Chapter 29
Chapter 29
"Vio, you're late!"
"Alam ko, gago!"
Napatalon ang balikat ko sa sigaw ng kaklase kay Kevin na napahawak sa dibdib habang nanlalaki ang mga mata. Matunog niyang isinara ang pamaypay na hawak at itinuro iyon kay Vio habang lumalapit dito hanggang sa ihampas niya sa ulo nito.
"Minumura mo 'ko? Minumura mo 'ko?"
Tumatawa si Vio habang lumalayo sa class beadle namin. "Aray! Isusumbong kita kay Principal! This is violence against fellow student!"
"Kapal ng apog nito! Ikaw na ang late, ikaw pa matapang!"
They entertained me for a while, but I realized that Vio deserved Kevin's beratement like those other late comers. Magkakahalating oras na kasi ang lumipas sa binigay na oras ni Kevin pero kulang pa kami ng kinse. I was here thirty minutes before the meeting time.
"Mas okay na ma-late kaysa hindi dumating." That was his usual reason, tulad ng iba.
Umusli ang labi ko. Napaisip tuloy ako kung pagdating ng panahon na nagtatrabaho na kami, ganito pa rin kaya ang mantra nila? Why does being late seems much better than being punctual?
I continued stitching. They have their own businesses that I could not relate to. Nasa kubo kami sa may oval dahil dito magpa-practice ulit.
"Oh, oh, hindi mo ako puwedeng tanggalin, ah? Dalawa pa lang ang late ko!" rason ng isang kaklaseng kadarating lang ulit pero nakatanggap na ng hampas ng pamaypay sa braso galing kay Kevin.
"Subo mo."
Napaatras ang ulo ko nang biglang may lumitaw na kamay sa tapat ng bibig ko. Hindi naman ako tuluyang nauntog sa sandalan ng inuupuan dahil may humarang sa likuran ko.
"Subo mo na."
It was Kuya El, and across my mouth is an opened pack of O-Puff. Bahagyang nakalabas ang marshmallow kaya kinagat ko iyon at tuluyang isinubo. Rinig ko ang ngisi niya at pagbukas ng isa pang pakete ng O-Puff.
"Subo mo pa 'to." Natatawa na siya ngayon.
Humagalpak sa tawa 'yong isa naming kaklase na tumutugtog ng gitara kanina. "Putang ina nito ni El!"
Sinubo ko iyong binigay niya. Puno na ang bibig ko nang may isa pa siyang inilapit sa bibig ko. Dahil hawak niya ang ulo ko sa likod, wala na akong nagawa kung hindi ibuka ang bibig. He shoved the marshmallow into my mouth, laughing.
"Good girl," he whispered in my ear.
He let go of my head. Napalingon ako sa kaniya nang ipatong niya ang dalawang kamay sa sandalan sa gilid ko. The veins on his arm protruded as he hauled himself from the ground. The soft and chewy mallows in my mouth got stuck in my teeth as I gawked at him when his butt finally landed on the space beside me.
"Oh, late rin si El, ah? Hampasin mo rin ng pamaypay!" si Vio habang umiinom sa tubigan ng kaklase namin.
"He's not late," sabi ko sa busog na bibig kaya hindi masyadong naintindihan.
"Hindi 'yan late! Kanina pa 'yan sila! Mag-attendance ka na nga!" sigaw ni Kevin sa kaniya.
Inayos ni Kuya El ang itim na crossbody bag at inilagay ang kaliwang braso sa likuran ko. Humarap siya sa akin at nagtaas ng kilay habang pinagmamasdan akong ngumuya. Kinuha niya ang kaniyang phone sa bag at pagkatapos pumindot doon ay iniharap niya ang likod nito sa akin.
I stared at it for a few seconds.
He smirked, and then he poked my cheek. "May pinanood ako kagabing palabas. Kamukha mo 'yong isa sa mga bida roon."
Pilit kong nilunok ang laman ng bibig at naging interesado sa sinabi niya. "Talaga po? Sino po?"
"Eleanor."
"Eleanor po?"
Lumawak ang ngisi niya, at parang kumislap pa ang mga mata habang may tinitingnan sa cell phone niya. Mayamaya, hinarap niya sa akin ang screen at lumabas ang tatlong unknown specie para sa akin. Although, they looked relatively similar.
"Sila ang The Chipettes. Itong nasa gitna ay si Brittany, at itong nasa gilid ay sina Jeanette at Eleanor..." Huli niyang itinuro 'yong pinakamaliit na naka-pigtails at green ang damit.
Suminghap ako, hindi makapaniwala sa ipinakita niya. Binalik ko ang mga mata kay Kuya El.
"Where can I watch them po?"
"Huh?" Mabilis napalitan ng pagtataka ang kanina'y natutuwa niyang mata.
"They are so cute! I want to watch them, too!"
Binagsak ko ang kamay sa lap ko at nilapit ang mukha sa kaniya. Nalaglag ang phone niya sa hita niya pero agad niya namang napigilan ang tuluyang pagbagsak nito sa sahig.
He let out a curse. "Ano ba? Huwag ka ngang manggulat!" Bahagya siyang umusog palayo sa akin at tinusok ang pisngi ko.
Kumunot ang noo ko. "Sorry po. I just want to know where I can watch them."
His Adam's apple bobbed. Umawang ang labi niya at tila galit na tinitigan ang cell phone.
"Ewan! Search mo!" suplado niyang sagot at umalis na sa tabi ko.
Natatakot akong lapitan siya buong practice namin. I don't want to raise him some hackles, so I stayed away from him as much as I could. Kahit noong nagpahinga kami para kumain, binilisan kong umalis doon sa kubo at pumunta sa cafeteria para bumili ng pagkain.
It's Saturday, so there aren't much students. Siguro karamihan ay pumupunta para gumawa ng requirement o nag-aaral sa library. Nakapila ako sa may counter para magbayad ng lunch na napili nang biglang may sumingit na lalaki sa harapan ko. He was immediately thrown away which caused a collective gasp of surprise from the other witness.
Mula sa biktimang nasa sahig pa rin, lumipat ang tingin ko sa may-ari ng binting kabababa lang sa sahig. My lips slowly pulled apart upon seeing the pair of drowsy eyes hiding under his black cap.
He motioned his head slightly. "Abante, Tala."
"Oh!"
Umabante ako sa pila. Nilingon ko siya ulit na nasa gilid ko at nakapamulsa. Tumingin muna ako sa paligid bago dumikit nang kaunti sa kaniya para bumulong.
"Kuya Rain, ba't po kayo nandito? Paano ka po nakapasok? Mag-isa ka lang po?"
"Abante," matamlay niyang tugon na ginawa ko ulit.
"Kuya, bawal po outsider dito. Baka po pagalitan ka? Pinayagan ka po ng guard? Friend po kayo?"
"Abante."
Nagbayad na ako sa napili kong meal at dumiretso sa kabilang pila kung saan iyon kukunin. Nakasunod pa rin siya sa akin at siya na mismo ang kumuha ng tray ko. Dinala niya iyon sa isang bakanteng table at naunang umupo sa akin.
I sat across from him. "Are you going to answer my questions now, Kuya Rain?"
He pushed the tray to me. "Kumain ka na."
"Kain po."
"Tapos na ako."
"You kicked my schoolmate," sabi ko habang pinupunasan ng tissue ang kutsara't tinidor. "That's bad."
"Don't care." Umangat ang balikat niya. "Hanggang anong oras ang practice n'yo?"
Ginaya ko ang ginawa niya. "Hindi ko po alam, e. Basta mamaya po. Paano mo po nalaman na may practice kami?"
An exaggerated exhale erupted from him like he wanted to emphasize how he was so done with my series of questions.
"Anong meron ang pinya na meron ka?"
Tumingin ako sa itaas at nag-isip saglit. "Ah! Mata po? Mata! Mata! Eyes!"
Akala niya yata hindi ko alam! Elementary pa kaya noong itinuro sa amin ang Alamat ng Pinya! I smiled proudly at him.
Umarko paitaas ang sulok ng labi niya. He extended his arm and patted my head. "Very good, Tala."
My cheeks flushed. "Thank you po! Pero hindi n'yo po nasagot ang tanong ko."
Binaliktad niya ang suot na cap kaya lumiwanag ang mukha niya. He rested his arm horizontally on the edge of the table, and he used the heel of his other hand for his chin to nestle.
Tamad niya akong pinanood kumain.
"Kapag sinabi ko bang marami akong mata rito sa school ninyo, maniniwala ka?"
"Hmm..." Tinapos ko muna ang pagnguya. "Hindi po."
He snorted. "Kumain ka na lang."
Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay tumayo siya. Sinundan ko siya ng tingin kasi akala ko aalis na, pero bumalik din siya at may dalang dalawang plastic na malabo, pineapple juice in can, at Chuckie. Nilagay niya 'yong Chuckie at isang naka-plastic sa gilid ng plato ko. Sinundot ko iyon. Malambot. Nang nakita siyang kinain 'yong kaniya, natanto kong siopao pala.
"Akala ko po ay kumain ka na?"
"Masamang kumain ulit?"
"Hindi po." I pouted.
According to the wall clock here, I finished my lunch in less than fifteen minutes. Pinulot ko ang ilang kanin na nalaglag sa mesa at pinunasan ng tissue 'yong tulo ng sabaw doon. I was having a hard time twisting the cap of my bottled water when Kuya Rain seized it from me, and gave it back when he opened it.
Chuckie na ang iniinom ko habang pabalik kami sa oval. Imbes na tanungin ko siya ullt tulad kanina, siya naman ang nagbato sa akin ng mga tanonng. E 'di sinagot ko naman. Nakuwento ko pa nga 'yong tungkol sa pet ko sanang ipis (na tinawanan niya lang) hanggang doon kay Eleanor, e.
"Eleanor, the chipmunk in the movie?"
"What is a chipmunk?"
"Pinsan ng squirrel," sagot niya.
Suminghap ako. "Squirrel? Like Sandy, the friend of Spongebob and Patrick? The one who hibernates during winter?"
"Yup..." he spoke slowly.
"E 'di pinsan po nina Jeanette, Eleanor, at Brittany si Sandy?"
His hand reached for his nape, caressed it, and closed his eyes.
"The chipmunk and squirrel are under the same family. Sandy, Jeanette, Brittany, and Eleanor are fictional characters in the form of these mammals from different movies or TV series."
"Gusto ko pong panoorin 'yong movie nina Eleanor! Do I really look like Eleanor?" I asked dreamily about having a chipmunk or squirrel as a pet.
May nabibili kaya ng ganoon dito? How much would it cost? Papayag kaya si Mommy kung mag-aalaga ako ng ganoon? Maliit naman sila at siguro ay mabait.
Bumungisngis sa tabi ko si Kuya Rain. His heavy hand plonked on my head. When I tipped my chin up, I captured his once in a blue moon smile—the one that wasn't mocking nor sarcastic. The genial one that I could see his canine teeth sparkling animatedly.
"Do you want to watch that movie with us? Your cousin and mine..."
My eyes formed into a heart. "Sure po! Sure po! Kailan po? Sasabihan ko po si Twyla!"
"Tomorrow, then? Let's have a movie marathon at our house. Ipagpapaalam kita sa parents mo."
"Sige po!"
He left after sending me back to our kubo. Nakita siya ng mga kaklase ko at sinugod ako ng ibang babae para magtanong tungkol sa kaniya. Sinagot ko naman ang iba, but I was still bemused by their ambush. Someone even tugged my hair forcefully to grab my attention. Sa gulat ko at sa lakas ng pagkakahila niya, muntik pa akong matumba sa pagkakatayo.
"Aray!"
"Huy, baks, grabe ka naman!" Nagtawanan sila. "Sana nilakasan mo pa!"
Uminit ang sulok ng mga mata ko. Why did they have to be physical? Sinasagot ko naman ang tanong nila, ah?
"Tangina, 'di kayo lalayo?"
May marahang humawak sa braso ako at hinila ako palapit sa kaniya. It was Kuya El, and with the compound death look and threats, they walked away from us with their tails in between their legs. Pero ang iba sa kanila, nagtatawanan pa rin.
Hinaplos ni Kuya El ang ulo ko bago ako hinila sa may espasyong upuan.
"Dito ka muna. Hindi na 'yan lalapit," sambit niya.
Tumango ako at kumurap-kurap. Sinipsip ko ang natitirang laman ng Chuckie nang humalakhak siya nang mahina. Hinawi niya ang buhok kong nilipad sa aking mukha at sinuklay nang kaunti ang parteng nagulo dahil sa paghila ng kaklase kanina.
"Nabusog ka ba?"
Tumango ako.
"Good..."
Kinagat ko ang aking labi. "H-hindi ka na po galit sa akin?"
I was cautious with my words. I really can't stand it when my friend is mad at me. He's my friend, right? And if he doesn't consider me as his friend, it is okay. He's been good to me more than being mean, so he's a friend.
"Sino ang nagsabing galit ako sa 'yo?"
"Kasi po... sinigawan mo ako kanina," malungkot kong sagot.
Sa gilid ng mata ay nakita kong ginulo niya ang kaniyang buhok.
"Sorry. Hindi ako galit..."
I gave him my attention. "Talaga po?"
Hindi na siya nagsalita.
I did not maintain my momentum during the remaining time of our practice that afternoon. Napagalitan tuloy ako pero mas nagagalit si Kuya El sa nagagalit sa akin. Mas takot naman ang choreo namin sa kaniya kaya iniirapan na lang ako.
"Isang irap mo pa, dudukutin ko na 'yang mata mo," ang huling banta ni Kuya El kay Veronica, ang choreographer namin.
Nilingon ko siya. Why was he even more affected than me? Inaayos ko naman kahit paano ang sayaw ko, e. Hindi lang todo.
Our practice finally ended at past 4 o'clock. Usually, we were all bathing in sweat. But unlike them, I didn't dwell much on how we smell since I lack that sense on that matter. Dahil mga naunang pumasok ng kubo ang iba, naubusan na ako ng mapupuwestuhan.
Nakaupo si Kuya El sa puwesto namin kanina at malaki ang buka ng hita. Hindi kita ang pawis niya sa damit dahil kulay itim ito pero nangingintab ang leeg, noo, at gilid ng mukha niya. Mabilis din ang pagtaas-baba ng kaniyang dibdib.
Lumapit ako sa kaniya. Nakikipag-asaran pa siya kay Vio bago hinablot ang tubigan na hawak nito. Tahimik akong lumapit sa kaniya para kunin ang bag ko sa tabi niya, halos naiipit pa nga.
"Excuse me po," bigkas ko na medyo malakas.
Nakatingala na siya at nakanganga, handa nang ibuhos ang tubig para mapunan ang nawalang tubig sa katawan. Hinablot ko na nang mabilis ang naiipit niyang bag ko at tuluyan nang nilisan ang kubo.
Time flew faster more than I realized. Kinabukasan ay pumunta sa bahay si Twyla nang bandang alas nuebe, tulog pa ako. I stirred up from my sleep with my bed shaking I thought there was an earthquake. Tumatalon-talon lang pala si Twyla roon sa puwesto ni Cookie habang hawak niya ito.
"Good morning, sunshine!"
Her smile was brighter than the sunshine. Humikab ako at pumikit ulit pero bumagsak siya nang pahiga sa kama ko. She freed my bear before she rolled to my side, locking me in her arms and legs.
Matunog niyang hinalikan ang pisngi ko nang tatlong beses. "Ate Tala, wake up! I have a gift for you!"
"I don't have a gift for you," inaantok ko pang sabi. "It's not my birthday. And it's not Christmas."
She shook me with herself. "You need to brush your teeth, Ate Tala. Your breath smells like poop!"
"Because my dinner last night was poop," I rumbled.
"No way!" Inalog-alog niya ulit ako. "But it's okay! I don't think Kuya Wilder and Kuya Rain would mind if your breath smells like poop! Right, Kuya Wai? Kuya Rain?"
May nagtawanan pero mahina.
I forced my eyelid to flip open. Kaliwa muna, bago kanan. Twyla used her finger to remove my eye boogers, but I gently pushed her hand off my face. Natusok niya ang mata ko sa ginawa.
Nagkamot ako ng ulo at tuluyan nang bumangon. Kuya Rain and Kuya Wai were indeed inside my room and not just Twyla's bait to get me off from bed. Nagpaalam na pala sila kay Mommy at ako na lang ang hinihintay nilang matapos.
"Let's eat breakfast first po," anyaya ko sa kanila. "Please, please, please?"
Ngumisi si Kuya Wilder at tinapik sa balikat si Kuya Rain. "Sabi sa 'yo, e..."
Umiling si Kuya Rain. Twyla anchored her arm on mine as we bounced our way to the dining area. Pagkatapos namin mag-breakfast, nagpaalam na kami kay Manang Ising dahil wala na sina Mommy at Daddy. Kinumpirma ko naman sa kaniya kung nagpaalam na ba sina Twyla kaya hinayaan na kaming umalis.
It would be our third time coming to Kuya Rain's house. Lagi kasing kina Kuya Wilder, na gusto naman namin dahil marami silang alagang pusa! Kahit pa nakalmot ako ng isa dati, mababait naman sila. Minsan nga lang ay naiinggit ako kasi may pusa rin ang pinsan ko na ibinigay ni Kuya Wai noong hindi siya pinapansin ni Twyla.
Bibigyan niya rin sana ako noon pa kaso nga, ayaw ni Mommy. Kaya bumibisita na lang ako sa kanila para makalaro ang mga pusa.
"Cookie!"
Sumabog ang hagikgik ko nang bumungad ang paborito kong aso nila Kuya Rain pagkalabas pa lang namin ng sasakyan. Kapangalan kasi nito 'yong teddy bear ko, at siya ang bunso sa mga alaga niya. Eclair, Cannoli, and Ambrosia welcomed Twyla upon seeing us.
All of us went up through one side of their white wide imperial staircase. Sa tuktok, kaharap ng kanilang double-door, ay naroon si Tita Rappy kausap ang isa sa kanilang kasambahay na si Ate Hadia, mukhang may inuutos siya rito.
"Tita Rappy! Good morning po!"
Tumango siya kay Ate Hadia bago bumaling sa amin kasabay ng pagsayaw ng kaniyang mahaba at makintab na buhok na nakatali sa tuktok ng ulo. Her face brightened, and her blue eyes curved into a smile along her lips. She really resembled the Barbie doll with her foreign and soft features.
I don't think she even has a pore. Or maybe she has, but it's nearly invisible to the naked eye. Hindi nga rin halata na may anak na siya katulad ni Tita Lei. Maybe it runs in their blood? Or most likely, their partner treats them better and loves them so much that they helped them grow beautifully.
Dinala kami ni Tita Rappy sa kanilang kitchen. Nagpapaunahan pa ang mga aso at nagkabungguan pa sina Cannoli at Ambrosia. Si Eclair naman ay dumulas na para bang sinadya, habang si Cookie ay yakap ko. Si Kuya Rain at Kuya Wai ay umakyat sa kanilang entertainment room para ihanda ang panonoorin namin. My sweet tooth activated when Tita Rappy showed an array of desserts on their table.
"I was overwhelmed that Rain invited you again to our house so..." Ngumisi si Tita Rappy. "Sorry, nauna kong hinanda ang dessert imbes na lunch. I had most of them from Sheltered Sweets. You can have anything you want."
"Truffles!" I exclaimed, pointing at their spot on the table.
"Do you have strawberry mousse parfait again, Tita Rappy?" My cousin asked expectantly while batting her lashes. "I really love them po!"
"I know you would ask for that. Ipapahanda ko 'yon para sa inyo bago kayo umakyat sa itaas."
"Yay! Thank you po!"
Lumapit ako sa table. There was a three layer acrylic stand for mini cupcakes at the center table, and fruit skewers beside it. Kinagat ko ang aking labi habang palipat-lipat sa makukulay na handa sa harapan ko. Kung mas mahirap mamili ng sagot sa multiple choice exam sa school, mas mahirap para sa akin mamili ng uunahin kung ganitong matatamis ang pagpipilian.
There was a suspension on my sweetest dilemma when my eyes chased the marshmallow in between slender fingers, dipped half of it smoothly in the fountain of chocolate, and plunged it into his mouth. I jolted back when his demure eyes landed on me while he chewed his mallow.
"H-h-h-hi!"
Someone chuckled lowly behind me. Uminit ang pisngi ko habang nakatitig sa guwapong mukha ni Kuya Raghnall. He was wearing a blue Lacoste polo shirt and maong pants. Lumabi siya sa akin at dumampot ulit ng marshmallow sa mesa.
I didn't notice their arrival! Kasama niya si Kuya Axasiel na nakatingin ngayon sa mesa. Nakasuot naman siya ng puting shirt at chino shorts. Nakabaliktad ang suot niyang white cap.
"Ate Tala!"
Hinanap ko si Twy at nakita siya sa may kabisera, may hawak nang truffle sa pagitan ng hintuturo at hinlalaki. Ngumuso siya at tinuro-turo si Kuya Ral tapos biglang ngumiti nang malawak.
"Tita Rappy, can I have a slice of this cake?" I heard Kuya Axasiel ask.
"Slice it yourself," si Kuya Ral. "What are we gonna watch, anyway? I hope it's Peaky Blinders. I'm stuck at Season 3."
"Slicing cakes is no quantum physics," bulong ni Kuya Axasiel. "Tita Rappy..."
Huh? Lumayo na ako sa kanila dahil hindi na maintindihan ang pinag-uusapan nila. They are here to watch, too! And what is Peaky Blinders? Are they gonna watch movies with us, or are they having their own movie marathon?
Tumingin sa akin si Kuya Axasiel. Nagtagal iyon na para bang kinakabisado niya ang bawat linya at kurba sa mukha ko. I wasn't sure if it was familiarity and yearning that flashed across his brown eyes. Hinarap niya ako nang tuluyan at humakbang ng isang beses.
Ito siguro ang kauna-unahang nakita niya ako at natitigan. We never had an interaction in our previous school. Being held by his gaze was something to be bragged if I were one of his admirers. Ang malapitan silang dalawa at makausap ay para bang achievement na para sa iba. Ang ganitong matitigan ng isa sa kanila ay mistula nang pangarap na natupad ng Bathala.
Tumagilid ang ulo ko. "Hello po?"
"Axasiel, she's not Sapphire," ang mga salitang humila ng kaniyang tingin mula sa akin. "She just looks like your sister. Don't scare her."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top