Chapter 8
Chapter 8
Napabalikwas ako ng bangon sa kinahihigaan, hinahabol ang paghinga at tumatagaktak ang pawis sa noo, gilid ng mukha, at sa aking leeg kahit pa nakabukas ang aircon. I waited until my sight adjusted in the dark and the dim light from the moon outside finally helped me to see a bit of my room.
Nilingon ko ang direksyon ng side table at lumapit doon para buksan ang lampshade. I pulled my legs up and hugged them like they were the only walls to keep me sane. I nestled my forehead between my knees while my shoulders shook as I cried.
All images were blurred but I could hear cries, pleas, and gunshots. It seemed it happened in real life. It was horrible. At tulad ng madalas, hindi na ako nakakatulog kaya matapos kong kumalma, nagbasa na lamang ako ng libro hanggang sa tuluyan nang sumilip ang araw sa labas ng bintana.
I closed the book I was reading and put it back on the shelf. I was tying my hair into a messy bun when a knock on the door made me turn in its direction.
"Nuala, gising ka na?" ang marahang tanong mula sa taong kumatok.
"Yes," I answered without opening the door. "I'll just take a quick shower first."
"Alright, then. Nagluto na ako ng almusal natin. Sabay na tayong kumain pagkatapos mo diyan."
There was no response from me after that. Wala na rin naman akong narinig mula sa kaniya. Tinanggal ko ang suot na reading glass bago nagtungo sa bathroom para maligo.
Nagtagal ang babad ko sa bathtub sa pag-iisip nang malalim. Kahit anong hilot sa sentido para makaalala, hindi ko magawa. I sighed heavily. Tinapos ko ang pagligo at nagpalit ng ternong spaghetti strap top at shorts.
Sinusuklay ko pa ang basang buhok habang naglalakad patungo sa kusina nang namataan ang nag-iisang kasama sa bahay na ito. He was sitting on one of the chairs in front of the dining table. His arms crossed over his chest and ruminative eyes fixed at the plate on the table.
Mabilis na umangat ang tingin niya sa akin nang naglakad na ako palapit sa table. Tumayo siya para hilahin ang upuan sa kaniyang kanan kaya roon ako umupo.
"Salamat po," mahina kong isinatinig.
"Kumain na tayo. Aalis ako pagkatapos at... ikaw..." aniya habang umuupo at tumingin sa akin. "Kung may gusto kang puntahan, sasamahan kita pagkauwi ko. Hindi naman ako magtatagal."
His tone was gentle but his voice was low and husky. He's two years and a half ahead of my age. Tumigil sa pag-aaral pansamantala. He said he was hired as my bodyguard then... until now.
I'm all alone. I don't know who hired him and if he's paid accordingly. Ilang beses akong nagtanong tungkol doon pero tikom ang bibig niya. In the end, hindi ko na pinilit. Kung manghihingi man siya ng suweldo, hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera.
I glanced at our background. He said this is his family friend's house. Every single thing here looks expensive. Kaya lang ay walang tao bukod sa aming dalawa.
"Nuala," he called when I didn't reply to his question. "Ayos ka lang?"
"Ah... o-opo." Dinampot ko na ang sandok ng kanin para maiwasan ang kaniyang tingin.
"Nakatulog ka ba nang maayos?"
Tumango ako nang tipid.
Eulalie Foinnuala Lanzaderas. That's my full name based on my birth certificate he had shown me. Only child. My birthday is on the 15th of October. Junior high school completer.
Naaksidente dalawang taon na ang nakalipas at gumising lang nitong nakaraang tatlong buwan. My Dad was dead and my Mom was in prison. Sa maraming impormasyong sinabi sa akin ang bodyguard tuwing may tanong ako at sinasagot niya, ito ang pinakaimportante sa akin. Although I didn't ask him yet the reason behind my father's death and mother's imprisonment.
"Enrollment na next week sa school na dati mong pinapasukan. Do you want to go visit your school today... later? Maybe it could help you regain your memories."
I know my name and my family's but not his. Kaya hindi ko alam kung ano ang itatawag sa kaniya. But I am very much grateful with his efforts to help me to remember. He's so patient and cooperative. At... hindi ko alam kung kasama ba sa job description niya ang lahat ng ginagawa para sa akin.
"Okay po. Thank you."
He nodded slightly. "Gusto mo bang pagkabalik ko tayo pumunta sa school? O after lunch?"
Nilunok ko muna ang nginuya bago sumagot, "Saglit ka lang po ba sa pupuntahan mo?"
"Oo. Dadaan lang ako sa kaibigan at mag-uusap saglit tapos ay uuwi rin agad ako," mabilis niyang sagot.
"Sige po... pagdating n'yo na lang." I smiled.
Tumagal ang titig ng kaniyang malalim na mga mata sa akin. Like he was trying to read something in my eyes. I tilted my head and stared back at him.
He licked his lips and averted his gaze from me. "Okay."
Pagkatapos kumain ay umalis na nga rin siya agad kaya naman bumalik na ako sa kuwarto. Somehow, I got excited at the thought of after almost two years of staying only here in this house, I finally get to step out again.
Ilang beses niya akong sinubukang kumbinsihing lumabas pero wala akong gana. Ang mga espesyalista na tumitingin sa akin ay pinapupunta niya rin dito sa bahay dahil for some reason, ayaw kong magpunta ng ospital. Na para bang bago pa naging ganito ang sitwasyon ko, ayaw ko na talaga sa lugar na iyon.
Binuksan ko ang closet na hindi ko naman pagmamay-ari kundi sa bunsong babaeng anak ng may-ari ng bahay na ito. My cheeks warmed when I remembered what my bodyguard said before I took my first bath after over two years of sleeping in bed.
"Ilang taon na po ang may-ari ng mga damit na 'to?" tanong ko noon.
"Nine. You're tiny so those clothes should fit." Bahagyang umusbong ang maliit na ngisi sa kaniyang labi. "Huwag kang mag-alala, nagpaalam ako sa kaibigan ko kung puwede mo 'yang gamitin."
Tiny... ganoon ba ako ka-tiny na kasya talaga itong mga damit ng 9 years old sa akin? O baka medyo malaki naman ang katawan ng batang tinutukoy niya?
Naramdaman ko ang presensiya ng paglapit niya sa gilid ko. Hindi ko alam kung bakit para bang may init na nakapaligid sa kaniya dahil naramdaman ko rin iyon nang tumigil nga siya sa tabi ko para hawiin ang mga naka-hanger na damit.
"Kung ayaw mo nito, may mga damit naman din ako rito. Puwede kitang pahiramin ng shirt. Siguradong malaki iyon sa 'yo. Pili ka na lang dito ng shorts kung gusto mo."
"H-hindi... ayos lang po ito!" bawi ko at niyakap na ang nakuhang damit. "Pero... wala po ritong..."
Nilingon niya ako habang nakataas ang makapal na kilay. Nakayuko siya nang bahagya dahil hanggang kilikili niya lang ako at ako naman, nakatingala nang kaunti sa kaniya.
"Ano?"
Uminit ang pisngi ko at dahan-dahang umiling.
"Ah... panty at bra ba?" tanong niya na para bang nabasa ang iniisip ko.
Ngumuso ako.
Kumunot ang niya at tumingin sa kabilang side, may binulong saglit pero ibinalik din sa akin tingin.
"Bibili muna ako sa labas. Kung gusto mong maligo na, pumasok ka na sa banyo. Hintayin mo na lang ako rito. Bibilisan ko."
Sa bilis ng sinabi niya at paglabas niya ng kuwarto, hindi ko na naitanong kung alam niya ba ang size ko. Siguro... kasya ang small sa akin sa panties... pero sa bra? I don't know my size. Probably the smallest cup, too?
Pinagmasdan kong muli ang laman ng drawer na binuksan ko para makaligo. Ang dami niyang binili noon at tama nga ako, puro small ang size nito. Hindi ko lang alam kung saan siya nakabili.
I chose to wear a pastel yellow undershirt and a jumper dress. He brought a lot of this because, according to him, I loved wearing this kind of outfit. Sa paa ay isang pares ng puting rubber shoes. Bago lahat.
Hinila ko ang drawer ng tukador ng batang may-ari ng silid na ito. I want to fish out the yellow floral crochet bandana. Nanginginig pa ang kamay ko sa hindi ko malamang dahilan. My bodyguard said this is mine... and it was my favorite headdress when I was in junior high.
Because, as per him again, it was a special gift from someone I knew before. When I asked the name, hindi niya raw alam. That someone must probably be special to me. I wanna know—remember rather—that person but I don't want to press him about that someone when he already told me he didn't have any idea.
Pero kasi... paano niya malalaman na espesyal ang bagay na ito sa akin? Did I tell him about it? Gaano na nga ba kami katagal magkakilala noon? I couldn't doubt his intention when all he does is to help me fully recover.
Matagal akong nag-ayos ng sarili kahit hindi ko alam kung may iaaayos pa ba ako. Nagbasa muna ako habang naghihintay sa pagbabalik ng aking bodyguard. Bodyguard. Is it proper to call him that, though? He's doing more than being a bodyguard. Mayhap, is he not just a bodyguard but also a friend of mine?
Hindi ko alam. Tumigil sa paggalaw ang mata ko sa isang salitang nabasa sa pahina ng binabasa. My eyes widened but I immediately closed it. Napahawak ako sa aking ulo habang nakayuko, iniinda ang biglaang pagsakit nito.
I wailed without suppression because I know that I'm alone in this room. Nahawi ko ang libro sa aking kandungan at sinubukang tumayo mula sa kama ngunit hindi nagtagumpay.
I could hear indistinct voices from the unclear faces of people. Nagtatawanan sila, tila nagkukuwentuhan tungkol sa isang masayang bagay. Parehong boses ng mga lalaki at babae.
"Ate Tala, are you okay po?" the girl's voice asked.
Ate Tala? To whom she was talking? Suddenly, the voices gradually went almost into whispers. Hanggang sa tuluyan nang wala akong narinig.
Ilang sandali pa nang tumigil sa pagsakit ang ulo ko at nang dumilat ay may tumulong luha sa aking pisngi. My head snapped in the doorway of my room when it flew open. Nakaawang ang mga labi ng bodyguard at ang malalaking hakbang niya ang bumawas sa distansiya naming dalawa.
"Ano'ng nangyari?" bakas ang pag-aalala sa kaniyang boses nang natagpuan akong nakasalampak sa sahig. "Ayos ka lang? Tatawagan ko ang doktor mo."
Nakaalalay ang isa niyang kamay sa likod ko at ang isa ay nasa aking braso. He was trying to lift me up when I spoke.
"Who's Tala?"
Natigilan siya. His eyes then traveled up to meet mine.
"Ikaw 'yon. That's your nickname."
Sa bilis niyang sumagot, sigurado akong nagsasabi siya ng totoo. But...
"Nickname? My name is Eulalie Foinnuala, though. Where did that nickname come from po?"
Sinubukan niya ulit akong patayuin ngunit parang patay na ang mga binti ko dahil hindi maigalaw. Bumuga siya ng hangin at nagulat na lang ako nang biglang lumipat ang kamay niya mula sa braso ko patungo sa ilalim ng aking mga binti. Sa gulat ko ay napahawak na lang ako sa kaniyang leeg nang buhatin ako at inilapag sa gilid ng kama.
Nakatayo siya sa harapan ko, nakayuko at pinagmamasdan ako gamit ang seryosong mga mata. Tumagilid lang ang ulo ko habang tinitingala siya. Pinunasan ko ang pisngi gamit ang mga daliri. He sighed stressfully.
"I made that nickname of yours when we were still kids. You didn't even remember me when we met again after a couple of years." He chuckled without humor as he looked away. "Hindi galing sa pangalan mo ang palayaw na 'yon."
Umawang ang labi ko. "Kung ganoon... saan po galing?"
Ngumisi siya at hinarap muli ako. Ipinatong niya ang kamay sa ibabaw ng ulo ko.
"Gusto mong malaman? Ipapaalala ko... mamayang gabi."
He'll tell me later at night. Bakit mamaya pa kung puwede namang ngayon? Hindi na lang din ako nagtanong pa kahit maraming tanong sa isip dahil baka mairita siya at sa huli ay hindi na sagutin pa ang mga tanong ko.
Kung siya ang nagpalayaw sa akin nang ganoon, ibig sabihin ba ay matagal na rin nga kaming magkakilala? Even before he was hired as my bodyguard? Kaibigan ko rin kaya talaga siya noon? Do I even have many friends back then?
Kung meron kahit isa, bukod sa kaniya kung totoong kabilang siya roon, bakit wala siyang sinasabi sa akin tungkol sa kanila? The voices in my head earlier.... siguradong kilala ko ang mga iyon. But... are they really my friends? If yes, aren't they looking for me?
Pero paano nga naman ako makikita kung halos dalawang taon ako ritong tulog at kahit nang gumising ay hindi pa lumalabas? Ngayon lang.
My doctor came to check up on me. I told him what he needed to know, and he gave me a piece of advice regarding my episodes and night dreams.
"Thank you, Dr. Deocampo," my bodyguard said when my doctor was about to leave.
Nagpasalamat din ako at balak nang sumama sa kanila para ihatid ang doktor pero pinigilan ako ng bodyguard. Lumingon ako sa bintana at pinaglapat ang mga labi habang nag-iisip nang malalim. Noon pa man, sinabi na ng doktor na maaaring makatulong ang pagbabalik ng alaala ko kung pupunta ako sa mga lugar na pinupuntahan ko noon, makita ang mga taong malapit sa akin kahit sa litrato lang, o 'di kaya ang mga bagay na posibleng may koneksyon sa akin sa nakaraan.
"Ipagpaliban na muna natin ang pagpunta sa dating school. You should take a rest instead," ang bungad ng kasama ko sa bahay pagkabalik niya sa kuwarto.
Pinagmasdan ko siya. "K-kumusta po ang lakad n'yo kanina? Nakapag-usap po ba kayo ng kaibigan mo?"
His stare was stern as his head bobbed. "Matulog ka na lang muna. Dito lang ako sa may sofa. Babantayan kita," mahinahong sabi niya sabay lingon sa tinutukoy na sofa katapat ng aking kama.
"Kailan po tayo pupunta ng school?"
"Puwedeng bukas kung gusto mo at kung maayos ang pakiramdam mo."
Humikab ako kaya nangilid ang luha sa aking mata. Nakabantay pa rin sa akin ang mga mata niyang parang agila at hindi ko alam kung bakit sa pagkakataong ito, mas tumagal ang pagtitig ko pabalik sa kaniya. Parang naghahamon, lumapit siya sa akn at mas lalo akong hindi nilubayan ng tingin.
"Matulog ka na."
Bumaba ang tingin ko sa kaniyang gilid. Siguro dahil maliit ang kamay ko, sobrang laki na ng tingin ko sa kaniya. It looked rough and calloused. Without thinking, my hand reached for his and it confirmed my thoughts. Matigas, magaspang, at mabigat. Nanlalaki ang mga mata ko habang kinukumpara ang laki ng mga kamay at daliri namin.
"Ano'ng ginagawa mo?" malamig niyang tanong at binawi ang kamay sa akin. "Matulog ka na nga."
Tumaas ang tingin ko sa kaniya, namamangha pa rin. This is the first time I've ever hold his hand since I woke up from being comatosed. Sure, he had touched mostly my arm whenever I needed assistance. Pero hindi ko kailanman napagtuunan ng pansin ang tungkol sa kamay niya.
At ngayong nahawakan ko... hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay matagal ko nang nahahawakan ang kamay na iyon. O baka gawa-gawa ko lang?
He stepped back and hid his hands behind him. Kinagat ko ang aking labi.
"Kung hindi ka matutulog, hindi tayo aalis bukas," banta niya.
"M-matutulog na po ako!" I said, panicking a bit. "D-dito ka lang po muna hanggang makatulog ulit ako, please..."
I need to follow his order as long as it doesn't hurt me. Sleeping won't hurt me, right?
"Dito lang po ako, Ate Tala. Hindi po kita iiwan!" maligayang sambit ng boses ng isang batang babae. "Kahit kailan!"
"Pinky promise po?" Inilahad ko ang hinliliit sa kaniya.
Ginaya niya ang ginawa ko at inangkla namin ang mga iyon sa isa't isa. "Pinky promise po!"
I giggled. "Hindi rin po kita iiwanan... kahit kailan."
Napaahon ang kalahati ng katawan ko sa kama kasabay ng pagdilat. Hinihingal at pinagpapawisan kahit malamig sa loob ng silid. Dinala ko ang mga daliri sa aking pisngi at naramdaman ang basa roon.
Bakit... umiiyak ako? Kaunti lang ang naalala ko sa napanaginipan at iyong mukhang masaya naman ako roon. Kaya bakit umiiyak ako?
"Nuala..."
Bumaling ako sa kaliwa at nanghihinang bumuga ng hangin. My heart was still pounding when my eyes surveyed his face. Bumagsak din agad ang tingin ko sa aking kamay kung saan naroon sa ibabaw nito ang kaniya. Mainit ang hatid nito sa balat ko. And surprisingly... it soothed me.
"Ano'ng napanaginipan mo?" his tone was calm and encouraging.
"Batang babae... kausap niya po ako. She feels familiar to me," nabasag ang boses ko pagkasabi nito. "Siya rin sigurado iyong kaninang boses na narinig ko. Ate Tala... iyon palagi ang tawag niya sa akin."
Binitiwan niya ang kamay ko. May kinuha siyang baso ng tubig sa side table bago ibinigay sa akin iyon. Saka ko lang naramdaman ang panunuyo ng lalamunan nang sinubukan kong lumunok ng laway bago ko hinalikan ang labi ng baso.
I emptied the glass of water. Kinuha niya rin sa akin iyon at ibinalk sa pinagpatungan kanina.
"Kung... ikaw po ang nagbigay sa akin ng nickname ko na iyon, bakit iba na po ang tawag mo sa akin ngayon? Why are you calling me Nuala instead of Tala? Do I have other girl friend? Siya po ba 'yong nakita ko sa panaginip na tumatawag sa akin? What is her name? Matagal mo na po siguro akong kilala kaya baka kilala n'yo rin po siya?"
My questions was fired at him like a machine gun. He licked his lips to moist it. Bumuka para magsalita pero nauna na naman ako.
"And what really is your name?" This is for the nth time questioning. "I want to know your name, please. I want to remember you, too..."
Halos nagmamakaawa na ang tono ko. Bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakapatong sa aking mga hita. He pursed his lips and his eyes shut tightly. Lumipat ang tingin ko sa kamay niyang nakatukod sa kama at napansing kinukuyom niya na ang comforter na para bang may galit siya roon.
"Please po..."
Dumilat siya. Para bang antok na antok na siya dahil sa mabibigat na talukap ng mga mata. Kitang-kita ang pag-igting ng kaniyang panga bago inusal ang hinihiling ko sa kaniya.
"Lairgren."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top