Chapter 23

Chapter 23

I have never been stared at longer than ten seconds like I'm a great abstract being admired by an art enthusiast. Ngayon lang habang parang kinikiliti ang loob ng aking tiyan.

I beckoned across Kuya Lair's face. Parang kulang na lang ay dukutin niya ang mata at idikit sa akin para hindi ako mawala sa paningin niya. His lips were even apart with his head cocked to his left. Dinala niya ako rito sa south gate ng Dagohoy kung saan kaunti lang ang dumaraang estudyante.

"Kuya Lairgren!" I snapped my fingers to catch his attention. "Ano po ang pag-uusapan natin at dinala n'yo pa ako rito?"

Bahagya pa siyang napaigtad at kumurap-kurap bago umiling. Ngumuso ako at pinanood siyang hinilot ang sentido bago muling ibinigay sa akin ang atensyon. Sinuri ko ang mukha niya at tulad ni Kuya Rain, naghihilom pa rin ang mga pasa at sugat nito sa mukha.

"Oh... uh... so..." he started and the scowl on his face intensified as he peeled his eyes off me. "You're a cat."

Gulong-gulo ako sa gusto niyang iparating. His shoulders squared as he turned his head to his right. Naka-gray shirt lang siya at jersey short dahil sa pagkakaalam ko, isa siya sa mga makakalaban ng mga kaklase ko sa basketball mamaya.

Napahawak ako sa mabalahibong tainga ng pusa. "Ah, opo. Iyon lang ba ang sasabihin n'yo?"

Tumango siya. Bumuntonghininga ako kasabay ng pagbagsak ng balikat. I thought he was going to say something important that he had to leave the girl just like that. I felt blue upon seeing them but abandoning her because of me did not palliate the weight in my chest. Dahil mali ang ginawa ni Kuya Lair.

Ganoon din sa akin dahil iniwan ko si Eris. It might be unintentional, but I still abandoned her.

"Okay... Hahanapin ko na po si Eris. Balikan n'yo na rin po 'yong kasama mong babae."

Suminghap siya at kinagat ang ilalim na labi bago tumango. Mabagal akong naglakad hanggang sa nalagpasan siya.

"Nuala," banggit niya at hinuli ang palapulsuhan ko dahilan para huminto ako.

Nilingon ko siya para mag-abang ng idurugtong sa sasabihin. Sa paraan ng paggalaw ng kaniyang panga, pag-alon ng umbok sa lalamunan, at pagpungay ng mga mata, pakiramdam ko ay nahihigit agad ako nito palapit sa kaniya.

Akala ko ay may sasabihin pa siya pero bigla niya na lang hinablot ang tainga ko. It was a bit late for me to realized it! Agad akong tumalon para abutin iyon dahil itinaas niya.

"Kuya Lair! Akin na 'yan, please!"

Tumalon ulit ako nang mas mataas habang nasa taingang hawak niya pa rin ako nakatingin. My ears heated in annoyance. I don't wanna be a one-ear cat!

"Kuya Lair naman, e!"

He snickered like he fancied seeing me trying so hard to reach his hand. Huminto ako sa pagtalon at naramdaman ang sakit sa paa. I pulled down the hem of my skirt and pouted. Napawi ang ngisi niya sa labi at matalim naman ngayon akong tiningnan bago bumaba iyon sa suot ko.

Umirap siya. "Tss..."

The way his eyes lingered down at me felt like I was a prey being hunted by my predator. And it was up to him if he'd have me endeavored.

Kumalma ako nang ilang sandali. When I noticed he was about to lower his arm, I gripped his shirt and jumped again, trying to snatch my cat's ear from his hold. His response was quick enough, though. Hinapit niya ako sa baywang at ipinirmi sa kinatatayuan dahilan kung bakit nasubsob ako sa dibdib niya.

"Aw!" Sinapo ko ang ilong at hinimas bago itinulak ang dibdib niya pero hindi siya nagpatinag. "Aalis na ako. Bitiwan mo 'ko!"

Gumapang paitaas ang kamay niya dahilan para magsitayuan ang balahibo ko roon. His calloused hand seemed huge enough to cover my naked back. I clamped my lips and met his astounded orbs. Nagparte ang labi niya at kinapa pa ang likod ko. Para akong sinilaban sa kinatatayuan sa ginawa niya.

Nilapat ko ang dalawang kamay sa dibdib niya at sinubukan muling itulak ang sarili palayo sa kaniya. He was unwavering and still in a state of pondering as he stared down at me.

"Kumportable ka ba rito sa suot mo?" His tone was dragging. "Naiirita na ko sa kaiklian tapos hubad pa 'tong likuran mo. Gusto mo bang magkasakit dahil dito?"

Hindi ko tuloy alam kung sasagutin ko ba ang tanong niya o hindi na. Kahit sumagot naman ako ng oo, may naibato na siyang sermon sa akin.

"Hindi naman ako magsusuot ng damit na hindi ako kumportable," I answered nonetheless. "At hindi naman po siguro ako magkakasakit agad dahil lang... g-ganiyan ang suot ko, Kuya Lair."

His lower lip curled into his mouth. Para bang kinakagat niya iyon sa loob kahit hindi ko nakikita. Yumuko siya at naramdaman ko sa palad ang marahang paggalaw ng dibdib niya na para bang ngayon lang huminga.

Pumikit siya kasabay ng pagkawala ng gaspang at init ng kamay niya sa likod ko. Taking a step back which made my hands rest in the air, hinawi niya ang buhok sa gilid ng mukha ko bago ikinabit sa akin ang tainga ng pusa.

"May laro ako mamaya. Didiretso ako sa tent n'yo pagkatapos," sambit niya, nakahawak pa rin sa tainga ko.

I jerked my chin up lightly. "G-good luck po sa game n'yo."

I bit my tongue to stop adding words I might regret later. Kinapa ko ang tainga at nang ayos naman na, lumayo na ako agad sa kaniya at tumalikod. Babalikan ko na si Eris... at siya, balikan niya na rin dapat ang iniwan niya.

Nangulit si Eris sa akin pero nanatili akong pipi. We finished our lunch in a hurry so we could get back to work immediately. Kaunti na lang naman ang dapat tapusin. Medyo mainit na nga lang dahil tanghaling tapat. Mabuti at nasa ilalim kami ng isang malaking puno ng Acacia kaya may lilim kahit paano.

"Damn your fox eyes," Eris muttered after making me cry over eye makeup. "Papasa ka nang namamakyu ang tingin sa mga mata mo kahit wala ka pang ginagawa kung hindi lang talaga dahil sa kabuuhan ng mukha mo."

I pushed my bottom lip outward. Tinapik niya iyon. Tinakpan ko ang bibig gamit ang isang kamay sa takot na kurutin niya naman iyon mamaya.

"Ayan! Mannerism mo talaga ang mag-pout always and forever, 'no?" Umirap siya at madramang bumuntonghininga. "Kung hindi lang talaga kita ano, e..."

Humilig ako palapit sa kaniya at mabilis siyang hinalikan sa pisngi. Tumayo agad ako sa kinauupuan habang humahagikgik nang nahagip ng tingin ko ang entrance ng kainan namin.

"Kuya Wai!"

Sporting his infamous impish smirk, our joint tents looked tiny as he sashayed his way towards us like a king ready to own his throne. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang ilang kababaihang kaklase na tumigil sa pag-uusap at ginagawa para lang sumulyap sa kaniya.

"Excuse me. Hindi pa po kami open," pigil ni Fred at humarang sa dinaraanan ni Kuya Wai.

Ngumuso agad si Kuya Wai at sinilip ako sa likuran ng kaklase ko. Lumapit naman ako agad sa kanila at bahagyang hinila sa braso si Fred. Kuya Wai's face crumpled as his eyes lasered at my hand connected to my classmate's arm.

"Fred, kaibigan ko po si Kuya Wai. Tutulong po siya sa atin," sambit ko.

Kunot-noo niya akong hinarap. "Tutulungan saan? Tapos naman na tayo. Magbubukas na lang."

A classmate came to us and wrapped her arm around Kuya Wai's who jolted upon the action. Humilig pa siya rito kaya tinutulak ni Kuya ang ulo nito palayo sa kaniya gamit ang hintuturo.

"Miss, layo."

"Huy, Fred, 'wag ka namang ganiyan. Tumulong kaya siya maghakot kanina ng gamit sa bahay nina Denise!"

Nilakasan na ni Kuya Wai ang pagtulak sa ulo ng kaklase ko kasabay ng pag-aklas nito sa kapit sa braso. When he successfully freed himself, sa amin naman siya lumapit at marahas na hinaklit ang kamay ko paalis sa pagkakakapit nito kay Fred.

"Ikaw naman, 'wag ka ngang kung kani-kanino kumakapit. Pusa ka, hindi koala!" saway niya sa akin sabay pitik sa pekeng tainga ko.

"Ay, oo nga po pala."

"Asan ang menu n'yo? Mag-o-order na 'ko. Ang init!"

"We're not open yet, Kuya Wai-"

"Bukas na kayo, nakapasok nga 'ko, e," putol niya sa akin at hinila ang isang upuan sa malapit para doon umupo.

Nakasunod ako sa kaniya. Humalukipkip siya at iginala ang tingin sa paligid na para bang naghahanap ng maipupuna bago iyon bumalik sa akin. His eyes remained at me when his hand reached for the hem of my skirt, pulling it down while in the process of talking.

"First customer n'yo ako. Be hospitable, senior students. Baka kung ganito ang trato n'yo sa ibang darating, kaunti lang ang pumunta sa inyo," pangangaral pa niya.

Isang batok ang natanggap niya kay Eris at nagsimula nang magbangayan ang dalawa. Umiling ako at tahimik na lumisan sa tabi nila para kumuha ng menu na ginawa namin. Though, meron namang tarp ng menu roon sa labas. Hindi niya siguro pinansin.

The Thirsty Crow officially opened when the clock ticked at 1 o'clock in the afternoon. Nakasuot na ako ng black waist apron habang dala ang aking animal printed sticky notes at ballpen na may ulo ng aso sa kabilang dulo nito. Dapat pusa, kaso wala akong nakita. Apat kaming naglilista at naghahatid ng order sa bawat pinapapasok ng tagabantay sa labas.

Hindi ko inaasahan na marami agad ang pupunta sa amin kaya karamihan, nasa labas nakapila pa dahil hindi naman maa-accommodate lahat sa loob. Kuya Wilder was still at the same table with other three students. They are probably his blockmates or friends.

"Two cheesecake shake and two special pancakes with extra cheese for table 3," bigkas ko pagpunta sa labas ng tent sa likuran.

Nandoon nagluluto at hinahanda ng mga kaklase ko ang binibenta namin. May silong lang na ginawa para hindi maarawan. Hindi kasi puwedeng sa loob magluto dahil kulob.

"Oops! Sow-ri!"

Humagikgik ang babaeng customer namin nang mabangga ako pagpasok ko sa loob dala ang tray ng order. I stumbled a bit sidewards but managed to save the orders with the help of Adriel. He was wearing a white longsleeves and pants with a bunny ears headband. Siya 'yong tagabantay rito sa mga nagpi-picture.

Nasa balikat ko pa ang kamay niya nang balingan niya ang babaeng nakabunggo sa akin at itinuro ang ginawa naming harang sa gilid ng backdrop namin.

"Miss, out of the line ka na. Bawal kayong lumagpas dito sa harang dahil dumaraan kami rito," tiim-bagang niyang paalala.

The girl rolled her eyes. "I already said sorry, okay? Sungit mo namang rabbit. Hmp!" She then pouted and flipped her shoulder-length hair.

May official photographer kaming kaklase na siyang tanging puwedeng kumuha ng litrato sa magpapa-picture. Magbabayad muna ng bente pesos kay Adriel para sa limang shot kada tao tapos ay i-a-upload sa ginawa naming Facebook page. The high quality photos will be sent through email or Google drive link; hence, Adriel is listing their Facebook names or email address.

"Hayaan mo na po," pigil ko kay Adriel nang ambang sasagutin niya pa ang customer. "Okay lang naman ang mga order. Ihahatid ko na lang."

Huminga siya nang malalim at tinanguan ako. Nadaanan ko ang table kung nasaan si Eris na abala sa pagkuha ng order doon. Meanwhile, I saw Kuya Wilder standing from his seat and made his way toward my direction.

I withdrew my gaze from him and focused on my work. Nilapag ko ang tray sa naka-assign na table.

"Happy meowing!" I positioned my curled fingers like a claw beside my face. "Meow!" mahinang ngiyaw ko.

Nalaglag ang panga ng dalawang lalaki sa ginawa ko. Ang nasa kanan ay biglang nagtakip ng mukha habang namumula ang tainga. Gumapang ang init sa pisngi ko bago ko kinuha ang tray para umalis na roon nang may humila sa aking braso.

"Miss Minion!" Kuya Wai hissed but there was a hint of amusement in his eyes. "Puwede bang tigilan mo 'yang kaka-meow mo diyan?"

"Bakit po? Sabi ni Eris, ganoon daw gawin ko para matuwa ang customer sa 'kin. Hindi po ba sila natutuwa?"

Tumingala siya kaya hindi ko makita ang ekspresyon niya. But the way his laugh rumbled in his chest informed me how he was taking me lightly.

"Oh, Lord. Oh, Lord!" Tumawa siya lalo, kinagat ang labi nang yumuko sa akin.

Like a contagious disease, I giggled at his whimsical reaction. Nang nakita niya ang ginawa ko ay bigla niyang pinitik ang noo ko at pilit na sineseryoso ang mukha.

"Tawa-tawa ka diyan. Sabing 'wag mong gagawin ulit 'yong ginawa mo, ah!"

"Ang alin po ba? 'Yong... meow!" ngiyaw ko at umambang kakalmutin siya na may kasamang pagtingkayad kahit hindi naman siya abot. "Meow! Meow! Meow!" Nilabas ko pa ang ngipin na wala namang pangil.

He tossed his head back for another bark of laughter. Tumalon-talon pa siya at sumuntok-suntok sa ere na para bang sa pamamagitan nito ay mailalabas niya ang makabagdamdaming pagkatuwa sa ginawa ko.

"Psst! Ate Nu-ay, Lulu pala. May customer na rito!" tawag ni Annie mula sa entrance kaya naman tinalikuran ko na si Kuya Wai.

"Coming po!" I called back.

Sumilip ako sa labas para hanapin si Kuya Rain. Hindi ba siya pupunta rito? Magkakaklase sila ni Kuya Wai, e. Is he still mad at me or he's just busy at this time? Ang isiping galit siya sa akin ay parang tinutuhog na ang puso ko.

Ayaw niya siguro talaga sa damit ko. Ayaw niyang makitang suot ko 'to. Pero maganda naman daw, ah?

"Oy, bawal sumimangot!" pabulong na sita sa akin ni Eris nang magkasalubong sa loob. "Ba't ka ba nakanguso na naman diyan, ha?"

"Wala si Kuya Rain. Galit yata sa akin," amin ko.

"Ay susme. Hindi 'yon makakatiis at pupunta rin dito 'yon."

"Weh? Paano mo naman po nasabi?"

Ngumisi siya at tinapik-tapik ang pisngi ko. "Pupunta 'yon dito bago mag-alas tres. Maniwala ka sa akin."

Considering being a waitstaff is a tough job, we will have three shifts each day for everyone to work accordingly and fairly. Kung tutuusin, puwede namang self-service ang The Thirsty Crow. But since we are raising awareness about improving the standard animal welfare, we also aim to observe how these people would treat us, impersonating animals, while serving them.

Regardless of our costume, The Thirsty Crow's advocacy is to promote better and fair treatment for humans and animals. After all, albeit not everyone might agree, animals are animals, and humans are the highest form of animals.

It was quarter past two when Kuya Wilder finally rose from his seat as though ready to leave. Walang tumataboy sa kaniya kanina at halos lahat ng nauupo sa puwesto niya ay kilala siya kaya hinahayaan lang din. Lagi rin naman siyang umo-order ng kung ano-ano. His charm must have tricked everyone in this place so they wouldn't notice or turn blind by the fact that he had been lodging here for eternity.

Nakipag-high five siya roon sa limang lalaki na kasabayan niyang tumayo at palabas na rin ng The Thirsty Crow bago bumaling sa paligid. His smirk stretched into a grin upon landing his gaze on me.

Sinalamin ko ang kaniyang labi. He jogged towards me and messed with my hair.

"Alis na 'ko, Miss Minion. May kapalitan na 'ko. Sumbong mo sa 'kin kapag may nang-away sa 'yo, ha?"

The sides of my lips tipped down. Mula sa pagkakatingala ay inilebel ko na ang tingin sa kaniyang malapad na dibdib. Muntik ko nang iuntog ang ulo roon dahil biglang ayaw ko naman siyang umalis dito.

I don't know but I feel safer when he's around. He isn't as aggressive as Kuya Rain and Kuya Lair when it comes to protection, which is the reason why I feel more at ease when he's the one who's around me. He's playful, sometimes wicked, but he's congenial and reliable.

"M-may laro ka po, 'di ba? Basketball?" pagkukumpirma ko at tumango naman siya. "Good luck, Kuya Wilder..."

May dinukot siya sa bulsa ng pantalon at itinaas iyon. Sumayaw ang ginawa kong lucky charm sa harapan ng mukha ko.

"Hawak ko ang swerte ko, Miss Minion. Kaya siguradong mananalo kami," he boasted with a proud smile.

Sinundot ko siya sa tiyan habang kagat ang labi, nagpipigil ng tawa. "Okay, sabi mo po, e. Kahit bangko ka raw lagi sa larong iyon sabi ni Kuya Rain."

He licked his lips while still grinning. "Well... ang sabi ko lang naman ay mananalo kami. Hindi ko sinabing ako ang magpapanalo." Humalakhak siya at mabilis na yumuko para halikan ako sa pisngi. "Bye, little pussy!"

Nag-init ang pisngi ko habang tinatanaw siyang palabas ng tent namin. Hindi pa siguro ako gagalaw sa kinatatayuan kung 'di lang ako binangga nang mahina ni Eris sa balakang habang may dala siyang tray.

"Galaw galaw baka pumanaw."

"Sorry po!"

Inasikaso ko na ang order ng huling customer bago ko namataan ang kapapasok lang na panibagong customer. My eyes widened when they touched down across the familiar lethargic orbs and the slanted smirk depicting insolence. Nevertheless, my heart pumped giddily that I couldn't help but run the distance between us.

"Kuya Rain!" I yelped happily and my arms flew around his waist, not minding the fact that my hands could not meet behind him. "You're here! Akala ko po ay hindi ka pupunta!"

Ni hindi man lang siya natinag sa kinatatayuan na para bang pader siya at unan lang ako na itinapon sa kaniya. He brought his hand to my shoulder and pushed me lightly away from him. Naging bahaw ang ngiti ko sa ginawa niya.

"I am here as your customer, Tala," he stated the obvious without even looking down at me.

"O-oh," usal ko at binaklas ang pagkakayakap sa kaniya.

The dog's head of my pen rubbed my jaw as I looked around. Itinuro ko ang bakanteng mesa para kay Kuya Rain bago nauna roon. He drew out one of the chairs and settled himself on there. He didn't even spare me a glance and put all his attention on our menu.

I wrote his table number and his name on my notepad with a quick doodle of a cat's head beside his name. Nang ibigay ko ulit sa kaniya ang atensyon ay naabutan ko siyang nakatitig na sa akin nang pailalim.

"Ano pong bibilhin mo, Kuya Rain?" I smiled sweetly. "By the way, Kuya Rain, salamat po pala rito sa boots. Ang ganda po saka sakto sa akin!"

Tinaas ko ang isang paa para ipakita iyon sa kaniya. Nagtaas siya ng kilay at sinulyapan lang iyon.

"Anything..." he lazily drawled as he leaned back on his chair. "To cool my head, Lulu." Sabay sulyap niya sa nameplate ko sa dibdib.

Kagat-labi akong umayos ng tayo. "Ah, best seller po namin 'yong Oreo shake! Pero masarap din po 'yong cheesecake at fudgee bar flav-"

"Oreo shake, then. And hmm..."

He shifted on his chair again and drummed his slender fingers on the table. Returning his eyes to the menu, my eyes scrutinized the scratches on his knuckles. Namumula pa iyon at halatang presko pa mula sa kung ano mang bayolenteng pinagtuunan nito.

"Isang Fewa," he finally added and turned his head to me.

"O-okay!" I noted his orders. "Isang Oreo shake at isang Fewa. B-babalikan ko po kayo mayamaya lang para sa order."

Nagkukumahog ako sa pagsulat nang may humila sa upuan na katapat ni Kuya Rain. The moment I laid my eyes on him, I stood there with my heart in my mouth. Humigpit ang hawak ko sa pen habang pinanonood siyang ilatag ang matipunong braso sa mesa at humilig nang nasa akin ang mga mata.

Ngumiti ang mga mata niya kasabay ng pagtaas ng sulok ng mga labi. Parehong-pareho sa isang kakilala ko. The only difference is that this person's spheres could create a hole in the windows of my soul to search for a grave fault.

"Gawin mo nang dalawa ang order niya." May panunuya sa tono niya. "Oops. Naalala mo pa ba? Baka nakalimutan mo na rin agad, ah?"

My mouth went dry as I nodded to his first statement. Still, inulit ko ang order nila.

"Kuya Aji..." May pagbabantang sita ni Kuya Rain sa bagong dating.

The guy he called Kuya Aji stuck out his tongue and let it ran over his lower lip. Umiling siya at pinatunog ang dila sa loob ng bibig.

"Hindi ko talaga alam kung bakit hinahayaan mo pa 'tong..." Sinadya niyang hindi tapusin ang sinasabi at pinasadahan ng mapanghusgang tingin ang kabuuhan ko.

Hinahayaan na ano? Sino? What was he trying to say? Imply, rather? Bakit kung makapagsalita siya ay para bang may alam siyang sikreto na gusto nang ibunyag?

"A-aasikasuhin ko na po ang order n'yo," sa wakas ay naisatinig ko sa gitna ng mga katanungan sa isip.

"Take your time," Kuya Rain said lowly.

"Pakibilisan, please," tawa ng isa. "Gutom na gutom na ako, Rain. Baka iba na ang makain ko nito."

Kumuyom ang kamao ni Kuya Rain sa ibabaw ng mesa. His sharp jaw ticked, almost pugnacious, while his glaring eyes fixed on the guy across from his seat.

"Sige po..." maliit ang boses kong sinabi.

I pivoted my heels for my departure when his mocking voice trailed my hearing like a trigger for me to unveil the skeleton in my closet.

"Panggap pa..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top