Chapter 9
Chapter 9
Hindi ko napansin ang bilis ng pag-ikot ng mga kamay sa orasan. I woke up early because Kuya Lair promised to bring me to my new school. Pero habang nasa bath tub at sarap na sarap sa mainit na tubig, nakaidlip ako nang mahigit isang oras.
At kung hindi pa biglang bumukas ang pinto ng banyo at inluwa ang namumutlang kasama sa bahay, hindi pa yata ako magigising.
"Akala ko ay napaano ka na!" singhal niya kaya hindi ko malaman kung galit ba siya o nag-aalala. "Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka sumasagot!"
Nakahawak pa ang kaliwang kamay niya sa gilid ng sliding door at ang kamay na nasa door frame ay naihilamos niya sa kaniyang mukha. He looked frustrated but relieved at the same time.
"S-sorry... nakatulog po ako..." maliit ang boses kong sinabi at napatayo nang wala sa sarili mula sa pagkakaupo sa bathtub.
Drops of water from my hair trickled down my body. Humarap ako sa direksiyon niya at naabutang luluwa na ang mata habang nakatingin sa akin. Napaigtad ako nang umatras siya palabas at halos mayanig ang banyo sa sobrang lakas ng pagsarado niya sa pinto.
"Bilisan mong magbihis, ha?"
Ngumuso ako dahil sa lakas ng boses niya. Mukhang galit nga siya dahil nakatulog ako kaya mas lalo akong nagmadali. Nakapulupot ang tuwalya sa katawan ko at maliit naman ang nasa buhok ko. I went out of the bathroom and saw no one but myself.
Mabilis akong nagpalit ng maroon shirt at white jumper pants. Lumapit ako sa tukador para magsuklay ng buhok nang maparaanan ko ng tingin ang ilang bote na iba't ibang hugis, laki, pangalan, at disenyo ng mga mamahaling pabango.
I carefully took one of them and sprayed it in the air. I closed my eyes and sniffed, trying to smell it. The expensive bottle slipped off my hand when a sudden torrent of events from the past flowed into my mind.
"Nuala!"
I opened my eyes upon hearing Lair calling me.
"Ano'ng nangyari? Ayos ka lang? Ano 'yong—"
Natigil siya sa sinasabi nang bumaba ang tingin sa paahan ako. In one swift move, he had me in his arms, sweeping my feet off the floor and gently placed me on the edge of the bed. Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang ankle ko para i-check.
"Sa'n ang masakit?" usisa niya kahit pa tinitingnan niya na ang mga paa ko. "May tsinelas ka naman dito pero hindi mo ginagamit. Tss..."
"S-sorry po... nabasag po 'yong bote." Kinagat ko ang ibabang labi.
Hindi siya nagsalita. Halos magbuhol ang kaniyang kilay habang ang mapanuring tingin ay hindi naaalis sa aking paa. My gaze lowered on my feet... and on his hands. Marahan niyang pinisil-pisil ang parte ng paahan ko, naghahanap siguro ng posibleng nabubog. Nang nakuntento at walang nakita, marahan nyang binitiwan iyon.
"Dito ka lang. Lilinisin ko lang itong bubog. Huwag kang tatayo diyan kung ayaw mong mapitik 'yang noo mo," he ordered without glancing at me.
I jutted out my lips. Kinuyakoy ko lang ang mga binting nakasabit sa gilid ng kama habang pinanonood siyang maglinis. He's wearing a gray fitted shirt and a pair of faded pants.
"Madalas po ba ako noon sa ospital?" tanong kong bigla.
Natigilan siya sa pagba-vacuum ng sahig at sumulyap sa akin. Gumalaw ang panga niya.
"Bakit mo natanong?"
"May... naalala po ako. I assumed I was inside a hospital room. White ceiling and walls, the bed, and some medical equipment..."
"Oo. Pasaway ka kasi noon kaya lagi kang nasa ospital," he interjected with a grim face.
Pasaway ako? Iyon lang ba? Ano naman kaya ang ginawa ko na kinailangan pang sa ospital dalhin? And why there was someone apologizing to me? Kung kasalanan ko, bakit nagso-sorry ang ibang tao?
Is that how it should be? Should people be apologizing for something wrong they didn't even do in the first place? O may ganoon lang talagang tao?
Pero kung madalas na ako noon sa ospital, bakit ayaw kong pumunta roon ngayon para mas matingnan ako nang maayos?
Bumagsak ang tingin ko sa sahig. "I must have been a pain in the neck to my parents."
"Oo. Liit liit mo pero isa kang malaking sakit sa ulo."
My shoulders drooped and I was so near to drop myself to the floor and roll like a fetus. Grabe naman siya. Dalawang insulto sa iisang pangungusap. Hindi ko naman sigurado kung sakit sa ulo nga ako noon pero sana ay hindi ko na lang pala sinabi.
It's been a year since I recovered from a two-year long coma. Pinaasa lang ako noon ni Kuya Lair na makakapag-aral agad ako. Hindi pa pala puwede. Ipinagpatuloy ko pa ng ilang buwan ang session ko sa aking physical therapist para tulungang maka-recover.
My body and brain is slowly beginning to function well enough. Though, my memories aren't still getting back. Minsan na lang sumasakit ang ulo ko pero walang matinong alaalang bumabalik.
"Tapos ka na ba mag-ayos? Bukod sa magsasapatos ka pa, wala ka na bang ibang gagawin?" he asked after he was done cleaning my mess.
Kailangan kong palitan iyong pabango. It wasn't mine. Kaya lang ay hindi ko alam kung saan ako bibili at kung saan ako kukuha ng pambili.
"Tapos na po ako. Magsasapatos na lang... Ikaw po?"
"Kanina pa ako tapos. Ikaw na lang ang hinihintay ko. Hihintayin na kitang matapos dito. Mahirap na."
I smiled cheekily. "Puwede na po ba akong tumayo?"
Nagpamaywang siya sa harap ko kung saan siya nakatayo. He raked his hair from the front to the back using his fingers. Naningkit ang mata niya sa akin.
"Malamang. Ano, gusto mong buhatin kita hanggang palabas ng bahay?"
"Hindi po. Pero sabi n'yo po kanina, huwag po akong tatayo kundi ay pipitikin n'yo po ang noo ko," I explained.
Ayaw ko ngang mapitik ang noo. It would probably hurt badly knowing how thick and long his fingers are. Baka tumalsik pa ako.
Napatingala siya nang kaunti, nakapikit bago pinindot ang gitna ng kaniyang ilong. Nanlaki ang mata ko nang makita ang umbok sa kaniyang leeg nang umalon iyon. Mabagal na umangat-baba ang kaniyang dibdib bago napagpasyahang dumilat muli at ibigay muli sa akin ang atensyon.
He smiled sarcastically. "Naglilinis ako kanina kaya hindi kita pinapatayo. Tapos na ako ngayon. Puwede ka nang tumayo."
"Hindi mo po ako pipi—"
"Hindi kita pipitikin." Kumuyom ang panga niya at matalim akong tiningnan. "Kaya tumayo ka na at kumilos. Late na tayo nang mahigit isang oras sa napag-usapan na aalis tayo rito."
I smiled and nodded my head. Tahimik akong bumaba ng kama upang kumuha ng sapatos at bumalik sa dating puwesto. Binilisan ko ang kilos nang napansing tumatapik na ang paa niya sa sahig na para bang inip na inip sa kahihintay sa akin.
"I'm done po." I then stood up.
Tumango siya at nagtungo na sa pintuan. Bumuntot ako sa kaniya habang nakatingin sa eksaktong lugar na nilalapagan ng bawat hakbang niya at iyon din ang tinatapakan ko.
Ang lalayo naman ng agwat ng paa niya kada hakbang! Patalon ko na siyang hinahabol habang nakatingin pa rin sa hinahakbangan niya kaya nang tumigil siya at humarap sa akin, agad tumama ang noo ko sa dibdib niya at napaatras. Muntik nang mapaupo pero natulungan ko naman ang sariling hindi bumagsak. At hawak niya rin ako sa braso.
"Aray ko naman po!" reklamo ko at sinapo ang noo, nakasimangot nang tingalain siya. "Ba't ka po tumigil? Nauntog po tuloy ako."
He was scowling and the fold on his forehead surfaced when he probably noticed what I was doing.
"Ikaw ang bumunggo sa akin pero ikaw pa 'tong nagrereklamo?"
"Hindi po kita binunggo. Nakasunod po ako at tumigil ka kaya nauntog ako." I used my forefinger to poke his chest. "And your chest is as hard as my head, I guess."
His eyes followed my finger on his chest so I abruptly retrieved my hand away from him and hid it behind me.
"Tss..." He rolled his eyes. "Stop hopping."
Wala na siyang ibang sinabi. Ngumuso ako nang naglakad na muli siya. I should zip my mouth or his thin patience would suddenly snap. However, I still did what I was doing as I followed him. Only that I noticed the gap of his feet for every step was no longer that far from each other.
We were in the living room when my eyes searched for a clock. I need not have to have my memories back to know that time is precious. A few minutes of being late for something is already time wasted.
Nahihiya tuloy ako dahil nakatulog nang matagal sa banyo. Paano pala kung bukod sa pupuntahan namin, may iba pang pupuntahan o kikitain ang kasama ko? Ang disrespectful naman sa part niya kung ganoon. Siya na nga ang gumagawa ng pabor para sa akin, sinasayang ko pa ang ibang oras niya.
"Sa labas na tayo kumain bago dumiretso sa school. May karinderya naman malapit doon. Doon tayo," pahayag niya nang nakalabas na kami pareho ng bahay. "Ayos lang sa 'yo?"
Tumango ako. Hinintay niya akong makalapit sa gilid niya bago naglakad ulit. Both my arms were on my side and swinging. Tumingala ako sa kaniya nang tumama ang kaliwang braso ko sa kamay niya.
Wala naman siyang sinabi pero ipinasok niya ang kamay sa loob ng bulsa ng pantalon niya.
"Maglalakad lang po ba tayo?"
I tilted my head until my eyes narrowed at the brightness of the morning blue sky. May araw pero hindi pa naman ganoon kainit dahil siguro, umaga pa lang.
"Puwede ka namang maglakad tapos ako, sasakay."
Nagsalubong ang kilay ko. "Pero hindi ko po alam ang daan papunta ng school po na tinutukoy n'yo."
Well, if he'd give me a map showing the way to that school, maybe I could walk... even when I'm alone.
He stopped on his track and so did I. His head turned to me and his chin tipped down as though motioning me to come closer to him. I took a step sideways and in an instant, my neck was locked in his arm. I held his ironclad forearm and attempted to pull it away from me.
Nanayo ang mga balahibo ko sa batok at braso nang maramdaman ang hininga niya sa gilid ng mukha ko. Sinasakal niya ako pero hindi naman ganoon kahigpit dahil nakakahinga pa ako nang maayos. Nevertheless, it was uncomfortable.
Hindi ko alam kung dahil nga sa pagkaka-lock ng ulo ko sa braso niya o dahil... magkadikit ang katawan namin at ang binubuga niyang hininga sa tainga ko ay naghahatid ng kakaibang kiliti sa tiyan ko.
"Gumagaling ka lang... padaldal ka na naman nang padaldal, ano?" bulong niya sa malalim na boses.
I swallowed. My hands loosened on his arm until only my fingertips were touching his a bit hairy skin. Saka niya lang ako pinakawalan nang tuluyan at muling naglakad patungo sa gate.
My eyes feasted on his broad shoulders from the back. Hapit sa katawan ang kaniyang suot na pati ang manggas nito ay niyayakap na rin ang braso niya. With those strong arms, he could squashed me effortlessly until I get pulverized.
Pagkalabas ko ng gate kasunod niya, namataan ko siya sa tabi ng isang big bike na kulay itim at matingkad na asul. He was already holding one helmet and the other one's hanging on the left handgrip of the handlebar.
He cocked his head in my direction. It was a sign for me to amble toward him. Humarap siya nang maayos sa akin nang tumigil din ako sa tabi ng big bike bago niya inilusot ang helmet sa ulo ko.
"You can ride this big bike po?" I asked while he was locking the strap of my helmet.
"Actually, magpa-practice pa lang ako magmaneho. Suwerte ko, ikaw kasama ko." Ngumisi siya bago ibinaba ang salamin ng helmet at tinapik ng dalawang beses ang uluhan nito.
Suminghap ako at itinaas ulit 'yong salamin. "What if maaksidente po tayo?"
"What if huwag kang magsalita?" he retorted.
I pouted. "You're so suplado naman po. I was just asking..." sabi ko at pinasadahan ng tingin ang big bike sabay kapa roon sa upuan na medyo mainit na dahil nakabilad sa araw.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko at isinuot na lang ang isa pang helmet at lumapit ulit sa akin. My hands automatically clung onto his shoulders when he crouched and lifted me up on my waist. It was either I was too light or he was just too strong that he could put me on the big bike without exerting much effort.
Nasa magkabilang gilid ng motor ang mga binti ko nang sumakay rin siya sa harapan ko. Nakagawi sa kanan ang ulo ko at agad na gumapang ang mga braso sa kaniyang baywang.
His gloved hands held my wrists. Akala ko ay tatanggalin niya pero hinila niya lang iyon para mas lalong sumikip ang pagkakakapit ko sa kaniya.
His head swiveled to the right.
"Ayos ka na diyan?"
"Yes po!" I replied louder.
"Very good."
Hinilig ko ang ulo sa malapad niyang likod nang gumalaw na ang motor at binuhay niya na ang makina. His back was amazingly comfortable regardless that I am not sure if we would arrive at school safely.
Bilang sa daliri sa kamay ang paglabas ko sa bahay na tinutuluyan. Napuntahan na namin ang ilang lugar na posibleng makatulong sa akin upang bumalik ang alaala, kabilang na ang bahay namin, subalit hindi iyon naging sapat.
Maybe if I meet other people closest to me... especially those Kuya Lair had been mentioning to me before, they could help me with my situation. Pero ang hindi ko maintindihan ay ang kakaibang takot o kaba na umuusbong sa dibdib sa tuwing iisipin na kikitain ko na sila. The reason why until now, I have yet to decide when I should meet them.
If they are so important to me, why do I feel scared to meet them?
"Nandito na tayo," anunsiyo ni Kuya Lair nang tumigil ang motor sa tabi ng sidewalk.
He removed his helmet so I copied him. Tumagilid ang motor kaya napahawak ulit ako sa baywang niya gamit ang isang kamay. Nilingon niya ako para kunin sa akin ang helmet.
"Baba," he instructed.
"O-okay po," I said in a little voice and followed what he told me.
His serious eyes flickered to meet mine. "Hintayin mo 'ko rito. Maghahanap lang ako ng paparadahan."
Tumango ako at nagtungo sa sidewalk habang pinapanood siyang umalis sakay ng motor. I waited for him patiently until I spotted him again walking toward me. I smirked and hopped actively to meet him halfway. His head was stooping down as he brushed his already disheveled long hair.
"You need a comb for your hair? I have one in my bag!" maligayang sabi ko at hinawakan ang dalang maliit na chain bag.
Tumigil siya sa pagsuklay ng buhok at pailalim akong tiningnan. His sunken gaze dived deeper into my eyes that I thought I'd be drowning with him. Slowly, I drifted my stare away from him.0
"Magpapagupit ako pagkatapos natin dito," wika niya.
Sumulyap ako sa kaniya at ngumuso. "Hindi ko po tinatanong."
"Huwag na lang pala," bawi niya at naglakad na muli.
Kumunot ang noo ko at humakbang na rin. This guy probably has a problem with decision making. Wala pa nga yatang isang minuto ang nakalipas, nagbago na agad ang isip na magpagupit.
Bumaba ang tingin ko sa nakasarado niyang palad bago ko inilusot ang braso sa pagitan ng tagiliran at braso niya. I hugged it on my side like I was a clingy cat afraid of getting lost.
Iritado ang mata niya nang lingunin ako pero wala namang sinabi.
"You look good with your long hair naman po, e." I sighed in a problematic way. "But you also look neat with your clean-cut hair."
His hair a year ago was the latter. Ngayon, hindi pa siya nagpapagupit ulit kaya napahaba. Though it didn't reach his shoulders yet. Lagpas lang ng tainga ang haba kapag nakikita kong bumababa sa gilid ang buhok niya na minsan ay humaharang sa gilid ng mukha niya. His hair was dark brown and wavy. Silky and soft.
Nahawakan ko na ang buhok niya noon at ngayon, hinahawakan ko ulit. Hirap lang akong abutin dahil iniiwas niya at mas matangkad siya nang sobra.
"Nuala, isa!" saway niya sabay tingin nang matalim sa akin.
"Dalawa! Tatlo!" I cackled. "Pahawak lang po, e. Sarap po kaya hawakan ng buhok mo. Ang lambot!"
"May buhok ka, 'yan ang hawakan mo," iritado pa rin niyang balik.
"But my hair isn't as soft as yours."
Hinila niya ang braso mula sa pagkakapit ko kaya parang dinaganan ng isang sakong bigas ang balikat ko. But my eyes widened a fraction when he raised his hand and started caressing my hair that albeit gently, high voltage electricity transmitted from my head that traveled to my nape and down to the bone of my back.
Patuloy pa rin kaming naglalakad pero para bang nasa buwan kami sa sobrang bagal. Kung anong bagal ng bawat hakbang namin ay siyang tripleng bilis naman ng pintig ng puso ko.
Nakaawang ang labi ko habang nakatingala sa kaniya. His was closed and his eyes squinted down at my face. Hindi siya nakatingin sa mga mata ko. Nasa... mas mababa. Pero nasa mukha.
Nakakakiliti ang ginagawa niya sa buhok ko lalo na sa tuwing gumagapang ang mismong kuko niya sa anit ko. Muntik pa akong mapapikit kung hindi niya lang tinanggal bigla ang kamay sa buhok ko.
"Tss... sarap na sarap ka naman..." bulong niya.
My eyes were drowsy but I swear, there was a ghost of smirk on his lips. Sarap na sarap? Saan? Sa ginagawa niya? E.... masarap naman talaga sa feeling 'yong ginawa niya.
I puckered my lips when his pace quickened. Humabol ako sa gilid niya habang sa kaniya pa rin nakatingin.
"Masarap nga po kasi nakakakiliti. E, kayo po? Kapag ba hinahawakan ko ang buhok mo, nasasarapan ka rin po?" kuryuso kong tanong.
His hands moved like quicksilver. Ang isa ay nakatakip sa buong mukha ko at ang isa ay nasa likod ng ulo ko. I halted on my spot, stunned and dazed.
"Sarap mong ibalik sa bahay para itali sa kama at busalan ang bibig!" he snapped at me.
"Ayoko po," I said in a muffled voice so I was sure he didn't understand my words.
"Sa oras na alisin ko 'tong kamay ko, manahimik ka na. Naiintindihan mo?" mariin niyang utos.
Tumango ako.
Hinawakan ko ang kamay niya para alisin dahil nahihirapang huminga sa pagkakapisat ng ilong ko. My poor nose! I pouted when I could breathe freely and comfortably again. Binalingan ko siya at una kong napansin ang pamumula ng tainga niya.
"Hala! Namumula po ang tainga n'yo!" bulalas ko sabay hawak agad sa tainga niya.
Nanlaki pareho ang mata namin. Ako, dahil naramdaman ang init doon sa tainga at nagulat din sa reaksiyon niya. Napatalon pa nga!
He shoved my hand away from his ear. "Sinabi kong manahimik ka na, hindi ba?" asik niya, ngayon ay pati ang leeg ay namumula na.
"Pero namumula po kayo—"
"Kaya nga manahimik ka!" He almost groaned angrily. "Lumayo ka at huwag mo na 'kong hahawakan ulit kung ayaw mong magalit ako sa 'yo!"
I was just worried about him but my heart sank when he shouted at me. Yumuko ako at bigong tumango. Ayaw kong magalit siya kaya lalayo na lang ako.
I took three steps to the left and turned to him with a pleading look. "O-okay na po ba ang ganito kalayo?"
Hawak niya ang tainga at nakakunot ang noo nang natigilan dahil sa tanong ko. Humarap siya sa akin at matalim akong tiningnan. Para bang sinasabi na hindi siya nakikipagbiruan kahit seryoso naman na rin ako.
"Hahakbang pa po ba ako palayo?"
Umigting ang panga niya at nanatiling madilim ang tingin sa akin. Isang hakbang pakaliwa ang ginawa ko.
"Ito po? Okay na?" maingat kong tanong habang pinipisil na ang mga daliri sa kamay. "Tama na po ang ganito kalayo, please? Ayoko na po nang... mas malayo pa sa 'yo."
"Dalawang hakbang ko lang ang layo mo sa akin. Seryoso ka ba?"
Napalunok ako. The time was ticking. In all honesty, I don't wanna waste more time of being away from him. I just want him beside me for no reason. Or mayhap, I'm just being... clingy? Baka gusto niya na talaga akong palayuin sa kaniya dahil naiirita na?
Kunsabagay, isang taon din niya akong naging alagain nang gising ako. At siguro dahil siya lang ang madalas kasama kaya gusto kong nakadikit lagi sa kaniya? But if he's so done with me...
Handa na akong humakbang palayo nang may tumawag sa pangalan ko.
"Tala?"
A few meters in front of me was a tall guy in a white round neck shirt and a pair of pants. He was wearing a black cap so half of his face was shadowed. Tinanggal niya ang cap at ang singkit na mga mata agad ang malinaw na nakita.
"Tala," ulit niya sa mas siguradong tono.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top