Chapter 17
Chapter 17
"Susunduin ka ni Lairgren?" si Eris nang natapos na ang practice namin bandang ala una y media.
Marahas ang pagpunas niya ng face towel sa mukha. Kahit may lilim kasi sa puwesto namin ay nasa likuran siya banda palagi nakapuwesto dahil sa position namin. Hindi na siya naabutan ng anino ng puno kaya halos maligo na siya sa pawis ngayon.
"Uh, I'll text him pa po."
She was standing two steps across from me. Isinampay niya ang towel sa balikat at nagsimulang sikupin ang buhok. Her eyes squinted at me.
"Kapag nakita niya 'yang nangangamatis na ilong mo, what are you gonna say?"
Lalong ayaw ko tuloy magpasundo kay Kuya Lair sa itsura ng ilong ko. Tumigil na ito sa pagdudugo kanina pa pero ang pamumula ay hindi pa nawawala. Siguro lalo lang na-flat pero ayos lang, ilong pa rin naman siya.
I pouted and sat on the stairs. "Wala po."
"Ha? Anong wala?"
"E, ano ang sasabihin ko kung hindi naman siya nagtanong? Ang sabi mo ay kapag nakita niya lang ang ilong ko, ano ang sasabihin ko. Wala namang tanong doon kaya wala akong sasabihin," paliwanag ko.
She groaned and pulled her hair to tighten her ponytail.
"Understood na dapat 'yon! My gosh! He'll probably go ballistic kapag nakita niya ang ilong mong ganiyan." Umirap siya at may hinanap ng tingin sa mga kaklase. "Pst! Sino nga ang nakatama ng bola kay Nuala?"
Napatayo ako at hinawakan si Eris sa braso. Nagturuan na ang mga kaklase kong nakakita kanina, kabilang na 'yong mga naglalaro kanina. Blood drained on Denise's face when I spotted her. May ilang tumuturo sa kaniya at ang iba naman ay pinagtatanggol siya.
"Ikaw ba, Denise? Ikaw?" si Eris sa tonong naghahamon. "Wala pa 'ko sa mood kanina makipagtalo dahil late ako, ah. Ba't mo naman tinamaan ng bola 'tong kaibigan ko? Kita mong mas malaki pa 'yang bola ng volleyball kaysa sa mukha niya, e. Gusto mo bang isumbong kita sa syota nito?"
Ngumiwi ako at hinila siya lalo sa braso. Isn't she tired yet from our practice that she still has the energy to start a bad blood with our classmate? Ako nga na wala pa yatang isang oras nang nag-start ang practice kanina at puro pagsasalita pa lang ay pagod na.
"I already said sorry! Hindi ko naman 'yon kasalanan saka hindi naman 'yon maiiwasan kapag naglalaro ng volleyball!" Denise defended herself.
"Ano... okay lang po! Eris, hayaan mo na kasi—"
"Hoy! Bobo ka lang sa paglaro kaya ka nakatama!"
"Oh, shut up! We won't have to play only if you all arrive on time! Late ka na nga, e! Kung maaga kayo dumating, hindi kami maglalaro at walang matatamaan!"
Isang marahas na hila sa braso ay nakawala si Eris sa hawak ko. Nanlaki ang mata ko nang walang pasubali siyang humakbang patungo kay Denise na napaatras agad. Si Chinggay ay sinubukan na ring lumapit para pigilan ang kaklase namin.
Pancho blocked Eris' way with his arms aloft on his side. "Tama na 'yan—"
Isang tulak ni Eris ay napagild si Pancho. Naabutan ni Eris si Denise at agad nitong hinila ang kuwelyo ng suot na shirt. Eris was tall as Pancho, probably around five-eight or so, whilst Denise was petite. My blood ran cold when I could see Eris' determination to punch our classmate on her face.
"Eris!"
"My late arrival hurt no one. E, ikaw? Maaga ka nga dumating, nakasakit ka naman ng iba? You should have arrived later than me! Nang sa ganoon, hindi mo natamaan ang kaibigan ko!"
My brows furrowed. Eris is my close friend but she's being unreasonable now. Being proud for not being punctual just because you think it doesn't affect anyone is still disrespectful. Alam ko naman na hindi lang siya ang na-late, pero bakit naman kasi pati iyon ay idadahilan niya pa para lang patunayan na may mali si Denise dahil maaga itong dumating? Mali rin naman siya dahil late nga siya.
At... gaano ba kasigurado na wala tayong nasasaktan kapag late na tayong dumarating sa usapan? I got hit by the ball accidentally. Denise apologized, too, and I accepted it. Ano pa ba kasi ang ikinagagalit ni Eris?
"Why are you even so pressed about it? It's not as if I stabbed her to death. Hindi naman ikaw ang nasaktan pero mas galit na galit ka pa!"
"E, putang ina mo pala! Hindi naman lumalaban 'yan kahit nasasaktan na! Hindi mo ba alam na—"
"Eris!" a loud and lethal shout in a warning tone interrupted her.
Napalingon kami kay Kuya Rain na bigla na lamang hinablot ang braso ng kaibigan ko. It was too forceful that Eris grimaced in pain as she pushed Denise and abandoned her shirt.
"Aray! Ano ba?!" reklamo ni Eris nang higitin siya ni Kuya Rain palayo sa amin.
He didn't even glance in my direction. Bakit siya nandito? At magkakilala pala silang dalawa? Why would he drag my friend? Galit ba siya? Bakit? Why would he even butt in here?
I was still in the middle of perplexity when someone held my forearm. Napaangat ang balikat ko sa gulat at nilingon si Kuya Wai na dala na ang aking bag. His mouth set in a hard line told me he wasn't happy either.
I threw an apologetic look at my classmates before I followed Kuya Wai. Nakayuko lang ako at hindi nagsasalita dahil hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari sa mga tao ngayon. Their heads are hotter than the glaring sun. I suddenly crave ice cream.
Kinatok ko ang ulo sa naisip. Ano ka ba, Nuala? May nag-away na nga dahil sa 'yo, pagkain pa rin ang iniisip mo?
But... I want ice cream…
Tumikhim ako para kunin ang atensyon ni Kuya Wai. Tumingala ako habang naniningkit ang mata dahil sa sikat ng araw.
"Where are we going, Kuya Wai?" I asked like a little kitten afraid of getting lashed out.
"Ihahatid ka sa inyo. Saan pa ba?" suplado niyang sagot.
"B-b-but..." how about Kuya Lair? He told me I should text him once my practice was done.
I couldn't even tell Kuya Wai about it. Nagpadala na lang ako sa kaniya hanggang nasa parking lot na kami. I stuck out my bottom lip when we suddenly stopped from walking. Nasa gitna kami ng lote kung saan dumaraan ang sasakyan.
Binitiwan niya ako at tiningnan ako. Kumunot ang noo niya at nagpalinga-linga ng tingin sa paligid.
"Kuya Wai?"
Napahawak siya sa kaniyang tainga. A mischief smile surfaced on his lips. That's more like him.
"Pusang 'yan. Wala pala akong dalang sasakyan," he said and chuckled. "Wala na. Serious dapat ako, e. Epal na ulan 'yon. Iniwan tayo."
I giggled at what he said. "It's okay po. Puwede naman po tayong mag-commute."
Nag-isip siya saglit. Gusto ko sana tanungin kung ano ang iniisip niya dahil nag-iisip din pala siya minsan tulad ko. While he was still thinking, I also thought of other things I must do. In order for the burden in my chest to lift, I have to find a solution to reduce my predicaments.
Hinawakan ko ang braso ni Kuya Wai. Nagtaas siya ng kilay at bahagyang sumigaw dahil sa wakas ay naisip na kung ano man ang iniisip niya kanina.
"Punta tayong bakeshop ni Tita Rap. Ililibre kita." He winked at me.
My jaw dropped. I didn't think he'd think about food! Akala ko ay ako lang ang nag-iisip nito kanina pa. Tumalon-talon tuloy sa pagdiriwang ang munti kong puso at sumang-ayon sa suhestiyon ni Kuya Wai.
We rode on a jeepney on the way to the shop he was talking about. Dalawang sakay at medyo natagalan dahil sa traffic. Napapunas ako sa leeg gamit ang likod ng kamay at sumilip sa bintana para magpahangin.
"Miss Minion, I don't eat hair," ani Kuya habang kinokolekta niya sa kamay ang buhok ko.
Uminit ang pisngi ko at kinuha ang buhok sa kamay niya. "Sorry po."
He fished out a white handkerchief and started wiping the sweat on my forehead. Nakaparte ang labi niya habang nakatingin sa akin at ginagawa iyon pero nang nagtagpo ang mata namin, tumikhim siya at hinilamos bigla ang panyo sa mukha ko.
Tumawa siya nang bitiwan ang panyo dahil hinawakan ko na. "Kaya mo na 'yan. Matanda ka na."
Ngumuso ako pero nagpunas din ng pawis gamit ang panyo niya. Mayamaya, hinila niya ang lubid na nakasabit doon sa may kisame at itinabi naman ng driver ang jeep para makababa kami. Ang mainit niyang kamay ay binalot ang sa akin nang tuluyan na kaming makababa.
Tumingala ako sa pangalan ng bakeshop na tinutukoy niya. In a cute font and white letters, it says: Sheltered Sweets. It was written inside the cloud shaped painted in pink with white inner border. May cartoon na mukha ng isang babaeng nakasuot ng chef's uniform at hat habang may hawak itong cake. Sa bandang itaas sa tabi ng pangalan ay may cupcake at sa ibaba naman ay may cookie'ng may kagat at isang donut.
"Welcome, Sir Wilder, Ma'am!" bati ng guard nang makapasok kami sa loob.
Nakipag-high five si Kuya Wai sa kaniya at may binulong dito. Umiling naman ang guard bago bumaling sa akin at ngumiti. Kuya Wai turned to me and pulled me.
"Thank God wala si Ate Li," he uttered enthusiastically while still holding my hand.
Nilibot ko ng tingin ang shop. Pastel is the main color of every sides and corners. The tables beside the window has white, cup-like chairs but most accent chairs are pink, blue, lavender, and yellow with wooden legs. The whole ambiance of the shop brings delight and comfort for every customers that would walk in. Sa kabilang dulo sa gitna ng pader ay may nakasabit na flat screen TV kung saan nagpi-play ang palagay ko'y isang music video ng isang girl group na hindi naman maintindihan ang kinakanta.
Maraming tao pero hindi ganoon ka-crowded. Hinila ako ni Kuya Wai sa isang table na may apatang upuan. Nilapag niya ang bag namin sa isang upuan at hinila ko naman ang katabi nito para doon ako umupo. Humalakhak siya sa ginawa ko.
Hinimas ko ang malambot na hawakan ng upuan. I leaned my back comfortably and grinned at him.
"I love it here, Kuya Wai!"
Ngumisi siya. "I know, right? Come here, babe. I'll treat you with something cold and sweet."
Hinawakan niya ang kamay ko at pinatayo. Maligaya akong sumunod sa kaniya hanggang naroon na kami sa counter. The staff behind it was already smiling upon seeing us. Bumati siya sa amin kaya ganoon din ang ginawa ko.
"Miss Minion, this is Legacy or Asi, my friend. Asi, si Tala," Kuya introduced us to each other.
"Hi! Nice to meet you po!" Naglahad ako ng kamay sa kaniya pero bago pa niya matanggap iyon ay kinuha ni Kuya Wai ang kamay ko at ibinaba.
Asi smirked and rose his brow. "Nice to meet you, Tala. Pumuporma na ba sa 'yo ang lalaking 'to?" nguso niya kay Kuya Wai.
Kumunot ang noo ko. Kuya Wai coughed so hard I thought he was gonna spit his lungs.
"Miss Minion, pili ka na ng gusto mo. Kahit ano diyan. Sagot kita," si Kuya Wai at humilig sa counter nang nakabawi.
My attention was now on their menu list. They sell different pieces of bread and baked goods that look so appealing and mouth-watering. I wanted to try each of those in the display case, but I remember I'm not paying for it. Nakakatakam pa naman lalo 'yong ice cream cake na nasa upright freezer sa bandang sulok sa likod ng counter.
"Ikaw naman, Asi, gusto mo talagang mapatay ako ng pinsan ko? Paano ko liligawan, e, parang kapatid ko na 'to?" I heard Kuya Wai say.
Nakagat ko ang ibabang labi sa narinig.
"Kapatid ba talaga?" parang nanunukso ang tanong ni Asi. "Baka naman wala ka lang pag-asa kaya..."
Kuya Wai barked his laugh. "Oh, shut up, man. Nasa tama pa akong pag-iiisip."
Nanuyo ang lalamunan ko. Ano'ng ibig niyang sabihin sa sinabi? Hindi ko alam kung bakit biglang kumulo ang dugo ko sa narinig pero hindi ko iyon ipinakita sa kaniya. Instead, I smiled when I turned to him.
"Kuya Wai, nahihirapan po akong pumili. Lahat sila, mukhang masarap." Lumabi ako at muling tumingin sa bawat kumikinang-kinang na dessert.
"Oh, Asi, bigyan mo nga ng tig-tatlo sa bawat naka-display rito sa harap. Isang buo kada cake at cheesecake. Take out na lahat. Except for the ice cream. Give her one cup with three scoops for each flavor," tuloy-tuloy na sinabi ni Kuya Wai bago pa man ako makaapila.
Aapila ba ako? Siyempre! Hindi ko naman mauubos lahat ng binili niya!
"Kuya Wai—"
Itinaas niya ang isang daliri at kinuha ang wallet sa bulsa. "Don't worry, I can afford."
"Pero—"
Nabitin sa ere ang sinasabi ko nang ilapag niya ang isang credit card sa counter at pinadulas palapit kay Asi. Umawang ang labi ko habang nagbibilang na sa isip kung magkano kaya lahat ang aabutin ng binili niya. I'm going to pay him back for this!
"Ibabawas ko na rin dito ang mga utang mo noong nakaraang buwan," si Asi habang nangingisi bago tumingin sa akin at kumindat.
"Sige lang. Marami akong pera today."
Kuya Wai held my hand again and tugged me back to our table. He drew out the chair for me and searched for something from his bag. Licking his lips, I watched him smile and almost broke my neck from following him with my gaze behind me.
Pumuwesto siya roon sa likod ko at yumuko sa aking gilid habang nakahawak ang isa niyang kamay sa kaliwang armrest ng inuupuan ko. Inangat niya ang kamay sa tapat ng mukha ko at mula roon ay nahulog ang pendant ng isang kuwintas na hawak niya.
My eyes widened. I stared at the hourglass pendant that was probably the same size as half of my thumb. The sand or any fine granules inside the upper ampule flowed down slowly through the narrow throat to the bottom. Bumagal ang pagsayaw nito sa hangin sa bawat segundong lumilipas.
"Binigay ko sa 'yo 'to noon. You gave it to someone else... and she returned it to me," Kuya Wai supplied.
Nagkaharap ang mukha namin nang lingunin ko siya. His orbs so sleepy and lonely all of the sudden pinched my heart a bit. Ngumiti siya nang kaunti at bahagyang lumayo sa akin para isuot ang kuwintas sa aking leeg.
When it finally rested above my chest, he planted a brief and soft kiss on my cheek. Tinalunton ng aking daliri ang kuwintas. Sometimes, I wish for the time to turn back. Like how the sand in this glass pours back when you turn it upside down.
"Now, it is back to its original owner," he whispered.
Ngumiti ako. "Thank y-you..."
Huminga ako nang malalim nang tumayo na siya ng tuwid at umupo sa kaharap kong upuan. He was playing with his lips using his thumb and forefinger while staring at me like I was some kind of an abstract painting he had to analyze for him to understand the meaning behind it.
Nag-iwas ako ng tingin at umubo nang kaunti.
"Kuya Wai, h-hindi ko po yata mauubos ang in-order mo," sabi ko para may mapag-usapan dahil mukhang tititigan niya lang ako habang naghihintay kami sa binili niya.
"Yata? Yata pa, ah?" Humalakhak siya. "I'm pretty sure you can finish it all, Miss Minion. Iuuwi mo naman ang karamihan. Pero 'yong ice cream, tutulungan kitang ubusin iyon."
My cheeks heated. Isa-isa nang s-in-erve ang order niyang ice cream ng isa pang staff dito. Each cup has one plastic spoon stuck into the soft ice cream.
"Thanks, Silver," Kuya Wai said to the staff.
Nagpasalamat din ako at humawak sa gilid ng mesa. May kinuhang isang cup si Kuya Wai na may sliced strawberries sa gilid at may nakasundot ding maliit na chocolate bar sa ibabaw. Inilapag niya iyon sa mismong harapan ko.
"Try this first."
Tinanggap ko iyon. Sumubo ako ng isang kutsara nito at agad gumapang ang lamig sa aking bibig. Mayroong maliliit pang slice ng strawberry sa mismong ice cream. I smiled at Kuya Wai who was eyeing me intently.
Isa o dalawang kutsara ang ginawa kong pagtikim sa bawat flavor na ibinibigay niya. Pagkatapos ko ay kukunin niya iyon at gagamitin ang ginamit kong kutsara para kumain din doon. I'm just a little worried that he'd get my bacteria from my mouth. I brush my teeth two to three times a day, though, but who knows what he might get for sharing saliva with my spoon?
Para siyang hinang-hina nang ubusin ang lahat ng tira ko. Nauubo na rin siya kaya sinubukan kong magtanong kay Asi kung may binibenta sila tubig. Binigyan naman niya ako ng libre kaya agad kong ibinigay iyon kay Kuya Wai.
Hinagod-hagod ko pa siya sa likod habang umiinom siya ng tubig.
"We should buy you a med for coughs, Kuya Wai. Pumunta po muna kaya tayo sa pharmacy bago umuwi?" nag-aalala kong mungkahi.
Umiling siya at ibinaba na ang baso. "Hindi na. Kunin na natin ang iba kong in-order at ihahatid na kita pauwi."
Umatras ako nang tumayo siya. Kinuha niya ang bag namin at isinabit sa magkabila niyang balikat bago hinawakan ang kamay ko. We were heading to the counter when I heard the guard greeted the new customer who walked in. Lumingon ako roon at natagpuan ko si Kuya Rain na seryosong naghahanap ang mga mata sa loob.
His penetrating globes founds us and the fold on his forehead appeared in my sight. Nilingon ko si Kuya Wai at kinalabit para sabihing nandiyan si Kuya Rain pero nagsalita na ang huli mula sa likuran ko. Bahagya pa akong nagulat dahil sa biglaan niyang paglapit. Ang bilis!
"Pauwi na kayo?" His voice was deep and rough. "Tala..."
"U-uhm... opo." I even nodded. "Si Eris po? Kasama n'yo pa po ba?"
Dumaan ang iritasyon sa mga mata niya pagkabanggit ko sa pangalan ng kaibigan. Babawiin ko na sana ang tanong nang ibaling niya ang tingin kay Kuya Wai na ngayon ay binitiwan na ako para kunin ang mga in-order niya.
"Wai, ako na ang mag-uuwi sa kaniya. Ilagay mo na lang 'yan sa sasakyan ko," utos niya rito.
Kuya Wai glared at him. "Matapos mo kaming iwan kanina, so-solo-hin mo siya pauwi?"
"Tapos ka na. Ako naman!" si Kuya Rain at bigla na lang hinablot ang braso ko.
Napasinghap ako. Nanlaki ang mata ni Kuya Wai at humarap na nang tuluyan sa amin ni Kuya Rain bago rin hinaklit ang kabila kong braso.
"Anong tapos na ako? Anong ikaw naman? Pinapunta lang kita rito para may driver kami pauwi. Sasama ako pauwi o kami lang ang uuwi?"
"Fine, then. Ihahatid ko siya kasama ka. Pero pagkatapos kitang ihatid sa inyo, pupuntahan ko ang babae mo," banta ni Kuya Rain sa kaibigan.
Isang kurap at nawala ang mainit at mahigpit na kamay ni Kuya Wai sa braso ko. Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil sa pagtatalong ginawa nila. Mabuti sana kung kaming tatlo lang ang nandito, pero nakaistorbo pa yata kami ng customer sa ingay ng dalawa.
Kuya Wai gave me up to Kuya Rain after giving me back my bag. Kinuha lahat ni Kuya Rain ang mga paper bag kung nasaan ang pinamili ni Kuya Wai para sa akin bago ako hinatak palabas. Malungkot kong nilingon ang kaibigan at kumaway habang tinatanaw niya kami. He was pouting so I felt more guilty for leaving him here after he treated me.
Nagpaalam ako at nagpasalamat din sa guard bago kami tuluyang lumabas. Tahimik kong sinundan si Kuya Rain hanggang sa tumigil kami sa tapat ng isang itim na SUV. Sa likod niya inilagay ang mga dala at binuksan ang pinto sa passenger's seat. Ang kamay niya ay nasa likuran at siko ko para umalalay habang paakyat ako hanggang sa makaupo.
Nagkatinginan kami saglit bago niya isinara ang pinto at umikot sa kabila. Pagkapasok niya sa loob ay agad niyang binuhay ang makina at lumingon sa akin.
He swiped his tongue over his lips and leaned over to me. Dumikit lalo ang ulo at likuran ko sa sandalan nang inangat niya ang kamay sa harapan ko. Umawang ang labi niya at natigilan sa ginawa ko.
"I'm just going to buckle your seatbelt, Tala," marahang aniya at tuluyang hinila ang tinutukoy sa aking gilid.
I swallowed hard. Narinig ko na ang tunog ng pag-lock niya sa seatbelt pero nakahilig pa rin siya sa akin. Parang lalabas na sa dibdib ko ang puso sa sobrang pagwawala nito sa loob.
"I'm sorry..." he mumbled softly. "Does it hurt?"
Halos manindig ang balahibo ko nang humaplos ang kamay niya sa braso kung saan niya ako hinawakan kanina. The mix of his rough and warm skin while stroking my arm gently sent shivers down my spine. Namumungay ang mga mata niya habang pailalim akong pinagmamasdan.
"K-kaunti lang po. Ayos lang," I choked.
He cursed silently. Bumagsak ang tingin niya sa aking leeg at umigting ang panga.
"Don't remove that necklace on your neck no matter what," bigla niyang paalala. "At mas lalong huwag mong ibibigay pa 'yan sa iba."
Tumango ako nang tipid. Pumikit siya at nasapo ang ulo nang sa wakas ay bumalik na siya sa kaniyang puwesto. I shifted in my seat when I thought of my plan. Lulunukin ko na siguro ang lahat ng hiya ko para dito.
"Kuya Rain?"
"Yes, baby..." napapaos niyang usal.
Kinagat ko ang aking labi. "P-puwede po ba akong mangutang?"
Dumilat siya agad at lumingon sa akin. "How much?"
"Magkano po ba ang... sahod ng isang bodyguard kada buwan?"
Nanliit ang mata niya sa tanong ko. "It depends. Why?"
My hands curled into fists as I struggled to tell him the answer. Iniisip ko pa lang na gagawin ko ito ay nahihirapan na ako. But it would... free me. I hope so. Impulsive decision usually leads to adverse outcome. But if my impulsivity right now will save my face in the near future, I'll take all the risks.
"Babayaran ko po si Kuya Lair sa tatlong taon mahigit niyang pagtatrabaho sa akin bilang bodyguard ko. Then, I'm going to... terminate his employment with me."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top