Chapter 4
Chapter 4
Being friends with Kuya Wilder was heaven-sent. I don't know what kind of chant he performed yesterday to my parents, particularly Mommy, for them to let me attend our practice today. Kung ako lang siguro ang nagpaalam, titiklop agad ako kay Mommy pa lang.
"You're so aga po!" bungad ko kay Kuya Wai nang alas onse pa lang ay namataan ko na siyang naglalakad sa gitna ng aming living room.
Binilisan ko ang lakad pababa ng hagdan upang salubungin siya habang pinagmamasdan ang kaniyang ayos. He was wearing a black graphic shirt, a pair of worn out jeans, and a pair of high cut shoes—his typical casual attire.
"You're so aga po," he mimicked my words and voice while his head was exaggeratingly moving sideways.
Lumabi ako at tumigil sa paglalakad nang nasa paahan na ng hagdanan. My voice wasn't as squeaky as he did. Why would he do that? He parted his lips with a taunting smile. He stalked in my direction and put on a stop when he was already in front of me.
Yumuko siya nang kaunti at kinalabit ang ilong ko. "Bilis namang sumimangot ng minion."
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at nagtanong, "Kumain na po ba kayo? Dito po ba kayo kakain kaya maaga po kayo?"
Napahawak siya sa tiyan at hinimas iyon bago lumapit nang tuluyan sa akin. Isinampay niya ang kaliwang braso sa balikat ko at isinama sa kaniyang paglakad.
"Galing mo diyan, bebe girl. Masarap ang ulam namin pero mas masarap kumain kapag kasama ka," he said before he winked at me.
"Masarap din po ang ulam namin!" maligayang sabi ko habang nakatingala sa kaniya. "But I'm not sure po what our ulam is for today. But I had my breakfast earlier po, ah? Iba lang po talaga ang niluluto ni Manang Ising kapag tanghalian po."
His lower lip curved inside his mouth and he cruised his tongue over it. Tumingin siya sa kabilang dako at kumunot ang noo ko nang marinig siyang bumubulong. To whom he was talking?
"May sinasabi po ba kayo?"
Lumingon siya sa akin saglit at naningkit ang mata bago tumingin sa harap. "Wala, bubwit."
Mommy told me that every second matters. She taught me to be punctual every time there is an event or occasion we have to attend. I was never late for school; thus, I always got the most punctual award. Iyon na siguro ang bukod tanging maipagmamalaki ko bilang isang estudyante.
Pagkatapos naming kumain ni Kuya Wilder, nagpahinga muna kami ng mahigit kalahating oras bago umalis ng bahay para pumunta na ng school. Yesterday, nagsabi si Mommy na ipahahatid na lang kami kay Kuya Gibo pero ngayon... hindi ko alam kung paano ako nahila ni Kuya Wai rito sa labas ng subdivision namin nang walang pumipigil sa amin.
Wait, no... He didn't drag me through here on the sidewalk, standing and waiting for a public utility vehicle under the glaring sun. Nakakawit ang aking braso kay Kuya Wai habang hawak-hawak niya ang payong kung kulay dilaw at may mata ng isang minion.
"First time mo mag-commute, 'di ba?" Nilingon niya ako.
"Uhm... opo. Paano po ba 'yan, Kuya Wai? Ihahatid din po tayo ng sasakyan natin sa school po?"
He chuckled. "Oo."
"Ilan po tayong ihahatid niya?"
"Depende kung ilan ang kasabay nating pasahero."
Oh... Tumango-tango ako. "Magkano po ang suweldo po natin sa driver? Mahal po kaya? I don't have much money in my wallet po, e. I only have like... five thousand? Okay na po kaya 'yon or kulang pa po?"
His head tilted backward as he barked out a laugh. Ngumuso ako at yumuko para buksan ang bag at hanapin ang wallet. Hindi yata siya naniniwala kaya inilabas ko ang wallet at aalisin na sana ang isang kamay sa braso niya nang hawakan niya iyon gamit ang kaniyang libreng kamay para hindi ko maituloy ang gagawin.
"Ibalik mo na 'yan sa bag mo. I'll pay for our fare, Miss Minion. At hindi suweldo ang tawag sa ibinabayad sa kanila ng pasahero kundi pamasahe," aniya.
"Pamasahe po?"
"Yes po. In English, please massage me."
I glued my eyes at his face. Naglapat ang mga labi niya pero hindi nagtagal ay kumurba rin ang isang sulok paitaas. Magtatanong pa sana ako kung totoo ba ang sinabi niya pero itinaas niya na ang isang braso sa harap. His point finger was sticking out and moving up and down in a fast pace.
What was he doing?
"Lika na!" aniya nang may tumigil sa harap namin na isang pahabang sasakyan.
I guess this is what they call a jeepney? Binabasa ko pa ang nakasulat sa gilid nito nang alisin ni Kuya Wai ang kamay ko sa braso niya para hawakan ito at hilahin na. Mabilis ang bawat hakbang ko para makasunod sa kaniya hanggang sa tumigil kami sa may pasukan ng sasakyan.
"Pasok na... patagilid ka humakbang sa hagdan para 'di ka masilipan," mahinang sambit niya at hinawakan ako sa ibabang bahagi ng likuran ko.
Nilingon ko siya. "Ba't wala pong pintuan?"
"Pasok na muna, dali! Baka iwan tayo," he urged and pushed my back a little forward. "Doon ka umupo sa medyo maluwang."
Humawak ako roon sa may kapitan sa gilid at sinunod na lang ang sinabi niya. Nakayuko ako nang kaunti habang palingon-lingon sa magkabilang side ng sasakyan nang maramdaman ko ang paghila pababa ng damit ko. I turned my head to see that it was just Kuya Wai.
Umandar na ang sasakyan kaya namilog ang mga mata ko. Napaatras ako at napahawak doon sa hita ng babaeng nakaupo sa kaliwa ko. I didn't fall back completely because Kuya Wai was behind me, holding my waist with his hands.
"Sorry po!" I told the older lady who brushed my hand off her lap.
"Dito na, 'wag ka na lumayo," si Kuya Wai at hinila ako sa kaniyang tabi nang nakaupo na siya.
I flipped my dark brown, chest-length hair over my shoulder when he placed the foldable umbrella on my lap. Humilig siya sa may tainga ko.
"Pagdikitin mo ang binti mo," utos niya na agad kong sinunod.
He shifted on his seat and pulled his black leather wallet out of the back pocket of his jeans. Panay ang hawi ko sa buhok na nililipad sa mukha ko dahil sa hangin sa labas.
I peeped through the open, non-existent window before whipping my head to him.
"Kuya Wai, hindi na po pala natin kailangan ng aircon dito kasi mahangin na," nakangiti kong pahayag. "But they don't have a door po? Paano po kung nag-stop ang car then tumalsik po palabas 'yong nakasakay po roon sa may bandang dulo?" Nginuso ko ang tinutukoy sa kaniya.
Hinawakan niya ang balikat ko at itinulak pasandal sa likuran.
"Alam mo, ikaw ang unang tatalsik palabas ng jeep na 'to kung hindi ka kakapit diyan..."
Afraid of being flown out of this jeep accidentally, I anchored my arm on his and gripped it tightly as I moved closer to him until our hips attached to each other.
"Makikisuyo po ng bayad," rinig kong sabi ng isang nagpapahatid sa sasakyan ni Manong.
Kinuha ni Kuya Wai ang ipinapaabot ng babae at iniabot niya naman don sa isang lalaki na malapit sa akin. Ang lalaking iyon naman ang nagbigay ng pera doon kay Manong driver.
"Saan 'tong bente?" tanong ng driver at itinaas pa ang pera.
"Hawak n'yo po," sagot ko kasabay ng sagot ng babaeng nagpapabot nito kanina.
Humilig ako paharap para silipin ang babae. "Ate, hawak niya po 'yong pera n'yo."
"Huy!" Ginalaw ni Kuya Wai ang braso niya kaya napatingin ako sa kaniya. "Umayos ka nga ng upo na bubwit ka."
"Pero hawak nga po—"
Tumigil ang sasakyan kaya tumigil din ang sinasabi ko. Sumubsob tuloy ang gilid ng mukha ko sa braso ni Kuya Wai. Parang mauuna pa yatang lumabas sa jeep ang puso ko kaysa sa 'kin mismo sa sobrang gulat!
"Manong, puwede po kayo magdahan-dahan sa pag-break? Baka po may malaglag na pasahero," pakiusap ko sa kaniya habang inaayos ulit ang sarili sa upuan.
"Aba, 'neng, kumapit ka para hindi ka malaglag."
"Nakakapit na po ako. Kaya nga po sinasabi ko na dahan-dahan po—" My next words were muffled when Kuya Wai slammed his hand over my mouth and nose.
"Sensiya na po, manong. First time kasing sumakay ng bubwit na 'to sa jeep."
Hinawakan ko ang kamay niya para tanggalin sa mukha ko. I pouted and hid my face on his arm when he glowered at me.
"Zip your mouth and sit properly, Miss Minion."
Pinagdikit ko muli ang medyo naghiwalay na mga hita. "Sowi po..." I said before zipping the imaginary zipper on my lips.
As expected, we arrived at school twenty minutes earlier than the meeting time. Umupo agad ako roon sa may waiting shed at ikinuyakoy ang mga binti. Tumayo sa may harapan ko si Kuya Wai na hawak ang kasasara lang niyang payong.
"Sa loob na lang tayo maghintay. Masyadong mainit dito sa labas..."
I squinted my eyes and look up at him. "E, dito raw po ang usapan. Baka po pagdating nila at wala ako, iwan nila ako rito."
"Ba't ka nila iiwan, e, sa loob din naman kayo magpa-practice, ah?" Kumunot ang noo niya at tumingin sa kaliwa sabay patong ng isang kamay sa balakang. "At isa pa, paniguradong mamaya pa darating ang mga 'yon. 'Di 'yon darating ng ala una."
I glanced on my wrist watch again. Why naman hindi sila darating ng ala una kung iyon ang usapan? At bakit alam ni Kuya Wai na ganoon ang mangyayari?
"I'll wait them here po," deklara ko. "If you want to go inside first, you can go po. Kaya ko na po maghintay rito nang mag-isa."
Bumalik ang mga mata niya sa akin. Ako naman ngayon ang tumingin sa paligid. Wala akong makita na mga estudyanteng naka-uniform dahil wala namang pasok. I just don't know if the guard will allow us to practice inside the school.
"O, sige... Basta kapag may puting van na tumigil sa harap mo, tumakbo ka na agad, ah?" he said. "Tsk... kaya mo kayang tumakbo nang mabilis? Baka mahabol ka nila sa liit mong 'yan..."
Tumigil sa paggalaw ang mga binti ko at humarap sa kaniya.
"What do you mean po?"
"Ay, hindi mo ba alam?" Tumagilid ang ulo niya. "Bali-balitang may nangunguha ng mga bata sa kalsada tapos isasakay sa puting van."
Patalon akong bumaba sa inuupuan at humawak sa braso niya. "Nangunguha po ng bata?!"
Was that reported in the news? I'm not aware of it! Dapat pala talaga ay nanonood ako ng balita kahit paminsan-minsan lang para aware ako sa mga nangyayari sa paligid. Watching news always makes me sleepy. As far as I know, we have newspapers in our house but I don't like reading articles. They are so boring too.
Tumango siya at hinawakan ang palapulsuhan ko para alisin sa braso niya. "Tina-target pa naman nila 'yong mga batang halatang walang laban at mag-isa lang. Nako..."
Nanlaki ang mata ko lalo at hinawakan siya ulit sa braso. His brow rocketed while looking down at my hand on his forearm.
"T-true po ba?" Halos maibaon ko ang kuko sa braso niya. "K-kung ganoon po... sasama na lang po ako sa loob! Ayaw ko po makuha ng may puting van!"
He shut his eyes, pressed his lips together and shook his head. Yumuyugyog ang balikat niya at kumawala ang tawa sa kaniyang bibig kaya unti-unti kong inangat ang mga daliri sa braso niya.
"Miss Minion," he called me using his tricky voice, removing my hand gently from him. "Umupo ka na ulit. Dito lang ako. Sasamahan kita. Walang kukuha sa 'yo na sakay ng puting van."
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at bahagyang itinulak palikod hanggang sa tumama ang likod ng hita ko sa bakal na upuan. He then pushed me down so I could sit back.
Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko. I could not tell whether he was telling me the truth or playing around me like he used to. I don't wanna get hurt too much, although I know that pain is irradicable in life, so I'd rather believe a lie that hides the truth than the truth that covers a lie.
It is easier for me to accept the lie... because the naked truth is usually the most painful. I just can't take too much pain.
"Uy, may nagbebenta ng ice cream. Gusto mo?" Sabay lingon sa akin ni Kuya Wai na nasa tabi ko.
He said he was just joking earlier. Naniwala naman ako kaya heto, magkasama pa rin kami rito sa labas. Hindi pa nga yata nag-iinit ang puwet niya sa pagkakaupo sa tabi ko dahil tumayo na rin pagkatapos ng tanong niya.
"Sige po..." Tumango ako at tumayo na rin.
Kuya Wai put his forefinger and thumb in between his lips and whistled. Umawang ang labi ko sa pagkamangha. How did he do that? I wanna learn to whistle like that, too!
"Manong! Pabili po kami!" sigaw niya sa naglalakad na sorbetero papunta sa direksiyon namin.
I clapped my hands when he finally reached us. Sumilong din si Manong at kumapit naman ako sa braso ni Kuya Wai nang lumapit kami sa sorbetero.
Ibinaba nito ang dalang lagayan ng mga sorbetes na nakasabit sa kaniyang balikat at binuksan ang kahon. "Ilan sa inyo?"
"Dalawa lang, manong," ani Kuya Wai na dumudukot na sa kaniyang bulsa. "Isang pinipig saka... ano sa 'yo, Miss Minion?"
"Ako na po ang magbabayad!" sabi ko at binuksan din agad ang bag para kunin ang sariling wallet. "You paid for our pamasahe so I'll pay for this naman po."
"Tinatanong ko kung anong flavor sa 'yo, hindi kita pinababayad," bakas ang iritasyon sa boses niya. "Mamili ka na ng sa 'yo at itago ma 'yang wallet mo."
"Keso po sa akin," I told the ice cream vendor before shifting my eyes to Kuya Wai. "Ako na nga po ang magbabayad. Marami po akong pera."
"At ano'ng tingin mo sa akin? Walang pera?" Parang papel na nilukot na ang mukha niya.
"Hindi po, ah." Umiling pa ako. "I saw what's in your wallet po kaya kanina. Isang one hundred na lang po 'yon, e."
Hindi niya na ako pinansin at nag-abot na kay Manong sorbetero ng pera bago kinuha ang binili namin. Padabog kong binitiwan ang braso niya at nag-abot din ng violet paper bill kay manong.
"Ay, nagdadabog," halakhak ni Kuya Wai. "Sumbong kita sa Mommy mo."
"Ito po ang bayad namin, Manong. Dalawa po 'yan. Pakibalik na lang po ng binigay po ni Kuya Wai." Ngumiti ako.
"Five years kang walang benta, manong, kapag tinanggap mo 'yang pera niya. Ikaw rin," si Kuya Wai na tila ba nagbabanta.
"Kuya Wai! Grabe ka naman po!" I groaned at him. "Kawawa po si Manong kapag wala siyang benta!"
Itinaas niya pa ang noo habang ang mga mata ay nasa akin. "Go on, Miss Minion. Pay him for our ice cream."
I puffed my cheeks and blew upwards on my face. I folded my arm away from Manong who was shaking his head with a small smile on his lips. Ano ba naman 'tong si Manong, isusumpa na ng kasama ko ay nangingiti pa.
"Kayo talagang mga bata kayo, oo. Matagal na ba kayong magkaibigan?"
Ibinigay sa akin ni Kuya Wai ang ice cream ko nang tumango ako kay Manong.
"Yes po! 8 months na po kaming friends!" I proudly said.
"Matagal na 'yon?" Nagtaas ng kilay si Kuya Wai habang tinatanggal ang plastic ng ice cream niya.
"Opo, ah? But I have a friend po na cousin ko rin. Si Twyla po, Manong. Magkaibigan na po kami since birth. Pero not really since birth. Siguro po noong pinakilala na kami sa isa't isa. Mga two years old po siguro kami n'on. Siya po ang pinakamatagal kong friend!" kuwento ko at dinilaan na ang ice cream na tinanggalan ng plastic ni Kuya Wai habang nagsasalita ako.
Mayamaya ay umalis na rin si Manong dahil pinaalis na ni Kuya Wai. Nagkukuwento pa ako, e, kaso sabi niya ay baka raw hindi na makapagbenta si Manong kung ikukuwento ko na ang buong buhay ko.
Hindi ko naman kayang ikuwento ang buong buhay ko. Exaggerated lang talaga 'tong si Kuya Wai.
"Sabi sa 'yo, e... hindi darating ang mga 'yon ng ala una," aniya nang naubos na ang ice cream namin at wala pa rin ang mga kaklase ko.
Ngumuso ako habang nakahilig sa braso niya kung saan ako nakakapit. I checked the time on my wrist watch for the nth time. Ano kaya ang nangyari sa kanila at bakit sila late? If they have an emergency, I will understand their late arrival. Pero kung hindi sila makakarating... bakit kaya? I hope they are safe.
"Ayaw mo ba talagang pumasok muna sa loob?"
Umiling ako sa kaniya. "Baka dumating na po 'yon sila mayamaya. Abangan na lang po natin."
"How long can you wait, Miss Minion?"
"We can wait for them until 2 o'clock," I told him. "Or 3 o'clock..." dugtong ko, nag-iisip.
"3 o'clock..." Tumawa siya. "Ang tagal niyan, Miss Minion. Maiinip ka lang. Iuuwi na kita sa inyo kapag wala pa sila ng alas dos. Or if you want, you can go to our house first so we can play?"
Napaahon ang ulo ko mula sa braso niya at tiningnan siya. "We can go to your house po?"
"If your Mom permits, then yes," he whispered.
"Ay!" I exclaimed, holding my small chain bag. "May dala po pala akong yarn at crochet hook!"
I almost forgot about it! I always bring yarn, crochet hooks, and scissors wherever I go. Crocheting sweeps away my boredom when I'm alone. And albeit I'm with Kuya Wai, I don't want him to get bored with me so I'm gonna teach him how to crochet instead to kill time.
Nailabas ko na ang mga gamit nang malutong na nagmura si Kuya Wai. I frowned and was ready to scold him when he yanked my wrist, jerking my things out of my hold. Hinila niya ako patayo habang nakatingin ako sa nalaglag kong gamit.
"Kuya Wai—"
"Shit! Halika na muna sa loob!" he shouted in a panicky manner, pulling me again.
Naiiyak na ako habang hinihila niya patungo sa gate. Mabibigat ang bawat hakbang at iniisip na pabigatin ang sarili para balikan ang mga gamit ko. I treasure them so much that it was breaking my heart to see them on the ground and leaving them behind.
Papasok na kami sa gate nang para akong na-magnet mula sa likod at napatigil sa paglakad. Natigil si Kuya Wai dahil hawak niya ako at sabay kaming napalingon sa likod ko kung saan naroon ang isang kayumanggi ang balat na lalaki at nakatali ang buhok. Hawak niya ang damit ko sa likuran.
His dark and petrifying pair of orbs found mine. Umusbong ang nakahihindik na ngisi sa kaniyang labi. I quickly peeled my gaze off from him.
"Huli ka..." usal niya sa malalim na boses.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top