Chapter 14

Chapter 14

I thought he was bound to protect me from danger. Little did I know, he was the danger I had to avoid. 

My little heart shed blood. My lip was swollen and there was a purplish shade tinted on the middle. May bahid pa iyon ng dugo noong nagising ako at ngayong natapos na akong mag-toothbrush na inabot pa nang siyam-siyam dahil sumasakit tuwing ini-stretch ang labi, halata na ang bakas ng kagat ng ngipin doon. 

Nakabihis na ako at dala na ang bag nang pumunta sa kusina. Suot ko na rin ang jacket at may hawak pang shawl na nakita ko rin sa closet.

Nakaupo na si Kuya Lair sa tapat ng dining table at may nakahanda nang pagkain sa mesa. Tumigil ako sa paglakad at sinubukang suklian ang tingin niya subalit ako rin ang unang umiwas. I devoured my supposed morning greeting for him and silently walked to the dining table.

"Na-check ko na ang mga assignment mo, except for your essays. Wala naman akong nakitang mali sa mga sagot," ang bungad niya nang hinila ko ang isang upuan.

I nodded and kept mute. Sa may kabisera siya nakaupo at madalas ako roon sa unang dulo sa kanan niya pero ngayon, nilaktawan ko ang dating puwesto at sa katabing upuan ako naupo. Doon ko na lang inilagay sa tabi ang mga gamit ko.

"Kumain na tayo," mahinahon niyang sinabi.

My stomach growled as I inspected the food he prepared. May baso ng gatas na rin. Huminga ako nang malalim at iyon na lang ang ininom. My lip hurt the moment the glass nestled on my lips but I ignored it. I even licked it after finishing the glass of milk. Pagkapatong ko nito sa mesa, tinulak ko iyon palayo pa sa akin gamit ang hintuturo.

"I'm not hungry po. I'll just wait for you here to finish your breakfast," I told him and looked away from him.

He sighed. "Wala kang maloloko rito. Palagi kang gutom. Kumain ka na."

Ngumuso ako. May kaunting kirot sa labi but it was bearable. Ayoko nga kumain, e. Hirap kayang ngumuya. Saka galit ako sa kaniya!

"Nuala." May pagbabanta na sa boses niya. "Hindi tayo papasok nang hindi ka kumakain."

Suminghot ako at nilingon siya, masama ang tingin. My nails dug into my palm on the table. With his gaze serious and menacing under those thick lashes, jaw painfully clenching, and lips in a grim line, I knew he was trying to transcend my ire at him. 

Grabe. Siya na itong may ginawa sa aking hindi maganda pero siya pa rin ang nagbabanta ngayon? He should be grateful I'd even wait for him 'til he's done having his breakfast! Pero baka kapag nagtagal pa talaga ako sa harap ng mga pagkain, kumain nga ako.

Ayoko. Dapat kong pigilan ang gutom! Matapang ako! Kaya kong labanan ang gutom ko, 'no.

Kumulo bigla ang tiyan ko.

I'm starving. I wanna cry already. Maybe I could sneak some toasted bread when he's not looking?

Pumikit siya at humilig sa upuan, tila nanghihina. He fisted his hair using his bandaged hand which made me think again of what happened to his hand. Nalinisan niya na kaya iyon? Papalitan na ba agad dapat iyon? Hindi ko alam. I'm not really good in medicine and how to treat people's wound when I couldn't even properly treat mine.

I wanted so bad to ask him if he was okay, if his hand was still hurting, but my little heart was in more pain because of him. The cut on my lip may be small, but my heart's scar is also painful. Maybe because the one who maltreated it was someone who holds the biggest part of my heart now. He wouldn't even apologize for it!

Ngumuso pa ako lalo.

"I didn't..." Dumilat siya at lumambot ang ekspresyon nang tumingin sa akin muli. "Nuala, nagrerebelde ka ba?"

Umawang ang labi ko, tigagal sa bintang niya. Napaturo ako sa sarili.

"A-ako po? Nagrerebelde?" Suminghap pa ako at dahan-dahang umiling. "Hindi po ako nagrerebelde. Kung may magrerebelde man po sa atin, baka po ikaw 'yon?"

His brow shot up. "Kung hindi ka nagrerebelde, bakit ayaw mong kumain?"

"I said I'm not hungry!" 

"Bakit ka nagtataas ng boses? Ano? Galit ka? Sa akin?"

Nag-init ang sulok ng mga mata ko at yumuko na lang. I set down my fists on my lap and gave him no response. Hindi ko alam kung saan ba ako maiinis. Alam niya naman yatang galit ako pero hindi man lang siya nagso-sorry! Nanakit pero hindi man lang marunong mag-sorry! Kahit sorry lang!

Halos mapatalon ako sa kinauupuan nang halos matumba ang upuan niya sa pagtayo. Dalawang hakbang at padarag niyang hinila ang upuan ko palayo sa mesa kasabay ng pagtabi niya ng baso roon sa tapat ko kanina.

Nanlamig ako sa takot na baka saktan niya ulit ako lalo na noong sinakop ng mga kamay niya ang magkabila kong baywang at walang kahirap-hirap na binuhat para paupuin sa dining table. My eyes widened in fear when he came closer to me, blocking me in between his long thigh with his strong arms possessively locking my sides.

Naipatong ko ang dalawang kamay sa likuran sa magkabilang gilid at nailayo ang katawan sa kaniya nang inilapit niya ang mukha sa akin.

"A-ano? S-sasaktan mo po ulit ako?" My lips trembled. "U-umalis ka—"

"Kagatin mo rin ako," he sliced me off.

His demand bewildered me. Pumantay ang kaniyang mukha sa akin habang ang mga mata ay nakatutok sa aking labi. Bumaba ang mata ko sa kaniyang labing namumula na parang rosas. Parang isang bagyo na nanalasa ang alaala kagabi kung saan nagtagpo ang mga labi namin. 

I didn't even have time to appreciate how the edges of his bottom lip curved desirously, albeit not actually smiling, and the upper lip in a bow shape, like the upper half of a heart. Even the small horizontal lines looked so fine on his lips.

"Come on, Nuala. Bite me back," ulit niya sa boses na nagpanginig sa kalamnan ko.

Bumara ang lalamunan ko nang iawang niya ang labi, handa nang magpakagat.

"A-ayoko po. Ano pong pinagkaiba ko sa inyo kung gaganti ako?" I said in little voice. 

How can I bite his lip when it looks so soft that digging my teeth into it feels so illegal? Siguro 'yong sa akin, dahil parang palaging nakanguso, ayos na kagatin at sugatan. Pero 'yong kaniya...

"Hindi iyon paghihiganti kung ako ang nag-utos at ginusto ko naman. Kaya sige... kagatin mo na ako. Ayos lang." Umangat ang isang sulok ng labi niyang nakaparte pa rin. "But after that... you must eat."

Uminit ang pisngi ko sa mapanuya niyang tono. Naroon pa rin sa labi niya ang mga titig ko. Hindi ko alam kung ano ba ang nag-udyok sa akin na ilapit ang labi sa kaniya. 'Yong makakagat ko rin siya sa labi para maramdaman niya rin ang sakit nang ginawa sa akin o dahil kapag ginawa ko iyon, hindi ko na kailangan magpanggap na gutom? 

Iisipin niya na kaya ako kakain ay dahil pinilit niya ako, hindi dahil gusto ko. Oo! Tama! Mas okay na siguro iyon.

Pumagitan na ang malambot niyang labi sa akin. His upper lip was not touching the top of mine. Halos hindi ko maramdaman ang paghinga niya. My teeth grazed his lower lip and I instinctively nibbled on it, sucked it like some sweet dessert that needs some tasting. Pinalaman niya na rin ang itaas kong labi gamit ang mga labi niya. My fingers curled into my palm as my teeth forcefully sank into his lip.

He pulled himself away from me with a silent curse. Curling his lower lip into his mouth, he glared at me.

"That's what you get!" I stuck out my tongue, feeling great that I had pissed him off.

Kumuyom ang panga niya at lumayo na sa akin. He heaved a sigh and he touched his lips. Bigla akong nakaramdam ng guilt nang makitang dumudugo iyon. 

I bit him hard, didn't I? But... 

"Kumain ka na," aniya sabay dila sa labi at kulong muli nito sa loob ng bibig.

Ngumuso ako. "Galit ka po? You said—"

"Bumaba ka na diyan sa mesa at baka ikaw pa ang gawin kong almusal," he spat and glowered at me again.

I pouted even more before I hopped off the table. Ngumisi ako at nawala na ang tampo kaya sinimulan ko nang magsandok ng kanin. Gutom na gutom ako! Buti na lang at makakakain na ako! Hirap magpanggap na busog, e. Hindi pala puwede sa akin.

Pagdating namin sa school, hinatid niya pa rin ako sa room namin. I smiled at him when he handed me my bag but he only rolled his eyes. Tumalon-talon ako sa harapan niya habang hawak siya sa kaniyang braso at nakalabi. He dipped his head and let me kiss his cheek.

Naningkit ang mata niya habang nakayuko pa rin. "Hindi ka sasabay sa akin kakain mamaya?" 

"Uhm... ayos lang po ba?" I asked worriedly. "Gusto ko po sanang... sumama kina Eris kumain mamaya."

Tumuwid siya ng tayo at ipinasok ang kamay sa bulsa ng slacks. "Kung gano'n, mamayang uwian na lang kita pupuntahan dito." 

Tumango siya at tinalikuran na ako. Hinintay ko muna siyang makarating doon sa hagdan bago ako tumalikod. Saktong pag-ikot ko ay naroon si Eris, nakahalukipkip at nakatingin sa likuran ko. I shrieked and stumbled backwards in surprise.

Humalakhak siya sa reaksyon ko. "Hoy, 'te. Huli ko kayo, ha! Iyon ang jowa mo? Ang laking tao, ah! Parang isang balibag ka lang sa kama!" 

Napakamot ako sa ulo. "Hindi ko po maintindihan ang sinasabi mo."

She smirked and anchored her arm on mine. Nagpadala ako sa kaniya papasok sa loob ng room hanggang sa naupo kami sa aming puwesto. Kalahati pa lang siguro ng mga kaklase ko ang nasa loob lalo pa't mahigit kahalating minuto pa naman ang natitira bago ang unang klase.

Eris put her arm on my armrest and leaned closer to me. Napakurap ako habang tinitingnan siya pabalik. Hinawakan niya ang aking baba at halos halikan na ng mata niya iyon sa sobrang lapit niya.

"Oh my God. Look at your lips! Bakit may sugat at namamaga? Gawa ng laplapan n'yo 'yan, 'no?"

My cheeks and ears were set on fire in embarrassment. Ang lakas kasi ng boses niya kaya napatingin ang iba naming kaklase sa direksyon namin. Hindi ko naman gets ang sinabi niya. 

"Eris, what is laplapan?" mahina kong tanong.

Bahagya siyang lumayo sa akin. Her wide pair of eyes narrowed at my question like she couldn't believe what she had just heard.

"MOMOL, 'te. Make out make out lang. Pero mag-jowa naman kayo so, let's replace the 'lang' ng 'love'. Make out make out with love," she tried to explain.

I only stared at her. I still didn't get it. She groaned dramatically.

"Kiss, ateng! Halikan. Ano? Gets mo na?" 

"Ah..." Tumango-tango ako. "But we did not kiss po. He just bit my lip so hard last night so it turned like this. I got mad this morning because it hurts, you know, so he let me bite his lip, too. Iyon lang po."

"Putang ina." Nasapo niya ang bibig at halos lumuwa na ang mga mata. 

Ngumiwi ako. Her cold hand clutched my arm and nudged me almost violently that my brain jiggled inside my head. Nilapit niya ulit ang mukha sa akin at kulang na lang ay magkapalitan kami ng mukha.

"N-Nagkagatan k-kayo?" nauutal niyang tanong. "Kawawa ka pala sa jowa mo, 'te, kapag nag-chugchugan kayo. Hindi lang labi sa bibig ang mamamaga sa 'yo. Paniguradong pati labi ng kipay mo, mamamaga!"

Lalong uminit ang pisngi ko sa panggigil sa sinabi niya. Minsan talaga, hindi ko alam kung saan nila napupulot ang salitang ginamit. Kahit hindi ko alam kung ano ang kipay na tinutukoy niya, sa paraan ng pagsasalita niya, pakiramdam ko ay kung ano mang nakakahiya at bulgar ang kahulugan nito.

Nag-lecture lang kami sa unang dalawang subject. For our third subject which is P.E, kukunin namin ang aming BMI kaya naman may dala-dalang weight scale at dalawang tape measure si Mrs. Alcazar. Alphabetical iyon kaya naman sa bandang gitna pa ako. 

"Sino ang hindi nakakaalam kung paano i-compute ang Body Mass Index nila?" tanong niya sa klase na maingay na ngayon.

I raised my hand. "Ako po."

Nagtaas siya ng kilay. Siniko naman ako ni Eris sa tabi ko. May sumunod naman nagtaas ng kamay sa amin.

"Alright. Ask your classmates who know how to calculate BMI. Get one-fourth sheet of paper. Doon n'yo isusulat ang computation ng BMI n'yo bago ipasa sa akin. Naiintindihan ba?"

"Opo!" 

"Sige. President, pakikolekta ng mga papel kapag tapos na. Lalabas lang ako at may aasikasuhin ako sa faculty. Huwag kayong magkalat sa labas, ha. Kapag naabutan ko kayo..." 

Iyon ang sinabi ng aming guro pero wala pang tatlumpong segundo nang nakalabas siya, nagsitayuan na agad ang mga kaklase ko at nagkagulo. May nanghihingi ng papel, may pumunta na sa harap (ang mga una sa listahan), at mayroon ding naglalabasan na sa room.

Naglabas ako ng papel at agad may nangalabit sa akin sa likod.

"Pahinging papel."

Binigyan ko naman. Magsusulat na sana ako nang sunod-sunod na ang nanghingi sa akin.

"Thanks, Ate!"

"Ako rin, Ate. Pahingi?"

"Okay..." Sabay pilas ulit ng papel.

"Buti pa si Ate Nuala, namimigay ng papel. Hindi tulad ng iba diyan..."

"Luh? Makapagreklamo ka parang ikaw bumibili ng papel, ah? Buraot 'yan?"

Numinipis na ang pad ng papel ko nang may isang kamay ang pumigil sa pagpilas ko. I looked up to see Eris glaring at our classmates waiting for my paper donation. 

"Tama na 'yan. Doon kayo sa iba manghingi ng papel kung wala kayo." Umirap siya. "Tss. Mura mura lang ng one-fourth, hindi pa bumili. Mahiya naman kayo."

"U-uh, ayos lang po—"

"Hindi ayos 'yon!" tutol niya sa akin at binalingan ulit ang mga nakaabang sa biyaya. "Doon na nga kayo!"

"Papel mo ba 'yan?" sabat ni Racer. 

"Hindi. So?"

"Hindi naman pala, bakit ikaw pa nagdadamot?"

"Bakit hindi ka bumili ng papel mo?"

"People at the back! Racer and company, go back to your proper seats!" Chinggay shouted from somewhere. "Eris, huwag ka na ngang makipag-away diyan."

Mayamaya ay pumunta na rin siya sa row namin at pinaalis ang mga kaklase. Eris sat beside me again and I started writing my name on my paper.

"Hoy, 'te," si Eris sabay kalabit sa akin kaya nilingon ko siya.

"Po?"

Numipis ang labi niya. "Sa susunod, huwag mong ilabas buong pad ng papel mo, ha? Mahal kaya ng papel tapos ipapamigay mo lang sa mga kaklase nating buraot? May baon 'yan na mga pera kaya hayaan mo silang bumili ng sarili nilang gamit sa school at hindi 'yong nambuburaot."

Ngumiti ako. She just told them earlier to buy their own paper because the price is cheap and now, she's telling me otherwise.

"Ayos lang naman po. May pambili naman po ako kapag naubos..."

"Naku!" Halos ipukpok niya sa akin ang ballpen na hawak. "It is okay to be generous sometimes but do not overdo it! Aabusuhin ka at sa huli, ikaw pa mamumulubi. Hindi sa pagdadamot, ah? Isipin mo na lang na pinaghirapan 'yan ng magulang mong bilhin para sa 'yo tapos ang daming makikinabang na wala namang ambag sa buhay mo?"

Ang gilid ng labi ko ay kumurba pababa nang banggitin niya ang salitang magulang. She must've thought it were my parents who are still supporting me financially. Pero naisip ko si Kuya Lair na siyang naghihirap at gumagastos para sa akin—sa amin. And I was even proud to tell her that I could buy another pad of paper when I'm not even earning a centavo.

Eris had a point. But... I don't know how to refuse without offending people. 

"Huwag kang masyadong mapagbigay. Baka walang matira sa 'yo niyan." Eris smirked and returned her attention to her own paper.

Bumagsak ang tingin ko sa sariling papel. Pagkatapos niyang magsulat ay tinuruan niya ako kung paano mag-calculate ng BMI. Madali lang naman lalo na at puwedeng gumamit ng calculator sa phone. Nilabas ko ang sa akin at agad namang natuon doon ang pansin niya.

"Pahingi nga akong number mo. Saka may Facebook ka ba? I'll add you! Para masali kita sa GC natin."

"Uhm... meron po ako," sabi ko at kinalikot ang phone para ibigay sa kaniya ang number ko at name sa Facebook.

"Sino nagpangalan sa 'yo? Hirap banggitin ng pangalan mo, ah?"

"Parents ko po siguro."

"Grabe, 'di ko naisip 'yon, ah. Very shocking."

Humagikgik ako. "Okay lang po—"

"Heh!" Tinampal niya ang balikat ko. "Ang ibig kong sabihin, sino sa parents mo ang nag-isip ng pangalan mo? Sa'n kaya nila nakuha names mo. Paano nga i-pronounce 'to? Finola? Yu-la-li Finola? Parang tinola lang?"

"Fin-nyu-la po. Long 'u' sound. Not soft 'o' po," I corrected with a smile. "Tama ka po sa Eulalie."

"Ampucha naman. Hindi ko talaga ma-gets kung bakit may mga letter sa pangalan na 'di naman kailangan. Pampahaba lang 'yan kapag nagsusulat, e." Umismid siya at ibinalik na sa akin ang cell phone ko. "Nasa contacts mo na 'ko. Erisexy ang pangalan."

"Okay..."

When my name was called to take my weight and height, pumunta rin si Eris at ang ibang kaklase namin sa harap at pinanood ako. I scrunched my nose as I removed my shoes beside the teacher's table. Una akong lumapit doon sa tape measure na nakadikit sa pader sa gilid ng blackboard. 

"Pagdikitin mo paa mo," utos ni Pancho na siyang may hawak ng ruler at nasa harapan ko.

Sinunod ko naman siya at dumikit ako sa pader. Kumibot ang labi niya pagkatapos ipatong ang ruler sa ibabaw ng uluhan ko. Ngumiti ako sa kaniya at kumurap-kurap.

"Four-seven. Pandak." He chuckled. "Next!"

Umalis na ako roon at pumunta naman sa may weighing scale. 39.3 kilograms. Abang na abang ang mga kaklase ko sa lumabas sa akin at hindi ko alam kung bakit.

"Bigat mo for four-seven! Forty kilos si Annie kanina, e, 5'1 na 'yon, ah?" sabi ng isa. "Sa mukha mo siguro napupunta ang taba mo, 'no?"

I consciously touched my face. May mali ba sa mukha at weight ko? 

Bumili lang kami ng pagkain sa Dagohoy dahil may tinapos kami sa Math kung saan kasunod nito ay ang break time namin. I replied to Kuya Lair's text asking if I was already having my lunch.

Lairgren:

take a picture

"Aba, aba, picture... anong picture 'yan, ha?" Sinundot-sundot ako ni Eris sa tagiliran matapos niyang makibasa sa phone ko. "Noodles?"

"Noodles?" Kumunot ang noo ko. "I'm not eating noodles po."

Umirap siya at nagpatuloy na lang kumain. Kinuhanan ko naman ng litrato ang pagkain ko at iyon ang s-in-end kay Kuya.

Lairgren:

lol. not the food. i meant ur picture while eating

"Eris..." Kinalabit ko siya.

"Hmm?" Lumingon siya sa akin pero ang mata ay nasa papel pa na katabi ng pagkain niya. "Ano?"

"P-puwede pa-picture? Ako saka po 'yong pagkain..." Nilahad ko sa kaniya ang phone ko. "I don't know how to take a picture of me and the food."

"Okay!" Ngumisi siya at tinanggap ang phone.

Hinawakan ko ang plastic spoon and fork at humarap sa camera. Eris counted to three before she returned my phone to me. Ise-send ko na sana iyon kay Kuya Lair nang may tumawag sa akin mula sa labas kaya nilingon ko.

"May naghahanap sa 'yo!" Humagikgik pa si Vanessa. 

Binitiwan ko ang phone sa mesa at lumabas na ng room. Gumuhit ang ngiti sa labi ko nang nakita si Kuya Rain na nakasandal sa may railings at nakanguso, mukhang inaabangan na ang paglabas ko. Ngumisi siya at dumiretso nang tayo nang namataan na ako.

Lumapit agad ako sa kaniya. "Hello po! Tawag n'yo po ako? Bakit po?"

Kulay dark brown na ngayon ang buhok niya na medyo magulo. Naka-civilian din tulad ni Kuya Wai kahapon at may suot ding parehong lanyard. 

Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang maliit na paper bag nang iangat niya iyon para ipakita sa akin. I craned my neck and read what was written on it: Power MAC Center.

"Para sa 'yo," nakangiti niyang sinabi. 

Still confused, I accepted the paper bag and took a peak of what was on the inside. Nilabas ko ang isang puting box at napaawang ang bibig nang makita ang isang phone. Phone? E, meron na ako nito, e. Bakit binibigyan pa ako ni Kuya Rain?

Napalunok ako at ibinalik ang box sa lagayan bago tumingala ulit kay Kuya Rain.

"Kuya Rain—"

His smiled faded. "Huwag mo nang subukang ibalik. Hindi ko tatanggapin."

"P-Pero—"

I curled my lower lip into my mouth when annoyance etched on his face. Hala, paano ba 'to? Ba't niya ako binibigyan bigla nito? Hindi naman ako nanghingi sa kaniya. Saka may ginagamit na akong phone. Hindi naman yata puwedeng dalawa ang gamitin ko.

"Babalik na ako sa building namin," paalam niya sa malamig na boses at tinalikuran na ako. "That's already opened. Nakalagay na rin ang number ko diyan. I'll contact you there, Tala. Sagutin mo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top