Chapter 40
Chapter 40
He stiffened at my first question. But it looked like he had prepared for it since his lips opened to give me the information I wanted to hear.
"I know it's all too late to ask for this. But I deserve to know," I breathed. "Please, be honest. Tell me everything..."
Huminga siya nang malalim bago nagsimula. "Tinawagan ako ni Manang noong araw na 'yon. Sinabi niyang pinalayas ka ng Mommy mo at hindi niya alam ang dahilan. Wala siyang numero ko at inabot pa ng ilang oras bago niya nakuha kung kanino man ang numero ko..."
Tumango ako. I lost contact with Manang and until now, I have no idea where she is. Siguro nasa probinsya. Now that I don't have to pretend and I can seek assistance to find her, I'll do it. I hope she's still doing good.
"So you were really searching for me. At hindi aksidenteng nakita mo ako?"
Hindi siya tumango o umiling. "I lied to you. I did search for you. Nag-alala agad ako noong nalaman ang nangyari sa 'yo. Pero dahil sa kapatid mo kaya nakuha ko ang impormasyon ng lokasyon mo."
"How?" My forehead creased. "And... I thought you two were not on good terms. Until now."
Nagkibit siya ng balikat. "Akala niya ay may tampo o galit ka pa sa kaniya... kanila. Kaya pinakausapan niya ako na ako na ang pumunta sa 'yo. Baka hindi ka raw kasi sumama kung siya ang susundo sa 'yo."
"Kung siya ang dumating, sasama pa rin ako..."
His chest grumbled shortly. The smile on his face was humorless.
"Kung sana lang ay siya ang dumating, hindi ka lalo mapapahamak."
Hindi ako nagsalita. Nagpatuloy siya.
"Noong nagbanyo ka, tumawag sa akin ang Daddy mo. He asked if I had seen you, and I told him yes. I initially planned to send you home—"
"You thought I was rebelling!"
"Oo, kasi ayaw mong magsalita. I was provoking you to tell me the truth even though I already knew it. I wanted the truth from your mouth. I wanted to know what really happened."
Bumilis ang paghinga ko at hinarap siya lalo. "I... I was devastated. Mommy didn't believe my words before I was thrown out of the house. That was why I didn't tell you anything. I was... I was..."
Hindi ko maituloy ang sinasabi dahil sa mga hikbi. He rocked me slightly and caressed my back. Pinahilig niya ako sa kaniyang dibdib habang pinapatahan niya.
"Shh..."
"Takot akong magsalita dahil takot akong hindi ulit pakinggan. Tulad ni Mommy," I cried on his chest.
"Alam ko... alam ko na... sorry... sorry..." alu niya habang patuloy na hinahagod ang likod ko at hinahalikan ang ulo ko. "I'm sorry... do you still want me to continue?" puno ng pag-iingat niyang tanong.
For my peace of mind, I nodded.
"Your father's men were really looking for you. Sabi ay may susundo sa 'yo... iyong puting van. Hindi ko kilala ang lahat ng tauhan ng tatay mo pero alam kong lahat sila ay pormal na nakauniporme, tulad ng mga kumuha sa 'yo."
Para siyang hirap na hirap banggitin ang bawat salita. He rested his forehead on my head. Ramdam ko ang bawat mabibigat niyang paghinga.
"Tangina... nagkamali ako. Sanay ako sa mga maling desisyon sa buhay at wala akong pakialam kung ano ang magiging kapalit ng ginawa ko. Pero tangina..." Nanginig ang balikat niya at hindi na natuloy ang sinasabi.
Umahon ako sa kaniyang dibdib at hinarap siya. Namumula at basa ang kaniyang mga mata nang matagpuan ko iyon. Kuminang ang parte ng pisngi niyang dinaanan ng luha. I cupped his face with my trembling hand. Pumikit siya at hinilig ang pisngi sa kamay ko.
"Yes, you were right when you said that I was guilty of what happened to you. I was. I still am. It was already too late when I tried to go after you and save you. Nang nailigtas ka na at nagpapagaling, sinabi ko sa sarili na hindi ko na hahayaan ulit na mangyari iyon. Na hindi na ako magkakamali. Dahil nakakatakot at ang hirap pumikit na naririnig ko ang pagmamakaawa mo na tulungan kita. Tuwing tinitingnan kitang hindi pa rin nagigising, wala akong maramdamang iba kundi pagsisisi..."
"Sabi mo maghintay ako habang may kinukuha ka sa loob. I waited. Did you really have to lie?"
He opened his eyes again. Umalon ang lalamunan niya kasabay ng pagdaan ng sakit sa mga mata. I discerned the guilt in those orbs, too.
His tongue ran over his red lips. "Nagsinungaling ako... dahil gusto kong magalit ka na lang nang tuluyan sa akin. Para mas madaling umalis at lumayo..."
Nagparte ang labi ko. "H-huh? What do you mean..."
"Nang sinabi mong gusto mo ako... natakot ako. Hindi para sa akin, kundi para sa 'yo," amin niya sa nag-iingat na tono. "Oo... pinangarap kong magustuhan mo ako kahit ang gago ko sa 'yo. At ngayong nagustuhan mo ako, natatakot na ako..."
I licked my lips as I processed his confession. Hindi ko maintindihan. Gusto niyang magkagusto ako sa kaniya pero noong nangyari iyon, natakot siya para sa akin? Bakit?
I couldn't still forget his subtle confession that night I was planning to cut my last string. Did he really mean it? Kasi ngayon na lang siya ulit nagpagkita pagkatapos ng gabing iyon. I indulged and believed in the thought that he only said those words to stop me from ending my life.
At isa pa... may sinabi siyang nagugustuhan niya na noon pa. Sino iyon? Ano ba talaga ang totoo?
Kinuha niya ang atensyon ko sa pamamagitan ng paghawak sa palapulsuhan ko at ibinaba iyon sa ibabaw ng mga hita ko. Dinala niya ang aking baba paharap lalo sa kaniya.
"I wanted to protect you because I always thought that you're small and weak. But the truth is, this world is just too big for you... and there are just people who are stronger than you," he muttered. "Pero mali ang mga paraan ko ng pagprotekta sa 'yo. Mali ang mga paraan ko sa 'yo. Isa ka... sa mga nararapat alagaan at mahalin sa tamang paraan..."
The irregular beating of my chest started again. His eyes glanced down at my lips, then he licked his lips.
"At hindi pa ako sapat para sa 'yo," he added painfully.
"Sino ang nagsabi na hindi ka sapat para sa akin?" mahina at halos may hinanakit na tanong ko. "Ako lang ang puwedeng magsabi kung sapat na ba ang isang tao para mahalin ko. And you... you are enough for me..." Halos bulong ko na lang ang huling mga salita.
Umiling siya at dinilaan muli ang labi. His chest rose heavily, and a bitter smile appeared on his face.
"You should not settle for a jerk like me."
My cheeks heated. "But... I love that jerk."
Kinagat niya ang labi at naningkit ang mata sa akin. Lalo na sa labi ko na hindi ko maintindihan kung bakit siya tingin nang tingin doon.
Ngumuso ako nang may naalala.
"Sadly, that jerk likes someone else. Kaya siguro, hindi nga dapat ako mag-settle sa tulad niya."
He gasped audibly. I looked away from him and straightened my back. There! I want clarity on this one. Umamba akong aabutin ng mga paa ang sahig para makababa sa kandungan niya nang hinigpitan niya ang yakap sa akin.
"Tss... ano ba? Umamin na nga ako sa 'yo nang harap-harapan, iniisip mo pang may gusto akong iba?" parang galit pa siya pero mahina ang boses.
"E, ikaw naman ang nagsabi noon!"
"E, ikaw naman ang tinutukoy ko!" giit niya sa parehong tono ng nauna.
Gumalaw ulit ako sa ibabaw niya. Ang kaninang namumula at tila nasasaktan niyang mata ay parang iba na ang ipinapakita. He clenched his jaw and knitted his brows.
"Ikaw lang ang nakakaawang tingnan para sa akin kapag nagugutom. Ikaw lang ang gustong-gusto kong asawahin. Ikaw lang ang gustong-gusto kong magkaroon ng karapatan sa akin. At karapatan sa 'yo lang ang gusto kong panghawakan. Walang ibang babae. Ikaw lang."
My lips would part and then close every time he mentioned that I was the only one. He held my hand and guided it to his chest, letting me know that I wasn't the only one who had been in a marathon.
"Nararamdaman mo ba 'yan? Tanginang puso 'yan. Dahil sa 'yo lang nagkakaganiyan. Shit!" he cursed and pulled me into his chest. "Ikaw lang. Ikaw lang lagi. Sa 'yo lang ako magkakaganito. Sa 'yo lang ang puso ko. Sa 'yo ako nang buong-buo. Iyon ang totoo."
My little heart was torn between jumping in overwhelmed or erupting in panic that someone might unexpectedly knock on the door. Tingin ko'y sa ingay ng mga dibdib namin, may makakarinig mula sa labas!
Natatakot akong mahuli kami rito. Sa kabila ng mga narinig, hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng guilt. Subalit ang init ng yakap niya sa akin ay pinakakalma ako. My arms found their way to clung around his neck.
Nakatagilid pa rin ang upo ko sa ibabaw ng mga hita niya habang magkayakap kami. He was bending down his torso for me to hug him comfortably despite my sitting position. His hands around my waist and the back of my shoulder gave me shelter. He moved his head down to my neck and I felt him sniffing on it.
I hugged him tighter. Now, I don't care if someone sees us like this. Gusto ko pa siyang yakapin nang ganito. Gusto ko pang yakapin niya ako nang ganito. Gustong-gusto ko.
"Susulitin ko na muna ang pananalisi ko ngayon. Huli na 'to," halakhak niya bago ko naramdaman ang paghalik niya sa leeg ko. "Happy birthday, baby Riri..."
Ang kurba ng ngiti ko sa labi ay bumagsak sa narinig. What did he call me?
His head ascended but he retained his arms around me. Nilingon ko siya at halos magtama ang ilong namin. I was still clinging to his neck like my life depended on it.
Lumabi ako. "What did you call me?"
"Baby Riri." He hooked up the side of his lips. "Skyricharm Aera Wilson Blaustein. That's your original birth name. Hindi mo alam? O... hindi pa?"
Sa tono niya ay para bang alam niyang tama na agad siya. I could even detect the arrogance when he said those words.
"I am used to be called Tala," nakanguso kong sinabi. "It was you who first called me that, weren't you?"
Kumiling ang ulo niya. "And I'm the first to call you Riri now. Maliban na lang noon pang baby ka pa talaga..."
Nanatili akong nakanguso. How did he even know that too?
"Hmm." Ngumisi siya habang nakatitig sa akin. "Baby Riri..."
Uminit ang pisngi ko sa paraan ng tawag niya sa akin. Ibinaon ko ang mukha sa leeg niya habang nakayakap pa rin. He chuckled and pulled me tighter.
"Hindi na ako baby!"
"Baby ka pa. Nakakandong ka pa nga sa akin, oh?" Mas lalo siyang tumawa.
"I-Ikaw naman nagpaupo sa akin dito," nakasimangot kong dahilan.
"Gustong-gusto mo naman." Matunog siyang ngumisi sa tainga ko. "Akala ko ba magsusumbong ka? Sinusungitan mo pa ako kanina," he sneered.
He slid his one arm behind my knees and hauled them. Naramdaman kong tinatanggal niya ang mga sapatos ko at hinayaang malaglag iyon sa sahig. My feet snugly rested on the bed with his arm still hooked behind my legs.
"Kanina 'yon..." maliit na boses kong sinabi. "And... you don't question a baby's decision!"
"Huh?" Humalakhak siya. "Akala ko ba hindi ka na baby?"
"Hmm..." Lumabi ako. "Why do you even know a lot about my family and me while I know nothing about yours?"
"To me, learning about your family background is just the same as learning mine," he said. "It's like hitting two birds with one stone."
Kumunot ang noo ko.
"Hahayaan ko na ang pamilya mo ang mismong magsabi sa 'yo ng lahat nang hindi mo pa nalalaman. Karapatan nila 'yon. Karapatan mo 'yon." He sniffed again on my neck.
Tumango ako.
The moment of silence between us comforted me. With his heavy breaths and the thuds on my chest I could hear, I was relaxed. Samahan pa ng marahan niyang haplos sa buhok at likod ko. Nalimutan ko bigla ang mga bagay na dahilan ng iyak ko kanina.
My arms loosened up their strength after a while. I yawned then closed my eyes. I was still leaning on his shoulder when he held one of my arms to remove it around him. I looked at him drowsily.
"It's already late. You need to sleep now," masuyong untag niya ilang sandali.
His hand crawled up to my cheek and softly pinched it. Iniwas ko ang mukha sa kaniya at sumimangot.
"You're going to leave," I predicted.
"Kalangan. Malalaman na nilang nandito ako kapag hindi pa ako umalis..."
Malalaman nila? Who specifically is he referring to? Can't he stay for a few more minutes?
"When are you going to come back?" parang nawawalan ng pag-asang tanong ko.
Tinanggal niya ang kamay sa pisngi ko at may kinuha sa bulsa ng pantalon sa likod. My hand was practically holding his neck just so when he planned to dispatch me without warning, I'll bring myself with him.
Kinuha niya ang kanang kamay ko gamit ang isa pa niyang kamay at ipinatong doon ang isang maliit na itim na flash drive. A small pink crochet ball was hanging with it.
Umangat ang tingin ko sa kaniya. He was already staring down at me. Napayuko ulit ako at tinitigang mabuti ang bagay na nasa kamay ko.
"What's with this flash drive?"
"Sabi mo kanina, umiiyak ka dahil sa pinsan mo..."
"Okay..."
"Ayaw ko namang umalis nang walang ibinibigay sa 'yo lalo na't birthday mo. At mas lalong ayaw kong umalis nang malungkot ka pa rin."
I ran my tongue over my lips.
"Wala akong ibang maisip na iregalo para mapasaya ka. Kaya... iyan na lang." Ngumisi siya at lumingon sa likod. "Dami mong regalo. May isang box pa na mas malaki sa 'yo."
I got curious so I gestured my head past his body to look behind him where the gifts were placed together. Nasa kabilang side ng kama ang mga iyon at natanaw ko ang nakatayong kahon na tinutukoy niyang mas malaki yata sa akin. What was even that thing?
Napakapit ako sa kaniya nang mahigpit dahil bigla siyang tumayo habang nakahawak sa likod ng mga binti ko at baywang. He carried me to the head of my bed to tuck me down.
"Aalis na ako..." sabi niya nang ayaw kong bitiwan ang batok niya kahit pa nailapag niya na ako sa kama.
I was almost laying down on the soft mattress and pillows. Inalis niya na ang mga braso sa katawan ko pero dahil hinihila ko siya pababa, nanatili siyang nakatungo sa akin. His hands were now planted on my right side and the other on top of my head after he hovered the duvet over my chest.
"Kailan ka babalik?"
"Matagal pa."
"Kailan?" My voice raised and my eyes stung.
Huminga siya nang malalim. Hinayaan ko nang bumagsak ang ulo sa unan pero hawak pa rin siya sa leeg. His face was few inches apart above mine.
Umiling siya. "Hindi ko alam—"
"Give me a definite time. Don't leave me hanging again..." Halos magmakaawa pa ako.
"Hindi kita iiwan. Nasa paligid mo lang ako lagi-"
"So... you can see me... but you will not let me see you?"
Marahan siyang tumango. Namumungay ang kaniyang mata habang nakatingin sa labi ko.
"Sabik ako sa 'yo. Fuck." Napapikit siya pagkatapos kong marinig ang hirap sa kaniyang boses. "Pero mas sabik ang pamilya mo sa 'yo. Bigyan mo sila at ang sarili mo ng panahon para maging pamilya kayo. Para makilala ninyo ang isa't isa..."
My lips quivered. Even if he didn't say it, I knew myself I would do anything to know my parents. Ang daming taon ang nawala sa amin, ngayon ko pa ba ipagkakait iyon sa amin?
"Babalikan kita rito." Mahina at napapaos ang kaniyang boses. "Uuwi ako sa 'yo..."
He dipped his face to kiss my forehead, making me shut my eyes. It brought so many tickles in my stomach. Hirap na hirap akong dumilat para pagmasdan siya.
"Sa mga panahon na mawawala ako, aayusin ko lang ang sarili ko. Uubusin mo ang oras mo sa pag-aaral at sa pamilya mo. Dito ka lang. Magiging sapat at karapat-dapat din ako sa 'yo. Iyan ang sisiguruhin ko..."
"P-Paano kung..." Nakagat ko ang labi. "Bigla kang magkagusto sa i-iba?"
"Shh..." he calmed me. "Walang 'paano kung'. Hindi ako magkakagusto sa iba. Wala akong pakialam sa iba. Ikaw lang ang natatangi para sa akin. Tandaan mo 'yan..."
Napakalambing ng pagkakasabi niya na wala na akong nagawa kung hindi ang tumango.
"Activate your Instagram account and post anything to update me. Gusto kong malaman ang mga ginagawa mo. Kung may bago kang mga paborito, gusto kong malaman. Kung may bago ka nang gusto... hindi puwede. Akin ka lang. Hindi ka puwedeng magkagusto sa iba. Naiintindihan mo ba?"
Tumango ulit ako. His assurance put me under his spell, and I don't want to find the cure to break free from it. How funny to think that I was the one making lucky charms, but it was he who had me beguiled. And I was a willing victim.
I could no longer hear his final enchantment upon me. My arms were moving without my will while my eyes remained closed.
"Ate ko..."
Narinig ko ang mga hikbi niya. I saw her being tied in a post, helplessly crying. Rinig na rinig ang hagulhol niya dahil walang nakatakip na tape sa kaniyang bibig. I walked toward her.
"Ate, I want to leave here. Don't leave me alone, p-please," she cried. "Ayaw ko na po rito. Ayaw ko pong mag-isa!"
"I am not going to leave you," I told her. "I'll stay with you, Twy..."
My legs in progress toward her place quickened. Nilahad ko ang kamay sa kaniya. Halos takbuhin ko na siya pero ang distansya naming dalawa ay hindi lumiliit. Lalong lumakas ang pagtawag niya sa akin.
"Ate! Huwag mo po akong iwan. Huwag mo po akong iwan! Ayoko pong maiwan!"
As I continued to run in the dark pathway, her figure became smaller and smaller. Her pleas and cries rang in my head like a broken record.
"T-Twy..." I called, weeping. "I'm sorry. I'm sorry. A-Ate is sorry..."
Napahawak ako sa ulo at napaluhod sa kinatatayuan. I saw how my tears dropped and formed small circles on the floor, making gray so dark like how I remember that night. I curled my hands and attached them to the rough surface where I was kneeling.
In times like this, I was asking Him. Bakit ako lang ang niligtas? Bakit hindi ang pinsan ko? Bakit iniwan ko ang pinsan ko?
"Tala..."
Si Twyla... iniwan ko si Twyla? Bakit ko siya iniwan?
"Baby Riri..."
Natatakot ang pinsan ko! Umiiyak siya! Paano ko siya iniwan? Pumikit ako nang mariin at hinawakan ang dibdib. I couldn't feel my heart's beating. Am I dead? Am I finally meeting Twyla again?
Para akong nanghina. Gusto ko na ba siya ulit makita? Pero... paano ang pamilya ko? Iiwan ko sila? Ulit? Hindi... ayaw ko...
Pero si Twyla...
"Skyricharm, baby, please wake up..." a baritone's voice echoed that whipped me up.
My eyes spread awake, receding me from the nightmare that almost took me in. My hand flew to my heavily rising chest as I heard my own breathing. My heart was now beating again.
It took me a while until all my working senses came back to me. My humaplos sa aking noo at buhok. Maliwanag ang silid kung saan ako naroon. Unti-unting gumalaw ang aking mata sa gilid para lang matagpuan ang isang pares ng mga matang puno ng pag-aalala.
My lips split apart. Bakit siya nandito? Is he going to hurt me, too... No... Ayoko na...
"I'm sorry for waking you up. I'll get you some water," ani Papa at umamba nang tatayo mula sa pagkakaupo sa tabi ko sa kama.
Nanginig ang labi ko at hinawakan ang braso niya. My nails dug into his skin.
"H-huwag n'yo po akong s-saktan. P-please po... I'll be a g-good girl..." Tumulo ang luha ko sa gilid ng mukha. "A-Ayoko na po... Tama na p-po..."
Wala akong narinig mula sa kaniya. Tumigil lang ako sa pagtangis nang napagod at wala nang mailuha. Kusang bumitiw ang mga daliri ko sa braso niya at pumikit.
I was still begging but I doubt he could hear my voice. The gentle stroke on my head calm the wild waves in the ocean of my dark thoughts. Isang mainit ngunit malambot na bagay ang lumapat sa aking noo kasabay ng isang patak sa aking pisngi.
"Papa will never hurt you, princess," someone whispered in a pained voice. "I'll protect you from any harm. I promise you that..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top