Chapter 32

Chapter 32

"Thank you po, my pretty nurse! I recovered fast because of your help." Ngumiti ako.

Simula nang nakauwi ako rito sa bahay, may private nurse nang nagbabantay sa akin para tingnan ang kondisyon ko. Hindi naman na malala, pero siguro nag-aalala na rin sina Mommy at Daddy dahil sila naman ang nagdesisyon na magkaroon ako ng private nurse.

Sadly, they were still not home. I could complain, but I'd rather not. Sanay naman na ako. At isa pa, nandito naman sina Manang at... Kuya El. Pero si Manang ay umuwi sa kanilang probinsya noong nakaraang araw dahil may emergency na nangyari sa kaniyang nag-iisang apo. Meanwhile, hindi ko pa pinapapunta ulit si Twyla kasi ayaw kong malaman niya ang nangyari sa akin.

"You recovered fast because you followed everything I told you to do," she said and smiled.

"Am I gonna meet you soon po?" umaasa ang tono ko.

"Gusto mo ulit maging pasyente?" marahas na singit ni Kuya El.

He was leaning against the door of my room, arms crossed over his chest. Nilingon din siya ni Nurse Aliana pero ibinalik din agad sa akin ang tingin.

"Puwede naman. Pero sana sa susunod nating pagkikita, 'yong hindi kita pasyente at hindi mo ako nurse." Humalakhak siya at tumingin kay Kuya El. "At ikaw naman, ayusin mo ang trabaho mo, ha?"

"Maayos akong magtrabaho, Aliana," tamad na sagot ni Kuya El. "Sadyang may isa lang diyan na lapitin ng disgrasya."

"Kuya El, you should call him Nurse!" sita ko. "Sorry po, Nurse Aliana. Minsan po talaga wala siyang respeto."

"Ansabe mo, bata?" si Kuya El na umalis na sa pagkakasandal sa pintuan.

"Yay!" Nagtago ako sa katawan ng nurse ko.

"Lairgren, tumigil ka na nga!" saway ni Nurse Aliana habang ang isang kamay ay nasa likuran ko na.

I saw how Kuya El's eyes rolled at us. I smiled a bit and hugged my nurse. Magpinsan silang dalawa pero sa tuwing inaatake ako ni Kuya El, nandiyan si Nurse Aliana para maging shield at sword ko.

Napilit namin siyang ihatid sa bahay nila. Ngayon ay nasa labas na kami ng sasakyan at nasa likod niya ang dalawang palapag nilang bahay.

"Bye, my pretty nurse..." malungkot kong paalam. "I hope to see you soon."

Dala niya ang isang maliit na bagahe dahil sa bahay siya nag-stay sa buong pag-aalaga niya sa akin. I made a handmade gift for her and secretly put it inside her baggage. I hope she would like it.

"Huwag na, uy." Siniko ni Kuya El ang balikat ko.

Ngumisi si Nurse Aliana at niyakap ako. "Mag-ingat ka na sa susunod, Tala."

Tinaas ko ang baba nang kaunti.

"Huwag mo ngang i-jinx. Baka pagbalik namin sa bahay, madapa agad 'yan," kontra na naman ni Kuya El.

Kinurot tuloy siya sa tagiliran kaya nakangiwing lumayo sa amin nang kaunti. I raised my hand at Nurse Aliana to wave for the last time. Nang nasa sasakyan na kami ni Kuya El paalis ay tinatanaw ko pa rin siya.

"Kuya El." Tinusok ko ng hintuturo ang braso niya. Nasa front seat siya katabi ni Kuya Gibo.

"Oh?"

"Puwede rin po kaya akong maging nurse?" I asked out of nowhere before I turned to Kuya Gibo. "Tingin mo po, Kuya Gibo? Like Nurse Aliana?"

"Bakit naman hindi?" si Kuya Gibo pero bahagyang natawa. "Pero mas mabuting sarili mo muna ang alagaan mo bago ang iba."

"Talaga po? Pero kung hindi ko po kaya maging nurse, mag-teacher na lang po ako! Gusto rin maging teacher ni Twyla, e. Kaso... medyo nahihiya pa ako magsalita sa harapan."

Ngumisi si Kuya El, pero parang may bahid ng iritasyon. "Baka ang mga estudyante mo pa ang magturo sa 'yo kung nagkataon."

"E, puwede ba 'yon? E 'di hindi na teacher ang tawag sa akin kapag ganoon? Student ulit?" Ngumuso ako.

Nagkatinginan silang dalawa ni Kuya Gibo at parehong napailing. Binagsak ko na lang ulit ang likod sa upuan at doon naglumikot hanggang sa makabalik ng bahay.

My wounds are fully healed, so, I can invite Twyla again to come over our house without being in the hot seat. Naisip ko ring imbitahin sina Kuya Wai at Kuya Rain pero hindi ko pa sila ulit nakakausap simula noong unang beses ko silang tinawagan gamit ang phone ko. Pasukan naman na next week, siguro ay doon ko na lang sila ulit kakausapin.

Tumigil ako sa pagkaladkad ng mga paa sa gitna ng sala namin nang may naalala. Kuya El, who was walking beside me with his hands in his pockets, slowly pulled up his long strides. His brow skyrocketed at me.

"Kuya El, may naiwan pa po pala ako sa bahay nina Kuya Dwight!"

"Ano? 'Di ba nabigay ko na 'yong bag mo? Pati ang phone mo?"

And he reclaimed it illegally! Well, that was what he said. He sneaked into my cousin's house again to search for my things I left there. Hindi ko lang alam kung saan niya nakita. Pero may potential na siyang maging magaling na akyat-bahay, ah?

"My bandana!"

"Ah?" Kumunot ang noo niya, iniisip yata kung ano 'yon kaya tinuro-turo ko ang ulo. "Ah, ayon ba. Tss..." Ngumisi siya at umiling.

"Kukunin ko po sa kanila. Saka... kakausapin ko na po si Kuya Dwight."

Now, his eyes changed into a shade of a murderer. "Hindi ko nga siya napatuntong dito sa bahay ninyo habang nandito ako, tapos tingin mo hahayaan kitang pumunta na naman doon?"

"But we are cousins—"

"Kung pinsan ka niya at tunay siyang nag-aalala sa kalagayan mo, sana ay hindi ka niya ikinulong sa bahay nila pagkatapos ng nangyari sa 'yo," mariing utas niya at umigting ang panga.

Yumuko ako. Every time I remember the night we escaped from my cousin's house, I feel guilty for not trusting them enough to stay in their house when they told me so. They are my family, and I know they only want what they think is for my safety.

Pero sa tuwing pinamumukha sa akin ni Kuya El na 'ikinulong' nila ako imbes na dalhin sa ospital (dahil siya ang nakakaalam noong wala pa akong malay), pakiramdam ko, tama lang din ang ginawa ko.

But still...

"Hindi kita itinakas doon dahil lang sa hiling mo. Delikado ang ginawa natin, alam mo ba 'yon? Pero wala, e. Alam kong may mali sa ginagawa nila sa 'yo. Sa ginawa nila. Kaya wala akong pakialam kung mabangga ko kahit sino sa pamilya mo, maprotektahan ka lang."

Sa sobrang lamig ng boses niya, pakiramdam ko ay nasa North Pole ako sa pagtayo ng balahibo ko.

Humarap siya sa akin. Lumapit at halos magdikit na ang dulo ng sapatos niya sa akin. Parang binabayo agad ang puso ko lalo na nang dalhin niya ang daliri sa baba ko para iangat ang mukha at titigan siya.

"Lahat ng tulong na hihingin mo sa akin, ibibigay ko."

My lips pulled apart. "T-talaga po?"

"Oo." The flat line of his lips made a curve on their sides. "Poprotektahan kita hanggang mamatay ako."

I completely understand now why many evade him. He can destroy someone without mercy just to get what he wants. He doesn't care if people think he's relentless because he's aware of it even before somebody else could tell him that.

And I am keeping his promise like an oath.

Dumating ang pasukan at kahit nagkita na kami ni Twyla bago ang araw na ito, nagsalpukan agad ang katawan namin nang makita ang isa't isa.

"We're classmates! Yehey!" Tumalon-talon kami habang magkayakap.

"Finally! Finally! Finally!"

Our giggles and excitement hushed down when Kuya El's hands slid in between Twyla and I's faces. Sakop ng buong kamay niya ang mukha naming itinulak niya para maglayo kaya wala kaming nagawa kundi maghiwalay sa yakapan.

"Tuwang-tuwa, akala mo ngayon lang nalamang magkaklase sila. Tss..."

Binitbit niya ang bag namin sa likod at isinabay kami sa paglakad papunta sa isang row ng mga upuan.

"Hay! Kuya El, it's too early to be grumpy!" sabi ni Twyla.

"Grumpy naman po siya kahit anong oras," giit ko.

Kuya El released our bags and pointed at the armchairs. "Upo!"

Sabay kaming umupo ni Twyla, magkatabi, habang nakatingala sa nagsusungit na kaklase. He tossed his malnourished bag at his chair beside mine and lazily sat in there. Umub-ob siya agad at pumikit.

Twyla's mouth formed a circle as she jiggled my arm with avidity.

"Ah! Ate Tala, dala ko na po 'yong librong sinasabi ko sa 'yo noong nakaraan!"

"Talaga? Patingin! Pabasa rin ako, ah?"

"Opo! Buti tapos na ako last week. Ibang libro naman po binabasa ko ngayon! Ay, babasahin pa lang po pala."

Nilagay niya ang bag sa kandungan at hinalughog ang bag. Nakisilip din ako at nilabas ang nakitang Reese's. Wala naman siyang sinabi hanggang sa nilabas niya na ang dalawang libro. Ito raw ang pinagkakaabalahan niya noong hindi kami nakapag-usap habang bakasyon.

"Ito po, oh." Sabay abot niya ng libro.

Starry Eyes by Jenn Bennett, I read the title and the author mentally.

"Tapos ito naman po ang babasahin ko." She held the black covered book aloft that had an obscene male model. "Priest!"

"Puta," mura ni Kuya El kaya napatingin kami sa kaniya. "Sinong gunggong ang nagbigay sa 'yo ng libro na 'yan?"

"Ah, si Kuya Wilder po. Pero hindi po siya gunggong?" nalilitong sagot ni Twyla sa kaniya.

"Bahala nga kayo diyan," he grumbled and dropped his head back over his crossed arms on his armrest.

Nagkatinginan kami ni Twyla at sabay na nagkibit ng balikat.

"Gusto mo ikaw po muna magbasa nito? May books pa naman po akong iba na bigay ni Kuya Wai, e..." she offered.

"Oh... okay!" Ngumiti ako.

I contemplated which book I'd read first, and ended up with Starry Eyes. Tatlong araw bago ko natapos iyon. Napapatagal lalo kasi nagtatanong si Kuya El tungkol sa binabasa ko tapos kapag kinukuwento ko naman, napapa-side comment ako.

It was my first time reading a romance novel, and I found it weird that sometimes, I was putting my feet in Zorie's shoes on particular scenes. Parang kinikiliti ang tiyan ko sa tuwing mababasa ko ang kiss—tapos ay napapatingin ako kay Kuya El, ini-imagine na siya si Lennon.

"Twy!" Halos alugin ko ang pinsan na tahimik na nagbabasa sa tabi ko sa aking kama.

"P-po?"

Heat spread like wildfire on my face. It was just one book! Why do I imagine things like that with Kuya El? Mali!

"I love you, Twyla!" Hinalikan ko siya sa pisngi.

"E-eh? Ate, your face is so red! Oh my gee!" Binitiwan niya ang libro para hawakan ako sa mukha. "Are you sick?!"

"I love you! I love you! I love you!"

Nang nagkaroon ng oportunidad na makipagkita kami kina Kuya Wai at Kuya Rain, ganoon ang sinabi ko sa kanila. Wala naman akong naramdaman sa tiyan. Kahit natatae, hindi. Pero nang gagawin ko na sana iyon kay Kuya El, parang naputol na ang dila ko. Nabahag ang buntot ko.

Ngayon, itong libro naman na Priest ang plano kong basahin. Pang-apat na libro na 'to kung sakali dahil ngayon lang ako naglakas-loob buklatin. Naka-pajamas na ako habang nakadapa sa may couch sa living room. Kuya El was sitting on the carpet in front of our coffee table, notebooks and books scattered on top of it.

He was staying in our house with my parents' permission. Mas madalas na silang wala kaya sina Kuya El, Manang, at ang dalawa pa naming kasambahay ang kasama ko rito sa bahay.

"Ano bang problema mo?" hindi na nakatiis si Kuya El na tanungin ako nito nang lagi niya akong naaabutang nakatingin sa kaniya.

My hand flew to my chest as my heart raced erratically. Kumunot lalo ang noo niya sa akin.

"Ano?"

I brought my eyes back to the page of the book I was reading. "If falling in love is a sin, would you take the risk now to savor the moment of being in love and later succumb to the temple of divine torture?" I said it as though it was written in the book.

Author's note pa lang, alam ko nang hindi ko kayang basahin ito. Wala akong narinig na sagot kay Kuya El kaya tiningnan ko siyang muli. Tuluyan na siyang tumigil sa pagsusulat at ang mga mata ay nanatiling seryoso at nakatuon sa akin.

"Iyan na ba ang natututuhan mo sa binabasa mo? Ang magmahal kahit mali? Kahit bawal?"

Nagtindigan ang balahibo ko sa lamig ng kaniyang tono. Ang lalim. Nakaka-suffocate.

"B-bakit po? Mali na po ba ngayon ang m-magmahal?"

Lagi na lang akong tila kinakabahan sa tuwing kausap siya, lalo pa kapag kaming dalawa lang. There was a pleasure in pain of this feeling, and I was too afraid to acknowledge its meaning.

He tipped his head a bit, displaying a condescending smirk.

"May gatas ka pa sa labi kaya ano ang karapatan mong magtanong tungkol diyan? Mag-aral ka muna bago mo intindihin 'yang pagmamahal na 'yan."

Uminit ang sulok ng mga mata ko at parang sinuntok ang dibdib ko sa sinabi niya. Padabog kong sinara ang libro at tumayo na para umakyat sa kuwarto. Pero kinuha ko muna ang mga gamit kong nasa lamesita, walang pakialam kung tapos ang mga ginagawa niya o hindi.

"Hindi pa 'yan—"

Pinutol ko ang pag-alma niya, "Ako na ang tatapos nito bukas! Hindi ko naman pinagagawa sa 'yo ito, e! Mag-aral ako, 'di ba? Hindi ko kailangan ng tulong mo!"

Nalaglag ang panga niya habang pinapanood ako. I ran toward the stairs, hugging my things so tight they could crush my chest. He was right. I must stop frittering away my precious time reading nonsensical books instead of doing my homework.

But I didn't tell him to do mine. He volunteered! And then, he would tell me to study? Nag-aaral naman ako, ah! Hindi pa rin ba 'yon sapat? Lahat naman ng gawin ko, hindi sapat sa kanila!

Pasara ko na ang pinto nang may kamay na pumigil dito. Walang sinabi ang lakas niya sa pagtulak dito para lang bumukas iyon. Patadyak akong naglakad patungo sa kama. Nilagay ko ang mga gamit sa study table ko.

"Go away! I'm g-gonna sleep!" I yelled, brushing the tears away from my cheeks as I dived into my bed.

I yanked the comforter over my head and hugged my Cookie bear.

"Tala, mag-usap nga tayo. Bakit ka ba nagdadabog?"

"I hate you!" Pumiyok ako at lalong niyakap ang kaibigan.

"Ano'ng sabi mo?" his voice thundered, but no castigation followed.

The books I called gibberish were so enticing and addicting that I ate my words back then. Through these books, I saw the world they deprived me of for over a decade. The kind of shelter I did not desiderate and the kind of love I failed to feel.

No, I couldn't blame them. Parents have their own ways of showing their filial love to their children. It's just that this is the kind of love that I keep on receiving. The love that lacks affection, the love that doesn't touch my heart.

Hanggang utak lang ang pagmamahal na natatanggap ko sa kanila. Na mahal nila ako kasi anak nila ako. Pero hindi ko maramdaman. Palaging kulang. At hinayaan ko lang iyon dahil... wala akong alam.

"Good morning, hija!" maligayang bati ni Daddy isang araw. "Nakatulog ka ba nang maayos?"

Sa hapag ay naroon si Mommy at Kuya El. After months, yes, he's still with us despite my cold treatment. I started to distance myself from boys—Kuya El, Kuya Rain, Kuya Wilder, Kuya Dwight, and even... my father.

"O-opo," tanging sagot ko at hinila ang upuan sa tabi ni Mommy.

"Magandang umaga," Kuya El greeted warmly.

Tumango lang ako.

"Sabi ni Lair ay may practice daw kayo kaya maaga kayong papasok. Totoo ba, Eulalie?" Mommy intrigued.

I answered her questions and some follow-ups, putting a period on the last when I knew it was enough. I have learned not to talk too much when my words are unnecessary and not appreciated. I'm trying my best to pick the right words and not to rumble.

Nakakasawang magsalita pero wala namang nakikinig.

Sabay kaming pumunta ni Kuya El sa school, pero sinisigurado kong hindi kami makakapag-usap o magkatinginan man lang. Nasa likod niya ako naglalakad habang hawak ko ang yarn at hook, gumagawa ng kahit ano. Kahit siguro nakapikit pa ako, kaya ko nang buuhin kung ano man itong ginagawa ko.

"Ate Tala! Nauna ako sa 'yo!" nagmamayabang na bungad ni Twyla nang makarating sa meeting place.

Marami na sila pero alam kong kulang pa. Twy dangled her arm on mine and tugged me toward our other classmates.

"Kuya Rain texted me last night po. Gusto ka raw po niyang makausap. Hindi mo raw po sinasagot ang text at tawag niya?"

"Oh, sino pang wala? Sa mga bagong dating, mag-attendance kayo rito!" sigaw ng isa naming kaklase.

"Uy, Ate Tala, mag-attendance ka po pala muna!" si Twyla at tinulak ako para gawìn ang dapat gawin.

Nauna na si Kuya El nagsulat. He gave me his pen, which I accepted silently, and checked the attendance form only to see my complete name in neat, exquisite calligraphy above his. Kinagat ko ang labi at pinirmahan na lang ang tabi ng pangalan ko.

"Thank you," I muttered after giving him back his pen.

There was a minimal skin contact when he repossessed his pen, making me jerked away. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at naabutan siyang kagat ang gilid ng ibabang labi, nakasentro ang mata sa akin.

"Ate! Ate! May ipapakita po ako sa 'yo, dali!"

Hinila ako ni Twyla palayo roon. I gestured my chin over my shoulder and saw him watching us while spinning his pen through his fingers.

I have read different perspectives of people through books. From family to friends to lovers. From life to love. From failures to successes. From spiritual to beyond the pale.

And I have already found the answer to that question.

"Look! Look! I made a doll, and look how it can transform!"

She showed me a crochet doll in a white dress with rose petals as its tiara. She rolled the hem of the skirt up to the doll's head, transforming it into a bouquet of roses as she claimed.

Namilog ang mata ko. "Ang ganda! Ang galing mo, Twy! Saan mo natutunan 'to?"

She was grinning from ear to ear—so bright I almost dazzled. "I watch it on the app Kuya Wai introduced to me! Ang dami ko pong napanood na tutorial, Ate Tala. Gawin po natin!"

"App?" I questioned.

"The STH app? Heart app? Tinuro po sa akin 'yon ni Kuya Wai, e. Hindi mo po ba alam 'yon? Ituturo ko po sa inyo." Nilagay niya sa kamay ko ang ginawa niyang doll. "Sa 'yo po iyan. Ikaw po 'yan—'yong doll at bulaklak. Because you are my best girl and you deserve a flower, Ate Tala."

Ngumiti ako nang marahan bago siya hinalikan nang matunog sa pisngi. She giggled and pulled me into an embrace. Pagkahiwalay namin ay dinala ko ang hawak sa aking pisngi at aksidenteng napatingin sa kung nasaan si Kuya El.

Umupo kami ni Tala sa sementong upuan na nakaikot sa isang puno. Our class leader made a fuss about some of my classmates being late and feeling like VVIPs attending our practice. Lagi na lang bang may ganitong eksena tuwing magkakaroon ng practice o meeting?

I drew out my phone from my sling bag when it rang for a call. Si Kuya Rain.

"Hello po?"

"Tala," he breathed. "I sent you a picture of someone on Telegram. It's important. Have you seen it?"

Kumunot ang noo ko. "Picture po nino? Wait... tingnan ko po."

I did not end the call when I went to Telegram and checked his message. Litrato iyon ni Ate Fatima, nakangiti at buhay na buhay ang itsura. Mas mukha ring bata kaysa sa itsura niya ngayon.

"Tala? Tala?"

"P-po? Kuya Rain?" sagot ko habang nakatingin pa rin sa litratong nasa screen.

"Kilala mo ba siya?" tila nagmamadali niyang tanong.

"H-huh? Ah... uh..."

I bounced my knees and bit my thumb's nail, trying to find how to answer him. I can't lie, but I can't sell Kuya Dwight down the river. I promised him I would not tell anyone about Ate Fatima!

Pero... bakit ako tinatanong ni Kuya Rain tungkol dito? Ano bang meron?

"Tala, please," Kuya Rain almost begged. "Tell me the truth, please. Do you know her? 'Cause she's miss—"

I didn't even have to search for Kuya El. Nariyan na siya agad sa harapan ko at mabilis na hinablot ang telepono sa kamay ko bago inilagay sa tainga niya.

"Busy kami. Paalam, gago," mabilis niyang sinabi bago pinindot ang screen.

"Hala, Kuya, bakit mo naman po minura si Kuya Rain?" nakangusong reklamo ni Twyla sa tabi ko, tumigil sa ginagawa para manita.

Kuya El shrugged it off and handed my phone back to me. Nang nagsimula ang practice, nawala na rin sa isip ko ang usapan namin ni Kuya Rain tungkol kay Ate Fatima, lalo pa at hindi ko na rin sinubukang hawakan ang phone ko.

Simula noong araw na 'yon, mas naging madalas na ang pagtawag sa akin ni Kuya Rain at Kuya Wai. Ayaw kong sagutin sa takot na tanungin ulit ako tungkol kay Ate Fatima. Minsan, pinapadaan nila kay Twyla. Minsan, pumupunta sila sa school. Pero mas madalas akong nakakatakas dahil mukhang alam ni Kuya El na umiiwas ako sa dalawa kaya ginagawan niya ng paraan.

"Sabihin mo nga sa akin," panimula niya nang nasa bahay na kami. "Bakit mo sila iniiwasan? Ano'ng kailangan nila sa 'yo?"

I looked away and ambled to the kitchen like his question did not bother me at all. Pero bago pa ako makarating doon ay nahigit niya na ang braso ko para iharap sa kaniya.

"Tala, tinutulungan kitang umiwas dahil kailangan mo kahit hindi mo sabihin. Ngayon, sabihin mo kung bakit. Gusto kong malaman dahil hindi ako mapalagay na para kang kriminal na tumatakbo sa tuwing nandiyan ang mga parak!"

"Your job... is to watch over me," malumanay kong sinabi. "It doesn't involve you asking for private matters."

"Bakit ganiyan ka na magsalita?" Gumalaw ang dibdib niya sa paghugot ng hininga. "Bakit hindi ka magsabi sa akin? Hindi mo puwedeng takbuhan palagi ang problema. Darating ang araw na haharapin mo rin 'yan kaya sabihin mo na ngayon sa akin hangga't maaga pa para matulungan na kita."

"Please, stop..." Nabasag ang boses ko. "Stop caring too much about me..."

"A-ano?" Halos matawa siya sa sinabi ko. "Paanong hindi ako mag-aalala kung lintek malingat lang ako saglit, may nangyayari nang hindi maganda sa 'yo, huh?"

Hinawi ko ang kamay niya sa braso ko. I reminded myself that he was just here because of his job. He was being paid to watch over me. Because he saw me as a kid that always needed guarding.

Para sa kanila, isa akong tuta na kailangang itali para mapaamo. They don't want me to grow. They want to cage me forever in this way of living. And I'm so, so tired of it.

Kinuha ko ang cell phone at mabigat sa dibdib na nagtipa ng mensahe para kay Kuya Rain.

Tala:

Let's meet up, Kuya Rain. I'll tell you everything I know about Ate Fatima.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top