Chapter 24
Chapter 24
People keep something under their hat and I am no exemption. Funny because I have a slippery tongue, yet this certain matter is still kept shrouded. Or... that was just what I thought.
Pagkabigay ko ng order sa kanilang dalawa, hindi rin sila nagtagal sa tent namin at umalis na rin dala ang mga binili. I didn't even get to say my line because of embarrassment and uneasiness. Kuya Wai must be proud that I've stopped doing it until the end of my shift.
"Hay, salamat! Makakapagpahinga na tayo!" si Eris habang hinuhubad niya ang apron sa likod ng tent.
"Glo, pa-order po ako ng dalawang Cream-O shake at isang Fewa. Babayaran ko po mamaya," sabi ko sa kaklase bago ibinigay ang apron sa kapalitan ko.
"Pawis na pawis pala ako. Buti na lang mabango pa rin ako. Iba talaga kapag Aspaden perfume ang gamit. Kaya bumili ka na sa akin, 'te!" Eris blabbered and nudged my shoulder.
"Eris, I want to support your business but I don't want to buy something I can't appreciate."
"Hmp..." Ngumuso siya na para bang nagtatampo. "Hindi naman sarili mo ang aamoy sa 'yo. 'Yong ibang tao naman. Iba ang a-appreciate sa amoy mo."
"Do I smell bad, Eris?" I asked worriedly and raised my arm. "Paamoy ng kilikili ko, please. Baka mabaho na po ako."
Yumuko naman siya at nilapit ang mukha sa kilikili ko. "Hindi naman. Pero amoy pawis ka. That's normal, though. As if naman alam mo ang pinagkaiba ng mabaho sa mabango."
I always wonder how it feels to smell something. Closing your eyes when you smell pleasant and twitching your nose if it is pungent. I have been trying to think positively that being born with congenital anosmia is an advantage because I can withstand a place or a person with an awful smell. But in reality, my health was often put at risk because of it.
"Then, don't ask me to buy your perfume, Eris." Ngumiti ako at ibinaba ko na ang braso. "'Yong lipbalm na lang po bibilhin ko ulit kapag naubos na."
"Okidoks!"
Eris ordered her own shake and pancake before we left the tent. Alam naman ni Chinggay iyon dahil kasabayan namin siya sa shift. Wala kaming dalang ibang gamit ni Eris kaya dumiretso na siya sa building namin habang ako, excited na pumunta sa gymnasium para puntahan si Kuya Lair.
"Hi!" bati ko lumalabas na mga estudyante roon. "Tapos na po ang game?"
"Katatapos lang," sagot nito na natigilan dahil sa akin bago ako pinasadahan ng tingin.
"Okay po. Thank you!"
I carefully made my way inside the gym since my hands were full and many students were going in and out. Karamihan ay naka-uniform kaya madaling malaman na halos mga senior high students ang nasa loob.
Lumingon ako sa paligid, naghahanap, nang maramdamang may humihila sa buntot ko. I glanced over my shoulder and saw a bunch of students behind me. Nagtatawanan sila habang ang dalawa ay nakahawak sa buntot kong malapit nang mapigtas sa puwetan ng damit ko.
I moved my hips to gather their attention to me, thinking they'd be ashamed or apologetic for touching my tail. Bigla namang may humawak sa tainga ko kaya napunta roon ang atensyon ko.
"Ayos, ah. Parang totoo!"
"Pahawak din ako!"
"Akin na lang 'to, Miss, ah?"
Iniwas ko ang ulo sa kanila pero nahila na ng dalawa ang magkabilang tainga ko ng pusa habang ang buntot ko ay hinihila-hila pa rin. Tinahi ko pa naman iyon sa damit kaya nag-aalala akong baka kapag hinila nila nag tuluyan, masira bigla ang suot ko sa parteng iyon.
"'Tol, tara na!" sabi ng isang kaibigan yata nila na kadarating lang sabay tapik sa kamay ng mga nakahawak sa buntot ko. "Manti-trip pa kayong mga hinayupak, e."
Tinapunan ako nito ng tingin bago sinipa ang dalawa sa likod ng binti para paalisin na. Half-baked relief filled in my chest after eradicating some pests without having argument. Kaya lang, hindi talaga puwedeng sabay-sabay mawala sila sa isang iglap lang. May mga peste na kailangang harapin at kalabanin.
Sayang naman ang paghihirap ni Eris na turuan ako sa loob ng isang linggo kung hindi ko rin i-a-apply iyon. I faced the two students who were putting my cat ears on themselves while laughing.
Lumapit ako sa kanila at ngumiti bago bahagyang itinaas ang dalawang cup ng shake sa parehong kamay.
"Excuse me. Kita n'yo po ba itong hawak ko?" I raised my voice to get their attention and I succeed; thus, my smile stretched wider. "Sakto, dalawa po 'to. Tig-isa kayong paligo kung hindi n'yo ibabalik sa akin ang hawak n'yo."
The taller guy in a familiar maroon polo shirt slanted his head to his left as his eyes almost slandered me. Binitiwan nya ang hawak sa tainga na ikinakabit doon sa kasama at tuluyan akong hinarap. Kung paanong tingnan niya ako habang nakayuko ay para bang isa lang akong lamok na madali niyang mapapatay sa dalawang palad.
I nearly stepped back as I swallowed the attempt to retreat my words only if I didn't hear Eris' words in the back of my head.
"Sa liit mong 'yan, tingin mo matatakot kami sa 'yo?" aroganteng tanong niya pagkatapos akong maliitin muna gamit ang tingin.
"Lamang ka lang naman po sa akin ng tangkad. Mas maliit pa rin po ang utak mo kaysa sa akin." Ibinaba ko ang tingin sa kaniyang pants sa pagitan ng hita nito. "Pero mukhang mas maliit po 'yang itlog mo kaya ang pinapatulan mo lang ay ang tingin mong hindi lalaban sa 'yo."
Tumawa ang kasama niya habang suot ang tainga ng pusa ko. "Oh, Cañete, payag ka n'on? Liit pala ng betlog mo, e."
Binalingan ko naman siya. "Kayo rin naman po."
Tumawa siya lalo at parang hindi naman nainsulto. Ang tinawag niyang Cañete ay lumapit sa akin kaya mas humigpit ang hawak ko sa dalawang cup. Mabuti na lang at nakasabit sa palapulsuhan ko ang plastic kung nasaan ang Fewa.
Magagalit kaya si Kuya Lair kapag ito na lang ang naibigay ko sa kaniya?
"Come on, kiddo. Why don't you pour it on us like what you're threatening—"
Hindi niya na natapos ang sasabihin nang bigla kong isaboy sa mukha niya ang hawak na shake. Napapikit siya at napayuko habang tumutulo nang malaya ang durog na yelo at biscuit pababa sa kaniyang leeg at dibdib.
Para akong nabingi sa ingay na ginawa ng mga nakakita sa akin. Pero mas umingay lalo ang paligid nang may kumuha sa isang shake na hawak ko at dinala iyon sa ulo ni Canete para ibuhos pa.
"Oops!" The familiar girl who poured him the shake chuckled mockingly. "Hala, sorry, ah? Pero deserve." She then flashed an evil smirk.
Her black hair was cut shorter this time—jaw length—defining her square-shaped face. Her brow and lips rose boldly and her eyes glimmering with unadulterated satisfaction scared me a bit. Siya iyong babaeng nakita ko noon sa Dagohoy!
Ipinakita niya ang dalang bottled water na bawas na. "Baka gusto mong banlawan din kita? Sayang 'tong tubig ko, e."
Mula sa mariing pagkakapikit, hinilamos ni Cañete ang kamay sa mukha at dumilat bago hinablot ang kamay ng bagong dating. Pero hindi siya nagtagumpay dahil may isang mas malaking braso ang humila sa palapulsuhan nito bago binaluktot patalikod.
My mouth hung widely when I heard the cracking sound. Isang maikling tili at igtad ang nagawa ko nang may tumakip sa mga mata ko at inikot ang katawan ko. My back was then crashed against a hard chest as his strong arm snaked above my chest.
"Kuya Aji, just take her ears back," Kuya Rain, whose voice I determined, commanded behind me.
Nanatili akong preso sa kaniyang bisig at humihinga lang. Narinig ko pa ang pag-inda at sagutan sa likuran hanggang sa ilang sandali lang ay pinakawalan na ako ni Kuya Rain. He held my shoulders while I was adjusting my blurry sight by blinking.
Pagkaharap ko sa kaniya ay saktong inabot sa kaniya ni Kuya Aji ang tainga ng pusa. His sharp eyes almost cut me into pieces before he rolled his eyes and left without uttering a single word of farewell.
"What did he do to you?" mariing tanong ni Kuya Rain hinahanap ang paningin ko. "Sinaktan ka ba niya?"
Umiling ako at ngumuso. I looked up at him guiltily. Madilim ang tingin niya sa akin na para bang handa na namang manakit. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat.
"S-sinabuyan ko po siya ng shake."
His jaw clenched. "Sinaktan ka ba niya?" ulit niya.
I shook my head and jutted out my lips further. "Hindi naman po pero... sinabuyan ko po siya ng shake sa face."
He licked his lips before claiming the bottom one. Unti-unting sumibol ang ngisi sa labi niya bago ipinatong ang isang kamay sa ulo ko.
"Very good, li'l girl."
"Hindi ka po galit?" Kumunot ang noo ko. "Because I'm a bad girl na?"
He chuckled. "Why would I? I know he deserved it for whatever damn reason. And you're not a bad girl but a brave one. He's the bad guy."
"Talaga p-po?"
"Yep, baby..."
Hindi ko alam kung bakit ang guilt sa dibdib ko ay napalitan bigla ng pagkatuwa. Tama si Kuya Rain! Deserve ng Cañete na 'yon ang ginawa ko! Hmp! Pero sayang naman ang ibibigay ko sana kay Kuya Lair. Magkano rin 'yon, e… at hindi pa bayad.
"Tss... kung ano-ano na naman siguro ang tinuturo mo sa bata, Rain."
Napalingon ako sa nagsalita. I remember him as well. Kapatid ni Ate Izzy. Ngumiti 'yong babae sa akin na naka-peach na blusa at blue jeans.
"Hi! Sorry, ginawa ko 'yon sa inumin mo. Saan mo ba iyon binili para ibibili na lang kita ulit? Ngayon mismo," she offered. "By the way, I'm Aspasia. You can call me Asia."
"Had you not pour it on him, you wouldn't have to do this now," umiiling na sinabi ng lalaki kay Ate Asia.
"I only helped her," giit ni Ate Asia sabay turo sa akin. "Kung 'di ako lumapit, baka napilipit niya na ang batang 'to!"
"Kaya binuhusan mo rin? Tama ba 'yon?" Kuya Ral retorted with raised brow.
Humalukipkip si Ate Asia at itinaas ang noo. "Pinagagalitan mo ba 'ko, Raghnall?"
Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. It appeared that we suddenly became invisible and it was fine to me. The only problem I'm thinking of is how I'd excuse myself from their quarrel.
"Hindi sa ganoon, Asia. Pero hindi rin naman tama ang ginawa mo. Nalingat lang ako saglit, muntik ka pang masaktan na naman ng lalaking 'yon?"
"Away na 'yan..." Kuya Rain jested silently but when he looked down at me, he cleared his throat and sucked in his cheeks.
"So, tama ang ginawa niya kay..." Nilingon ako ni Ate Asia.
"Nuala po," sagot ko naman sa nagtatanong niyang mga mata.
I covered my mouth abruptly with a hand.
"Kay Nuala," she continued and brought her eyes back to her friend. "I can't just watch them bully this little girl, Ral. E 'di sana hindi mo inalis ang mata mo sa akin para noong lumapit ako sa kanila, ikaw ang umawat, 'di ba? Ba't ako lang ang pinagsasabihan mo? Kumakampi ka ba roon kay Cañete?!"
"Kasalanan mo naman pala, Kuya Ral," sabi na naman ni Kuya Rain sa gilid ko.
Nagparte ang labi ni Kuya Ral, nakatingin pa rin kay Ate Asia pero ngayon ay gamit na ang mapupungay na mga mata. Like he was now trying to be submissive under her mercy. My gaze lowered to his hand when it slowly extended to reach for her hand.
Hinarap ako ni Kuya Rain para ikabit ulit sa tainga ko ang cat ears nang narinig ang nanunuyong boses ni Kuya Ral.
"Can we settle this argument privately, please?"
Ngumuso ako at hinawakan ang tainga. Kuya Rain fingercombed my hair and they threaded his fingers. Ang inaantok niyang mga mata ay tila sinusuri ang buo kong mukha na para bang naghahanap ng posibleng ikagalit.
"What are you even doing here?"
"Pupuntahan ko po si Kuya Lair, e. Ibibigay ko sana 'yong shake at itong Fewa pero..." Nilingon ko ang natapunang sahig bago binalik ang tingin sa kaniya.
Halos tumirik ang mata niya kasabay ng pag-igting ng panga. Ate Asia called my name so I turned to her, accidentally glancing at her hand being held by Kuya Ral's.
"Nuala, saan mo ba binili iyon? Papalitan ko na lang. Pasensiya ka na talaga," she said with apparent apologetic tone and eyes.
“Naku, okay lang po, Ate. Ako na lang po bibili ulit mamaya.” Sabay ngiti ko.
“No, I insist—"
“I know where their tent is,” Kuya Ral interrupted her. “Let’s just go there…”
Sinulyapan lang siya ni Ate Asia bago ngumiti sa akin. “Dito ka lang ba? Babalikan kita kasama ng drinks mo.”
“Hindi, okay lang po talaga,” pilit ko rin. “Bye bye po, Ate! Sana po masarapan kayo sa tinda namin!”
Hinila ko ang palapulsuhan ni Kuya Rain at pahirapan pang higitin siya palayo roon para makalayo na sa dalawa. The longer I stay, the longer she’ll insist.
“Tala,” tawag ni Kuya Rain habang nasa likuran ko siya at hawak pa rin. “Huwag mo na siyang hanapin at magbihis ka na lang. Let's go..." He gently pulled my hand.
Luminga muna ako sa paligid para maghanap bago siya hinarap. "But..."
His brows were clashing and the obvious irk shadowed his eyes. "I said let's go, Tala," mariin niyang bigkas.
I chewed my inner cheek and waved the white flag. He pulled me in and put his arm over my shoulder after covering my back with my hair. Nagtungo kami palabas ulit ng gym nang lumingon muli ako sa likuran at natagpuan si Kuya Lairgren.
He was now wearing our uniform and a bag hung on his left shoulder. Abala siya sa kaniyang telepono. My eyes shone and I nearly ran in his direction only if the girl he was with earlier appeared on his side, laughing, as she clung her arm around his.
Mariin kong kinagat ang labi. Sabi niya ay pupunta siya sa tent namin! Hindi naman! Siguro dahil doon sa babae niya! My heart constricted at the thought of suddenly throwing my arms on his chest when the chance let us meet.
Tinapos ko ang araw na iyon at ang sumunod pang ilang araw na hindi na siya hinanap pa sa room. I focused on our class' goal and that was to gather more customer to go to our tent. Inaasahan ko naman na may mga repeat customer para sa product, pero hindi na siguro magpapa-picture ulit dahil tapos na.
"Lungkot naman ng bebe girl ko. Pagod 'yan?" pang-aalaska ni Kuya Wai nang nakarating kami sa bahay.
My house became their second home. Madalas silang dito natutulog; minsan wala ang isa, madalas parehong nandito. Kuya Rain was the one who always brings his car at nakikisabay lang kami ni Kuya Wai, though the latter has his own. Kaya iyon ang gamit namin dahil may pinuntahan si Kuya Rain.
"Oh, come on!" He sighed in frustration when he didn't receive a reply from me. "Kakain lang natin, Miss Minion. 'Di ko naman puwedeng siraan ang luto sa restau dahil masarap naman. Aren't you full enough? Should we order some shortcake? Or anything to satisfy your sweet tooth?"
Umiling ako. Donut was under the surveillance of Blaustein's family; hence no barks and hugs welcomed me.
"Nabusog po ako. Hindi po 'yon... uh, may itatanong po sana ako."
Humarap na siya sa akin at seryosong inabangan ang sasabihin ko. I fidgeted my fingers as I looked up at him.
"What is it?"
"W-wala po ba kayong nakalimutan ngayong araw?"
He tilted his head a bit. "Hmm... wala naman. May nakalimutan ba 'ko?"
"I was asking you nga po, e." I thrust out my lips. "Huwag na nga po..."
"Ah, alam ko na!" bulalas niya kaya natigil ako sa ambang paglakad muli. "Akala mo nakalimutan ko, ano?"
Hope arose in me as I waited for him. His lips almost ripped into two.
"Yes, Kuya Wai. Ano po 'yon?" masigla ko na ngayong tanong.
"May utang pala ako sa 'yo! Three hundred pesos, 'di ba? Para doon sa order ni Mip-mip?"
The side of my lips instantly curved down as I dropped my shoulder when I didn't hear the words I was expecting him to say.
"'Di ba? Sorry, Miss Minion! I'll pay you tonight. Binigay kanina ni Kuya Axe ang bayad."
"Sa 'yo na po 'yan," I told him bitterly.
"Eh?" He pouted. "Sorry na nga po, please? I didn't mean to forget about it. Gawin ko nang isang libo. Ngiti ka na, oh?"
I sulked on my bed upon entering my room. Nagtatampo dahil wala talagang nakaalala na birthday ko ngayon. Kahit sana isa lang sa mga inaasahan ko dahil sila lang naman ang nakakaalam n'on. Kahit si Kuya Lairgren. Pero oo nga pala, hindi na kami nagkikita sa school.
Iniiwasan ko siya pero hindi man lang ako nahirapan dahil mukhang iniiwasan din niya ako. Tapos ngayon, hahanapin ko ang pagbati niya?
Still feeling blue the next day, I didn't talk to anyone and spent my time crocheting. Kuya Wai was still bargaining for my attention that he even gave me all his ATM cards with their pins and told me to break the bank.
Meanwhile, Kuya Rain had no idea of what's happening but still got pissed at Kuya Wai. Kukuha sana ako ng waffle para sa amin ni Donut pero napatigil ako sa pagpasok sa kusina nang marinig ang pagtatalo nila.
"Ano? Wala nga akong ginawang masama! Ako na lang lagi! E 'di ako na masamang tao!" rinig kong sigaw ni Kuya Wai.
"Kung sa inyong dalawa ni Tala, ikaw talaga lagi ang masama, kahit ano pang rason mo."
"Wow! Pinsan ba kita?"
"Itatakwil na kita. Malapit na."
"Pero wala nga kasi akong ginawa! Kung meron, 'di niya naman sinasabi. Manghuhula ba 'ko?" I could visualize him on the verge of crying. "Hindi! Gwapo lang."
"Why are you being so defensive, then? Kung wala kang ginawa, e 'di dapat pinapansin niya tayo. Nadadamay pa ako!" Tunog ng babasagin na mukhang ipinatong sa mesa ang sunod kong narinig. "Ayusin mo 'yan, bangis. Make sure she'll talk to us before this day ends..."
"Ano'ng gusto mong gawin ko? Sayawan din siya nang nakahubad?" Humagalpak si Kuya Wai.
Kuya Rain chuckled shortly but it was followed by Kuya Wai's complaint about getting hit on his head. I wasn't supposed to eavesdrop but my feet were suddenly immobile. Hindi alam kung papasok din ba ako sa loob habang nandiyan sila o mamaya na lang.
"Mahiya ka, tanga. Hindi ka pa talaga madala noong binuhusan ko ng ihi sa arinola pagkatapos mong gawin 'yan?"
"Maka-tanga amputa. Baka nakakalimutan mong nagpapatulong ka sa banal mong minamahal?"
"Shut up!" Kuya Rain hissed. "Go and make amends with my sister for whatever bull you've done."
It was my cue to poke my static position. I counted one to three before finally entering our kitchen, revealing Kuya Rain leaning on the counter with his arm perching on the surface whilst Kuya Wai was sitting on the high chair, just beside the latter, drinking orange liquid from his glass.
Nang nakita ako ay naibuga niya agad iyon sa mukha ng pinsan kaya agad siyang namura ng huli. I chewed the inner of my bottom lip as I sauntered to where our fridge was standing and the kitchen eventually engulfed in silence. Pagkakuha ko sa homemade waffle na bigay ni Ate Izzy, ayon kay Kuya Rain kanina, humarap ulit ako sa kanila.
"Uh..."
They were still in the same spot but now tongue-tied and blood drained from their faces. Parehong nanonood sa akin at tila naghihintay lang biyayaan ng salita mula sa akin.
"G-gusto n'yo po?" tukoy ko sa hawak na tupperware.
One forceful slap on Kuya Rain's back, Kuya Wai hopped down from his chair and took quick, long strides toward me. I suddenly felt like a cat on hot bricks. Naalala kong nagtatampo nga pala dapat ako at hindi sila kinakausap pero ngayon ay kinausap ko bigla.
Makikipagbati naman ako at magso-sorry... kaso hindi ko alam kung ngayon na ba dapat. Maybe? Nandito naman na ako.
"Wilder..." may pagbabanta sa boses ni Kuya Rain nang tawagin ito.
Inagaw ni Kuya Wai sa akin ang hawak at nagpakakuba para ipantay ang mukha sa akin. There goes his naughty smile again as if he hadn't been in almost sick state for being pale.
"Galit pa ba sa akin?" Nagtaas siya ng kilay pagkatapos ng mapaglarong tono sa tanong. "Hmm?"
"H-hindi naman p-po ako galit—"
"Sasayawan na rin ba kita?" Humalakhak siya.
Uminit ang pisngi ko at iniba ang direksyon ng tingin.
"Wilder!" mas malakas na tawag ng pinsan niya sa likuran nito kasabay ng palapit na yabag.
Tumayo nang tuwid si Kuya Wai kahit tumatawa pa dahil hinila siya sa batok ni Kuya Rain. Nakangising hinarap ng una ang kaniyang pinsan. Confusion arose on my mind upon hearing his next words.
"What, Rainier? I'm just asking your sister. Malay mo, kapag ginawa ko sa kaniya, tumalab?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top