Chapter 20
Chapter 20
Nakatulog ang mga pasyente ko sana kahit hindi ko pa sila nagagamot. Hindi ko alam kung dahil sa pagod at pisikal na sakit kaya ganoon o alam nila na mas masasaktan sila kapag ako ang gagamot kaya pilit nilang pinatulog na lang ang sarili para hindi masaktan habang ginagamot ko sila.
"Hello po?" sagot ko sa tawag ni Kuya Wai matapos kunin ang first aid kit.
I messaged him about what happened the moment we arrived home. Ang dalawa naman ay nasa magkabilang gilid ng mahabang couch sa living room. Nakaupo at nakahilig lang si Kuya Rain habang natutulog at si Kuya Lair naman ay nakahiga na, nakapatong ang ulo sa arm rest habang ang mga paa ay nasa sahig naman.
"Miss Minion, listen," panimula niya na may bakas pa ng tawa bago yata tumawag sa akin.
"I'm listening po."
"Right..." He chuckled. "Malayo ako sa school ngayon, lalo na sa inyo. So, I called Ate Harley..."
Binitin pa nya ang sinasabi. I heard someone speak from his background. Sounds like women's voices. Pinanood ko naman si Donut, ang bago kong alagang aso, na tumalon sa tabi ni Kuya Rain at hinilig ang ulo sa lap nito.
"She's on the way to your house. Nandiyan ang dalawa sa inyo, hindi ba? And they're wounded?"
"Opo."
"Good. 'Wag mong gagamutin 'yan." Tumawa siya lalo. "Let Ate Harley handle them."
"B-b-but..." I glanced at the poor boys. "They look so kawawa and they might get infected because of their wounds po?"
"Hayaan mo. Ginusto nila 'yan, e."
"Kuya Wai, Kuya Rain is your cousin," I said matter of factly. "Hindi ka po ba naaawa?"
Humagalpak siya sa tawa. "Come on, Miss Minion. Just wait 'til Ate Harley comes. Huwag mo silang gagalawin, okay?"
Ngumuso ako at ilang sandali pa bago nagsalita. "Okay... po."
Nagpapaalam na siya at binaba na ang tawag. I silently set down the first aid kit on the center table and observed the two sleeping casualty of their own errants. Umiling ako at umakyat na lang muna sa kuwarto para magpalit ng pambahay.
I checked my phone to see if there's any important message. Nabasa ko ang text ni Eris na gustong makipagkita mamaya.
Erisexy:
free ka ba later at 5 pm? kita tayo sa centris?
Nuala:
Hindi ko po alam, e. Ano pong meron?
Erisexy:
wala. usap ganun. need ko kausap ngayon :(( my heart is broken urghhh
Nuala:
Hala! Eris, I think you should go to the hospital instead po! Your heart needs to get checked!!! T_T
Napalingon ako sa pintuan at inisip ang dalawa sa baba. Gusto ko ring samahan si Eris dahil mukhang hindi nga siya okay kaso paano naman sina Kuya Rain at Kuya Lair?
Erisexy:
oo nga e. grabe sakit ng puso ko. feeling ko made-deds na ako
Nuala:
ERIS!! DON'T SAY THAT PO T_T
Nuala:
You are not gonna die. I'm here po, okay? Saan po tayo magmi-meet exactly?
Erisexy:
a-ackk!! i'm d-dead, nuala. ito na ang huli nating pag-uusap. good bye. :/
Nuala:
No please T_T I'm free po later! I will come!!
Hindi na siya nag-reply kaya nakagat ko na ang hintuturo sa pag-iisip kung ano na ang nangyari sa kaniya. Halos mapatalon ako sa kama nang tumunog ang pinto dahil bumukas iyon. Nangahas pumasok ang may bangas sa mukhang si Kuya Lair, nakangisi pa at nakapantalon na lang.
My butt abandoned my bed. "W-what are you doing here, Kuya Lair?"
"Shh..." He put his forefinger over his lips and stalked toward me.
My foot got cemented on the floor. Napansin kong medyo basa ang buhok niya sa harap at medyo luminis ang mukha (mula sa dumi at dugo). Ang kaliwang mata niyang may black eye na ay halos hindi na maidilat pero nakuha pa rin niyang ngumisi sa akin.
Umupo siya sa kama ko malapit sa akin bago kinuha ang palapulsuhan ko. He gently pulled me to him and when I was already in front of him, his arm snaked around my waist and tugged me down between his widely opened thighs.
"A-ano pong ginagawa mo? Bakit po kaya nandito? M-magagalit po—"
Suminghap siya at humigpit ang yakap sa akin. Hawak niya pa rin ang wrist ko na nakapatong sa kaniyang hita at ang isa ko namang kamay ay nakakuyom sa kabilang hita niya. Halos masugatan ko ang sariling palad gamit ang kuko nang naramdaman ang init ng dibdib niya sa likuran ko.
"Your 'po' is back," halakhak niya sa tainga ko.
Tinulak ko ang mga hita niya at sinubukang tumayo pero hindi rin halos makagalaw sa mala-rehas niyang braso.
"Bitiwan n'yo po ako! Bababa na po ako!" Hinampas ko siya sa hita at napangiwi. "Aray!"
"Payakap lang saglit," mahina at nagpapaawa ang kaniyang boses. "Kapagod."
I gritted my teeth and looked at him over my shoulder. "You don't deserve my hug! Let me go!"
"Hmm?" bulong niya sa akin, halos isubsob ang mukha sa aking leeg.
Kinalmot ko ang pantalon niya sa kandungan, nakikiliti sa mainit na hininga niyang tumatama sa balat doon sa parteng pinararaanan niya ng tungki ng ilong. Inilayo ko ang ulo sa kaniya.
"Bakit ka ba galit na galit..." That wasn't in an interrogative tone.
Mabigat at mabagal ang angat-baba ng dibdib ko nang habulin niya ang leeg ko. Para akong tinutupok na apoy sa pagitan ng mga hita ng isang higante.
"Nagtatanong ka pa?" pilit kong sinusungitan ang tono. "Hindi ka nga nagpakita sa loob ng dalawang buwan sa akin pagkatapos tanggapin ang pera ni Kuya Rain! I was in the hospital that time and you were never there! You didn't even visit me! Pero bakit mo nga ba ako bibisitahin kung isa ka rin naman sa dahilan kung bakit ako naospital?!"
I was like a failed nuclear bomb test that left a horrible disaster not to him, but to myself. Kung bakit at paano ko nasabi iyon sa kaniya nang dire-diretso ay bugso na lang ng damdamin.
"Hindi ka umuwi noong gabi bago nangyari iyon! No texts and calls! And the next morning, you went home only to physically hurt me more! Ang sama s-sama mo!"
Pumiyok ako sa huling linya. Humikbi ako habang iniisip ang ginawa niya. Nailayo niya ang mukha sa leeg ko at pilit akong hinarap sa kaniya. I protected my face with my hand so he wouldn't see how vulnerable I looked, albeit it was evident in my voice and tone.
"Ano ba 'yang sinasabi mo?" he asked, pretending to be discombobulated. "Yes, I didn't go home that night. May emergency akong pinuntahan noong nasa practice ka pa. Nakatanggap ako ng text galing kay Villanueva na siya na ang kukuha sa 'yo at maghahatid pauwi. I didn't have a choice. I'd rather have him pick you up than you wait for me."
Sinubukan niyang tanggalin ang kamay ko sa mukha pero umiling ako at yumuko, dalawang kamay na ang gamit sa pagtatakip ng mukha.
"I'm sorry if I couldn't leave Seah alone that night. Ako lang ang meron siya, Nuala," bigo niyang sinabi. "Kaya inumaga ako ng uwi. I was ready to apologize to you, but then I saw you lying on the floor in the kitchen, unconscious and pale."
Seah? Iyon ang narinig ko noon na kausap niya sa telepono. Siya ang emergency niya kaya hindi nakauwi? Ano naman kaya ang nangyari sa kaniya? There's a higher chance that Seah's his family, and I'll understand if he'd prioritize her over me.
Tumigil ako saglit sa paghikbi at kinuha niyang pagkakataon iyon para alisin ang mga kamay ko sa aking mukha.
"Anong sinaktan ang sinasabi mo, iyon ang hindi ko alam," patuloy niya at ibinaba ang kamay ko sa aking lap.
"Liar! Narinig kong binanggit mo ang pangalan ko bago mo ako tinapakan sa tiyan habang namimilipit ako sa sakit! Liar!"
Naglikot ako sa pagitan niya para makawala. He groaned in pain when my elbow hit his abdomen. Natigil ako bigla at nag-aalalang nilingon siya. Magso-sorry sana ako kaya lang ay galit nga pala ako!
"Sakit naman," nakapikit niyang ungol at umusog palayo sa akin pero halos nakayakap pa rin.
"That's what you get! You liar!" I peeled my gaze off him.
"What liar? I never lied to you. I will never. Hindi ko alam kung bakit boses ko ang narinig mo. Siguro ay masyado mo akong na-miss kaya ganoon. But damn, li'l girl, I will never do that to you," he pledged.
Uminit ang pisngi ko sa paratang niya sa akin. "Kung hindi ikaw iyon, e 'di sino? Paano siya nakapasok sa loob ng bahay namin? And I didn't miss you!"
In a frustrated sigh, he muttered, "Bakit hindi mo tanungin ang dalawang nagbabantay sa 'yo sa ospital paggising mo? Pagkatapos kitang ihatid doon at tawagan sila, hindi na nila ako hinayaang lumapit sa 'yo. Para kang anak ng mafia, dami mong bodyguard! An attempt of stepping within your ten meter radius outside the school and I'd get punched straight in the gut!"
Nakagat ko ang labi at kumunot ang noo, nagdududa pa rin sa sinasabi niya. Kung hindi nga siya 'yong nanakit sa akin at siya talaga ang naghatid sa akin sa ospital, bakit naman siya pagbabawalan nina Kuya Rain na kitain ako? And bodyguards? Sino sila? Kanino nanggaling? May kailangan pa ba akong dapat bayaran nang hindi ko nalalaman?
"Ang dali sanang gantihan at pabagsakin kung hindi lang puro babae ang nagbabantay sa 'yo. That damn brats knew I don't hit women. Unless, of course, they hurt you. Kung binabantayan ka naman nang matino, hahayaan ko na lang."
"S-sinasabi mo lang 'y-yan."
"Malamang, sinasabi ko. Mukha ba akong nagtatanong?" Humalakhak siya.
Ngumuso ako. "How many bodyguards do I have?"
"Ten within the campus."
Ten! Nalaglag ang panga ko roon.
"And another ten male bodyguards around this area."
Napatingala ako habang nagbi-basic math. Twenty bodyguards! Paano ko sila mababayaran? Hindi ko naman sila kailangan, e!
"Paano mo ako nalapitan sa school kung may ganoon karami akong bodyguard? See? You're just bluffing!" I puffed out air with ire.
"Bluffing ka diyan. Bakit hindi mo tanungin ang amo nila kung bakit ako hinayaan ngayon na lapitan ka?"
"S-sino ba? H-hindi naman ako! Wala nga akong pera pambayad sa serbisyo nila," I complained and stuck out my lips. "A-and the money? Kuya Rain said he gave you a cheque and you accepted it," sabi ko, naghahanap pa rin ng dahilan para magalit.
"Tss... ano'ng gagawin ko sa sampung milyon? Pambili ko sa 'yo?"
"I'm not for sale!" Umirap ako. "At ewan ko kung saan mo gagamitin 'yon! Panggastos, siyempre! Sa bahay at school. Lalo na sa family mo. Kay Seah!" I supplied him the possible options.
"May sarili akong pera, Nuala. Kung bayad iyon sa pagbabantay ko sa 'yo, sinabi ko nang hindi ko iyon kailangan. Pinunit ko lang ang tseke. Kung gusto mong makita, nasa case pa ng cell phone ko. I'm keeping it just in case this would happen," paliwanag niya.
He ripped the cheque? E 'di ibig sabihin, hindi pa siya bayad? Bodyguard ko pa rin ba siya kung ganoon? So, ang utang ko ay sa kaniya pa rin at hindi kay Kuya Rain?
And he seemed determined to not accept the money even if I'd be the one to give him his payment for his loyal service. Kaya ano rin ang silbi kung manghihiram ako ng pera kay Kuya Rain?
"You did not fire me as your bodyguard. Yet. Technically speaking," he drawled, drawing me closer to his chest again. "But now, I'm resigning."
Pinakawalan niya na ang hawak sa palapulsuhan ko pero ginawa niya namang dalawa ang nakapulupot sa baywang ko. Huminga ako nang malalim at humilig nang komportable sa kaniyang dibdib. Meanwhile, my hands nestled like eggs on his thighs.
"O-okay," bulong ko at ngumuso, nag-iinit ang pisngi sa posisyon naming dalawa.
Kanina pa kami ganito pero ngayong walang nagsasalita sa amin, para na akong nakikipaghabulan kay kamatayan.
Bigla niyang inilagay ang dalawang daliri sa aking leeg, sa ibaba ng kaliwang panga. He pressed his fingers for as long as he was satisfied. He sighed and I felt him kissing the top of my head.
"Ganito muna tayo. Pahinga lang," sambit niya sa masuyong boses.
"Oh... okay... po..."
He snickered shortly. "Komportable ka ba?"
I used to think my room was the only place in this house where I could rest peacefully. The bed is my armor, and the pillows are my weapon that cannot leave my side. But now... I feel safer in someone's arms. Parang ang kulang ay napunan.
Marahan kong kinamot ang hita niyang niyayakap ng slacks. Nanatili akong nakayuko at ang tingin doon bago marahang tumango.
"Ka-kanina pa naman po t-tayo ganito."
"Hmm." Bahagya niya akong idinuyan sa bisig. "Sorry. Next time, I'll ask you first, then..." malambing niyang wika.
Tumingala ako nang kaunti para harapin siya pero ipinatong niya lang ang baba sa ulo ko.
"Bakit? A-ayos lang... kahit 'di ka na po magtanong muna sa s-susunod." Ngumuso ako. "I like... hugs... and uhm..."
His chest vibrated against my back. "And?"
Hindi ako nagsalita. Tumigil siya sa pagduyan sa akin at biglang hinalikan ang leeg ko nang mabilisan. Napaigtad ako sa gulat at napisil ang hita niya.
"Shit. Kaya ko namang magpigil noon, ba't hindi na ngayon?" bulong niya, hindi ko lang alam kung para sa akin ba o para sa kaniya.
"Kuya Lair, hindi po ba masakit ang mga sugat mo?
"Ikaw kaya ang suntukin at sipain ko tapos tanungin kita kung hindi ba masakit?"
"Oh, sige po."
"That was a kid. Tss!" I could see him rolling his eyes.
Ngumisi ako. "Alam ko po. Pero gamutin na po kaya natin 'yan? And si Kuya Rain po? Natutulog pa po sa ibaba?"
"Yaan mo na ang isang 'yon. Akin ka muna ngayon." Matunog siyang ngumisi.
Tinampal ko ang hita niya at may sasabihin pa sana nang makarinig ng mahinang pag-uusap mula sa labas pero mukhang nagsisigawan. Nakikiliti ako sa binubugang hininga niya sa bandang tainga ko kaya iniiwas ko ang mukha.
"Si Ate Harley na po yata iyon. Tara na po!" Niyugyog ko ang binti niya.
Ilang sandali pa bago niya ibinuka ang mga braso kaya hindi na ako nakagapos. I smiled and deserted my place in between his legs. Tumakbo ako sa pintuan at nang humawak sa pinto ay saka ko lang siya nilingon. He erected from the bed and lazily strolled behind me.
Nauna akong bumaba sa kaniya at natagpuan na nagtatalo sina Kuya Rain at ang kaniyang nakatatandang kapatid. Matangkad pareho pero kahit mas lamang ang bunso, parang nanliliit siya habang nagsasalita ang ate niya. Hindi ko alam ang pinagtatalunan nila eksakto pero mukhang ang pinagmulan nito ay ang nangyari sa mukha ni Kuya Rain.
"Uhm..." Lumapit pa ako sa kanila. "A-Ate Harley."
Suminghap si Kuya Rain at nanatiling nakatalikod sa akin. Ate Harley's dark eyes pierced like nails through a thin wall like me. Her heels click-clacked as she forwarded in my direction.
"Ate, please..." frustrated na tawag ni Kuya Rain. "Umuwi ka na po."
"You!" The heels stopped from their track as Ate Harley's finger pointed at me. "Pareho talaga kayo ng pinsan mong si Dwight! Puro gulo ang dala n'yo sa buhay ng kaibigan at kapatid ko! Tingnan mo nga ang nangyari ngayon sa kaniya!"
Napaatras ako sa ibinato niyang mga salita. Natutop ko ang bibig habang pinagmamasdan ang nag-aalab niyang mga mata. Para bang ano mang oras ay kaya niya akong bugahan at saktan.
"Ate, huwag mong pagsalitaan nang ganiyan si Tala. Hindi niya kasalanan—"
"Manahimik ka!" sigaw ni Ate Harley sa kapatid habang pinapaso pa rin ako ng mga mata. Tumatahol na si Donut na para bang referee na gustong umawat pero walang nakikinig sa kaniya. Kung ibang tao si Ate Harley, malamang ay kinagat na siya ng aso. But Donut was once theirs. Ibinigay lang sa akin iyon ni Kuya Rain para hindi ako malungkot tuwing mag-isa lang dito sa bahay.
"I'm... I'm sorry po..." Nag-init ang sulok ng mga mata ko at yumuko na dahil hindi makayanan ang intensidad ng tingin niya.
"Hindi ko talaga maintindihan kung bakit pumayag ang mga magulang ko na tumira dito ang kapatid ko kasama ang isang tulad mo. Manggagamit ka lang, e, 'no? You're using that innocent facade of yours to wrap them around your fucking filthy fingers. You're just like your cousin who was so obsessed with my friend! I'm damn sure that you'd only hurt my brother and my cousin like what your cousin did to my Eria!"
"Stop it, Ate Li!" Hinablot ni Kuya Rain ang braso ng kapatid. "Just go home! We don't need you here!"
Tinampal iyon ni Ate Harley, nakatingin pa rin ang galit na mata sa akin. "Oo nga pala, wala kang maalala, hindi ba? Hindi mo alam kung ano ang tinutukoy ko?" Ngumisi siya at humakbang pa palapit sa akin. "Baka naman dapat ay iuntog kita para makaalala ka?"
I claimed my bottom lip and didn't rebut. I know that she was only this brusque because her brother was hurt. She has the right to be angry at me, and if this is the only way to pacify her somehow and defend his brother, I will swallow all her hurtful words.
Salita lang naman iyon...
"Ilayo mo ang kapatid mo kay Nuala, Blaustein, kung ayaw mong siya ang iuntog ko," malamig na boses ni Kuya Lair ang nagsalita sa likuran ko.
Hinawakan ulit ni Kuya Rain sa braso ang kapatid pero ang matalim na tingin ay nasa likuran ko na.
"You think you could ever lay your hand on my sister, Lairgren?" matigas na ingles niyang sinabi.
Humalakhak si Kuya Lair. "Blaustein, hindi lang kamay ko ang dumapo sa kapatid mo..." he riposted and sneered.
"You fucking son of a bitch!"
Pareho kaming napatili ni Ate Harley nang mas mabilis pa sa kidlat ang pagbulusok ng kamao ni Kuya Rain sa mukha ni Kuya Lair. Ate Harley recovered fast from shock and immediately stepped in between the two belligerent giants.
"What the hell! Rain, ano bang ginagawa mo! Tumigil nga kayo!"
Si Kuya Rain ang pinagagalitan niya pero si Kuya Lair ang itinulak niya sa dibdib. Parehong namumula ang leeg ng dalawang lalaki at parang hindi pa kuntento sa ginawang sabong kanina sa eskuwela. Lumapit na rin ako sa kanila at hinila sa braso si Kuya Rain.
Nanginginig siya sa sobrang galit at nagpuputukan na ang ugat sa leeg at braso. His opponent cracked his neck and had the audacity to smirk in a mocking way.
"Oh, my God, Rain! Halika na nga! Fuck!" mura ni Ate Harley at halos hindi na rin mahila ang kapatid na nagwawala.
"Papatayin talaga kitang hayop ka!" Kuya Rain bellowed, his voice lethal. "You're just like your father! Someone like you deserved to be in jail! A fucking sexual abuser! A future rapist!"
Namilog ang mga mata ko sa mga akusang lumabas sa bibig niya. Lumuwag ang hawak ko sa kaniya at ibinaling ang tingin sa sinisigawan niya. Halos hindi na ako makahinga nang makita ang mabilis na pagbabago ng ekspresyon ni Kuya Lair. Kung kanina ay mukhang nakuha niya pang mang-asar, ngayon ay para na rin siyang papatay. Mas madilim at nakakapangilabot.
"Don't you fucking dare compare me with that monster," he spat with seething disgust and anger. "He is not my damn father, you motherfucker."
"Rain." Kontrolado ang boses ni Ate Harley. "That's enough. Please, let's go home..." she pleaded.
"Patunayan mo kung ganoon," hamon ni Kuya Rain, nanginginig pa rin sa galit. "If you are not like your father, leave Tala alone."
Humakbang palapit si Kuya Lair sa amin. Hindi natinag si Kuya Rain, bagkus ay tinumbasan pa nito ang naglalagablab na galit ng kaharap. For a minute, I forgot how to breathe.
Kuya Lair thrust his chin up arrogantly, eyes never leaving his enemy. "Patayin mo muna ako."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top