Chapter 21
Chapter 21
Nakatago ako sa pader sa labas ng room namin, malapit sa pintuan. I peeked inside through the window and scanned the room for a possible angry-at-Nuala Eris.
"Hoy!"
Suminghap ako at napatili nang may humawak sa balikat ko. I sprung back from my spot and waved at her hellaciously. Kumunot ang noo ni Eris sa akin.
"Hello, Eris! Good morning!" I beamed, still waving my hand so she seized my wrist to immobilize it.
"Ginagawa mo pa rito? Ba't sumisilip ka pa sa room natin at hindi na lang pumasok?"
"Uhm, hinahanap po kita sa loob. Galit ka ba sa 'kin?" I asked her directly. "Kung oo... sorry po! Hindi kita sinasadyang indian-in kahapon! N-Nawala lang sa isip ko k-kasi uhm... si Kuya Rain saka si ano... uhm... teka po—" I rambled.
"Nuala—"
"I'm truly, deeply, genuinely sorry, Eris!"
My apology only heightened the confusion in her eyes. Binitiwan niya ang kamay ko at humalukipkip. Ngumiti ako at pinagdikit ang palad sa harapan.
"Sorry para sa'n?" She tilted her head to the left without breaking our eye contact.
"Because I stood you up?" Kasasabi ko lang kanina sa ibang salita.
She frowned and scratched her right eye. "Hindi mo 'ko in-indian, 'te. Hindi naman ako pumunta kahapon sa Centris. Halika na nga sa loob!"
She grabbed my wrist and pulled me behind her as we entered our room. Hinawakan niya ako sa balikat at tinulak para iupo sa aking silya habang nakatingala ako sa kaniya.
"Hindi ka rin pumunta sa Centris? E 'di in-indian po natin ang isa't isa?" pagkukumpirma ko.
Nagpamaywang siya sa harapan ko. "Parang gano'n nga."
"But you said your heart is broken—"
"Hep! Teka! May ipapakita ako sa 'yo!" excited naman niyang sinabi ngayon. "'Wag mo nang pakialaman ang puso ko dahil buo na siya ulit ngayon."
She threw her bag in her chair, opened it and drew out a black notebook with a hardbound cover. Umupo siya sa tabi ko at binuklat ang notebook sa armrest ko. Nabasa ko agad ang nasa unang unang page na nakasulat sa malalaking titik at apat na linya: HOW TO BE A GROWN UP WOMAN. Sa ibabang parte ng pahina ay nakasulat naman kung para kanino iyon at kung sino ang nagsulat.
Para sa 'kin. Iniakda ni Eris.
"Para sa'n po 'yan?" Sabay tingin ko sa kaniya.
Ngumisi siya at dinutdot ang daliri sa papel. "Ayan, o. Ang laki ng title. Ginawa ko 'to dahil bored ako sa buhay."
"Paano ka naman naging bored? 'Di ba may business ka, Eris? Nabo-bore ka ba sa business mo?"
"Hindi! Ano ka ba!" Tinampal niya ako sa braso. "I wrote and made this for you because you need it."
"Why would I, Eris?"
"Do you mind if I tell you something frankly?"
Umiling ako. "You are always frank, Eris. What's the difference now?" I jutted out my lips.
Hinawi niya ang buhok sa balikat at hinilig ang kaliwang braso sa mesa ko. She stared at me solemnly.
"For your age, you act and think like a child. Most of the time. I mean, it is okay to be childish and childlike at times. Childish because you're foolish and silly and childlike because you are too innocent and trusting."
Bumaba ang tingin ko sa kaniyang dibdib, iniisip ang sinabi niya.
"Your naïvete will jeopardize your life. You need to grow up. And growing up begins in our mind. I will just be here to guide and help you cultivate your thoughts and action. If you don't grow up, you'll stick to the level where small minds are easily manipulated by cruel people hiding behind saint facades."
My chin tipped upward to tell her that I'm trying to understand. I am aware that not all people are kind and the ones who can harm me passionately are those who stay close by my side.
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at inilapit ang mukha sa akin. Her eyes were stimulating and emboldening.
"Do you understand what I'm trying to say, Nuala?"
I forced the side of my lip to lift. "O-opo..."
Tinitigan niya pa ako nang seryoso bago siya ngumisi. "Good. So for our first lesson, buklatin mo," utos niya at itinuro ang notebook, lumayo na rin nang kaunti sa akin.
Ginawa ko naman. Sa parehong malalaking sulat, binasa ko nang malakas, "Lesson one: Stop taking everything literally."
"Naintindihan mo ba?" tanong niya.
Tumango ako.
"O, sige nga. Explain mo?"
"Huwag gawing literal ang mga bagay?"
"Tinagalog mo lang, e!" Sinundot niya ang pisngi ko. "Pero sige, tama naman. The sentence itself is already an explanation. Example na lang... hmm... kapag sinabi kong heartbroken ako, ano'ng una mong iisipin?"
"But you said your heart is no longer broken?"
"Kaya nga! Takte ka, 'te!" She grunted.
"Masakit ba ulit ang puso mo, Eris? May sakit ka po ba sa puso?"
"Wala, 'no! Hays! Kasasabi lang na 'wag gawing literal ang mga bagay, e," asar niyang pahayag at umirap. "Ang ibig kong sabihin doon, masakit ang puso ko kasi nasasaktan ako. Nasasaktan hindi dahil may sakit sa puso, kundi dahil nag-away kami ng girlfriend ko."
"Ah..." Tumango-tango ako. "Sinong girl friend po ang nakaaway mo? Hindi naman po siguro ako, 'no?"
"Huh! Iisa lang naman ang girlfriend ko, 'te?" She pursed her lips. "Mukha ba akong two-timer?"
"Hala? Hindi mo po ako girl friend? E, girl friend po kita? Tapos boy friends ko naman po sina Kuya Rain, Kuya Wai, at Kuya Lair..." sabi ko habang nakasimangot at nakatingin sa kisame.
Namilog ang mga mata niya at nag-landing ang palad sa bibig. We had an eye contact row for about few seconds until she motioned me her hand to come closer. Humilig naman ako palapit sa kaniya at agaran niyang pinalaman ang mukha ko sa dalawang kamay niya bago pinisil at inikot-ikot ang pisngi ko.
"All this time, ang pagkakaintindi mo sa boyfriend ay kaibigang lalaki? Gano'n ba, Nuala?" Hindi niya pa rin tinitigilan ang pisngi ko.
Tumango ako at may kumawalang protesta sa bibig.
"Ang boyfriend na tinutukoy ko ay nobyo! Kasintahan. Hindi guy friend o male friend, okay? Magkaiba 'yon! Ibig sabihin, kung hindi mo pala boyfriend si Lairgren, hindi ka dapat nakikipaghalikan sa kaniya, 'te. Mali 'yon!"
Nanlaki ang mata ko sa katagang binanggit niya. Isang ikot pa sa pisngi ko ay patulak niya itong binitiwan. I cupped my face and pondered while she was chastising me.
I rubbed my brow. She resumed lecturing me about the notebook she presented to me until it was time for our first subject.
"What if magtayo na lang tayo ng eatery? Mini restaurant? Ta's pet-themed? Tutal, bukod sa sine-celeb natin ang World Teacher's Month ngayon, ngayong buwan din ang World Animal Welfare month, although tapos na noong October 4."
Nangalumbaba ako at pinakinggan ang suhestiyon ng aming kaklase na si Adriel. Our adviser gave us his time to plan out for the upcoming Foundation Week. Almost everyone promulgated their suggestions on what we should build for that week.
"Feasible ba 'yan? Saan ang puwesto natin?"
"May budget ba tayo para magtayo ng kainan? Kaya siguro kung food stall lang, pero mini restau?"
"Magastos 'yan. Mag-food stall na lang talaga tayo kung gusto n'yong may pagkain ang gagawin natin."
Samu't saring komento kada maghahayag ang isa. Chinggay, Pancho, and Eris were standing in front of the class. Binabatukan ni Pancho si Eris tuwing sasang-ayon ito sa kada suggestion. Gumaganti naman si Eris nang mas malakas at magsusumbong kay Chinggay na walang pakialam kung matanggalan ng ulo ang dalawa.
"Gusto ko n'on," I muttered to myself, referring to Adriel's suggestion while tapping my armrest with my fingers.
Pero saan nga naman kami pupuwesto? May Dagohoy, cafeteria, at iba pang kainan dito sa university. Magastos nga rin siguro kaya dapat, kahit paano ay bumalik ang puhunan at magkaroon ng kaunting tubo kung gagawin namin iyon.
Ngumuso ako at kumunot ang noo. Alam ko na!
"Ha? Ha? May sinasabi si Ate Nuala, oh!" sigaw ni Viona sa likuran ko at tinulak ako sa balikat. "Gusto niya raw ng pet-themed restau!" Tumawa siya.
Umayos ako ng upo nang napunta sa akin ang atensyon nila. I shook my head and crossed my hands across my chest.
"H-hindi! Wala akong sinabi—"
"So, ayaw mo rin sa idea ni Adi?" Viona cut me off. "Adi, oh, ayaw rin ni Ate Nuala sa gusto mo."
Lalo akong umiling. "Hindi po sa gano'n! Ano, kasi, ganito, ahm—"
"Ano, kasi, ganito, ahm," someone mimicked me and laughed. "Ikaw ba, Ate Nuala, may suggestion ka sa puwede nating gawin? Any booth? Food stalls?"
"Oo nga, 'te," si Eris na humalukipkip sa harapan habang nakatingin sa akin. "Wala ka pang ambag sa discussion natin ngayon. Any thoughts, Nuala?"
"Eh?" Napaturo ako sa sarili. "Anong thoughts ang tinutukoy mo, Eris?"
"Ate," our class president intervened. "Among the five options, which do you think is the most feasible?"
Options? Where's the options? Iginala ko ang tingin sa paligid at bumalik sa harapan. Napatayo ako at binasa ang nasa white board. Naroon ang mga option na tinutukoy niya.
Tumikhim ako. "Uhm, actually..." I fisted my right hand and brought it under my chin while trying to control my giggle. "I like Adriel's suggestion po! Gusto ko po 'yong theme niya at may pagkain. Pero—"
"Sabi mo kanina ayaw mo sa suggestion ni Adriel?!"
"Annie, patapusin mo muna ang sinasabi ng kaklase natin," saway ni Chinggay na sinulyapan lang ang kaklase sabay balik sa akin ng tingin at tumango. "Continue what you were saying, Ate Nuala."
I smiled. "Pero... kung gagawin natin iyon, siguro puwede po tayong mag-limit hanggang five to seven tables lang? Ano po bang balak n'yong ibenta kung magtatayo tayo ng kainan? I think puwede naman po tayong gumawa ng kahit dalawa o tatlong tent, pagdikitin na lang then tayo na lang po dumiskarte sa magiging background or walls? We can make a backdrop, too."
"Puwede rin," si Eris at tumago-tango. "'Yong magiging walls natin should be decorated with animal something. Perhaps we can use curtains for the walls. Gagawa lang din tayo ng maliit na stall para may entrance at sa likod, puwede nating gawing kitchen. But wait, saan tayo pupuwesto?"
"Ah!" I raised my hand enthusiastically. "I have a spot in my mind po! Puwede roon sa South, malapit sa science and engineering department ng college!"
"Why not somewhere in the north?" Pancho quirked his brow. "And specifically, why near that department?"
"I'm assuming that most booth will most likely to be in the North. Baka wala po tayong puwestuhan. At sa South po banda dumaraan ang mga college students papuntang Dagohoy na nasa East at cafeteria sa West. It's a marketing strategy po. Our target market will be both senior high and college students."
"I get her point." Tumango si Chinggay at tumingin sa aming lahat. "Kung makakahanap tayo ng magandang puwesto sa South, our eatery will be fine. Karamihan sa students dito ay sa Dagohoy kumakain. Pero dahil minsan lang naman may ganitong food stalls, mataas ang chance na kung ano ang una nilang makitang kainan bago pumunta sa nakanasayan ay susubukan nila."
"Thus, we have to make our small eatery attention-grabbing," Eris concluded. "Tipong unang kita pa lang, maku-curious na sila kung ano'ng meron sa loob. What's on the inside, the food we prepare, and what services we can offer them. Also, we must ensure that our food is affordable but not to the extent that we're losing profit."
"Paano naman ang food? Ano'ng ibebenta natin? Breakfast, lunch, dessert, snacks?" someone asked.
"Snacks!" si Adriel at tumayo ulit sa upuan. "Since tanghali hanggang hapon lang puwede magbukas, iyon lang puwede. Iyon ang mas madali. Pero siyempre, since marami rin talagang magbebenta ng snacks that time, kailangan din natin gumawa ng pakulo."
"Teka, iyan na ba ang gagawin natin? Baka mamaya pinagpaplanuhan n'yo na 'yan ngayon tapos biglang mag-iiba ang gusto kinabukasan. Ayusin n'yo, ah. Magkano ba gagastusin diyan?"
"Let's vote first kung sino ang agree sa gusto ni Adi!"
Umupo na ako at nilabas na lang ang gamit pang-crochet. I'm almost done with my lucky charm for Kuya Rain and Kuya Wai. It's a five-leaf clover lucky charm that has two short strings dangling as tails and a small heart at their tips. May sabitan din ito para puwedeng isabit sa kahit saan nila gusto. They have an upcoming exam and I want to give them something for good luck.
I still sell crochet items to my classmates and other schoolmates during my free time. Kuya Rain helped me get through my savings account to use it for my living and school expenses. Kaya hindi ko na rin naman masyadong pinoproblema ang pera.
"Alright! Bukas na tayo mag-start ng gagawin nating decoration para sa tent natin once ma-approve 'to kay Sir, okay? Mag-ready na kayo ng pera. We have to finish our tent deco until Sunday evening if this gets approval."
Ngumiti ako at itinaas sa harapan ang natapos na lucky charm. I'll give this to them later!
Napansin kong nagtatayuan na ang mga kaklase ko kaya inayos ko na ang aking mga gamit. Eris was still talking to our classmates so I bid my departure at her. Kaya lang, hindi niya ako hinayaang umuwi agad dahil may "lesson" pa raw kami.
"Sa library muna tayo!" Sabay akbay niya sa akin pagkakuha sa sariling bag.
"Sa library po kung saan kayo laging nadudulas?"
"Gusto mo bang ikaw ang padulasin ko sa sahig do'n?" She glowered at me.
Umiling ako. "Ayoko po. Pero ite-text ko po muna si Kuya Rain na sa library muna tayo."
"No need. Nagsabi na ako sa kaniya." Ngumisi siya. "At ako na ang maghahatid sa ''yo pauwi."
"Oh... okay, Eris..."
May tiwala naman ako sa sinabi niya. Saka hindi ko rin namataan si Kuya Rain o Kuya Wai sa building namin kaya siguro totoo naman ang sinasabi ni Eris. I don't think there'd be any reason for her to lie to me about it, too.
We spent more than one hour in the library so she could lecture me. Sa sobrang lamig, parang gusto ko na lang humilata sa sahig at matulog habang nakikinig sa kaniya. She kept on swatting my hand if she'd see my eyes closing in drowsy.
"Eris, I'm hungry," sabi ko nang natapos na siya sa pagkuda sa panglimang lesson niya.
She made a face. "Hay naku! Palagi ka na lang gutom."
Lumabi ako. May kinuha siya sa kaniyang bag habang ako ay nakahilig sa brasong nakalatag sa ibabaw ng table. She set down a small box across my face which made me sit straight.
"Ano po 'to?" kuryuso kong tanong at kinuha ang kahon. I shook it lightly beside my ear.
"Chocolate cups. I'll give you a bigger present once I notice you applying what you've learned from me."
I almost giggled and jumped over the table to hug her when I remember our lesson two: don't be an overly giggling puff. Bungisngis daw ako sabi ni Eris sa lahat ng simple at maliit na bagay na nagpapatuwa sa akin kaya dapat ko iyong bawasan.
Pero... small things are what really makes my heart flutter.
Our pet-themed eatery have its approval the next day. Dahil si Kuya Wai ang una kong nasabihan tungkol dito, siya ang nag-suggest ng magandang spot sa bandang South para mas maraming makakita agad. Tama lang din talaga ang sinabi kong lugar kung ganoon.
"Hahakutin ko ang buong block namin, makita mo," pagmamayabang niya habang nakangisi. "Kuwarenta pa lang 'yon. Abangan mo pa kapag buong department na nadala ko."
Humagikgik ako. "Kapag marami po kaming benta na kakilala mo, ililibre po kita!"
Tumaas ang kilay niya. "E 'd dapat ilista mo pala ang bawat madadala ko? But hmm... what do I get after that?"
"It's a secret po!" I smiled.
"Secret secret ka pa, e, malalaman ko rin 'yan baka mamaya o bukas dahil lagi ka namang nadudulas."
I pouted. "E, huwag n'yo po akong piliting sabihin kung ganoon. Saka... sasabihin ko rin po ito kay Kuya Rain—"
Napatayo siya sa kinauupuang couch sa kuwarto ko kaya naputol ako sa sinasabi.
"Huwag! Ako nang bahala kaya 'di mo na siya kailangang sabihan!" Umiling-iling pa siya at malalaking hakbang ang ginawa patungo sa puwesto ko sa kama.
Natigil ako sa pagtatahi ng susuotin ko next week. Dahil animal ang tema, magsusuot kami ng kahit anong hayop na custome. I like cats so I'm making one for myself. Isa rin ako sa magiging waitstaff kaya maglalagay rin ako ng apron para sa sarili.
"Sisiguruhin kong 'di kayo malulugi sa first day pa lang. Hindi mo na kailangan si Ulan. Hagupit ng bagyo lang dala n'on. At alam mo ang nangyayari pagkatapos? Delubyo. Kasiraan. So, no, don't bother telling him about this. Ako na ang magsasabi."
Kumunot ang noo ko sa kalituhan. Ayaw niyang sabihin ko pero siya ang magsasabi. Ganoon ba ang gusto niyang mangyari? What's the difference, though? Either way, Kuya Rain will know.
"Ah, basta!" Ginulo niya ang buhok kaya halos matakpan na ngayon ang mga mata. "Just... just trust me, okay? Ako ang bahala."
Nag-squat siya sa harap ni Donut at hinaplos ang ulo nito. Dumuyan pakanan ang ulo ko nang mapansing wala na sa palapulsuhan ni Kuya Wai 'yong tali rito. Did he completely get rid off it? Para saan ba iyon at may ganoon pa siya?
Natusok ng karayom ang daliri ko sa gulat nang biglang lumipad ang tingin ni Kuya Wai sa akin. I showed him a sheepish smile and brought my forefinger into my mouth.
"Natusok ka?" Tumayo siya at lumapit sa akin bago kinuha ang kamay ko para inspeksyunin. He shook his head when I pulled back my hand.
"Ayos lang po, Kuya Wai."
"Kukuha ako ng bandaid para sa sugat mo."
Tumalikod na siya agad sa akin at naglakad palabas. A sudden sharp and twisting pain assaulted my stomach. Pumikit ako nang mariin at idiniin ang kamay sa ibabang parte ng tiyan habang iniinda ang sakit nang hindi naglalabas ng ingay.
Donut barked and jumped over the bed. My teeth dug into my lower lip as I endured the pain until Kuya Wai returned to my room. Umayos ako nang upo sa kama at pilit na ngumiti sa kaniya nang lumapit siya.
Mabibigat at tahimik na paghinga ang ginawa ko. He sat beside me and took my hand. Ngumuso siya habang nilalagyan ng bandaid ang daliri ko. Ang liit-liit lang ng tusok pero kung tratuhin niya ay para bang nadapa pa ako.
"You should be extra careful next time, Miss Minion." He smirked when he was done and then faced me. "Kung kailangan mo ng tulong, magsabi ka lang sa 'kin. Okay?"
Napalunok ako habang tinititigan siya. Mas tumindi ang kirot sa aking tiyan kaya halos mapunit na ng isa kong kamay ang kumot sa gilid ng aking hita.
"K-Kuya Wai..." I pressured the side of my lips to hoist, badly not wanting him to notice my twinging pain. "I... want to rest now. Puwede po bang iwan n'yo na a-ako rito?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top