Chapter 22

Chapter 22

"Galing, ah. Ang usapan alas dos tayo magkikita. Ano'ng oras na, wala pa rin ang iba? E 'di gagabihin na naman tayo nito?"

Kanina pa nagrereklamo si Pancho at sinisita ang mga kaklaseng late dumating sa meeting place namin. Hinati ang klase sa apat na grupo para mas mapabilis ang paggawa ng mga dapat gawin. Chinggay set a leader for each group that will also serve as watchers if everyone would participate in doing the tasks. The four leaders are Pancho, Eris, Adriel, and Gloria.

Nandito kami ngayon sa Freedom Park para magkita-kita. Kina Denise kasi ang pinakamalapit na bahay kaya wala siya rito. Doon kami gumagawa para bukas, hindi hassle sa pagdala ng mga gamit papunta rito sa school.

"Uhm..." Pinaikot ko ang yarn sa daliri at tumingin kay Chinggay na kagrupo rin namin. "It's already thirty past 2 o'clock. Baka po puwedeng dumiretso na tayo kina Denise at doon na lang din po papuntahin ang mga wala pa? Sayang po kasi ang oras..."

Napalingon siya sa akin pati si Pancho na nakatayo malapit sa amin.

"Dumiretso na tayo kina Denise. I-chat n'yo na lang sa GC para sa mga wala pa," si Chinggay at tumayo na mula sa bench dala ang bag.

Pumayag at sumunod ang lahat kaya itinago ko na ang ginagawang maliit na bride at may koronang bulaklak sa ulo. I'm planning to turn it into a bouquet when her wedding dress is flipped upside down.

Natapos kami sa ginagawa nang bandang alas nuebe. Dinala rin kasi ng ibang grupo ang gawa nila para hindi mahirapan bukas nang umaga. Chinggay assigned some of us to help Denise bring the whole setup to school as early as possible in the next morning.

Bago magsiuwian ang lahat, nag-iwan pa siya ng ilang paalala at pangangaral para sa lahat.

"I hope the next time we'll be having a group meeting outside the campus, everyone will be responsible enough to arrive on time. If you can't value your time, at least learn how to respect someone else's. Ayos lang kung kinse minutos na late, pero ang halos kalahating oras hanggang isang oras?"

Sinuyod ng malamig niyang tingin ang bawat isa, walang tinatagalang titig na tao.

"Parepareho lang tayong may ginagawa at gagawin bukod dito. If there's an emergency, tell us the truth and we will understand. Hindi 'yong parang tanga n'yo kaming pinaghihintay at pinagsasayang ng oras. You know who you are and I'm not going to tolerate that kind of attitude."

Tumigil sa pagbubulungan at hagikgikan ang iba. Eris threw her arm over my shoulder and leaned down to my ear.

"Ready na ba ang susuotin mo bukas? Pusa ka, 'di ba?"

I nodded curtly. Noong Biyernes ko pa natapos iyong costume ko. She was the one who gave me the pattern for that. It's a black halter neck dress with two buttons between its chest hole. It was made of yarn, along with my glove paws with finger holes. Huwag ko raw paabutin sa gitna ng hita kaya medyo maikli rin para sa akin. It's still comfortable, though, since I'd be wearing long socks.

"May ibibigay pa 'ko sa 'yo bago umuwi," bulong niya ulit na nakakakiliti sa tainga.

Humikab ako nang sa wakas ay hinayaan na kaming umuwi. Kanina pa tawag nang tawag si Kuya Rain sa akin, nagtatanong kung anong oras kami matatapos para masundo ako. I couldn't give him accurate answer so he went here to Denise's house to wait instead. Nasa labas nga lang siya at mukhang nasa sasakyan lang.

"Psst! Ate Nuala! Bilisan mo at mukhang inip na inip na 'yong sundo mo!" Denise informed.

"Opo!" Lumingon ako sa paligid, hinahanap ang Mama niya para magpaalam.

Papunta na sana ako sa kusina nila nang sakto namang lumabas mula roon si Tita Nadia, ang nanay ng kaklase ko. Ngumiti ako at lumapit sa kaniya.

"Tita, maraming salamat po sa pagpapatuloy at pagpapakain po sa amin dito. Pasensiya rin po sa abala. Uuwi na po sana kami..."

"Oh..." She smiled affectionately and nodded. "Oh, siya. Tapos na pala kayo. Double check n'yo ang mga gamit at baka may maiwan."

"Okay na po. Salamat po ulit!"

"Walang anuman. Mag-ingat kayo pauwi, hija."

Sunod-sunod na ring nagpaalam ang mga kaklase ko. Ang ilan ay kailangan pang sabihan ng iba na magpaalam naman nang maayos kay Tita Nadia dahil nakakahiya raw na umalis nang walang paalam.

"Tara na!" si Eris matapos niyang magpaalam din at dala na ang gamit.

She clung to my arm as we sashayed our way out of Denise's house. Medyo malaki ang bahay nila at malawak ang hardin sa harapan. The gate was already opened as our other classmates made their way out.

"Eris, magko-commute ka ba? Gusto mong sumabay na lang sa amin?"

"Huwag na. Magkaiba kaya tayo ng way, sayang sa gas. At!" Pinigilan niya akong maglakad nang nakalabas na kami sa gate. "Suotin mo rin 'to bukas, ah? Hinanap ko pa 'to para kumpleto ang outfit mo!"

She shoved the paper bag on my chest enthusiastically but did not mean to hurt me physically. Sinalo agad iyon ng kamay ko para hindi mahulog bago sinilip ang loob.

"Dalhin mo 'yan bukas, ah? Para kumpleto ang outfit mo, little pussy!" She giggled and started hopping away from me, humming a random lively tune.

Little pussy?

Someone tugged me by the waist, almost lifting me from the ground. Kuya Rain was tight-lipped and through the street lights under the midnight sky, the pair of his ebony globes shone when it darted to me. Lumuwang ang kapit niya sa baywang ko at nanatili ito sa gilid.

"Galit ka po ba?" maingat kong tanong at tipid siyang umiling. "Sorry po. Hindi ko kasi alam kung anong oras talaga kami matatapos kaya hindi ko masagot ang tanong mo kanina."

Umusli nang kaunti ang ilalim niyang labi. His hair in silver was untamed as usual. Susuklayin ng buhok tapos ay guguluhin. I wonder how's the condition of his scalp after changing his hair color so often. It still looked so healthy, though.

Pinagbuksan niya ako ng pinto sa nakaparada niyang sasakyan sa katapat ng bahay ng kaklase ko. His hand was on my back while pushing me a bit into the seat.

"N-Nag-dinner ka na po ba?" I stared at him hopefully.

"Yes. You?" he returned coldly, eyes blinking down at me.

"Opo rin."

"Hop in, then." He motioned his head to the seat.

Tahimik siya sa biyahe tulad ng madalas habang kinukuwento ko ang nangyari sa buong araw. He appeared to be uninterested but I know him better. Kapag nauulit ko na ang kuwento, sinasabi niyang nasabi ko na iyon. 'Di niya yata alam na sinasadya ko 'yon.

"I wanna see what you're gonna wear for tomorrow. You said you'll be a cat, right?" aniya nang nasa bahay na kami at naglalakad sa hagdanan.

Tumango ako. "I'll be a black cat! And my name would be Lulu!"

He smirked, inserting his hand in his pocket. "Ba't may pangalan pa?"

"Sabi ni Adriel, mag-isip daw po kami ng name namin bilang hayop. Si Eris, palaka raw siya. Ginawan ko siya ng tainga ng palaka." I giggled.

"Lulu, huh," he muttered as though he remembered something.

"Tapos si Chinggay naman, aso. Ang cute siguro nila bukas!"

I smiled dreamily as I imagined them in their costume. Magpapa-picture ako sa kanilang lahat, though, hindi naman lahat kami ay magko-costume. Siyempre, may mga player din sa amin na busy sa laro kaya wala roon sa puwesto namin.

Chinggay already planned out how we are going to support our players and other contest delegates. Dapat sa bawat laro o anumang paligsahan na nilahukan ng kaklase namin, may manonood mula sa section namin. Dapat walang maiwanan. Dapat walang nag-iisa.

"Turn around," Kuya Rain instructed after showing him my costume. "Your skirt is too short, li'l girl."

Ngumuso ako at umikot. Nakadekwatro siya ng upo at halukipkip sa kama ko habang nakasuot lang ng pajama.

He drew out a hyperbolic gasp. Kagat-labi akong lumingon sa kaniya at halos mapaatras agad nang maabutan siyang humahakbang na patungo sa akin. Nakaigting ang panga at madilim ang tingin.

"You're not wearing this," deklara niya sabay hawak sa likuran ko at umiling. "Disapproved."

Lumayo ako sa kaniya at naiwan naman sa ere ang kamay niya sa posisyon kung paano niya ako hinawakan kanina. His lips moist when his tongue ran over them.

"Kuya Rain..." I filled my lungs with air as I gathered the courage to say what was on my mind. "You don't have a say on what I wear... No one has... apart from myself," I told him politely, pinching my fingers behind me.

Marahang nagparte ang kaniyang labi habang matamang nakatingin sa akin. Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako.

"Pinakita ko lang po sa inyo ang susuotin ko, hindi ko naman hinihingi ang approval mo."

His brow skyrocketed. The ajar mouth closed for an amused smirk but his narrowed eyes told me otherwise. Lumikha ng tunog ang kaniyang kamay nang ibaba niya iyon sa gilid ng hita.

"Fine. Wear it. I don't mind breaking someone's nose, anyway."

He raked his hair with his fingers and turned his back to me. Naglakad na siya papunta sa pintuan ng kuwarto ko nang habulin ko siya at hinawakan sa braso gamit ang dalawang kamay.

"Kuya Rain! What do you mean by that—"

His head whipped over his shoulder to glower at me. "Check the paper bag I put under your bed. Go to bed after you change your clothes."

"Kuya Rain—"

Binawi niya ang braso sa hawak ko at hindi na pinansin ang amba kong pagkontra sa kung ano man ang iniisip niyang gawin. Kaya lang ay mukhang mas magagalit siya kung magsasalita pa ako tungkol doon.

Pero ano bang mali roon sa sinabi ko? Ano ba ang mali sa damit ko? Wala naman... siguro sa pag-iisip lang ng iba nagkakaroon ng mali.

Nakita ko na ang laman ng ibinigay sa akin ni Eris kaya dinala ko 'yon kasama ng damit ko at ang mamahaling sapatos na galing kay Kuya Rain. It was a black ankle boots from Coach and I haven't even thanked him for that. Pagkagising ko kasi kinabukasan ay wala na siya sa bahay at si Donut na lang ang kasama ko.

"Donut, wait po natin si Kuya Wai dumating bago ako umalis, okay?" sabi ko sa alaga habang naka-squat sa harapan niya.

My baby barked and I giggled. Tuluyan akong umupo sa sahig at niyakap siya. I'm truly grateful that Kuya Rain brought him into my life. Sometimes, a person is not the only one who can save someone on the verge of breaking down.

"Bibigyan kita pasalubong later dahil lagi kang good boy."

Dumating si Kuya Wilder bandang alas sinco y media. Basa pa ang buhok na magulo at natatakpan ang noo. In his usual outfit, he started leaping across the living room when he spotted us, grinning boyishly. Tumayo naman ako mula sa sahig at inayos ang suot na palda.

"Good morning!" he greeted with gaiety and briefly kissed my cheek. "Ang ganda ganda ng umaga ko!"

"Good morning, Kuya Wai! Ba't ang saya-saya n'yo po?" nakangiti kong usisa. "Masarap po ba ang almusal n'yo?"

Binida niya ang mapuputing ngipin lalo sa akin. "Wala sa mood ang ulan. Mukhang babagyo mamaya kaya masaya ako."

Bumagsak ang gilid ng labi ko. "W-what do you mean po? You're happy because Kuya Rain is not?"

Imbes na sumagot, inakbayan niya lang ako. He wanted me to show him my costume. Tumatawa siya na para bang pang-clown ang susuotin ko habang sinusuri iyon tapos ay biglang iiling. Nilingon ko naman si Donut na kagat-kagat na ang buntot ni Lulu mamaya.

"Donut!" tawag ko nang tumakbo siya palabas ng kuwarto dahil nakita akong hahabulin na siya.

Kuya Wai put his hand on my head and ruffled my hair. "Good job, Miss Minion. Makakaganti na rin ako sa wakas sa isang 'yon mamaya."

Hindi ko talaga alam kung ano ang tinutukoy niya kaya hinayaan ko na lang. Dahil tapos na rin naman akong kumain at mag-ayos, umalis na rin kami agad ng bahay. Dala namin si Donut na tahimik naman sa likod at pinaglalaruan pa rin ang buntot. Sana ay hindi niya masira.

We went straight to Denise's house to pick up our materials. Kung ano lang ang nagkasya sa sasakyan ni Kuya Wai ang naidala namin. It was him who offered it so we were all thankful for his kindness.

Dahil unang araw ng Foundation Week namin, hinayaan kami na ayusin muna ang mga booth at stall namin. Ang ibang players din ng section namin ay tumulong muna mag-setup ng The Thirsty Crow. It directly came from a fable with the same name which has a moral of working with patience and wisdom to overcome the difficulty in life. That in every problem, there is always a solution.

More so, The Thirsty Crow offers more beverages than food. We set up four large tents, used oxley and antique brass curtains to present a jungle theme view from the outside. Naglagay pa ng pekeng vines at ilang palawit na halaman sa loob at labas ng kurtina. May mga pekeng baging pa na nakasabit sa kisame namin sa loob.

We have one-feet high fences at the front, leaving enough space in between to serve as the entrance gate. Nasa harapan din ngunit sa loob ng tent ang aming kahera na may dalawang tao ang naka-assign. Isang taga-assist sa papasok kung ilan at isang tagahawak ng pera.

"Leonard! Patulong naman dito sa mga upuan!" si Viona habang nag-aayos ng mga dahon-dahon sa mesa.

At the back was a backdrop of how the jungle looked like. Puro puno at may ilang hayop na kasama tulad ng unggoy, tigre, at ibon. Gumawa pa kami ng upuan na nagmukhang trono sa gitna sa gustong magpa-picture. Siyempre, gumawa rin kami ng ilang animal inspired headdress and masks na puwedeng gamitin ng mga customer.

"'Yong mga magpapalit ng costume, puwede na kayong magpalit para hindi magahol mamaya o dalhin ninyo rito. Dito na rin kumain ng lunch ang iba para hindi mahirapan maghagilap mamaya, please," anunsiyo ni Chinggay habang hawak ang isang torch na ilalagay sa poste ng tent.

It wasn't easy to assemble everything. Kaya naman parang mga lantang gulay kaming napaupo nang sabihin iyon ni Chinggay. I wiped my sweat on forehead using the back of my hand.

"Gago, parang iba na ang amoy rito, ah?" Humalakhak si Arissa nang pumasok sa tent dala ang ilang gamit. "May dala kaming mini fan dito, dalawa. Puwede na siguro 'yon para 'di naman masyadong mainit."

"Nuala! Balik na tayong room!" si Eris at hinila ang manggas ng uniform ko para patayuin ako. "Aayusan kita."

Nauna siyang lumabas sa akin habang sinusundan ko ang tinatapakan niya. Most senior high students in the campus were busy preparing for their own booths. Kung meron mang mula sa college department, hindi yata sila lahat ay magpa-participate sa ganito. According to Kuya Wilder, they are encouraged but not required unlike senior high students.

Dahil aware kaming punuan ang mga restroom at hindi ganoon kalinis, nagtayo na lang kami ng dressing room sa likod ng room namin gamit ang kurtina. Kasya naman ang dalawang tao kaya sabay kaming nagpalit ni Eris ng damit sa loob.

"Ang cute ng costume mo, Eris! You look like a real frog!" Pumalakpak ako sa suot niyang green na onesie bago siya hinaplos.

"Malamang, 'te. Palaka nga ako, 'di ba? Alangang magmukha akong unggoy sa suot ko?"

Ngumuso ako. "But I made you a headdress! Hindi mo siya magagamit kung susuotin mo 'yong hoodie ng onesie mo," medyo malungkot kong pahayag.

"Bigay mo pa rin sa 'kin. Akong bahala, susuotin ko 'yan."

"Talaga po?"

"Oo nga," irap niya at bigla na lang hinawi pabukas ang kurtina.

"E-Eris!" saway ko sa nanlalaking mga mata at niyakap ang sarili.

She smirked and pulled me out of our dressing room. Uminit ang pisngi ko nang hawakan niya ako sa magkabilang balikat at ilagay sa harapan niya.

"Guys, meet Lulu! She's our class' little pussy. Sexy niya, 'no?!"

The chairs were pushed back around every side of our classroom. Kaya naman kitang-kita ang mga kalat na gawa ng mga kaklase. Sabay-sabay pang tumigil ang mga boses nila at sa kanilang ginagawa para lang lumingon sa amin. Si Adriel na nakaupo sa armchair habang nakikipagtawanan sa kaklase namin ay biglang nalaglag sa sahig, nagmura pa dahil natapunan ng iniinom niya.

"OMG!" mangiyak-ngiyak kunwari si Lady nang lumapit sa amin at sinapo ako sa pisngi. "Ang cute cute mo, Ate Nuala!"

"T-thank you po." I smiled shyly.

Someone whistled and laughed. May pumalakpak pa at lumapit na rin ang iba naming kaklase sa amin para purihin ang damit at ayos ko. Hinila-hila ko ang palda ng suot habang sinusuri nila ako.

"Ikaw gumawa niyan, Ate? Ang ganda! Bagay sa 'yo!"

"Talaga po?" My little heart jumped in joy. "Thank you po. Gusto n'yo po malaman ang pattern? Puwede ko po kayong bigyan."

"Uy! Ang astig ng buntot mo!" Humagalpak si Annie na hawak-hawak ang mabalahibong buntot kong bigay ni Eris kasama ang taingang pusa na nakakabit mismo sa tainga ko.

Complimenting my craft than how I look brings more satisfaction to me. Siguro dahil alam kong pinaghirapan ko ang mga ginagawa ko at na-appreciate ng iba iyon. Bihira lang kasi iyon... pagdating sa akin. 'Cause there's no much praiseworthy on how I look.

"Oy, Adriel! Baka lumuwa mata mo sa katititig diyan?" rinig kong tawa ng isa naming kaklase.

Hinihila na ako palabas ni Eris nang mapalingon ako sa direksyon nila. Naabutan kong nakatingin sa akin si Adriel habang nakakunot ang noo. Binatukan siya ni Rio kaya bumaling siya rito.

"Aayusan kita mamaya pagkatapos nating kumain. Gutom na gutom na talaga ako!"

Medyo tumangkad ako dahil sa heels ng suot na boots. Iingatan ko talaga 'to na hindi matapakan o madumihan. Buti nga hindi tinapakan ni Eris, e, siya ang madalas makatapak ng paa kahit kanino.

Pinagtitinginan kami habang pababa sa building. Siyempre, may naglalakad ba namang higanteng palaka. Ang ilang nagpapa-commission sa akin na nakita ako ay pinupuri ang damit ko pagkatapos tanungin kung ako ba ang gumawa nito. It was giving me more confidence and it helped me wash over the negative thoughts that tried to invade my mind.

Sa kalagitnaan sa paglalakad sa Dagohoy, namataan ko si Kuya Lairgren na may kausap na isang matangkad na babae at may mahabang buhok. Nakatangad at umiinom ng bottled water habang ang isang kamay ay nasa baywang. He had his hair in a half-bun, leaving some hair strands on the side of his face.

"Kuya Lair!" I unconsciously called his name.

Hindi niya ako narinig kaya umamba akong lalapit kaakibat ng ngiti para sa kaniya. Nakausap ko na si Kuya Rain tungkol sa pinag-usapan namin ni Kuya Lair. May sama ng loob, pumayag si Kuya Rain na hayaan si Kuya Lair na lumapit sa akin. Pero kung kailan naman puwede na ulit, hindi pa rin siya lumalapit sa akin.

"Huy, Nuala!"

Kapag hinahanap ko, hindi naman nagpapakita. Hindi niya naman siguro ako iniiwasan. Kung oo, bakit naman?

The sweet smile I was so eager to present to him turned sour when the girl he was with threw her arms over his neck, making him stop from drinking and laugh with her. Ang kamay na nasa baywang niya kanina ay lumipat doon sa likuran ng babae kaya nagmukhang niyayakap niya pabalik.

"Sabi ko na, e. Hindi mo 'ko matitiis..." Her voice was sweeter than candy.

He chuckled deeply. "Shut up. Alam mong kaya ko... ayaw ko lang."

"Kasi mahal mo 'ko! 'Di ba? 'Di ba?" The girl giggled.

Umiling si Kuya Lair at may bahid pa ng ngisi sa labi habang ang mga mata ay nakatingin sa mukha ng babae. I stared down at my paws and the itchy feeling of scratching something triggered my mind.

"Nuala!" mas malakas na tawag ni Eris.

Sinundot ng sigaw niya ang gumugulo sa isipan ko. Binalik ko ang tingin sa direksyon nina Kuya Lair at ng babaeng kasama niya at nahuli siyang nasa akin na ang mga tingin. His eyes fixated on my face for few seconds before he scrutinized my body.

Nanginginig ang labi kong ngumiti sa kaniya. I even waved a little even though my hand lost its strength. Mabilis niyang hinawakan sa balikat ang babae at inilayo sa kaniya na para bang may natanto. After that, he left the girl without a word and marched toward my direction.

"K-Kuya—"

Hinawakan niya agad ang kamay ko, hindi makatingin sa akin. "Mag-uusap tayo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top