Chapter 18

Chapter 18

Ten o'clock in the evening and alone in the house, my bare foot traveled the softness of the stair runner with my hand sliding down the handrail for each skip I did. In my other hand was a skein of yarn, a crochet hook, and scissors. Sabog ang aking buhok sa likuran habang tinatanggap ang haplos ng hanging panggabi sa aking balat.

I headed toward the kitchen and set down my tools on the dining table. I stared blankly at the scissors for so long that I had to hold my shaking hand to save myself from my sudden intrusive thoughts. 

Thoughts like... piercing my chest using that pivoted metal blades. 

Umiling ako sa naisip at kinuha na lang ang kahon ng gatas sa ref. I chugged it straight from the box until the last drop. Ngumuso ako at itinapon iyon sa basurahan nang makarinig ako ng kaluskos.

Umikot ako at iginala ang tingin sa malawak na kusina. All the lights here were on so it would be easy for me to spot someone or something... suspicious. Wala naman kaya nakahinga ako nang maluwag. 

Bumalik ako ng kuwarto para kunin ang phone at bumaba ulit sa kusina. Walang text at tawag sa buong araw si Kuya Lair kaya nag-aalala na rin ako. Nilapag ko na lang iyon sa mesa at inabala ang sarili sa pag-stitch.

I spent the night in the kitchen while waiting for Kuya Lair. Nakaupo akong nakatulog sa may dining table habang nakahawak pa rin ang kamay ko sa hook at buhol-buhol na ang yarn sa kabila. My arms felt numb and my legs were experiencing charley horses. Sinuntok-suntok ko 'yon hanggang sa unti-unti ko nang nakayang tumayo.

Sinubukan kong tumayo subalit napaungol ako sa sakit ng tiyan at muling bumagsak sa upuan, halos mamaluktot. I attempted to stand again, holding my stomach with unbearable pain while hunching. Hindi pa nakatulong ang nanlalabo at umiikot kong paningin habang kumukuha ng suporta sa upuan bago naglakad.

"K-Kuya Lair..." I called almost helplessly.

Bumagsak akong nakaluhod kaya ininda ko rin ang sakit sa tuhod. Nadala ng kamay ko ang likod ng upuan kaya natamaan din ako nito sa gilid ng ulo at balikat. I mewled and called his name again but to no avail.

Tinulak ko ang upuan at gumapang palapit sa ilalim ng mesa. I stretched my arm on the table and scanned it for my phone. Pumikit ako nang mariin nang pilit itong kinukuha habang nakaluhod nang bigla na lang itong dumulas sa aking noo.

"Ahh!" I cried so loud when the twisting in my stomach intensified.

Humikbi ako at napahiga na nang tuluyan sa sahig. My vision was all blurry with tears but against the light of my sight was a human figure. Habang lumalapit ang pigura ay mas natatakpan ang liwanag na natatanaw ko. Bahagya akong nabuhayan ng loob at iniangat ang kamay para humingi ng tulong.

"K-Kuya..." I almost begged.

"Nuala."

Pumikit ako nang marinig ang boses niya at idiniin ang isang kamay sa aking tiyan. May tumulak sa tagiliran ko kaya napatihaya ako. Ang sunod ko na lang naramdaman ay ang pag-apak niya sa aking tiyan at pagdiin pa lalo rito. I bleated feebly while enduring the pain on my abdomen. Pushing his feet off me was futile for I no longer had the energy to do so.

I thought I was gonna die in my pajamas. Hindi pa naman. I don't know how I ended up inside a hospital room but that's how I found myself the moment my eyes lifted open. I blinked and moved my head over the pillow to scan the room I was in until my eyes landed on the head beside me.

Tumingin ako sa bintana kung saan bahagyang nakabukas ang kurtina. It was already dark outside. What time is it?

Sinubukan kong bumangon sa pagkakahiga. I shifted a bit and noticed the thin tube injected into my left chelidon. I carefully removed it without hesitation and climbed off the bed on the other side as quiet as a mouse. Kinagat ko ang labi nang kumirot ang tiyan ko... labas at loob. 

Naka-hospital gown pa ako at nakapaa nang umikot ako sa kama at tiningnan ang taong nakayuko sa gilid ng kama. It was Kuya Wilder and he was using his arms as his pillow. His forehead was kinda folded and he was murmuring incoherently.

I stalked toward the door. The moment I pulled it open, a broad chest in a black shirt appeared before my eyes. Napaatras ako at nanlaki ang mata nang tingalain si Kuya Rain. He pricked me using his deep, almost smoldering set of eyes, annihilating my escape plan.

"Where are you going?" sa matigas na ingles niyang tanong gamit ang baritonong boses.

His jaw ticked and he advanced. Cold water splashed over my head as I took a step backward. Lumagpas ang tingin niya sa akin at kitang-kita ko ngayon kung paano gumalaw ang umbok sa lalamunan niya.

"Wilder!" His voice thundered and my shoulders jumped.

"Ano? Retreat! Retreat!" si Kuya Wai sa likuran ko. "MISS MINION?!"

Isang kalabog ang nagpalingon sa akin sa kaniya. Natumba niya ang upuan at nagmamadali ang kilos na pumunta sa direksyon namin. His shoes screeched when he almost bumped against me. Hinawakan ni Kuya Rain ang braso ko at tinulak ang pinto bago ako hinila pabalik sa kama.

"Come back here, you kiddo," he commanded even if he was already dragging me.

"Miss Minion! Tatakasan mo pa 'ko, ha?!" inis na sabi ni Kuya Wai. "Retreat ka ngayon."

I pouted when Kuya Rain lifted me up to the bed. Yumuko ako at pinaglaruan ang daliri sa ibabaw ng hita. Sa gilid ng mata ko ay nakita siyang may inilapag na paper bag doon sa ibabaw ng side table.

"Nurse, gising na po siya," sabi niya roon sa intercom. "Please attend to her quickly. She's removed her IV."

"I want to go home..." I told him in silence.

"The doctor said you have gastroenteritis. Stomach flu, Tala. Ano ba ang pinagkakakain mo?" 

"Malinis naman ang kinain niya at wala namang sira kahapon sa shop n'yo, insan. Siguro ay sa kinain niya bago iyon o pagkatapos," singit ni Kuya Wai na lumapit na rin sa amin.

Nasa harap ko mismo si Kuya Rain at sa bandang paahan ng kama si Kuya Wai. Sinipat ko silang dalawa at hindi rin nakayanan kaya muling yumuko.

"Gastroenteritis lang pala..." bulong ko sa sarili.

"What did you say?" I could sensed anger in Kuya Rain's voice. "Gastroenteritis lang? Do you even know how fucking worried..." Tumigil siya sa pagsasalita na para bang pinipigilan ang sariling may masabing hindi maganda.

Which of them brought me here, anyway? At... paano ako nadala rito? I don't remember calling either of them. And that other person inside our house... was Kuya Lairgren. While I was curling in pain on the floor, he was there, right? I remember!

Siya lang ang makakapasok ng bahay at narinig ko ang boses niya. I called his name. He called mine. I asked for help... but he... he stomped on me. Napahawak ako sa tiyan na para bang nararamdaman pa roon ang bigat ng paa niya. Kasabay ng pagtulo ng luha ko ay ang pagkawarak ng puso ko.

I'm so tired of defending you in my mind, Kuya Lairgren. You... did it again. 

"H-hoy, Ulan! Lagot k-ka! Ba't mo pinaiyak si Miss Minion!" 

My shoulders shook terribly as the fall of tears freely dropped on my hands. Mariin akong pumikit at tinakpan ang mukha gamit ang mga kamay. 

"H-hayop ka, ulan..."

Profanity came out from Kuya Rain's mouth silently. Naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin.

"Shh... I'm... I'm sorry... I-I... didn't mean to..." Kuya Rain stuttered.

Starting the next day, I had to live alone like a man on an isolated island. No one's with me except the wild animals in the forest, listening to the waves crashing in serenity and the whisper of the wind. I could see myself lying like a starfish on the gentle white sand while watching the seagulls flying above me, ready to steal something to eat.

"Her stomach and intestine just need to rest. Bananas, rice, applesauce, and toast or the BRAT diet is what I recommend you to consume for now, including potatoes and other vegetables. They are bland and easy-to-digest foods. Iwasan muna ang mga pagkaing matatamis at may gatas, pati na rin ang mga inumin tulad ng kape at soft drinks. Unless she can tolerate it, lactose-free yogurt should be fine. Drink more fluids like water, apple juice..."

Ang dalawang lalaking kasama ko lang ang nakikinig sa napakahabang paalala ng doktor para sa akin. I was just silent on the bed, trying to figure out how am I going to spend the next few days worrying about what to eat for every meal.

Bakit ang daming bawal? Ang kaunti ng puwede? Am I really going to experience this kind of treatment again? But this time... it's about food. Ilan ba ang porsyento na mamamatay ang isang tao dahil sa stomach flu? 

Kung magtatae o magsusuka lang siguro ako kapag hindi ko sinunod ang doktor, ayos lang naman. Puwede rin akong um-absent at sa bahay na lang dahil may sakit. Puwede ko iyon gawing excuse para hindi ako makita ng ibang tao. At least, kung masasaktan ako, kasalanan ko lang.

"Thank you, Doc. Kami na po ang bahala sa kaniya," Kuya Rain said.

Uuwi pa ba si Kuya Lair sa bahay? If he would, what am I gonna tell him? What am I gonna do to him? Or I could just pretend that nothing happened. That he did nothing to hurt me. 

Hinatid ni Kuya Wai ang doktor sa may pintuan. Nilingon ko si Kuya Rain na inilabas na ang laman ng dala niyang paper bag.

"Ate Izzy learnt about what happened to you so she prepared some food for you. This one is asparagus soup." 

I shifted from my position. Ate Izzy prepared that for me?

"Hay nako." Padarag ang bawat hakbang ni Kuya Wai nang bumalik. "Dapat talaga sa 'yo may bantay twenty-four seven, e. Magpapalagay na ba ako ng CCTV sa bawat sulok ng bahay n'yo?" He snorted.

"Wilder." Tinapunan ng masamang tingin ni Kuya Rain ang pinsan. 

"O mas maganda siguro, doon ka na lang sa bahay namin tumira. Tutal, mag-isa ka na lang din naman sa inyo."

My dry lips parted as I gawked at him.

"W-what do you mean po?"

"Wala na si El sa bahay mo. Umalis na," si Kuya Rain ang sumagot.

Namilog ang mga mata ko. Umalis na si Kuya Lair? Habang wala ako? 

Umupo si Kuya Wai sa may paahan ko. "Don't even try to contact him again, Miss Minion. He's no longer your so-called bodyguard."

Hinarap ako ni Kuya Rain habang hawak niya ang isang lagayan ng pagkain. His gaze was cold and savage.

"Binayaran ko na ang serbisyo niya sa 'yo. Tinanggap niya ang tseke na ibinigay ko."

Bumagsak ang balikat ko sa nalaman at mapait na ngumisi. Kunwari pa siyang ayaw niyang bayaran ko siya. Iyon pala, naghihintay lang na ibigay mismo sa kaniya ang bayad para sa service niya. He knows that I don't have money on hand so he might be trying to be sympathetic and considerate. At the very least.

Kinain ko ang hinandang pagkain para sa akin. Si Kuya Wai ay nakahalukipkip at nakadekwatro sa couch at sa gilid ko ay si Kuya Rain na para bang mapuputol na ang pasensiya sa kapapanood sa akin sa bagal kong kumain. Para bang anumang oras ay kukunin niya na sa akin ang kutsara at subuan na ako. 

They were watching me like hawks ready to catch their prey if I provoke them. Tumikhim ako at ngumuso pagkatapos ng isa pang subo.

"I need to go to the comfort room," mahina kong paalam.

"Jejebs ka?" si Kuya Wai at ngumisi.

"Jebs po?" taka kong tanong.

Umirap si Kuya Rain at inalis ang bed tray table sa harapan ko. Lumunok ako at umalis na ng kama. The CR's door is near the room's door.

"Take your time, Miss Minion," Kuya Wai teased.

Bahaw akong ngumiti. Mabagal akong naglakad patungo sa direksyon ng banyo habang nagpaplano na sa isip na umalis ng kuwarto. Hindi naman talaga ako nasi-CR, e. Kaya lang, si Kuya Rain ay nakasunod pa rin sa akin hanggang sa nasa pinto na ako. It seemed like he knew what I was thinking.

"Uhm... balik na po kayo roon. Baka magtagal pa po ako. Hindi naman po ako tatakas, e."

Naningkit ang mata niya at humagalpak sa tawa si Kuya Wai sa puwesto niya. Heat crawled on my cheeks in confusion. Why did he laugh?

Napaatras ako sa pintuan nang lumapit si Kuya Rain sa akin. My heart pounded erratically when he blocked my side with his arm. He crouched and tilted his head. 

"I'm not thinking that you're gonna run away, kiddo. But hmm..." He smirked dangerously and his dark eyes traveled down to my mouth. 

Natakpan ko ang bibig gamit ang dalawang kamay. Ano ba ang sabi ko? Wala naman akong sinabing tatakas ako, hindi ba? Hindi ba?

Tumunog ang pinto sa likod ko at nawalan na ako nang sinasandalan. Mabilis ko siyang tinalikuran at pumasok sa loob. Naabutan ko pa siya sa parehong posisyon nang isara ko ang pinto.

"Take your time, baby girl," he mimicked his cousin's phrase but used a different pet name for me.

Napahawak ako sa dibdib kong parang puputok na sa sobrang kaba. Sa sobrang kaba, tuluyan nang lumabas ang sama ng loob ko sa tiyan. Pumikit pa ako at halos sasabog na sa sobrang init ang mukha dahil kada may lumalabas, parang may bumubulwak na demonyo sa sobrang lakas ng tunog.

Sobrang drain ko na nang binuksan ang pinto at halos matumba na kung hindi lang ako nasalo ni Kuya Rain na halatang kanina pa nag-aabang at nagbabantay.

He chuckled when he saw me depleted. Nangilid ang luha ko at tumingala sa kaniya.

"K-Kuya Rain... can you please check if I still have my p-pancreas and intestines? I think sumama po siya sa poop ko."

"You silly girl. Your intestines and pancreas are still inside your body." Humalakhak siya at isang mabilis na kilos ay naiangat niya na ako sa ere. 

Binabawi ko na pala ang sinabi ko kanina na hahayaan ko na lang na magkasakit nang ganito. Hindi ko pala kaya. Ang sakit ng pwet ko.

He carried me back to my bed. Lumingon ako sa may couch at napansing wala na roon si Kuya Wilder.

"Umalis saglit. Bumili ng kape," Kuya Rain answered my unvoiced question.

"Kailan po ako uuwi?"

"Bukas na. Sa amin ka muna uuwi."

Gusto ko sanang magulat kaso ay wala na akong lakas. 

"I'm not gonna let you live alone in that house, Tala. Kaya sa amin ka muna titira."

I resigned to his resolute declaration and popped the idea of being a man on an island. Kahit ayaw kong matulog pa roon, wala rin akong nagawa dahil nakatulog lang din ako sa sobrang pagod. Hindi ko alam kung anong oras silang umuwi pero nang nagising ako kinabukasan, nasa room ko na ulit si Kuya Rain at bagong damit na ang suot. Medyo basa pa rin ang kaniyang magulong buhok.

"Mornin'," he greeted huskily, eyes still drowsy. "How's your sleep? Did you have an upset stomach again?"

Umiling ako at bumangon habang nagkukusot ng mata.

"I brought you some clothes. Kay Ate Harley iyon. Medyo malaki nga lang siguro sa 'yo. Kukuha tayo ng mga damit mo sa inyo kapag nakalabas ka na."

"Uuwi na po tayo?"

He sighed. "Yes, baby. I'll just call the nurse to have you checked first."

Ganoon nga ang nangyari. Pagkatapos akong tingnan ulit at binigyan ng paalala ay pinayagan na rin naman kaming umuwi. Pinakain muna ako ni Kuya Rain ng dala niyang pagkain na aniya'y luto ng kaniyang ina.

I changed into his sister's clothes and just like what he assumed, the blouse almost passed as a dress to me. Medyo maluwang din ang short pero may dala ring belt si Kuya Rain kaya hindi naman naging problema. I left the comfort room wearing a pair of pink slides.

"I'm done po."

Inaayos niya ang kama nang lumingon sa akin. He rose his brow and said nothing. Hinintay ko siyang matapos sa ginagawa bago kami lumabas ng kuwarto.

"Shall we go first to your house to get your things? Also, you must not forget your school uniform, Tala."

Natigilan ako nang kaunti nang banggitin niya ang school. Kumunot ang noo ko at tiningnan siya.

"M-Monday na po pala! Late na po tayo—"

"Mamaya pa ang klase ko. I excused you in your class so don't fret about it."

"Po? Pero... pero... may quiz po kami sa Philosophy."

"Your teacher will let you take it once you get better. You have medical cert so he must..."

Napakapit ako sa braso niya nang nasa loob na kami ng elevator. 

"K-Kuya..."

"Hmm?"

"What if..." Dinilaan ko ang labi. "What if... ikaw na lang po ang tumira sa bahay namin?"

"Ah?" parang babagsak na ang pilikmata niya nang tumingin sa akin. 

"My house feels lonely if I'd be living alone there. Nahihiya rin po akong tumira sa inyo kasi..."

"Kasi?" Now he sounded eager. "What about it, Tala? Ba't ka mahihiya?"

"K-kasi... hindi ko naman po kilala ang pamilya mo. Ayoko rin pong maging pabigat sa inyo sa pamamahay n'yo."

"Paano ka magiging pabigat, e, ang gaan gaan mo naman?"

Lumabi ako. "That's not what I mean po."

"Tss." He peeled off his gaze from me. "Fine, then. If you're uncomfortable being in our house, I'll stay in your house for the meantime so you have someone to look after you."

"Huwag na lang po pala!" bawi ko dahil biglang nakaramdam ng hiya dahil maaabala pa siya. "Kaya ko na pong mag-isa—"

"You can't live on your own without getting yourself into trouble. Trouble is your last name. Hence, you have no option to get rid of me. I'll stick with you."

Humilig ako sa kaniyang braso hanggang sa bumukas ang pinto sa tamang floor. Bubbles of questions surrounded my mind as we strolled out the lift. 

"If you know that I'd always be in trouble... why would you even want to stick with me then?" I mumbled. 

Kung nawala nga si Kuya Lairgren, siya naman ba ngayon ang papalit dito? I know; people come and go. People love and hate. People live and die. I appreciate them, alright... But I don't want them to stay with me just because they feel like I'm their responsibility. Na kawawa ako kapag walang kasama. Na mapapahamak ako kapag walang nakakakita. 

I can pity myself. I don't need theirs.

"Tala."

Hindi ko namalayang huminto na kami sa paglalakad. Lumuwang ang hawak ko sa kaniya at tiningnan siya. 

"Po?"

"Did you know that troubleshooting is my expertise?"

I blinked. "Eh? Ano po iyon?"

"I fix mechanical and technical issues." Across his blank face, one corner of his lips curled into a vicious smirk. "Because, baby.... I love troubles."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top