Chapter 16

Chapter 16

They say time ticks faster when we are happy. If that's the case, I am willing to trade my remaining days for one meaningful day, even if it means I'd die tomorrow. Kahit mabilis lumipas ang oras na iyon, ayos lang, basta't masaya at makabuluhan.

Para saan pa ang mahabang buhay kung puro lungkot at problema lang naman ang haharapin tuwing gigising sa umaga?

Well, maybe for some people, they can get through sadness and obstacles in time. We have different ways to cope with and surpass all of them. Pero kung ako ang tatanungin, mas gusto ko na lang maging masaya ngayon, at mawala na bukas.

"Guys! Start na ng practice natin bukas, ha! Magbasa kayo sa GC hindi 'yong puro kayo seen, aba!" paalala ni Gloria, ang aming secretary, sabay hampas sa table sa harap.

Uwian na kaya may sariling mundo na naman ang iba. May ilang sumagot kay Glo para mapanatag ito pero mas marami ang nag-uusap at nagtatawanan. Wala kasi sina Chinggay dahil may meeting ang mga Class President ng lahat ng strand para sa mangyayari sa Buwan ng Wika. Si Pancho naman ay absent.

Seeing them like this made me ponder if they are genuinely happy. Siguro ang iba, oo. Ang iba, tinatago lang sa bawat ngiti at tawa ang problema. Pero ano naman ang pakialam ko roon?

"Hay naku!" stress na stress na sigaw ni Glo sabay irap.

"Nagre-reply po ako sa gc," sabi ko nang sinalubong siya, dala ang bag. "Hindi po ako seener."

Ngumiti ako sa kaniya. Tumawa siya at tinapik ako sa balikat.

"Sige na, Ate Nuala. Puwede na umuwi. Basta bukas, ah."

"Opo."

Nilagpasan niya na ako. Lumapit ako kay Eris na nakikipag-usap kina Daina at Irene para magpaalam. Tumayo sa pagkakaupo si Eris sa kaniyang armrest at nagpaalam na rin sa dalawa bago lumingon sa akin.

"Let's go home!" Umakbay siya sa akin kaya naman napadala ako pababa.

It's been almost a week since the incident happened inside the campus premise. I fainted that day and regained consciousness in our school clinic with Kuya Lair, Kuya Wai, and Kuya Rain beside the bed I occupied. Literal na mga nakaupo pa sila sa kama sa gilid ko at halos magkapalitan na kaming apat ng mukha nang dumilat ako.

Hindi ko lang tanda ang nangyari kung paano ako nawalan ng malay. They just told me that all classes from senior high to college were dismissed for that day. The student who jumped from the fifth floor of our building was a Grade 12 STEM student. Based on what I've heard from Eris, the girl was depressed (though she wasn't sure if the girl was clinically diagnosed) and it was her last resort to end her suffering.

"Kawawa naman 'yong magulang niya. Balita ko naospital pa ang nanay niya dahil sa nangyari sa anak, e," rinig kong sabi ng isang estudyante noong nakaraang linggo habang kumakain kami ni Kuya Lair sa Dagohoy.

Sa isang pabilog na mesa at upuang nakapalibot sa isang puno kami kumakain kaya may kasama kaming iba. Ang dami kasi laging tao rito tuwing break time, mapa-senior high at college students, kaya punuan. Hindi naman kami nakadikit sa iba pero dahil sa lakas ng boses ay naririnig namin sila.

Kawawa ang magulang... pero 'yong namatay, hindi ba kawawa? If she was clinically diagnosed with depression, o kahit ganoon man ang pakiramdam niya, hindi ba dapat ay siya ang mas inuuwa? Pero bakit parang kasalanan niya pa na ganoon ang naging sitwasyon niya?

"Kaya nga! Jusko, depress depress pa. Ang hirap ng buhay ngayon, uunahin pa 'yan? Ano namang ikaka-depress niya, e, 'di ba mayaman naman sila? Kaartehan lang!"

Namilog ang mga mata ko sa mga sinabi ng isa pang babae kaya hindi ko napigilang ituon ang buong atensyon ko sa kanila. Pero nagulat ako nang may isang lalaking nakasuot ng maroon polo shirt na ang nasa likuran nila. His features were soft but his expression, more so his eyes, was terrifying and deadly.

"What did you say?" kalmado ngunit sa lamig ng boses ay nagtayuan ang balahibo ko sa tanong na iyon.

"Huh?" Napalingon ang dalawa sa biglang sumulpot na lalaki. The one with the shorter hair was furtively pulling the sleeve of her friend's uniform.

"How dare you talk about depression so lightly and consider it a trivial topic. Do you even know what depression is and how it deeply affects someone's life?" 

The corner of the guy's lips lifted humorlessly. The danger in his eyes made the girls—including me—swallow their tongue. Para bang sinasabi niyan, "Isang salita mo lang, putol 'yang dila mo." E, hindi rin talaga ako magsasalita kung ganiyan siya tumingin.

Tipping his head and sharpening his gaze, he continued, "Of course, you wouldn't know. You're just a bunch of disgusting—"

"Raghnall..."

Isang babae mula sa likuran niya ang nagsalita dahilan kung bakit natigil ito sa pagsasabi sana ng hindi magandang salita roon sa magkaibigan. Tumuwid ang likod ko at sinundan ng tingin ang kamay ng babae nang pumulupot iyon sa braso ng tinawag na Raghnall. Para bang biglang natauhan ang mukha ng huli nang lingunin ang bagong dating.

The lady pouted her lips and eyed the two girls in front of them. Ngumiti siya nang matamis sa dalawa bago nagsalita.

"Pasensiya na kayo, girls. Minsan lang kasi makakita ng dikya 'tong kaibigan ko. Kinausap tuloy," she said and the sweet smile turned into a vicious smirk.

"D-Dikya?" one of the two had the audacity to finally ask.

"Jellyfish, Miss. You know? They have some nerves… but got no brain."

Binawi ng lalaking hawak niya ang braso at umikot ang mga mata. He hissed silently before walking out of the scene he'd started. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa ang babaeng kasama niya ay sumunod na rin sa kaniya.

Pinisil ni Kuya Lair ang magkabilang pisngi ko gamit ang isang kamay at pinihit parahap sa kaniya ang mukha ko. Seryoso ang mga mata at tikom ang bibig na nakatuon sa akin.

"Huwag ka nang makitsismis diyan. Kumain ka na." Saka niya binitiwan ang pisngi ko.

I glanced at the two students who were now whispering to each other. Makailang beses silang lumingon doon sa dalawang lumapit sa kanila kaya ganoon din ang ginawa ko.

"Nuala," agaw pansin ulit ni Kuya Lair.

Ngumiti ako at hinarap siya. "Kilala mo po ba 'yong lalaki kanina?"

Nanliit ang mata niya at sumulyap doon sa direksyon ng dalawa bago ibinalik sa akin ang tingin, salubong ang makapal na kilay.

"Kapatid ni Izzy 'yong lalaki. Bakit?"

"Really po?" medyo ginanahan kong tanong. "I like him po."

Ngumisi siya at napailing. Binalik niya ang atensyon sa kinakain na para bang wala akong sinabi.

"Kumain ka na. Malapit nang matapos ang break time."

Ngumuso ako at sinunod na ang sinabi niya. Pagkatapos ng unang subo ay muli akong nagsalita.

"I like Kuya Wai, too. And Kuya Rain..." Ngumuya ako at lumunok. "They are kind and generous to me. They are also tall. I like—"

"At ako?" Padarag niyang binitiwan ang kutsara at ipinatong ang siko sa mesa na hinarap ako. "Hindi ako kind at generous? And tall?"

Sinubo ko ang kutsara at pinagmasdan siyang iritado sa akin kahit hindi ko maintindihan ang dahilan. I like Eris, too. Idadagdag ko sana pero siningitan niya ako.

Hinuli ng ngipin niya ang gilid ng ibabang labi at umikot ang mga mata. "Kalimutan mo na ang tanong ko. Kumain ka na. Malapit nang matapos ang break time."

Habang tinatapos ang kinakain ay tumayo ang magkaibigang nag-uusap kanina. Remembering how they sympathized with the parents of our schoolmate and blaming the latter tightened my grip on my utensils. I hope they won't experience what the victim did.

And that Raghnall... I don't know why he seemed rather too much affected by what he heard. Hindi rin ako natuwa roon sa sinabi ng dalawa lalo na at parepareho lang naman kaming walang alam sa buhay ng biktima, yet, they didn't show even a fraction of empathy towards her. Kung hindi naman nila kayang ilagay ang sarili sa lugar ng biktima, mas mabuti pa siguro na manahimik na lang kaysa magsalita pa ng hindi maganda.

Pero 'yong lalaki kanina, parang may pinanggagalingan pa ang galit kung magsalita. Like he was extra sensitive with the topic. Does he somehow know someone who suffers from depression or he was related to the victim?

Sabado noong nakalipat na ako sa bahay namin. Kuya Lair and Eris were there to help me clean the house. There is a total of five bedrooms in our house, excluding the helper's quarter. The master's bedroom, my room, and three other guest rooms.  

"Alam mo, bakit hindi ka kaya magbenta na lang niyang ginagawa mo?" Eris suggested. 

"Ito po?" Itinaas ko ang ginagawang disenyo para sa araw na iyon. I am planning to turn it into a cardigan.

Tumango siya. "Tutal mukhang mabilis ka naman makatapos, puwede ka siguro tumanggap ng customized crochet items na kaya mo? O kung gusto mo, gumawa ka ng isang item na may iba't ibang design. I'll help you sell it. Dito muna sa mga kaklase natin."

She seemed genuinely willing to do that so I gave it a shot. I told Kuya Lair about it, and he was delighted with the idea. Mas gusto niya iyon kaysa ang magtrabaho ako. 

"Magkano po kaya sa tingin n'yo puwede kong ibenta ang mga gawa ko?" I asked Kuya Lair during our dinner on Friday.

He's occupying one of the guest rooms in our house. Bago namin iwan ang bahay ng kaibigan niya na hindi ko man lang nakita ulit para makapagpasalamat, sinigurado muna namin na malinis iyon at kumpleto ang mga gamit. I noted in my head that I'd always be grateful for the house's owner and will make sure to reciprocate his charity and hospitality.

His tongue cruised over his lips as he fixed his eyes on me. Walang tingin niyang kinuha ang baso para uminom bago sumagot.

"Kung ikaw ang tatanungin ko, magkano ang oras at pagod na ginugol mo para buuhin iyan?"

I nibbled my bottom lip and pondered. How would I convert my time and effort into money? Sabi ko na nga ba, basta may involve na math, mahina ako. Dapat pala ay hindi na ako nagtanong. Tinanong ko nga siya kasi wala akong ideya tapos tatanungin din ako pabalik. Tama ba 'yon?

Kagat pa rin ang labi ay binalik ko ang tingin sa kaniya. His brow slightly arched along with the side of his lips. Nakatingin siya sa bibig ko nang naabutan pero itinaas din ang mata sa mga mata ko.

"Itatanong ko na lang po kay Eris."

He looked away. Bahagya siyang ngumuso at muling uminom ng tubig. Napakuha tuloy ako sa baso ko ng gatas para uminom. 

"Kapag napresyuhan mo na, bibili ako sa 'yo," aniya at tumingin ulit sa akin.

Umiling ako. "Huwag na po! Igagawa na lang po kita. Saka po, pambabae ang nagawa ko, e." I smiled. 

Nagtaas siya ng kilay at humilig sa mesa. Sinundan ko ng tingin ang kamay niyang lumapit sa mukha ko. Dumampi ang hinlalaki niya sa gilid ng labi ko, pinupunasan ang kung ano mang naroon. One touch and I was paralyzed.

"Alright, little girl." Ngumisi siya at inalis na ang kamay sa gilid ng labi ko.

I frowned and resumed eating. I wanted to correct and tell him that I was no longer a little girl. Bakit ba palagi na lang akong tinatawag niyan? 

Even being called Miss Minion annoys me. Just because they're giants, they're treating and calling me nicknames like I'm a midget. 

Pero siguro, mali ko rin dahil hinahayaan ko. Hindi ako nagrereklamo kaya tingin nila, ayos lang ako sa ganoong tawag. I don't know anymore. Madalas ay ayos lang naman sa akin ang tawaging ganoon. Minsan lang, tulad ngayon, pakiramdam ko ay may mali sa tuwing tinatawag akong ganoon.

"Hanggang anong oras kayo matatapos sa practice n'yo?" he asked after dropping me off at school the next morning.

"Wala pong sinabi sa group chat," sagot ko at ibinigay na sa kaniya ang helmet. "Magko-commute na lang po siguro ako pauwi. Papasok po kayo sa work, hindi ba?"

"Alam mo ba kung nasaan nakatayo ang bahay n'yo?"

"Eh? Sa lupa po?"

Pinitik niya ang noo ko kaya napapikit ako at sinapo iyon. Tama naman ang sagot ko, ah? Mukha bang sa dagat nakatayo ang bahay namin?

"Your house is situated in an exclusive subdivision. Hindi makakapasok ang pampublikong sasakyan kung iyon ang sasakyan mo. So, no. You're not going to commute," mariing aniya habang nakayuko sa akin. 

I jutted out my lips. Umiling siya at pinindot ang ilong ko.

"I-text mo ako kapag tapos na ang practice n'yo. Pupuntahan kita agad dito para sunduin."

I tilted my head while still looking up at him. Kinalaykay ng mga daliri sa kamay ang kaniyang buhok na malapit nang umabot sa balikat ang haba nito sa likod. 

"Paano po ang trabaho mo? Iiwan mo para lang masundo ako?"

Kumuyom ang panga niya at tumanaw sa malayo. Ang pang-umagang sinag ng araw ay tumatama sa kaniyang mukha. Ang anino ng ilong ay nasa kaniyang pisngi at ang mga mata ay halos hindi ko na makita dahil sa posisyon ng kaniyang ulo.

"Nakakalimutan mo yata... trabaho ko ang bantayan at siguruhing ligtas ka."

The lacking of warmth and solicitude lingered in his voice. I smirked and strayed my gaze from him. 

"Right." Tumango pa ako, pilit nilulunok ang gustong ibato sa kaniyang mga salita.

"Yeah..." he croaked.

You foolish girl! Bakit nga ba kasi nagtanong pa ako nang ganoon? Of course, that's his job. Lahat ng ginagawa niya, kahit hindi pasok sa job description ng isang bodyguard, dahil lang din iyon sa trabaho niya. Hindi ko masyadong inisip ito noon pero hindi na mapigilang sumagi sa isip ko na baka kaya mas higit pa ang ginagawa niya ngayon ay dahil may pagkakamali siya noon.

Could it be because of that? Kung talagang bodyguard ko nga siya noon pa man, he must be feeling guilty that he failed to protect me from that accident. That he failed his job. But then, I'm also considering his age at that time. 

Kahit gaano pa kalaki ang katawan niya, kahit kaya niya pang labanan ang higit sa limang lalaking kasinlaki niya, he was still a teenager then. In the first place, why would he even be a bodyguard at a young age? Kailangang-kailangan ng pera? At kung pera nga ang kailangan niya, bakit ayaw niyang tanggapin ang sahod na ibibigay ko kung magkakaroon na ako ng pera?

"Akala ko nguso lang ang humahaba sa 'yo. Bakit pati mukha mo na?" 

Natigil ako sa paglalakad nang marinig ang boses ni Kuya Wai. I looked up and he was just a feet across from me, smiling and crouching a bit.

"Kuya Wilder," tawag ko at ngumiti. "May klase po pala kayo ngayon?"

"Yup." Gumala ang mata niya at itinuro ang isang banda. "I was there with my blockmates when I saw you. Lalim ng iniisip mo, ah? Bakit ka nga pala nandito?"

"May practice po kami, e. Doon po kami magmi-meet malapit sa chapel," I answered.

Tumaas ang kilay niya at tumabi sa akin. Nagsimula na akong maglakad at sumabay naman siya. He's wearing a plain round neck shirt this time and a pair of beige pants. Nakasabit sa kaniyang leeg ang ID.

"Hinatid ka ni El dito?"

"Opo."

He scoffed. "Hanggang anong oras kayo magpa-practice?"

Nilingon ko siya habang nakatingala. Pakiramdam ko ay kapag nagtagal pa na lagi akong nakatingala sa kanila tuwing kausap, magkaka-stiff neck na ako. 

"Wala pong sinabi. Bakit po?"

"Kapag maagang natapos ang klase namin kaysa sa practice n'yo, pupuntahan kita. May ibibigay ako sa 'yo."

My eyes widened and I halted walking. "Food?!" 

Humalakhak siya at ginulo ang buhok ko hanggang sa natabunan ang aking mukha. Inayos ko naman iyon habang tumatawa siya.

"You, sugar fiend! Basta pagkain, kumikislap pa ang mga mata mo! Parang nakasimangot ka lang kanina, ah?" he pointed out.

Ngumiti ako at inangkla ang braso sa kaniya. Halos ihilig ko ang mukha sa braso niya habang nakatingala.

"Kuya Wai... gumaguwapo ka po lalo ngayon! Lalo na kapag mabait ka po." Humagikgik ako.

He glowered at me jokingly but his smirk was more powerful to overcome his fake ire. Umirap siya at umiwas ng tingin. Kinukuha ang braso sa akin pero parang hindi naman ginagawa ang lahat para magtagumpay.

"Alam mo, minsan hindi na kailangang sabihin pa ang obvious. Matagal ko nang alam na guwapo ako. Ito? Itong mukhang 'to?" Tinuro-turo niya ang mukha. "Hindi mo ba alam na marami nang umiyak na babae dahil sa mukhang 'to?"

"You're probably playing with their hearts, Kuya Wai, that's why they cry?" kunot-noo kong hinuha.

"No, baby." He motioned his finger while shaking his head slowly. "Umiiyak sila dahil iisa lang ang mukhang 'to at may nagmamay-ari na ng puso ko."

"Oh..." Humaba ang labi ko. "Kung marami ka na pong napaiyak na babae, siguro kabilang po ako roon, ano? Noon?"

Umarko ang kilay niya. "Besides my mother, you're the last woman I'd ever want to see crying..."

Natahimik siya pagkasabi n'on. Tumikom ang bibig ko habang tinititigan siya, iniisip ang sinabi niya. I would stare at him longer only if he didn't yelp shortly and yanked his arm from my hold. Binitiwan ko siya habang lukot naman ang mukha niyang hinihimas ang braso.

"Miss Minion naman, hindi kita pinalaking nangangalmot, ah!" reklamo niya.

Halos lumubog ang kuko ko sa palad nang nag-iwas ng tingin sa kaniya. I muttered my apology and walked past him. He was calling my name and it did not take too long for him to pick up my pace.

"I was just joking. Hindi naman masakit. Kalmutin mo pa ako ulit!" Nilahad niya ang braso sa akin.

Umiling ako. "I'm really sorry po."

Bumuntonghininga siya at isang hila sa palapulsuhan ko ay natigil ako sa paglalakad. Hinarap niya ako sa kaniya at pilit siyang yumuyuko para lang magpantay kami. He held my face and lifted it so our eyes could meet. Nanlaki ang mga mata niya nang isang kurap ko lang ay may luha nang dumulas sa pisngi ko.

"H-hey... Ayos lang, okay? Stop crying, please..." He licked his pouty lips and wiped my cheek gently. "Miss Minion..."

The panic in his red and moist eyes was apparent. Mauuna pa yata siyang humagulgol sa akin kung hindi ko lang sinubukang ngumiti para sabihing ayos lang naman ako. Paulit-ulit na gumagalaw ang umbok sa lalamunan niya habang sinusuri ang mukha ko. He pouted and pulled me for a warm embrace. Ngayon ay siya naman ang nagso-sorry.

Hindi na ako nagulat nang pagdating ko sa meeting place ay wala pa ang mga kaklase ko. Pero baka nandito na rin sa campus ang iba pero hindi lang dito mismo. Naupo ako roon sa hagdan sa gilid ng chapel kung saan may lilim dahil sa mga puno ng Acacia malapit dito.

Nilabas ko ang gamit ko sa pag-crochet para maglibang muna habang naghihintay. Eventually, isa-isa na silang dumating. Thirty minutes na ang lumipas at nasa kalahati pa lang kami. May nagdala ng bola ng volleyball kaya 'yong ibang kaklase ko, naglaro muna sa ilalim ng puno. Ang iba naman, binabasa nang malakas ang piece ng ipa-practice namin.

"Ate Nuala," tawag ni Chinggay habang lumalapit sa akin.

Tinigil ko ang ginagawa. "Bakit po?"

Tumikhim siya. Inipit ang bagsak na buhok sa likod ng tainga at humalukipkip.

"Hindi ba at close kayo ni Eris. Wala pa siya," she stated the obvious. "Ikaw nga ang mag-chat. Pakitanong kung nasaan na siya."

I obliged to her request. Itinabi ko ang ginagawa at kinuha ang phone sa bulsa.

Nuala:

Saan ka na raw po? 

She replied fast.

Erisexy:

otw na ko teh wait lang. start na ba?

Nuala:

Hindi pa naman po.

Hinarap ko ulit si Chinggay na nakatayo pa rin sa harapan ko at naghihintay. Nagtaas siya ng kilay sa pag-aabang.

"Nasa OTW na raw po siya."

She pursed her thin lips. "OTW means on the way, Ate Nuala."

"Ay, gano'n po ba?" Natawa ako nang kaunti. "Iyon lang po ang sinabi niya, e. Ask ko po ba kung saan siya eksakto?"

"Huwag na, Ate," pairap niyang sagot. "Anyway, nakapagkabisa ka na ba ng piece natin?"

Ngumiti ako sa kaniya. "Opo. Kaso kaunti pa lang ang nakakabisado ko."

She returned the smile. "That's fine. Mas makakabisado natin 'yan kapag may action na."

Nang tuluyan niya na akong iniwan ay binalikan ko na ang ginagawa ko para ipagpatuloy. Like the stitches I make through crocheting, my life has been entangled in so many ways I have ever imagine. Madali lang naman simulan ang maraming bagay. Mahirap lang magpatuloy sa bagay na hindi mo naman gusto.

And in the end, just like this stitch, they will have to stop even before they finish a masterpiece. At tulad kung gaano kadaling simulan, ganoon din kadaling tapusin ang bagay na alam mong simula pa lang, wala ka naman talagang balak tapusin.

Isang sigaw ang nagpatunghay sa akin sa pagkakayuko. In a blink of an eye, I found myself lying on the stair where I was sitting after getting hit by the ball on my face. I got so dizzy and my poor nose felt like it was broken into two.

"Ate Nuala! OMG!"

"Uy, gagi! Ate?! Ayos ka lang?"

"Ikaw kaya ma-spike sa mukha tapos tanungin kita kung ayos ka lang? Kung 'di ka ba naman tanga."

"Oy, si Denise ang nakatama sa kaniya!"

"Lagot kayo!"

Kahit natatabunan ng mga dahon ng puno, sumisilip pa rin ang liwanag ng kalangitan sa akin. Ngumiti ako at sinubukang tumayo habang may umaalalay sa likod at braso ko. Nagkagulo na sila sa harapan ko nang napapikit ako.

"Oh my God! May dugo ang ilong mo, Ate!"

Sinubukan kong idilat ang isang mata. "A-ayos lang po ako..." 

Hindi ako maayos. Hinding-hindi ako magiging maayos kung ipagpapatuloy ko pa ang ginagawa ko. I did start it... and I want to end it now. Kailangan ko nang itigil ito. Ayoko nang ipagpatuloy. Ayoko na. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top