yana. Punyetang babaeng 'to! Isusumbong ko siya sa nanay niya!
"Nothing, Sir," sagot niya sa malambing na boses na dahilan kung bakit gusto kong masuka bigla. Yuck!
Bumaling sa akin ng tingin iyong lalaki. "You're Jerusha, right?"
"Jersey," pagtatama ko. Tsk. Galing pa man din sa bible iyong pangalan ko tapos sa ganitong bagay ako dinala ni Yana! Napaka-imoral! Walang takot sa Diyos!
"Jersey," pag-uulit niya. "Okay, then."
"Sir—" pagtawag ko sa kanya kaya lang ay biglang tumunog ang cellphone niya kaya naman nagpaalam siya na lalabas siya muna... Kaso hindi niya sinara iyong pinto ng kwarto kaya naman hindi ako maka-sigaw sa sobrang pagka-pikon kay Yana.
"Aalis na ko!" sabi ko kay Yana habang pinanlalakihan siya ng mata.
"Gaga, nabayaran na ako!"
"E 'di ikaw dito!"
"Di nga pwede!"
"Di ako pokpok, leche ka!"
"Napaka-arte mo!"
"Ikaw na lang bumukaka, punyeta ka!"
Parang sasakalin na ako ni Yana. Subukan niya lang! Magsakalan kami dito dahil 'di ako papayag na iwan niya ako!
Nang bumalik iyong lalaki, agad siyang tumingin sa 'kin.
"Niko's on his way up," sabi niya bigla.
Agad na nanlaki ang mga mata ko. Ano'ng on his way up! On my way down na ako!
"Let's go," sabi niya kay Yana. At itong si gaga, mabilis na iniwan ako! Leche talaga! Kapag nagkita kami ulit, kakalbuhin ko talaga 'yang gagang 'yan!
Mabilis akong tumakbo papunta sa CR at saka hinanap iyong damit ko. Pilit kasi akong pinagbihis kanina ni Yana para daw 'ka-akit-akit' ako sa paningin nung kung sinuman iyong Niko na 'yun. Pwe.
Nagpalit agad ako ng pantalon ko at saka iyong puti kong t-shirt. Hinanap ko rin iyong sapatos ko. Leche! Tinago pa ata ni Yana! Tsk! Makapagyapak na nga lang! Papa-akyat na raw iyong lalaki at kailangan ko ng umalis!
Buti sana kung aware ako na sa ganito ako dadalhin! E hindi naman! Ano 'to, surprise lang?!
Papaalis na sana ako ngunit nang mabuksan ko ang pinto—
Bigla siyang natawa.
"Sorry," sabi niya tapos tumigil pero halata sa sarili niya na nagpipigil lang siyang tumawa. "Is this a prank?" tanong niya tapos ay binuksan iyong pinto at dumiretso sa loob ng unit. "Lui, what the fuck! I was just kidding when I said I wanted this for my birthday!" sigaw niya bigla.
"Excuse me?" tanong ko. Nainsulto ako sa pagtawa niya, ah! Porke naka-lumang pantalon at tshirt lang ako?! Ang sexy ko kaya kanina dun sa lingerie! Iyon nga lang nilamig ako kasi halos wala ng natakpan sa katawan ko!
"Where's my friend?" tanong niya sa akin.
Napa-kunot ang noo ko. Nagtanggal siya ng sapatos at saka nahiga sa kama. Tinakip niya iyong kamay niya sa mukha niya.
"Miss," biglang pagtawag niya.
"Ano?!"
"Are you mad?" tanong niya na naka-kunot ang noo.
Parang tanga! Bakit ako galit?!
"I know my friend paid you for... whatever that is," sabi niya habang naka-turo sa suot ko. Don't judge a book by its cover! Baka maglaway siya kapag nakita niya ang katawan ko!
Ugh! Bakit ba ako naaasar?!
"But I can't deal with—" sabi niya saka napa-hinto. "Seriously. Did Lui tell you to dress like that?"
Bakit ba ako pinanganak na mataas ang pride?!
Mabilis akong naghubad ng tshirt at saka tinanggal iyong butones ng pantalon ko. Nang mapa-tingin ako sa kanya, nakita ko na napa-awang ang labi niya.
"May sinasabi ka ba?"
Naka-awang pa rin ang labi niya. "Okay..." sabi niya habang tumatango na may maliit na ngisi sa labi. "I see why they chose you."
Abort!
Gusto kong isuot ulit ang damit ko at saka tumakbo palayo. Wala akong balak na gawin ang pinapagawa ni Yana, noh! Kahit pa ang gwapo nitong lalaki sa harap ko!
"But I still can't," sabi niya. "I'm already drunk so I really can't perform... unless you wanna go on top?"
Agad na namula ang mukha ko.
Ganito ba talaga ang mga lalaki sa Maynila?! Ang bulgar!
Natawa siya sa reaksyon ko. Nakita niya ba ang pamumula ng mukha ko?
"I was kidding," sabi niya. "But I'm really drunk and I still have something to do tomorrow," pagpapatuloy niya pa. "Did Lui already pay you? I mean, for the trouble."
Hindi ako naka-sagot.
Inabot niya iyong drawer sa gilid ng kama. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na may ilang bundle ng isang libo doon. Wow.
"If he didn't, here you go," sabi niya sabay kuha ng pera at abot sa akin. "You can just leave. I'm sleepy already... unless—"
Nanlaki ang mga mata ko.
Natawa siya.
"Just kidding," sabi niya tapos biglang nabaling ang atensyon niya sa cellphone niya. Saglit niyang binasa iyon tapos ay sunud-sunod ang pagmumura niya.
Ang bastos ng bunganga nito.
Hindi ko naintindihan iyong mga sumunod na nangyari. Ang alam ko lang, paikut-ikot siya sa kwarto at saka hinahanap iyong yellow paper. Bakit parang ang dami naman niyang gamit sa hotel na 'to? Dito ba siya naka-tira?
"Hey, you're still here," sabi niya nang mapa-tingin siya sa gawi ko.
"Hindi. Multo lang ako."
Natawa siya. "You're funny."
Umirap ako. "Ano 'yang ginagawa mo?"
"Digest," sagot niya.
"Ano 'yun?"
"Like a summary of a case," sabi niya habang binubuksan iyong laptop niya at may ginagawa na kung ano run. Nandun lang ang mga mata niya. "But seriously, I just heard that I need to pass this shit tomorrow so I don't have time to fuck tonight."
Nalaglag ang panga ko. Akala ba niya nandito pa rin ako dahil hinihintay ko 'yun?! Kapal naman ng apog ng isang 'to!
"Seriously though... Why are you still here?" tanong niya habang diretso pa rin sa pagta-type ng kung anuman sa laptop niya. "You wanna watch me study? Is that your kink?'
Kink?
Ano raw?
"How the fuck will I finish this?" sabi niya habang napa-hinto. Sabay siyang napa-tingin sa akin. "Hey."
"Ano?!"
"Whoa. Are you mad?"
"Hindi!"
Natawa siya. "Since you're already here, mind helping me?"
"Di ko alam ginagawa mo?"
"But you know how to google, right?"
"Di ako bobo."
"I didn't say that," mabilis niyang sagot. "I didn't say that," pag-uulit niya pa.
Umirap ako.
"I need help tonight, tho. Wanna help me? I'll pay you."
Napa-hawak ako sa binigay niya na sa akin. Tsk. Bahala na nga.
"Oo na," sabi ko. "Ano ba'ng gagawin?"
Pinaupo niya ako sa tabi niya. Tinuruan niya ako ng kung ano ang gagawin ko. Madali lang naman. Itatype ko lang iyong title nung kaso tapos ay lalagyan ko ng digest. Tapos ay isend ko raw doon sa app tapos ay binabasa niya mula sa iPad niya.
Bakit kailangang isulat? 'Di ba pwedeng iprint niya na lang 'to?
"Lahat ba 'to?" tanong ko nung nakaka-lima pa lang ako. Akala ko madali. Hindi naman pala. Ang arte nitong lalaking 'to. Pinapagalitan ako kapag 'mali' ang nakukuha ko. Arte.
"Yeah."
"Kailangan mo talagang isulat lahat?"
"Unless I wanna fail, yeah."
"Dami namang arte."
"I know, right?"
"Wag mo ng gawin."
"Nah. I can't fail this shit. My pride won't recover if my friends pass and I fail," sabi niya habang diretso pa rin sa pagsusulat. In fairness sa kanya, kanina pa kami nag-uusap pero diretso pa rin siya sa pagsusulat.
"Ano ba 'to? Mag-aabogado ka ba? Bakit puro kaso 'to?"
"Yeah. Law student here."
"Oh? 'Di halata."
Kanina kasi nung unang pagkakita ko sa kanya, akala ko artista. 'Di kasi ako masyadong maalam sa mga artista. Malay ko ba kung artista siya?
Hala... baka artista nga.
"I'll take that as a compliment," natawang sabi niya. "I'm hungry, though. You wanna order something?"
"Ikaw na lang. Aalis ako pagkatapos nito."
"You sure?"
"Oo nga."
"Okay..." sabi niya tapos ay kinuha iyong cellphone niya at tumingin ng mga pagkain doon. Hindi ko napigilan ang sarili ko at napapa-tingin ako. Nakita niya ata ako. Natawa siya sandali tapos ay inabot niya sa akin iyong cellphone niya. "You choose."
"Ayoko."
"Come on. Don't be shy."
Napa-irap nga ako. Daming alam ng lalaking 'to.
"Ayoko nga."
"Are you sure? Because I don't share food, so might as well order yours. I'm gonna pay."
Umiling ako.
"Suit yourself," sabi niya tapos ay may pinindot bago bumalik sa ginagawa niya. Tahimik lang kami hanggang sa may marinig kaming katok mula sa pinto. "Food's here," pagpapatuloy niya bago saglit na tumayo.
Ganito ba talaga kalaki ang mga hotel? Parang sobrang laki naman kasi nito... Saka ngayon ko lang napansin na parang may mga gamit talaga siya rito. Dito ba siya naka-tira? Nakaka-curious naman... pero parang 'di ko naman pwedeng itanong.
Nang bumalik siya, may dala siyang dalawang paper bag. Siya lang kakain nun?! Grabe naman!
"Akala ko ba nagmamadali ka?" tanong ko dahil doon siya pumwesto sa parang lamesa. Isa-isa niyang nilabas iyong mga laman ng paper bag. Nakaka-gutom iyong amoy!
"Yeah. But food first," sabi niya bago nagsimulang kumain.
Ano ba 'yan... parang ang sarap ng kinakain niya! Amuy na amoy ko mula sa pwesto ko! Si gago binuksan pa iyong TV at nanonood pa habang kumakain! Talaga bang 'di niya ako aalukin?! Kahit pakitang tao man lang?!
"Stop staring. I told you to order yours."
"Che!"
"Fine. You can have this," sabi niya sabay pakita sa akin nung pinaka-dulo nung pakpak ng manok. Ano'ng kakainin ko 'dun?!
"Ewan ko sa 'yo," sabi ko na lang tapos ay patuloy ako sa pagtapos doon sa pinapagawa niya. Sobrang haba nung listahan! Diretso lang ako tapos—"Luh."
Napa-tingin ako sa paligid ko.
Wala na si Niko.
Napa-tingin din ako sa bintana tapos na-realize ko na umaga na.
Dear you,
I was planning on sharing my food but you fell asleep and I didn't have the heart to wake you up. You were snoring a little, if you're curious if you snore. Anyway, if you see this note, it means I'm gone because I need to pass the digests. I ordered breakfast for you, so enjoy.
I left the payment for helping me.
Also, I recommend the garlic parmesan.
Best,
Nikolai
Napa-tingin ako sa lamesa. Mayroon doon breakfast na parang kumpleto na tapos ay may isang brown envelope na parang lalagyan ng pera. Kumunot din ang noo ko nang may makita akong parang... gift certificate nung restaurant na kinainan niya nung wings kagabi? Napa-weird naman ng taong 'yun.
'Di bale, 'di ko naman na makikita ulit 'yun.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top