Chapter 34
Chapter 34
Hindi ko na ipinilit ang sarili kong pumasok at pakinggan. Mommy didn't know how much it took for me to finally have the courage to speak and be heard. Naisip ko lang naman na kahit anong pagsusungit niya sa akin, paniniwalaan niya ako.
Kasi... anak niya pa rin ako, 'di ba? At nanay ko siya? Pero imbes na paniwalaan at ipagtanggol, pinalayas niya ako. Nang ganoon lang. Bakit kailangan kong magmakaawa para pakinggan ako ng sariling ina?
Kumikirot ang braso ko sa lalim ng pagkabaon ng kuko ni Mommy pero mas matindi ang sakit na mga salita niya sa puso ko.
I will never forget how I was corrupted and invalidated, like my bad experiences did not matter to anyone. As I walked through the pavement of nothingness, I instilled in my mind that no one would believe my words. I begged my mother, and I only received a punishment. I don't want to beg any other person to listen to me. It's shameful.
Kung saan-saan na ako dinala ng mga paa. Wala akong dala kahit ano kundi ang sarili lang. Tumirik na ang araw. Kanina pa kumukulo ang tiyan ko sa gutom pero wala naman akong pera.
Tumigil ako sa isang kanto at pinagmasdan ang mga batang naglalaro. May isang malaking bato akong nakita sa tabi ng itim na basurahan kaya agad ko iyong inupuan para magpahinga. A passerby threw his garbage in my direction while talking to his friend, hence the plastic landed on my feet. I picked it up and shot it in the right place.
"I'm so hungry," naiiyak na ako habang hinahawakan ang tiyan.
I pouted and covered my face with hands. Nakatukod ang mga siko ko sa tuhod nang nagsimula akong humikbi. Kung dati, tuwing nagbabalak lumayas, hindi pa man ako nakakalayo sa bahay ay magpapakita na si Kuya Dwight. Siya ang dahilan kung bakit hindi ako natutuloy sa balak.
But now he was in the cell. I missed him so much. I called his name in my mind while weeping silently as though he would suddenly appear before my eyes.
But no Kuya Dwight came. Instead... something rested upon my head which caused me to peek through my fingers.
"Bakit may pakalat-kalat na bilog dito?"
Tuluyan ko nang inalis ang harang sa mukha at tiningala si Kuya El. In his black shirt, ripped jeans, and worn-out shoes—my heart bounced at that very moment. I couldn't help but throw my arms around his waist.
"Iniwan mo ako!" galit kong sumbat habang nakayakap sa kaniya at humihikbi.
"Sorry," tanging sabi niya at hinagod ang likod ko. "Mamaya ka na magalit. Gusto mo bang kumain muna?"
Bahagya akong tumango. Nag-vibrate ang dibdib niya sa pisngi ko. Hindi ko na tatanungin kung bakit iyon agad ang tinanong niya. Sasagutin niya lang ako na palagi naman akong gutom.
"Saan mo gustong kumain?" I didn't answer so he added instantly, "Gusto mong mag-Jollibee? Parang kulang ka sa saya, e."
Tumango ulit ako. Hinawakan niya ang braso kong nakapulupot sa kaniya para kalasin sa katawan niya. Pinaraan niya ang likod ng mga daliri sa magkabilang pisngi ko.
"Tahan na, pumapayat ang pisngi mo, o?" He chuckled. "May motor akong dala. Ayun..."
Sinundan ko ng tingin ang itinuturo niya. Ilang metro ang layo ng isang itim at malaking motor ang tinuturo niya. Naglahad siya ng kamay sa akin na walang alinlangan kong tinanggap bago kami nagtungo sa motor niya.
He had two helmets—a small and a big one. Puwedeng dala niya dahil may gumamit na, o may sasadyain pa siyang kitain para may paggagamitan ang isa. Kung paano niya akong natagpuan dito ay hindi ko sigurado at hindi ko na rin itinanong.
He drove fast I had to clung my rms around his torso tightly. My hands barely touched each other since his body was broad and my arms weren't that long. Kaya naman sa shirt niya na lang ako kumuyom habang nakahilig sa likod niya.
His motorbike pulled over at the Jolibee store's parking lot across the street. Tumagilid ang motor niya kaya napakapit ako lalo sa kaniya. Akala ko ay matutumba kami pareho. Hinubad niya na ang suot na helmet at tumingin sa kaliwa.
"Hindi ka mahuhulog. Baba na," utos niya at pilit kinakalas ang kamay ko sa damit niya.
May isang motor na tumigil sa tabi namin. Pinanood ko ang driver at nag-abang kung paano siya bumaba bago ko ginaya. Bumaba na rin si Kuya El at hinubad ang helmet ko. Sinabit niya ang strap ng helmet niya sa isang braso at hinawakan naman ang isa.
Kinalaykay ng daliri niya ang buhok mula noo patungo sa likod. Ngumuso ako. Inayos niya nang kaunti ang buhok ko at ngumisi.
"Tara na. Nagugutom na rin ako..." Pinangunahan niya ang paglalakad.
He let me order anything, so I chose chicken meal, spaghetti, and other sides. Ginaya niya ang in-order ko pero sa huli, rice meal lang ang kinain niya at ibinigay na rin sa akin ang iba bukod sa inumin niya.
I was so full that I temporarily forgot the reason why I was here, with night clothes and dirty feet. Bumagal ang pagsubo ko sa sundae nang naabutan siyang nakatingin sa braso ko. Hinawi ko ang buhok sa likod patungo sa harapan ko para matakpan ang tinitingnan niya.
His eyes traveled up to my eyes. "Sasabihin mo na ba kung bakit ka pagala-gala nang mag-isa at nakapantulog pa?"
"Bakit? Sasabihin mo rin po ba ang dahilan kung bakit umalis ka?" balik ko at ibinaba ang hawak na sundae sa mesa.
He exhaled and pressed his eyes close for a moment. "Bakit? Kailangan mo pa ba ako?"
I gnawed the inner of my bottom lip. Hindi ako nakasagot agad dahil hindi ko rin alam kung ano ang sagot sa simpleng tanong na 'yon.
"P-paano kung... oo?"
"Babalikan kita kung alam kong kailangan mo ako." Suminghap siya at humilig sa plastic na sandalan, matamang nakatingin sa akin. "Pero sa paanong paraan at dahilan mo pa ako kakailanganin ngayon?"
Nagkibit ako ng balikat. "When you left... I didn't expect to see you again. I didn't even think of you when I was alone earlier on that street. But when you showed up..." Napalunok ako at napatitig sa kaniya.
"Nang nagpakita ako, naramdaman mong kailangan mo ulit ako." Tumango siya. "Siyempre, kakailanganin mo lang ang isang tao kapag matutulungan ka niya."
Parang kinurot ang puso ko. Bakit kung sabihin niya iyon ay para bang ginagamit ko lang siya? That I only need him because he's useful to me? But then... that might be the case... at some point. But he offered all these to me.
"Babayaran ko na lang po lahat ng kinain ko ngayon kapag may pera na ako. P-pupunta na lang muna ako kina Twyla para—"
"Hindi ko pinababayaran sa 'yo 'yan. At bakit sa kanila ka pa pupunta, hindi sa inyo?" Tumalim ang tingin niya sa akin. "Naglayas ka sa inyo?"
"Ano naman po kung oo?" I lied. "Hindi ka na naman nagtatrabaho sa amin kaya dapat, wala ka na ring pakialam tungkol doon!"
"E 'di hindi mo na talaga ako kailangan?" he lashed back.
I didn't answer his question. "Did you search for me? Kaya mo ba ako nakita roon kanina?"
"Bakit kita hahanapin?" Humalakhak siya nang mapanuya pero mabilis ding bumalik sa madilim na ekspresyon ang mukha. "Nakita lang kita, hindi hinanap. Ni hindi ko nga alam kung bakit ka nandoon, e."
My chest constricted, but I found the strength to bob my head. "Okay... pero salamat pa rin po sa pagkain."
Tumango rin siya at tumingin sa labas ng salaming pader sa tabi namin.
"Gumamit ka na ng banyo kung gagamit ka. Uuwi ka na sa inyo."
"K-kina Twy—"
"Huwag ka nang magrebelde at umuwi na lang sa inyo." Ang bawat dikta niya sa mga salita ay puno ng diin at pinalidad.
But I'm not rebelling... and I was thrown out of our house. Sana si Kuya Rain o Kuya Wai na lang ang nakakita sa akin at kasama ko ngayon...
"Was it because of what I said to you?"
There was no proper adieu when he decided to leave me and cut the strings between us. I should've known earlier. He could make any reason or excuses, but I know what I had told him before our Moving Up Ceremony somehow stimulated his decision.
He clenched his jaw. His fierce eyes shrunk when they shifted back to me.
"Ano'ng sinasabi mo?" His cold voice sent chills to me.
"I told you I like you..." Uminit ang pisngi ko sa kahihiyan. "Pagkatapos kung sabihin 'yon, feeling ko... umiiwas ka na lalo."
Napatukod siya ng siko sa mesa at hinaplos ang tainga. "Feeling mo lang 'yon. Baka akala mo hindi ko napapansin? Ikaw ang naunang dumidistansiya na lang bigla. At... kahit sino namang mabait at malapit sa 'yo, gusto mo..."
"I kept my distance because I needed to..." I said quietly.
"At tutulungan kita," aniya. "Huwag kang mag-alala, pagkatapos ng araw na 'to, hindi na ako magpapakita sa 'yo."
Tumuwid ang likod ko. "W-why?"
"Pero huwag ka ring mag-alala, tutupad ako sa pinangako ko na... poprotektahan kita hanggang mamatay ako."
Nagkatitigan kami.
"Hindi mo naman ako kailangang makita at malaman sa tuwing gagawin ko 'yon..." dugtong niya. "Ang importante, ligtas ka."
Yumuko ako. I was trying to understand.
"Saan... ka na mag-aaral kung ganoon?" I asked hesitantly.
"Sa paaralan na walang buhay na bilog."
Lumabi ako. Ngumisi siya pero hindi umabot sa mata. I stared longer at those orbs until I saw the exhaustion shadowing them.
"Am I still going to see you in the future?" bigo kong tanong.
"Kung hindi ka mabubulag at buhay pa ako, malamang sa malamang, makikita mo pa ako."
"I'll take care of my eyes. And you're a masamang damo kaya hindi ka pa po mamatay agad."
"Tama ka." Hinuli ng ngipin niya ang ilalim na labi at pinakawalan din agad. "Siguraduhin mo ring makakatapos ka ng pag-aaral."
"Mag-aaral po ako nang mabuti." I smiled. "Kung... makapagtapos na po ako at... gusto pa rin kita..."
"May magugustuhan ka pang iba. Tulad ng pagkagusto mo kina Villanueva at Blaustein," agap niya at bahagyang nalukot ang noo.
"I like them, but it was different with you—"
"Bata ka pa. Huwag mo munang isipin ang tungkol diyan. Saka na kapag nakatapos ka na."
"I'm not only thinking about it. I'm feeling it, Kuya El..."
Pumungay ang mata niya at tila pagod na pagod nang magdahilan pa.
"May nagugustuhan na ako. Matagal na..." bigla niyang amin.
Dumaan ang katahimikan sa pagitan namin. Sinimulan kong ayusin ang mga plato at kalat sa mesa namin. I crumpled the rice wrapper in my hand.
"Gustong-gusto ko siya..."
Nagbara ang lalamunan ko sa narinig. I don't want to hear it. Why would he tell me that even though he was aware of my feelings for him? Akala niya ba basta mawawala ang pagkagusto ko sa kaniya kapag nalaman kong may gusto siyang iba?
I prayed for him to not say anything further to torment me. I already had enough pain for today. Can he reserve his another set of torture the next time we meet?
"Sarap siguro sa pakiramdam magkaroon ng lahat ng karapatan sa kaniya."
"E 'di asawahin mo!" Hindi ko na napigilan ang pait sa pagsagot ko gamit ang maliit na boses.
Pinipigilan ko na lang ang sariling batuhin siya ng plastic cup. Kinurap-kurap ko ang matang nanlalabo na at iniwas lalo ang tingi sa kaniya.
"Aasawahin ko talaga." Ngumiti siya. "Pero mukhang matagal pa 'yon. Wala pa nga akong napapatunayan, e. Ano'ng ipapakain ko sa kaniya? Kutsara't tinidor? Plato?"
"Damo! Pakainin mo ng damo!"
His shoulders shook continuously. "Ano siya, kambing? 'Di pa naman puwedeng magutom 'yon. Nakakaawa tingnan kapag gutom."
Buti pa sa babaeng iyon, naaawa siya! Ako na halos umusok na ang tainga ko at pisngi sa sobrang inis, hindi siya naawa! His lips pushed forward as though preventing himself from grinning to mock me.
Pero... Sino ba ang gusto niya? Hindi ko siguro kilala, katulad ng hindi ko rin kilala ang pamilya niya. He was mysterious and secretive since then, but I figured he was just the sort of people who detest formal introduction between his friends and family for a reason.
"Gusto mo nga siya... pero gusto ka ba?" Nagtaas ako ng kilay, naghahamon, kahit kumikibot na ang ilong.
Kinuha niya 'yong baso kong may tirang tubig at ininom. Tumaas-baba ang balikat niya.
"Kung ayaw niya sa akin, hindi ko naman pipilitin. Pero kung gusto niya rin ako, e 'di talagang aasawahin ko."
Padabog akong tumayo sa kinauupuan. "B-banyo lang..."
Napahawak ako sa kuwintas na suot. His treatment before and after we went here was giving me mixed signals of what I was supposed to feel toward him. Pabago-bago parang panahon. Ganoon niya talaga ako nakukuha. Kapag mabait, gusto ko. Kapag nagsusuplado, hindi ko alam, pero mas nagugustuhan ko.
And now that I'm aware of his affection to someone who was not me, I must stay away. At isa pa... mas dapat ko ngang pagtuunan ng aksyon ang tungkol sa pamilya. Mawawala rin 'tong nararamdaman ko sa kaniya. Pero ang pamilya ko, iyon ang ayaw kong mawala.
I'm sure our home will not welcome me if I come back now. Mommy was enraged, called me a liar and ingrate, and almost disowned me. I kept telling myself that she only said I wasn't her daughter out of fury. She didn't mean that, I know.
"Kuya El... can we visit Kuya Dwight first, please?"
I visited him many times since he got in to jail. I used to bring some food and few stuffs allowed inside their cell. At kahit alam niyang binenta ko ang impormasyon tungkol kay Ate Fatima, hindi siya nagalit sa akin. Gayun pa man, hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng guilt tuwing binibisita ko siya.
"Okay. Hindi ka puwedeng magtagal," aniya at tumango.
Bumalik kami sa kung saan nakaparada ang motor ni Kuya El. Kahel na ang langit. Ayoko pa talagang umuwi dahil galit si Mommy... at baka umuwi na rin si Daddy pero kung doon talaga ako iuuwi ni Kuya El.
"Tala," untag niya. "Naiwan ko yata sa loob ang susi. Wala rito sa bulsa ko. Check ko lang saglit. Babalikan kita agad."
"Okay po..."
Pinatong niya ang malaking helmet sa upuan at ang maliit ay isinabit niya sa manibela. Hinawakan ko ang nasa upuan at pinanood siyang bumalik sa loob ng store. Nang nagsawa akong panoorin ang mga dumaraang sasakyan habang naghihintay, tiningnan ko muna ang repleksyon sa side mirror ng motor.
I bared my teeth to check them. I noticed the food bits stuck between my left canine and incisor.
"Eulalie Lanzaderas," isang baritonong boses ang nagpatayo sa akin ng tuwid.
I turned around to see three unfamiliar men in black suit towering me. They were massive and scary. Isa sa kanila ang tumawag sa pangalan ko? Kilala nila ako?"
"Sino po kayo?"
"Tauhan kami ng Daddy mo. Pinasusundo ka na niya sa amin," sagot ng nasa gitna.
Napaatras ako ng isang hakbang. Gumalaw ang motor sa likod ko nang natamaan kaya agad akong humarap doon at hinawakan. I'll be dead meat kapag natumba ito.
Hinarap ko ang tatlo. "Your faces are all foreign to me..." puna ko. "Bagong tauhan po kayo ni Daddy?"
The guy in the middle jerked his head. Tumingin siya sa dalawa at sinenyasan sila.
"Kunin n'yo na 'yan," he ordered them.
His two minions advanced to me and grabbed my arms with force. Kumalabog ang dibdib ko at agad na sinubukang bawiin ang braso sa kanila. Diniinan ko ang mga paa sa sahig para hindi ako madala but it was futile.
"H-hindi po ako sasama sa inyo! Ihahatid po ako ng kaibigan ko sa amin!" Tumingin ako sa entrance ng Jollibee.
Nasaan na ba si Kuya El? Hindi pa rin ba niya makita ang susi? My hope arose when I saw him opening the door, finally.
"Kuya El!" sigaw ko nang tuluyan na siyang nakalabas.
"Bilisan ninyo!" sigaw ng nangunguna sa amin.
"Kuya El!" I shouted again. "Bitiwan n'yo po ako! Nandiyan na po ang kasama ko! Sa kaniya po ako sasama!"
Nawawala siya sa tingin ko dahil nahaharangan ng isang may hawak sa akin. Naging desperada na ang mga tawag ko sa kaniya nang halos buhatin na ako ng dalawa.
"Kuya El! Tulong! Ayaw ko po sumama sa kanila!" I screamed, tears starting to flow down my cheeks. "Let me go! I don't want to go with you!"
Isang puting van ang nakaparada sa gilid ng kalsada. Bukas ang pinto sa likod at agad na pumasok ang isa sa kanila. Nagkanda-bali na ang leeg ko katitingin pabalik kay Kuya El. My eyes widened in horror upon seeing him watching us... standing still.
He was watching me. He could hear me begging for his help. Yet... he was just... there. My legs weakened as realization hit me.
Alam niyang may kukuha sa akin?!
Pumasok siya sa loob hindi para kunin ang susi. Iniwan niya lang talaga ako sa labas hanggang dumating ang mga lalaking 'to. Kaya nang nakita niya na akong kinukuha ng mga tauhan ni Daddy, hinayaan niya lang ako.
Sabi niya ay ihahatid niya ako pauwi! Iyon pala, hahayaan niya akong sunduin ng iba... ng hindi ko kakilala! He... he fooled me!
I surrendered to the hands of my father's men. Patulak nila akong ipinasok sa loob ng van at doon ko nakita ang dalawa pang lalaki sa likuran at ang driver sa harap.
The man holding my left arm made me sit on the second row beside the man with thick stubbles. Umiiyak pa rin akong sumilip sa bintana at natagpuan si Kuya El na pabalik sa kaniyang motor.
"Punyeta. Patahimikin n'yo nga 'yan!" sigaw ng nasa harap.
"Kalo, akin na nga 'yang pinadala ko..." sabi ng nasa tabi ko.
The man he called Kalo later on passed him a syringe. Gumapang ang lamig sa aking braso nang makita kung paano may tumalsik na kung anong likido sa dulo ng karayom.
"A-ano po 'yan?" Nanginginig ang boses ko sa takot.
"Ren, hawakan mo."
The man on my other side caged me with his arm on my neck while the other holding my left arm firmly against my side so I couldn't move. Ni hindi pa ako nakakaangal, naiturok na sa braso ko ang karayom.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top