Chapter 26
Chapter 26
"Don't worry, Ate Tala! I'll be right here in the front row so you wouldn't have to be mousy while performing! I'll pray every night so you won't get into trouble, too!"
May performance kami sa Filipino. Role playing ng Ibong Adarna. Sa classroom lang naman namin gagawin iyon pero kinakabahan pa rin ako. Mabuti na lang at nandito si Twyla para i-cheer ako.
"Tss..." Humalakhak si Kuya El sa tabi ko. "Namomroblema ka pa diyan, e, puno ka lang naman."
I pouted. Twyla was my immediate rescue.
"E, ano naman po kung puno lang siya? Haharap pa rin siya sa mga tao kaya normal lang po na kabahan!" sabi ng pinsan ko at hinagod ako sa likod. "Hayaan mo na po siya, Ate Tala. Kain na lang po tayo sa labas!"
I nodded at her and my eyes caught Kuya El's amused eyes. Umismid naman siya agad at tumingin sa labas ng bintana.
"Mga bata talaga..." Umiling-iling pa siya.
We are in the 7th grade and unfortunately, he's still my classmate. Buti sana kung classmate ko rin sina Twy, Kuya Rain, at Kuya Wai, kaso ay hindi. Silang tatlo lang ang magkaklase. And my poor soul has to endure another school year with Kuya El and his banters.
My cousin and I sashayed our way down our building with our linked arms. I'm being extra careful with my junk intake since the last time I had street foods with Kuya Wai, I was sent to the hospital the next day. One week din akong na-confine dahil sa dyspepsia.
"Psst! Bubwit!"
Our head swirled in Kuya Wai's direction. Palakad siya papunta sa amin nang nakangisi habang nakabuntot si Kuya Rain sa kaniya at abala sa phone nito.
"Saan kayo pupunta? Akala ko tinatamad kang lumabas?" he asked as they stopped in front of us before he drifted his eyes to my cousin. "At ikaw? Kinain mo ba 'yong bigay ko?"
Tumingin ako kay Twy na medyo namumula ang pisngi. "O-opo. Share po kami ni Ate Tala. Lumabas lang po kami kasi nakakainis si Kuya El!"
"Suntukin ko, gusto mo?" Tumatawa pa si Kuya Wai na agad binatukan ng pinsan. "Magtataka na lang siguro ako kung 'di nang-iinis ang isang 'yon. Pero saan kayo pupunta? Sama ako..."
Humagikgik ako sa unang banta niya. Puro na lang naman siya banta na susuntukin si Kuya El pero nahuli ko naman sila noon sa isang computer shop malapit sa school, nagkakatuwaan. Magkakakampi yata sila roon kasama si Kuya Rain sa isang laro.
I knew it! They secretly adore each other and their way of bond is through bickering. Behind our backs, they get along with each other. Tapos si Kuya El, kahit nang-iinis pa rin sa amin ni Twyla, iba na ang binu-bully niya. Ewan ko kung bakit pero karamihan ay puro lalaki. Kailan kaya siya titigil sa gawaing iyon?
Sasagutin ko na sana si Kuya Wilder kaya lang ay naunahan na ako ni Kuya Rain.
"Hindi mo na dapat tinatanong 'yan, Wai." Ngumisi si Kuya Rain at ibinulsa ang phone bago tinapik sa balikat si Kuya Wai. "Pupunta muna akong library. Kikitain ko si... alam mo na kung sino."
Lagi siyang may kinikita sa library pero wala kaming alam ni Twy kung sino at sanay na rin. Madalas, silang dalawa ni Kuya Wilder ang magkasamang pumupunta roon sa library. May ginagawa yata silang kung ano.
Sumama sa amin si Kuya Wai kaya nalibre pa kami ni Twyla. My cousin and I were both problematic because of it. Nakakatuwa kapag may nanllilibre sa amin pero ayaw namin pareho ng palagi. Para saan pa ang allowance na ibinibigay sa amin kung may tao lang ding nag-uubos ng pera niya para sa amin na galing pa sa magulang niya.
"How is your relationship with Lei's son going?" si Mommy nang nakauwi ako sa araw na iyon at ipinatawag agad sa library.
Still wearing my uniform and yellow bag, I sat on the single couch in front of her table. Her tone was demanding, and the question threw me off.
"What do you mean po, Mommy?"
She rested her back on her swivel chair and crossed her arms over her chest. Umarko ang isang kilay niya.
"Hindi ba ang sabi ko ay pakisamahan mo si Wilder. Ano? Kumusta kayo?"
"Ah..." A smile crept on my lips upon realization. "We're still friends, Mommy! Almost best friend like Twy but she's still my best of—"
"Your friendship with Wilder is meaningless if we can not close more deals with his father's company. Masyadong matayog at malakas ang kumpanya nila kumpara sa atin. Closing a deal with them is just a stepping stone for us to reach them. Dapat ay higit pa..."
"E 'di... mag-close po tayo ulit ng marami pang deal?" sabi ko kahit hindi naintindihan kung ano bang meron doon.
Mommy shook her head with disappointment engraved on her face. Humaba ang nguso ko at pinaglaruan na lang ang mga daliri sa ibabaw ng hita.
"I... no. We need you to marry Wilder in the future, Eulalie," she said, emphasizing each word.
I put an end to my finger twiddling and tried to process her words. I need to marry Kuya Wai? But why? He's special to me like everyone else but to marry him is like Math. I don't like it and I don't want it. And Twyla has a crush on him!
Bumuntonghininga na lang ako at hinarap ang assignment sa subject na 'yon kinabukasan habang nasa library sa school. Ang hirap na nga ng puro numbers lang, dinagdagan pa ng letters. May drawing at lines pa. Ayan tuloy, nakapag-drawing na lang ako ng Minion sa graphing notebook ko.
I plonked my left cheek over my notebook. Pumasok ako nang mas maaga para gawin ito. Well, at least I have done something, and that was drawing. Kinagat ko ang ulo ni Carl na disenyo ng ballpen ko.
"Tss..."
My sight flew to whoever hissed near me, and it took me a double look to realize it was one of the Geek Duo! I knew him! They are famous for their brand name! Dalawang nerd na guwapo.
Nakadungaw siya sa notebook ko habang salubong ang kilay kaya inangat ko ang ulo at tiningnan din iyon. Tinuro ko ang ginuhit ko.
"This is Davey the Minion," I told him. "Alam mo po ba 'yon? Sa Despicable Me?" Nakangiti akong bumaling sa kaniya.
It elicited the noticeable offense across his face. Hindi ko alam kung para sa drawing ko o para doon sa sinasagutan kong puro bura at mali-mali kasi hindi ko naman alam kung paano gawin. Maybe for the latter, since he's the one known as the Math prodigy.
"Uy, Ral! Lika na rito!" rinig kong tawag ng isang babae. "Bilisan mo nga..." Humina ang boses niya.
Vincenzo Raghnall Asturias. That's his name, I now remember! If this problem is as easy as how I recall someone's name, I will throw a party with my limited budget.
Bumalik ang pisngi ko sa pagkakahimlay sa ibabaw ng notebook. I waited for him to leave me alone but he did otherwise.
"Mauna ka na. May tuturuan lang saglit," sabi niya habang hinihila ang upuan sa tabi ko nang tahimik.
Tumunghay ulit ako.
"Give me your notebook. I'll teach you," aniya sa tila naglalambing na boses. "And you listen to me, Tala."
I gasped audibly. Kilala niya ako! Kilala niya ako! At tuturuan niya raw ako! Pero... paano niya ako nakilala?
I obediently slid my notebook to him, even my pen, too. Tinitigan niya pa saglit ang ballpen ko at napailing. He flipped through the pages of my notebook with nothing but eagerness and started explaining. My lips parted as I listened to him, my elbow resting on the table and my eyes observing the perfect canvas in front of me.
Bahagyang umusli ang nguso niya at tumigil sa pagsasalita. I noticed his ears turning pink when he glanced at me. Binigay ko ang atensyon sa sinusulat niya bago pa man ako pagalitan.
"Ah, ganiyan po pala..." Tumango-tango ako.
I concentrated on his lecture but I couldn't help stealing glances at him. Napamulagat lang ako at mas naging interesado sa itinuturo niya dahil may mas madaling method at technique siyang itinuro para sagutan ang problem.
Sinasagutan ko na 'yong sa assignment ko habang nanonood siya nang napansin kong may sinusundan siya ng tingin. I followed his line of vision and saw the girl who called him earlier. I brought back my gaze to him when his chair made a noise as he rose.
He patted my head which made my heart bounce crazily. The abrupt small smile he bestowed on me tickled something in my stomach.
"Kaya mo na 'yan. Mauuna na ako..." sabi niya bago itinulak ang upuan sa ilalim ng mesa at tahimik na tumakbo papunta roon sa kasama niya.
My whole face nearly exploded because of heat caused by his touch and smile upon me. I resumed solving my assignment with my mouth splitting into two. Patalon-talon pa ako habang pabalik sa room at kahit ang mukha ni Kuya El na nakasimangot ang bumungad sa akin ay binalewala ko. Lagi naman siyang nakasimangot, e.
"Good morning, Kuya El!" Sabay bagsak ko ng bag at sarili sa upuan. "May assignment na po ako sa Math! Gusto mo turuan po kita?"
He grimaced and carried his armchair away from me.
"Huwag mo nga 'kong kausapin. Gutom ako, ah? Baka kagatin ko 'yang pisngi mong mataba."
My hands covered my cheeks speedy fast. I glared at him while jutting out my bottom lip. Pinatay niya agad ang magandang umaga ko dahil sa banta niya. Alam ko kasing kayang-kaya niyang gawin iyon.
"You ruin my morning!"
"Oh, buti naman. Damay-damay 'to. Sinira mo nga rin ang umaga ko, e."
"Wala naman po akong ginagawa sa 'yo, ah?" giit ko.
"Kaya nga. Wala ka pang ginagawa, panira na agad 'yang mukha mo." Umirap siya.
"E 'di pumikit ka po!" Umirap din ako.
"Minamanduhan mo ba 'ko, bilog?"
His eyes targeted me with sharp glares. Tumayo siya kaya napalundag ako sa upuan ko at umiling nang mabilis.
"J-joke lang po, e," bawi ko at lumabi.
Tumirik ulit ang mata niya bago padabog na inilapit ulit sa tabi ko ang upuan. Ayoko siyang katabi pero dahil walang seating arrangement bukod sa English at Filipino subject, wala siyang ibang gustong tabihan kundi ako. Isang tingin niya lang sa tatabihan ko o katabi ko sana, umaalis sila agad.
Inisnab ko na lang siya at pinaglaruan ang ballpen na hinawakan ni Kuya Ral. Kuya Ral... is it allowed for me to call him by his nickname? I suppressed my giggle when someone interrupted Kuya Ral's dreamy image in my mind by poking my side.
"Naman, e!" reklamo ko lalo pa at kinuha ni Kuya El ang ballpen na pinagdidiskitahan ko.
"Pahiram ako. Nakalimutan ko ang sa akin," matamang sabi niya habang tinititigan ako nang malalim.
Inabot ko iyon pero inilayo niya. "I have other ballpens! I'll lend you one po. Please, akin na po 'yan."
"Gusto ko nito. Ito lang. Ayoko ng iba," hayag niya habang tinutulak ang braso kong sumusubok abutin ang ballpen ko.
"P-pero..." Ginamit 'yon ni Kuya Ral, e. Saka may kagat-kagat na 'yong ulo ni Dave.
Umawang ang labi niya habang nakatitig pa rin sa akin at inaabangan ang pagsuko ko. Nagparte rin ang labi ko habang sinusuri ang kaniyang mukha.
His hair's in a man bun with unkempt strands. It only intensified his intense visage—thick brows, deep-set penetrating orbs under long lashes, aristocratic nose, and prominent jaw. Above his cleft chin are his pale, thin lips.
Bumalik ang tingin ko sa kaniyang mata. It suddenly turned soft that contradicted his whole mien. Something tugged at my heart.
"Please, Tala? Akin na lang?"
"U-uh..." Napalunok ako at unti-unti nang binawi ang kamay. "O-okay..."
Lumubog ang puso ko kasabay nang pagliwanag ng mga mata niya. Umayos na ako sa pagkakaupo at hinayaan siya. Hayaan mo na, Tala. It's just a ballpen.
I forced myself to draw my attention listening to our teacher's lecture that day but my eyes were glued to my notebook, feasting on Kuya Ral's craft through his skill of writing. Nangalumbaba ako at sinulat ang pangalan niya sa kabilang pahina at nilagyan ng napakaraming puso at disenyo.
"Kung wala na kayong tanong, get one whole sheet of paper and we will have a short quiz."
My back straightened at the spontaneous announcement of our Math teacher. Umugong ang reklamo ng mga kaklase ko, kasama na ang sa akin pero sa utak lang nanatili.
"Ma'am, puwede po sa graph paper?"
"Yes. Graph paper or intermediate paper is fine."
"Pahingi ngang papel," si Kuya El habang nirarapido ng kalabit ang braso ko.
I pulled out my intermediate pad from my bag. Pumilas ako at binalingan siya para ibigay iyon nang nagulat dahil nakahilig na siya sa upuan ko. Lukot ang noo at salubong ang kilay habang tinitingnan ang notebook ko.
"Oh!" Sabay nguso ko at lapag ng papel sa mesa niya.
His scowl deepened when he looked at me. "Bakit mo sinusulat ang pangalan niya? At may puso puso pa?"
"E, ano naman po sa 'yo? Hindi mo naman po pangalan 'yan kaya bakit ka galit?"
"Bakit mo nga isinulat ang pangalan niya?"
"Secret!" I stuck out my tongue. "Hindi ko sasabihing crush ko siya—"
Sininok ako bigla. His lips thrust forward a bit. Umiwas siya ng tingin at itunoon na ang pansin sa papel.
"Crush crush pa..." rinig kong bulong niya sa sarili.
I rubbed the side of my forehead using the butt of my pen. The idea of crushing on someone reminded me of Twyla. Heat resurrected on my cheeks while thinking of how I would tell my cousin about it. Tala and Twyla have a crush! I'll let her know about it at our house!
I unconsciously turned my head to my seatmate and caught him already looking at me. Sumimangot siya at pinaglapat ang labi bago bumaling sa harapan.
I recollected the method and technique Kuya Ral had taught me and applied it to our quiz. They were easier to understand and follow; thus, I wonder why our Math teacher didn't discuss these with us. Hindi ko lang alam kung tama ang sagot dahil pinapasa na ang papel namin sa harapan at ang guro na lang namin ang magche-check.
"Guys, puwede ba kayo sa Saturday dito sa school? Tapusin natin 'yong props tapos practice na rin para sa role play," anunsyo ni Devi nang natapos ang klase.
I started inserting my things in my bag. Naglabas ako ng O-Puff na bigay pa ni Kuya Wai kahapon at agad 'yong sinubo. I offered one to my seatmate on my left. Nagdadalawang isip pa akong bigyan si Kuya El kaya tinanong ko siya.
"G-gusto mo po?"
Inirapan niya lang ang nakalahad na O-Puff. What's his problem this time? I already gave him my pen, although half-heartedly. Did he see it through my eyes?
"Ngayon sana kaso alam kong marami pa sa inyo ang 'di pa nakakagawa ng project sa Science kaya unahin na muna 'yon. Pasahan na bukas. Don't forget about it."
Most of them agreed while I was still unsure. Saturday is Mommy's birthday and they said we would celebrate it in Batangas, where one of our rest houses is located. Only close friends and relatives are invited.
I dismissed the urge of contradicting our class beadle's announcement. Bukod sa ayos lang sa karamihan, sino ba naman ako para magreklamo. Lumabas na lang ako ng room at nilagpasan si Kuya El sa labas na may kausap. Nagsabi kanina si Twyla na may practice silang buong klase para sa role playing din ng Ibong Adarna kaya hindi ko na sila inasahang makikita ngayong uwian.
My feet instantly halted on track when someone pulled my bag that I almost stumbled backwards. May locker naman ako pero tuwing nilalagay ko roon ang gamit ko, lagi ko na lang naabutang kinawawa. Minsan basa, minsan puro basura, minsan sira-sira. Hence, I bring all my things in my backpack and endure its heaviness.
"Wala kang kasabay?"
Nakataas ang kilay ni Kuya El nang tingalain ko. Bahagya niya akong tinulak kaya naglakad na ako habang nasa tabi ko pa rin siya.
"Kanina po wala. Ngayon... meron na po."
He was lifting my bag through its handle, making it as light as feather while we were heading to the parking lot. Hindi ba siya nangangalay at nangangawit? Ako nga na iniisip lang iyon ay halos maramdaman na ng braso ko, e.
"Our car is missing!" deklara ko nang hindi mamataan ang sasakyan namin sa parking. "Oh, no! Baka na-carnap po?!"
He poked my cheek. "Anong missing at carnap? Late lang ang sundo mo ngayon. Pinagsasabi nito."
"But Kuya Gibo was never late po."
"Eh sa ngayon nga siya late, 'di ba? Ano'ng magagawa mo?"
"Wala po."
He never failed to show me his irate expression everytime he's talking to me. Minsan hindi ko alam kung sino ba talaga sa amin ang unang nang-iinis. Ako na wala namang ginagawa o siya na iniinis ako dahil naiinis siya agad sa akin kahit wala nga akong ginagawa sa kaniyang masama.
I perched on the bench near the usual spot of my service at the parking lot while Kuya El stood like a guard behind me. Halos mabali ang leeg ko nang isandal ang batok sa sandalan at pinagmasdan siya.
"Kuya El, you can go home first. You don't have to wait with me here po."
His big hand cupped my face to block my view of him. "Tingin mo sinasamahan kita dahil gusto ko? May hinihintay rin ako rito, bata."
"Ah, okay po."
Hindi rin nagtagal at namataan ko na ang sasakyan namin. Napatayo ako at sinalubong ang bumabagal na takbo ng sasakyan namin. Tumigil ito sa gilid kaya lumingon ulit ako sa may bench. Naglalakad nang mabilis paalis si Kuya El nang mag-isa.
I thought he was waiting for someone, too? O baka nakita niya na at pupuntahan niya?
"Pasensiya ka na, Tala. Na-flat kasi bigla 'yong gulong sa likod noong nasa byahe ako kaya dumaan pa akong talyer. Kanina ka pa ba naghihintay?" bungad ni Kuya Gibo.
"Hindi po. Ayos lang po..."
"Pasok ka na." Nilahad niya ang binuksan na pinto sa backseat.
Nalagpasan pa namin si Kuya El na diretso lang ang tingin sa nilalakaran. Still alone. I leaned back on my seat and felt bad for him. The person he must be waiting for earlier didn't show up. Nilabas ko ang yarn sa bag at naisipang gumawa ng charm bracelet.
I believe in the good luck and protection that lucky charms bring its owner. This superstitious belief has gotten in me since I learned about it, and I know that not everyone shares the same belief as me. Although it actually works, its effectiveness isn't always guaranteed. Beliefs without faith and action are futile.
"Gumagawa ka ulit niyan, Tala? May pagbibigyan ka?" usisa ni Kuya Gibo.
"Opo!"
"Talaga? Bagong kaibigan ba?" Nahimigan ko ang tuwa sa boses niya.
I already made one for my close friends—Twyla, Kuya Wai, and Kuya Rain. This time, I will give it to someone who might need some lucky charm to evoke the good spirit within him. The sides of my lips turned up. I hope this will work for him. Even at least once.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top