Chapter 36
TW: Sexual and substance abuse. If you are uncomfortable, please skip the chapter.
Chapter 36
But the fire burned the candle wick and the wax melted around the center. Naupos ang kandila kasabay nang pagdilat ng aking mga mata sa malagim na putok ng baril. My body thrust up, jostling my cousin on my side. Napabangon si Twyla at agad akong niyakap at hinagod ang likod.
"Ate Tala, it's okay. I'm here," she said, trying to calm me.
I grasped for air. Nothing's scarier than waking up with a traumatizing gunshot.
"I've observed that they shoot a gun every morning at 7 o'clock. It's like an alarm for everyone in this building," aniya at itinuro ang mesa. "It's seven-oh-one now."
May digital clock na nakapatong doon. Kinalabit niya ako sa braso at itinuro naman ang pader kung nasaan ang bakod bakod. May hawak na siya ngayong marker at gumuhit ng maliit na linya katabi ng sa huling bakod. Siguro ay kinuha niya roon sa may mesa dahil may ilang ballpen din akong nakita at papel doon kahapon.
"It's our twenty-third day here," malungkot niyang sinabi pero ngumiti rin sa akin. "Good morning, Ate Tala. Kahit nakakulong pa rin tayo rito, mas masaya akong gumising ngayon kasi nandito ka..."
Ngumiti ako pabalik pero hindi iyon nagtagal nang bumukas bigla ang pintuan. An armed man stepped inside and pointed his rifle at us. Kumawala ang impit na tili sa aming magpinsan at naghawak-kamay habang tinatakip ang isang kamay sa mga mata ng isa't isa.
"Labas! Bilis! Kundi papuputukan ko kayo!" sigaw niya sa amin.
Nagkukumahog kaming umalis sa kama para sumunod sa takot na gawin niya nga ang banta. The man never aimed his rifle at anywhere than us as he motioned the way to the stairs. We climbed up until the fifth floor where we spotted five more girls in one corner.
We were paralyzed on our spot. Gutay-gutay ang mga damit nila at nangingitim ang balat sa dumi. Wala pa silang suot na sapin sa paa. The four armed men scattered on the floor, guarding to prevent anyone from escaping.
"Oh, nandito na ang bago n'yong mga kaibigan," sabi ng isang armadong lalaki at humalakhak.
Nagkatinginan kami ni Twyla. 'Yong lalaking nakatutok ang armas sa amin ay itinulak kami palapit doon sa lima pang babae.
"Simula ngayon, 'di na kayo buhay prinsesa rito, ha?" sabi niya sa amin.
May lumapit sa aming isa at tumigil sa harapan namin kaya huminto sa pagtulak ang nasa likod. Lalo kong hinigpitan ang hawak sa kamay ni Twyla.
"Oh, saan nga rito 'yong ginawang parausan ni Boss? Nagsawa na?"
"'Yan yatang may mahabang buhok. Malamang, nagsawa na kaya dito na sila..."
"Batang-bata pa, ah? E 'di puwede na rin nating gamitin? Itong isa?"
My heart raced when the guy in front of us stroked my cousin's head. I swatted his hand and immediately used myself to shelter my cousin from him.
"Don't you dare touch my cousin with your filthy hand!"
Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang tapang para sigawan siya. Basta ang alam ko, hindi ko hahayaang hawakan pa nila ang pinsan ko hangga't nandito ako.
"Aba... ang tapang ng bata, a? Sarap sana sa kama ng mga ganitong lalaban. Kaso nalaspag ka na ni Boss, e." Tumawa siya.
"Tama na 'yan, Fred," saway ng nasa likod ni Twyla at tinulak kami pagilid. "Kayong dalawa, pumunta kayo roon sa mga bago n'yong kaibigan."
I gritted my teeth. My vision blurred because of unshed tears. Twy shook her head as though telling me to stop the fuel of anger before I could explode. Sumunod na lang kami hanggang sa naupo rin kami sa tabi ng pader kasama ang iba pang biktima.
"Ayaw ko nang maingay, ah? Sabog ang ulo n'yo kapag nag-ingay kayo," banta ng isa sa kanila habang nakatutok ang mga baril nila sa amin. "Kapag iihi, ayun 'yong banyo!"
We leaned back against the wall. I let Twyla rest her head on my shoulder while our joint hands perched in my lap. Mayamaya, may dumating na isang lalaki na may dalang dalawang plastic bag. Tinapon niya iyon sa harap ng limang magkakalapit na babae at agad silang nagkagulo para kumuha roon sa isang plastic.
Those were packed bread. Iyong nakikita kong binebenta minsan sa tindahan na wala pang sampung piso. A bottle of water rolled in our direction from the other plastic bag. I swallowed and realized how dry my mouth and throat were. I was about to get it when one of the girls snatched it first.
"I'm so hungry," Twy whispered on the verge of crying.
We couldn't eat that day. They won't give us at least a piece of small bread or a drop of water. Twy's tears drizzled down my arm and I couldn't do anything to provide. We slept on the cold, dusty floor in starvation. The next day, I was determined to be hasty in getting the food they would throw at us.
Gising na ako bago pa man sila nagpaputok sa pader. Ganoon pala ang ginagawa nila. Tatlo na lang ang bantay sa ngayon. Dumating 'yong nagbigay ng pagkain kahapon at itinapon ang plastic na dala sa harapan namin.
Daig ko pa ang kidlat sa pagkuha ng pagkain. Ganoon din si Twy. Mga siopao 'yong nasa supot. Tag-isa kami ng nakuha nito at tubig habang ang iba ay dalawa o higit pa.
My eyes twinkled as I looked at my cousin. Ngumiti siya habang hawak ang pagkain at tubig. Sumulyap ako sa ibang kasama namin na masama ang tingin sa amin.
"Hati na lang po muna tayo rito sa isa. Mamaya na po 'yong isa para po kapag nagutom ulit tayo," sabi niya sa mahinang boses.
Tumango ako. Hinati ko ang isa at ibinigay sa kaniya ang mas malaking parte. Kailangan naming pagkasyahin iyon dahil hindi yata ulit magbibigay mamaya. Lumipas ang dalawa pang araw na nakikipag-agawan kami sa pagkain at tubig. Sa sumunod na araw, kinuha 'yong tatlong babae at wala kaming ideya kung ano ang gagawin sa kanila. Hanggang sa kinuha na rin ang dalawa at kami na lang ang natira.
Simula ng araw na 'yon, hindi na kami binigyan pa ng pagkain o tubig.
Until one night... I awoke in the middle of my sleep when I heard Twyla's whimpers. Her legs were folded and she was clutching her stomach. Para akong tinakasan ng dugo nang dumikit ang palad ko sa braso niya at halos mapaso agad. She was shivering—almost convulsing!
"Sir!" sigaw ko, wala nang pakialam kung paputukan agad.
Isa na lang ang nagbabantay ngayon at may folding bed siyang hinihigaan. Madali siyang takasan kung may lakas lang kami. Pero alam kong may mga nagbabantay pa sa ibabang palapag. I crawled weakly in his direction as his snores became louder. His rifle was lying on his arm. Niyugyog ko ang binti niya.
"S-sir! Sir! T-tulong po! Nanginginig po ang pinsan ko!"
His body jumped with a snort. Napaatras ako nang kaunti pero bumalik din sa pagyugyog sa kaniya.
"Parang awa n'yo na po... 'yong pinsan k-ko po," I begged in a lackluster and weak voice.
Lumaylay na ang ulo ko gilid ng folding bed niya nang bigla siyang bumangon at hinawakan agad ang baril. I didn't flinch.
"Putang ina! Ano? Gusto mo bang mamatay?! Natutulog ang tao!"
"Pinsan ko po... nanginginig po. Parang awa mo na po... tulungan n'yo po siya..."
"Huh?! Ano'ng nanginginig! Puta!"
Sinipa niya ang mukha kong nakasandal sa gilid ng hinihigaan niya kaya napahiga ako sa sahig. Dinilat ko ang isang mata at nakita na siyang tumayo.
"Si Twy po... tulong po..." paulit-ulit kong pakiusap.
"Lintek naman! Yari pa ako nito!" Sabay tadyak niya sa tagiliran ko. "Tumayo ka! Lintek! O papatayin ko nang tuluyan 'yang pinsan mo!"
Wala akong magawa kung hindi ang pilitin ang sariling bumangon. I crawled back to my cousin and put her head on my lap. Her body didn't stop from quavering.
"A-Ate ko..."
"Twy, Ate Tala's here. I'm not gonna leave you..." I rocked her lightly. "Hang on, please..."
May tinawagan 'yong lalaki pero hindi ko na nasundan ang pinag-usapan nila. Twy was white as snow but scorching as the sun. Mayamaya, ilang yabag ang narinig ko hanggang sa nakita ang tatlong armadong lalaki at 'yong banyagang pinakamatangkad. Ang boss nila.
He squatted in front of us, eyes piercing through me.
"My cousin's sick," I told him. "Parang awa n'yo na... kahit siya na lang po ang bigyan n'yo ng pagkain at gamot..."
Pumilig ang ulo niya. His hand reached my face. He used the pad of his forefinger to lift my chin. My lips parted.
"I can give them to her," he said. "But you have to pay for my kindness."
Tumango ako. "Kahit ano po... Asikasuhin n'yo lang po ang p-pinsan ko."
Matagal siyang tumitig sa akin at para bang inaabangang bawiin ang sinabi ko. But I wouldn't waver. Taking back my words might be my self-defense, but my cousin's safety is more crucial.
"Okay, then..." He lifted his hand and snapped his fingers. "Get this sick girl treated. Then bring the other one to my room."
Nabuhayan ako nang kaunti. "S-salamat po..."
"Bullshit. You don't fucking thank your kidnapper!" He pushed my chin with controlled anger.
I didn't argue with him. I let them take my cousin from my arms, thinking they'd give her medical attention. They were terrible men. I shouldn't trust them. But my cousin's life was ventured. I'd let them take all my organs if those were they were after us.
But they didn't show any interest in that. I became once again a slave to the lust of the green-eyed devil. Pinaliguan, pinakain, at binibigyan ng gamot. Not medical drugs, though... but illegal substances. The naive Tala was long gone. I knew about it. That was the use of paraphernalia I'd seen on the table before.
Pakiramdam ko ay lumulutang ang ulo ko sa tuwing may pinapasinghot siya sa akin. Minsan, tinuturukan niya ako para pakalmahin sa tuwing nasosobrahan. Halos hindi na ako natatakot para sa sarili ko. Ang nasa isip ko lang... sana ay ako lang ang giinaganito. Sana ay maayos na si Twyla.
"I don't understand..." he started after puffing a smoke.
Nakahiga ako sa kama at nakabaluktot habang walang saplot. I closed my eyes, readying to sleep even if it was still morning.
"Yesterday, I bestowed your cousin a chance to escape this place. However, she refused and insisted on staying here," he supplied.
Napadilat ako. What did he say? Ngumisi siya nang nakita ang interes ko sa sinabi niya.
"Your cousin is doing very well. Do you want to see her?"
"B-bakit daw hindi umalis ang pinsan ko?"
"What do you think?" He scoffed.
Patagilid akong bumangon. "Gusto kong makausap ang pinsan ko."
He tilted his head. "Okay."
Of course, she probably didn't want to escape without me. Pero tsansa niya na 'yon! If we can't flee together, she, at least, has to break free for her to call for help! But if I were the one given a chance to escape... I might be unable to leave her behind, either.
"Aren't you wondering why until now, your family is yet to find you?"
I smiled bitterly. Matagal na akong nawalan ng pag-asa na pinaghahanap nga nila kami.
"Ano bang plano n'yong gawin sa amin? Kung ibebenta n'yo ang mga internal organ namin—"
"Who says we're going to sell your organs?" He snickered. "Kid, that's not the purpose of this abduction."
"Then what?" My breathing turned ragged as vexation crept into my system. "Kung hindi iyon ang dahilan, bakit n'yo kami kinuha at pinapahirapan? Sino ka ba talaga? Ano ang atraso namin sa inyo? Please! Kung may kasalanan ako sa inyo, ako na lang sana ang kinuha n'yo! You could have spared my cousin who has nothing to do with this!"
"Let's just say... you were born to suffer the same experience your mother had." Pinitik niya ang sigarilyo malapit sa pintuan bago tumayo. "And your cousin is just a collateral damage."
What did he mean I was born to suffer the same experience my mother had? Was my mom a victim of kidnapping, physical and sexual abuse, too? I didn't know! If it was true, nasasaktan ako nang sobra para kay Mommy. Kahit malupit siya sa akin, hinding-hindi ko ikatutuwa kapag nalamang may nangyari o mangyaring hindi maganda sa kaniya.
The night came and the devil hasn't returned yet. Bago siya umalis, ang sabi niya ay hahayaan niya akong makita ang pinsan ko. Ngayong gabi. Binigyan niya na rin ako ng damit. What time is it now? Si Twyla, kumain na kaya?
My eyes drifted to the food on the table. It was a rice meal, a glass of water, and two packs of biscuits. My stomach was grumbling and my head was throbbing. Kaya naman tumayo na ako mula sa kama at lumapit doon para kumain.
My stomach turned upside down on my second spoonful of rice and vegetables. My hand flew to my mouth as I ran toward the toilet to throw up everything I had consumed. May kumawalang luha sa mga mata ko habang nakaluhod at sumusuka sa toilet bowl.
Narinig kong bumukas ang pintuan sa labas. Pinunasan ko ang bibig at tumayo kahit parang bigla akong naubusan ng baterya.
"Puta, akala ko nakawala!"
Nilingon ko ang pumasok sa banyo subalit agad nitong tinabunan ng tela ang bibig ko. My words were immediately muffled and hurled back in my throat. Hinigpitan ng isa ang tali sa likod ng ulo ko bago ako hinila palabas ng banyo at ng kuwartong iyon.
"Makakatikim na rin tayo sa wakas," halakhak ng isa. "Puwede na 'to kahit pinagsawaan."
"Bata naman. Sana 'di pa ganoon kaluwag!" Nagtawanan sila.
They dragged me again upstairs. I heard someone's obscured outcry. Nang makarating sa pamilyar na palapag, nanlaki ang mata ko nang nakita si Twyla, nakatali sa isang poste habang nakatayo at may itim na tape sa bibig.
Pumunta sa harap ko ang taong kanina ko pa hinihintay. Ano 'to? Ganito niya kami gustong magkita at mag-usap ng pinsan ko? Parehong may busal sa bibig?
Hinaplos niya ang buhok ko. "Don't worry. After this, I'll let you two go..."
Nilamon ang tanong ko dahil sa telang nasa bibig. Totoo? Pakakawalan niya na kami?
"Boss, parating na raw sina Janno. I-ready na ba natin 'yan sa mesa?" someone said.
"Sigurado ka ba rito, boss? Patatakasin mo pagkatapos? Magsusumbong 'yan panigurado!"
Hindi niya sinagot ang mga tanong ng tauhan. Twyla's muffled screams became vehement and desperate as though she wanted to tell me something as our eyes met. She kept on squirming and shaking her head.
"Lay her down on the table. Don't tie her."
"E, itong busal niya, Boss? Tanggalin namin?"
"No..."
I reflected upon myself the moment I was laid down the table. Inisip ko lahat ng posibleng naging kasalanan ko para mangyari ito. Naging masama ba akong tao? Anak? O kaibigan? If so... do I really deserve going through the mill?
"Listen..." Yumuko siya upang magpantay ang mukha namin. "My men are going to fuck you... and your cousin will be your audience."
They had me over a barrel. While these fifteen men relieved their libido on me, I talked to my cousin through my eyes who was crying and watching me. No, please. Close your eyes now, Twy. Stop watching. I'll be okay. We will be okay. I promise you that we'll get through it.
"ATE KO!" Sumabog ang sigaw niya nang sa wakas ay tinanggal ang tali niya at tape sa bibig.
Isa-isang nagsialisan ang mga lalaki pagkatapos sa akin. Natira lang ang kanilang amo na ngayon ay nakasandal lang sa poste kung saan nila itinali ang pinsan ko.
"Ate!" Humagulgol si Twyla at niyakap ang nanginginig kong katawan, hindi makagalaw habang nasa mesa pa rin. "Binaboy ka nila! Walang hiya sila! Ang ate ko!"
Hinila niya pababa ang busal sa bibig ko. Ubos na ubos na ako. Pagod na pagod na ako. Ang talukap ng mga mata ko ay bumibigat na.
"Ate, sorry... Ate... please..." iyak niya habang sinusubukan akong ibangon. "Ate, aalis na po tayo rito. Please, Ate... hang on, please..."
"I'll give you five minutes to leave this building. Or else..." Ang pamilyar na pagkasa ng baril ay umalingawngaw. "I'll shoot you two down."
Dumilat ako habang hinihingal. Ang sakit-sakit ng katawan ko lalo na ang ibabang parte. Namamanhid na rin ako. Nakita kong kinuha ni Twyla ang mga damit ko sa sahig. Sa nanginginig na mga kamay, tinulungan niya akong bihisan.
I had to cooperate. I had to force myself to stand. It was our last chance. Nakikita at nararamdaman kong nahihirapan na si Twyla sa pag-alalay sa akin pababa ng hagdan subalit tahimik lang siyang tumatangis.
My heart ripped into pieces.
"Sisiguraduhin kong pagbabayaran nila ang lahat ng ginawa nila sa 'yo..." Her words were clear while she was shaking in resentment. "I will not die without putting them all in jail. They will never get away from their crimes."
We didn't have a choice but to enter the wild at midnight. Ang hampas ng malamig na hangin sa aming balat at ang matutulis na bato at sanga na tumutusok sa aming talampakan ay walang-wala kumpara sa sinapit namin sa loob ng abandonadong gusaling iyon.
Sa kalagitnaan ng pagtakas, sunod-sunod na putok ng baril ang nagpagimbal sa amin. Halos kaladkarin na ako ng pinsan para lang mas makalayo. But my head was spinning and my lower abdomen was twisting in pain.
"Ate... Ate... may ilaw roon! There's a road!" Twy exclaimed with a little hope in her tone.
Halos humiyaw na ako nang hindi na nakayanan. Tumigil na siya sa paglakad upang tingnan ako. Bumaluktot ang katawan ko habang nakasampay pa rin ang isang kamay sa balikat niya.
"Ate? Ano pong nangyayari sa 'yo?!"
Inalalayan niya akong umupo sa tabi ng isang puno. Bumagsak ang mga braso ko sa gilid at napapikit na ako.
"A-Ate... may d-dugo ka po sa binti!" Bakas ang takot sa boses niya. "D-dinudugo ka po, Ate! Ate... Ate..." Tinapik-tapik niya ang pisngi ko. "S-Sandali lang, Ate. Mag-aabang ako ng sasakyan sa kalsada. Malapit na tayo, Ate, huh? Dito ka lang po..."
Tumango ako. But as soon as she rose from squatting, a gunshot beset the silence in the wild that shook me like a leaf.
My outrage bloomed upon seeing how my cousin's body dropped in front of me. Hindi makawala ang sigaw ko sa gulat at takot.
"C-car..." she managed to mutter despite being shot.
Kahit malayo pa, natatanaw ko ang mumunting liwanag sa kanan. Naintindihan ko agad ang gusto niyang iparating kaya kahit halos mamatay na sa sakit sa puson, gumapang ako patungo sa kalsada.
When my palm reached the cold pavement, I pushed myself to stand so the driver could notice me. Paika-ika akong humakbang nang dalawang beses at halos maging kuba. I raised my enervated arm when the car's headlight flashed before my eyes. But instead of pulling off, the car ran over me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top