Prologue
Prologue
"Ayaw ko nga sa siopao. Gawa 'yan sa pusa, e."
Tumigil ako sa pagnguya ng kinakain ko at napalingon sa dalawang babaeng magkausap sa kabilang table malapit sa akin. Bumagsak ang aking tingin sa hawak na siopao na binili ko kanina sa isang stall dito sa cafeteria namin.
"Oo nga. That's why Mommy won't let me buy that food. Marumi raw 'yon, e," sabi naman ng may mahabang buhok.
I swallowed the chunk of siopao down my throat. Kumibot ang ilong ko at dahan-dahang ibinaba ang hawak na plastic na malabo. Ang cute kasi ng hugis kaya iyon ang pinili ko pero... pusa pala ang laman niya?
Pusa? As in cat? The cute animal with fangs who meows? Like Garfield?
Cats are cute but sometimes they are so scary when they show their fangs to me with a loud meow. May kumagat nga sa akin na kuting noon pero 'di naman ako naiyak kasi maliit pa ang ngipin niya.
"Ate Tala!"
I elevated my chin to search for Twyla when I heard her voice. Her curly hair was bouncing as she hopped toward my direction. Tumayo ako sa kinauupuan nang tumigil siya sa harapan ko.
"Hello po! Ano po 'yang kinakain mo?" nakangiti niyang tanong habang nakatingin sa hawak ko.
Hala! Ano'ng sasabihin ko? Siopao? O pusa? Itinago ko ang plastic sa likuran. Bakit ba ang talas ng paningin at pang-amoy niya sa pagkain kahit malayo? Hindi kaya, may lahi ring pusa si Twy?
"Hindi po pagkain 'to!" sabi ko at umiling hanggang sa nahilo ako nang kaunti.
"Kita ko po pagkain, e." Ngumuso siya. "By the way po, may ibibigay po ako sa inyo!"
Pinasok niya ang kamay sa bulsa ng palda. I craned my neck to the side in anticipation of what she'd give to me.
"Charan!" Itinaas niya ang isang bilog na bagay na gawa sa yarn habang nakasabit sa key chain ring ang kaniyang daliri.
"Wow!" Namilog ang mga mata ko. "You made that yourself po?"
"Yes po!" Ngumiti siya at iniabot sa akin iyon. "Iyan po 'yong pangalawa kong ginawa pagkatapos n'yo po akong turuan. Tig-isa po tayo niyang friendship ball. Nasa wallet ko po 'yong isa kaso hindi ko po dala, e. May barya po kasi ako rito sa bulsa kaya hindi ko na dinala. Gusto n'yo po tingnan?"
Tumango ako sa kaniya habang nasa kamay ko ang kulay yellow na ball. Inikot ko iyon at nakita na may labing nakangiti, mata at kilay ang bola pero hindi pantay nang kaunti. It was acceptable since she only learned crocheting just two weeks ago. She even learned faster than I did!
"Ang cute po, sobra!" I grinned and patted her head using the hand where I was holding the friendship ball. "Ang galing mo na po mag-crochet."
Her cheeks turned crimson. Nilagay niya sa likod ang dalawang kamay at yumuko. She stared kicking the ground with her foot.
"T-Thank you po..."
I stepped closer to her and enveloped my arms around her neck. Saglit lang iyon bago ko ipinakita sa kaniya ang kinakain ko kanina na nasa plastic.
"Gusto mo po ng pusa? Siopao pala!" bawi ko agad. "Siopao po ito. Siopao. Hindi po 'to pusa, ah. Sa 'yo na lang, oh."
Hindi ko pa nakakalahati iyon. Kaso paano kapag nalaman niya na pusa pala ang laman ng pagkain na 'yon? Magagalit kaya siya sa akin kasi hindi ko siya in-inform agad? Pero 'di ba... dapat magalit kami sa gumagawa ng siopao?
Grabe naman kasi sila. Hindi naman sila inaano ng pusa tapos pinapatay nila para gawing pagkain? May mga hayop naman na ginagawang pagkain pero hindi naman yata kasama ang pusa roon.
"Siopao?" Twyla's eyes twinkled. "Paborito ko po 'yan!"
Lahat naman paborito niya, e.
"Y-you want it po?"
Tumango-tango siya. "Pakagat lang po, okay lang? I have food po sa bag kaso nasa room. Gusto mo po, sama ka sa akin para mabigyan po kita. Nakakapagod kasi umakyat-baba sa building natin." Bahagya siyang ngumuso.
Sabihin ko ba?
"Uhm..." Sige na nga. "Pero ano kasi... alam mo po ba na gawa sa p-pusa itong siopao?" Hininaan ko ang boses.
Sumulyap ako sa paligid. I hope no one hears me talking about how siopaos are made of cat meat. It sounded so illegal.
Suminghap siya, akala mo ay nauubusan nang hangin sa sobrang lakas. Ang bilog na mga mata ay mas lalong bumilog tulad ng mukha niya. She glanced the area and then settled her eyes on me. Lumapit pa siya sa akin at inilagay ang kamay sa gilid ng mukha.
"Ate Tala... sino po ang nagsabi sa 'yo niyan? Hindi po gawa sa pusa ang siopao," she whispered. "Karamihan po gawa sa pork meat ang siopao, hindi po sa pusa, Ate Tala."
"E-eh?"
She nodded vigorously. I lowered my gaze to my food and then back to her.
"Puwede na po ako kumagat?" tanong niya.
Tumango ako at iniabot na iyon sa kaniya. She enthusiastically held my hand that was holding the siopao, opened her mouth widely and then bit on it. I watched her chew until her cheek flattened a bit and stopped moving.
"Wala pong sauce?"
Napakamot ako sa ulo at kinuha sa loob din ng plastic ang sauce na natapon. Bakit naman saka niya hinanap ang sauce kung kailan nakakagat na siya?
"Pakagat po ako ulit. 'Yong may sauce na," aniya.
"Sa 'yo na lang..."
"Okay po!" She giddily snatched the siopao. "Bigay ko na lang po sa inyo ang food ko. Sama ka po sa akin sa room!"
Twyla and I are not in the same section but we're both 5th Grade students. She's my cousin on my mother side. Kapatid ng Daddy niya ang Mommy ko. Mas matanda lang ako ng tatlong buwan kay Twy pero tinatawag niya pa rin akong Ate.
Magkahawak kamay kaming naglakad pabalik sa building namin. Hawak niya sa kabilang kamay ang siopao at ang isang kamay ko naman ay pinipisil ang friendship ball namin habang nakasuot ang keyring sa hintuturo.
"May baon po ako dalawang Pretzel na nasa box saka isang Chuckie at Dutch Mill. 'Di ba po paborito mo ang Chuckie? Sa 'yo na lang po 'yon. Ta's sa 'yo na rin po ang Pretzel ko kasi kinain ko na ang siopao mo, e. Meron din po pala akong wafers... with S po 'yon kasi apat. Actually po, dalawa lang dapat sa akin doon tapos dalawa kay Kuya kaso ibinigay niya na lang sa akin ang dalawa kaya apat na siya," kuwento niya habang naglalakad kami sa hagdan.
Sa second floor siya samantalang nasa first floor naman ang room ko. Open area sa gilid ng building kung nasaan ang hagdanan kaya nang biglang umihip nang malakas ang hangin, lumobo ang suot kong palda. Napahawak ako sa harapan ng palda para bumaba ulit ang iyon pero sumabit ang gilid nito sa isang ulo ng taong nakaupo sa may gilid ng hagdan.
Tumili ako at hinila ang palda ko mula sa kung kaninong ulo. Napatili rin si Twy sa gilid ko. My cheeks warmed when the boy who was sitting on the steps stood up.
"Ano po 'yon, Ate Tala?!"
"Ano ba 'yang tili na 'yan? Sakit n'yo sa tainga, ah!" the boy complained.
Nakita niya ang shorts ko! Tumili ulit ako at napahawak sa balikat ni Twyla. We almost stumbled down the stairs when I switched our position so I could hide myself from the... the maninilip!
"He peeked under my skirt!" sumbong ko sa pinsan.
The boy's eyes widened. "Hoy! Anong I peeked under your skirt ka diyan! Nilipad ang palda mo at sumabit lang sa ulo ko! 'Di ako maninilip, uy!"
"You saw my shorts! I'll sumbong you to my Mommy!" Sabay tago ko ulit ng mukha sa likod ni Twyla.
What grade is he, anyway? Grade 5 or 6? He's taller than us... well, most students here are either taller than us or on our height level. Kahit mas bata sa amin ang iba, mas matatangkad naman sila.
"Tama! Sumbong ka po namin sa Mommy niya! Bad po manilip!" Twy backed me up.
Tumango-tango ako at sumilip ulit doon sa batang lalaki. "But if you say sorry, we will not sumbong you!"
"Yes, yes!" Tumango-tango rin si Twyla.
My heart was thumping so fast like a dog was running after me. Nalaglag ang panga ng batang nanilip sa akin tapos ay napasuklay siya sa buhok. Napasulyap ako sa pants niya nang may ihulog siya sa kaniyang bulsa.
"Wow..." he breathed, sounding offended. "Talagang pinagtutulungan n'yo pa ako mga bubwit kayo?!"
Twyla and I gasped simultaneously. Umalis ako sa likuran niya at humakbang ng isang baitang pataas.
"Ano pong sabi mo? Bubwit? Kami po?"
"FYI po, Kuyang Maninilip, Grade 5 na po kami so don't call us bubwit po!" si Twy.
Natatawa na ang kausap namin kaya kumuyom na ang kamao ko. Ipinatong niya ang siko sa railings sa likuran niya at salitan kaming tiningnan ng pinsan ko.
"Grade 5? You two look like kinder pupils, though," he said. "Anyway, bahala na nga kayo diyan mga bubwit. Una na 'ko..."
Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya nang humakbang na siya paibaba ng hagdan.
"I-Isusumbong ka p-po namin!" My voice was shaking.
"Talaga po!" Twy supported me again, her tone was more courageous than mine.
His legs halted from moving. Hinangin ang kaniyang may kahabaan na buhok na tumatakip sa noo nang nilingon niya ulit kami. I gulped when the corner of his lips lifted.
"E 'di sumbong n'yo ko." Humalakhak siya at tuluyan na kaming iniwan. "Bye, Miss Minion."
Lumingon sa akin si Twyla at hinawakan ako sa balikat. "Ate Tala, sino po si Miss Minion?"
Ngumuso ako at umiling. "Hindi ko rin po alam."
"Isusumbong pa po ba natin siya? Sinilipan ka po niya, e..." concern niyang tanong.
"Wait lang po pag-isipan ko."
Tinitigan niya ako, naghihintay sa sagot ko.
"Nakapag-isip ka na po?" she asked.
I bobbed my head. "Huwag na lang po. Hayaan na natin siya."
Pumunta na kami sa room nila para kunin ang pagkain niya. Binigyan niya ako ng isang Pretzel, Chuckie, at dalawang wafers. Hindi ko nga lang nakain agad dahil tumunog na rin ang bell hudyat na tapos na ang aming recess.
Inaantok ako sa mga sumunod na klase. Whole day kasi ang pasok namin at nakakaantok pa magturo ang mga teacher. I always feel bad for my teachers everytime my eyelids would fall close. I rotated my head to my seatmate who was talking with her other seatmate.
I exhaled a silent sigh.
Nobody except my cousin wanted to be my friends here. I had no idea why. Kaya naman tuwing recess, ako lang mag-isa kung sakaling busy si Twyla. Minsan sumusunod siya sa akin sa cafeteria, minsan sa room ko pumupunta.
Tuwing uwian naman, pareho kaming may sundo pero magkaiba nga lang. May school service naman ang school namin pero ayaw ni Mommy na roon ako sumakay. Gustuhin ko man, mahihiya lang akong kasama ang mga taga-ibang grade level at section kasi tuwing sinusubukan ko silang kausapin, nagiging air na lang ako.
"Mommy..." tawag ko pagkapasok sa kaniyang opisina sa aming bahay.
I was hugging my books and notebooks against my chest. She was sitting behind her table, working with a pile of papers. I hope I can be as diligent as her in school. Masipag naman ako, e.
Masipag magpahinga.
"Eulalie, what are you doing here? You should be studying in your room," istriktang pahayag niya, hindi man lang inaalis doon sa mga papel ang mga matang nasa likod ng kaniyang salamin.
Nagdadalawang isip tuloy ako kung lalapit pa ako. Sumandal ako sa pinto at tila lalong nanliit.
"Uhm… Mommy, w-we have an assignment po—"
"You have an assignment yet you are here," she cut me off and this time, she glanced in my direction.
"M-Magpapatulong po sana ako kasi... hindi ko po naintindihan masyado—"
I jolted from where I was standing when she slapped her table harshly. Para akong nawalan ng boses nang itinulak niya ang upuan patalikod upang makatayo siya. Tumutunog ang kaniyang suot na takong sa bawat hakbang niya patungo sa akin.
She stopped right in front of me. "Weren't you listening to your teacher's discussions, Eulalie? Am I wasting my money for your tuition?"
Kinagat ko ang ibabang labi at napayuko. I didn't request to be transfered in a private school. Kung pupuwede lang, sa public school na lang ako. Wala naman kasing nagsabi sa kaniya na mag-private school ako.
Pero siyempre, hindi ako sumagot kay Mommy. She's my mother and she's an elder.
"Go back to your room and do your homework. Huwag mo na akong guguluhin ulit dahil busy ako."
Iniangat ko lang nang bahagya ang ulo at humingi nang paumanhin. My heart was sinking and nobody could save it from drowning.
Pagbalik ko sa kuwarto, pinilit kong sagutan ang pinagagawa sa amin kahit hindi ko sigurado kung tama ba 'yon. I read the instructions but still, it wasn't enough for me to understand everything.
After answering all my homework, I plonked on my bed with my arms and legs wide spread before I rolled to the side. My face bumped into my minion plushie that was half my size. Niyakap ko iyon bago gumulong ulit hanggang sa nalaglag ako sa kama.
My back and hips hurt until the next day but I was immune to physical pain. Lagi naman kasi akong nahuhulog sa kama kahit gaano pa kalaki iyon.
"Good morning po, Mommy!" I greeted happily when I saw her in the kitchen, sipping her cup.
Nakabihis na siya ng pormal na damit. Kulay asul na dress iyon at hapit sa kaniyang katawan. Her coat was hanging on the back of her hair.
"Good morning, Eulalie," she coldly said after I kissed her cheek. "Take a seat and have your breakfast. Maaga akong aalis ngayon dahil may importanteng meeting ako."
Hindi pa nga ako nakakaupo nang tumayo na siya. Tumingala ako at napawi ang ngiti sa labi.
"Hindi na po kayo magbi-breakfast, Mommy?"
"No. I'm fine with coffee. I'll just have my brunch after our meeting."
Kinuha niya ang coat na nasa upuan at isinampay nang maayos sa kaniyang braso. My eyes followed her way out of the kitchen until she disappeared from my sight.
Hindi ba nagugutom si Mommy? Bakit ako, palaging gutom? Is coffee really enough for her in the morning? Should I take coffee, too, instead of rice? Baka mas nakakabusog ang coffee. Tiningnan ko ang mga nakahanda sa hapag at halos magningning ang mga mata ko.
Ayoko pala ng kape.
Pagkatapos kong kumain at magbihis ng uniporme, inihatid na rin ako ni Kuya Gibo, ang aming driver, papunta sa school.
"Ba-bye po! Ingat po kayo!" sabi ko kay Kuya bago siya umalis.
I put a smile on my face as I held the lower straps of my backpack. I skipped toward the entrance gate when Manong Guard blocked my way with his batuta.
"ID mo?"
Napahawak ako sa tiyan at tumungo. Hindi ko pala suot ang aking ID kaya gumilid muna ako para hanapin iyon sa bag. Ngumuso ako nang hindi rin mahanap ang ID roon kahit halos baliktad ko na ang bag.
Lumapit ulit ako kay Manong.
"Manong... naiwan ko po ang ID ko."
"Naku, hindi ka makakapasok sa loob kapag walang ID, 'neng."
"Ay, hindi po totoo 'yan. Makakapasok po ako kapag pinapasok n'yo po ako kahit walang ID. Gusto n'yo po patunayan ko?" Ngumiti ako.
"Ako ba'y pinaglololoko mo, bata?" Itinuro niya sa akin ang batuta pero ibinaba rin.
"Hindi po ako manloloko, ah!" I shook my head. "Sinabi ko nga po ang totoo na wala po akong dalang ID kaya hindi po ako manloloko."
Napapikit siya at napakamot sa ulo. Lumabas siya nang kaunti at hinawakan ako sa balikat, itinutulak palayo roon sa gate. Itinuro niya ang nakapaskil sa mas malaking gate.
"Kita mo 'yan? No ID, No Entry. Ipakuha mo muna ang ID mo para makapasok ka," aniya.
Tinalikuran niya ako at bumalik sa puwesto roon sa maliit na gate. Ngumuso ako at pumunta roon sa may waiting shed, pinanonood ang mga pumapasok. Nasa loob na kaya si Twyla? Wala pa siguro. Dumarating 'yon kapag malapit nang tumunog ang bell, e.
I was sulking in the waiting shed while sitting beside my bag. Tumigil sa pag-swing ang mga binti ko nang may pumatong na mabigat sa ulo ko. I thrust up my chin and met the boy on the stairs yesterday. His damp hair was brushed up, making me witness how clear his forehead was.
Ngumisi siya. "Wala kang ID, Miss Minion?"
Tumagilid ang ulo ko. "Pa'no n'yo po nalaman? Saka hindi po Minion ang pangalan ko."
Inalis niya ang kamay sa uluhan ko bago niya tinanggal ang suot na ID lace. Kumunot ang noo ko nang inilusot niya iyon sa ulo ko at bumagsak ang kaniyang ID sa aking kandungan.
Binaliktad niya iyon kaya nakatago ang kaniyang mukha at pangalan sa view niya.
"Pumasok ka sa loob tapos pumunta ka sa Annex B. May maghihintay sa 'yo roon, kaibigan ko..."
Nakatitig lang ako sa kaniya. "Gagamitin ko po ang ID mo para makapasok? E, kayo po? Paano po kayo papasok? Baka po mahuli ako at mapagalitan tayo—"
"'Di 'yan," agap niya. "Basta dire-diretso ka lang. Huwag kang titingin sa guard. Kunwari may hinahalungkat ka sa bag mo pero dapat kita 'yong lace, ah? Basta pumunta ka sa sinasabi ko."
"P-Pero—"
"Kapag nagpahuli ka... titirisin kita, makita mo," banta niya.
Nanlaki ang mata ko. Ayokong matiris kahit hindi ko alam kung paano niya gagawin iyon. Bago pa ako makapagsalita ulit, tumakbo na siya palayo sa akin. Bumaba ang tingin ko sa ID niya at sinilip ang kaniyang pangalan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top