Chapter 38
Chapter 38
Hindi mahulugang karayom na ang kusina nang pumasok ang lahat ng bisita roon. Bukod sa marami, ang lalaking tao pa karamihan. Lalo pa noong dumating na ang bisitang tinutukoy ni Mama kanina. Karamihan ay malapit na kaibigan niya at ni Tita Lei.
"This is my best friend, Diamond, and her husband Kuya Miko. Parents nina Aji at Axe. They are one of your godparents," pormal na pakilala ni Mama roon sa dalawang hindi ko pamilyar kanina.
Ninang Dias smiled and hugged me. "Happy birthday! Finally, the other celebrant is here!"
"Thank you po, Ninang Dias."
Bumaling ako kay Tito Miko na halos tingalain ko nang magsalita ito habang may dalang pinggan. They haven't setled on the table yet.
"Nineteen ka na, 'di ba? Grabe, tagal mong nawala, ah? Pero ba't 'di ka lumaki? Hindi ka siguro nag-vitamins, ano!"
"Uh, I'm taking vitamins po. 'Di po siguro effective sa akin ang iba," kontra ko.
"Miko naman!" saway ni Ninang Dias sabay hampas sa tiyan ng asawa kaya napaubo ang huli. "Kumain ka na nga lang diyan."
"E, ano bang ginagawa ko? Mukha ba akong tumatae?"
Ngayon ay ang bibig naman niya ang hinampas ng asawa. I was still giggling when Mama guided me to another pair. Kumukuha sila ng pagkain. Ngumiti agad 'yong babae sa akin na ngayon ay nakikinita ko na kung kaninong nanay. Pinakilala sila ni Mama bilang si Tita Isha at Tito Vince, mga magulang nina Ate Izzy at Kuya Raghnall. Pare-pareho ko rin pala silang mga ninang at ninong!
"Kilala ka ni Izzy. Matagal na ba kayong nag-uusap? Hindi ka pa kasi napadpad sa bahay kahit noon, e."
"Ilang beses pa lang po kaming nagkita at nagkausap," sagot ko kay Tita Isha.
"Pumunta ka rin sa bahay minsan! Sasabihin ko kay Izzy para naman maipagluto kita." She smiled sweetly.
"She's a chef, anak," ani Mama sabay ngiti. "Karamihan sa mga pagkain dito ay silang dalawa ni Izzy ang nagluto."
"Talaga po?" Gumawi ang tingin ko sa mesa. Ang dami nito, ah?
"Tumulong naman kayong dalawa ni Harley, Rap." Humalakhak si Tita Isha at hinila ang braso ni Tito Vince na kumukuha ng balat ng lechon. "Third, batiin mo naman nang maayos si Tala."
"Teka..." Kinain muna ni Tito Vince 'yong kinuha niyang balat ng lechon bago humarap sa akin at ngumisi. "Maligayang kaarawan, 'neng! Naalala ko pa noong paslit ka pa lang, iniwan ka sa 'kin ng magaling mong tatay saglit tapos inihian mo na ako sa mukha!"
My eyes widened and my cheeks flamed. Tumawa nang mahina si Mama sa gilid ko at si Tita Isha naman ay sinaway ang asawa.
"You still remember that, Kuya Vince?" Mama asked in between chuckles. "That was like... almost eighteen years ago!"
"Oo, ah! Akala ko cupcake ibibigay sa akin pagkatapos ko magbantay, free shower pala!" Humagalpak si Tito Vince at bumaling ulit sa akin. "Hindi ka naman na siguro umiihi sa kung kanino, Tala?"
"H-hindi po!" Umiling ako nang mabilis.
"Ikaw pa mas makulit sa kambal mo noon. Ngayon, mukhang ikaw pa rin." Tumawa siya lalo.
"Kambal po?" Nakakunot na ang noo ko.
Hindi na siya nakasagot nang lumapit na sa amin si Tita Lei at agad akong niyakap at kinausap. Soon enough, the other expected visitors came and emerged into the dining room.
Ang mga naunang bisita ay lumabas tuloy para hindi magkagulo sa loob. Mama introduced me to their friends one by one, including their children. Most of them are their college friends. They are too many that I couldn't remember all their names.
"Nuala!" Sumabog ang tili ng isang pamilyar na boses ng babae. "Happy birthday, bebe!"
"Eris!" Lumawak ang ngiti ko nang makita si Eris. "You're here!"
She wrapped me with her arms while giggling. I hugged her back. Kung makayakap at manggigil siya ay para bang hindi kami nagkita kanina sa school. I've met her parents just now. Si Tita Susie, ang pinsan nina Mama at Tito Brant, at ang asawa nitong si Tito Hans na kaibigan din ni Tita Lei.
Hindi ko na nakita sina Kuya Rain, Kuya Wai, at Kuya Aji. Ang iba naman ay lumabas sa bakuran dahil maghahanda rin daw sila ng mesa at mga upuan doon. From what I heard, they were also planning to drink. Si Mama ay naging abala sa iba niyang bisita at iniwan na muna ako sa pinsan.
Si Papa naman... hindi ko na ulit nalapitan at nakausap man lang. Pero kanina ko pa siya nakikita na gustong lumapit. I wanted to go to him, too, but the crowd didn't let us.
"Yes! Siyempre! Magpinsan tayo!" Humagikgik siya. "By the way, are you really going to stay here now for good?
Tumango ako. "Yup. Dala namin ni Kuya Rain ang mga gamit ko galing sa bahay namin dati," sagot ko. "Eris, did you also know that today's my birthday?"
Umiling siya. "I'm bad at dates, seriously! But Mom reminded about it. Napapunta tuloy ako sa mall para bilhan ka ng gift. The reason why we're late..."
"It's okay, Eris. I don't even know today's my birthday. Ang alam kong birthday ko ay 'yong tuwing October 15," sabi ko.
"Masasanay ka rin. Hmm... mag-i-invite din sana ako ng kaklase natin kaso ay hindi ko sigurado kung ayos lang sa 'yo at kina Tita, e." Ngumisi siya sa akin.
"Sinong classmates ang tinutukoy mo, Eris?" baritonong boses ang sumingit.
My mouth hung open as we both turned to my father who towered to us.
"Sina Chinggay at Adriel lang, Tito Trivo," ani Eris.
Tumaas ang kilay ni Papa at mula sa pinsan ko, bumaba pa ang tingin niya sa akin.
"You want them to come?"
"Uh... h-hindi ko po alam kung gusto nila. Ayos lang po ba kung sakali?"
"Invite them, Eris," he said to my cousin without removing his gaze from me.
"Okay, Tito. I'll just call them."
Parang may magnet ang paa ko at ang tinatapakang tiles habang nakatitig din sa kaniyang mga mata. His eyes seemed to say the words his mouth couldn't speak. Does he want me here? Is he happy that I'll be living here with them? He didn't talk to me much whenever we were together with Mama and Kuya Rain.
Does he love me?
My heart throbbed a little as I remember Daddy. I hope my biological father isn't the same as the father I grew up with. The one who made me feel like a princess when I was a kid but became the first one to exploit me to his carnal desire.
"Tala?"
Napahawak ako sa dibdib nang bigla itong manikip. The place became suffucating for some reason, and my breathing was irregular. May marahang haplos sa braso ang naramdaman ko habang tinatawag ang pangalan ko pero agad ko itong sinampal palayo.
Immediate regret washed over me as I realized it was my father's hand. Tiningala ko siya at naabutan ang bigo niyang ekspresyon.
"Tala!" Someone who tugged my arm quickly earned my attention. It was Ate Harley. "Come on, let's go to the backyard. Iwan na natin ang oldies here!" She laughed.
I looked back to my father who was clenching his jaw.
"Dad! I'll just snatch my li'l sister to stay with us. Pinaalam ko na kay Mommy," Ate Harley repeated for Papa.
"Mag-iinom kayo?"
"Dad, why are you even asking. Do you think magpi-prayer meeting kami sa labas?" Ate Harley chuckled.
"Harley," nananaway ang tonong sambit ni Papa. "Huwag mong painumin—"
"Oh, come on! Baby Tala's already legal! Sabi ni Mommy, kapag gusto raw ni Tala ay okay lang! Pero kaunti lang! Kahit tikim lang!"
"Tikim?" Nanliit ang mata ni Papa bago bumaling sa akin. "Do you drink alcohol?"
Umiling ako. "Hindi po. Pero gusto ko pong tikman. Puwede po ba?"
His brows met and his lips twitched. Ate Harley's evil laugh resounded.
"Kita mo, Dad? Don't worry, ako ang magbabantay sa kaniya..."
Ngumisi si Ate Harley sa akin bago ako hinila palabas ng bahay, hindi na hinayaang makaangal pa si Papa. Narinig ko pang sinigawan niya si Eris na pumunta na rin sa backyard. Dumiretso kami roon kung saan may swimming pool. Maliwanag dahil sa maraming ilaw. There are lounges near the pool. Beside the gazebo are two tables where they all gather.
May usok akong nakita at nang umalis si Ate Izzy sa kaniyang puwesto ay nakita kong nag-iihaw sila at nagtatawanan. Karamihan sa kanila ay lalaki na nakilala ko rin kanina. Some of them were holding a small cup. Sa tabi ng ihawan ay may basurahan.
"Birthday girl's here!" Tumawa siya nang nakita kami ni Ate Harley na palapit. "Lika! Nagba-barbecue kami! Gusto mo ba nito?"
Ate Harley let go of my arm so I could freely join them. I saw Kuya Raghnall and Kuya Axe eating barbecue with the other boys I was introduced earlier—Caster, Edgee, at Racer. 'Di ko lang alam kung sino ang sino, basta alam ko ang pangalan ng mga anak ng kaibigan nina Mama.
But the girls who are busy grilling the barbecue are more familiar. Their faces are easier to remember, especially since I already knew Ate Asia and her friend, Eden. They were with Eris' older sister, Veron.
"Cast! Mag-ayos kayo ng mesa hindi puro kain diyan!"
"Ako na naman ang nakita mo. Tss..."
"Kayo nga, 'di ba?" angil pa ni Ate Veron.
"But you only mentioned my name?"
Tumawa 'yong isang nakataas ang buhok. "Damn you two. Make sure you won't get back together for the fucking fourth time."
Hinila ako ni Ate Izzy sa braso at binigyan ng isang stick na barbecue. Nagtatalo na sina Ate Veron at 'yong dalawang boys pero mukhang sanay naman na 'yong isa pa. They went to the gazebo while we stayed at our spot. Mayamaya, natanaw ko nang nag-ja-jog si Kuya Wai at nasa likod niya ang mga aso. Huling lumabas sa sliding door si Kuya Rain na nakapamulsa.
Lumawak ang ngisi ko nang daluhan agad ako ni Cookie. The other dogs went to Ate Izzy and Ate Harley.
"Hello, doggie!" I pet Cookie immediately.
"Rain, pinakain na ba sila?" tanong ni Ate Harley. "Buti pinalabas na..."
"Nah. Kumukuha si Kuya Aji ng pagkain para sa kanila." Lumuhod si Kuya Rain sa tabi ko at pinadila ang kamay niya kay Cookie. "Nakakain ka na ba?"
"Opo, kanina sa loob," sagot ko dahil sa akin siya nakatingin. "Saan ka po galing?"
"Dito tapos sa loob. You didn't see me since you were busy being introduced. Nilagay ko na rin ang nga bagahe mo sa kuwarto mo rito."
"Happy birthday, Kuya," bati ko at ngumiti. "I was a bit confused earlier, but then I just realized it. Nakalimutan ko pong birthday mo ngayon."
"Birthday natin," he corrected.
Tumayo siya at may kinuha sa bulsa. He handed me my phone.
"Nandito pa si Aji? Himala?" I heard Ate Izzy laugh. "Ral, can you please bring these plates to the table?"
"Tulungan na kita," rinig kong sinabi ni Ate Asia. "May tubig ba diyan, Ral? Nauuhaw na ako."
Tumayo ako at humarap sa kanila. I let Cookie play with our visitors. Ate Harley left again, saying she'll look for and assist Kuya Aji.
"Bakit, Ate Izzy? Ano meron kay Aji?" si Ate Eden na ngumunguya.
"Kapag may party na pinupuntahan 'yon, lagi siyang umaalis agad. Minsan nga, hindi mo makikita 'yan sa party pero malalaman mo na lang sa iba na pumunta siya. I think he's sneaking out to meet with his secret girl!"
"Ang tsismosa mo naman, Mip-mip!" singit ni Kuya Wai.
"Ay, alam mo, totoo 'yan. Balita ko nga umuwi ka raw isang gabi na mapanghi. Basted ka, 'no!"
Namilog ang mata ni Kuya Wai. "'Di totoo 'yan! Kung sino man ang source mo, pakisabi ang bobo niya!"
"Axe, ang bobo mo raw, oh..." sabi ni Ate Izzy habang hinihimas ang braso ni Kuya Axe. "Payag ka n'on? Sinabihan kang bobo?" tila nanunulsol ang boses niya.
"It's okay. At least... hindi ako na-basted," ani Kuya Axe at ngumiti nang kaunti habang nakatingin kay Kuya Wai.
Kuya Rain's chest grumbled as he laughed. Kuya Wai's face turned red that it could explode at any time by now. He muttered a curse. Tumatawa si Ate Eden nang lumapit kay Kuya Wai.
"Basted ka pala, e! Wawa ka naman, totoy!"
"Who are you calling totoy?!"
Humagalpak lalo si Ate Eden at paulit-ulit na tinawag na ganoon si Kuya Wilder habang tumatakbo tungo sa kung nasaan ang iba.
"Uyy! Baka kayo magkatuluyuan, ah?" panunuya ni Ate Izzy sa dalawa bago bumaling sa grill.
"Yuck! Ano ba!"
"Ano? Arte mo, uy! Hindi naman kita papatulan!"
Umiling-iling si Kuya Rain na umakbay sa akin. Lumapit ako kay Ate Izzy at tiningnan ang mga iniihaw niya. She showed me how it looked like when the barbecue's properly grilled and ready to eat. It was the last batch so after all of those were done, dinala na rin namin iyon sa mesa.
Nagkakatuwaan na sila roon. May mga pagkain sa table. Cheese, ham, and fruits platters, chips, barbecue, and alcoholic beverages. Kahit malaki ang pa-L couch na gray, halos magsiksikan pa rin doon sina Caster, Edgee, Racer, habang nasa magkabilang gilid sina Ate Veron at Ate Asia. Umusog si Ate Asia para makaupo si Ate Eden sa pinakagilid. The two single-seater chair adjacent to the L-couch was occupied by Kuya Ral and Kuya Wilder.
May isa pang sofa na kasya ang tatlo katapat nina Kuya Wai. Doon sana kami uupo ni Ate Izzy pero tumayo 'yong tatlong lalaki sa kabilang couch para lumipat. Ate Izzy sat beside Ate Asia and let me sit on her other side. Uupo na sana sa tabi ko si Kuya Rain nang sinaway siya ni Ate Izzy.
"Kumuha ka ng upuan ninyo nina Axe at Aji. Diyan sina Harley at Eris!"
"What? Tss..." Umirap si Kuya Rain pero sumunod din naman.
Bago pa makabalik si Kuya, namataan ko na si Ate Harley, Kuya Aji, at Eris, na lumabas ng bahay at may mga dala. The doggos started barking at them excitedly for the food.
Kuya Aji jogged toward us. I jolted from my seat when he threw something on my lap. Kumunot ang noo ko.
"Order mo raw. Inabonohan ko ng singkwenta 'yan, ah? Bayaran mo muna ako bago mo buksan." Ngumisi siya.
"Order po? 'Di naman po ako um-order?" tanong ko habang hinahawakan 'yong hinagis niya.
Ano ba 'to? Pagkain? I didn't order food, though. I don't remember ordering anything, even. Because I don't know how to order online. Kanino galing 'to? Perhaps, someone ordered and sent it to me? Kaso COD?
Pero makapal at matigas 'tong nasa plastic. What's this?
"Basta! Order mo nga raw, e. Akin na muna singkwenta!" Naglahad pa siya ng kamay sa akin.
Hinampas 'yon ni Ate Izzy. "Hoy! Mambuburaot ka na naman! Birthday ng tao, e. Ikaw talaga!"
"Anong buraot? Kung mambuburaot ako, gagawin ko namang ilang libo." Tumawa si Kuya Aji. "Penge na kasing fifty pesos. Bilis!"
"Grabe ka na, Aji. Para sa fifty pesos nagpapakilala ka." Umiling pa si Edgee habang nangingisi.
"Gano'n talaga. Mataas ang presyo ng mga bilihin ngayon kaya bayaran mo na 'ko, Miss Smurf, o magwawala ako sa loob."
"Magwala ka nga kung matapang ka?" Ate Veron probed him.
"Veron, may pagkakataon talaga sa buhay na nagiging duwag tayo. Ito ang pagkakataon ko ngayon."
Humagalpak sila sa tawa habang si Kuya Aji ay desido pa ring nakatingin sa akin at nag-aabang ng bayad.
"Pero... wala po akong in-order, ah..." giit ko pa habang kinakapa ang bulsa ng suot kong pantalon. "Ano po ba 'to?"
May nakapa akong pera at coins sa bulsa. Lumapit na sina Ate Harley at agad binatukan si Kuya Aji. I pouted and counted the coins and crumpled bank note on my palm. May san rio pa. Kinuha agad 'yon ni Kuya Aji kahit hindi ko pa nabibilang lahat.
"Tama na 'to!" aniya pa bago ako makaapila. Wala pa yata sa fifty pesos 'yon, e.
"Uy, ano 'yan?" usisa ni Eris.
Nakanguso akong tumingala sa kaniya. "Eris, may order daw para sa akin, e 'di naman ako nag-order..."
"Check the waybill," ani Ate Asia.
Someone jived. "Buti pa waybill, chini-check. Label, hindi."
"Ba't 'di mo i-check label ninyo ni Natan, Eden?"
"Shuta ka, walang personalan!"
"Buksan mo nga..." udyok ni Ate Izzy na halos makapalitan ko na ng mukha sa lapit niya. "Ano ba 'yang laman niyan at sa fifty pesos ay naniningil pa 'tong si Aji. Kala mo naghihirap."
Ate Harley perched beside me while she was holding a stick of hotdog. Caster and Edgee even rose from their seats to come closer with utmost interest in whatever was in the package I didn't even order. My name's printed on the waybill, though. I used all my fingers to tear the plastic off without elbowing either Ate Harley and Ate Izzy.
Sinilip ko agad ang laman at nanlaki ang mata sa nakita. I closed it again and looked up to Kuya Aji who was smirking at me.
"Ano 'yan? 'Di ko nakita!" Niyugyog ako ni Ate Izzy.
"Patingin nga!" si Ate Harley naman sa kabilang gilid ko.
Uminit ang pisngi ko. "A-akin po ba talaga 'to?"
"Kaninong pangalan ba ang nakalagay?"
Nagkibit-balikat siya at tinalikuran ako. Due to consistent naggers, I opened the plastic again and drew out my 'order'. It was thick! Squeals almost made me deaf. Nobody slaps their wrists.
"Uy, pera!"
"Tangina ka, Ajasiel. Dami mong perang hayop ka!"
"Magkano 'yan? Magkano?!"
Ilang bundle ng tig-isang libo ang laman ng package. I didn't order it, but he said it's my order so it's mine! I computed mentally before answering them. Wala namang sinabi si Kuya Aji.
"One? Pucha ka, Ajasiel. Sa'n galing pera mo?"
"Sa bangko, saan pa ba? Sa bulsa mo? May laman ba 'yan, Edge?"
"Sana nilagay mo na lang sa bangko."
"Gusto ko talagang magyabang kaya cold cas tayo, Caster."
Nagrereklamo na si Kuya Wilder sa tabi ni Kuya Ral nang nakaupo na ang lahat. Bakit daw noong birthday niya, hindi siya binigyan ng pera. Binalik ko sa plastic ang pera at nilagay sa likuran ko.
"Bibigyan pa kita ng pera, e, lagi ka na ngang kumukuha sa ATM cards ko..." Umiling si Kuya Aji pero hindi naman mukhang nagagalit dahil kalmado ang boses.
"Hindi kaya!" tanggi agad ni Kuya Wai. "You have no proof!"
"O, eh, sino kumukuha? Ikaw lang may alam ng pin ko. Tampalin ko mukha mo, e."
"Hindi nga!" Kuya Wai denied again, but his shoulders shook from his inaudible laugh.
"Kuya Wai knows your ATM cards pin, Kuya Ajasiel?" I couldn't help but interfere.
"Yup," he simply replied and brushed up his hair. "Oh, ano na? Saan na ang ating hospital graduates? Gagawin natin sa mga alak na 'to? Ipapaligo?"
Humilig sa tainga ko si Ate Harley. "Wilder is a spoiled kid pero dahil laging nagpapasaway, madalas ding i-cut ang allowance niya. Aji is fond of Wai and Rain since they are the youngest so... he's spoiling them as well. Mas spoiled nga lang si Wai."
Pinangunahan nina Ate Veron, Ate Harley, at Ate Izzy ang pagbubukas ng iba't ibang klase ng alak. It came to my knowledge that they all major in hospitality, with Ate Harley and Ate Izzy as alumni of my current university and Ate Veron from Enderun.
"'Te, nag-text sa akin sina Chinggay at Adriel, 'di raw makakapunta, e. Nahihiya," balita ni Eris habang ipinapakita sa akin ang screen ng phone niya.
Ngumiti ako ng tipid. "Ayos lang po."
"Are they your friends?" Racer asked while raising his brow.
"Uh, classmates..."
"Why don't you invite your other friends? Since this is a surprise party for you, pretty sure they aren't aware of it too. I don't think it's a problem if you invite them." Sabay ngiti naman ngayon ni Edge. "Mas marami, mas kaunti ikot." He laughed.
"I really don't have other close friends other than Eris, Kuya Wai, and Kuya Rain..." sagot ko sa mahinang tinig.
I wanted to add the word alive other than close. Silence engulfed us, but Kuya Aji immediately cut it off.
"Bakit, Edge? Takot ka malasing? Parang 'di ka anak ni Tito Marco, ah?"
"Iz, don't drink much," paalala ni Kuya Axe habang nakatitig nang mariin sa nobya.
"Opo nga. Cast, ikaw na mauna tutal never ka naman niyang inuna, 'di ba?" Tumawa si Ate Izzy sabay lingon sa direksyon ni Ate Veron.
After the first shot was given to Cast, I was thrown a series of questions. I answered them from my full name down to my educational background. Mostly, ang mga babae ang nagtatanong at nakikinig lang sa sagot ang mga lalaki. Though sometimes, Kuya Wai and Racer would have a side comment.
Sa kalagitnaan ng mga tanong ay pumunta sa amin si Mama. Napaayos ako ng upo pagkatapos isubo ang cheese na tinusok sa toothpick. There was a bright smile on her face.
"Hi, Tita! Lasing na ba ang tatay ko?" Humalakhak si Edgee.
Umiling si Mama habang nakangiti. Inilagay niya ang dalang bote ng wine sa mesa.
"You know your father, Edgee. He's always the last standing among them," Mama supplied with a hearty laugh. "I'm sorry to disrupt your conversation. I just wanna check on my daughter. I hope there are no monkey businesses behind our backs," she added.
Hindi nakaligtas sa akin ang paglingon niya sa puwesto nina Ate Veron at Cast bago kay Ate Izzy na nasa tabi ko. Napatingin tuloy ako kay Kuya Axe na kumakain lang ng sliced apple at kay Kuya Ral na masama ang tingin sa kapatid lalo na nang humagikgik si Ate Izzy. Sa kabilang banda ay hindi nakaligtas ang ngisi ni Edgee kay Caster.
"What are you thinking, Ate?" Hindi na napigilan ni Kuya Ral habang nakakunot ang noo.
"Why don't you guess, kapatid." Ate Izzy smirked. "Tita, is Tala allowed to drink?" Sumulyap siya sa wine na kalalagay lang sa mesa. "We have juice naman. If she's allowed, we can make a cocktail for her..."
"Tss... Hanggang juice lang siya," iritadong tutol ni Kuya at masamang tingin ang ipinukol kay Ate Izzy.
Kuya Ral's glaring eyes darted at my brother.
"She wants to taste alcohol, Mommy. She said it herself in front of Dad!" Ate Harley informed our mother. "Anyway, Mom, don't worry. She's in our house, so nothing bad will ever happen to her here. If she ever gets drunk due to her low alcohol tolerance, I'll know. Babantayan ko po."
Tumingin sa akin si Mama at ngumiti. "Okay. If that's fine with her, too. I trust in you. I'll check on you here from time to time."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top