Chapter 28

Chapter 28

I moved in its direction as quiet as a mouse. Dahan-dahan akong lumuhod habang pinapanood siya. Please, don't fly. Please, don't fly.

"Got you!" tuwang-tuwa kong bulalas nang madakot ang cockroach sa tabi ng isang timba.

Ngumisi ako dahil nakikiliti ang palad sa paggalaw niya. I went to the door again and my knuckles kissed the rough door thrice.

"Hello! May tao na po ba sa labas? Na-lock po ako rito sa loob!" sigaw ko ulit.

Bigo ulit akong makatanggap ng responde. May pinakuha kasi rito sa stock room ang kaklase ko pero noong lalabas na ako, the door was already unlocked. Akala siguro ay walang tao rito.

I sat on a beige monoblock chair placed against the wall, swinging my legs while still caging the cockroach in my hand. Sinilip ko siya sa butas sa gilid at gumagalaw pa naman ang antennae niya.

"You are my pet now," I told the cockroach.

Ngumiti ako. Ayaw ni Mommy sa mga pusa o kahit anong mabalahibo na gumagalaw kaya ipinatapon niya 'yong mingming na nakita ko noon. This one isn't furry, but is moving because it's alive. Hindi naman siguro siya magagalit?

Nilingon ko ang sirang wall clock dito. Ano kayang oras na? May bintana naman at kahit hindi iyon nabubuksan ay nakikita ko pa ring nagdidilim na sa labas. Thankfully, kahit pundido na ang ilaw rito ay binibigyan pa rin ako ng sapat na rason para hindi matakot.

My stomach growled as a protest in hunger. Hindi na ba kailangan ni Winnie 'yong pinapakuha niya kanina? E 'yong practice namin, tapos na kaya? Baka pagalitan ako kasi hindi na ako bumalik?

I jumped on my feet to stand when the doorknob created noise. Hindi pa ako tuluyang nakakalapit roon nang bumukas na ang pinto at bumungad ang tila nag-aalalang mukha ni Kuya El.

"Kuya El! Buti po dumating ka—"

Hinawakan niya ako sa balikat at tumagos sa manipis na telang suot ko ang lamig at panginginig ng kamay niya. He was so close to me. His chest was heavily rising and his breath fanned my face faintly.

"Ayos ka lang?"

Mabilis akong tumango. "Opo naman. Kanina nga lang po ako naghihintay na may dumating kasi na-lock-an po ako, e. Buti sinabi po sa inyo ni Winnie na nandito ako? Ah, 'yong pinapakuha niya nga po pala..."

My litany was put on hold when my face slammed against his chest, and I got enveloped in his virile arms. He was shaking so bad for whatever reason.

"Kuya El, are you okay po?" Pilit kong nilingon sa kanan ang mukha para makahinga. "Naiipit n'yo po 'yong pet ko."

That was the cue for him to release me from his caging arms. He gradually pulled himself from me and looked straight into my eyes. Nagkaroon ng gitla sa kaniyang noo.

"Pet?"

Itinaas ko ang nakakuyom na kamao sa pagitan naming dalawa. The confusion written all over his face was replaced by astonishment, and amusement, maybe?

"Jesus Christ," he muttered. "Iyan ang alaga mo? Talaga?"

I grinned. "Its name is Cock!"

Pumikit siya nang mariin at tumingin sa gilid. He parted his lips when he brought his eyes to me.

"Pakiulit?"

"This cockroach's name is Cock, Kuya El."

"Fuck."

Tinakpan ko ang butas sa kamao gamit ang hintuturo. "Cock. It's Cock, Kuya El," pagtatama ko.

He shot up his brow and the corner of his lips curled. "Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng pangalan na 'yan?"

Tumagilid ang ulo ko. "The Cock?"

"Inulit-ulit pa nga."

Suminghap siya at tumuwid ng tayo habang hinihilamos ang palad sa mukha. Hinila niya ang braso ko at tuluyan kaming lumabas sa stock room. Nasa kamay ko pa rin si Cock habang isinasara niya ang pinto.

Nang maisara ang pinto ay hinawakan niya ang wrist ko at pilit binubukas ang nakatuping mga daliri kung saan nakakulong si Cock. My face contorted as I tried to retrieve my hand from him.

"Huwag po! Masasaktan po siya!"

"Let it go, Tala! Marumi 'yan!"

"No, Cock is my pet!"

"Hindi ginagawang pet ang ipis, ano ba?" giit niya. "At isa pa, mas nasasaktan lang siya dahil naiipit sa hawak mo. Sige ka, kawawa naman ang ipis na 'yan."

Tumigil ako sa pagpupumiglas dahil sa huling sinabi niya. My eyes lowered at my closed palm and realized how tight it was. Cock must be suffocated!

Kuya El's rough hand covered my fist and prised my fingers from pinky to thumb until Cock fell onto the ground.

Sinundan ko iyon ng tingin. Nakatihaya siya kaya hindi makalakad pero gumagalaw ang mga kamay at paa niya. Yuyuko sana ako para tulungan siyang ibaliktad pero hawak pa rin ni Kuya El ang kamay ko at pinigilan niya ako sa balak.

"Kuya El!" sigaw ko nang sipain niya si Cock palayo sa amin. "Ang bad mo po! Kawawa naman po siya!"

He was heartless! He just tugged me through the hallway until our strides broke off in front of the ground floor's common restroom. Doon niya lang ako binitiwan at itinuro ang pinto para sa mga babae.

"Maghugas ka ng kamay mo. Ang dumi-dumi ng hinawakan mo," utos niya.

I exhaled harshly through my nose and pouted at him. I obeyed him nonetheless. Umihi na rin ako bago lumabas. Naroon lang siya sa tapat ng pinto at nakahalukipkip habang nangungulubot ang noo.

I showed him my wet hands. "Done!"

Nakita ko pa ang mabilis na pag-angat ng gilid ng labi niya pero tinalikuran niya na ako. Nauna siyang naglakad habang ako ay sinusundan ang bawat tinatapakan niya. Pinunas ko ang basang kamay sa likod ng palda.

Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako. I looked up at him questioningly but he turned his back again and started dragging his feet enroute to oval. Doon kasi kami nagpa-practice kanina para sa PE kaya umabot ng gabi.

Dahil bumilis ang bawat hakbang ni Kuya El, bumilis din ang hakbang ko para sundan ang tinatapakan niya. Tumigil kami sa cottage kung nasaan kami kanina pumuwesto. I leaned against one of the posts, catching my breath. Nang makabawi ay muli akong tumayo nang maayos at doon lang napagtanto na wala na ang mga classmate namin.

"Tapos na po 'yong practice?" pagkumpirma ko kay Kuya El na kinuha ang bag naming dalawa sa bandang likod na upuan.

His fingers ran through his hair. "Kanina pa."

"Eh? Ay, hala, paano po pala 'yong pinakuha sa akin ni Winnie? Bukas ko na lang po kunin ulit?"

He hung our bags on his shoulders. Nilagpasan niya ako kaya wala akong nagawa kung hindi sumunod. I did my best to keep up with his pace, but he suddenly grabbed my hand and slowed down his steps so I could follow.

"Sa susunod, kapag inutusan ka ng mga kaklase natin, sabihin mo sa akin," malamig niyang sinabi.

"Bakit pa po?" Kumunot ang noo ko. "At saka... paano ko po masasabi kung nawawala ka naman po lagi? Hinahanap ka po kaya sa practice kanina!"

"Hmm..." Nahimigan ko ang ang tawa sa boses niya. "Hindi naman ako nawawala. Umaalis lang..."

"It's still the same. Pareho pong hindi ka makita."

Yumuko siya at nagtaas ng kilay. "Bakit? Hinahanap mo ba ako kapag umaalis ako?"

"Hindi naman po."

Humalakhak siya at mahina ang boses nang nagsalita, "Sa susunod, sisiguruhin kong hahanapin mo lagi ako."

Twyla and I transferred to another school even before we could finish our seventh grade. Mayroon kasi siyang kinuwento sa akin noon na nakita niya sa isa sa mga restroom sa building namin. She did not detail the story but she was so terrified that she begged her Mom to transfer her to another school as soon as possible.

And because I didn't want to be separated from her, I did the same. Pinagalitan ako ni Mommy dahil doon, but for the first time, nagsumbong ako kay Daddy na may nang-aaway rin sa akin para makumbinsi ko sila. Totoo naman.

Inaway ako ni Devi noong araw na magpe-perform kami para sa Ibong Adarna. Paano, gumawa rin pala 'yong ibang kaklase namin ng backdrop na pinagawa niya sa akin. I was bereft of excitement when they did not choose the product of my hardwork.

Pero noong natapos ang break time namin at bumalik ako ng room, sinabunutan niya ako at kinalmot kasama ng iba naming kaklase. 'Yong gawa kasi na napili nila ay nasira at ako ang sinisisi nila. They used the backdrop I made but did not let me perform.

At ngayong Grade 8 na kami, bigla namang lumipat dito sa school namin si Kuya El. Siguro may nangyari din sa kaniya kaya ganoon. At kaklase ko pa ulit siya habang si Twyla, nasa ibang section pa rin. Pero noong bagong lipat kami, sa iisang section lang kami nilagay.

"Kuya Dwight!" I called when I saw him outside our school gate.

Kuya El let go of my hand before handing me back my bag. Kumaway ako sa kaniya at tumango lang siya. He then walked away to his left.

"Ngayon lang natapos ang practice ninyo?" Kuya Dwight asked me as soon as I approached him.

Kinuha niya agad sa akin ang bag ko bago ako kumapit sa braso niya.

"Kanina pa raw po!" sagot ko nang nakangiti. "But I got locked inside the stockroom for I don't know how long."

"You got what, baby?" His tone was critical. "Who locked you in there? And why were you there in the first place?"

"It was an accident po. Akala po yata walang tao sa loob kaya na-lock. But it's fine po, dumating naman si Kuya El kaya napalabas din po ako. May pinakuha lang po sa akin 'yong kaklase ko roon." Hinaplos ko ang braso niya. "Bakit po pala ikaw ang nagsundo sa akin?"

His head dipped a fraction to his side. "Ano'ng pangalan ng nag-utos sa 'yo?"

"Winnie po."

"Winnie who?"

"Winnie the Pooh!" I giggled. "Joke po! Winnie dela Vega, Kuya Dwight. Bakit po?"

I received a shrug from him. Pumunta na kami roon sa sasakyan nila at sumakay sa likuran. I was unbothered when we were still far from our house, but I started shaking like a leaf when the car passed through our subdivision's gate. I could imagine my mother's wrath for coming home late!

"Kuya Dwight, I think Mommy's done sharpening her claws by now," I told him.

Tumawa siya at inakbayan ako. "Baby, you don't have to worry. You got me." He winked at me.

And like he promised, my eardrums were reprimand-free that night. Binigyan pa niya ako ng M&Ms bago tuluyang umuwi kaya kahit paano, nawala sa isip ko 'yong pet ko sanang si Cock.

A week after that happened, Winnie transferred to another school—a public one this time. Ang sabi ay nagkaroon daw ng problema sa negosyo ang pamilya nila kaya lumubog bigla sa utang.

"May practice ulit bukas, ha! Umaga tayo hanggang hapon! Last na 'yon kasi sa Monday na ang presentation," anunsyo ni Kevin nang mag-uwian.

"Anong oras, Pres?!"

"Alas dies! May attendance ako ng mga nali-late nang sobra, ha? Kung sino bi-bingo ng pangatlong late bukas, pasensyahan tayo pero aalisinin ko sa grupo!" banta ni Kevin.

"Oy, wala pa akong late, ah!"

"Lalo naman ako! Ako nga unang dumarating lagi!"

"Oh, e 'di manahimik na kayo kasi hindi naman para sa inyo 'yon!"

Lumingon-lingon ako sa paligid para hanapin si Kuya El. Noong nag-start ang last subject namin kanina ay wala na siya, e. Ang bag niya ay nandito pa naman sa tabi ko kaya hinayaan ko na lang maunang lumabas ang mga kaklase ko. Nag-crochet na lang muna ako habang hinihintay siyang bumalik.

"Ba't nandito ka pa?"

Umayos ako sa pagkakaupo at itinigil ang ginagawa para tagpuin ang mga mata ni Kuya El. My lips went ajar, and my eyes enlarged by degrees as I watched him get closer to me with his hair freshly cut.

Cut, not trim. Nawala na 'yong mahabang buhok niya na palaging nakatali at may tabas na ngayon sa makabilang gilid ng ulo. He looked more neat and clean, although his hair on top of his head was disheveled. I guess that made him more attractive despite his rugged attitude.

"Tala!" He snapped his fingers in front of my face. "Sabi ko, halika na. Tayo na lang ang nandito."

"P-po? H-halikan n-na?"

Kumunot ang noo niya. Ginulo niya lalo ang buhok kaya napanguso ako. Sinilaban bigla ang pisngi ko at parang sasabog ang dibdib ko.

"D-dito po?" Sabay tingin sa paligid bago ibalik ulit sa kaniya ang tingin.

Teka... paano ba gawin 'yon? I only heard about it from my classmates and other students. How do they do it, though?

"Ano bang iniisip mo?" medyo lumakas ang boses niya. "Uuwi na tayo kaya halika na!"

Umangat ang balikat ko sa gulat at pagkarehistro ng sinabi niya. Lalong uminit ang mukha ko habang walang pakialam nang pinapasok ang gamit sa bag. Pagka-zipper ko roon ay agad niyang kinuha iyon sa upuan ko at isinabit sa balikat niya. Pinagmasdan ko siya at biglang naisip ang dalawang kaibigan.

Kuya Rainier and Kuya Wilder stayed in our previous school. Hindi naman ako nalungkot masyado dahil madalas pumunta si Kuya Wai sa bahay o kaya ako sa kanila. Sometimes, he'll go to our house with Kuya Rain. Madalas nasa bahay rin si Twyla kaya masaya pa rin niyang nasisilayan ang crush niyang si Kuya Wilder.

"Haaay..."

My audible sigh was like a break that Kuya El had stepped on. He looked down at me with a soaring brow.

"Ano?"

"Ano pong 'ano'?" nagtataka kong tanong pabalik.

"Bakit bumubuntonghininga ka diyan?"

I blinked fast. "A-ah... wala lang po. Naalala ko lang po 'yong crush ko sa dati nating school. Haaay."

"Aba't umulit ka pa?" Pinitik niya ang noo ko nang mahina bago naglakad ulit kaya nagpatuloy rin ako. "Kalimutan mo na 'yang crush mo roon. Maghanap ka na lang ng bago rito."

"Sino naman po?"

"Malay ko sa 'yo? Ano ba ang nagustuhan mo roon?" He sounded irritated.

"Guwapo po," sagot ko dahil iyon naman talaga ang unang rason.

"Oh? Guwapo rin naman ako, ah?"

Tumingala ako sa kaniya. "Pero hindi naman po kayo matalino, e. Siya, matalino po."

"Ansabe mo?" Ngayon ay tuluyan na siyang huminto sa paglakad para harapin ako.

"Guwapo at matalino po siya kaya crush ko. Ikaw, guwapo lang."

Kumibot ang labi niya habang tinititigan ako nang matagal. Pakiramdam ko ay nalangoy niya na ang kailaliman ng kaluluwa ko sa tagal ng titig niya sa akin.

Bigla siyang umirap. "Basta guwapo ako, hindi ko kailangang maging matalino."

Bumungisngis ako sa sinabi niya. Naglahad siya ng kamay sa akin. I put my hand over his, and he held it firmly before we proceed. Ang tawa ko ay humupa at bumaon na lang ang ngipin ko sa ibabang labi habang pinagmamasdan ang kamay naming magkasalikop.

Kuya Wai had held my hand before, but not this tight. There are other differences that I feel everytime they hold my hand but I could only point one. Kapag si Kuya Wai ang humawak sa kamay ko, napapangiti pa ako. Pero kapag si Kuya El, natatahimik ako. I get silent, but that doesn't mean I didn't like being held on the hand by Kuya El.

"Ate Tala!"

Nawala ang init ng kamay ni Kuya El sa akin nang marinig ko ang pagtawag ni Twyla. Binigay niya sa akin ang bag at lumiko na para iwan kami. I kept my eyes on his back as his figure became smaller.

"Ate Tala..."

"Yay!" I jerked away from Twyla when she whispered in my ear like a ghost from those horror movies I've watched.

Her lips were curled downward as she took a glance in Kuya El's way. Hinawakan ko siya sa braso at hinila na para alisin niya ang tingin doon.

"Bakit mo po siya pinagmamasdan?" Curiosity was linked on her question.

Umiling ako. "Wala. Lika na po!"

"Crush mo po siya, 'no?" Ngumiti siya at sinundot ako sa tagiliran.

Nanlaki ang mga mata ko. "H-hindi po! Hindi! Hindi! 'Di ba crush ko po si Kuya Raghnall? S-siya lang po ang crush ko!"

Her eyeballs rolled up with slightly wrinkled forehead. "E 'di gawin mo na pong dalawa ang crush mo? Puwede naman po 'yon, e. Ako nga po, may dalawang crush sa classroom. Bale tatlo na po ang crush ko. Paramihan po tayo?"

Pakiramdam ko ay may lalabas nang usok sa ilong at tainga ko. Talaga? Puwede ba 'yon na maraming crush? Pero bakit ko naman magiging crush si Kuya El? Ayoko... dapat isa lang crush ko.

Magkahiwalay ang service namin ni Twyla pero parehong naroon na kaya halos magkasabay lang kami umalis ng school. Wala si Mommy sa bahay at himalang si Daddy ang naroon. Daddy's not usually at home, and everytime he sleeps in our house, Mommy is always around.

"Daddy, may practice po kami ulit bukas sa school," I informed him during our dinner.

I smiled cutely, showing him my puppy eyes that usually works for Kuya Wilder. Kapag nandito kasi si Mommy, kailangan sa kaniya ako magpaalam. Nanginginig pa ako bago magsalita, tapos pati ngiti ko gusto nang mag-backout. So, I usually ask for Kuya Dwight or Kuya Wilder's help.

"Anong oras kayo magsisimula at matatapos?"

I set my utensils on my plate to give my full attention to my father. "We will start by ten o'clock in the morning po, Daddy. Wala lang pong definite time kung hanggang kailan kami matatapos."

"Hmm..."

Sumubo muna siya at nginuya iyon nang mabuti. Nilakihan ko pa ang ngiti hanggang mapunit ang labi ko. Sumulyap siya sa akin at saglit na humalakhak bago uminom ng tubig.

"Okay, then. Magpahatid ka kay Gibo. Hihintayin ka niyang matapos kayo," aniya at tumango.

"Thank you po, Daddy!"

Umingay ang upuan ko dahil sa pagtayo. I hugged him and pressed my lips to his cheek. His arm snaked around my waist, pinching my side a bit.

"Oh, isa lang ang kiss ni Daddy?" tunog nagtatampo niyang sinabi.

I chuckled and drizzled his cheeks with kisses. Bigla siyang humarap kaya nahalikan ko rin siya sa labi. Napalayo ako at tinikom ang bibig bago bumalik sa upuan. Ngumiti ako kay Daddy at tinapos na ang hapunan.

I took a half bath, then I set my alarm so I'd wake up early to have enough time dressing up tomorrow. Like what I used to do before hitting the bed, tinapos ko muna 'yong ginagawa kong pattern para sa headdress na ituturo ko kay Twyla. Nahilig siyang magsuot ng mga ganoon kaya nagpa-practice akong gumawa ng sariling disenyo para sa kanya.

Kasabay ng paghikab ko ay ang pagbukas ng pinto ng aking kuwarto.

"Daddy?"

Ngumiti siya. Naka-sando na lang siya at itim na shorts.

"Baby, can I sleep here? It's been a while since the last time you slept with us. Na-miss kong katabi ang anak ko."

Napatingin ako sa kama kong kulay dilaw ang lahat pati ang mga unan. Kasya naman ang dalawang tao rito pero katabi ko kasi si Cookie, 'yong brown teddy bear na mas malaki pa sa akin. It was Kuya Rain's gift on my twelfth birthday. Sabi niya, kapag nalakihan ko raw 'to balang araw, ibibili niya ako ng bahay at lupa. Kailan kaya 'yon?

Hindi pa ako nakakasagot kay Daddy ay nakalapit na siya sa kama ko. Kinuha niya si Cookie at ipinatong doon sa couch ko. Nakaupo lang. Ihihiga ko nga siya mamaya roon.

Daddy sat on the left side of my bed. "You like crocheting so much, huh? You have improved, I must say, based on these crafts in your room," sambit niya, tinutukoy ang mga gawa ko na naka-display sa bawat sulok ng aking silid.

"Thank you po. Si Twyla rin po, magaling na rin po rito!" pagbibida ko. "Minsan nga po, e, mas nauuna siyang makakuha ng pattern kaysa sa akin."

"Really?"

The way his eyes twinkled when they found mine melted my heart. It fluttered me when someone praised my work of art. But when it comes to either of my parents, it feels different. Mas nakakataba ng puso.

"Opo... gusto mo po bang makita rin ang mga gawa niya?" I suggested with eagerness.

Lumitaw ang ngipin ni Daddy nang ngumiti at bahagyang natawa. Tuluyan na siyang sumampa sa kama at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa hook at sa ginagawa ko.

"Sure, baby. But for now, let's sleep first, okay? Hindi ba at may practice ka bukas?"

Tumango ako nang marahan. Daddy caressed my hands one more time before he snatched my materials. Nilagay niya iyon sa nightstand sa gilid ko bago muling umayos ng puwesto. Hinawakan niya ang comforter ko at itinaas iyon sa dibdib ko kaya humiga na lang din ako at niyakap ang isang minion na stuffed toy sa uluhan ko.

"Good night po," I murmured.

He smiled warmly at me before he lay beside me. "Where's my good night kiss?"

Nilahad niya ang pisngi niya sa akin. Inangat ko nang kaunti ang ulo para halikan siya roon pero tulad kanina, humarap siyang muli kaya ang labi niya ang nahalikan ko. I pouted at him. His eyes dropped to my mouth.

Dumukwang siya at hinalikan ako sa labi, mas matagal kumpara sa kanina. "Good night, baby."

Humigpit ang hawak ko sa kumot. Mommy, even though I'm mostly scared of you, I wish you were here now.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top