Chapter 7

Chapter 7

"Ang sabi, art materials lang ang bibilhin. Bakit puro pagkain 'yang dala mo?" 

Lumingon ako sa likod kung saan nakasunod sina Kuya Wilder at Kuya El. There was a safe distance in between them while the former was holding the two paper bags. Pagkatapos sa NBS ay nagpasama lang ako sa McDO para mag-take out ng meryenda naming tatlo. They only stayed at the outside, though, and who knows what happened when they were left alone.

"Malamang, galing siyang McDo. Ano'ng gusto mong dalhin niya paglabas doon? Kutsara at plato? Mesa at upuan?" pambabara ni Kuya Wai sa kaniya. 

"Puwede rin para may maisungalngal ako sa bibig mo at maihambalos sa ulo mo."

"'Yan! Kaya ka umulit ng Grade 6 dahil barumbado ka."

"'Yan. Kaya kayo natatalo sa DOTA dahil puro ka trashtalk, bobo naman."

"At least hindi repeater sa Grade 6."

Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanila, dahilan para tumigil din sila sa paghakbang. Ang tingin ni Kuya El sa kasama namin ay para bang ano mang oras ay handa na siyang hambalusin talaga ito.

"Will you please stop with the bandy words with each other?" I pleaded with sinking shoulders.

I fixated my eyes on Kuya Wai.

"Oh, bakit ka sa 'kin nakatingin?" si Kuya Wai na nakakunot ang noo sa akin. "Hindi ako ang nagsimula, ah? Sinagot ko lang siya." Sabay nguso sa kasama namin.

"Ikaw ba ang tinanong ko kanina? Sabat ka kasi nang sabat, hindi ka naman kausap,’ asik ni Kuya El.

"Hindi ako ang tinanong mo pero spokesperson ako ng bubwit na 'to," tukoy sa akin ni Kuya Wai.

Kuya El's forehead crumpled. "Spokesperson ampu—"

"Hoy!" Sinipa ni Kuya Wai si Kuya El sa likod ng binti dahilan para maputol ang sinasabi ng huli. "Bawal magmura sa harap ng bata!"

"Ga—"

"Tumigil na nga po kayo!" singhal ko na at lumapit sa kanila para tapakan ang mga paa nila. 

They only looked down at their feet. I narrowed my eyes and scowled at them. Kanina pa sila sa school nagtatalo. Kahit noong nasa sasakyan namin kami at nakapagitan na ako sa kanilang dalawa, nagtatalsikan pa rin ang mga laway nila sa akin. Balak pa yata nilang bawasan ang kulang ko na sense.

"Ikaw po, Kuya El!" Itinaas ko ang kamay at itinuro siya kahit may hawak akong cup holder ng soft drinks. "Stop threatening other people with violence, will you? Nakakatakot ka po kaya!"

Umirap siya. Nagsalita naman si Kuya Wai.

"Miss Minion, iyon nga ang point ng pagbabanta niya. Saan ka nakarinig ng nagbanta pero mapapahalakhak ka?"

"At ikaw naman po!" 

Napatuwid siya ng tayo at ngumisi. "Yes?"

"Huwag n'yo nga pong gawing insulto ang pagiging repeater niya. Mali po 'yon. May mali naman po kayo pareho kaya puwede po bang mag-sorry na lang kayo sa isa't isa?" pakiusap ko pa.

Nagkatinginan ang dalawa at para bang may kuryente pang dumadaloy mula sa mga mata nila ang naglalaban sa pagitan nila. Salitan ang tingin ko sa kanila nang pareho silang tumingin sa kabilang direksyon.

"Ayoko."

Huminga ako nang malalim. I couldn't believe that they agreed to disagree. They began to march again past me hence I turned around to follow them. Iniabot ko ang isang paper bag na hawak kay Kuya El at isang inumin habang naglalakad sa tabi niya.

"That's my treat for you po. Mainit pa po 'yan, parang ulo mo po!" I giggled but when he glowered at me, I immediately hushed myself.

Dumaan ako sa likod nila para pumunta naman sa tabi ni Kuya Wai. Naghahanap siya ng fries at dahil may nabili naman ako, nilabas ko iyon sa paper bag at inilahad sa kaniya.

"Ano, Miss Minion? Mukha bang mahahawakan ko pa 'yan?" Salubong ang kilay niyang tanong. "Subuan mo 'ko."

"Okay po!" 

"Subuan amp..." I heard Kuya El mumble. 

Kuya Wai's mouth almost ripped into two horizontally while I was feeding him and myself until we reached our car.  Hindi na sumabay sa amin si Kuya El umuwi kaya naman galak na galak si Kuya Wai pagkapasok namin sa likod ng sasakyan. He was even humming the tune of Banana song kaya naman kinanta ko na rin habang umiindayog pa ang ulo.

I didn't notice the amount of time we utilized at the mall not until I arrived at our house and got castigated for going home very late. Lumala lang nang nalaman pa ni Mommy na bumili ako sa isang fast food chain restaurant. 

"How many times do I have to tell you not to buy any food after your school? Kakain ka naman dito! Bakit kailangang bumili ka pa sa labas?"

"I'm sorry po. H-hindi ko na po uulitin..." maliit ang boses kong sinabi habang nayuko. "I... I was just... tempted to eat..."

"It's not as if you can appreciate them completely, anyway," she scoffed. "You will... never."

Lumubog ang mga ngipin ko sa ibabang labi at tumango. Nag-init ang bawat sulok ng mga mata ko at bago pa man tuluyang tumulo ang nagbabadyang luha, tumalikod na ako sa kaniya at tumakbo palabas ng kusina.

Few words... and it reminded me how cruel to live this way again. Bakit sa dinami-rami ng tao... ako pa?

But then, I couldn't blame anyone. I couldn't blame Him, too, if He decided to make me like this. While growing up, I've learnt that we are born imperfect in a perfect way. Pero may mga tao talaga na kung titingnan at makikilala mo, parang perpekto na talaga. Parang sinalo na lahat ng ganda sa katawan at ugali pati na ang mga talento. Walang kapintasan at mas lalong walang kapansanan.

"Tala! Sa'n ka pupunta, hija? Gabi na!" rinig kong sigaw ni Manang habang tumatakbo ako tungo sa aming double-door.

"Let her, Manang. Tingnan natin kung makakalabas siya ng subdivision!" si Mommy.

"Mitch, ano ka ba naman? Bata 'yan! Kapag may nangyaring masama sa kaniya—"

I pulled one of the doors open and ran faster. Hindi ko na narinig pa ang pinag-uusapan nila. Siguro sa sobrang sama ng loob ko kaya naninikip ang dibdib ko. Nanlalabo rin ang mga mata ko habang nakatingin sa daang madilim pagkalabas ng gate.

I tripped over my feet when I was already near the guardhouse. Hindi ako tumayo. Nakatupi lang ang dalawa kong binti sa magkabilang gilid habang nakalapat ito sa magaspang na kalsada. Ipinatong ko ang mga kamay sa ibabaw ng hitang natatakpan pa ng aking palda at tumulala.

Ramdam ko ang pagkirot sa aking ankle at kaunting hapdi sa tuhod. Saglit akong nabulag sa liwanag ng ilaw mula sa sasakyan nang may dumaan patungo sa direksiyon ko at nilagpasan ako. I brushed the tears off my cheeks using the back of my hand when I heard silent mewl. 

Tumingin ako sa kaliwa't kanan, hinahanap ang pusa na narinig. Tumayo ako sa pagkakasalampak sa kalsada at iika-ikang lumapit tungo sa sidewalk.

"Mingming!" I called upon seeing the poor kitten lying on the grass.

Lumapit ako roon at nag-squat para mahawakan siya. Sobrang liit pa niya at nanginginig. Payat at mukhang napabayaan. Ang buntot niya ay isang pulgada lang yata na para bang ipinanganak talaga siyang ganoon. Her mewl became louder like my touch pained her more than she was already experiencing.

"Where's your mommy cat?"

Hinaplos ko ulit nang marahan ang kaniyang ulo. The kitten was so tiny that I thought I could really hurt her when my finger touched her fur. Puti iyon kaya kahit medyo madilim sa parteng ito, kapansin-pansin ang pagiging marumi niya.

Nevertheless, I gathered my courage to take her in my hands even though she kept on meowing. I hushed her and caressed her more but lightly to calm her. Dinala ko siya malapit sa aking mukha para silipin ang mga mata niyang pumipikt-pikit na. May gasgas ang kaniyang ilong na hindi ko sigurado kung paano niya nakuha.

"Are you lost, baby cat?" Dinala ko siya sa aking dibdib. "You have no mommy cat? Are you hungry?"

Natahimik siya sa aking bisig pero hindi pa rin humuhupa ang panginginig niya. Ang naunang dahilan sa pagbigat ng dibdib ko ay napalitan ng awa para sa kuting.

Kawawa naman si mingming. Ang liit liit pa niya pero naiwan o iniwan na siya ng kaniyang ina. Though, I doubt that her mommy cat left her alone here. Baka may kumuha sa kaniya at dinala rito?

"Tala?"

Tatlong magkakasunod na busina ang nagpaikot sa mga paa ko para makita ang sasakyan na tumigil sa gilid ng kalsada—sa tapat kung nasaan ako. My eyes widened when I saw who was inside the backseat car.

"Kuya Dwight!" 

His eyes lit up when we finally each other clearly. Naglakad ako palapit sa kaniya dala ang mingming at binuksan niya naman ang pintuan bago lumabas. What is he doing here? Bibisita kaya siya sa amin? Siguro, kasi kami lang naman ang pinupunta niya rito.

But why did he not tell me that he'd visit us here? Madalas naman kasi ay nagsasabi siya sa amin bago pumunta.

"Sabi ko na nga ba at ikaw 'yan. Bakit nandito ka pa sa labas at naka-uniform? Hmm?" 

There was a small smile on his lips. Hinaplos niya ang ulo ko kaya ngumiti ako nang maliit. Bahagya kong inangat ang dalang mingming para ipakita sa kaniya nang biglang lumipat ang kamay niya sa baba ko para iangat iyon.

"Were you crying?" May bahid ng pag-aalala ang kaniyang boses at mga mata. "Your eyes are swollen... bakit?"

"Uhm... ah... I... I tripped!" Nakaisip agad ako ng dahilan. "And then I saw this mingming! Umiiyak po siya kaya nilapitan ko. Look, Kuya Dwight... she's so tiny and she's trembling."

Ilalapit ko sana iyon sa kaniya nang hawakan niya ang braso ko at bahagya nang hinila.

"Halika, pumasok ka na sa sasakyan at sabay na tayong pumunta sa inyo. Isama mo na rin ang kuting na 'yan para matingnan natin. We'll take care of her." He smiled.

Nabuhayan ako ng pag-asa para sa mingming. Subalit naisip ko agad si Mommy. When I asked her before if she'd allow me to adopt one of Kuya Wai's cats, she hated the idea and even reprimanded me. Ba't daw ako manghihingi ng pusa, e, hindi naman ako marunong mag-alaga at baka magkalat lang sa bahay.

Hindi ko naman hihingin sana 'yon, e. Ibibigay sana 'yon ni Kuya Wai sa akin kapalit daw ng ibinigay ko sa kaniya na miniature. Hindi nga siguro ako marunong pang mag-alaga, pero natututuhan naman iyon, hindi ba? At kung magkakalat naman ang pusa, e 'di ako ang magliligpit.

"Baka po magalit si Mommy kapag umuwi ako kasama ang mingming," sabi ko habang nakanguso at muling pinagmasdan ang kawawang kuting..

And just like before... nahihiya akong umuwi pagkatapos kong umalis sa bahay dahil nagtampo. Sumama ang loob dahil sa sinabi niya. She partly had a point, though, but was it really necessary for her to tell me that? When she knows herself it would offend me?

"Hindi 'yan. Ako ang bahala sa 'yo," ani Kuya Dwight. 

Tinitigan ko lang siya. He chuckled.

"Marami akong dalang chocolate."

He surely knew how to make me give in. I pushed my lips further but I knew my eyes were twinkling on his point of view. Lumawak ang ngiti sa labi niya nang tumango ako at pumasok sa loob ng sasakyan nila.

Ipinatong ko sa aking hita ang mingming. I should call Kuya Wai and ask him what to do with the kitten. Mas expert siguro siya rito dahil may alaga silang mga pusa. And if he'd say the kitten would need to go to a vet clinic, then I'd send her to one.

"Kawawa po talaga itong kuting," sabi ko nang umandar na ang sasakyan bago siya nilingon. "Kuya Dwight, sana po ay makumbinsi natin si Mommy na alagaan muna natin si mingming. But I'm also wondering where is the mommy cat."

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. "You said you just tripped, right? May masakit ba sa 'yo? How's your feet? Nasagutan ka ba?" sunod-sunod niyang tanong.

Kinagat ko ang aking labi at bahagyang hinila pataas ang palda ko. Saka ko lang ulit naramdaman ang kirot sa paa nang igalaw iyon. Iniangat ko rin ang binti nang kaunti at napansin ang gasgas sa gilid ng kanang tuhod.

"Nakakalakad pa naman po ako. Pero may sugat po..." Sabay haplos ko sa gilid ng tinutukoy. "Pagagalitan po ako ni Mommy nito."

Yumuko siya nang kaunti at hinawakan ang tuhod ko para suriin ang gasgas. "We need to clean it first. Pagdating natin sa inyo ay iyan muna ang asikasuhin natin."

"Si mingming po, need natin siya i-check. She may be hungry."

At ako rin. Kakakain ko lang pero gutom ulit ako. 

"Yes, we will also check on her. Una ka muna," sambit niya at hinila na ulit ang palda ko para takpan ang tuhod.

Tulad ng inaasahan ay pinagsabihan na naman ako ni Mommy. Nagtatago lang ako sa likod ni Kuya Dwight, hawak siya sa braso, habang siya ang humaharap at kumakausap kay Mommy. Biglang humiyaw ang kuting at imbes na takpan ang bibig niya para 'di siya marinig dahil hindi pa nakikita ni Mommy, bibig ko ang natakpan ko ng kamay sa pagpa-panic.

"What the hell is that sound?" Mommy's voice rose when the kitten mewled louder. 

Mingming, be quiet! Baka bago ka pa mapakain ay gawin ka  nang siopao para ikaw ang kainin!

My blood ran cold when Mommy's footsteps came closer to me. Napaigtad ako nang nasa gilid ko na siya at hinawakan ako sa braso. Hindi ko na maitago ang mingming sa kaniya.

"Eulalie!" she shrieked upon seeing the poor baby cat. "Sa'n galing 'yang dugyuting pusa na 'yan? Oh my God! Itapon mo nga 'yan!"

Mommy, what? Itapon ko? Ang mingming? May buhay ang mingming kaya bakit naman itatapon? 

"It's just a kitten, Tita. Ako ang nakakita sa daan kaya dinala ko na rito. Tala is just holding her," agap ni Kuya Dwight bago pa man ako makapagsalita.

Oh... he lied to Mommy. Lying is bad but it is for this baby cat! Nagtatalo tuloy ako kung aamin ba ako at hayaan na lang na mapagalitan lalo (tutal ay pinagagalitan na rin naman ako) o hayaan ko na lang si Kuya Dwight sa sinabi niya.

In the end, Kuya Dwight drifted the topic after telling Mommy that he'd be the one to take care of the kitten. Hindi naman nalaman ni Mommy na may sugat ako kaya nakaakyat kami sa kuwarto ko nang hindi pa tuluyang nabibingi.

Kuya Dwight helped me clean and treat my wound. Si Manang naman ay kumuha ng yelo para sa paa ko para mas mabilis daw gumaling. Binigyan ko muna ng water ang mingming dahil hindi namin alam kung puwede siya sa gatas na iniinom ko. Doon na rin kami sa kuwarto ko kumain ni Kuya Dwight.

After dinner, I called Kuya Wai through the landline and told him about the stray kitten. Then he said he'd go to our house to check on her. Magdadala na rin daw ng gatas para sa mingming.

"Your new friend?" Kuya Dwight asked while raising his brow after I dropped the call with Kuya Wai.

Pareho kaming nasa kama. Nakahiga ako sa gitna at siya naman sa gilid malapit sa aking nightstand. Nakapatong doon sa ibabaw ang box na dala niyang puro chocolate ang laman at inilalagay na ang iba roon sa drawer ng nightstand kung saan ko itinatambak ang mga pagkain ko. Si Manang, paliliguan daw saglit ang mingming para naman luminis. 

I smiled at Kuya Dwight and nodded. "We became friends just last school year po. He's kind... noisy... and funny! But he always calls me Miss Minion or bubwit." Ngumuso ako sa huling sinabi.

Ngumisi siya. "Pakilala mo nga sa akin. Let's see if he's really a good person and a friend to you."

"He is!" I beamed. "Mapang-asar lang po siya pero mabait po si Kuya Wai!"

"Hmm..." Tumalikod siya at bumalik sa pag-aayos ng mga dala niya. "We will see. I don't like you hanging out with people whom I do not know. I wanna know all your close friends. Baka mamaya..."

He stopped mid-sentence. Kumunot ang noo ko nang napansing natigilan din siya sa ginagawa.

"Baka mamaya... ano po?"

Lumingon siya sa kanan pero hindi ako tuluyang hinarap. "Just... don't trust people that easily, okay? Kapag inaway ka niya, sabihin mo sa akin."

I giggled. Hindi naman ako inaaway ni Kuya Wai, e. Inaasar lang. 

Dahil nakahiga at busog, unti-unti nang bumabagsak ang mga pilikmata ko habang hinihintay si Kuya Wai. Kuya Dwight was busy on his phone while he was sitting on the small couch across my bed. Nasa hita niya naman ang mingming at mukhang natutulog.

Saan na kaya si Kuya Wai? He said he’d go here, right? Baka nalimutan niya na… or nakatulog na siya?

"Matulog ka na kung inaantok ka na. Ako na ang maghihintay sa kaibigan mo," marahang sabi ni Kuya Dwight nang nahuli akong humikab.

I rolled to my side and hugged my huge Minion pillow. Pumikit na ako nang may naalala.

"Kuya Dwight?"

"Yes, baby?" malambing niyang sagot. "You want milk?" Humalakhak siya.

"'Di ba po may kinukuwento ka sa akin na kaibigan noon? What's her name again po... Fatima?"

He was silent for a few seconds. "Yeah. Why? What about her?"

Ngumiti ako habang nakapikit. "You said she's special to you. That is what I feel toward Kuya Wai. He's also special to me po."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top