Chapter 15

Chapter 15

"Bakit nga bawal ako magtrabaho? I want to work like you! I want to earn money too! Let me work, please, Kuya Lair?" 

Panay ang habol ko sa kaniya kanina pa mula sa second floor. He knew I had to double my effort to follow his normal pace. Paikot-ikot siya kanina pa sa sala, uupo sa upuan at kapag umupo rin ako ay aalis naman siya at pumunta na ngayon sa kusina!

"Huwag ka ngang bumuntot! Para kang aso!" saway niya nang tumigil sa harap ng ref para buksan iyon. 

"Hindi po kita lulubayan hangga't hindi mo—"

Natigil ako sa sinasabi nang ilabas niya ang isang kahon mula sa ref at halos ipagduldulan iyon sa dibdib ko. Ngumuso ako at sinalo iyon bago pa niyan mabitiwan. My attention was distracted because of the transparent lid of the box, showing me wonderful and colorful toppings of some sweets. 

Pumikit ako at umiling. No. This shouldn't be the time to gratify my sweet tooth. I recalled my conversation with Eris last time while we were having our lunch at Dagohoy. Kaming dalawa lang dahil ang mga ka-close niya sa room ay abala sa ginagawang assignment sa library.

"So, you have amnesia, your parents aren't with you, and you're living with your boyfriend in his friend's house?" she asked to confirm and I nodded. "E 'di ang boyfriend mo lang ang nagtatrabaho para sa inyo?"

Tumango ulit ako. I didn't tell her that Kuya Lair's my bodyguard, though. Ang alam niya lang ay magkaibigan kami. Hindi ko rin sinabi ang tungkol sa magulang ko. That my father was dead and my mother's in prison.

Ilang beses na ring sinubukan namin ni Kuya Lair na puntahan ang mommy ko, pero palagi ay ayaw niyang lumabas para harapin ako. The reason why I only saw her face in pictures in our house. I have yet to know why she's even behind the bars since Kuya Lair kept mum about it. 

"Gusto ko rin sana mag-work kaso ay ayaw niya. He said I should just focus on my studies..." I told her.

Umirap siya at sumimsim sa straw ng plastic cup na may lamang juice.

"I guess he wants you to be dependent on him and submissive to his commands. You're no longer a minor, right? You should learn to be independent, especially now that your parents aren't on your side. You can be dependent, though, but not always. You seem innocent, too. Baka mamaya, tini-take advantage ka na ng boyfriend mo nang hindi mo nalalaman."

Kuya Lair is not exactly the most kind, but I know he isn't cruel enough to take advantage of my memory loss. Naalala kong may naisip akong masama tungkol sa kaniya. But after that, I realized that he's just like everyone else, like me, who has a dark and bright side. A person who lacks something. Someone who doesn't know how to apologize in words but does it through action.

Someone's flaws and shortcomings should not be the reason to conquer their humanity. Kaya ngayon, hindi ko kayang sumang-ayon sa huling sinabi ni Eris. Siguro kung may nagti-take advantage sa amin ni Kuya Lair, ako iyon. Dahil wala naman akong ginagawa para makatulong sa kaniya.

"Hindi naman po siguro ganoon ang ginagawa niya," mahina kong sabi. "If he plans to take advantage of me, sana ay noon niya pa po ginawa noong nagising ako at naging maayos na."

Nagkibit siya ng balikat. "Baka kinukuha niya pa kasi ang loob mo."

Hirap na akong lunukin ang kinakain sa sinabi niya.

"Anyway, wala ka na ba talagang ibang relatives na malapit sa 'yo noon?"

Sa tanong niya ay may isang pangalang sumagi sa isip ko. They said I have a cousin named Twyla and she's just few months younger than me. Kung may kuha kaming litrato sa bahay, hindi ko pa nakikita.

I wonder... where is she now? If she's with her parents, I hope she's doing well.

"Meron po. Pero wala pa akong nakakausap sa kanila. Siguro ay kakausapin ko ulit si Kuya Lair tungkol doon. At tungkol sa trabaho," maliit na boses kong pahayag.

Tumango siya. "Part-time lang, since nag-aaral pa tayo. But why the hell do you keep on calling him Kuya? Mag-boyfriend naman kayo, ah! So weird! Iyon ang tawag mo sa kaniya?" She laughed a bit.

"Ah, siyempre po, mas matanda siya sa akin."

"Kahit na! Boyfriend mo 'yon, hindi kapatid!"

Ngumuso ako. Kaibigan o kapatid, mas matanda siya kaya dapat ay Kuya. 

"Nga pala, if ever may pera ka na, baka gusto mo maging reseller ko?

"Reseller?"

"Uhuh." She smirked. "Diyan ako kumikita, 'te. Product distributor ako rito sa Manila ng different local cosmetics brand. Pinakamabenta ang Aspaden cosmetics sa students, lalo na ang mga lip makeup nila dahil budget friendly pero maganda ang quality."

Nagpatuloy ako sa pagkain. Binitiwan niya ang plastik na kubyertos at may kinuha sa kaniyang wallet pouch na dala. Isang maliit na tube na kulay pink ang nilabas niya at hinila ang takip para buksan.

"This is what I'm using right now. Lip Balm therapy. This treats my dark and chapped lips..." 

Ang ending, napabili pa ako ng tinutukoy niya. Siguro gagamitin ko na lang iyon kapag kailangan.

Bumuntonghininga na lang ako. Ang hawak na box ay ibinaba ko sa counter at sinundan ulit si Kuya Lair palabas ng kusina.

"Kuya Lair, if you don't want me to work, how will I be able to pay your salary? Hindi—"

"Hindi ko kailangan niyan!" parang kulog niyang sigaw, patuloy pa rin sa paglakad. "Kaya kong magtrabaho, Nuala. Just study and do whatever you want to do with your friends except from working."

Napaawang ang bibig ko. What did he mean he didn't need the payment for his hard work? Tatlong taong pagtatrabaho, hindi niya kukunin ang suweldo? What? Why? Though I have no money right now, I will work to the bone just to pay him what he deserves.

Tumigil siya sa paghakbang ilang metro ang layo sa akin. Bakas ang iritasyon sa mata at sa kuyom ng panga. I clamped my mouth.

"Aalis ako. Huwag kang lalabas ng bahay."

"And you just said I can do whatever I want—"

"Oh, bakit? Aalis ka? Saan ka pupunta? Kung makikipagkita ka sa kaibigan mo, ayos lang. Ihahatid pa kita," marahas niyang putol sa sinasabi ko.

I'm not sure if he's being serious now or not. 

"Ano? Sabihin mo... aalis ka ba?"

Matagal ko siyang tinitigan. He looked at me as if weighing my decision in life. I shook my head slowly and peeled my gaze from him.

Isang buga ng hangin ang pinakawalan niya. "Dadaan ako sa bahay n'yo. Do you want to go with me?" His voice was now gentle.

Something tugged my heart lightly at the mention of our house. Pumayag na lang ako at nagbihis nang mabilisan bago ako bumaba ulit. Nasa hagdan na ako nang narinig ko ang boses niya na tila may kausap. My feet pulled into a stop and furrowed my brows.

"Pupunta kami ulit sa kanila. Baka sakaling bumalik na ang alaala niya..." mahinahon ang kaniyang boses kasunod ay buntonghininga. "Uuwi rin ako, Seah. I'll just wait 'til her memories come back."

Hindi ko alam kung bakit tila isang malaking bato ang dumagan sa akin sa narinig. Dapat ay maging masaya nga ako dahil sa concern niyang tulungan akong makaalala, hindi ba? Pero bakit... bakit parang kinukurot ang puso ko nang narinig na uuwi siya kapag nakaalala na ako?

Now that he mentioned going home... I realized I knew nothing about him and his family. Siguro ay kapamilya niya ang katawagan, nag-aalala na sa kaniya at pinauuwi na. Sa paraan ng pakikipag-usap niya pa lang. Why I didn't bother to ask him about that...

Sa buong biyahe ay tahimik kaming dalawa at tanging mga tunog mula sa ibang sasakyan ang ingay na naririnig ko. Hindi ko na napansin ang oras ng biyahe dahìl lumilipad na ang isip ko. Ilang sandali pa nang tumigil ang motor sa tapat ng bahay namin ng pamilya ko. The black gate was rusty and old. No one is taking care of this house but Kuya Lair has its keys. 

Hinawi niya ang buhok na nililipad ng hangin bago naglakad tungo sa gate at in-unlock iyon. He then turned to me with squinting eyes when he noticed I was not moving beside his bike.

"Huwag ka na mahiya. Pasok na tayo sa bahay n'yo," he said, chuckling a bit. 

The first and last time we went here, I fainted before we could even get out to go home. I hope it won't happen again. This time, I want to see all the important things that will trigger all my memories.

Ang mga gamit sa sala ay tinatabunan ng puting tela. Even the frames on the walls, our small chandeliers in the living room and in the kitchen. Pinaraanan ko ng daliri ang hawakan ng hagdan at nalinis agad nito ang alikabok na dinaanan. Huminga ako nang malalim.

"You can go to your room first. May kukunin lang ako sa bodega ninyo," sabi niya sa likuran ko.

Nilingon ko siya. He knows every rooms and corners of this house like he was usually here back then. Siguro, dahil bodyguard ko nga pala siya, kaya alam niya ang bawat sulok. 

He licked his lips and averted his eyes from me. Tumango ako at umakyat na ng hagdan.

My unlocked door creaked noisily when I pushed it open. Bumungad sa akin ang walang kabuhay-buhay kong kuwarto. My cabinets and shelves are still there, including the collection of minion figurines. Sa ibabaw ng isang drawer ay ang family picture naming tatlo at ilang pictures ko na halatang kuha mula sa ibang bansa dahil sa suot kong makapal na damit at sa background na may snow.

Some of my clothes are still in the closet. Kinuha kasi rito noon ni Kuya Lair ang iba nang hindi ako kasama, pero ipinaalam niya naman muna sa akin bago gawin iyon. My bed's so lonely with white sheets and four pillows across the headboard. Lumapit ako roon at umupo, dahilan kung bakit umalpas ang alikabok galing doon.

Tumayo rin ako agad at tuluyang binuksan ang kulay bughaw na kurtina. The warm rays of sun kissed my skin. I pouted and drew a star on the dusted window using my finger.

Ngumiti ako at tinitigan iyon nang ilang sandali bago ngumanga at binugahan iyon atkinuskos gamit ang gilid ng kamay. The dirt transfered to my hand because of it.

"Nandito ang ibang gamit mo," baritonong boses ni Kuya Lair ang nagpatalon sa akin sa gulat.

I blinked. He was carrying a large brown box that almost covered his neck down to his hips. Ilang hakbang at ibinaba niya iyon malapit sa paahan ng kama ko. Iniangat niya agad ang takip ng box noong nakalapit ako.

"This is what you love, Nuala..." 

Lumuhod ako at pinagmasdan ang iba't ibang kulay ng mga yarn sa ibabaw. The box was full of crocheted items such as scarves, hairdresses, flowers, small bags... and many more. May ilan pang hindi natapos doon na hugis parisukat pero may pattern na. My crochet hook organizer also had a yellow crochet casing, and inside of it were different sizes and colors of my hooks. 

Sa pinakailalim ay isa pang box na doble ang laki sa lagayan ng isang sapatos. Inangat ko iyon at ipinatong sa hita para buksan. Tears pooled in my eyes and they were quick to overflow like a stream down my cheeks. Sa loob ng kahon ay ang mga litrato ko kasama ang isang babaeng halos kamukha ko. There are pastel envelopes, too, which contains her letter and our pictures together. 

Her hair was a bit curly and short while mine was falling above my chest. Pareho kaming may suot bandana na sa tingin ko ay pareho rin naming ginawa. Magkaakbay at nakatawa na halos hindi na makita ang mga mata dahil parehong nakangiti rin.

"That's your cousin. Solasta Twyla," basag ni Kuya Lair sa katahimikan. "Dadalhin ko sana ang box na ito sa bahay. Pero..."

I sniffed and closed my eyes. Umiling ako at nang dumilat ay kinuha ko ang maliliit na bolang gawa sa estambre.

"N-nasaan po siya?" Nag-angat ako ng tingin sa kaniya, malabo ang paningin dahil sa luha. "Gusto ko po siyang makita at makausap."

Lumamlam ang mga mata niya habang nakayuko. When he said where my cousin is, needles of pain stabbed my heart. Kinuha ko ang isang dilaw na bolang kasinlaki ng bilog na magagawa kapag ipinagdikit ko ang dulo ng hinlalaki at hintuturo. May mata iyon at labing nakangiti.

"Wala ka pa rin bang... naaalala?" maingat na tanong ni Kuya Lair, umaamba na ng pagluhod sa gilid ko. "Kahit ano, Nuala. Wala ba talaga?"

My throat went dry at his question. Naalala ko ang narinig na usapan niya kanina sa kung sino mula sa telepono. Lumingon ako sa kaniya at tiningnan pabalik ang misteryosong mga mata. 

"Kung may maalala man po ako, sasabihin ko agad," I answered instead with a bit of coldness in my voice.

Umalon ang lalamunan niya at tumango. Ibinaling ang tingin sa box bago kumuha ng isang bulaklak na gawa sa estambre.

"Puwede nating dalhin ito sa bahay para may pagkaabalahan ka. Kung gusto mo ng bago, ibibili kita. You don't have to work."

"I want to live here again, Kuya Lair," desido kong sinabi, binalewala ang sinabi niya. "Bukas po, pagkatapos ng klase, didiretso ako rito."

Bakas ang gulat sa kaniyang mukha nang ibalik sa akin ang tingin. Wala siyang sinabi, para bang tinitimbang pa kung pinal na ang desisyon kong tumira ulit dito.

I know, Kuya Lair. He wants to trigger my memories by coming here again and by letting me see all the other things I didn't see the last time we went here. That way, he can finally leave me and go home. Tutal, tatlong taon na rin naman akong pabigat sa kaniya, mabuti nga siguro na bumalik na lang ako sa orihinal kong tahanan.

Tahanan. Home. I chuckled sadly at the word. Home is not a place but a feeling. This big house can't be called home if I cannot feel it like one. It's just a house... without feelings. 

Tumulo ang luha ko sa pag-iisip kay Twyla. I wish she's here. Maybe even with only her by my side, I'll feel the home that I want. Simula noong nagising ako galing sa aksidente, ngayon ko lang naramdaman ang tunay na pangungulila.

The accident didn't kill me. Maybe because loneliness will do it for me, huh? Bumigat ang dibdib ko sa naiisip.

"Kung babalik ka rito, kasama mo pa rin ako."

Ngumiti ako sa kaniya. "Right... kasi bodyguard po kita, hindi ba?"

I noticed the movement of his jaw like he was trying to suppress a harsh retort. Tumingala ako sa kisame na napupuno na ng cobwebs. This house needs a thorough cleaning. I'm not sure if I cleaned my room before but now, I'm not letting anyone do it for me. I must learn how to be independent.

"Kapag nagkaroon na ako ng pera at mabayaran kita—"

"Sinabi ko nang hindi ko kailangan ng pera mo," mariin at pagalit niyang putol sa akin.

He pulled himself up with so much power. Literal akong nanliliit kapag pareho kaming nakatayo, what more now that he's standing and I'm sitting on my folded legs. Para lang akong langgam na kayang-kaya niyang tapakan.

"Eris told me that one of the social issues of our country is corruption. Even in the government, there are corrupt. I don't want to be one of them... even in its lowest form."

Kahit anong tanggi niya sa sinabi ko, wala naman siyang magagawa. Magtatrabaho ako, hindi para lang mabayaran siya, kundi para mabuhay rin ako. I'm going to see how long I can live like this. What's more important is that I'm trying to live how I'm supposed to be, alone. Even if it means working all the hours that God sends.

"Ano 'yang ginagawa mo?" si Eris nang naupo sa tabi ko, Lunes ng umaga.

Maaga ako tulad ng lagi. Iniisip ko lagi na kung tatanghaliin pa kami ng alis ni Kuya Lair sa bahay, aabutan kami ng matinding traffic at mas mahuhuli sa klase. I don't want that. Time is meant to spend wisely, not to waste. 

"I'm crocheting. Uh, practice lang po ulit," sabi ko nang nakangiti.

Nanood ako kagabi ng tutorial kung paano gawin ito. Siguro dahil mahal ko ang paggawa nito, hindi ako nahirapang ulitin ito ngayon.

"Practice? Huh? Ang bilis naman ng kamay mo, parang gamay na gamay agad, ah?"

Sinusuklay niya ang kaniyang itim at bagsak na buhok na hanggang dibdib. Medyo basa pa iyon at tumatalsik pa sa braso ko pero hinayaan ko lang.

"Anyway, need na pala natin mag-practice para sa presentation natin sa Personal Development later. Mabilis lang naman siguro 'yon, after class," aniya.

Nahinto ang mga kamay ko sa ginagawa at ibinaba iyon sa mesa bago siya hinarap nang tuluyan.

"Dito lang po ba tayo sa school? Saglit lang?"

"Siyempre! Bakit? May pupuntahan ka ba?" Ngumisi siya at hinawi ang buhok sa balikat. "O baka may date kayo ng jowa mo, huh!"

"Ah, hindi po. Balak ko po kasi sanang pumunta sa bahay namin sa QC after class. Maglilinis po ako dahil napag-isipan kong doon na ulit ako titira," I explained.

Suminghap siya. Iniwan niya ang pink na suklay sa buhok at ipinatong ang siko sa armrest ko bago sinalo ang pisngi. I noticed that she wasn't wearing a lip makeup this time but her lips remained rosy and looked so soft just like Kuya Lair's. Siguro ay kagagamit niya roon sa product or natural talaga. Pero ang sabi niya, medyo dark lips siya noon, e. So maybe it's the product?

What if I use it, too? Ano kaya ang magiging itsura ko kapag may ganoon sa labi? Biglang uminit ang pisngi ko sa naisip.

"Oh my, ibig sabihin ay hihiwalay ka na sa boyfriend mo?" May bahid ng pagkatuwa sa boses niya. "Finally, finally! Sinusunod mo na ba ang advice kong magpaka-independent?"

Alanganin akong nakangiti. Definitely, her 'advice' influenced my decision, but I don't want to tell her that I'm doing this for another reason. That I didn't solely rely on what she said about me being independent. 

"Don't you worry, Nuala! Tutulungan kita sa paglilinis ng bahay n'yo at paglilipat mo," ngiting-ngiti niyang pahayag na nagpakunot sa noo ko. "Magaling ako maglinis kaya matutulungan talaga kita."

Why did she seem so excited and eager? Ayoko sana humingi na ng tulong kahit pa alam kong mapapagod talaga ako kung ako lang maglilinis ng buong bahay. It's still huge for me.  

Nakatitig ako sa kaniya na para bang isa siyang puzzle na kailangan kong i-solve nang sumabog ang ringtone ng aking phone. Halos magkumahog akong hinanap iyon sa bag ko at nagmamadaling nilagay sa silent mode. Mabuti na lang at ngayon tumunog ito at hindi mamayang may klase. Nakalimutan ko yatang i-silent.

"H-hello?" sagot ko sa tawag ni Kuya Rain.

"Good morning," he greeted hoarsely, mukhang kagigising lang. "Nasa school ka na?"

"Uh, opo..."

"Hmm... I just wanna ask if we can have our lunch together." Hindi naman patanong iyon. 

Kinagat ko ang aking labi at halos mapatalon sa gulat ng tumunog ang isa pang pamilyar na ringtone. Kumunot ang noo sa akin ni Eris nang may kinuha akong isa pang phone sa bag. My heart hammered when I saw Kuya Lair's call coming.

Bakit sa parehong oras pa sila tumawag?

"K-Kuya Rain, wait lang p-po," sabi ko at nilagay sa hold ang tawag niya para sagutin ang tawag ni Kuya Lair. "K-Kuya Lair?"

Tahimik siya noong una pero naririnig ko ang ingay sa background niya. "Nasa'n ka?"

"Huh? Nasa room po, 'di ba?"

"Lumabas ka. Second floor. May ipapakita ako sa 'yo," utos niya.

"H-huh? T-teka po," sabi ko at siya naman ang ni-hold para kausapin ulit si Kuya Rain. "Kuya Rain? Nandiyan ka pa po?"

"Did you just put me on hold?" 

"I-I'm sorry po! Uhm, tungkol po sa sinabi n'yo, sige po. Ayos lang sa akin sabay tayo mag-lunch."

Nanginginig na ang boses ko at ang mga kamay. Dalawa ang hawak kong phone. Ang galing kay Kuya Rain at Kuya Lair. Plano ko sanang ibalik kay Kuya Rain ang iPhone sa pamamagitan ni Kuya Wai pero pinigilan niya ako. He said Kuya Rain would surely get mad if I do that.

Sabi niya ay ayos lang naman na dalawa ang phone. May kinalikot pa nga siya roon at nilagay na kung anong app na hindi ko pa nabubuksan. Hindi naman din alam ni Kuya Lair na may isa pa akong phone at baka magalit din kapag nalaman kaya patago kong ginagamit ang kay Kuya Rain.

"Are you okay, Tala?" Kuya Lair's concerned voice reached my ear. "Still there?"

"Yes po. Uh..."

"Sige na. Ibababa ko na ang tawag. Magkita tayo mamaya..."

"Opo... sige..."

Nang ibaba niya na ang tawag, binalikan ko si Kuya Lair pero putol na ang tawag. Nagtipa na lang ako ng mensahe para sa kaniya.

Nuala:

Pababa na po ako.

Pagkatapos kong i-send iyon ay nayanig ang buong unibersidad sa matinding sigawan mula sa labas. Students outside were running in the same direction that curiosity consumed my other classmates' minds. Nagsitayuan din sila at lumabas, kabilang na si Eris.

The screaming sounded like… fright. Like someone had witnessed a horrific event. Dahil plano ko talagang lumabas, tumayo na rin ako at sumunod sa kanila.

"Ano raw ang nangyari?!" tanong ng mga dumaraang estudyante sa floor namin.

Ngumuso ako. Hindi nila alam ang nangyayari pero pupunta sila roon na para bang excited sa makikita.

"May tumalon daw mula sa fifth floor!" 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top